Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
NOTIFICATION:
You and Jongin Liked each other
Tinder Conversation:
J: Hi! K: Hello ^_^ J: Katabi lang pala ng school ko yung school mo? K: Oh? Ay oo nga no Obvious sa Uniform mo .. Hehe J: so.. what got you here? parang 1st time mo mag Tinder? K: AHAHAHA Pano mo naman nalaman na Parang 1st time ko? J: Eh.. Obvs naman.. kasi pati Address mo nilalagay mo .. di naman to FB. haha. K: Ganun ba? Sige Tatangallin ko nalang pero tama ka naman din sinuggest kasi ng Bestfriend ko para daw ma libang ako? J:Free ka ba? K: Kelan? J: Like Tonight? K: Seriously?! J: Oo. Late Gimiks or Late Talks? K: Uhm.. Late Talks huh? J: Yeah! You Should Try! I’ll pick you up in 5 mins. K: HALA! Oi HAHAHA J: Dali na Please Try Natin? K: sige sige !
AT DITO NAG SISIMULA ANG KWENTONG KYUNGSOO AND JONGIN TINDER LOVE STORY..
Nagmeet si Kyungsoo at Jongin, sinundo ni jongin si kyungsoo gamit nito ang kanyang kotche na regalo pa ng dad nya nung last Birthday nya at Pumunta sila sa isang cafe nagutom si Jongin at ito din ang perfect place para makipag meet with a stranger. Umorder si Jongin para sa kanila at habang ito’y nag aantay inistalk ni Kyungsoo ang Profile ni Jongin sa Facebook at Instagram at tila mistulang bumibilis ang tibok ng puso nya habang nakikita ang mga pictures ni jongin sa hindi maintidihang dahilan at nag scrolldown sya at tila huminto ng bahagya ang puso nya dahil nakita nyang naka in a Relationship Status ito
“Kim Jongin is in a Relationship to Kim Jennie” Tinignan nya si Jongin tas napangiti to sakanya at sa isip isip ni kyungsoo “Baka nga Bored lang to no attachments at nag tinder lang naman ako para mag ka Companion ako pag medyo Lonely dba dba?” Pilit nyang ipinapapasok sa utak nya. Dumating si Jongin sa table nila at ibinaba nito ang tray na may 2 milkshake at 2 Chocolate cake tsaka umupo “okay ka lang Kyungsoo?” Tanong ng matangkad na lalake tas tinignan ni kyungsoo si jongin ng naka ngiti “ ah oo! okay lang Wow ang dami naman! Mukang masarap inorder mo ha!” tas napa kamot si jongin sa batok nya “ di ko expect na gusto mo yung taste ko sa mga ganto haha bihira kasi yung ganun” natawa ang maliit na lalake tas umiling “Okay ako sa kahit ano! di ako choosy sa pagkaen”
HABANG KUMAKAEN ANG DALAWA J: so ano course mo? K: ah~ English Literature J: Good. Kamusta naman? K: Okay lang wala pa masyadong mabibigat na loads kasi 1st sem Prelims palang nman. ikaw? J: BSP K: wow.! J: May Girlfriend ka kyungsoo? muntik na mabuga ni kyungsoo yung iniinom nyang milkshake K: hahaha. Wala tas Tumango si Jongin tas ngumiti J: wag ka mailang ganto lang naman ako talaga mag salita ako ba hindi mo ko tatanungin? K: Obvious naman na meron kang girlfriend natawa si jongin J: Nakita mo Fb ko? Dati pa yun wala na kame nun. Tara Stargazing tayo??
Lumakad ang gabi na mistulang parang kay bilis para sa kanilang dalawa hanggang sa pag uwi dala dala ng dalawa sa panaginip ang mga bawat pangyayare at na ulit ng naulit ang mga Late Night Talks nila hanggang sa umabot sila sa 2 taon sa kanilang pagkakaibigan nakatira na sila sa iisang bahay, iisa nalang din ang kama na tinutulugan iisa nalang din ang nararamdaman at iniisip. Laging Hatid sundo ni Jongin si Kyungsoo like mostly araw araw nag mimiss lang si jongin kapag may special project or too much work loads specially kapag Finals na.
HABANG NAG BRE-BREAK SI KYUNGSOO nakaupo si kyungsoo sa may malapit sa exit ng cafeteria at nag tingin sa kawalan at ni hindi nakaen ang pagakain nya may tumapik sa kanyang balikat “Huy Layo ng tingin ano meron? ano balita?” napangisi si kyungsoo “baekhyun ikaw pala! okay naman!” tumaas ang kilay ni baekhyun “parang hindi i know that look though.. don’t pretend i know that look i’ve been your bestfriend since 3 kaya wag kang parang tanga!” natawa ang dalawa “baekhyun di ko na kasi alam kung ano na ba talaga kame.. like wala kaming label di naman nya nababangit na oo kyungsoo! Boyfriend kita basta he keep on telling me.. Babe! don’t worry! ,Bi Don’t think too much!” napa buntong hininga si kyungsoo “ don’t settle for less “Babe!” “ pang asar pa nitong sinabi “Uso naman mag talk like yung dati nyong Late night Talks! i know He’ll understand Take my advice makakahinga ka ng maluwag”
Hanggang sa isang araw Hindi na umuwi si Jongin at kinabukasan na ng tanghali ito dumating, para maligo. Si Kyungsoo patuloy lang sa normal na kinagawian ngunit si Jongin? Hindi na, araw-araw nag-iiba. Hindi na sya natutulog sa tabi ni Kyungsoo, hindi na nya kinakain ang mga agahan na ginagawa para sakanya. Gumigising na sya ng umaga upang pumunta sa gym, na hindi naman nya ginagawa noon. Hindi na rin nya hinahatid si Kyungsoo sa Unebersinad tuwing umaga at hindi nya na din hinihintay sa hapon para umuwi sila ng sabay. At higit sa lahat hindi na nya na rin tinatawag si kyungsoo na Babe kung hindi pangalan na lang nito ang tawag sakanya.
Napag-desisyunan ni Kyungsoo na sya na lang muna ang susundo kay Jongin sa dahilang miss na miss nya na ito. Habang nag-aantay ay naanigan nya ito, Ngumiti sya ng pagka laki laki ngunit nabawi din ito nang makita nya si Jongin na may hawak na isang bubble tea na may dalawang straw habang may babaeng naka-angkla sa braso nito. Kitang-kita ng dalawa nyang mata kung papano hawakan at yakapin ni Jongin ang nasabing dalaga. At lalo pang nagpainit sa mga mata ni Kyungsoo ang mga eksena kung saan hinagkan ni Jongin ang babae. Kitang kita nya kung papano ginagawa ni Jongin ang lahat kasi ganoon din ang mga ginagawa nito sakanya dati. Kung papano hawakan ni jongin ang kanyang batok at saka biglang hahalikan sa noo, kita nya ang buka ng bibig neto "It's a sign of respect" ani nito. Umuwi si Kyungsoo nang araw na iyon habang ang mata ay namumugto. Lumipas ang ilang araw at lingo ay ganun parin si jongin pero ang pinang hahawakan ni kyungsoo ay sakanya parin umuuwi at nakatira si jongin, panalo parin sya sa laban na ito at may pag-asa pa sya, iniisip nya na baka naguguluhan lang si Jongin at gustong makaranas ng excitement kung kaya’t hinayaan nya na lamang ito. Dumating ang isang araw na sinabi sakanya ni jongin na baka umalis na ito sa tinitirhan nila. "Bakit? K..kayo na ba?" sambit ni Kyungsoo na may mga luha na nangangambang pumatak, Napasinghap sa gulat si Jongin "Anong kami na?" "Punyeta ka! Wag ka na mag lihim! Alam na alam kong meron ka nang bago! So ako? Itchapuwera na lang buhay mo?" Hanggang pumatak na ang ang luha sa mga mata ni kyungsoo. "Pero alam mo ang pinakamasakit? Ha!?" Dinutdot ng maliit na lalake ang dibdib ni Jongin "HINDI KITA MAIWAN HINDI KITA KAYANG IWAN HINDI KO MATANGGAP NA MAY PUMALIT AGAD SAKIN SA 3 TAON NATING PAG SASAMA!" hinila ni Kyungsoo ang laylayan ng damit ni Jongin. "Mas masakit na hindi kita kayang iwan kahit alam ko sa sarili ko at tanggap ko na meron na ngang ibang laman yang peste mong pusong mapag laro" Pinigilan ni jongin ang mga luha nyang nagbabanta pumatak at sumagot "Wala namang nag sabi sayo.. na umasa ka..” "Oo nga pala... nakalimutan ko i'm just your fucking pathetic friend" natawa ng pilit si kyungsoo sabay sabing "fuck" panay tulo ang luha nito na sarili nyang pinunasan. "I never said that I did love you... I never said that I liked you... I never said I have feelings for you too... I’m sorry for making such a wrong impression" na pa-lagok si Jongin pagkatapos dahil sumasakit na ang lalamunan nya dahil kanina pa nya pinipigilan ang mga luha nya sa hindi nya maintidihan na dahilan. Tumalikod ang maliit na lalake na humahagulgol na at sinabing, "Pero pinaramdam mo na parang mahal mo ko bakit?" Napatingin si Jongin sa kisame habang kagat ang kanyang labi, "Paki sagot nalang p.lea..se” Singhap ni Kyungsoo. "I thought we were bestfriends?" Sagot ni jongin na tumingin kay Kyungsoo. Mas lalo pang lumakas ang hagulgol ni Kyungsoo, Nag-punas ng luha bago humarap kay Jongin na namumula ang mga mata pero walang bakas ng luha sa mga mata neto "Bestfriends? Walang mag bestfriend na nag-sesex Jongin, Ano ba nagawa ko sayo? Para iparamdam mo na wala akong... wala akong...” Napa titig si Kyungsoo sa mga mata ni Jongin " wala lang ako sayo... wala pala talaga akong kinakapitan" "Wala kong sinabi na kumapit ka." Nilagay ni jongin yung mga kamay nya sa likod. "Sorry kung… nasaktan kita" pahabol nito. "Pero di mo pa sinasagot ang tanong ko..." "Kyungsoo kasi…" Sumabat si.kyungsoo bago pa.makapag salita si Jongin "SAGOT!" "Kasi akala ko okay lang sayo!" Nabiglang sagot ni Jongin dahil unang beses nyang nakita si Kyungsoo na ganito ka-galit sakanya. "Okay? Nakipag-sex ako sayo... tayo tapos okay?! Ganun ba ka bobo tingin mo sakin?" "Hindi Kyungsoo, Hindi!" Sagot ni Jongin, Tumalikod at umalis si kyungsoo. Pumunta sya sa kwarto nila ni jongin para mag-impake ng lahat ng gamit nya.
1 note
·
View note