gleeporeveber-blog
Dessert's love
2 posts
To God be the Glory
Don't wanna be here? Send us removal request.
gleeporeveber-blog · 7 years ago
Text
ANG AKING PANINIWALA
  Bilang isang S.D.A na meber isinasambuhay ko ang mga toro ng aking relihiyon. Sa pag sasamba sa aming Diyos na si Jesus at pag dasal sa kanaya ng araw-araw, Merong mga batas na dapat sondin at gawin gaya ng siya lang ang Diyosna  dapat sambahan. Pero ang mga batas na binigau nya ay para to lahat sa kabutihan natin. Samga na natotonan ko ay na dapat ibahagi an gating Diyos sa mga walang alama sa tunay na Diyos
0 notes
gleeporeveber-blog · 7 years ago
Text
“Kainan Na”
Ito ang mga masayang katagang karaniwang naririnig kapag mayroong malaking okasyon o kaarawan. Sinasalamin ng pananalitang ito ang pagkahilig ng Pilipino mapabata man o matanda sa pagkain. Isa sa mga katangi-tanging katangian ng kulturang Pinoy ay ang kumain gamit ang kamay. Sa bawat rehiyon din ay may kanya-kanyang espesyal na pagkain.        Sa piging ay hindi mawawala ang mga paboritong lamang-tiyan sa hapagkainan. Ang mga putaheng ito ay resulta ng kasaysayan at iba’t ibang impluwensya ng mga Malay, Instik, Hindu, Kastila, at Amerikano. Ano nga ba ang mga masasarap na putahe na bumihag sa panlasa ng mga Pinoy?
ADOBO
Noong unang panahon, ginamit ng mga sinaunang Pilipino ang suka at asin bilangpreservatives upang hindi kaagad mapanis ang pagkain. Nang dumating ang mga Espanyol sa ika-16 na siglo, nadiskubre nila ang proseso na ito at tinawag itong “adobo”. Kadalasan ang pangunahing sangkap sa pagluluto ng adobo ay ang karne ng manok o baboy. Pwede ring gawing adobo ang pusit at mga gulay. Ito ay niluluto at pinapakuluan kasama ang toyo, suka, bawang, paminta, at dahon ng laurel.
Tumblr media
SINIGANG
Ang sinigang ay isang lutuing pinoy na maaaring may sangkap na karne, isda o iba pang lamang dagat. Pangunahing katangian ng lutong ito ay ang kaniyang naparami at may kaasiman na sabaw. Karaniwang sinasahugan at tinitimplahan ito ng mga maaasim na prutas, katulad ng sampalok, kamyas, o bayabas.  
Tumblr media
  LECHON
Ang lechon ay itinuturing na pambansang pagkain. Ibinibintang na ang lechon ang may kasalanan kung bakit nagkakaroon ang mga Pilipino ng mataas nacholesterol. Ito ay kalimitang inihahanda para sa mga mahahalagang pagdiriwang o kaarawan. Ang baboy o manok ay iniihaw sa ibabaw ng uling. Ang pinakamasarap na parte ng lechon ay ang malutong na balat na may liver sauce.
Tumblr media
MENUDO
Ang Menudong baboy ay laging nangunguna sa mga paboritong lutong Pinoy. Lahat ng tahanan, o rehiyon man, ay may sari-sariling bersyon ng lutong ito na hindi maaaring mawala sa anumang okasyon bilang ‘putahe’ sa hapag kainan. Gayunpaman, lahat ng bersyon ay magkakasingsarap, ngunit ang paborito ng karamihan ay “Ang lutong bahay ni Nanay”.
Tumblr media
KARE-KARE
Gawa ang kare-kare mula sa tuwalya, laman o pata ng karneng baka. May kasama rin itong mga gulay: talong, Chinese cabbage, green beans at asparagus. Ang nilaga ay tinimplahan ng ground roasted peanuts, peanut butter, sibuyas, at bawang. Para sa mas masarap na kain, ito ay sinasamahan ng bagoong.
Tumblr media
BULALO
Ang putahe na ito ay sinasabing nanggaling sa Tagaytay at Batangas. Ang bone marrow at ang pata ay iniluluto hanggang sa matunaw ang collagen at ang taba sa sabaw. Iba’t ibang gulay at prutas rin ang pwedeng idagdag: mais, talong, saging, patatas, carrots, repolyo, at pechay. 
Tumblr media
0 notes