Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Ang Sawimpalad
I Tauhan
Tagasaad ng kwento (Narrator) – kanyang ikwinento ang tungkol sa Europa kung saan ipinapakita niya ang kalupitan, kasakiman at pagmamataas ng bansa. Ipinakita niya ang mabilis na paglawak nito habang tayo ay nasa iisang lugar lamang. Kanyang ipinakita na tayo ay dapat matuto na maging bukas sa mga bagong ideya. Tayo ay gumawa ng sarili nating buhay at sambayanan kung saan hindi tayo gumagaya sa iba na ating tinatangkilik imbis na ang sariling bansa ay bigyang puri.
II Tagpuan
Europa
Kung saan hindi matapos tapos sa kasasatsat tungkol sa tao,gayong pinapaslang naman ang mga tao saanman sila siglo pinatahimik sa kanto ng kanilang sariling kalye,sa lahat ng dako ng mundo.tinanggihan ng europa ang pagiging mapagkumbaba at lahat ng pagkawalng imik sa mga taong kaniyang pinasalangt at sinakmal
III MaiklingBuod
Ang Europa ay isang malawakang bansa. Sila ay nagtagumpay sa lahat ng maraming bagay na kanyang sinubukan.Ginampanan ng Europa ang katungkulang maging pinuno ng mundo nang may sigasig, panunuya at dahas. Tinanggihan nila ang lahat ng pagpapakumbaba at lahat ng pagkawalang-imik. Ipinakita niya ang kaniyang kasakiman, kalupitan at ang kanyang kakuriputan. Ang Europa kung saan hindi matapos-tapos sa kasasatsat tungkol sa tao, at kung walang humpay silang namamalita na nababhala lamang sila para sa kapakanan ng tao; ngayon, alam na natin kung ano-ano ang mga pasakit na natamo ng sankatauhan para sa bawat tagumpay ng kanilang katalinuhan.
Kailangan natin tigilan ang paglalaro. Kaya ating dapat makita na tayo ay kaya ding makalikha ng mga bagay na mas makakabuti sa atin. Tayo ay dapat lumabas sa likuran ng Europa. Tigilan natin ang pagiging anino.Kahit na kailangan natin ng gabay na bibigyan natin ng mataas na tingin ay dapat din maging marunng tayo na lumikha ng sariling atin. Lumikha tayo ng makabuluhang mga bagong bagay na ating tatangkilikin. Tigilan na natin ang pagiging isang palasunod sa Euoropa. Kait gaano kalakas ang hatak ng Europa sa ating ansa ay dapat marunong parin tayong kilalanin ang sariling atin.
Gaano man karami ang kanilang naibahaging mga ideya, gaano man karami ang nailahad nilang paglawak ay dapat nating labanan ang patuloy na pagaasa kung saan tayo ay nakakapit sa Europa. Tayo ay lumaban at magkaisa para sa ating sariling bansa. Tayo ay lumaban para sa ating bayan. Kaya mga kasama, hindi tayo dapat magibigay-parangal sa Europa sa pamamagitan ng paglilikha ng mga estado, institusyon, at mga lipunan na kumukuha ng inspirasyon mula sa kanila. Gumawa tayo ng sariling atin, kung saan walang bahig ng panggagaya. Kung ibig nating sumulong pa ang sangkatauhan, kung ibig nating dalhin ito sa ibang nibel higit pa sa ipinakita rito ng Europa, kailangan nating lumikha at tumuklas sa ating sarili. Humanap tayo ng sagot sa ibang dako maliban sa Europa. Wag natin hayaang ibigay ang ginugusto nilang reflection ng kanilang lipunan at kanilang kaisipan. Tayo ay lumaban, gawing sariling atin ang atin, gumawa ng bagong buhay, kulayan ang ating mga konsepto at pukawin ang isang bagong tao. Ang bansa natin ay ating tanggapin at gawan ng mga makabagong bagay at ideya na sa sariling atin ang pinanggalingan.
IV Tunggalian
Tao laban sa lipunan
Ayaw nilang tumulad sa Europa at gumawa o nagdesisyon sila hindi sila tutulad sa kinagisnan ng europa at gagawa sila ng kanilang gusto na hindi mahahalintulad sa Europa. At kinakailangan nila ng isang tutularan at ibig nila makakita ngb blueprint at mga halimbawa.natunghayan nila kung ano ano ang mapanghamak na sagabal ang ibinunga ng panggagayaNakita ang Europa ang kanyang sarili bilang isang pakikipagsapalarang espiritwal.Ang diwa ng europa ay kakaibang pinagugatan.lahat ng kaisipang Europeo ay bumukadkad sa mga lugar na nagging mas mapanglaw at mas pinaligiran ng mga bangin , at kung gayon lumayo sa mga lugar na iyon ang kaugaliang bibihira lamang na makasalubong ng tao
V Suliranin
Ang Europa ay nagiging mapagmataas sapagkat sila’y naikukuha ang pagsakop sa ibang bansa kung saan sila ay ginagawang idealismo. Tayo ay marunong dapat tangkilikin ang sarili nating sambayanan, dapat natin ipagmalaki ang sariling atin at ating mas ipagmalaki ito kaysa sa mga baagy sa Europa.
VI Resolusyon
Hindi sila nagbigay parangal sa Europa sa pamamagitan ng paglilikha ng mga estado,intustusyon, at mga lipunan na kiumukuha ng inspirasyon mula sa kaniya. Ang sangkatauhan ay naghahanap ng isang bagay maliban sa paggagaya na kamuntikan nang maging isang nakapandidiring karikatura. Inibig nilang tumupad sa inaasahn ng ating sambayanan ,hahanapihn nila ang sagot sa ibang dako maliban sa Europa.
VII Panauhan
Ito ay Ikalawang Panauhan, kung saan inilalahad ng persona ang pangyayari sa sarili niyang buhay tungkol sa Europa habang binibigyan niyang himig tayo na mambabasa. Para bang kaniyang kinakausap tayo ng harap harapan, nang kaniyang ikinikwento ang akdang ating ibinasa.
VIII Tema
Ang damdamin na paksa sa sawing palad ay ang hindi nila paggaya sa europa dahil sa itoy pinapaslang ang mga tao sa kalye san man dako ng mundo.sla ay kakaiba nababalot ang europa ng kadilimn na kailanman ay hindi nila gagayahin at gagawa sila ng hakbang o gagawa ng sariling kanila. At kailangan nila ng mga matutularan. Na kung saan ay ibig nilang makakita ng blueprints at mga halimbawa.kailanman ay hindi sila nagbigay parangal sa europa .at para sa kanila sa mga sangkatauhan ay kinaylangan nilang magbagong buhay ginawang possible ang mga bagong konsepto at pinukaw ang isang bagong tao.
0 notes