Tumgik
gilucose · 4 years
Text
Multimedia Arts, Sining at ang Importansya nito
Kahit saan tayo tumingin, makikita natin ang sining. Mapa sa artworks man, o sa mga advertisements. Lubos na laganap ang malikhaing pamamahayag sa ngayong panahon salamat sa internet. Ang mga tao’y malayang magbahagi at ipakita ang kanilang talento, Mapa propesyonal man, o pampersonal lamang. Sa gayon, sinasamantala na ng mga kumpanya ang momentum ng pagpalaganap ng sining. Pagandahan at pa”clever”an sila ng kanilang mga advertisements. At sino naman ang kanilang hinahire para lumikha ng mga ito? Ang mga multimedia artists. Ang mga multimedia artists ay hindi lang taga gawa ng mga arts at advertisements, sila din ay nagsusuri ng kanilang merkato upang masmakagawa ng masangkop na produkto o advertisement. Hindi lang advertisements din ang ginagawa ng mga taong ito. Sila din ay nasa larangan ng audyo, animation, film, atbp. Kung wala ang multimedia artists at mga kapareha nito, malamang ang mga advertisements natin ngayon ay walang saysay. Ang larangan ng multimedia arts ay hindi mamaamtay. Bagkus ito nga ay napakabuhay ngayon dahil sa teknolohiya at pangangailangan.
1 note · View note