Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Thank You Letter For My Parents
Papa, Mama. Napakaswerte ko na kayo yung naging magulang ko. Alam ko po na hindi ako naging perpektong anak sainyo, pero para sakin naging perpektong magulang kayo sakin. Salamat papa mama, sa pagpapalaki niyo sakin na may takot sa diyos, hindi man po halata kasi alam ko kilala niyo po ako bilang isang bata na pasaway, makulet at medyo palamura. Pero ang totoo napalaki niyo po akong ganon. Salamat po kasi alam kong napakarami niyo nang sinakripisyo para po saakin at saaming mga anak niyo. Ngayon na ako nalang po ang anak niyong nagaaral pangako papa, mama magtatapos po ako, susuklian ko po yung mga sinakripisyo niyo para saakin. Napakaraming sorry ang gusto ko pong sabihin sainyo pero di ko na lalahatin baka humaba ng sobra, ito nalang po yung iba. Sorry po kung may mga bagay akong nagagawa na hindi niyo nagugustuhan, sorry po kung minsan hindi po ako natulong sa gawaing bahay, sorry po kung may mga utos kayo na di ko nasusunod, sorry kung minsan nasasagot ko po kayo at sorry din po kasi maaga ako nagkabisyo pero pangako ko po hindi ko pababayaan ang aking pagaaral. Magtatapos po ako para sa kinabukasan ko at para po sa inyo di ko kayo papabayaan gagawin ko pong komportable ang buhay niyo pag nakapagtapos po ako ibibigay ko po sainyo mga gusto niyo at dadalhin ko kayo sa mga lugar na di niyo pa napupuntahan. Alam kong thank you letter to pero mas marami ang nasabi kong sorry HAHA. Pero papa mama maraming maraming salamat po sa lahat lahat. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na mahal na mahal ko po kayong dalwa papa mama. Ang korni pakinggan pero I love you po.
0 notes
Text
SEAMAN
Ang pagpili ng gusto mo maging sa iyong buhay ay ang isa sa pinakamalaki mong gagawing desisyon. Noon sobrang dami kong gusto maging. Gusto ko maging piloto, pulis, sundalo, doktor at seaman yan yung mga pinapangarap ko dati. Pero syempre habang nagkakaedad ako nalaman ko na di ko pwede makuha yang lahat ng yan. Natatandaan ko sa edad kong 11 pumili ako ng isa sa mga yan at ang napili ko ay ang maging isang mandaragat(Seaman). Ginusto ko maging isang seaman hindi dahil gusto ni papa o ni mama o ng aking mga kapatid. Pinili ko ang maging isang seaman balang araw kase yun talaga yung gusto ko, bata palang ako napakahilig ko sa mga laruang pangtubig. Marami din akong kamaganak sa side ng papa ko na naging seaman at yung iba hanggang ngayon nagtatrabaho pa din sa barko. Hindi ko maitatanggi na naimpluwensyahan nila ako kase iniidolo ko sila humahanga ako sa kanila dahil nakikita ko maganda yung buhay nila dahil sa pagsusumikap nila para maging isang seaman. Kaya ngayon nagsusumikap ako para maging isang mandaragat (seaman) din ako balang araw, kaya ako nandito sa strand na to(STEM) ngayon dahil gusto kong makatapos sa kursong BS Marine Transportation at maging isang ganap na seaman balang araw. Kahit na marami akong naririnig na kwento na "mahirap ang stem, marami kayo gagawin research at kung ano ano pa" pero di ako natinag ng mga kwentong yun kasi mayroon akong pangarap na gusto kong maabot at yun ay ang maging seaman balang araw. Gusto ko masuklian yung mga sinakripisyo ng aking mga magulang para sakin. Gusto ko maging proud sila sakin. Ako si Deejay at ang pangarap ko ay ang maging Seaman balang araw.
1 note
·
View note
Text
"Parokya ni Edgar"
Ang Parokya ni Edgar ay isang banda sa Pilipinas na nabuo noong 1993. Ang banda ay kilala sa mga orihinal nitong rock novelty na kanta at madalas na satirical na mga pabalat ng mga sikat na kanta kapwa banyaga at lokal. Ang banda ay sanay tumugtog sa iba’t ibang genre ng musika. Sa kabila ng pagkakaroon ng “Edgar” sa pangalan ng banda, wala sa mga miyembro nito ang may pangalang Edgar. Ang grupo ay binubuo nina Chito Miranda, Buwi Meneses, Darius Semaña, Gab Chee Kee, Dindin Moreno, Vinci Montaner. Ang PNE ay tinukoy ng mga lokal na media outlet at maraming award-giving bodies bilang “Pambansang Banda ng Pilipinas” (The National Band of the Philippines).
Ang banda na ito ang kauna unahang banda na nakilala ko dahil ang kuya ay isa din sa taga hanga ng PNE. Noong bata pa ako lagi ko naririnig na pinapatugtog niya ang mga kanta ng Parokya ni Edgar kaya nakilala ko ang PNE at naging isa sa mga paborito kong banda na gumagawa ng kanta dito sa Pilipinas. Sa dami ng kanta na nagawa ng bandang Parokya ni Edgar ang kantang “Buloy” ang pinaka paborito ko sa mga kanta na nagawa nila. Akala ko talaga noong una ang Siakol ang kumanta ng kantang ito. Akala ko parang Parokya sila, pero nagkamali ako. Ang Parokya ni Edgar ang nasa likod ng obra maestra na ito. Ang kanta ay tungkol sa isang kaibigan na nagpakamatay. Nakakaakit, pero masakit ang lyrics.
“Kaya naman bilib ako sa iyo
Kasi parang napakatibay mo
Lahat nang iharang
Ay kaya mong daanan”
At ang kantang “Gitara” ang una kong nakabisado sa mga kanta na nagawa ng PNE. Gustung-gusto ko yung vibe ng kantang ito. Maganda na pakinggan ang kantang ito habang umuulan sa labas. Kahit na bata pa ako noong una ko itong narinig ramdam ko yung mensahe ng kanta. Ito ay isang magandang kanta. Tungkol ito sa isang lalaki na walang lakas ng loob na yayain ang babae.
“Mapapagod lang sa kakatingin
Kung marami namang nakakaharang
Aawit na lang at magpaparinig
Ng lahat ng aking nadarama
Pagbibigyan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa ‘yo
Idadaan na lang kita
Sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara”
#OPM
0 notes
Text
"Silent Sanctuary"
Ang Silent Sanctuary ay isang 5-piece Filipino rock band na nabuo sa Metro Manila, Philippines noong 2001. Limang studio album ang inilabas ng banda sa buong karera nito. Nabuo ang Silent Sanctuary noong 2001 kasama ang tatlong founding member na sina Norman Dellosa (vocals, guitars), Paolo Legaspi (bass guitar, backing vocals), at Allen Calixto (drums). Bilang isang lumalaking banda, nag-eksperimento sila sa kanilang musika sa pamamagitan ng paghahalo ng mga klasikal na instrumento upang makagawa ng kakaibang tunog, idinagdag ang ikaapat na miyembro, ang kaklase ni Norman sa high school na si Anjo Inacay (cellist) sa line-up. Noong 2002, hiniling silang mag-guest sa In the Raw ng UnTV kung saan hiniling ni Anjo kay Jett Ramirez na gumawa ng string arrangement para sa kanilang pagganap. Mas maraming string instrumentalist ang sumali sa kanila sa nag-iisang episode na iyon. Nang maglaon, parehong tinanong sina Jett Ramirez (violist) at Chino David (violinist) bilang mga pormal na miyembro ng banda. Ang pangalang Silent Sanctuary ay likha ni Dellosa. Noong Pebrero 2004, naglabas sila ng independently produced full-length na album sa Millennia Bar and Café sa Kamuning na pinamagatang Ellipsis of the Mind. Nang maglaon, kinuha ni Sarkie Sarangay ang mga tungkulin sa boses para sa banda pagkatapos ng pag-alis ni Norman Dellosa. Si Jett Ramirez ay umalis sa banda, pagkatapos nilang ilabas ang kanilang debut single na “Rebound” noong 2006. Si Jason Rondero, vocalist/bassist ng indie band na New Modern ang naging bagong bassist ng banda nang umalis si Paolo Legaspi sa banda pagkatapos ng kanilang matagumpay na label na debut album na tinatawag na Fuchsiang Pag- ibig, isang taon matapos sumali si Sarangay sa banda. Ang banda ay binubo sa kasalukuyan nina
Raymund “Sarkie” Sarangay – vocals, guitars (2004–present); mga keyboard (2013–kasalukuyan)
Anjo Inacay – cello (2001–kasalukuyan); backing vocals (2017 –kasalukuyan)
Allen Calixto – mga tambol (2001–kasalukuyan)
Kim Mirandilla-Ng – violin (2017–kasalukuyan)
Ronnie Ropal – bass guitar, backing vocals (2021–kasalukuyan)
Mga dating myembro
Jason Rondero – bass guitar, backing vocals (2008–2021)
Chino David – violin, backing vocals (2001–2017)
Paolo Legaspi – bass guitar, backing vocals (2001–2008)
Norman Dellosa – vocals, guitars (2001–2004)
Jett Ramirez – viola (2001–2006).
Ang Silent Sanctuary ang isa sa mga paborito kong banda dito sa pilipinas. Sapagkat napakagaling nila gumawa ng mga kanta grabe yung vibe ng bawat gawa nila napaka sarap sa tenga at hindi nakakasawa pakinggan ang mga gawa nila. Ang mga paborito kong obra ng Silent Sanctuary ay ang Kundiman, Pasensya Ka Na, Ikaw Lamang, Sa’yo, Bumalik Ka Na Sakin at Hiling. Yan yung ilang kanta na hindi ako nagsasawa patugtugin dahil napakasarap pakinggan.
#OPM
0 notes
Text
"Kamikazee"
Ang Kamikazee ay isang banda sa Pilipinas na ang musika ay pinaghalong pop, punk, rock, at metal. Ang kanilang mga kanta at istilo ng musika ay may mga elementong komedyante at satirikal, at kadalasang kinabibilangan ng mga sangguniang pop at kultural. Nabuo noong 2000, isa na sila ngayon sa pinakamatagal na aktibong banda sa Pilipinas, na kilala sa pagpapanatili ng orihinal na line-up at istilo ng banda. Ang banda ay sikat sa mga mapangahas na live performance na kinabibilangan ng liberal na pagmumura, mga biro sa seks, at ersatz semi-acrobatic stripper routines mula sa lead singer na si Jay Contreras. Ang kanilang mga live na kalokohan, gayunpaman masigla, ay hindi nakakaapekto sa aktwal na mga pagtatanghal ng musikal, na ginagawa silang isang sikat na live act.Ang banda ay binubuo nina Jay Contreras (lead vocals), Jomal Linao (guitar and vocals), Led Tuyay (guitar), Puto Astete (bass) Bords Burdeos (drums), Jianelli James Lubiano (gitara) at Mikki Jill (mga keyboard at vocal). Sa dami ng obra na nailabas nila ang “Narda” ang pinaka tumatak at sigurado ako na hindi lang sakin kundi sa karamihan din ng mga taga hanga ng banda na ito. Tumatak sakin ang mga gawang kanta ng banda na ito dahil tuwing may okasyon sa bahay namin at mayroong videoke ang mga kanta ng kamikazee ay lagi kong naririnig kagaya ng kantang Narda, Chiksilog, Ambisyoso, Halik at marami pang iba. Ito yung chorus ng kantang Narda na pinakapaborito ko sa mga obra ng kamikazee.
[Pre-Chorus 1]
“Mapapansin kaya sa dami ng ‘yong ginagawa?
Kung kaagaw ko ang lahat
May pag-asa bang makilala ka?”
[Chorus]
“Awit na nananawagan
Baka sakaling napakikinggan
Pag-ibig na palaisipan, sa kanta na lang idaraan
Nag-aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala, kahit sulyap lang Darna”
#OPM
0 notes
Text
"Itchyworms"
Ang Itchyworms ay isang Filipino rock band na ang musika ay pangunahin nang guitar-driven rock na may binibigkas na 1960s at 1980s pop sensibilities at pinalamutian ng dalawa o tatlong bahaging vocal harmonies. Ginawa ng grupo ang kanilang pangalan sa OPM (Original Pilipino Music) scene noong 2006 sa kanilang sophomore effort na Noontime Show na may mga kanta tulad ng “Akin Ka Na Lang” at “Beer”. Ang mga miyembro nito ay binubo nina Jazz Nicolas, Jugs Jugueta, Kelvin Yu at Chino Singson. Nakilala ko ang banda na ito dahil ang mga gawa nilang kanta ay palagi kong naririnig sa mga videoke pag may okasyon gaya ng obra nila na “Beer” at iba pa nilang gawang kanta. Ang obra nilang “Ayokong Tumanda” ang pinaka paborito ko sa mga kanta na gawa nila kasi napaka simple ng mga lyrics pero pagpinakinggan mo ng aayos madadama mo yung sinseridad lalo na dun sa parte ng kanta na ang lyrics ay
“Ayokong tumanda
Ayokong tumanda
Ayokong tumanda
Ayokong tumanda
Kung hindi ka kasama”. Napaka simple pero napaka ganda ng sinasabi nila sa kanta na ayaw nila tumanda ng hindi nila kasama yung taong iniibig o mahal nila. Naging paborito ko ito dahil ayoko din tumanda ng hindi ko kasama yung taong o babaeng mahal ko.
#OPM
0 notes
Text
"Sponge Cola"
Ang Sponge Cola (minsan ay binabaybay na Spongecola) ay isang Filipino rock band na nabuo noong 1998. Ang banda ay binubuo nina Yael Yuzon sa mga vocal at gitara, Gosh Dilay sa bass, Armo Armovit sa mga gitara at drummer na si Tedmark Cruz. Isa sa pinakasikat na rock band sa Pilipinas, ang banda ay gumawa ng maraming magaganda na kanta kabilang ang Jeepney, KLSP, Gemini, Bitiw, Tuliro, Di Na Mababawi, Tambay, Kay Tagal Kitang Hinintay, at XGF. Sa ngayon, ang banda ay naglabas ng ilang mga album na naging matagumpay. Hindi ko alam pero mas gusto kong pakinggan yung mga banda na nabuo noong 90's. Grabe yung vibe ng mga kanta na nagagawa nila. Matagal ko na naririnig ang mga kanta na nagawa ng bandang Sponge Cola ngunit hindi ko kilala ang banda na ito kahit matagal ko na naririnig yung mga gawa nilang kanta. Sa natatandaan ko 14 yrs old ako noong tuluyan kong nakilala ang bandang Sponge Cola. Ang kantang Jeepney ang pinaka paborito kong kanta na obra nila gusto ko yung genre ng kanta na pop sarap sa tenga. Ang kantang Jeepney ay inilabas noong 2004 mas matanda pa sakin ang kantang ito dahil 2005 pa ako ipinanganak pero kahit na ganon nakukuha ko yung vibe ng kanta ang ganda ng mga lyrics na nilagay nila sa kantanang ito.
#OPM
0 notes
Text
New Years Eve
The new year is a new chapter. As usual, I celebrate my new year with my family. In the year 2022, I opened a new chapter in my life. At 12 am in the morning, we celebrated the new year happily, and at the same time, we also celebrated the birthday of my older brother, so my whole family was very happy on New Year's Eve. Even though we didn't eat that much, we still had a happy new year.We did what we used to do every new year, and one of them is to set off fireworks and make noise to show how happy we are to welcome the year 2022. Hopefully, this year will be the beginning of our recovery from the disasters that have befallen us. First the COVID-19 pandemic, then the earthquake and typhoon Odette, which destroyed houses and killed many lives in the Visayas. We can get up this year and claim it!
Christmas last year
"Christmas is truly Christmas when we celebrate it by giving the light of love to those who need it most." -Ruth Carter Stapleton. Last Christmas, I had absolutely nothing that day. My grandmother and godmother just gave me money. I just invited my friends to wander around and eat out. "Christmas is a day of meaning and traditions, a special day to spend in the warm circle of family and friends." -Margaret Thatcher; And that would also have been the day we would meet my loml but it didn't go on because we didn't have a look at SM with so many people. But even if that happened, I would still have a happy Christmas because, of course, it was the birthday of our dear Lord Jesus. "Christmas isn't a season, it's a feeling." —Edna Ferber.
0 notes
Text
December 2021
This is the most memorable month for me in 2021. On the second day of December, I started a conversation with a girl because my friends were teasing me with that girl. I didn't know what to say. At first, I even asked my cousin for help. Then, minessage ko siya ng "Tunay nga?" Then he answered, "Medj" When I read that, I preferred to talk to him, but my brain doesn't want to be with me. I couldn't think of a topic, so I just let him play Call of Duty Mobile. You can see in the picture above that the first time we played together was just the two of us as a duo. Maybe we continued to play together and our conversation with the messenger continued as well. Until now, I can still talk to him and he also makes me happy. I think I fell inlove to that person.
November 2021
This is the month I got my first dose of the COVID vaccine. I had mixed feelings on the day of the vaccination: fear, fun, and excitement. I'm scared because I see someone in Tiktok who can't stand the effects of the vaccine. Fun and excitement because I will have a vaccination card that is used to enter public places such as SM and other restaurants. After I was vaccinated, I went home and took the medicine, but all day I didn't feel any pain. My arm just got heavier that night, and then the next day I felt the pain, headache, and pain in the part that was injected when it was pinched. The next day, my headache and the pain from the prick were gone. I was very grateful to my lord because I was able to cope with the side effects of the vaccine.
October 2021
In October last year, nag lomi kami ng aking mga kaibigan and the rain caught up with us at the lomihan At 7 pm, we left the lomihan, but the downpour was still strong, so we just ran in the middle of the rain to get home after we reached the house we were going to. Then, suddenly, the rain stopped. After all, I used almost all of my free time this month to play Call of Duty Mobile because I also had an online class this month, so I could only play CODM during my free time. This is the month that I first played a famous Tiktoker, Ate Crystal, and until now I can still play with her. She is part of the clan we created, and this is also the month that I first played Persephon, which makes me smile now.
September 2021
Every September, my family celebrates three birthdays. On September 7, my dad and my nephew's birthdays are their birthdays at the same time, so they just had one party, but last year, my nephew did not come home here in Taal. My sister got married in Quezon province, so they lived there and they couldn't go home because of the threat of the COVID-19 pandemic. But even though they didn't come home, they still prepared meat to celebrate my dad's birthday, and we had a great time that day. September 23 is my sister's birthday. Walang handa pero may konting kasiyahan at konting inuman. Kahit na ganon na walang handa, it was important that we celebrate my sister's birthday happily.
August 2021
In August last year, my cousin got married and took me as a groomsman. It was my second time as a groomsman at a wedding. I didn't expect that I would be a groomsman because there were so many friends that could be taken, but I was one of the ones he took. I'm so happy because I also witnessed their relationship before. I always covered up for my cousin when he was smoking. Maybe I was also one of the reasons why they reached the wedding, so he took me as the groomsman. After the wedding, we went to the venue, and that was the happiest part because there were so many people, and we danced one by one the Tiktok dance.
July 2021
Hello, July. July last year was the month that I had too much. This is the month that my dignity was reduced because of the Tiktok video I made. I was just joking. It was here that I realized that Tiktok is not just for women, because my mind was when Tiktok the man looked gay, but it wasn't because it was for everyone. This is the month that I went to so many parties at napakaraming gala na naganap. This is also the month that I made a very important decision. This is my enrollment in STEM. Even though I know I'm not that hardworking and good at school, because of a dream, I took the STEM strand.
0 notes
Text
June 2021
I spent my June last year with my friends again. May mga gala kase kame na biglaan yun yung masayang gala yung alam mo na matutuloy kahit tatalo kami go lang lomi kame kahit saan tapos tambay sa bahay nila sopi kwentuhan hanggang maghapon tapos uwian na. After all, when I spent most of my time in June, I spent playing Call of Duty Mobile with friends I've known for a long time halos gabi gabi kaming magkakalaro maingay na nagcocomms pero masaya kase nakakausap ko sila tapos nung mga bandang patapos na yung buwan ng June di na kami nagkakalaro because we already have our own clan or group with us to grind every day but even so we're still friends.
May 2021
May is the month of my birthday May 28 last year was my 16th birthday, sweet 16 diba. Sobrang saya ko sa araw na yun syempre birthday ko yun e hindi man ganon karami ang handa ko sa aking kaarawan okay lang at least naalala ako ng mga kaibigan ko noong araw na yun binati nila ako sa fb, mess, ig at sa personal syempre at ang mahalaga nabusog ko yung mga pumunta sa bahay namin, yung iba hindi lang busog lasing pa pero syempre mga kaibigan yun ng aking papa at sa aming mga kabataan naman may konting inuman yung para lang sa kasiyahan. Hanggang sa natapos ang buwan ng Mayo sobra akong nagpapasalamat sa panginoon dahil binigyan nya uli ako ng isa pang taon ng aking buhay.
April 2021
April last year wala akong masyadong ganap sa buwan na ito kundi ang birthday lang ng aking mama wala namang gasinong handa kaya wala ding masyadong ganap. Kaya halos lahat ng oras ko sa buwang ito ay inilaro ko ng Call of Duty Mobile. Bagong buwan bagong kaibigan na naman galing sa larong Call of Duty Mobile tapos unti unti na din akong nagkakaroon ng skills hindi man ganoon kagaling pero nakakasabay na ako sa mga dati nang naglalaro ng Call of Duty Mobile. Sa buwang ito natuto ako mag quick scope sa sniper kitang kita ko na agad improvement ko sa halos isang buwan kong naglalaro pero syempre quick scope lang yung tutok wala pa hahaha pero at least may improvement. Sabi nga ng nakararami Trust the Process.
March 2021
This is the month I started playing Call of Duty Mobile. I played it because the people who played it weren't toxic, and because I used to play Mobile Legends. I experienced a very toxic game there. Instead of playing it to make things happy, I was annoyed because of the toxic ones that took sides. So I was transferred to Call of Duty Mobile because it's less toxic in that game. I'm happy and I relax myself when I'm stressed with schoolwork when I play it. My random allies are very friendly, even though I'm new and I'm not that good yet I don't hear trashtalk from them. So I continued to play it because I see myself as happy when I play, even at those times I don't have a partner, katrio, or ka5man. I'm literally a solo player because I'm new to that game.
February 2021
I spent my February last year with my friends. We met even with the COVID-19 pandemic. We were together almost every day in a house, weaving, talking, and doing food trips. We do activities and schoolwork together even though we know it is forbidden. Because that’s where the problems we imagine at home disappear. It’s as if that’s where we recharge our energy to fight every day in the pandemic we face. It's like the online class is killing us because we're not used to studying using the modern online class method, so it's very difficult for us. So, even though we know it is forbidden, we are able to get together to do our schoolwork together. But even though we felt that way in the online class, we fought back. We finished Grade 10 using the new way of learning in the online class.
January 2021
The happiest time I had in January were the new year and my older brother's birthday. In January last year, even though the COVID-19 pandemic was widespread, we still celebrated the new year happily, and at the same time, on my brother's 21st birthday, we celebrated happily, even though there wasn't that much food ready. Because the whole family is there, and, of course, the ones we consider family when we leave our home, those are our friends. Of course, when the friends are there, they are sure that there will be a drinks. This will take place because we are bonding with each other, so every time there is an occasion, there will be a drink. Until the end of the month of January last year, we were happy, and we are very thankful to the Lord because he guided us in the first month of 2021.
0 notes
Text
In life we can make many mistakes before we become good. We are afraid to make mistakes because we think about what others will say so the rest of us just stay in their comfort zone, they don't want to try something new because they are afraid to make mistakes. But the truth is that error is the way for us to be good. With the mistakes we make we can learn the things we do not know yet so if we are afraid to make mistakes and we do not try new we do not increase our knowledge and ability as an individual. What others will say is just words. yes, we can be hurt by what others say but that pain will go away, but the time we wasted because we didn't try something new because we were afraid of making mistakes we can't get back. Time is time. Time is gold. So what are we waiting for? Let's try something new, let's not be afraid to make mistakes, let's not think about what others will say, we are the owner of our body, so if we don't become successful, it's our fault because we have the ability to control ourselves but we didn't act.
1 note
·
View note