Can you pick and glue my broken pieces? Can you find my heart who's already lost because of someone else? Can you fix my life? And If you do, then I'm all yours. -- Derl
Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo
Ang saya no'?
Habang pinapanood mong unti-unting nauubos ang mga taong nagmamahal sa'yo.
Ang saya, Ang saya-saya...
Kasi 'di ka nila magawang intindihin. Na kung kailan mas kailangan mo sila, saka pa sila lalayo at mawawala na parang bula. Saka ka pa nila iiwanang luhaan sa putikan.
Ang saya talaga...
Habang pinipigilan mong umiyak, biglang uulan, tutugtog ang mga musikang nakakabagot at sumasabay sa'yong bugnot. Parang lalo pang nang-aasar ang tadhanang ipaalala sa'yo araw-araw na mag-isa ka nalang. na wala ka ng kasamang huminga... Ikaw, ikaw nalang.
Grabe sobrang saya!
Kasi wala kang magawa. 'Di mo malabanan ang kapalaran. Wala kang magawa kundi umasa sa gulong ng takbo ng buhay. Na balang araw, iikot muli ito at babalik muli sila.
At pag nangyari 'yon, ikaw na ang pinakamasayang tao sa mundo.
2 notes
·
View notes
Text
Dear people who’s around me
Yeah, I admit that I'm Lazy as hell to search something! I also waste some opportunities come, by doing mistakes. I always have sh*t excuses to many scenario in my life. I always accidentally disappointing other people who's around me and they left. I'm really a quick tempered person who are always want to quit. I'm working like a running snails who are slowly killing in society. Yes, I'm more likely "Juan Tamad" who's always waiting for something to happen. Well, who am I to blame? I'm not and we are not fvcking perfect! 'Cos In the first place, we all commit mistakes... Always. And we are a failure child of God. So don't mess up with my life, like you know everything about me. You just know me, but not the whole story of why I am like this now. Honestly, I'm really tired of all the sh*t here on earth to survive. But one thing is for sure, I will assure you that I will never give up until I achieve my success and goals. Remember, nothing worth having comes easy. So wait before you judge me. 'Cos I'll do something way better that my future self will thank for. Just give me time and please support me that I needed the most instead of putting me down in this cruel situation of mine.
Well It's not about of being sensitive here. I'm just stating who I am now in this post. I pretty much know my own self than others know me. There's a lot of struggles I encounter right now. Well laziness is not the main problem here. But the real problem is, I'm stuck hard in the past, its still hunt me and I'm fvcking lock. So that's why I can't move for doing my better future. I always want to come back and make things right. But I guess it's not bound to happen. So here I am now, trying to slowly move. And I want someone who's willing to understand me, to support me and patiently wait for my big success.
1 note
·
View note
Text
Wala nang Kami...
Hindi ko rin alam kung bakit ang bilis ng mga pangyayari,
Basta ang alam ko lang, wala ng kami. wala na.
Ang wagas na pagmamahalan ay naghalo na.
Ang matatamis na ala-ala ay ibabaon na,
Mahabang pinagsamahan ay itatapon na.
Paalam...
Wala na akong masabi,
masakit... pero wala na kong magagawa pa.
Tatanggapin nalang na, wala nang kami.
At hindi kami ang itinadhana sa isa’t-isa.
1 note
·
View note
Quote
From nagkakilala, nag-asaran, nagkita, nagkagustuhan, nag-aminan, nag-iwasan, bumalik sa dati, nagkaroon ng tayo sa loob ng dalawang taon To break na tayo real quick.
0 notes
Photo
“Kami na…” Kami na… Hindi rin ako makapaniwala nung una. Akala ko isa parin itong napakagandang panaginip. Pero hindi nagtagal, napagtanto kong totoo na pala ang lahat. Na kami na ng lalaking pinapangarap ko lang noon. Oo, kami na… Sa kabila ng pagpipigil at di pag-amin sa nararamdaman. Sa kabila ng mga takot na baka pag sinabi'y hindi naman masuklian. Sa kabila ng paglayo at pag-iiwasan, ay di parin napigilang sumabog ang puso’t tuluyang nagmahalan. Oo nga kami na… Maniwala ka, kami na talaga. Hindi na ‘to isang biro. Hindi na ‘to isang laro, hindi na isang simpleng tukso ng mga nakapaligid samin, dahil ito na ang totoo. Kami na ng lalaking minsang naging dahilan kung bakit ako bumalik ng Tumblr noon. Upang dito isiwalat lahat ng lihim kong pagtingin. Dito ko unang binunyag lahat ng kinikimkim. Pero di ko akalaing ngayon kami na at ang bilis ng panahon dahil kami pala'y mahigit kalahating taon na. Sobrang saya. Sana di na to matapos pa. Ang hiling ko nalang, sana… Kami na talaga pang habang buhay.
1 note
·
View note
Photo
“The Last piece of your Memory”
Sa dinami-dami ng ating mga nakalipas na ala-ala noong tayo pang dalawa, ito na lamang ang natira. Ang huling piraso ng ating kahapon na hindi ko matapon-tapon.
Sa dinami-dami ng mga sulat at litrato mong sinunog ko, kaharap ang bagong nobyo ko, heto na lamang ang naitabi ko sa mga ibinigay mo.
Ang tagal na ng panahon, simula ng pinaghiwalay tayo ng pagkakataon. Pero tanda ko parin ang sinabi mo noon, na sa dinami-dami ng nakarelasyon mo, sa'kin mo napiling ibigay ang bote na ‘to. Na may lamang pulbos na napakatagal mong itinago, dahil ito ay importante sayo. Importante, dahil para sana iyan sa pumanaw mong unang minahal. Kaya sinabi mo sa sarili mong ang huling babaeng mamahalin mo ay ang pagbibigyan mong muli nito. Dahil para sa'yo, siya na ang makakasama mo habang buhay. Pareho nating inakalang ako na ‘yon. Kaso… Nagkamali tayo, hindi pala ako ang babaeng iyon. Hindi pala ako ang babaeng makakatuluyan mo at nakatadhana sa'yo.
Paulit-ulit tuloy naglalaro sa'king isipan, Na isauli sa'yo ang huling piraso na ito, dahil ito ang kailangan. Para maibigay mo na ito sa tamang babaeng mamahalin mo sa kasalukuyan. Yung babaeng susunod mong magiging kasintahan.
Matagal kong hinintay ang pagbabalik mo, ngunit bakit kung kailan napagod na ko at nadakit na ng iba ang puso ko, saka ka pa bumalik? Huli na ang lahat. Dahil halos mag-a-apat na taon na pala tayong hiwalay, kaya sana pilitin mo naring mawalay sa pag-ibig natin noon na walang humpay. Kaya wag ng pasaway yang puso mo. Dahil kailanman, di na mababago ang nais ko. Siya na ngayon ang bagong tinitibok ng puso ko.
Isasauli ko na ang huling piraso ng pagmamahal mo, upang mapalago at maibigay mo ito ng buo sa tamang tao. Na talagang makakatuluyan mo at makakasama mo habang buhay.
-DERLheartsYOU
2 notes
·
View notes
Text
But in some sorts of time lang sissy. :) Busy parin talaga ako ng bongga. Imagine 7yrs na pala kong may tumblr pero di ko magawang maging active ng matagal dito. Sad. But I will try this time. :)
I'm Back?
I’m back to tumblr for good? Well, may…be?
#AlwaysBeMyMaybe #NonsenseThoughtForTheDay #EpicSunday
6 notes
·
View notes
Text
Aircon or Boyfriend this Summer?
Sa Facebook Timelines ng Dummy and Real Account ko, nagkalat sa Newsfeed ang question na yan. Para sakin, bat kailangan pang mamili ng isa? Eh kung pareho naman silang malamig at pareho ko silang kailangan ngayong tag-init? #NonesenseThoughtOfTheDay
1 note
·
View note
Text
I'm Back?
I'm back to tumblr for good? Well, may...be? #AlwaysBeMyMaybe #NonsenseThoughtForTheDay #EpicSunday
6 notes
·
View notes
Text
Dear Ex,
Noong June 12, 2015 sa burol ng Lolo ko ang huling magkita tayo. Alam ko isa ka na ngayong parte ng nakaraan. Pero paano nga ba tayo humantong sa ganito ngayon? Ano nga ba ang nangyari noon sa isang halos perpekto na sanang relasyon na meron tayo dati?
Naalala ko, nakilala kita nung mga panahong halos malapit na kong mag-isa at mawasak ang puso dulot ng isang lalaking walang ibang ginawa kundi ang lokohin ako’t pagmukaing tanga. Yung lalaking karelasyon ko nung mga panahong iyon. At yung lalaking mahal ko at handa akong gawin lahat para lang sa kanya. Nagbulag-bulagan at bingi-bingihan ako sa sinasabi ng iba tungkol sa kanya. Lahat ayaw sa kanya para sakin dahil wala nga raw siyang magandang maidudulot. Pero hindi ako naniwala at isinawalang bahala lahat ng pagmamalasakit nila. Kasi wala na kong pakielam kung buong mundo galit sakin at ayaw sa relasyon namin. Basta kasama ko lang siya. Pero iba ka sa lahat. Hindi ka umalis sa tabi ko nung mga panahong kailangan ko ng taong susuporta sakin. Andyan ka lang at laging handang makinig sa mga kwento ng drama ng buhay ko. Ikaw ang palaging saksi sa tuwing umiiyak ako ng dahil lang sa kanya, handa mong punasan ang mga luhang palaging pumapatak dahil lang sa walang kwentang tao. Ikaw ang palagi kong sandalan sa lahat ng problemang kinakaharap ko noon. Ikaw… Ikaw lang.
Ang laki ng pasasalamat ko noon na nakilala at naging kaibigan kita. Naalala ko pa noong Valentines 2011, imbis na siya ang dapat na kasama ko, ikaw ang nasa tabi ko. Binigyan mo pa ko noon ng bulaklak at iyon ang unang beses na nakarating ako sa bahay niyo. Ang unang araw na nakilala ko ang napakababait na magulang at mga kapatid mo. Pagkatapos non, sinamahan mo pa ako sa Valentines concert na pupuntahan ko na dapat siya ang gumagawa ng effort na ginagawa mo.
Dumating ang March, 2011. Ang kaarawan ko. Syempre inimbitahan kita, dahil isa ka na sa mga importanteng kaibigan ko. Ikaw halos ang unang dumating sa mga bisita ko noon. Wala naman akong gaanong inaasahang darating. At alam mong para sakin, siya lang ang makasama ko ay sapat na. Kaso ang tagal niyang dumating. Kasi mas pinili niyang pumunta muna sa Debut ng katropa niya kesa puntahan ako na Girlfriend niya. Pero ayan ka sa tabi ko, hindi ka umalis at ginawa mo ang lahat para mapangiti ako. At para hindi mainip, tinanong mo nalang ako noon kung ano ang gusto kong puntahang lugar at sasamahan mo ko roon. Kaya dinala kita sa isang espesyal na lugar para sakin. Yung Hanging Bridge na matagal ko ng paboritong puntahan simula noong high school ako. Pero antagal ko ng di nakabalik don dahil sa sobrang busy ko palagi. Kaya sobrang thankful ako sayo dati kasi ikaw pa yung naging dahilan para muli kong masilayan ang lugar na yon. Halos matapos na ang birthday ko, bago pa dumating ang hinihintay kong napakahalagang bisita. At nung dumating siya, gusto niya naring umuwi agad. Sobrang gusto ko siyang sumbatan noon, na buti ka pa ang haba ng oras na ginugol mo sakin na dapat siya ang gumagawa, gusto ko siyang pigilang umalis at umiyak sa harap niya pero di ko ginawa at pinigilan kong gawin. Kaya pagkauwi niya, sayo ko binuhos lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Niyakap mo lang ako at sinabing magiging maayos din ang lahat samin.
Simula noon, napapansin ko na nagiging madalas ang pagtetext at pagtawag mo sakin. May mga araw din na dumadalaw ka pa sa bahay. Wala naman akong napapansin noon na kakaiba sayo. Naisip ko lang nun na siguro alam mong ikaw nalang ang nakakaintindi sa kung anong sitwasyon ang kinakaharap ko kaya di mo ko iniiwanan. Ang lagi mo pang sinasabi na palagi kang andyan para sakin kung kailangan ko. Hanggang sa isang araw, gusto ko ng sumuko sa kanya. Napapagod na kong umiyak at magsumbong sayo sa mga kalokohan at pangba-babaeng ginagawa niya. Nagsasawa na kong magtiis sa ganoong klase ng relasyon. Kaya heto ka nanaman, isang tagapag-ligtas. Nung araw na yon sinabi mo sakin na makipaghiwalay na ko sakanya at matauhan na ko. Sinabi mo pa na magising na ko sa katotohanan kasi kung hindi, babatukan mo talaga ako ng malakas para maalog ang utak ko. Kaya nung araw na yon, nagdesisyon na kong tapusin ang lahat samin. Kahit masakit, ginamit ko ang natitirang tapang at pride ko para sabihin sa kanyang ayoko na. Pagkatapos non, heto ka nanaman sinuportahan mo ang nag-iisang tamang desisyon na ginawa ko.
Matapos naming maghiwalay, mas napapadalas yung pagkikita nating dalawa. Hanggang sa inimbatahan mo ko sa inyo dahil graduation ng kapatid mong bunso. Doon may mangilan ngilan ka ring mga bisita bukod sakin… Yung mga tropa mo na kapitbahay niyo. Nagulat ako ng akbayan mo ako sa harap nila at sabihing “Tayo”. Napatingin ako non sayo ng masama na parang nagtatanong ang mga mata ko kung bat mo yon sinabi sakanila, pero kinindatan mo lang ako bilang sagot. Nung araw na yon, napakarami ng nagtatanong saking mga kamaganak mo kung tayo na nga ba dahil napapansin din nilang madalas tayong magkasama. Pero sasagot palang ako ng Hindi ay inuunahan mo na agad ako ng sagot sa kanila ng “Oo kami na.” Gustong gusto na kitang hampasin nun, kundi lang talaga ako nahihiya sa mga magulang mo. Pero ganun pa man, gumaan ang loob ko dahil sa ginawa mo. Kahit biro lang yon, di ko akalain na kahit di naman talaga tayo, mapapakilala mo ko ng ganun sa mga tao sa paligid. Samantalang siya, ni isa sa mga tropa at kamaganak niya, di ko kilala. Hanggang sa dumating yung oras na ihahatid mo na ko pauwi. Habang naglalakad tayo papunta sa sakayan ng Bus, doon mo inamin sakin lahat na matagal mo na pala kong gusto at unti-unti ka ng nahuhulog sakin. Sabi mo, tinago mo lahat kasi alam mong may Boyfriend ako nung mga panahong nakilala kita. Kaso dumating ka na sa point na mahal mo na talaga ako at di mo na kayang makita akong malungkot, nasasaktan at umiiyak ng dahil sa kanya. Doon mo sinabi sa sarili mo na, pag once na nagkahiwalay kami, gagawin mong lahat para maibalik yung ngiti sa labi ko at mapasaya ako sa araw-araw na dadaan sa buhay ko.
Pagkarating pa natin noon sa bahay namin, nagulat ako ng buong tapang mong sinabi sa magulang ko na pormal mo na kong liligawan. Ikaw… Ikaw palang ang unang lalaking gumawa non. Kinabukasan, tinawagan kita para makausap. Umiyak ako noon habang kausap kita at habang sinasabing itigil mo na lahat ng ginagawa mo. Dahil alam ko sa sarili kong napakadali mo lang makukuha ang puso ko. Dahil madali kang mahalin. At dahil din doon, natatakot akong bigyan ka ng Chance. Dahil natatakot akong maulit lahat ng ginawa niya sakin. Pero nung araw din na yon nagpunta ka bigla samin para patunayan saking hindi ka ganon. At para ipangako na, hinding-hindi mo gagawin yung mga ginawa niya sakin. Na mamahalin mo ko ng tapat at totoo. At nang… Ako lang. Kaya nung araw din na yon, kahit masyadong mabilis, kahit alam ko na di pa kita mahal at kahit alam ko sa sarili kong di parin ako nakakamove-on sa kanya. binuksan ko parin ang pagkakataong patuluyin ka sa puso ko. Dahil nung araw na yon… Sinagot na kita.
Kinabukasan matapos kitang sagutin ay Graduation day ko na sa College. April 08, 2011 non. Hindi ko ineexpect na susurpresahin mo ko sa sinabi mong darating ka para panoorin ako sa isa sa pinaka-importanteng araw ng buhay ko. Nakakatuwa na nagpunta ka roon na may dalang regalo at munting sulat. At nung araw din na yon kita legal na naipakilala bilang Boyfriend ko sa buong pamilya ko. Alam kong pareho tayong masaya nung mga panahong yon. Dahil lahat ng kamaganak ko boto sayo. Pati ang mga pinsan at kaibigan ko na nagalit noon sakin ay gustong-gusto ka para sakin. Kaya ang saya-saya mo non at kitang-kita ko yon sayo. Yun nga lang, mabilis din binawi sayo ang kasiyahan na yon… Dahil nagparamdam ulit siya sakin at nakikipagbalikan. Naconfused ako sa nararamdaman ko noon, dahil alam kong siya parin ang mas matimbang. Pero ikaw parin ang pinili ko.
Unti-unti natutunan na rin kitang mahalin. Dahil di naman mahirap gawin yon para sa isang gaya mo na talaga namang kamahal-mahal. Sobrang naging saya ko nung mga panahong mahal na mahal na kita. Kasi ramdam na ramdam ko rin kung gaano mo ko kamahal at kahit kailan hindi mo ko pinabayaan. Todo ka mag-effort nun para sakin. Na para bang araw-araw ka paring nanliligaw kahit na Tayo na. Lahat binigay at ginagawa mo. Yung mga gusto ko na kahit di ko naman hingin sayo, kusa mong ibinibigay. Sobrang laki ng pasasalamat ko noon sa panginoon na binigay niya ang isang gaya mo sakin. Napakamaalalahanin mo, napakamaalaga, napakamabait, napakamarespeto, napakamapagmahal at lahat ng magandang napaka sayo ko nakita.
Ang araw simula nung maging tayo ay naging linggo. Tapos naging isang buwan, dalawa, tatlo, apat hanggang sa umabot tayo ng isang taon mahigit. Aminado ako na napakarami na nating pinagdaanan. Pero heto tayo, di sumuko at halos ilang buwan nalang ikakasal na tayo. Oo, di rin ako makapaniwalang malapit na ang araw na pareho nating minimithing dumating. Kasi nagplano tayo noon na sa saktong 2 years natin, magpapakasal na tayo. Kaso Secret Marriage nga lang na iilan lang ang makakaalam. Sobrang excited ko nung mga panahon na yun. Na lagi kong pinapaalala sayo, na konting panahon nalang, magiging saatin na ang isa’t-isa ng tuluyan. Na tayo na talaga habang buhay. Noon siguradong sigurado ako na ikaw na yung lalaking para sakin. Na ikaw na talaga. Kasi alam kong sobrang mahal na natin ang isa’t-isa.
May 2012, dito sa buwan na ito ko napansin na maraming nagbago sa pagsasama nating dalawa. Simula nang maghiwalay ang mga magulang ko sa kaparehong buwan na ito ay kasabay niyon ang napapadalas natin pagtatalo at pag-aaway. Di man tayo nagkakapisikalan pero nagkakasakitan parin tayo sa pamamagitan ng mga masasakit na salitang binibitawan natin sa isa’t-isa. Alam ko namang ako ang madalas na mali sa ating dalawa. Dahil sa sobrang pagmamahal ko noon sayo, natakot ako… Natakot akong mawala ka. Kaya naramdaman mong nagbago ako, naging mahigpit ako at palagi kitang pinagbabawalan sa maraming bagay kahit ang sumama sa mga katrabaho mo o sa katropa mo ng hindi ako kasama ay di ko na pinapayagan. Naging masyado akong Clingy sayo at laging paranoid. Pero ang hindi mo naiintindihan noon ay ayaw lang kitang mawala. Kasi pakiramdam ko mag-isa nalang ako simula ng maghiwalay ang mga magulang ko. Ayoko kasing matulad tayo sa kanila. Alam kong sumobra ako noon. Na kahit sa mga pinakamababaw na dahilan ay inaaway pa kita. Yung tipong hindi ka lang makatawag o text agad ay magagalit na ko.
June 07, 2012, nung sabihin mong pagod ka na. Akala ko non, makikipaghiwalay ka na sakin kaya sobrang natakot ako. Kasi saktong 14th Months natin ang araw na yon. Pero yung inakala kong makikipaghiwalay ka ay yun pala bibigyan mo ko ng singsing at sinabi mong pagod ka nang maging Boyfriend ko at simula sa araw na yun, Fiancé na kita. Sobrang saya ko kasi doon ko lalong naramdaman na konting panahon nalang magaganap na ang isa sa mga pangarap ko, ang ikasal sayo.
August 12, 2012, nang mag-aya kang lumabas tayo. Typical na ginagawa lang ng magkasintahan ang ginawa natin ng araw na yan. Nagsimba sa Baclaran church, kumain, nanuod ng sine sa Moa, nagzipline at sumakay sa ferris wheel. Nung araw na yan, di ko maipaliwanag ang saya na naramdaman ko at alam kong ganon ka rin. Pero matapos ang araw na yan, hindi na tayo halos nagkita dahil pareho tayong busy. Ako sa pamilya ko at ikaw sa trabaho mo. Di ko alam na yun narin pala ang magiging huli nating pagkikita bilang magkasintahan. August 25, 2012, umaga palang magkaaway na tayo. Dahil hindi natin halos natapos ang pagtatalo natin kinagabihan bago ang araw na yan. Kaya kahit labag sa loob ko, napilitan akong sabihing sawa na ako at ayoko na. At nagulat ako na sumang-ayon ka. Marahil sawa at pagod ka na ring pigilan at habulin ako sa tuwing sasabihin ko sayong maghiwalay na tayo. Sawa ka ng umiyak sa harap ko at magsumamo kahit alam mong ako naman talaga ang mali. Nung araw na yon, nagsisi ako dahil masyado akong nagpadalos-dalos ng desisyon. Pinigilan kita at sinabi kong biro lang pero ayaw mo na talaga. Tumawag ako non sayo ng umiiyak pero ang sinabi mo lang, magkita tayo kinabukasan.
At kinabukasan nga non, nagkita tayo sa lugar kung saan tayo unang nagkakilala. Di ko akalain na sa lugar rin na yon tayo nagtapos. Pinaliwanag mo sakin na ang laki na ng pinagbago ko at gusto mong makipaghiwalay dahil gusto mo akong matuto at para rin saakin ang gagawin mo. Alam mo ba? Sobrang sakit sakin na natapos tayo ng ganoon lang. Naisip ko non, paano na yung mga pangarap natin? Paano na yung kasal? Gustong gusto kita nung habulin dahil pakiramdam ko ikaw na talaga. Palagi pa nga akong nagtatangka magpunta sainyo para makipag-ayos pero di ko magawa dahil inuunahan ako lagi ng pride at takot na baka di ka na talaga bumalik. Araw-araw hindi ako makatulog noon ng hindi umiiyak. At kahit sa paggising ay inaalmusal ko na rin ang mga luha. Sobrang bigat malamang naghiwalay kayo ng taong mahal mo ng dahil sa kagagawan mo. Ang hirap sa pakiramdam na para akong pinapatay simula nang mawala ka. Araw-araw hinihintay ko na baka isang araw pumunta ka sa bahay at sabihing di mo ko matiis. Pero di nangyari. Araw-araw tinitignan ko ang Cellphone ko kung may tawag o text ka pero nabalitaan kong nag-iba ka na ng number. Palagi rin akong sumasama sa mga kaibigan natin pag nag-aaya sila ng gimik dahil nagbabakasakali akong pupunta ka, pero di ka dumadating. Nabalot na ko noon ng sakit dulot ng pagkawala mo. Hanggang sa isang araw pinuntahan ako ng isa sa mga kaibigan mo para sabihing, alam nilang lahat na mahal mo pa ako dahil ikaw mismo ang nagsasabi nun sakanila. Na nahihirapan ka rin na magkahiwalay tayo pero gusto mo munang mahalin at hanapin ko ang sarili kong nilamon na ng sobrang pagmamahal ko sayo. Nung araw na yon, nagkaroon ako ng pag-asang babalik ka pa. Kaso… Di ka na bumalik at nasanay ka ng wala ako sa tabi mo. Noon, pinanghawakan ko ang pangako mong hindi ka tutulad sa kanya sa ginawa nyang panloloko. Oo nga di ka tumulad at alam kong ako ang may kasalanan ng lahat kaya tayo nagkahiwalay. Pero… Pareho kayong sinaktan ako. At mas masakit pa itong pag-iwan na ginawa mo. Kung gaano kasobra yung saya na pinadama mo, ganun din kasobra yung sakit na naramdaman ko sa pagkawala mo.
Halos isang taon din mahigit ang dumaan, bago ko natanggap na wala na talaga tayo. Na hanggang doon nalang talaga siguro ang lahat saatin at hindi tayo ang nakatadhana sa isa’t-isa. Di pa man tuluyan noong naghihilom ang puso ko, dahil alam ko na kahit papaano mahal parin kita at may puwang ka parin sa buhay ko. Pero alam ko na kaya ko na at hanggang sa unti-unti ko nalang namamalayan na kahit papaano nakaMove-on na pala ako sayo.
June 2014, ng makikilala ko muli ang isang lalaking sa tingin ko handa ko ng mahalin. Pero di ako nagmadali para saming dalawa. Dahil gusto ko muna siyang kilalanin maigi at siguraduhing siya na talaga. At gusto ko rin muna maging handa saka ako papasok sa panibagong relasyon. Halos magdadalawang taon narin simula ng maghiwalay tayo. At siguro naman kaya ko na ulit magmahal ng iba. Siguro kahit nababalitaan kong wala ka paring bago hanggang ngayon, panigurado naman akong may mga nakikilala ka na ring babaeng maaaring magpatibok muli ng puso mo.
At isang taon ang nakalipas matapos ko siyang makilala ay nagparamdam ka… Dahil gusto mong dumalaw noon sa namayapa kong Lolo. Pumayag naman ako dahil naging parte ka na rin ng pamilya ko at dahil may pinagsamahan din naman tayo. At siguro panahon na rin para magkita ulit tayo. Pero bago ang araw na yon, inisip ko kung ano ang mararamdaman ko pag nakita ulit kita. At natatakot akong baka mahal parin kita matapos ng mahabang panahon. Buti nalang at nagkamali ako ng hinala, dahil ng magkaharap tayo nung June 12, 2015 ay walang kahit na anong kaba akong naramdaman o kahit kirot sa puso ay di man lang kumawala sa sistema ko. Nag-usap tayo na parang normal nalang na magkakilala at wala na talaga akong maramdamang kahit na anong epekto mo habang magkatabi tayo. Ni hindi ako naiilang na titigan ang mga mata mo. Siguro Good sign na yon na wala na talaga akong nararamdaman na kahit na ano sayo. Na handa na kong maging kaibigan ka nalang.
Simula ng araw na muli tayong magkita ay madalas na ulit tayong magkatext o chat sa FB. Palagi ka na ulit nagla-like sa mga pictures at status ko. Pero hindi ko naman iyon binigyan ng kahit na anong ibig sabihin o malisya. Naisip ko, siguro talagang handa na tayong maging magkaibigan ulit sa kabila ng lahat. Pero di ko inakala na kaya pala ganoon ay may iba ka pa palang nais iparating.
September 2015, nang magtapat kang mahal mo pa pala ako. Ako… Ako lang at Ako parin. Alam mo ba ang tagal kong hinintay yan sayo. Akalain mo, tatlong taon na tayo mahigit hiwalay. Kaso patawad, kasi nahuli ka ng dating. Huli na ang lahat dahil wala na kong nararamdaman sayo at di na ko umaasa. Bakit ngayon pa? Kung kailan kami na.
Siguro hanggang dito nalang talaga tayo. Siguro… Di talaga tayo ang nakatadhana. O kung tayo man, siguro pinaglalaruan niya pa tayo ngayon at sinusubukan. Pero ayoko namang makipaghiwalay sa kanya na nagbigay ulit ng panibagong ngiti at kulay sa buhay ko dahil alam kong siya na ang mahal ko at di na ikaw. Ayoko rin namang sumang-ayon sa sinabi mong maghihintay ka. Kasi baka mapagod ka lang umasa at maghintay sa wala. Ayokong bigyan ka ng Hope. Kasi kahit papaano ayokong masaktan ka sa huli.
Hanggang sa kasalukuyan, April 2016, kami parin ng bago kong kasintahan, halos kalahating taon na kami at para di na ganoon kakumplikado ang lahat, naka in a relationship na kami sa FB. Di ko yon ginawa para pagselosin ka gaya ng sinasabi mo. Ginawa ko yon para ipakita sayo kung sino na ngayon ang mahal ko.
Patawad kasi nahuli ka na. Kung alam ko lang na babalik ka pa, di ko na sana piniling buksan sa iba ang puso ko. Kung alam ko lang na mahal mo pa ko. Pero wala ng lugar para magsisi pa. Siguro binigay ka lang sakin noon para matuto ako at mas maging malawak ang pang-unawa tungkol sa mundo ng pag-ibig. Salamat sa lahat ng pinagsamahan natin noon, di ko yon makakalimutan. At salamat sa pagmamahal mo, sana mahanap mo na rin ang para sayo.
Ang masasabi ko nalang sa huli nitong sulat ko, yung katagang sobrang gasgas na…
“Kung tayo talaga ang nakatadhana. Tayo talaga. Pero kung hindi, tanggapin nalang natin na wala na.”
-DERLheartsYOU-
1 note
·
View note
Photo
"I learned to never assume that someone also likes you by their sweetness. Sometimes you're just an option when they're bored."
0 notes
Text
Mahal ko siya pero hindi pa pwede... Ngayon.
Nitong mga nakaraang linggo’t araw, sa totoo lang hindi ko na alam kung anong nangyayari sa’akin. Hindi ko alam kung bakit madalas akong balisa. Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Nalulungkot ako, Naiiyak, Nasasaktan ng hindi ko naman alam kung para saan at hindi ko rin alam kung anong dahilan. Dahil ba ito sa pagod? Dahil ba sa nakaraan? Dahil ba sa mga problema? O dahil sa kanya? Siguro… siguro isa rin siya sa dahilan, pero bakit? Bakit kailangan ko itong maramdaman ngayon all of the sudden? Bakit nga ba?
Minsan kasi dumarating ako sa puntong, gusto ko ng umamin. Gusto ko ng sabihin sa kanya yung nararamdaman ko, gusto ko ng sabihin na mahal ko talaga siya. Na hindi na ito isang biro at seryoso ako. Na masaya talaga ako sa tuwing nakakausap ko siya. Na nakukumpleto yung araw ko ng dahil sa kanya. Na sobrang halaga niya para sa’akin. Na natutunaw ako sa tuwing ngumingiti siya nung mga araw na magkasama kami. Na parang anghel at musika sa’akin yung boses niya, Na gusto ko siyang maging parte ng buhay ko at makasama ko hanggang dulo. Na gusto ko siya na yung lalake para sa’akin. Pero… Ayoko. Nangingibabaw parin talaga sa’akin yung takot. Ibig kong sabihin, natatakot ako na kung sakaling malaman niya yung nararamdaman ko, lumayo siya sakin. Hindi naman kasi ako natatakot kung hindi niya suklian yung pagmamahal ko. ang kinakatakot ko yung tuluyan siyang mawala bilang kaibigan ko. At yun yung pinaka ayokong mangyari sa lahat.
May araw na hindi ko na yata mapigilan pa yung sarili ko. In any minute gusto ko ng sumabog at umamin sa kanya sa tuwing magkakausap kami, gusto ko ng sabihin lahat lahat. Kasi paano kung pareho lang pala kaming nagpipigil? Paano kung pareho lang kami ng nararamdaman? Paano kung naghihintayan lang pala kami? Pero may mali eh. Ang assuming ko na yata mag-isip. Alam ko naman na hindi pa ito dapat. Hindi pa dapat ngayon at hindi pa naaayon ang panahon. Marami pang mas importanteng bagay ang mas dapat kong pagtuonan ng pansin. Mas marami akong dapat unahin. At alam kong ganun din siya. Ayokong maging makasarili. Ayokong ipilit yung mga bagay na hindi pa pwedeng mangyari ngayon. Hindi ako dapat magmadali, kasi alam kong lalo lang akong masasaktan at mahihirapan sa kahihinatnan kung sakaling magpadalos-dalos ako ngayon. Hindi naman sa duwag ako pero ayokong magtake ng risk na tiyak pagsisisihan ko rin sa dulo. Kasi paano kung may mahal pala siyang iba? Paano kung hindi pala niya ko gusto? Edi nagmukha lang akong tanga sa ginawa kong pag-amin. Pero kung sakali mang ganun, kaya ko namang magparaya. Kaso hindi pa talaga ako handang umamin sa kanya ngayon. Hindi ko pa talaga kaya.
Ayokong maging miserable ulit kami pareho balang araw. Kaya mas mabuti narin muna ito. Ang mawalan muna kami pansamantala ng komunikasyon. Kaya pinakiusapan ko yung isa naming kaibigan na palitan panandalian yung password ng Facebook ko para di ko yun mabuksan. Pinaiba ko rin ng password yung account ko sa website kung saan kami unang nagkakilala… Sa Wattpad. At pinag-isipan kong hindi rin muna buksan yung iba ko pang accounts kung saan friend ko rin siya. Gaya ng Twitter at Intstagram. Para mas makapag-isip ako ng dapat gawin. At makagawa ako ng tamang hakbang. Siguro kailangan ko narin muna magpalit ng cellphone number. Para mas makapagfocus ako sa mas importanteng gawain. Babalik rin naman ako kapag maayos na at kaya ko na ulit pigilan yung sarili ko. Babalik rin ako agad pag nakahanap ako ng mas magandang way para hindi agad mabunyag yung nararamdaman ko para sa kanya at kapag kaya ko na ulit humarap bilang isang normal na kaibigan sa kanya.
Kahit mahirap ang umiwas sa kanya. O mas magandang sabihing kahit sobrang hirap na hindi ko muna siya makakausap pansamantala, kailangan ko ito para matupad muna lahat ng pangarap ko. Ito lang yung nakikita kong solusyon para mapabuti kami. Ayoko rin kasi siyang ubligahin sa bagay na hindi niya gusto. Ayoko talaga siyang madaliin at lalong-lalo na ayoko maging sagabal sa pag-aaral niya. Ayokong ako yung maging dahilan para mabigo siya o mabigo niya yung mga magulang niya. Ayoko ring ako yung maunang magtapat dahil ako yung babae. At isa pa, natatakot ako masira yung pagsasama namin bilang magkaibigan kung sakaling malaman niya na yung totoo. Natatakot ako ng sobra pag naiisip kong mawawala siya dahil lang sa kahibangan ko.
Pareho kaming may masalimuot na nakaraan at pareho na kaming unti-unting bumabangon ngayon. Ayokong ako pa yung maging dahilan ng muling pagkadapa niya. Gusto ko balang araw ako na yung maging dahilan ng tagumpay niya, hindi ng muling pagbagsak niya. Pareho kaming may misyon sa kanya kanya naming mga pamilya. Gusto ko matapos muna namin yun. Gusto ko maging handa muna siya. Pero tao lang rin ako, gusto ko rin siyang makasama ngayon, gustong gusto kong mahalin niya rin ako pero ayoko maging hangal. Ayokong maging kontrabida sa buhay niya, Ayokong maging hadlang para sa kanya… Kasi gusto ko siyang maging masaya at hangad ko yun ng buong-buo. Alam kong isa sa mga pangarap niya ang umakyat sa entablado at tanggapin ang kanyang diploma ng walang kahit na anong balakid gaya ng pinlano niya. Ayokong masira yun. Ayoko ng dahil sa’akin mapunta lang sa wala lahat ng pinaghirapan niya. Kaya kahit mahirap kailangan kong unawain yung sitwasyon na nakalatag sa’amin ngayon. Kahit na ang nakikita kong solusyon para dun ay dapat ko muna siyang layuan, gagawin ko, para maayos niya lang yung buhay niya.
Mahal ko siya kaya kailangan ko tong gawin para sa kanya.
Mahal ko siya kaya suportado ko at nirerespeto ko lahat ng mga plano niya sa buhay.
Mahal ko siya kaya kailangan kong magsakripisyo ng ganito ngayon at maging matatag para sa darating na bukas.
Mahal ko siya kaya kailangan kong maging matyaga sa paghihintay para sa mas maganda at mas masayang hinaharap.
Mahal ko siya pero hindi pa pwede… Ngayon.
-DERLheartsYOU-
0 notes
Text
Mahal na Kita...
Kanina, pasimple ko siyang inisahan nung magkausap kami sa chat. Para lang masabi niya sa'akin yung mga katagang gustong gusto ko magmula sa kanya. Kaya nagkunwari akong hindi alam ang tagalog ng 'Profit' at 'Expensive Profit' para itanong yun sa kanya at siya mismo ang sumagot ng tanong ko. Akala ko nga kanina mapuprunada yung plano ko dahil sa pagsagot ng iba pa naming kagrupong kasama sa group chat. Akala ko sila ang sasagot sa tanong na dapat talaga ay para sa kanya. Buti nalang at sinagot niya. At ang resulta?
Nakakakilig...
Nakakatuwa...
Nakakaloka...
Sa tuwing mababasa ko yang chat na yan, hindi ko maiwasang hindi awtomatikong mapangiti. kahit na alam kong naisahan ko lang naman siya at sinagot niya lang naman yung tanong ko pero nararamdaman ko parin yung galak ng puso ko.
Pero sana dumating yung panahon na masabi niya talaga ang salitang "Mahal na Kita" sa'akin ng hindi sa pamamagitan ng pagtatanong ko ng english ng profit or expensive profit. yung tipong talagang mahal niya na ako.
"Mahal na kita" ang sarap lang pakinggan o mabasa...
kahit alam kong hindi totoo.
-DERLheartsYOU-
2 notes
·
View notes
Text
Kalahating taon na akong umiibig...
January 11, 2015 | Sunday
Mula sa araw na ito ay eksaktong anim na linggo na rin pala ang nakakalipas matapos kaming muling pagkitain ng panahon. At sadya siguro talagang mapaglaro ang pagkakataon, dahil ngayong araw rin ang eksaktong anim na buwan simula ng mag-umpisa ang lahat ng kahibangan ko sa kanya.
Anim na buwan na ang nakakalipas buhat ng gawin ko ang isang kalokohan noon. Yung kalokohang pinapakita ko sakanya pati narin sa mga kaibigan namin na kunwari'y mahal ko siya, pero ang pagkukunwaring iyon ay bigla nalang nauwi sa totoong pakiramdam na mahal ko na pala talaga siya. Hetong puso ko kasi! Sadyang hindi marunong sumakay sa biro't unti-unting lumambot ang minsa'y naging bato kong damdamin at natutong umibig muli. Ayan tuloy dahil sa birong hindi napanindigan, nahulog ako sa sarili kong bitag. Ngunit ganun pa man, kahit tuluyan na akong kinain ng mga biro ko ay ayos lang sakin. Wala akong pinagsisisihan dahil sa makatuwid, nagpapasalamat ako sa mga birong yun. Kasi dahil dun naging masaya ako. dahil dun nabuo akong muli at naging bago. dahil dun nasilayan kong muli ang umaga ng nakangiti at walang anumang bigat sa dibdib.
Kahit pa hanggang ngayon ay wala parin siyang alam sa tunay kong nararamdaman sakanya ay hindi ko yun kinakabahala. Mas mabuti na yun kasi ayoko siyang istorbohin lalo pa't sobrang abala niya ngayon sa pag-aaral. Kuntento parin naman ako sa atensyong nakukuha ko mula sa kanya. Masaya na ako sa konting oras bawat araw na makaka-chat ko siya sa Facebook, Napapangiti na ako sa tuwing nakikita ko ang mga like niya sa mga pictures ko sa Instagram at higit sa lahat gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nababasa ko ang mga update niya sakanyang mga stories sa website kung saan kami unang pinagtagpo ng pagkakataon... sa Wattpad.
Noong muli kaming nagkita, anim na linggo na ang nakararaan ay isa nanamang hindi malilimutang ala-ala ang tumatak saking puso't-isipan. Kasi kung nung una naming pagkikita'y ako ang nagpunta sakanila kasama ang ilang kaibigan ay siya naman ang nagbuno ng oras para makapunta sa amin nung panahong iyon. Kahit malayo ang aming lugar sa siyudad ay hindi niya ininda ang pagod sa byahe. Ngunit bago pa lang siya dumating ay inihanda ko na ang sarili ko sa pagpaplano kung paano ko siya mapapasaya kapag nakarating na siya sa lugar ko. Gusto ko kasing bumawi sa ginawa niyang pag-aasikaso sakin noong ako yung andun sa kanila. Kaya gusto ko siyang dalhin sa bawat magagandang lugar na pwedeng pasyalan dito. Pero... iba ang nangyari nung nasa tabi ko na siya. tila parang nablanko ako sa pag-iisip at nalimutan ang lahat ng balak kong gawin. Bigla akong nawalan ng direkson dahil sa labis na pagkataranta na hindi ko alam kung bakit. Marahil siguro masyado akong na-excite makita siya. Pero ganun pa man, kahit parang kung saan-saan lang kami nakarating ay napakasaya ko parin dahil nakasama ko siyang muli at nakilala niya pa ang pamilya ko't ilan saaking mga kaanak.
Masaya akong masilayan muli sa kanyang mukha ang mumunting mga ngiti. Masaya ako sa mga oras na nakakuwentuhan ko siya ng matagal sa personal. Masaya ako nung lumabas kaming dalawa at naglakad sa ilalim ng mga bituin sa kalagitnaan ng gabi para bumili ng paborito kong lugaw sa kanto. Masaya akong paulit-ulit mapatunayang napakamaginoo niyang lalaki. Nakakatuwa kasi wala siyang kahit na anong bahid ng kaartehan sa katawan. Yung tipong kinuha't kinain parin niya yung tira kong ice cream in a cup na inabot ko sa kanya kasi hindi ko maubos. Ang buong akala ko nun ilalapag niya lang yun pero napangiti nalang ako ng inubos niya yun sa harap ko. Yung tipong kahit matulog siya sa matigas na sofa, ayos lang sa kanya mapakita niya lang yung respeto niya para sakin. Wala talaga siyang palya sa pag-gawa ng ikangingiti ko. Pero Nahihiya ako nun sa kanya kasi siya yung bisita ko pero siya yung madalas maglabas ng pera't gumastos para saamin. Yung tipong parang hindi niya ko hinahayaang gumastos kahit meron naman ako kahit papaanong dala. Nahihiya ako dahil ayokong isipin niyang isa akong babaeng inaasa lang lahat sa lalake. Ayokong isipin niya na maluho ako o pineperahan ko siya o ano pa man. Kaya hindi ko talaga mapigilang mahiya ng mga oras na yun pero wala nalang akong magawa. Pinakita niya lang sakin na masyado siyang responsableng lalake at dahil dun parang lalo ko siyang minamahal...
Nung dumating na yung oras na kailangan niya ng umuwi, parang gusto ko siya nung pigilan. Parang gusto kong ihinto yung orasan at manatili nalang siyang kasama ko. Pero alam kong hindi pwede. alam ko rin namang hindi yun ang huli naming pagkikita kaya pagkatapos ko siyang yakapin ay hinayaan ko na siyang sumakay pauwi. Alam kong marami pang masasayang pagkakataon ang aming pagsasaluhan tulad nito.
Kalahating taon...
Kalahating taon na akong umiibig ng lihim sa kanya.
-DERLheartsYOU-
1 note
·
View note
Text
"Pahingi ng pagmamahal mo."
"Pahingi ng pagmamahal mo." - Isa sa mga binitawan kong salita ng magkachat kami nung nakaraang linggo.
Sa totoo lang, tuwing magkakausap kami sa chat, dinadaan ko lang talaga sa biro ang lahat ng mga bagay na gustong gusto ko talagang iparating sakanya. gaya ng mababasa niyo diyan. kasi kahit sa biro man lang maiparating ko yung tunay na nararamdaman ko at malaman niyang siya talaga yung sinasambit ng puso ko...
Seryoso naman ako sa sinabi kong kaya ko talagang maghintay para sa pagmamahal niya kahit gaano pa yun katagal at seryoso din akong kaya kong iisang-tabi muna lahat ng nararamdaman ko ngayon at ilalaan ko yun sakanya para sa pagdating ng panahon na maging handa na ulit siyang pumasok sa isang relasyon. Yung relasyon na pangmatagalan. Yung relasyong tipong panghabang buhay...
Nung unang araw palang naman na naramdaman kong parang mahal ko na siya ay alam ko ng darating yung araw na maghihintay talaga ako para sakanya. Una palang alam ko na ring mangyayari to. Kasi nga, pareho pa kaming nag-aayos ng mga buhay namin. Pareho pa kaming abala sa pagtupad saming mga pansariling pangarap para sa magandang kinabukasan namin sa hinaharap.
Kaya ko siyang intindihin ngayon, kaya ko siyang unawain. dahil alam kong yun yung mas makakabuti para samin. yun naman talaga ang dapat pag mahal mo ang isang tao hindi ba? ang galangin at respetuhin ang desisyon at gusto niya.
Maghihintay ako sa panahong hindi ko na kailangang uliting sabihin sakanya ang salitang "Pahingi ng pagmamahal mo." dahil sa pagkakataong yun.. Kusa na niya yung ibibigay ng buo. Kahit hindi ko pa hingin.
-DERLheartsYOU-
2 notes
·
View notes
Quote
Minsan may mga taong hanggang bagay lang pero hindi sila para sa isa't isa.
Masakit isiping may mga ganito. pero kailangan nating tanggapin kung hindi para saatin yung mga taong gusto natin.
0 notes
Photo
"Ang pag-ibig parang imburnal, nakakatakot mahulog at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..."
-DERLheartsYOU-
1 note
·
View note