Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
FLASH FICTION
‘Dambana’
Ang pag-ibig ko sayo, higit pa sa pilak at ginto.
Mabilis ang tibok ng puso ko noong inaya ako ni Micah na mag meryenda sa labas. Siya ang babaeng hinahangahan ko. Sobrang ganda niya, mabait at magaling. Kaklase ko siya noong elementarya pa lamang at kahit na ngayong kolehiyo na. Pareho kaming kumukuha ng kursong engineering. Hindi ko naman maipagkakailang may gusto ako sa kanya simula pa noon. Siya ang nangunguna sa klase at ako naman ang pumapangalawa. Lagi kaming nag-uusap pero hindi ko masabi sa kanya na gusto ko siya.
Ugh! Ang init naman ng panahon ngayon. Tara sa labas Bryan, magmemeryenda lang, aya ko sa kaklase na kaibigan ko na rin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nung nahuli ko siyang nakatitig sa akin. May dumi ba sa mukha ko? Ano kayang meron? Bigla ko nalang iniiwas ang aking tingin. Hindi ko alam, ano ba itong nararamdaman ko? Bakit napapangiti ako?
Hindi ko alam pero ang cute ng mukha niya, nahuli niya akong tumititig sa kanya at napangiti siya.
Sige ba, iyan lamang ang katagang aking naisagot. Ngayon ay palakad na kami papunta sa may tindahan, wala siyang imik nakakapanibago. Noong nakarating kami sa tindahan ay agad naman siyang nagtanong sa akin. “Bakit ganoon na lamang ang pagtitig mo sa akin kanina?”
“Paano kung sabihin kong matagal na akong may gusto sayo, maniniwala ka ba?” Nawindang ang mundo ko noong ganyan ang isinagot niya sa akin.Hindi ko maitago, ano ba yan!
Agad kong pinisil ang pisngi niya, ang cute mo talaga. Sige na, kuha ka na ng kahit anong gusto mo ililibre kita. Agad na nagseryoso ako sa pagsasalita habang binibigkas ko ang katagang “liligawan kita” kita ko na naman ang pagkakilig niya. Hayst! Napakaganda!
Wala akong masabi, bakit parang may gusto rin ako sa kanya hindi ko lang maamin? Noong tapos na kaming magmeryenda ay bumalik na kami sa silid-aralan
Sinundo ko si Micah, naghanda ako ng maliit na surpresa para sa kanya kahit walang okasyon. Sinundo ko siya at noong makarating kami sa lugar na iyon ay talaga namang tuwang-tuwa siya. Agad niya akong niyakap kaya naman wala sa sariling nabanggit “maari na bang maging tayo?”
“Oo, Bryan” sagot ko, ako’y kanyang tinitigan. Ramdam ko talaga ang pagiging seryoso niya. Magmula sa araw na iyon ay palagi niyang pinaparamdam na ako ang nag-iisang prinsesa niya.
“Mag-uumpisa na ang inyong internship” bigla akong kinabahan kasi hindi kami pareho ng lugar na pupuntahan. Nangako naman kaming dalawa na walang susuko. Huwag kang mag-alala Micah, hinding-hindi ako maghahanap ng iba. Nag-umpisa na ang aming internship kasama ko si Claire, ang matalik na kaibigan ni Micah.
Miss na kita Bryan! Laging nasasambit pero panatag naman ako sapagkat si Claire ang kasama niya. Lagi kaming nag-uusap ni Bryan at Claire. Kaarawan ko na pala sa Sabado, makakapunta kaya siya?
Linggo ngayon, habang nakatunganga ako sa bahay ay bigla kong naisip na ilang araw nalang kaarawan na ni Micah, maghahanda ako ng isang supresa para sa kanya. Naisipan ko na ring magpatulong sa kaibigan niya. Agad kong tinawagan si Claire upang makipagkita sa akin sa cafeteria para ma plano ng maayos ang supresa ko. Dali akong nagbihis at nagpaalam kay Micah na matutulog na muna para hindi siya makahalata.
“The number you have dialed is busy” bigla akong nakaramdam ng kaba. Sino kaya ang tinatawagan niya? Agad ko siyang pinuntahan sa bahay niya pero noong makita ko siya ay paalis na siya, saan kaya siya pupunta? Sabi niya sa akin ay matutulog siya. “Pakisundan po ang sasakyan na iyon” bigla kong sambit.
Nang makarating ay nagplano kami, sa loob ng kwarto ni Micah ay lalagyan namin ng dekorasyon. Lalabas sila ni Claire para maisagawa ang plano. Bibili ako ng promise ring at bulaklak para sa minamahal ko.
Para akong sinaksak noong nakita ko si Bryan at si Claire sa isang cafeteria bakit niyo ako ginanito? Bakit ikaw pa? Nagpalipas ako ng oras sa bahay ng pinsan ko, nagmukmok, tinatawagan ako ni Bryan pero hindi ko sinasagot. Dahil gabi na ay nagpasya akong umuwi na. Nadatnan ko naman sila na naghihintay sa akin.
Umiiyak ba siya? May nagawa ba ako? Micah, ayokong umiiyak ka.
“Mahal” sambit ko, “Ako o siya?” natulala ako, hindi ko siya maintindihan. Ano bang sinasabi niya?
“Nakita ko kayo cafeteria masayang nagkwekwentuhan, diba ang sabi mo sa akin ay matutulog ka?” Tanong ko, wala siyang maisagot kaya tinalikuran ko silang dalawa. Gabi na ngunit hindi ako makatulog.
Bilang kaibigan niya, bigla akong nalungkot, iniisip ko palang na pinag iisipan niy ako ng hindi maganda. Agad ko namang tinawagan ang mama niya at sinabi ang buong pangyayari at ang magiging surpresa.
Kinaumagahan, dali akong bumangon para makapunta sa bahay nila Micah, nag ayos na at noong handa na ang lahat ay tinawagan ko na sila tita para makauwi na at maisagawa na ang plano. Pagpasok ni Micah sa kwarto ay talagang nagulat siya. Agad ko siyang niyakap at binati, hindi niya ako niyakap pero umiiyak siya ng sobra habang binibigkas ang katagang “Pasensya na mahal ko”
Flashback
Nagtaka ako kung bakit may biglaang gala kami ni mama kaya naman nagtanong na ako kung anong meron at nagkwento na nga siya. “Walang relasyon si Bryan at Claire, nagkita sila para pagplanuhan ang papalapit na kaarawan mo.” Natigilan ako at ako’y naging tahimik lang.
End of Flashback
Alam ko na ang totoo mahal. Agad naman niya akong niyakap ulit, “gagawin ko ang lahat para sayo Micah.” Inabot niya ang bulaklak at lumuhod siya na habang hawak ang singsing.
“Gusto ko lang isuot sayo ang singsing na ito, habang suot mo ito, mananatili ang pagmamahal ko sayo.” Banggit ko, napangiti ako noong makita kong namula na naman ang kanyang pisngi. Hinding-hindi kita sasaktan. Isinuot ko iyon, naging maayos na rin ang relasyon nilang magkaibigan.
Mahal kita, Micah. Isinayaw ko siya habang tumutugtog ang malambing na musika. “Ang pag-ibig ko sayo higit pa sa pilak at ginto” katagang binanggit ko.
Huwag kang mag-alala Micah. Sapagkat tayong dalawa ay haharap sa dambana.
0 notes
Text
SHORT STORY
'Delubyo'
“Mahal kita”
“Pero mas mahal mo siya.”
Sa bayan ng Candon nakatira ang lalakeng una kong hinangaan. Siya si Prince Zechariah, ang una kong minahal, una kong inalagaan at una ko ring ipinaglaban. Simula pagkabata siya na ang aking naging kasa-kasama, sa paglalaro, pamamasyal, at maging sa pag-aaral. Maraming mga lalake pero kakaiba siya. Lumaki kaming sabay, nag-aral kami sa iisang paaralan hanggang makapagtapos ng elementarya at sekondarya. Parang kapatid na nga rin ang turing ko sa kanya sapagkat siya ang nag poprotekta. Siya rin ang nagsilbing iyakan tuwing pasuko na ako sa napakagulong mundo. At ayaw din niyang may lumalapit sa akin na lalake siguro ay ayaw niya lang akong masaktan.
Hindi maipagkakaila ang ganda na taglay ng kababata kong si Princess Michaella. Nakakasilaw talaga ang kanyang kagandahan, ang mga mata niyang nagniningning, ang kanyang ilong na kay tangos at maging ang pisngi at labi niyang namumula-mula Ako rin ang naging sandalan niya sa tuwing siya ay may problema. At oo, ako ang nagiging tagapag protekta niya. Ayokong nilalapitan siya ng ibang mga lalake. Hindi ko rin malaman kung bakit, dahil ba ayaw ko lang siyang masaktan ng iba o sadyang hindi ko lang maamin sa sarili kong gusto ko na siya hindi bilang kaibigan kundi higit pa sa kaibigan.
Hindi ko mapag tugma-tugma kung ano ba talaga ako kay Zechariah, marami siyang mga aksyon na nagpapakita na gusto niya ako. Ayaw niyang may lumalapit sa akin na iba. Normal pa ba yun kung talagang kaibigan lang ang nararamdaman niya para sa akin? Hanggang sa nakilala ko si Jerome, isa sa aming ka klase. Gwapo siya, matalino at may kaya rin sa buhay. Araw-araw niya akong binibigyan ng bulaklak. Hatid… sundo… hatid… sundo, iyan ang naging araw-araw na lakad naming dalawa. Pero simula noon ay hindi na ako pinansin ni Zechariah kaya nagtataka ako kung bakit. Bakit ganoon na lamang ang pag-iwas niya? Bakit bigla niya na lang akong iniwasan? May mali ba akong ginawa? Bakit parang sobrang bigat naman yata ng kasalanan ko.
Naiinis ako! Naiinis ako kay Michaella, lalong-lalo na sa sarili ko. Bakit ba hindi niya ramdam na gusto ko siya? Bakit pa ba siya nagpapaligaw sa Jerome na iyon? Dahil ba gwapo siya? Dahil ba mas maputi siya? Nakakainis, pero siguro ito na ang isa sa mga senyales para umamin na akong gusto ko siya. Subalit, huli na ba ako? Nahulog na kaya siya kay Jerome? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, pero oo Michaella gustong-gusto kita. Gagawin ko ang lahat, pero paano ako didiskarte?
Pupuntahan ko sana si Michaella sa araw na ito ng bumungad si Zechariah sa harapan ko. Ano naman kaya ang kailangan ng taong ito?
“Anong sadya mo rito?” tanong ko.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, sinabi ko na agad ang pakay ko. “Gusto ko si Michaella, alam mo naman kung paano kami noong hindi mo pa siya sinimulang ligawan, hindi ba?
Lunes ng umaga, paglabas ko ng bahay ay mukha agad ni Zechariah ang aking nakita, kaya naman nagtaka ako kung bakit hanggang sa magsalita siya.
“Gusto kita, liligawan kita araw-araw hanggang sa araw na pwede na.” iyan ang katagang nasambit ko. Natigilan kami pareho pero sobrang saya sa loob-loob ko kasi sa wakas ay nasabi ko na rin sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Walang pero, walang bakit, walang dahilan basta ang alam ko mahal ko na siya. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa baka isipin niyang hindi ko siya nirerespeto. Mahal kita, Michaella ko.
Hindi ko alam, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dahil hindi ko man aminin ay may nararamdaman din ako sa kanya. Gusto ko rin siya. Sasabihin ko rin ba ang katagang “Mahal kita, Zechariah ko?”
“Gusto rin kita, at kahit hindi mo na ako ligawan ayos lang.” Oo, tama! Kilala ko na siya mula ulo hanggang paa. Halos buong pagkatao niya ay alam ko na talaga.
Nabigla ako pero nangingibabaw pa rin sa akin ang saya. “Tayo na ba?” at sagot niya ay “oo, tayo na”. Simula nung sinabi niyang kami na ay desidido akong gawin ang lahat para sa kanya. Siya na ang nagsilbing pahinga sa magulong mundo. Lagi ko siyang hinahatid at sinusundo. Dahil pareho rin kaming mahilig sa musika, naging libangan na namin tuwing Sabado ang pagpunta sa silong ng puno at tumutugtog kami ng paborito naming awitin. Lagi kong pinaparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya hanggang sa umabot na kami ng tatlong taon. Sa ikatlong taon nagkaroon kami ng pangako sa isa’t isa, na siya ang aking prinsesa at ako naman ang kanyang prinsipe.
Nakapagtapos kaming dalawa ng sekondarya at parehong kumuha ng kursong BS Psychology. Maraming pagsubok ang dumating sa aming relasyon subalit mas pinili namin ang maging matatag. Hanggang sa nakapagtapos na rin kami ng Kolehiyo ng magkasabay. Nagdesisyon akong mag tungo sa ibang bansa upang makipag sapalaran. Naging mahirap na ang relasyon naming dalawa. Nagsimula nang gumulo ang aming relasyon. Gusto ko siyang ilaban pero parang ayaw na ng puso ko.
Ngayon ay nakikipagsapalaran ako sa Maynila, nangako kasi kami sa isa’t isa ni Zechariah na mag iipon na kami para sa aming kasal. Pero bakit ganoon? Tila ba biglang nawala ang kilig, pagmamahal at tiwala namin sa isa’t isa. Pero kahit na ganoon, hindi ko siya bibitawan, ilalaban ko siya hanggang sa mawalan ako ng hininga.
Limang buwan na ang nakakalipas simula nung dumating ako rito sa Canada. Maraming tukso ang lumalapit sa akin pero hindi ko magawang pumatol sapagkat iniisip ko ang mararamdaman ni Michaella at alam kong mahal ko siya. Pero hindi ko malaman kung bakit ako nahumaling sa angking ganda ng aking ka trabaho, siya si Princess Zephaniah. Bukod kasi sa maganda siya ay matalino at mabait pa. Palagi kaming tinutukso ng katrabaho naming kasi sabi nila bagay kami, na pati pangalan naming ay magkalapit. Naging ka grupo ko siya sa isang proyekto at dahil sa angking kagalingan ng isa’t isa sa grupo ay naipanalo namin. Nagkaroon kami ng selebrasyon, inuman lang hanggang sa malasing na ang aking mga kasamahan pati na rin si Zephaniah. Nag presenta na akong ihatid siya sa kanyang condo. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, napatingin ako sa mukha niyang kay ganda, sa labi niyang pulang-pula. Sa pagkakataon na iyon, hindi ko na naisip pa ang aking nobya. Hinalikan ko siya at naramdaman kong nilalabanan na rin niya ang aking halik hanggang sa napadpad na kami sa kanyang kwarto. Dahil na rin sa init ng katawan, nagpa tukso ako at doon nga ay may nangyari na sa amin.
Paggising namin ay nagtitigan kaming dalawa at wala sa sarili kong nabanggit na “mahal na yata kita.” At sumagot naman siya na “matagal na kitang gusto pero alam ko kasing may girlfriend ka.” At natigilan ako, biglang pumasok sa isip ko si Michaella. May takot sa akin na baka malaman niya ay hiwalayan niya ako. Bigla namang nagsalita si Zephaniah, “huwag kang mag-alala, hindi niya malalaman.”
Kagabi ko pa tinatawagan si Zechariah pero hindi siya sumasagot. Kumusta na kaya siya? Okay lang ba siya? Pagod ba siya? Napaano na kaya ang mahal ko? Ilang lingo ko na rin siyang hindi nakakausap ng maayos. Naghihinala na rin ako na baka may iba na siya, na baka may nagpapasaya na sa kanya. Pero paano kaya kung meron na? paano ako? Kaya ko ba? Uhh! Sana hindi naman, sana wala naman. Sana ako pa rin Zechariah ko, sana ako pa rin ang mahal mo.
“Okay lang sa akin kahit maging pangalawa mo na ko.” Sambit ko kay Zechariah, alam kong mali pero gusto ko talaga siya. Handa kong gawin ang lahat para sa kanya, ibibigay ko ang lahat pati ang aking sarili. Lalo na at malayo si Michaella sa kanya, pagkakataon ko na itong angkinin siya.
Mahal ko na rin talaga si Zephaniah, hindi ko iyon maipagkakaila. Kaarawan ko, nais kong puntahan ako ni Michaella dito, gusto ko siyang makasama pero wala. Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. Naghintay ako buong maghapon pero wala, wala akong natanggap. Hindi ko naman inaasahan na pupuntahan ako ni Zephaniah para surpresahin. Tila ba ang lungkot na nararamdaman ko ay napalitan na ng saya. Sobra-sobrang saya. Nagpakalasing kami pareho, hanggang umabot na naman sa puntong may nangyari ulit sa amin.
Natanggal ako sa trabaho, hindi na rin gaano nagpaparamdam si Zechariah sa akin, wala na akong maisip na katinuhan. Walang-wala na ako. Nagpakalasing ako, mabuti’t nai uwi ko pa ang sarili ko. Kinaumagahan, paggising ko agad kong kinuha ang aking telepono at nakita ko doon ang mga tawag ni Zechariah. Oo nga pala, kaarawan niya kahapon. Agad-agad ko siyang tinawagan pero hindi niya ito sinasagot. Alam kong galit siya, alam kong nagtatampo siya. Kaya nag desisyon na akong puntahan siya doon sapagkat ika apat naman na anibersaryo namin. Susurpresahin ko siya, hindi ko ipapaalam na pupuntahan ko siya. See you, mahal ko!
Mahal ko na rin talaga si Zephaniah, kaya habang wala si Michaella eh siya na ang nagsisilbing karelasyon ko rito sa Canada. Anibersaryo nga pala namin ni Michaella ngayon pero imposible namang maalala niya, kaarawan ko nga eh hindi na niya naalala. Mabuti pa si Zephaniah, inaya ko si Zephaniah na kumain sa labas para man lang maiparamdam ko sa kanyang mahal ko rin siya.
Hawak-hawak ko ang kanyang kamay habang naglalakad sa kalsada. Hanggang sa…
Parang sinaksak ako ng sampung kutsilyo noong makita ko si Zechariah na may kahawak kamay na iba. Gusto ko siyang saktan pero bakit hindi ko kayang igalaw ang katawan ko? Bakit para akong binuhusan ng yelo? Bakit? Bakit mo ako nagawang lokohin? Gusto kong magwala pero wala naman na akong magagawa.
Tumakbo ako at ramdam kong hinahabol niya ako. “Mahal” “prinsesa ko” “Michaella ko, mag usap naman tayo.” Katagang binabanggit niya, natigilan nalang ako at pinili ko nalang na kausapin siya.
“Mahal kita”
“Pero mas mahal mo siya.”
“Pasensya na, hindi ko sinasadya” iyan lamang ang katagang binanggit niya. Wala na tuloy akong magawa kung hindi ang palayain siya.
“Ang totoong nagmamahal ay nagsasakripisyo rin. Kaya sige, kung saan ka masaya doon ka nalang.”
“Pero ikaw ang pinipili ko.”
“Pero bago ka sana lumandi, inisip mo rin sana akong nagmamahal at nagtitiwala sayo. Lagi mong tandaan na walang pagmamahal kung walang pagtitiwala.” Tumakbo ako ng mabilis hanggang sa hindi na niya ako hinabol pa. Sana masaya ka, sana mahal mo siyang talaga.
1 note
·
View note