Photo
{ paglalakbay ;; south korea }
kahit nung bata pa lamang ako, may mga nakilala at kaibigan na ako na galing korea. natitikman ko ang kanilang baon at luto. naririnig ko ang kanilang lenguahe. nakahiligan ko ang ito. lumaki din ako kasama ang aking nanay na nanonood ng k-drama, dahil nanonood siya nun ng “autumn in my heart.” kaya maaga pa lang nakahiligan at nagustuhan ko ang kultura ng south korea.
hindi pa ako nakakapunta dito. baka sa darating na panahon, sana. kaso ito’y nasa itaas ng aking listahan ng gustong lakbayin. gusto kong ma-explore ang mga abentura na maaaring dala nito. gusto kong makita kung ano ang kanilang inaalok.
gusto ko maglakbay sa mga kalye at makita ang iba’t-ibang tanawin at tourist spots. matikman at magtakaw sa iba’t-ibang street food na madadaanan. maransan ang malamig na klima nila. marami akong nais at gustong gawin sa bansang ito. kaso, aba, mas maikasasaya at mas masaya ang paglalakbay na ito kung may kasama kang tao na nagpapasaya sa iyo.
0 notes
Photo
{ kinahihiligan ;; balisong ;; circa 2012- }
noong labing-dalawang taong gulang lamang ako, napanood ko ang isang pelikulang aksyon na nagngangalang “kick ass”. oo, mayroong mga eksenang di tugma sa aking edad noon. ngunit ang tumatak sa aking isipan noon ay gaano kahanga-hanga ang abilidad ng isang karakter na si “mindy” o mas kilala bilang “hit girl. siya’y isang matatag at matapang indibidwal kahit siya’y bata pa lamang. noong nakikila ko siya, ako’y nabighani at inisip: “gusto ko din matulad sa kanya.”
at sa pagkakataon na iyon, ako’y nagmadaling puntahan ang aking tita at ipinakita ang pelikula at isinunod: “tita, gusto ko din niyan.”. nung sunod na araw ay ibinigay niya saakin ang kanyang unang balisong o butterfly knife at isinabi na lumaki din daw siyang marunong. ngayong mayroon na ako, nagsaliksik ako sa youtube kung papaano ang mga iba’t ibang bilis ng kamay. unti-unti akong natuto kahit ako’y dati nasusugatan or nabibitawan ang balisong.
noon (2012) hanggang ngayon na isang dalaga na. nakahiligan ko mangolekta at matuto ng balisong and iba’t ibang armas tulad. masbihasa na ako ngayon sa mga ito at bilis ng kamay. hindi na din ganoon kasakit ang paglalaro nito. at sigurado na ipagpapatuloy ko ang kinakahiligan sa susunod pa na mga taon.
0 notes
Photo
{ stardust ;; two thousand seven }
ang pelikulang ito ay ipinilabas noong 2007. ito’y umiikot sa istorya tungkol sa isang bituin. mayroong aksyon, romansa, sakripisyo, at kasamaan. noong ika- anim na baiting ay napanood ko ito kasama ang aking mga kamag-aral. noong unang inilaro sa teatro at nakito ang intro, inakala ko na magiging mayamot ang pelikulang ito dahil hindi ako kasing gahasa sa mga films, hindi katulad ngayon. ngunit ito’y ang una kong naisip, pinappatuloy ko pa din ang panonood dito.
mahabahaba ang pelikulang ito. kaya’t may katagalan din ako nanood. hanggang pinapanood ito ay unti-unti ako nasisiyahan sa mga pangyayari. nakakaligalig dahil sa aksyon and habulan na nagaganap dito. kahit madaming salungatan ang ginaganap, malamang, makakahanap pa din ng lugar ang pagmamahal.
ang pelikulang ito’y ipinapakita ano talaga ang totoong pagmamahal. Maging sa kasintahan, sa sarili, o sa pamilya. maraming leksyon ang aking nakuha dito. at hanggang ngayon, paulit-ulit ko ito ipinapanood. naging paborito ko itong pelikula panoorin. ipinapakita talaga din dito na kahit anong mangyari, hindi ka mabibigo ng tamang pag-ibig.
0 notes
Note
you're cute i love you
lol ur not jose miguel dumaran francia
0 notes