Tumgik
ecstaticallyella · 3 years
Photo
Tumblr media
WHAT IZZZZ UP, MGA KA-DISASTER?  ✋😵‍💫
Walang makakaalam kung anong dadalhin ng bukas! Ready na ba ang mga go-bag ninyo? Hala, hindi pa? Huwag mag-alala, gagabayan ka ng bingo card na’to kung ano ang dapat ihanda at ilagay!
Teka, hindi pa alam kung ano ang go-bag? Ang go-bag ay ang ating go-to sa sitwasyon ng sakuna at emergency. Ito ay naglalaman ng ating basic needs na tatagal nang ilang araw, mga survival gear, gamit para sa communications, at iba pang mahahalagang gamit na dapat dala sa ating paglikas.
Lagyan ng mark ang bingo card kung nailagay na ang gamit!
1) Ready-to-eat food: Mga kukutin at de-lata na hindi na kailangan ng pagluto. Siguraduhin na tatagal ang baon nang ilang araw. Bonus kung easy open ang can!
2) Clothes and towels:  Magbaon ng ilang pirasong damit at tuwalya, pampalit at pantuyo lalo na kung maulan upang makaiwas sa higit pang sakit.
3) Water: Para laging hydrated! 
4) Cash and ATM cards: Maghanda cash kung sakaling hindi available ang ATMs at mga bangko; backup pa rin natin ang ATM cards.
5) Medications: Mga gamot at vitamins na kailangan ating bodies.
6) Hygiene items:  Dapat laging fresh n’ clean kahit nasa emergency! Siguraduhing may dental care, toiletries, at sanitary products ang go-bag mo.
7) Walkie talkie: Communication kahit walang signal ang cellphone. 
8) Cellphone: Kahit naman yata walang emergency, laging nasa tabi natin ‘to? Para in-contact tayo sa loved ones o iba’t ibang agencies.
9) Charger: Syempre, dapat may charger ang cellphone at walkie talkie mo!
10) Power bank: Para may charge kahit on the go o kahit walang kuryente! Pero dapat may charge ‘to, ha.
11) Battery-powered radio: Dapat lagi tayong may sagap sa balita at updates tungkol sa paligid natin, ‘wag ‘yong chismis, bestie!
12) Lighter: Apoy is a necessity para sa light at warmth. Doble ingat na lang sa paggamit!
13) Swiss Army knife: Multi-purpose item para sa iba’t ibang tasks mo sa pag-survive. Mahalaga rin para sa defense and safety!
14) Rope: Panali, pang-attach, pang-hang; u name it! Sana lang nakapag-practice ka ng pagtali ng knots haha.
15) Whistle: Para sa mabilisang pang-agaw ng atensyon. Dagdag na lang ‘to sa ganda mo, beh.
16) Batteries: Magbaon ng backup batteries para sa radyo, flashlight, o iba pang mga device na gumagamit ng baterya.
17) IDs, documents: Para walang tanong-tanong si Manong Guard, chos! Syempre, para sa identification ng identity mo. Ilagay sa ziplock para hindi mabasa (wet).
18) First aid kit: Band aid, betadine, triangular bandage, ice pack, alcohol - dapat kumpleto! Sana nakapag-practice ka ng basic life saving skills (Re: next NSTP module!)
19) Writing materials: Note down ang mahahalagang bagay tulad ng contact numbers, keypersons, locations, o kahit anomang naiisip mo. 
20) Duct tape: Ang universal craft material ay pwede rin sa survival! Pangtapal, pandikit, 
21) Face mask: Para safe ang ating respiratory system mula sa dust, ash, at virus. Magbaon ng pa-extra, dahil extra ka!
22) Extra plastic bag: Ilagay ang plastic bag niyong may plastic bag na may plastic bag sa go-bag mo. Pwede ‘to sa waterproofing o kaya naman pangsilid lang sa mga bagay.
23) Umbrella, raincoat: Pang-iwas ng ulan, bagyo, o baha para maiwasan ang sakit.
24) Flashlight: Let there be light! At sa mga sitwasyon na walang kuryente at madilim, let there be flashlight! Makikita mo na ang nasa dilim!
Naka- BINGO ka ba? Congratulations, ang prize mo ay safety at well-being. Stay safe lagi!
1 note · View note