Tumgik
filipinogroup1-blog · 7 years
Text
POSISYONG PAPEL
Anti: Same Sex Marriage
Ano ba ang same sex marriage? Ang same sex marriage ay ang pagpapakasal ng dalawang tao ba magkaparehas ng kasarian. Ito ay nagdudulot ng diskriminasyon sa ating lipunan sapagkat nawawala na ang respeto sa batas ng panginoo. Ang mga taong gumagawa nito ay kamalian lamang.
Marami ang di sumasang-ayon sa same sex marriage katulad ng mga opisyal ng simbahan at mga taong rumerespeto sa batas ng Diyos. Bakit may ganitong klase ng kasarian ng tao? Wala talagang makakapagsabi sa saktong dahilan. May nagsasabi na ito ay inborn at made that way. Ang iba ay dahil sa pagkakasunud-sunod ng mga anak at kalagayan ng sanggol habang ito ay binubuntis. May nagsasabi na nasa dugo ng pamilya o kinakalakihan nito. Hindi na mahalaga kung saan man sila nanggaling, nirerespeto sila ng mga tao ngunit may iba talaga na ayaw sa mga kasariang ito.
Walang masama kung bakla o maging tomboy ang isang tao. Walang masama ang pakikipagrelasyon sa kapwa kasarian. Matagal nang tanggap ang ganitong klase uri ng relasyon at normal lang naman ito sa panahon ngayon. Tinatanggap sila ng lipunan at sana hindi nila ipagpilitan na ikasal sila. Ang kasal ay para sa lalaki at babae lamang. Ang ganitong uri ng kasal ay kinakasanayan na sapagkat ito ay matagal na tradisyon sa lipunan. Ang ikinakasal ay tinatawag na Groom and Bride, Husband and Wife, Man and  Woman. Ang kasal ay karapat dapat lang sa lalaki at babae.
Ang pagpapakasal ng magkaparehong kasarian ay lumalabag sa batas ng natural law “ Marriage is not just any relationship between human beings. It is a relationship rooted in human nature and thus governed by natural law”
 Ayon sa Balita Online, ang same sex marriage ay ipinaglaban ni Speaker Pantaleon Alvarez . Hindi siya nagkamali na maraming tao ang tututol sa kanyang hinaing. Kabilang dito sina Quezon Rep. Vincent "Bingbong" Crisologo, Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte at Navotas Rep. Toby Tiangco na may kanya-kanyang paliwanag. Ayon kay Rep. Crisologo, "I have been an advocate of the word of God". Ayon naman kay Rep. Villafuerte, unahin muna ang Divorce Bill bago ang same sex marriage. Para naman kay Rwp. Tiangco, ang pagpapaangat ng mahihirap bago ang ganyang bagay.
Maliban sa mga opisyal ng gobyerno, tutol din ang simbahan. Katulad ng tatlong obispo na sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Lipa Archibishop Ramon Arguelles at Malolos Bishop Jose Oliveros. Ayon kay Bishop Ongtioco, ang kasal ay tinatag para sa lalaki at babae. Iginalang ni Bishop Ongtioco ang opinyon ni Speaker Alvarez ngunit dapat unahin ang turo ng simbahan. Ayon naman kay Archbishop Arguelles, ang layunin ng pagpapakasal ay ang magkaroon ng sariling pamilya ngunit kung ang mga magulang ay same sex ang maapektuhan ay ang mga anak sapagkat ito ay di normal. Para naman kay Bishop Oliveros, "It is not a matter of rights but rather a matter  of what is contrary to the nature of marriage".
Ayon naman sa batas na It Defeats the State’s Purpose of Benifiting Marriage” marriage provides the normal conditions for a stable, affectionate, and moral atmosphere that is beneficial to the upbringing of children –all fruit of the mutual affection of the parents …homosexual marriage does not provides such conditions its primary purpose objectively speaking is the personal gratification of two individuals whose union is sterile by nature. It is entitled, therefore to the protection the State extends to true marriage”
  Ang same sex na mga tao ay nakakatulong ito sa lipunan. Hindi ito pinagbabawalan na makipagrelasyon sa kapwa parehong kasarian, hinahayaan itong lumigaya at magbigay aliw sa lipunan gaya ng pagpapakitang gilas ng kanilang mga talento sa iba’t-ibang larangan. Sa usaping pagpapakasal ay maaaring lamang ito sa mga huwes, mayor, kapitan, abogado at iba pa maliban sa simbahan. Ang pagpapakasal sa simbahan ay maaari lamang sa babae’t lalaki na siyang tradisyon na sa mundo simula’t-sapol pa lamang.
-Michelle Capua
Posisyong papel
PRO: Giyera Kontra Droga
Pagnanakaw. Rape. Murder. Araw-araw na naririnig, nababasa at nakikita ang mga krimeng ito sa balita at mga pahayagan. Tumataas ang bilang ng mga krimeng nagaganap at isa sa mga nakikitang puno't dulo ay ang pagkalulong ng mga tao sa ilegal na droga. Ang mga ilegal na droga ay nakapagbabago sa takbo ng isip at katawan ng tao. Paano ba binibigyang aksyon ng pamahalaan ang napakabigat na isyung ito? Sa pag-upo ni Pangulong Rodrigo Duterte, agad nang umarangkada ang kampanya laban sa mga ilegal na droga, ito aya ng "War on Drugs" o Giyera Kontra Droga. Sa pagpatupad ng kampanyang ito, mababawasan ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga drug pusher at users.
Bago pa man napatupad ang Giyera Kontra Droga, ipinagtibay na ang Dangerous Drug Act of 1972. Nais nitong tugonan ang mga problema ukol sa ilegal na droga ngunit hindi ito tuloyang sinunod at maraming lumabag. Hindi sapat ang pagpapatupad ng batas na ito kaya naman ang Giyera Kontra Droga ang nakikitang solusyon upang kontrolin ang problemang ito.
Totoong malala na ang kaso ng paggamit ng ilegal na droga, dahil na rin ang Pilipinas ay popular bilang transit hub ng droga dahil ito ay pagitan ng mga kontinente. Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), mahigit 3,000,000 mula sa 100,000,000 na Pilipino ay nakadepende sa droga. Bukod pa riyan, umabot sa halos 196 na pulitiko at 283 na mga empleyado ng gobyerno ang naaresto.
Ang kampanyang ito ay naglalayong sugpuin ang ilegal na droga at ibunyag ang mga opisyal na may partisipasyon sa pagpapakalat ng shabu (Feliciano, Remate). Walang pinoprotektahan ang pangulo sa kampanyang ito, opisyal man o kasapi ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Umaani man ng mga batikos ang Giyera Kontra Droga dahil nilalabag nito ang karapatang pantao ng mga "kriminal," ngunit binibigyang tuon lang naman ng kampanyang ito ang kapakanan ng nakararami. kung hindi susugpuin ang ilegal na droga, mas maraming karapatan ang malalabag.
Maraming mga benepisyong hatid ang Giyera Kontra Droga. Base sa rekord ng Philippine National Police (PNP) na pinamunuan ni Director General Ronald "Bato" dela Rosa, 600,000 sa mga drug pusher ang sumuko sa polisya at nangakong magbagong-buhay. Nababawasan na rin ang mga tumatambay sa pagsapit ng gabi dahil maraming mga tauhan ng PNP at AFP ang nag-iikot at nagbabantay sa bawat sulok ng pamayanan upang masigurado ang kaligtasan ng bansa.
Ang kampanyang Giyera Kontra Droga ay nagbibigay ng pag-asa sa mga mamamayang Pilipino na manirahan  sa iasng "drug-free" na bansa. Totoong droga ang sanhi ng karamihang nangyayari sa bansa at nararapat lamang na gamitan ito ng mas mahigpit na pagpapatupad ng batas. Sa pagkakaisa ng mga mamamayan at pamahalaan, hindi malayong masosolusyonan ang mga isyu ukol sa droga at maghahatid ng kapayapaan sa bansa.
Trisha Mae Bahande at Esmail Calaw
Giyera Kontra Droga
Ni: Yeltchin Gonzales at Christian Marie Daria
 Sa termino ni Pangulo Rodrigo Duterte nais niyang sugpuin and drogas sa bansa na nagdulot sa pagimplementa ng “Giyera Kontra Droga”. Ito man ay nagnanais sa kabutihan para sa lahat, hindi pa rin natin makaligtaan ang mga magiging epekto nito sa sangkatauhan at sa mismong bansa.
           Mahigit sa 7000 na ang napatay kaugnay nito simula noong Hulyo 2016 ayon sa Human Rights Watch. Malimit na tinukoy ni Pangulong Duterte ang kanyang “Giyera Kontra Droga” bilang pag-target sa mga drug lord at drug pusher ngunit bakit may mga sibilyang kinikitil na walang kaugnayan nito at kung meron man ay bakit kadalasang mga mahihirap ang pinapaslang? Sa pagiimbistiga ng Human Rights Watch, ang mga biktima ng pamamaslang na konektado sa droga ay halos lahat ay walang trabaho o nagtatrabaho sa mababang uri ng hanap-buhay kabilang ang tricycle drayber, konduktor at mga naninirahan sa iskwater area. Mga sibilyang katulad nila ay pinapatay agad-agad, paano na yung mga taong nakakataas na may koneksyon sa drogas?  Paano nga ba matatapos ang “Giyera Kontra Droga” kung ang mga tinutuonang pansin ay ang mga “sundalo” at hindi ang kanilang “lider”?
           Sa pagsagawa ng patakarang ito, kasangkot din ang mga polisya na nagsisilbing puwersa sana sa pagsugpo o tigil ng droga sa bansa ngunit sila na rin ay nagsasagawa ng extrajudicial killings sa pinaghihinalaang sangkot sa droga. May ilang polisyang umaabuso sa kanilang kakayahang pumatay sa mga kasangkot sa droga at ang mismong nagtatanim ng droga sa lugar upang ipatunay na kasangkot nga ang biktima sa droga. Ayon sa 117-pahinang ulat, “License to kill: Philippine Police Killings in Duterte War on Drugs”, ang polisya ng Pilipinas ay pumapalsipika o gumagawa lang ng ebidensya upang mabigyan ng katwiran ang mga pamamaslang ba labag sa batas sa ilalim ng “Giyera Kontra Droga”.
           Sa mga nangyayari sa ating bansa ngayon na sa araw-araw na balita ay nakikita natin ang mga napaslang, namatay, nakulong, at iba pang masamang kaganapan, ano na ang maiisip ng mga kabataan ngayon? Nakakasanayan na nating marinig o makita ang mga namatay, nasaktan, nakulong ng mga mamamayan na naging normal na ito sa atin. Sa paglaki ng mga kabataan ay maaaring maimpluwensyahan ang kanilang pagiisip at kilos dulot nito.
           Mga isyung pagpatay at pagsikil sa karapatang pantao ay nakakahadlang sa kpagunlad ng ating bansa. Hirap na ang Pilipinas na akitin ang mga turista at mamumuhunana sa bansa ayon sa Department of Tourism at Pagcor. Nababawasan ang mga turistang dumadayo sa ating bansa dahil sa panganib at takot dulot nito.
           Sa pangkalahatan, ang ninanais man ng patakarang “Giyera Kontra Droga” ni Pangulong Duterte ay para sa kabutihan sa lahat hindi pa rin makakaligtaan ang mga masamang epekto nito. Malaking sugal ito sa kinabukasang walang kasiguraduhan.
0 notes
filipinogroup1-blog · 7 years
Text
SINTESIS
Sintesis tungkol sa Ang Paglilitis ni Mang Serapio ni Paul Dumol
Extrajudicial Killings at Epekto nito sa Sistemang Panghukuman ng Pilipinas
Trisha Mae G. Bahande 12 – ABM Pounds
 Ang Paglilitis ni Mang Serapio, na isinulat ni Paul Arvisu Dumol, ay isang dulang nakatuon kay Mang Serapio, isang pulubi na kinasuhan ng krimeng pag-aalaga ng bata. Ito ay mahigpit na ipinagbabawal sa Federacion dahil nababawasan nito ang kontribusyon ng pulubi sa kanilang grupo. Sa paglilitis, may dalawang tagapagtanong at hukom na marahas na umuusig sa kaso ni Mang Serapio. Pinapakita sa dula ang kawalang-katurungan at ang iba’t ibang moral at sosyal na isyu sa lipunan.
Puno ng simbolismo ang dula at tumatalakay sa kahirapan, mga grupo ng sindikato at mapagmanipulang sistemang panghukuman. Ang dula ay pang-uuyam sa estado ng kahirapan sa Pilipinas. Malinaw na inilalahad ang kawalan ng kapangyarihan ng mga pulubi laban sa mga nasa mataas na ranggo.
Sumasalamin ang dulang ito sa napapanahong isyung umaaligid sa mga lumalalang kaso ng extrajudicial kilings sa Pilipinas at paano ang pagsasakatuparan nito ay umaambag sa kapintasan sa sistemang panghukuman ng bansa.
Ang extra judicial killings ay mga porma ng ekstrahudisyal na parusa, kasama ang mga ekstrahudisyal na pagsalansang, arbitraryong pag-aresto at detensyon, at nabigong mga pag-uusig dahil sa mga aktibidad pampulitika ng mga nangungunang pampulitika, mga kasapi ng unyon ng manggagawa, dissident at/o mga pigurang sosyal, mga organisasyong pang-pamahalaan, mga mamamahayag sa pulitika, mga lantad na klero, mga aktibistang anti-mining, mga aktibistang repormang agrikultural, mga kasapi ng mga organisasyon na may kaalyado o legal na larangan ng kilusang komunista tulad ng "Bayan group" o pinaghihinalaang mga tagasuporta ng NPA (“Scared Silent” 11).
Sa dula, may grupong Federacion, na isang organisasyon na namamahala sa mga pulubi at kinokolekta ang mga limos na kanilang natanggap. Kabilang si Serapio sa mga pulubi, ngunit siya ay isinuplong sa pamahalaan nang malaman na siya ay may inaalagaang anak. Para sa Federancion, ito ay isang krimeng dapat parusahan ng pagkabulag gamit ang ice pick. Hindi naging makatarungan ang proseso ng paglilitis at hindi nabigyan ng pagkakataon si Serapio na ipaliwanag ang kanyang sarili.
Ayon sa Artikulo 3, Seksyon 11, hindi dapat ipagkait sa sino mang tao ang malayang pagdulog sa mga hukuman at sa mga kalupunang mala-panghukuman at sapat na tulong pambatas nang dahil sa karalitaan.
Pinapatunayan lamang na hindi sapat na dahilan ang kahirapan at kapangyarihan ng nakatataas para bigyan ng hindi makatarungang hatol ang isang tao. Ang lahat ay may pantay na karapatan para patunayan ang kanilang pagkawalang-sala.
Sa pagitan ng mga taong 2001 at 2010, nagkaroon ng 305 na insidente ng extrajudicial killings na may 390 biktima sa Pilipinas. Sa panahong ito, 1% lamang ng lahat ng extrajudicial killings ang nagresulta sa isang conviction (Al Parreno 2010).
Nakikita sa dula ang katiwalian sa Pilipinas at ng sistema. Anoman ang mangyayari sa paglilitis ni Mang Serapio, tatanggapin niya pa rin ang kaparusahan ng pagkabulag. Wala siyang pag-asa laban sa mga awtoridad na mga manlilinlang sa sistema. Ito ay makatotohanan hanggang ngayon.  
Binibigyang halaga ng Konstitusyon ng Pilipinas ang dignidad ng bawat tao, at kinikilala ang pamamaraan, pati na rin ang makabuluhan at angkop na proseso bilang pangunahing mga karapatan ng bawat mamamayan. Pinoprotektahan nito ang karapatan ng akusado sa isang makatarungang paglilitis, kabilang ang pagkakataon na marinig. Ibinigay nito ang ang mga tao ang karapatan na maging ligtas sa kanilang mga tao at mga tahanan. Ang proteksyon ng karapatan sa buhay at kalayaan ng lahat ng tao ay binibigyan din ng prayoridad.
Ayon sa Journal on threatened Human Rights Defenders in the Philippines (2010), ang extrajudicial killngs ay palaging isang tanda ng isang pangunahing krisis sa karapatang pantao sa loob ng isang lipunan. Kapag ang estado mismo ay kasangkot sa mga ekstrahudisyal na pamamaslang, malinaw na ang batas na ito ay direktang lumalabag sa tungkulin ng estado na protektahan ang karapatan ng mamamayan sa buhay (1-2).
           Ang bawat mamamayang Pilipino ay may mga karapatan sa buhay at kalayaan. Ang mga batas na inihain ay ginawa upang protektahan ang karapatan ng bawat isang mamamayan. Kung may paglabag ng batas, napakadaling umakusa ng isang tao upang hatulan at bigyan ng karampatang parusa ang kriminal. Ang karapatan ng isang mamamayan ay napakasagrado kaya ipinatupad ang isang sistema para masigurado na ang karapatan ng bawat isa ay hindi malabag. Ang proteksyon sa karapatan ng isang mamamayan ay mas importante kaysa sa paghatol sa isang pinaghihinalaang kriminal.
           Kung mamasdan ang tema ng dula, may matalinong paggamit ng pagwawangis at simbolismo upang maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang mga katotohanang nagaganap sa pulitika at sa lipunan. Si Serapio ay maaaring ihalintulad kay Kristo. Ang dalawa ay inuusig ng mga taong gusto nilang iligtas. Ang buhay ni Serapio ay gumigising sa diwa ng kapwa niya pulubi at tagausig na sumalungat sa hindi makatarungang sistema.
           Lahat ng bagay tungkol sa ating sistemang panghukuman – ang mga detalyadong batas, mga ahensiyang nagpapatupad ng mga batas, mga korte, tuntunin ng hukuman, hukom at mga mahistrado, lahat sila ay umiiral para sa isang bagay. Ito ay para sa proteksyon ng walang-sala at hindi ang pag-uusig ng pinaghihinalaan. Nasasalamin ito sa dula sapagkat wala naman talagang konkreto at balidong dahilan kung bakit hahatulan ng pagkabulag si Serapio.
           Isa sa mga pangunahing problema na nabanggit sa dula ay ang tao laban sa lipunan. Ang social stratification ay laganap sa lahat ng mga lipunan, pati na rin ang kawalang katarungan sa lipunan at hindi pagkakapantay-pantay. Si Serapio ay nabibilang sa mga pulubi at mas maraming tao ang mas malakas at mataas sa kanya kaya naman ginagamit ng mga taong ito ang kanilang kapangyarihan para makakita ng butas o pagkakamali para maparasuhan siya. Ang naging kahinatnan nito ay ang pagkabulag dahil sa isang hindi karaniwang krimen, ang pag-aalaga ng anak.
Ang National Statistical Coordination Board ay nag-ulat na noong 2013, 24.9 porsiyento ng mga Pilipino ay nasa ibaba ng linya ng kahirapan. Ang dahilan dito ay ang naghaharing uri na kumokontrol sa pulitika sa bansang ito, samakatuwid, ang ekonomiya ay nakuha mula sa mga tao ang lahat ng mga pakinabang ng pagpapalawak ng ekonomiya, at ang anumang natitira para sa mahihirap ay nahahati rin sa mga makapangyarihang pulitikal na pamilya, na pinangungunahan ng kanilang mga kamag-anak na nagpapanatili sa pagsasamantala ng masa.
Sa kanyang artikulong “Comparing extrajudicial killings in the Philippines and US,” ipinaliwanag ni Vicente L. Rafael na ang mga pulubi ang target ng extra judicial killing. Ang mga maimpluwensya at mayayaman ay inakusahan ng publiko ngunit inalis mula sa pagpapatupad at ipnasailalim pa sa pagsisiyasat, tulad ng mga heneral ng pulis. Gayunpaman, para sa mahihirap, walang naaangkop na proseso. Ang suspetsa o akusasyon ay sapat na warrant para patayin sila. Ang kanilang mga katawan ay ipinapakita, kung minsan ay may mga palatandaan, para makita ng lahat bilang parehong babala sa ibang mga dealers at bilang marka ng kalooban ng isang pinakamataas na kapangyarihan, tulad ng sa anumang pampublikong pagpapatupad. Ang mga terorista sa mga ordinaryong mamamayan, ang pagpapakita ng kanilang mga bangkay ay mga paraan para maangkin ng rehimen para sa sarili ang kapangyarihan ng kanilang mga kaaway at ipahiwatig ang kapangyarihang ito sa mga tao.
Nabibilang din sa mga problemang tinalakay sa dula ay ang tao laban sa tao. Inilarawan kung paano nagagawa ng isang tao na saktan ang kapwa nang dahil lamang sa katayuan at kasakiman.
Sa pagpapatupad ng extrajudicial killings, ang sobrang pagbibigay-diin ng gobyerno sa karapatan ng taong may baril sa karapatan sa buhay at due process ng pinaghihinalaang mga inosenteng sibilyan ay maaaring madaling abusuhin at maling magamit. Ang dahilan ng mataas na bilang ng pagpatay na ginawa ng mga awtoridad ng pulis ay self defense. Mayroon lamang isang dahilan na karaniwan sa lahat ng pagpatay – sinubukan ng target na lumaban pabalik para protektahan ang kanilang sarili, kaya walang ibang magawa ang pulis, kundi ipagtanggol din ang kanilang mga sarili.
           Kung gayon, ipinahihiwatig nito na sa operasyon ng pulis, halimbawa, ang maximum na tolerasyon ay dapat na sundin at ang paggamit ng karahasan ay dapat lamang maging isang huling dulog upang neutralisahin ang suspek (hindi pumatay sa kanila). Nangangahulugan ito na ang puwersa na gagamitin ng mga awtoridad sa isang operasyon ng pulisya na kinasasangkutan ng sibilyan na suspek ay dapat na katumbas (o dapat na mas mababa pa kaysa sa) provocation (Aceron 1).
Ang mga humahawak ng mga instrumento ng karahasan ay parang napapailalim sa mas maraming kontrol dahil sa isang konteksto, ang isang baril mismo ay maaaring maging ganap na kapangyarihan sa buhay ng ibang tao. Ang buhay ng isang tao ay importante at naraapat lamang na gamitin ang kapangyarihan sa tamang paraan.
Sa panahon ngayon, hindi madaling makamtan ang hustisya. Sa dula, kahit bago pa magsimula ang paglilitis, alam na ng mga awtoridad na bubulagin nila si Serapio upang maaliw ang mga tao sa paglilitis, sa halip na gawin itong pagkakataon para mabigyan ng due process ang kaso ni Serapio. Bukod pa riyan, hindi lamang ito nagaganap minsan, kundi lingguhan ang pagpapahirap ng mga salarin sa mga tao upang libangin ang kanilang mga sarili. Si Serapio mismo ay wala sa tamang estado ng pag-iisip.
           Para kay Mang Serapio, ang manika na kanyang inaalaga ay humahawak sa mga alaala ng kanyang mag-ina na pumanaw na. Kahit na mag-isa siya ay sinikap niya pa ring mabuhay at ang manika na lamang ang natitirang pamilya niya. Masakit isipin na kahit ito ay kukunin galing sa kanya. Ito ay sumisimbolo sa munting mga pangarap ng bawat mamamayang Pilipino, na unti-unting nawawasak dahil sa hindi makatarungang pagbibigay ng hustisya. Sa pagtatapos ng dula, tuluyan na ngang binulag si Serapio. Nangangahulugan ito na nabulag na siya sa katotohanan at sa mga karapatan niya bilang isang tao.
               Ang mga tagausig mismo ay biktima rin dahil sa huli, alam naman talaga nila hindi kinakailangan ang pagbulag kay Serapio. Ginawa lang naman nila ito para hindi na mabigyan ng maling pag-asa at pangarap ang iba pang pulubi.
         Maraming isyu ang napag-usapan sa dulang ito, kahirapan na laganap at makikita sa mga kalye dahil sa ma pulubing nanlilimos, pati na rin ang pag-aalipin ng Federeacion o sindikato sa mga pulubi. Ang kawalang-katarungan ay nasasalamin din sa dulang ito. Napapanahon ang paksang ito dahil unti-unti ng nawawala ang tiwala sa sistemang panghukuman, kaya naman dapat hanapan na ng alternatibong paraan ng pagkontrol ng mga krimen – extra judicial killing, gayunpaman, kahit sa pagsasakatuparan nito, nalalabag pa rin ang karapatang pantao ng mga mamamayan (Campaign for Human Rights Philippines 2).
               Sa pangkalahatan, pinapakita ng “Ang Paglilitis ni Serapio” ang katotohanang hinaharap ng Pilipinas. Ang mga taong tulad ni Serapio ay walang kapangyarihan sa kamay ng mga mapanupil at mapagmanipulang tao, ngunit hindi ito dahilan para tratuhin siya sa ganoong paraan. Kahit ano pa ang edad, kasarian, kulay, pinanggalingan, mayaman man o mahirap, ang lahat ay may karapatan para mabigyan ng hustisya.
   Babasahing Tinukoy
 Aceron, Joy. “Extrajudicial killings: Police self-Defense?” Rappler,                 gfgfgfwww.rappler.com/views/imho/142061-extrajudicial-killings-police-self-defense. Accessed gfgfgf11 Sept. 2017.
Lanfer, Anne. “OBSERVER: A Journal on Threatened Human Rights Defenders in the gfgfgfPhilippines.” OBSERVER: A Journal on Threatened Human Rights Defenders in the gfgfgfPhilippines , vol. 2, ser. 2, 2010, p. 1. 2.
Parreno, Al A. (2010): Report on the Philippine Extrajudicial Killings (2001-August 2010).USAID gfgfgfand Asia Foundation Report,Manila.
“PHILIPPINES: Failed justice system cause for extrajudicial killings.” CHRP UK, gfgfgfwww.chrp.org.uk/2016/philippines-failed-justice-system-cause-for-extrajudicial-killings/. gfgfgfAccessed 11 Sept. 2017.
Rafael, Vicente L. “Comparing extrajudicial killings in the Philippines and US.” Rappler, gfgfgfwww.rappler.com/thought-leaders/139862-comparing-extrajudicial-killings-philippines-gfgfgfunited-states. Accessed 11 Sept. 2017.
Sheppard, Bede, and A. Lin. Neumann. Scared Silent: Impunity for Extrajudicial Killings in the gfgfgfPhilippines. Human Rights Watch, 2007.
Sintesis: Karapatang Pantao
May batas na. pinapatutupad para sa karapatang pantao. Ang lahat ng tao ay binibigyan ng karapatan para ipangtanggol ang kanilang sariling katayuan sa buhay. Ayon sa Children and Armed Conflict “Ang lahat ng tao'y isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan. Sila'y pinagkalooban ng katwiran at budhi at dapat magpalagayan ang isa't isa sa diwa ng pagkakapatiran”.
Ang bawat tao'y karapat-dapat sa lahat ng karapatan at kalayaang nakalahad. Sa pahayag na ito, walang ano mang uri ng pagtatangi, gaya ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurong pampulitika o iba pa, pinagmulang bansa o lipunan, ari-arian, kapanganakan o iba pang katayuan. Ang mga ito ay pantay-pantay lamang sa anumang antas. Walang sinuman ang dapat alilain, bubusabusin at anumang anyo ng pag-alila.
Hindi pinahihirapan o lalapatan ng pagmamalupit, di-makatao o di kaaya-ayang pakikitungo sa kapwa tao. Kinikilala ang mga tao o ang bawat isa sa batas may karapatan sa pantay na pangangalaga ng batas sa kanyang bansa.
Ayon sa Children and Armed Conflict “ Ang bawat tao'y may karapatan sa ganap na pagkakapantay-pantay, sa isang makatarungan at hayag na paglilitis ng isang hukumang malaya at walang kinikilingan, sa pagpapasiya ng kanyang mga karapatan at panangutan at sa ano mang paratang na kriminal laban sa kanya.”
Sa dulang “ Ang Paglilitis kay Mang Serapio” ay dapat inaalam muna ng hukoman ang mga krimeng ginagawa ng mga taong nasasakdal at bigyan ng karapatan na magsalita tungkol sa kanyang katayan sa sarili at sa salang itinuturo sa kanya.  Ang bawat taong pinararatangan ng pagkakasalang pinarurusahan ay may karapatang ituring na walang-sala hanggang di-napatutunayang nagkasala alinsunod sa batas sa isang hayag na paglilitis na ipinagkaroon niya ng lahat ng garantiyang kailangan sa kanyang pagtatanggol.
Ang bawat tao'y may karapatan sa isang pagkamamamayan.Walang sino mang aalisan ng kanyang pagkamamamayan ng walang katwiran ni pagkakaitan ng karapatang magpalit ng kanyang pagkamamamayan.
Si Mang Serapio ay hindi man lang pinakinggan ang kanyang paliwanag at hindi inintindi ang kanyang sitwasyon na maaaring hindi pa niya tanggap sa kanyang buhay na wala na siyang pamilya at sa isang manika lamang niya ibinigay o inialay ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak at pagkasabik na makapiling ito.
“Walang sino mang aalisan ng kanyang ari-arian nang walang katwiran.”  Sa linyang ito ay maihahantulad ko sa kuwento ni Mang Serapio na pinaratangan siya ng kanya kapwa pulubi na mayroon siyang anak na inaalagan para lamang makuha ang kanyang mga ari-arian at magkaroon ng porsyento sa kanyang kita, hindi ito sapat na dahilan para lamang kunan mo ang isang tao ng mga bagay na dapat sa kanya o pag-aari niya.
Ang bawat tao ay may karapatan sa kanyang pinagkukunang pangkabuhayan na gastain ito sa paraan na kanyang gusto sa mabuting paraan.
 Halos 2,000 taon na ang nakalilipas, tumpak na inilarawan ng Bibliya ang magiging ugali ng mga tao sa panahon natin.:sa 2 Timoteo 3:1-4.“Sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan. Sapagkat ang mga tao ay magiging mga maibigin sa kanilang sarili, mga maibigin sa salapi,  mga walang utang-na-loob, mga di-matapat, mga walang likas na pagmamahal, mga hindi bukás sa anumang kasunduan, mga walang pag-ibig sa kabutihan, mga mapagkanulo, mga matigas ang ulo, mga mapagmalaki, mga maibigin sa mga kaluguran kaysa maibigin sa Diyos.”
 Batay sa  2 Timoteo 3:1-4 tunay ngang nagbabago ang tao. Maaari pa lang maging isang sakim ang tao sa anumang bagay. May mga bagay na nag-uudyok sa kanila na gawin ang mga di kaaya-ayang gawain kahit alam nila ang tama at mali.
             Sa kuweto o dula na “ ang paglilitis kay mang serapio” ay nagpapatunay lamang  na nangyayari talaga ang bagay na ito. Mga diskriminasyon na natatanggap na iba ang iyong katayuan sa lipunan, mahirap, at walang maipagmamalaking posisyon sa lipunan. Inaabuso ito ng mas nakatataas na tao tulad ng pagkuha ng autoridad sa mga tao na kaya nilang manipulahan sa pamamagitan ng kanilang kapangyarihan. Gumagawa sila ng mga krimen na malaya sa mata ng tao tulad ng mga nangyayari ngayon sa ating bansa isa na rito ang korapsyon kaya mahina ang pag-unlad ng ating bansa.
             Ang korapsyon ay ang pagnanakaw ng pera sa gobyerno na siyang buwis ng mga tao. Ito ay pinaghirapan ng mga tao upang nakatulong sa pag-unlad ng bansa natin ngunit ito ay inaabuso at isinawalang bahala ng mga taong corrupt.
  Ito rin  ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan.Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korapsiyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan.Sa pilosopikal, teolohikal, o moral na talakayan, ito ay tumutukoy sa espiritwal o moral na kawalang puridad at paglihis sa anumang kanais nais na pag-aasal.
 Maihahalintulad rin sa extrajudicial killing ang dulang “ Ang paglilitis kay Mang Serapio” dahil hindi man lang binibigyan ng pagkakataon na magsalita sa hukuman at malayang magpaliwanag ang mga bagay tungkol sa kanilang sa salang  ginawa.
                         Ang extrajudicial killing ayon sa  I”ito ay pagpaslang o pagkitil ng mamamayan nang walang hustisya o hindi ligal ang pamamaraan na mismong ginawa ng may mga kaukulan sa batas, Wala itong kaparaanan ng batas (due process) sa ligal na hurisdiksyon.”
           Hindi dapat hahatulan ng anumang parusa ang isang taong nasasakdal na hannga’t hindi pa napapatunayan na siya nga ay may kasalanan o siya nga ang gumawa sa krimen. Sa kuwento naman ni Mang Serapio ay hindi siya pinakinggan sa kanyang paliwanag kung hindi pinarusahan ito ng pagkabulag na siyang labag sa karapatang pantao. Ang mga iligal na organisayon tulad ng federacion na sinalihan ni Mang Serapio ay dapat pugsain ito ng pamahalaan ng isang bansa para matigil na at mabawasan ang krimen na nangyayari sa ating bansa. Lingid sa kaalaman ng mamamayan ay marami pa lang mga sindikato ngayon sa ating bansa na umiiral sa pamamagitan ng pagbibihis ibang anyo .
           Ang criminal justice system sa bansa, ayon kay Edre Olalia (2017) abogadong pangkarapatang pantao at pangkalahatang kalihim ng NUPL, sa panayam ng Altermidya-People’s Alternative Media Network. Mabagal ang ito sa maraming mga dahilan. Marami umanong pasikut-sikot na sa bawat inog ng kaso itinataas sa korte.Hindi rin umano accessible abot-kamay, at magastos ito. Hindi umano sumasapat ang mga pro bono o libreng abogado. Gayundin, marumi umano at kurakot ito kabilang ang mga palakasan at padre-padrino.
           Sinasaad lamang sa linyang ito na imbis matulungan natin o ng mga abogado ang mga nsasakdal ay hinihingan pa nila ito ng malaking perang ibabayad sa kanila bago maipanalo ang kaso minsan ang iba ay umaabuso na at kinokorap pa nila ang perang ibinayad, may mga libreng abogado nga galing sa gobyerno ay hindi naman sapat para maipanalo ang kasong kinakasangkot.
             Nakalulungkot isipin na ang hustisya sa Pilipinas ay sadyang mabagal. Marami ang kinamamatayan na lamang ang kasong kanilang isinampa at hinaharap. Marami kasing balakid sa pagtatapos ng isang kaso at paghahanap ng katotohanan.
Kadalasan ay bigo ang isang mahirap sa paghingi ng katarungan kung mayaman ang kalaban nito. Ang hindi pantay na hustisya sa pagitan ng mayayaman at mahihirap ay isang malinaw na balakid para sa katarungan. Hindi rin patas ang hustisya sa Pilipinas sa pagitan ng ordinaryong tao at may kapangyarihan o maimpluwensya.
Ang pinakanagpapabagal sa proseso ng katarungan sa Pilipinas ay ang makalumang metodo at paraan nito. Habang maraming bansa sa mundo ang kumikilala sa “jury system”, dahil ‘di hamak na mas mabilis ito, ang Pilipinas ay nakapako pa rin sa tradisyunal na metodo, kung saan ay may iisang hukom na magsisiyasat ng katotohanan sa mga ebidensya at nagpapataw ng parusa sa nagkasala.
Sa dami ng krimen at mga kasong isinasampa sa korte, habang kakaunti naman ang mga hukom sa Pilipinas, nagpapatung-patong lamang ang mga kasong hindi natatapos at nababaon lamang sa limot.
  Babasahing Tinukoy:
  “PANDAIGDIG NA PAGPAPAHAYAG NG MGA KARAPATAN NG TAO.” United Nations, United Nations, childrenandarmedconflict.un.org/keydocuments/filipino/universaldeclara1.html. Accessed 13 Sept. 2017.
 “ANG KORAPSYON.” Corruption in Philipppines, 373ainah.blogspot.com/2015/03/ang-korapsyon.html. Accessed 13 Sept. 2017.
 Kawalan ng Katarungan-Ang mga Sanhi Nito — Watchtower ONLINE LIBRARY, wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102012162. Accessed 13 Sept. 2017.
SINTESIS: TATSULOK
Mula sa Dulang “Paglilitis ni Mang Serapio”
 Sumisimbolo ang tatsulok sa socio-political structure dito sa Pilipinas. Ipinapakita nito kung sino ang may impluwensiya at may kapangyarihan sa batas ang siyang nasa taas ng tatsulok. Habang mga nasa ibaba ng tatsulok ay ang nakararaming naghihirap na di nakakaranas ng hustisya.  Ipinapahiwatig ng pamagat na ito, ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga mahihirap at mayayaman at ang pagkontrol ng mga may kapangyarihan sa mga dukha. Ang katarungan o hustisya ay ay tumutukoy sa katuwiran at ang pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harap ng batas o sa harap ng hukuman. Binibigyan ng makatarungang paghuhukom dahil ang bawat tao'y may karapatan sa ganap na pagkakapantay-pantay, sa isang makatarungan at hayag na paglilitis ng isang hukumang malaya at walang kinikilingan. Katulad ng dulang isinulat ni Paul Dumol na pinamagatang Paglilitis kay Mang Searapio na na inasukahan at pinarusahan dahil sa paglabag sa batas. Nakapaloob dito ang paksang maaring maiugnay sa isyu patungkol sa Extrajudicial Killing.
 Pinapakita sa dulang ito ang kahayupan at paglapastangan ng tao sa kapwa niya tao at ang pag-asang nagtatago sa bawat pangyayari maging ito man ay masama o nakadudurog-puso. Ang dulang ito na pinamagatang Paglilitis ni Mang Serapio. ay umiikot sa paglilitis ng isang pulubing nagngangalang Mang Serapio na inakusahan sa kanyang pagkakasalang: Pag-aalaga ng isang bata, na tinaguriang isang paglabag sa isa sa mga batas ng pederasyon ng mga pulubi. Ang ginawang ito ni Mang Serapio ay isang napakalaking pagkakasala sapagkat ayon sa batas ng pederasyon, nawawalan ng taunang kita ang nasabing pederasyon tuwing may inaalagaang bata ang isa mga kasapi nito. Sapagkat naniniwala sila na sa bata napupunta ang kita imbes na sa kanila. Dito mapapansin ang pagkagahaman ng mga tao sa pera dahil mas inuuna pa nila ang pera kaysa kapakanan ng bata.
 Ayon kay Raffy Tulfo, nakalulungkot isipin na ang hustisya sa Pilipinas ay sadyang mabagal at marami ang kinamamatayan na lamang ang kasong kanilang isinampa at hinaharap. Marami kasing balakid sa pagtatapos ng isang kaso at paghahanap ng katotohanan. Kadalasan ay bigo ang isang mahirap sa paghingi ng katarungan kung mayaman ang kalaban nito. Ang hindi pantay na hustisya sa pagitan ng mayayaman at mahihirap ay isang malinaw na balakid para sa katarungan. Tulad ng dula, pinapakita talaga doon na hindi panta-pantay ang pagtrato kay Mang Serapio dahil hindi siya tinatrato ng mabuti dahil sa estado ng kanyang buhay at hindi binigyan siya binigyan ng pagkakataon na linisin ang kanyang pangalan sa hukuman.
 Ayon kay Kayee (2013), nagsimula ang dula sa loob ng isang hukon kung saan may dalawang tagapagtanong na kinukwestyon si Mang Serapio, hindi lang sa kasalanang binibintang sa kanya kundi pati na rin sa kaalaman niya sa batas ng pederasyon dahil sa loob nito ay may kanya-kanyang klasipikasyon ang bawat miyembro. Tinaguriang karaniwan si Mang Serapio sapagkat wala siyang ibang talent o kakayahan, wala rin siyang ginagamit na sanggol upang makakuha ng awa ng iba, ni hindi rin siya tumutogtog ng kahit anong instrument para maaliw ang madla, hindi rin siya nagkukunwaring pipi, bulag o bingi at wala rin siyang totoong kapansahan na nangangahulugang hindi siya umaasa sa iba para lang mabuhay. Pinagkaila ni Mang Serapio ang bintang sa kanya, subalit handa ang hukom sa pagtutol ni Mang Serapio. Sapagkat nagpatawag ito ng tatlong saksi na siyang di umano ay nakakita sa batang inaalagaan ni Mang Serapio. Sa bandang huli, hinatulan ng hukom na bulagin si Serapio upang tumaas ang kanyang rango sa federacion. Hindi binigyan ng pagkakataon si Mang Serapio na ipagtanggol ang kanyang sarili at kung paano hindi binigyang hustisya ang nangyari sa kanya dahil wala siyang kalaban-laban sa gobyerno dahil siya ay mahirap lang.
 Makikita rin natin na lakanap ang korupsiyon sa Pilipinas ngayon at sa sistema nito. Na kahit anumang mangyari sa hukuman, wala pa ring magagawa si Mang Serapio o sinumang tao na mahirap dahil aakusahan pa rin silang nagkasala at paparusahan ng hukuman. Minsan ang mga taong tulad ni Mang Serapio ay natatapak-tapakan ng may mga kapangyarihan sa lipunan. Ayon kay Tulfo, di hamak na maraming bansa ang kumilala sa jury system dahil mas mabilis ang kanilang Sistema doon ikumpara sa Pilipinas na mabagal, kung saan ay may iisang hukom na magsisiyasat ng katotohanan sa mga ebidensya at nagpapataw ng parusa sa nagkasala. Sa dami ng krimen at mga kasong isinasampa sa korte, habang kakaunti naman ang mga hukom sa Pilipinas, nagpapatung-patong lamang ang mga kasong hindi natatapos at nababaon lamang sa limot.
 Pagdating sa hukuman, ay nagdala ang saksi ng isang lumang baul na pag-aari di-umano ni Mang Serapio bilang ebidensya. Sa loob daw ng baul makikita ang lahat ng mga lumang damit at kagamitan ni Serapio pati na rin ng kanyang anak. Sa pagbukas ng baul, walang nakitang mahahalagang bagay dito maliban sa isang lumang manika na tinatawag ni Mang Serapio na "Sol". Sa bandang huli ay napagalaman na wala na palang asawa si Serapio at ang kaisa-isang anak nito ay tatlong taon na palang patay sapagkat ito ay nasagasaan ng dyip. Nang malaman ito ng lahat, ay lalo pang kinutya ng buong pederasyon si Mang Serapio, at hinagis-hagis pa ang manikang anak nito. Nagmamakaawang hinihingi ni Serapio ang manika. Dito makikita na ang labis na kalupitan at kawalang-langya ng mga tao na nasa mataas na posisyon dahil kahit na anong pagmamakaawa ni Mang Serapio sa kanila hindi parin siya pinakinggan at sa halip siya’y pinarusahan at pinagmalupitan. Dahil ang lahat ng tao ay may karapatang pakinggan ng iba at tumugon.
  Ayon sa Artikulo 8 ng  Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng tao, isinasaad dito na  ang bawat tao'y may karapatan sa mabisang lunas ng karampatang mga hukumang pambansa tungkol sa mga gawang lumalabag sa pangunahing mga karapatan na ipinagkaloob sa kanya ng saligang batas o ng batas. Pero kabaliktaran ito sa ginawa nila kay Mang Serapio na hindi binigyan ng pagkakataon na makapagsalita at binigyan ng karapatan sa mabisang lunas ng hukuman kundi inakusahan ito na walang sapat na ebidensya at pinarusahan na kailangan itong bulagin.   Ayon sa Hearing of a Man Summary, nagtatapos ang dula sa pagsusumamo ng unang tagapagtanong sa mga manonood at kanyang pagsabing kinakaliangan nilang bulagin si Serapio spagkat tinuruan niya ang mga kasapi ng federacion na mangarap  - at ito ang pangarap na makaranas ng isang makataong pamumuhay. Karapatan ng bawat isa na ipagtanggol ang kanyang sarili at wag madaling mauto sa mga mabulak-laking salita ng kahit na sinuman dahil hindi tayo papaya na tapak-tapakan lang ng ibang tao an gating pagkatao dahil lang sa tayo ay mahirap. Matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa na hindi nakadepende sa iba para kung may mga mga tao mang hihilahin tayo pababa para sila ang umangat madali lang tayong makakabangon.
Ayon sa isinalaysay ni Openbible (2017), ang batas ay nilikha upang magkaroon ng kaayusan sa isang partikular na komunidad. Ang mga ito ay nilikha ng mga taong may hustong kaalaman upang mapaigting ang kapayapaan ng lugar. Ito ay dapat na sinusunod at ang lumabag nito ay haharap sa karampatang parusa. Dito papasok ang extrajudicial killing o ang pagpapatay ng isang tao sa pamamagitan ng awtoridad ng gobyerno nang walang kapahintulutan. Dahil lahat naman sa atin gusto ng kapayapaan, dapat bigyan ng karampatang parusa ang nino mang lumabag sa batas para may pagkakataon pa siyang magpaliwanag, hindi yong papatayin o bubulagin na katulad ng ginawa kay Mang Serapio.
             Isa sa malaking isyu o kontrobersiyal ngayon ang hinaharap ng Pilipinas, ang walang tigil na patayan na kaugnay sa kampanyang isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na War on Drugs. Pero nang dahil sa pagpatay sa mga taong inakusahan o inosenti, sila ay hindi nabibigyan ng tamang hurisdiksiyon. Hindi sila nabigyan ng pagkakataon ang kanilang mga sarili na ipaliwanag sa hukuman ang kanilang mga sarili na hindi sila nagkasala at inakusahan lang na wala naming sapat na ebidensya para patunayan ang akusasyon. Dito na pumapasok ang pag abuso ng mga nakakataas ng gobyerno sa kanilang mga kapangyarihan. Hindi sila naging tapat sa kanilang trabaho dahil hindi nila nagampanan ng maayos ang kanilang mga trabaho dahil imbes na sila ay tutulong sa mga taong nangangailangan, sila pa ang papatay. Ito ay hindi makatarungan at ang pagbuso ng kapangyarihan sa paggawa ng mga desisyon tungkol sa mga hindi kaaya-ayang mga bagay-bagay.
Naging maugong na usapin ang extrajudicial killing dahil sa pagpatay sa menor de edad na si Kian Delos Santos  na napagbintangan at inakusahan lang din katulad sa nangyari kay Mang Serapio na hindi dumaan sa tamang paglilitis sa hukom para sa mga parusang ginawa. Kaya naging  sikat ang ganoong isyu dahil na rin sa patuloy na pagdami ng mga taong namamatay araw-araw mapa inosenti man o nagkasala sa batas. Kasi may mga ilang mga kasapi ng gobyerno na binabayaran upang pumatay ng mga inosenti para palabasin na may nagawa sila upang sugpuin ang paglaganap ng droga dito sa Pilipinas. Sa katunayan, mismo ang mga katiwali ng gobyerno ang gumawa at nagpatupad ng batas, pero sila rin mismo ang hindi sumusunod. Dahil nga sila ay makapangyarihan at kayang kontrolin ang lahat, ang kabaliktaran ng tamang batas ay naging tama.
Ayon sa artikulong Pilipino Star Ngayon, napag-alamang umabot na sa 1,490 ang napapatay ng mga sinasabing vigilantes. Halos araw-araw ay may natatagpuang bangkay sa maraming panig ng Metro Manila. Karamihan sa mga natatagpuan ay may tama ng bala at may nakapatong o nakasabit na cardboard sa leeg at may nakasulat na “drug pusher ako, wag tularan”. Nagsimula ito noong sinabi ni Pangulong Duterte sa publiko na magbibigay siya ng pabuya sa mga taong drug pushers, drug lord o kahit na sinuman ang may kinalaman sa droga o kasangkot sa malaking krimen.
             Sa pangkalahatan, alam naman natin na ang katotohanan parin ang mananaig sa huli. Wala tayong karapatang tumapos ng buhay ng isang tao tanging ang Diyos lang ang may karapatan dahil siya ang nagbigay sa atin ng buhay, siya rin lang tatapos sa atin.  Para sa mga taong nagkasala dapat humingi sila ng tawad sa Diyos na pinagsisihan na nila ito lalo na sa mga inosenting taong nadamay bahala na ang Diyos na ang manghusga sa kanyang mga kasalanang ginawa. Hindi pa naman huli para baguhin natin an ating mga sarili para sa kapayapaan at kaunlaran ng ating bansa. At pinakahuli sa lahat, matututo tayong ipagtanggol ang ating mga sarili lalo na sa mga taong may makapangyarihan para mabigyan natin nang makatarungang hustisya ang mga taong inosenti
  BABASAHING TINUKOY:
.
Tulfo,R.https://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=1&cad=rja&uact=8&ved=0ahUKEwjDndi-mJ3WAhUHnBoKHZp1BUUQFggkMAA&url=http%3A%2F%2Fwww.pinoyparazzi.com%2Fbulok-na-sistema-ng-hustisya%2F&usg=AFQjCNGqUolV3Ba08GU17qlu_y4ak5yl7w  Raffy Tulfo, R. Parazzi Wednesday, November 25,2015
 http://www.oocities.org/entablado/Paglilitis/Paglilitis.htm
 https://childrenandarmedconflict.un.org/keydocuments/filipino/universaldeclara1.html
 Affairs, GMA News and Public. “Ang lumalalang mga kaso ng umano'y extrajudicial killings, tatalakayin sa 'Brigada'.” GMA News Online, www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/content/578650/ang-lumalalang-mga-kaso-ng-umano-y-extrajudicial-killings-tatalakayin-sa-brigada/story/. Accessed 11 Sept. 2017.
 http://diamondpaulitagomez.blogspot.com/2008/10/hustisya-para-sa-lahat.html
  - Clyde Angelie Letrondo
0 notes
filipinogroup1-blog · 7 years
Text
Mga Litrato galing sa Bionote
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
filipinogroup1-blog · 7 years
Text
BIONOTE
Bionote ni Clark Carbonilla 
Si Clark Ay isang matagumpay na businessman. Ipinanganak ito noong ika-lima ng Octobre taong 1962 Sa Kulambogan,  Lanao Del Norte. Ang pangalan ng kanyang magulang ay sina Ginoong Erlindo at Ginang Mercedes Carbonilla. Labing apat silang magkakapatid at pangpito siya, Si Meronie Carbonilla naman Ang kanyang asawa at may apat silang anak na nakasalukuyang nag-aaral. Natapus ni Ginoong Clark Ang kursong BS-Forester Sa University of Misamis, Ozamis City Sa tulong ng kanyang magulang, Mahirap man sila pero pinagsikapan niyang itaguyod Ang kanyang pag-aaral at Natapus naman niya ito at nagkalesensyado siya. Kahit Wala man siyang natanggap na iba't ibang parangal Sa kanyang pag-aaral Ay naging matagumpay naman Ang kanyang buhay Sa kabila ng lahat. Napakarami siyang naging hanap buhay bago pa dumating sa puntong siya ay naging matagumpay. Ayon Sa Kanya, Ang pagtiis, pagsisikap at may sapat na kaalaman Ang Susi Sa lahat. Nong ipatayo niya Ang kanyang hardware Ay masyado siyang Maraming kinaharap na pagsubok. Hindi pa man siya nag-retired sa pagka-forester Ay nagsimula na Ang kanyang business at lalo itong lumago nang siya ay mag-retired dahil lahat ng makuha niyang pera Sa kanyang retirement Ay inilaan niya Sa kanyang business. mahigit 700,000 pesos Ang nadagdag niya rito. Sa patuloy na pag-usbong ng kanyang business Ay nagkaroon ito ng mga branches dito Sa Lapu-Lapu City. Ang lahat ng Kita niya Sa kanyang business Ay kanyang inilaan Sa apat niyang anak para Sa kani-kanilang pag-aaral. Mula nong 2011 hanggang ngayon Ay patuloy paring Maganda Ang Daloy ng kanyang business at umaasa siyang mas lalago pa ito.
-Esmail Calaw
BIONOTE ni CLARK CARBONILLA
 Ang Beth & and Clark Trading aymatagal nasa industriya ng negosyo.  Mahigit pitong taon na itong pinalalakad ni   Clark P. Carbonilla katuwang ang  kanyang kabiyak na si Meronie J. Carbonilla. Si Clark o matatawag sa palayaw na “Gamay” ay ipinanganak noong Octobre 5 1962 sa Kulambugan, Lanao Del Norte. Ika-pito sa magkakapatid, sa kabila ng kahirapan ay nagkapagtapos sa pag-aaral na BS-Forester sa Misamis University ng Ozamis Occidental sa pagpupursige at pagsisikap.
 Nagsimula siyang mag negosyo noong taong 1988 ng sari-sari store, banana que, karenderya, junk shop, nagbebenta ng propesyonalna sing-sing at marami pang iba. Para sa mag-asawa ay kulang parin ang kanilang kinikita para sapantustos ng pag-aaral sa kanilang apat na anak. Nagdesisyon sila ng maghanap ng ibang negosyo at balak itayo sa Cebu. Sa tulong ng kanilang kaibigan ay nakakita sila ng lugar na puwedeng pagtayuan ng negosyo at iyon ay isang hardware, sakapitalna 40,000. Pagdaan ng ilang mga buwan ay nakita ng mag-asawa na malakas ang kitang ng kanilang hardware. Kaya nagdesisyon silang palakihin pa ito. Tunay ngang isang matagumpay ang kanilang negosyong itinayo nagkaroon sila ng apat na branches, tatlo sa Lapu-Lapu City at isa sa Mindanao. Sa tulong ng negosyong ito ay nakapagtapos ang kanilang tatlong anak ng pag-aaral sa mga magagandang paaralan. Sa ngayon, ay patuloy paring lumalago ang kanilang negosyo at nakatutulong sa iba.
 -Michelle Capua
BIONOTE NI CLARK CARBONILLA
Nagsimula sa kahirapan at nabuhay sa isang bubong kasama ang labintatlong kapatid at pinalaki ng mga magulang na maging masipag, ngayon, si Clark Carbonilla, kilala rin bilang “Gamay,” ay nakapagtaguyod na ng apat na sangay ng kanyang hardware store, na tinatawag na Beth & Clark Trading, sa  Bangkal, Babag at Gun-ob sa siyudad ng Lapu-Lapu, at isa sa Mindano. Siya ay nakapundar na ng iba’t ibang negosyo at nakatapos ng BS-Forester sa Misamis Universty sa siyudad ng Osamis, kaya naman siya ay nagsilbing forester sa Department of Environmental and Natural Resources (DENR).
Siya ay ipinanganak noong ika-5 ng Oktubre, 1962 sa Kulangbugan, Lanao del Norte at ika-pito sa 14 na mga anak ni Erlindo Carbonilla at Mercedes Carbonilla. Nagtapos sya ng elementarya sa Kulangbugan Elementary School at nagpatuloy sa Holy Cross High School. Katuwang niya sa buhay si Meronie Carbonilla at napaaral ang kanyang tatlong anak sa kolehiyo sa kursong Abogasya, Marine Engineering at Medisina. Ang isa ay nasa elementarya pa lamang.
Bago pa man itinayo ang kanilang hardware store, marami ng negosyo si Carbonilla. Sa taong 1988, nagsimula siyang magpundar ng sari-sari store, nagtinda ng banana cue, nagpatayo ng karinderya at nagbenta ng propesyonal na singsing. Marami silang sinubukan ngunit ang hardware store ang naghatid ng pinakamalaking kita. Nagsimula ang Beth & Clark Trading sa taong 2011, sa tulong ng isang kaibigan na nakahanap ng lugar sa Cebu at gamit ang kapital na P 40,000. Anim na taon na itong nakatayo at patuloy na lumalago.
Sa tulong ng negosyong ito, natustusan ng mag-asawa ang kanilang mga pangangailangan, pati na rin ang pag-aaral ng kanilang mga anak sa kolehiyo. Hanggang ngayon ay patuloy na umuunlad at lumalago ang Beth & Clark Trading.
-Trisha Mae G. Bahande
BIONOTE NI CLARK CARBONILLA
Si Clark Carbonilla ay ang may-ari ng isa sa pinakamalaking tindahan ng hardware sa Gun-ob Lapu-Lapu City ang Beth & Clark Trading. Mula sa isang maliit na tindahan, napalago niya ang kanyang negosyo sa pamamagitan ng pagiging pursigido na umasenso sa buhay. Ngayon, kilala na siya bilang nagmamay-ari ng hardware na isa sa pinakamalaking bentahan ng  gamit pang-konstruksiyon.
Si Clark Carbonilla, o mas kilala sa tanyag bilang “Gamay” ng kaniyang mga kaibigan at kamag-anak, ay isinilang noong ika-5 ng Oktubre, 1962 sa Kulangbugan, Lanao Del Norte. Siya ay 55 taong gulang na. Si Carbonilla ay ang ika-pito sa labing-apat na anak nina Erlindo at Mercedes Carbonilla. Nagtapos siya ng elementarya sa Kulangbugan Elementary School noong 1962 at ng hayskul sa Holy Cross High School noong 1966. Hanggang sa kolehiyo, matapos ang ilang taon ay nakatapos din siya sa kursong BS-Forester sa Unibersidad ng Misamis, sa lungsod ng Osamis sa tulong ng kanyang mga magulang at ang pagiging masipag niya sa pag-aaral.
Nagsimula lang daw sa maliit na negosyo si Carbonilla ng isang sari-sari store, banana que, karenderya, junk shop, nagbebenta ng propesyonal na sing-sing at marami pang iba pero hindi pa ito sapat upang ipang-tustus niya sa pag-aaral ng kanyang mga anak. Kaya napag-desisyunan ni Ginoong Carbonilla kasama ang kanyang misis na si Mercedes Carbonilla na humanap ng iba pang negosyo, hanggang sa nakakita sila ng potensyal na negosyo sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga materyales pang konstruksiyon. Sa  halagang ₱40,000 na kapital ay nabuo ang kanilang pangarap na makapag patayo ng sariling negosyo para umasenso sa buhay.
Sa pagdaan ng panahon, napalago nila ang kanilang negosyo na talaga namang tinatangkilik ng kanilang mga mamimili dahil sa magandang kalidad ng kanilang mga tinitindang materyales kumpara sa iba.  Tunay ngang isang matagumpay ang kanilang negosyong itinayo dahil nagkaroon sila ng apat na branches, tatlo dito sa Lapu-Lapu City at isa sa Mindanao. Sa tulong ng negosyong ito ay nakapagtapos ang kanilang apat na anak ng kanilang pag-aaral sa mga magagandang paaralan. Sa ngayon, ay patuloy paring lumalago ang kanilang negosyo at tumutulong rin sila sa ibang taong nangangailangan upang maibahagi nila ang mga biyayang kanilang natanggap mula sa Diyos. Ang kanilang bahay at negosyo ay bunga raw ng kanilang sipag at hindi pagsuko sa mga pinagdaanang problema.
-Clyde Letrondo
0 notes
filipinogroup1-blog · 7 years
Text
Katitikan ng Pulong
Brotherhood of Christian Businessmen and
Professionals, Lapu-Lapu City Chapter
Harbour City Dimsum Marina Mall Mactan, Lapu-Lapu City
September 2, 2017
 NANGUNA NG PULONG: G. Ferdinang Ang – isang lecturer ng Financial Management sa Unibersidad ng San Carlos at Unibersidad ng Pilipinas
MGA KALAHOK: Mga Businessmen at Professionals
SHARERS: Mga guro o propesor
1. PANIMULANG KANTA AT PANALANGIN: Pinangunahan ni Ginoong Ferdinand Ang, ang pagkanta ng Emmanuelle Song at para sa panalangin.
2. PAKIKIBAHAGI NG PAGKAIN
3. PANGUNAHING PROGRAMA:
3.1 Binigyang pugay ang mga unang beses na dumalo sa pulong na sina Engr. Christopher Ybo na isang Material Supervisor sa Lear at si Engr. Zenny Berdin na isang Product Launch Specialist.
       3.2 Binigyang pugay ang mga panauhin at ang mga nakapagtapos ng apat na almusal.
       3.3 Panimula tungkol sa BCBP
       3.4 Panimula ng magbabahagi nina: Ginoong Rolando “Lindy” Alfar at Ginang Maria Divina “Dinah” Alfar
       3.5 Pagbabahagi tungkol sa mga kabutihang ginawa ng Diyos, mga biyayang natanggap at paano sila nabago sa kanilang paniniwala ng Diyos.
       3.6 Nagkaroon ng sagot na kantang My Soul finds Rest, nagkaroon rin ng tugon ng kasulatan at pagsasara ng panalangin na pinangunahan ni G. Geofrey Baguio.
       3.7 Pagbibigay ng mga tokens para sa mga nagbahagi at unang beses na dumalo sa pulong na pinangunahan ni Ginoong Jun at Ginang Ailyn Torres at nagkaroon ng pagkuha ng mga litrato pagkatapos.
       3.8 Nagkantahan ang lahat ng One Family (BCBP Theme Song) bilang huling kanta sa programa.
4. MGA ANUNSYO:
         - Kaugnayan tungkol sa BCBP Community
         - Mga Regional Meetings at Area Group Meetings
Nagimula: 8:04 am
Natapos: 9:14 am
 MGA DUMALO:
Weejee Labador                  Susan Daclan                  Endi Cuizon
Jenny Labador                    Bing Kohda                     Agnes Duita            
Inday Bahande                   Nida Bollones                  Linda Gastador
Liza Cejas                          Paul Bollones                  Aileen Torres
Geofrey Baguio                   Bebie Ramirez                 Jun Torres
Ferdy Sy                            Ed Ramirez                     Nimfa Abella
Saycon Family                    Abigail Beehagia             Chris Ybo
William Cejas                      Evidrivic Cuizon              Zenny Berdin
  -Clyde Angelie Letrondo
0 notes
filipinogroup1-blog · 7 years
Text
Lakbay Sanaysay
Ganda ng Lapu-Lapu at Cordova Tuklasan
Trisha Mae G. Bahande 12-ABM Pounds
Ang bawat isa ay may kagustuhang malibot ang buong mundo at mamangha sa natatanging kagandahan ng iba’t ibang mga lugar. Sa paglalakbay, nagiging tagapagsalaysay ka sa kuwentong nais mong ibahagi, ngunit bilang isang mag-aaral, paano ba  makalakbay gamit ang limitadong badyet?
Hanggang saan  aabot ang isang daang piso mo? Simple lamang ang solusyon nito, puntahan ang mga lugar na hindi kalayuan kaya naman, pagtutuonan namin ng pansin ang ganda ng siyudad ng Lapu-Lapu at Cordova.
Sa paglalakbay, kasama ko ang aking mga ka-grupo. Mas nagiging kasiya-siya ang gala kung kasama ang mga taong magaling makisama at naiintindihan ka. Nagsimula ang aming paglalakbay sa pagplano. Sa pagpili ng aming pupuntahang destinasyon, inisip namin kung gaano kalaki ang magagastos. Kinabukasan ay inumpisahan na namin ang aming paglalakbay. 
Tumblr media
Ang unang destinasyon namin ay ang kabubukas lamang na Lapu-Lapu City Art Gallery na inaalay kay Police Lt Gen Eleno Amores, Sr., MNSAP, ang kauna-unahang Police Brigadier General sa Gitnang Visayas. Makikita dito ang samu’t saring mga obra ng mga pintor na sumasalamin sa mayamang kultura ng Lapu-Lapu. May mga lumang litrato, iskultura, artipakto at mga obra na nagpapasilip sa nakaraan at mayamang kasaysayan ng siyudad ng Lapu-Lapu. Nabusog ang aming mga mata at bukod pa riyan, walang entrance fee kaya walang nakaltas sa aming badyet na isang daang piso. 
Tumblr media
Sunod naming nilakbay ang bantog na 10,000 roses sa siyudad ng Cordova. May kalayuan ang lugar nito at labinsiyam na piso (19 php) ang nagastos sa transportasyon papunta at pabalik. Ang 10,000 roses ay isang kakaibang atraksyon dahil sa libo-libong kumikinang na mga puting rosas. Nakakamangha ang LED technology  na ginamit sa pagpapailaw sa mga rosas. Bago makapasok ay may entrance fee na dalawampung piso (20 php). Sa pagdating namin, agad  kaming kumuha ng mga litrato sa lugar kahit gaano kainit ang panahon. Matapos mamasyal ay pumunta kami sa souvenir shop sa entrada ng 10,000 roses. Nagbebenta ito ng mga palamuti sa bahay, mga accessories at stuff toy.
Tumblr media
Nabusog ang aming mga mata sa kagandahan ng mga lugar na pinuntahan namin kaya nararapat lamang na mabusog din ang aming mga kumakalam na tiyan. Pinuntahan namin ang Cutsarita’s Sweet Garden dahil  ayon sa mga facebook reviews, ang mga pagkain na kanilang binebenta ay swak sa badyet. Mahirap puntahan ang lugar na ito dahil maraming pasikot-sikot na daanan, mabuti na lang at ginabayan kami ng mga tao roon. Pagdating namin ay nadismaya kami sa lugar dahil iba ito sa aming inaasahan ngunit nabawi naman din sa kanilang binebentang pagkain. Bumili ako ng taco sa halagang tatlumpu’t limang piso (35 php). Totoo talagang swak sa badyet at masasarap din naman ang mga ito. Namangha rin naman kami dahil naging maparaan ang may-ari sa pagtaguyod ng kanyang negosyo sa harapan ng kanyang bahay. Gusto rin naming magkaroon ng negosyo gaya niya. Matapos kumain, sumakay kami ng tricycle at gumastos ng pitong piso (7 php). 
Tumblr media
Gumagabi na kaya pumunta na kami sa huli naming destinasyon, ang simbahan ng Birhen sa Regla. Nagpasalamat kami sa mga biyayang aming natanggap at dahil na rin matagumpay naming natapos ang aming lakbay sanaysay. Bumili ako ng limang kandila na may halagang limang piso (5 php). Maraming taong nakikinig ng misa at nagdadasal. Pinapatunayan nito ang pagiging maka-Diyos ng mga Oponganon. Matapos magdasal ay umuwi na kami, may pitong piso (7 php) na lang akong natira, sakto lamang ito sa aking pag-uwi. Saradong isang daang piso (100 php) ang aking nagastos sa isang araw naming lakbay sanaysay.
Busog na ang aming mga mata, tiyan at kaluluwa sa pinuntahan naming lugar at natagumpayan ang paggastos lamang ng isang daang piso (100 php). Para makalakbay, hindi naman talaga kailangan ang malaking halaga ng pera, basta’t wais at maalam ka, marami kang magagawa at magagamit sa limitadong pera mo.
   Breakdown ng Gastos
 Transportasyon (papuntang Art Gallery)                         7 php
Transportasyon: 10k roses (papunta at pabalik)            19 php
Entrance fee 10k roses                                                   20 php
Cutsarita (taco)                                                               35 php
Transportasyon ( pabalik)                                                   7 php
Kandila                                                                                5 php
Transportasyon (pauwi)                                                      7 php
TOTAL                                                                             100 php
Saan aabot ang ₱100 mo?
Maganda ang maidudulot ng paglalakbay dahit makakalimot ka pansamantala sa mga problema dahil sa kasiyahang dulot nito at makakasalamuha ka pa ng iba’t ibang tao na magbibigay aral at pwedeng maging parte ng ating buhay. Hindi mawawala sa barkada, tropa o travel buddies ang pahirapan sa pagpla-plano nang isang lakad lalo na kung ₱100 lang ang pera. Dito na masusubok kung paano magbudyet o maglaan ng pera para sa mga importanteng bagay na dapat gastusin at kung saan ba ito aabot sa pagpunta sa mga iba’t ibang lugar sa Siyudad ng Lapu-Lapu. Pero ang malaking tanong, saan kaya aabot ang isang daang pesos?
Noong nakaraang Linggo ika-3 ng Setyembre, 2017, napag-usapan ng aking mga kaibigan na mag-lakbay kahit saang lugar ng Siyudad ng Lapu-Lapu na patok sa aming budyet, na  talaga namang tinatangkilik at dinadayo ng mga turista, mapadayuhan man na galing ibang bansa o sa iba’t ibang lugar. Napagkasunduan namin na magkita-kita sa labas ng Hoopsdome ng ala-1 ng hapon upang mapuntahan namin ang kakatayo palang na Art Gallery doon. Pagpasok namin, sobrang namangha talaga ako sa loob ng Art Gallery dahil sa mga nag gagandahang mga paintings, sculptures, litrato ng lumang simbahan ng VDR at ang malaking litrato ng Birhen sa Regla at iba pa. Makikita talaga doon kung paano talaga inalagaan ng namamahala ang lahat ng naka display doon sa Art Gallery. Kumukuha rin kami ng mga litrato doon sa loob bago kami pumunta sa susunod na lugar na aming pupuntahan.
Nang nakapag-isip isip na kami kung saan ang susunod naming destinasyon, pumara kami ng multicab papuntang Cordova at namasahe kami ng ₱10 papunta doon. Ikalawa naming pinuntahan ay ang Day-As, Cordova na sobrang dinarayo ng mga turista ngayon dahil sa napaganda at nakakamanghang hardin ng 10,000 artipisyal na puting rosas na kumikinang tuwing gabi na may LED lights na kapareha sa bansang South Korea. Pagkarating namin sa terminal ng Cordova, naglakad lang kami papunta sa 10,000 roses. Hindi na kami sumakay ng trisikad dahil mas gusto naming maglakad para ma enjoy namin ang paligid. Pagkarating namin doon, kumuha muna kami ng mga litrato sa labas tapos pumunta na kami sa loob para magbayad ng aming entrance fee na ₱20. Pagkabayad namin, nagsitakbuhan kami upang masilayan ng malapitan ang mga 10,000 roses. Kumuha kami ng maraming litrato doon at nanatili ng ilang minuto para mag enjoy bago umalis. Pagkatapos namin doon, lumabas kami upang muling maglakad papunta sa susunod naming destinasyon, pero sinusuwerte ka nga naman nakalibre kami ng sakay papunta sa terminal ng Cordova.
Pagkarating naman sa terminal, sumakay kami muli ng multicab papuntang Looc. Nagbayad kami ng ₱9 bilang pamasahe namin sa multicab. Bago namin marating ang susunod naming destinasyon, masasabi kong hindi madali ang pinagdaanan naming dahil malayo-layo rin ang aming nilakad papunta doon at naligaw kami sa daan dahil hindi naman kabisado ang lugar papunta doon, kaya nag tanong-tanong kami sa mga residente doon. Pumasok kami sa maliit na eskinita at hindi namin talaga inakala na ganoon pala ang lugar papunta doon. Nang marating namin ang inaasam-asam na Cutsaritas Sweet Garden na isang kainan, parang nasa aming bahay lang kami dahil sa ambiance nito. Umorder ako ng burger sa halagang ₱30 at umorder rin ang aking mga kaibigan ng pagkain na kanilang gusto. Masarap ang kanilang mga pagkain doon at swak sa budyet dahil mabibili mo lang ang kanilang pagkain doon sa presyong ₱30-60. Sulit talaga ang burger na aking nabili dahil akoy nabusog talaga at humingi lang ako ng maiinom sa aking isang kaibigan bilang pantulak. Kumuha rin kami ng mga litrato doon at sa aming mga kinain. Pagkatapos, sumakay kami ng tricycle papuntang Opon Merkado at namasahe ng ₱7.
Dahil may natira pang ₱15 sa aking pera, napag desisyonan namin na pumasok ng simbahan at magsindi ng kandila. Bumili ako ng 5 kandila sa halagang ₱5 at itoy aking sinindihan at nagdasal. Pagkatapos naming magdasal, napagpasyahan na naming umuwi dahil gabi na at ang natira nalang sa aming pera ay sakto lang para pang-uwi sa aming bahay.
Sa aming paglalakbay, sa loob ng 7 oras marami akong nalaman sa lugar at dito ko rin nalaman kung bakit nga ito tinatangkilik ng mga turista. Sobrang na enjoy ko talaga dahil hindi ko aakalain na sa halagang ₱100 ay marami akong napuntahang lugar at nabusog pa ang aking tiyan. Napaganda ang naidudulot ng aming lakbay sanaysanay dahil sa ganitong paraan natuto ako kung paano maglaan ng budget at plinanong mabuti ang dapat gagastusin kung kinakailangan ba ito. Marami rin akong natutunan at nadiskubreng kakaiba sa pamamagitan paglalakbay na ito katulad ng ₱100 lang ang dala at malayo na ang mararating ang perang iyan. At masayang maglakbay pag kasama ang ating mga kaibigan o mahal sa buhay.
-Clyde Angelie Letrondo
Lakbay sanaysay: Hanggang Saan aabot Ang isang daang peso mo? Bawat piso Ay mahalaga. Dito Sa mundong ibabaw Ay Marami Ang magagandang tanawin at masasarap na pagkain. Kahit dito lamang tayo Sa ating syudad Ay napakarami ng pwedeng puntahan at pasyalan Kasama Ang mga Mahal natin sa buhay. Kahit Iisang daan Lang Ang pera mo ay Marami ka ng mapupuntahan. Narito Ang ulat ko ukol sa nagastosan ko saaking isang daan Sa paglalakbay ko Kasama Ang aking kagrupo. Kami Ay unang nagtungo Sa art gallery ng ating syudad Malapit Sa hoopsdome at dito namin natamasa at Nakita Ang pagiging malikhain ng mga kapwa Filipino narin, makikita dito Ang ibat ibang ukit ng Mukha ng ating bayani at iba pang Mukha ng mga kilalang tao saating Sa ating bansa. At talaga namang nakakapagrelaks ito Ang Sarap ng sa pakiramdam na makita Ang mga ukit na iyon. Pagkatapos naman Ay kami Ay nagtungo Sa 10000 roses Sa Cordova, at ito Ay nakakatulong matanggal Ang ibat ibang hirap at bigat na pinadadaanan. Pagkatapos naman Ay kami Ay nagtungo Sa isang munting resto Sa Looc Ang cutsaritas sweet garden at kami Ay Kumain. Pagkatapos Ay umuwi na kami. Sa paglalakbay Ay Marami tayong makikita at madidiskobreng ibat ibang Bagay na bagohan Lang saatin. Meron din tayong matutunan pero mas Masaya siguro Kung Kasama natin Ang ating pamilya at may sapat na badyet. 7php -art gallery 10php -10000 roses 10php -cutsaritas 7php -mercado 7php -house 59-pagkain 100 total
-Esmail Calaw
SAAN AABOT ANG ISANG DAANG PESO
Ni: Yeltchin P. Gonzales
 Ang Lapu-Lapu ay kilala bilang isang umuunlad na lungsod dahil sa rami ng turistang bumibista nito dulot ng mga magagandang tanawin, simahan, beaches at dive spots at marami pang iba nito. Ngunit sa laki at rami na mapupuntahan, saan nga ba aabot ang isang daang peso ko sa aking paglaklakbay dito sa Lapu-Lapu City?
               Sa aking paglalakbay dito sa Lapu-Lapu City, una kong pinuntahan ang Arty Gallery na matatagpuan malapit sa Hoopsdome. Napakalinis ng lugar at sa unang tingin ko ay nasabi ko talaga na maliit iyon ngunit sa aking pagpasok ay punong-puno ang lugar ng mga mga artworks, gaya ng mga pinta at iskultura, na hindi mo mamamalayan ang liit ng lugar. Habang ako ay nagmamasid ay nagbabalik tanaw ako sa mga lugar na hindi ko inasahan na napakalaki na pala ng pagbabago. Naalala ko ang mga panahon na parati kong madadaanan papunta sa paaralan noon at may mga lugar din na walang nagbago. Napakaganda sa aking pakiramdam na nakikita ko ang pag-usbong at pagbago ng lugar na pinanggalingan ko noon hangang ngayon.
               Pagkatapos kong pumunta sa Art Gallery ay dumiritso na ako sa Day-as Cordova upang maranasan at makita ang 10 000 Roses. Sumakay ako ng pampasaherong jeep at naglakad patungo doon kahit na napakainit at napakalayo pala nito sa binabaan ko ay nakaya at nalampasan ko din ito at masasabi ko talagang worth it ang lahat ng iyon dahil napakaganda ng lugar at hindi pa gaanong marami ang mga tao doon kaya nakapagkuha talaga ako ng maraming mga litrato at kahit na may mga alingawngaw o sabi sabi na mas magandang pumunta doon kpag gabi dahil sa lumiliwanag ito, maganda pa rin iyon para sa akin at mas pipiliin ko ring pumunta doon sa umaga hindi lang sa kaunti lang ang mga tao doon kundi magagandang litrato ang makukuha mo doon hindi lang mga bulaklak ang makikita sa litrato kung hindi pati na rin ang mukha ko. May souvenir shop din sila na hindi lang mga nakasanayang kagamitan ang kanilang binibenta, may mga stuffed animals at laruan din sila.
Hindi rin ako nagpahuli sa pagpunta sa Cutsaritas Cafe. Napakalayo pala nito sa kalsada kaya medyo napagod ako sa paglalakad. Naglakad ako papunta sa 10k roses lalakarin ko naman ang Cutsaritas Café , oh hindi ba! ang saya-saya ng paglalakbay ko dito sa Lapu-Lapu City. Natagalan ako ng konti sa pagdating sa nasabing café dahil sa pasikot-sikot ang daan at hindi ko gaanong kilala ang lugar ngunit nakarating din ako. Wala talaga akong inaasahan sa lugar kung ano ang mukha nito, ano ang mga pagkain nito, masarap ba o hindi, at iba pa dahil hindi ko talaga gaanong kilala ang café na ito. Hindi gaanong malaki ang lugar, nasa labas lang ito, maganda ang pagsasa-ayos nito at marami-rami rin ang mga pagkain at inumin na binibenta nila. Dahil sa malaki-laki ang nagastos ko sa pamasahe ang nakaya ko lang bilhin ay isang halo-halo. Sa unang tingin ko palang sa halo-halo nasasarapan na ako at sa uang tikim ko ang masasabi ko talaga ay malalasa mo talaga ang niyebe. Akala ko naparamihan yata ng niyebe ang halo-halo ko yun pala hindi ko nahalo ng maayos yung halo-halo ko kaya naman napakatamis na nito dahil nalaman ko lang ito nang malapit ng matapos ang halo-halo ko. Sa kabila ng iyon, nakapagpahinga naman ako doon at umalis upang pumunta sa huling destinasyon ko.
                 Para sa huling destinasyon ko, minabuti ko talagang pumunta sa simbahan ng Birhen sa Regla upang makapagpasalamat sa lakbay ko ngayon na napakasaya at sa paggabay ng Diyos sa akin na hindi ako maligaw, masagasaan at mga possibleng masamang mangyari sa akin. Bumili at nagsindi rin ako ng mga kandila bilang pagsasalamat sa araw na iyon at sana ay makauwi ako sa amin ng ligtas.
-Yeltchin Gonzales
0 notes
filipinogroup1-blog · 7 years
Text
Mga Litrato galing sa Katitikan ng Pulong
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
filipinogroup1-blog · 7 years
Text
KATITIKAN NG PULONG
Katitikan ng Pulong
Brotherhood of Christian Businessmen and Professionals
Mactan Marina Mall, Ibo, Lapu-Lapu City
 Ang organisasyong ito ay samahan ng mga Kristiyanong propesyonal sa iba’t ibang mga larangan na nagtipon-tipon para maitaguyod ang pagiging matapat sa pamilihan.
 Oras na Nagsimula: 8:04 AM
Oras na Nagtapos: 9:14 AM
Petsa: Setyembre 2, 2017
 I.              Mga Pinag-usapan
 Ang pulong ay pinangunahan ng emcee na si G. Ferdinand Ang, isang guro sa University of the Philippines (UP) at (University of San Carlos).
a)    Nag-umpisa ang pagpupulong sa isang almusal kasama ang mga kasapi ng Brotherhood of Christian Businessmen and Professionals (BCBP).
b)    Para pormal na buksan ang pulong, sinimulan ang pulong ng Pambungad na Panalangin at Awitin na “Emanuelle.”
c)    Ipinakilala ang mga bagong miyembro ng organisasyon at inawitan ng mga kasapi.
d)    Ibinahagi ang pagdalo ng bawat kasapi sa mga pulong at binigyan ng karangalan ang mga kasapi na apat na beses ng nakadalo.
e)    Ipinakita ang bidyo ng BCBP na naglalaman ng kasaysayan, misyon at bisyon nito.
f)     Ipinakilala ang mga ‘sharers’ na sina Maria Divina Alfar at Christian Ronaldo Alfar, mga guro. Sila ay pinili ng kalihiman ng pamamahala.
a.    Ibinahagi nila kung gaano kalaki ang papel na ginagampanan ng Panginoon sa pag-asenso nila sa buhay.
b.    May mga trahedya mang humamon sa mag-asawa, hindi sila pinabayaan ng Diyos at mismong mga kasapi pa ng BCBP ang tumulong sa kanila.
g)     Matapos magbahagi ng ‘sharers,’ kinanta ang pantugong awitin, binasa ang salita ng DIyos at pangwakas na panalangin.
 II.            Mga Dumalo
 Weejee Labador
Jenny Labador
Teresita Bahande
Liza Cejas
Geof Baguio
Ferdi Sy
William Sejas
Susan Daclan
Bing Kohda
Nida Billones
Paul Billones
Bebie Ramirez
Ed Ramirez
Marivic Cuizon
Endi Cuizon
Agnes Duita
Linda Gastador
Aileen Torres
Jun Torres
Nimfa Abella
Chris Ybo
Zeny Berdin
 Hindi Dumalo: Wala
 III.           Napagkasunduan
a.    Ang susunod na pulong ay magaganap sa susunod na Sabado, ika-9 ng Setyembre, 2017 sa Ding Qua Qua, Marina Mall, Lapu-Lapu City.
b.    Magkakaroon ng mga ‘area group meetings’ sa darating na linggo.
  Inihanda ni:
Trisha Mae G. Bahande
Katitikan ng pulong: BCBP 
Location: Ding Qua Qua, Marina Mall, Lapu-Lapu City 
 - Fellowship Breakfast 
- Opening song 
- Emmanuelle
 - Opening prayer 
 - Introduction of new members -welcome song - What bcbp is about bcbp-phil.com - sharer : Mr And Mrs Alfar - closing song - acknowledgement tokens - one family bcbp song -Announcement Time started 8 04 am Time ended 9 14 am 
  -Esmail Calaw
Brotherhood of Christian Business and Professionals
Harbour City Dimsum Marina Mall, Lapu-Lapu City
September 2, 2017 | 8:04 am – 9:14 am
 NANGUNA NG PULONG
G. William Ferdinand Ang, isang propesor ng financial management sa University of San Carlos at University of the Philippines.
MGA DUMALO
Weejee Labador          Ferdi Sy                      Niala Billiones              Nimfa Abella  
Jenny Labador            William Cejas              Bebie Ramirez            Jun Torres
Teresita Bahande        Susan Daclan             Ed Ramirez                 Aileen Torres
Liza Cejas                   Bing Cohda                 Zeny Berdin                Linda Gastador
Geof Baguio                Paul Billiones               Chris Ybo                    Agnes Duita
Endi Cuizon                 Marivic Cuizon            Abzal Bechagda
TAGAPAMAHAGI
G. Rolando “Lindy’ Alfar at Gng. Maria Divina “Dinah” Alfar
PAGBUBUKAS/PAUNANG PANALANGIN
Siimulan ang pagpupulong sa isang panalangin sa pamamagitan ng pagkanta ng Emmanuelle.
PARTAKING OF MEALS
MAIN PROGRAM
-       Pagkilala at pagtanggap ng mga bagong miyembro ng BCBP at pagkilala sa kanila. Tradisyon nila ang pagkanta habang nsgshakehands sa mga bagong miyembro.
 -       Pagkilala at pagsasalamat sa mga bisita, tagapakinig at mga graduates o miyembrong nakasama ng BCBP kumain ng almusal ng ika apat na beses.
  -       Pagpapakita ng isang video patungkol sa Brotherhood of Christians Businessman and Professionals o BCBP, kung kalian ito unang nagsimula at kung ano ang nais nitong makamit.
 -       Matagumpay na negosyante at mag asawa na maraming dinaanang balakid sa buhay na sa tulong sa Diyos ay nalampasan nila ang lahat ng iyon.
  -       Pagbabahagi tungkol sa buhay ng mag asawa na si G. Rolando “Lindy’ Alfar at Gng. Maria Divina “Dinah” Alfar at kung gaano kahalaga ang panginoon sa kanilang buhay at ang malaking bahagi nito sa kung saan sila ngayon ng kanilang pamilya at negosyo. Nais nilang maging inspirasyon sa mga dumalo at ipakita ang mga gawa ng Diyos.
 CLOSING PRAYER
Pinangunahan ni G. Geof Baguio pati na rin ang response song at scripture response sa pagtatapos ng pulong.
PAGBIBIGAY NG TOKENS
Pinangunahan ni G. Jun at Gng. Ailyn Torres
FINAL SONG
Pagkanta ng One Family, ang BCBP theme song, ng lahat ng dumalo, bisita at panauhin.
    Ipinasa ni,
Yeltchin  P. Gonzales
0 notes
filipinogroup1-blog · 7 years
Video
youtube
TALUMPATI
0 notes
filipinogroup1-blog · 7 years
Text
Talumpati
Tumblr media
ABAKADA: Pag-ipon ng Pera, Bigyang Halaga  
Kung sa accounting, “Revenues – Expenses = Net Income,” sa ating mga mag-aaral, dapat “Allowance – Gastos = Ipon.” Hindi ito dapat “Allowance-Gastos=Utang.” Sa panahon ng mabilisang pagsulong ng teknolohiya, maraming mga bagong gadyet at iba’t ibang produktong uso, kaya madalas nakakaligtaan na ng mga kabataan ang pag-impok ng pera.
Madalas nating marinig ang mga linyang ito galing sa ating mga magulang. “Anong akala mo sa akin, nagtatae ng pera?!”, “May baon ka nang pagkain kaya babawasan ko muna pera mo.” Nagrereklamo tayo dahil marami naman talagang bayarin sa paaralan, kaya naman importante na malaman natin ang kahalagahan ng pag-impok ng pera.
Sa unang pagkakataong nanghingi at binigyan tayo ng pera galing sa ating mga magulang, nagging parte na tayo sa siklo o sirkulasyon ng pera. Kahit sa murang edad ay nabibigyan na tayo ng pagkakataong humawak ng pera. Ang tanong, sa pagdaloy ng pera sa ating mga kamay, tama ba ang ating paggasta nito?
Malaking papel ang ginagampanan ng wastong paggasta ng pera tungo sa pag-unlad ng isang tao. Sa pag-ipon ng pera, mas mararamdaman mo na may kontrol ka sa mga desisyong ginagawa mo. Bukod pa diyan, ang naisantabing pera ay magagamit para sa emergency at para na rin na hindi na manghingi sa magulang.
Kung alam lang nating lahat ang konsepto ng paggasta ng pera at sa murang edad ay namulat na tayo sa kahalagahan ng pag-impok, may pera na sana tayong naimpok ngayon. Hindi pa naman huli ang lahat at tayo, bilang mag-aaral ay makadudulot ng pagbabago.
Sino dito ang gustong yumaman? Madaling sabihin pero mahirap gawin. Gawin nating inspirasyon ang paghihirap natin para mas makaangat tayo sa buhay . Ang lahat ay nagsisimula sa Pag-iimpok at tamang pagdisiplina sa sarili. Ngayon ay magbabahagi ako ng mga tips para sa mga mag-aaral na gipit tulad ko, “Abakada para sa Pag-impok ng Pera.”
Alamin ang pagkakaiba ng NEEDS at WANTS.
Bumuo ng “budget plan” para sa iba’t ibang mga gastusin at isipin kung gaano kalaki ang isasantabing pera.
Komputasyon ng araw-araw na gastusin ay dapat ugaliing irekord.
Desisyonan kung saan ilalaan ang napag-iponan. Saan nga ba mapupunta ang perang napag-iponan? Maaari itong i-deposito sa bangko o sa alkansiya para magamit ang pera sa iba’t ibang gastusin lalo na sa matrikula dahil nga malapit na tayong magkolehiyo.
SA pangkalahatan, nahihirapan lang naman tayong mag-impok dahil hindi natin ito nakasanayan. Sabi nga nila, dapat puso lang ang nagmamahal, hindi ang mga bilihin, pero dapat tayo ang mag-adjust. Nararapat lamang na mag-ipon tayo ng pera. Huwag tayo maging liabilities sa mundong ginagalawan nating balance sheet.
-Trisha Mae G. Bahande
Wastong Paggamit ng Pera upang Makaipon 
 Unang una sa lahat gusto kong malaman kung paano ba kayo binibigyan ng baon ng mga magulang niyo? Araw- araw? Taga linggo o hindi kaya buwanang baon o monthly allowance? Ano paman yan, paano niyo ba ito ginagamit? Bili dito, bili diyan, kain dito, kain diyan at hindi pa diyan nagtatapos, may mga proyekto at aktibidad pang dapat bayaran, paano na si pag-iipon? Hindi natin masasabi kung kailan natin mas kinakailangan ang pera sa hinaharap lalo na’t patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin at hindi natin masasabi kung kailan ito bababa o kung bababa pa ba ito, mas mabuti pang maging handa para kahit ano man ang panahon at sitwasyon mabibili natin ang dapat bilhin gamit ang ating perang naipon. Gastos, gastos, gastos parati nalang gumagastos na nakalimutan na nating mag-ipon at naisasantabi na ang mas importanting bagay-bagay. Ang baon na para sa isang linggo ay naging baon para sa isang araw, ang baon na para sa isang buwan ay naging baon para sa isa o dalawang linggo, paano na ang mga natirang araw? Sabi nga ng mga nakatatanda “Ubos-ubos biyaya, Bukas nakatunganga“ pero na sa atin na ito kung hahayaan lang natin ito o gagawan ng paraan. Upang masolusyonan, ugaliin ang mag-budget, alamin ang prayoridad at nakatutulong din ang pagkakaroon ng alkansya at pagkukumpara sa mga bilihin sa iyong pag-iipon. Umiwas sa mga gala at lalong lano na ang utang dahil mas gagastos ka nito at mawawalan ng saysay ang iyong pinag-iiponan. Ito man ay mga simple at maliit na gawain malaki na ang maidudulot nito sa hinaharap. Habang nasa murang edad, dapat na tayong matuto sa wastong paggamit ng ating pera upang maka ipon lalo na’t sa ating paglaki dumadami rin ang ating pangangailangan at kagustuhan at kung hindi tayo marunong mag-ipon malabong mabibili natin ang mga ito. Laging tandaan, kapag may itinanim, may aanihin.
-Yeltchin P. Gonzales
Pag-iipon:  Ang kaagapay sa problemang pinansyal
Paano mo gawing hilig ang pag-iipon? Bakit pa kailangang mag-ipon, eh andyan naman ang mga magulang na handang tumulong sa mga bayarin at may sapat na trabaho para matustusana ang ating kagustuhan o pangangailangan. Bilang mag-aral, ang pag-iipon ng pera ay kailangang sanayin dahil kapag may problemang pinansyal ay agad kukuha sa naipong pera kagaya ng sa kasabihan, “kapag may isinuksok ay maidudkot” at para naman hindi na aasa pa sa mga magulang at sa ganyang paraan masisiyahan ang magulang sa gawain na ipinapakita ng kanyang anak.
Kaya hanggat maari lalo na tayo ay bata pa kailangan magtipid para makapag-ipon ng pundo para sa ating panibagong haharapin na suliraning pinansyal. Lalo na ngayon maraming babayarin sa pampaaralan o maging sa pang-araw-araw.
Alam naman natin na tayo ay may kanya-kanyang gusto na pumili at bumili at sa pamamagitan ng pera at naipong pera ang kagustuhan at pangangailangan ay nakukuha. Sa pagkakataon tayo'y magkapera bulsa natin ay punong -puno ng biyaya. Ganunpaman, hindi natin maisakatuparan ang wastong paggastos o pagtipid ng pera sa kadihalanan bili tayo ng bili at gastos tayo ng gastos na hindi naman importante
Sa pangkalahatan kailangan may ipon dahil ang susi para hindi makautang sa kung sino man. Samakatuwid, ang pag-iipon ay kaagapay sa problemang pinansyal kaya marunong magtipid at himukin ang ating sarili na gawin ang makakabuti para sa ating kinabukasang pangangailangan.
-Jullian Ocon. 
Maliit na Halaga Para sa Kinabukasan
Bilang isang nilalang na nabubuhay sa mundong ibabaw ay may mga sari-sari tayong problemang nakakaharap. Mga problemang binibigyan natin ng solusyon para maipagpatuloy ang ating buhay. Anuman ang mga problemang dumaan sa ating buhay ay dapat natin itong labanan at gawan ng paraan para ito ay mabigyan ng solusyon at ng makamit natin ang buhay na inaasam-asam. Ano nga ba kadalasan ang ating mga suliranin sa buhay?
 Isa sa suliranin ng ating buhay ay ang ating kahirapan. Nahihirapan tayong mag-badyet sa ating pera para sa pantustos natin araw-araw lalong-lalo na ang mga magulang natin na siyang nagbibigay sa atin ng pera. Bilang isang mag-aaral ngayon nais kung himokin ang lahat na mag-ipon. Upang tayo ay makatulong sa ating mga magulang at hindi lng tayo laging umaasa sa kanila. Hindi natin malalaman ang daloy ng panahon. Sa panahon ng kagipitan magagamit natin ang ating perang naipon galing sa ating baon na masolusyonan ang problema. Ang pag-iipon ay isang bagay na dapat nating ginagawa upang tayo ay makatulong sa ating mga magulang lalong lalo na sa ating sarili.  Maliit man o marami kang maipon sa isang araw ay sapat na ito para sa iyong kinabukasan.
 Ang pag-iipon ay mahalaga lalong lalo na ngayon sa ating panahon. Mahirap ngayon  kumita ng pera kaya kinakailangan nating magtipid araw-araw at dapat mayroong determinasyon sa pag-ipon upang may magamit sa kasalukuyan.
Ang pag-iipon ay isa lamang daan upang tayo ay madisiplina sa paggamit ng wasto sa pera at malaman natin ang kahalagahan ng isang piso na maari na palang magbigay ginhawa sayo sa kinabukasan.
-Michelle Capua
KAHALAGAHAN NG PAG-IIMPOK BILANG MGA ESTUDYANTE 
 Sa  kasalukuyan, mahalaga ang pera sa ating buhay lalong-lalo na sa patuloy na pagtaas ng presyong mga pangunahin nating pangangailangan sa pang-araw-araw. Kaya kailangan talaga natin matutong mag-ipon at iwasang gumastos ng sobra-sobra lalong-lalo na kung di natin ito masyadong kailangan. Pero ang tanong nagagawa ba natin ito? Lalo na bilang mga mag-aaral, may mga panahon talaga na nakakalimutan nating mag-ipon kapag nagkayayaan ang barkada na kumain sa labas o canteen o kaya namay may biglaang bayarin sa paaralan katulad ng research, group projects at iba pa. Tama ba ako? Oo. Kung gastos tayo ng gastos at palaging ganito ang takbo ng ating pananalapi, malamang sa hindi, tayo ay mahihirapan pag dating ng panahon. Bakit ko ito nasabi? Natural! Mali ang ating paraan sa paghawak o paggasta ng ating pera. Pero, hindi pa huli ang lahat para baguhin natin ang ating nakasanayan. 
Lalo na’t sa mga estudyanteng katulad natin na wala ng ibang ginawa kung hindi gumastos ng gumastos. Kung malaki laki ang ating baonaraw-araw, pwede tayong mag-ipon ng pera galing sa sobrang baon natin. Dapt matuto tayong magtipid. Isang katangian na ating dapat matutunan habang tayo ay nag-iipon ay ang pagiging matipid. At mas masayang mag-ipon kung meron tayong dedikasyon, dahil alam natin sa huli, tayo rin ang makakagamit at makikinabang ng ating inipon lalo na sa ating pag-aaral. Siguro nga mahirap ang mag-ipon, pero tandaan natin na ang lahat ng bagay sa mundo ay pwedeng matutunan sa pamamagitan ng pag disiplina sa ating mga sarili. Isipin lang natin na: kung ganitong estudyante pa lang tayo ay hindi na marunong magtipid at mag-impok, paano nalang kung naghahanap-buhay na tayo? Inuulit ko, napakahalaga ng pag iimpok para sa ating kinabukasan at hinaharap.
-Clyde Angelie Letrondo
KAHALAGAHAN NG PAG-IIPON Magandang umaga saating lahat, narito ako sa inyong harapan upang talakayin at bigyan kayo ng kaunteng kaalaman ukol sa kahalagahan ng pag-iipon lalong lalo na saatin bilang estudyante.  Mahirap ba mag-ipon? Ano ba Ang kailangan sa pag-iipon? Yan Ang mga tanong na dapat nating Sagotin at bigyan ng linaw. Hindi Mahirap Ang mag-ipon at kunting pagtitiis lamang Ang kailangan para makapag-ipon. Kung atin lang pagbibigyan ng Pansin Ay nasasabi natin o alam natin na tayo bilang kabataan Ay Madali lang makapag-ipon Kumpara sa mga nakakatanda, dahil tayo bilang kabataan Ay Kung Saan mo sasanayin Ay maaring dito na mahulog o ito na Ang maging kaugalin natin bilang etduyante. Maganda Ang pag-iipon lalo na saatin dahil darating Ang araw na tayo na mismo Ang magbabayad para Sa ating mga bayarin sa iskuwelahan at Hindi na nating kailangan panghumingi sa ating magulang dahil Sa Totoo Lang tayo Ay nasa tamang edad na para mag-ipon. Akong mga kamag-aral, atin pong yakapin Ang pag-iipon para Sa magandang kinabukasan.   Maraming Salamat...
-Esmail Calaw
0 notes