elviaeiou
ang tangkang journal ni Via
4 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
elviaeiou · 7 months ago
Text
Ang paghimok
Habang nasa trabaho ako, nakakuha ako bigla ng urge sa sarili na magpudpod at ibalik ang dati kong work ethic (pero 'yung totoo, talagang inooverwork ko lang ang sarili ko). Gusto ko na ulit na magkaoras para sa pag supplement ng skillset ko at ibalik lahat ng hobbies ko.
Tingin ko lang naman na naging stagnant ako lately at masyado akong apektado, which I think is normal naman para sa tao na hindi pa naeencounter ang mga ganitong uri ng pagbabago sa buhay. Parang hindi ko ata kayang maging komportable sa mga bagay at namimiss ko na lagi akong gumagalaw at may ginagalawan.
Gusto ko na grounded na ulit ako sa reyalidad. Na marami akong ideya na iniluluwal sa maraming bagay at pagbasehan ko ayon sa mga bagong kaalaman. I wanted to adapt so hard.
Lately, nakikinig ako sa "Ignore Tenderness" ni Julia Jacklin. Tungkol siya sa mga maling beliefs na natutunan niya noong kabataan niya sa isang highly conservative environment. Nadama ko din eh, parang ang dami ko ring natutuklasan sa sarili ko na hindi ko alam eh capable ako. Buti naman, at karamihan doon ay magaganda at ang iba naman ay pwede pang i-improve.
Sa bagay, hindi pa naman pala nawawala ang passion ko. Kailangan ko lang talagang simulan para magtuloy tuloy na. Gusto ko tuloy na magsimula ngayon. Tingnan natin kung ano ang progress sa mga susunod na araw o linggo.
0 notes
elviaeiou · 7 months ago
Text
Mga bagay na hindi ko masabi
Hmm..paano ko ba 'to sisimulan? Tagal ko na namang hindi nakapagsulat masyado. Pero, sige.
Minsan napapaisip ako na kung hindi kita nakilala, baka matagal na akong wala sa bahay noon pa man at iniwan nang tuluyan ang lahat ng meron ako sa Makati at nakapagsimula sa malayong lugar. Pero meron ding puwang na malulungkot ako dahil hindi ko naranasang makilala ka.
Sa sobrang bilis ng pangyayari sa buhay ko eh minsan napapaisip din ako na sana hindi ka na lang nadamay. Bago din sa'kin ang lahat nang 'to dahil hindi naman ako sanay na mabuhay sa labas ng pamamahay namin. Ni hindi ko naranasan na matulog dati at makasama magdamag ang taong minsang naging malaking parte ng buhay ko. Parang ipinakilala sa'kin nang maaga 'yung ganitong buhay. At hindi ko naman sinasabi na hindi ko siya gusto. Nakakabigla din. Pareho tayong nabigla.
Pero, ang dami dami kong natutunan sa isang buwan na magkasama tayo sa maliit na espasyo. Parehong maganda at hindi. Sa totoo lang, nahihirapan ako lagi dahil nga una pa lang ito o nasa bungad pa lang ako. Siguro natanggap mo na, pero sa sarili ko, mukhang hindi ko pa talaga natatanggap o nabibigla pa rin ako sa mga nangyari. Pero may ipinapakita sa'kin ang mga pangyayari: kahit na anong gawin ko, kailangan ko ring tanggapin na minsan ay may pagkakataon talagang hindi magiging maayos ang lahat; na parte ito ng pagsulong.
Akala ko, kayang kaya ko ang lahat. Masyado akong nabibilib sa sarili ko dati dahil napakatatag ko at parang walang makakapigil sa'kin parati kung may gusto akong kamtan. Pero, hindi ako ganoon kaganda tumanggap ng pagkatalo. Sa ngayon, hindi talaga umaayon sa'kin ang mga pinlano ko para sa sarili ko. May napapansin akong kulang—haha o baka parte lang 'to ng proseso?
Pero, natutunan ko din na akapin na lang ang mga bagay na hindi ko alam ang kahihinatnan. At, inakap din kita nang hindi ko alam ang bukas. Kaya kung masyado akong nagmamahal ngayon ay dahil hindi ako parating sigurado sa susunod.
Sa isang buwan, nasa'yo ang mga pinakamagagandang aral na natutunan ko, na hindi ko kailanman nakuha sa kahit na sino. Hindi ko naman masasabi na mabilis ang naging ugnayan nating dalawa, at 'yun siguro ang pinakamagandang pundasyon na nagawa natin sa isa't isa. Pinatotohanan naman din talaga 'yung inspirasyon na nadudulot na sinabi ko sa'yo dati—na sapat na siya.
Nakakabigla talaga, ngunit patuloy kong niyayakap ang bawat pagbabago at tinutugunan ito sa abot ng makakaya ko. Sa tingin ko ay dahil minamahal kita, na kahit walang kasiguraduhan ang bawat bukas, sigurado ako sa nararamdaman. Para akong natututo ulit kung paano magmahal. Na minsan eh hindi ko alam kung paano ko tutugunan ang mga kahingian sa relasyon natin dahil hindi ko naman 'to danas sa nakaraan ko.
Siguro, kaya minsan nating masabi ang mga salitang "Mahal kita" eh dahil mas mabigat siyang pakinggan sa wikang Filipino. Kaya tuwing sinasabi mo 'to sa'kin, iba ang dating niya. Parang nabubuhayan ako parati. Para bang binubuksan ako sa ideya ng magandang bukas.
Pasensya na mahal, medyo magulo 'tong mga nasa isip ko ngayon at ganito ko siya kung sabihin. Mahirap talaga ang sitwasyon ngayon at kahit pa nakawala na ako eh umaanino pa rin ang mga nangyari. Na mabagal pa ang pagtanggap ko at madalas ay sinasarili lang. Hindi ko na gugustuhin pa na maging palaisipan mo din.
0 notes
elviaeiou · 8 months ago
Text
Pagbabago
Sorry, ngayon lang ulit makakapagsalaysay. Maraming malalaking pagbabago na naganap noong mga nakaraang araw. Isang linggo na rin ang nakalipas at sinadya kong ngayon 'to isulat kasi naka break ako sa trabaho.
A week ago, my situation has forced me to move out of my childhood home. I didn't really expect that I will move out all of a sudden—if not—a fucking earlier this year. I was still in the middle of grasping some recent adjustments I endured at work (it's skill-based so I don't really need to worry and I'm taking my time). But, things happened and it slapped me hard that it already weigh too much.
I felt like a huge part of me was entirely gone. I was only able to move out and brought a few things with me. A few. Yes, you've heard it right. I was almost stripped of everything—of all I have and saved for myself for lots of years. But this is already an all too familiar scenario that I have encountered before. Did it fetter me, the fear of failure, or did it propel me forward, urging me to push past my limits and embrace the unknown?
In the midst of uncertainty, I found solace in embracing the unknown. Instead of allowing fear to shackle me, I chose to reclaim myself. With each step into uncharted territories, I discovered newfound strength and resilience. Of course, I have to thank the people who have been tirelessly supporting me all throughout this journey. So the mystery of what lay ahead became an invitation rather than a threat, as I embraced this process of self-discovery with open arms.
I still believe that what I am doing now is a transformative act of self-liberation. The change I'm experiencing so far allows me to continuously forge my path with confidence and purpose.
I'm glad I was able to borrow some books from the library at work. As someone who's in the academe, it's one of the perks that I deeply cherish, especially since I lost all my books when I left them at my childhood home. Starting over can feel daunting, but the opportunity to replenish my collection through the library is a silver lining.
Hindi lang 'yon, I also have to express my gratitude to Wacky, my significant other, for giving me my needed emotional support all throughout. Despite carrying the weight of numerous responsibilities in his own life, he made sure that I was not carrying all the weight that I did not cause.
There are moments when I feel hesitant or shy, hesitant to burden him with my concerns, yet every time I do, he listens with patience and understanding. His presence have become my ultimate source of strength and comfort, reminding me that I'm not alone. I am truly blessed to have him by my side, grounding me with his love and support.
They say that "to love someone long term is to attend a thousand funerals of the person they used to be," but I just read another version of this line and suddenly it gave me a new perspective: "to love someone is to attend a thousand births of the person they're becoming." It fuels hope and the decision to embrace this change. I just hope na matagal na manatili ang mga taong minamahal ko so they could witness how I bloom and prosper to be the person I aspire to be.
0 notes
elviaeiou · 9 months ago
Text
Author's Note?
Minsan lang naman ako talagang mag tumblr, hindi tulad ng dati. Sorry sa matinding hiatus, graduate na kasi ako. Nagtatrabaho ako ngayon bilang teacher sa kilalang school sa Makati.
Nag decide akong i delete ang blog ko dati kasi akala ko hindi ko na kakailanganin ang Tumblr. Turns out I was wrong. I actually need it to digress a bit. Anyway, ito pala mukha ko. Parang Author's note lang eh. hahaha
Sikapin kong makapagsulat nang marami ngayon. Wish me luck na lang or else?
Tumblr media
1 note · View note