Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Dear Dionell..
Hindi ko alam kung naaalala mo ‘yung sinabi ko sa’yo, na kung kailangan mo na ko, nandito lang ako para sa’yo. Kung kailangan mo na ko, lapit at balik ka lang sa akin.
Pero mukang hindi naman na talaga, at ayos lang ‘yun.. Ayos na.
Sorry sa mga panahong naging selfish ako, pabuhat at pabigat. Pasensya sa panahong hindi kita nacomfort, o hindi kita nadamayan sa mga pinagdaanan mo.
Hindi ko akalaing ganito na katagal simula nang wala na tayo sa buhay nang isa’t isa. Hindi ko akalaing kinaya ko pala kahit nawalan ako ng matalik na kaibigan for more than 5 years.
Kinaya ko ng wala ka, pero hindi ko sinabing ginusto ko.
Patawarin mo sana ako.. Sa lahat. Sa mga nagawa ko at hindi ko na nagawa. Patawarin mo ko sa hindi pag-intindi, sa sakit, sa galit, at sa lahat ng emosyong nangibabaw sa’kin nung mga oras na hindi kita maintindihan.
Alam kong kaya mo lahat. Lahat ng pinagdaanan at pagdadaanan mo pa. Hindi ko alam kung kailan o paano, pero magiging ayos din ang lahat. Kung kaya mo rin, huwag mo naman solohin lahat ng nararamdaman mo. Huwag mo naman buhatin lahat ng problema mo, ipasalo mo naman sa iba kahit minsan… dahil hindi ka nag-iisa.
In the alternate universe, siguro masaya tayong magse-celebrate ng isang taon natin kahit gaano kagulo ang mundo. Siguro magkakampi pa rin tayo sa laban na ‘to.
But in this lifetime, hinahangad ko na maging masaya ka na at mahanap mo ‘yung sarili mo, pati na rin ‘yung tamang tao para sa’yo.
At sa susunod na habang buhay, sana hindi mo na maranasan masaktan nang ganito. Imposible mang hilingin na sana mabura na lahat ng sakit na nararamdaman mo, pero ipagdarasal ko na sana mabawasan man lang ang bigat na dinadala mo.
Puhon, future PTRP.

:)
0 notes
Text
Sa totoo lang, hindi ko alam pano ‘to sisimulan.
Sisimulan ko sa pagsabi ng mahal na mahal kita.
Sobrang sakit ng nangyari satin. Hindi ko kasi inakala na gigising nalang ako isang araw na mawawala ka na pala sakin. Sobrang sakit na paggising ko isang araw, hindi lang boyfriend nawala sakin, nawalan din ako ng bestfriend.
Nawala ka sakin agad, hindi mo man lang ako hinayaang lumaban para sa’tin. Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataong ayusin kung anong mali sakin o kung anong ayaw mo sakin. Lagi kong naiisip, kasalanan ko lahat. Kasi hindi ka naman susuko nang basta. Hindi ka mawawala nang walang sapat na dahilan. At hindi ko lang tanggap, na hindi ko man lang nagawan ng paraan para maayos kung ano mang pagkukulang ko sa relasyong ‘to. At sa bawat araw, nababaliw na ko kakaisip kung bakit, ano bang ginawa ko, o ano bang nangyari satin? sobra ba kong abala, sobra ba kong makasarili? Willing na willing akong magbago, basta wag ka lang sana mawala. Kasi hindi ko kaya. Ikaw yan e, ikaw yung partner ko, kakampi ko, kasama ko sa pag-aaral, sa pagtupad ng pangarap, ikaw yung boy bestfriend ko. At palagi kong pipiliin ang bestfriend ko.
Gusto ko magalit sa’yo. Kasi deserve ko ba to? bigla ka nalang nawala, ngayon pa? Sa panahong kailangang kailangan kita? Pero mas iintindihin nalang kita, kasi alam kong pagod ka na. Pero yung pagod mo, dahil ba sakin? Sakin ka napagod? Hindi na ba kayang ipahinga yung pagod mo sa akin? O hindi na ba sapat yung pagmamahal mo sakin para manatili ka? At ayoko ng maging selfish don. Kung ito yung mas makakabuti sa’yo, na tanggalin mo ko sa buhay mo, ayos lang, pero siguro naman, deserve ko naman ng explanation galing sayo. Siguro may karapatan ako na malaman kung gusto mo ng kumawala sa relasyong to. Kahit yun lang sana, respeto nalang hinihingi ko. Kahit bilang kaibigan nalang.
Kasalanan ko siguro na I expected too much from you, no? I expected na tayo na talaga, hanggang dulo. Na ikaw na makakasama ko. Kasama ko sa lahat ng plano sa future. Kasalo sa bawat achievements na makakamit natin. Basta, pag naiisip ko lagi future ko? Ikaw at ikaw lang nakikita ko. At hindi na ko takot non kasi alam kong kahit gano kahirap ng proseso, may Dionell naman akong makakasama. At maling-mali ‘yun, kasi ikaw nalang nakikita ko.
Hindi naman ikaw ang mundo ko. But you are everything that makes the world good. Hindi ko rin naman hinihingi na maging mundo mo, gusto ko lang maging parte nito. Pero nga kahit maging parte lang, pinagkait mo na sakin. Alam mo yun? Tuloy pa rin naman buhay mo, pero talagang lumayo ka lang sakin? Ako lang inalis mo sa buhay mo e.
Pero hangga’t lumalaban ka, kasama ng pamilya mo, mga kaibigan mo, kahit wala na ako, tatanggapin ko. Basta lumaban ka lang dyan. I will still root for you & cheer on you, kahit na hindi na tayo magkasama sa labang to. So pano naman ako? Ayokong mawala ka sakin, kailangan kita e, pero may choice ba ko? Wala, kaya tatanawin nalang kita habang lumalaban. Tuloy pa rin ang buhay. Knowing na hindi ka sumusuko, is enough for me to go on.
Gabi-gabi kong iniiyak kay Lord, kung bakit kailangan mangyari to satin. Kasi talaga ba, magtatanggal nalang yung universe ng tao sa buhay ko, yung bestfriend at boyfriend ko pa? Plan Niyo po ba ‘to? Eto po ba makakabuti samin? Dati lagi-lagi akong nagpapasalamat dahil binigay ka Niya sa’kin, pero ngayon, ‘yung dasal ko napalitan nalang ng sana bumalik ka na, sana mahal mo pa ko, sana maging enough na ko para maging deserving uli ng pagmamahal mo.
Pero kung hindi pa rin pwede, kung hindi na talaga kaya, Lord, I’m praying for a heart that accepts. And I’m praying, always praying, for your own healing and happiness. Because you deserve it, no matter what. Sobrang buti mong tao, Dionell. Alam ko dahil isa ako sa binigyan mo ng pagkakataon na kilalanin ka. It was a privilege to know you & to love you. Pero kung hanggang dito nalang, maraming salamat sa lahat-lahat. Sa pagkakaibigan, sa pagmamahal, at sa pagsama sakin na mangarap. Sana matupad lahat ng pangarap at plano natin sa buhay. Tuparin natin nang hindi na magkasama.
Ayokong tapusin to. Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita.
Hindi magbabago ‘yun.
2 notes
·
View notes
Text
Marami pa tayong ibang laban na mas mahirap.
Gustong-guto kong maintindihan ka lalo na ngayon sa katahimikan mo. Pero sana paalala mo sa’kin na nandyan ka pa, para makaipon uli ako ng lakas para sa’ting dalawa.
Natututo naman akong maghintay. Pumipirmi naman ako dito, lalo na sa pagkakataong ayaw mo ng kasalo. Tumigil na ko kakatanong at kakahanap sa’yo. Ayoko ng pilitin ka lalo na kung hindi ka pa pala handa.
Sinimulan na natin maglakbay nang magkasama, e. Oo, walang kasiguraduhan, pero sana huwag mo muna akong iwan mag-isa. Hindi ko na alam kung nasaan ka na, nawawala ka na ba? Handa naman akong hanapin at hilahin ka e. Nahuhuli ka na ba sa paglalakbay, kasi kaya naman kitang balikan. O baka nauna ka na? Problema ko na lang ba kung paano umuwi at bumalik sa sarili ko?
Kaya ko naman ipaglaban ang relasyon natin. Ako muna lalaban. Ako muna talaga, kasi ‘di mo pa kaya e? May sarili kang problema, gusto mong mapag-isa, sige lang, tanggap ko. Pagod ka, ito na ang oras ng pahinga mo. Lumalaban ka naman mag-isa pero bakit parang tinanggalan mo naman ako ng papel sa buhay mo. Pakita mo naman sa’kin habang lumalaban ka.. Isama mo naman ako. Maghanda ka sanang bumangon muli, para sa relasyon naman nating dalawa.
At ‘pag kaya mo na uli, sabayan mo na ko uli sa laban natin. At ‘pag nanghihina na ko, pasandal naman kahit saglit.










Mga mensahe mo sa’kin na pinanghahawakan ko pa. Paulit-ulit man tayo magkawalaan, sana makabalik tayo sa isa’t isa.
0 notes
Text







I made this for you last January 20, 2021. ‘Di mo parin siniseen message ko sa’yo eh. Gusto ko na magtampo ah. English pa man din ‘yan. Choz.
Pipiliin ko pa rin umunawa. Kasi ikaw ‘yan eh. Best friend kita eh. Mahal na mahal kita e.
But if all else fails, sana alam mo na ginawa ko lahat ng kaya ko para lapitan ka ha? Sana ‘wag mo isipin na susukuan kita. Sa totoo lang, ayokong mapagod sa’tin.
Pero bakit pakiramdam ko nasa isang laban ako ngayon na di ko na mapapanalunan?
0 notes
Text

Sa pinakagwapo kong mahal,
YOWN! Namimiss ko na kapogian mo mahal e. Pwede bang ‘wag ka masyadong magpamiss? Palungkot nang palungkot ang bawat gabi na dati’y puno ng ating mga kwento at tawa.
Kumusta ka na dyan? Tapos ka na bang kumain at maligo? Hmm. Nagbabasa ka ba ngayon? O nagpapahinga? Ano pinagkakaabalahan mo po? Pwede ba kong tumawag? Miss ko na boses mo. Miss ko na mga kwento at lambingan natin.
Tara na, mag-skin care na tayo. ☹️
‘Di na blue ang buhok,
AV
0 notes
Text

February 1 2021 // 3:04 am
I’m really trying. I’m slowly learning and understanding every version of you. I know in this moment you’d rather be alone and sometimes I take too much of your time and space, so sorry. I realized that you might not be comfortable of sharing everything to me yet, and that’s okay.
You have always been the person who makes everyone happy. You always make me smile and laugh. God knows how much light you brought in to my life, so now it’s my time to understand your darkness.
I told you my issue before that I feel like I don’t get the same energy from you, without realizing that you also get tired and exhausted. I’m sorry for that my love. Tonight, I learned that it’s completely fine if a person can’t give a constant hundred percent. I always say that relationship should be give-and-take but in reality, you can’t always be 50-50 all the time. Sometimes there will be moments in a relationship when you have to be the 80% when your partner can only give 20%. My love, you’re allowed to get tired and now I vow to be the person who gives 80% or even 100% if you need me to.
I know you are taking a break from everything. Just breathe and save your strength for the upcoming days! If you feel weak, I will try to have enough strength to hold on for two people—to hold on for us. Just please don’t give up on us. Habang lumalaban ka pa, lalaban din ako. Please.. kahit konting kapit lang, kahit konti lang, gusto lang kitang maramdaman.
I hope we would always choose to fight together. But if you choose to fight your battles alone, then I will always root for you and wait for you to win this round.
And if it gets too dark, I hope you reach out to me when you feel ready.
Then allow me to be your light.
These are the lessons I learned from you, thank you // 3:45 am
0 notes
Text

1:11 am
Dio,
Huling araw na ng Enero!
Miss na miss na kita pero ‘di na kita aabalahin muna. Honest hours: natatakot ako mahal. Bigyan mo naman ako ng sign na babalik ka. Pakigalaw naman ng mga baso, pinggan at kubyertos (Oo dapat malakas). Paramdam ka naman dyan kahit as a friend lang. Lapit na ko magselos kay Miming.
Hmm. May nabasa pala ako sa facebook. Eto oh:

Ano ‘di mo pa rin ako kakausapin??? 😣😠😤
Edi don’t. Pero I love you pa rin.
Kantahan nalang kita ngayong gabi:
I’d rather have bad times with you than good times with someone else, I’d rather be beside you in a storm than safe and warm by myself, I’d rather have harder times together than to have it easy apart, I’d rather have the one who holds my heart.
Nilamig ka ba? Pakisara nalang muna ng mga bintana. Saka na kita hahagkan.
Kasama mo hanggang dulo,
AV
1:41 am
0 notes
Text
Dear mehel,
Hi love! Remember the times ‘pag nag-uusap tayo tapos magkakasabay tayo ng daldal, lagi mo ko pinapauna magkwento kasi baka makalimutan ko ikukwento ko? Alam mo yarn! Kaya lemme just put in in this blog all the things that I wanna share with you so I wouldn’t forget it. Also, we haven’t talk for couple of days (more than 10 days na ata tayo ‘di nag uusap or hula ko lang ‘yon. I lost count na ih 🥺)

Okay!!!! The thing is ‘pag may bili ako for you I get more excited to give it to you na super super agad. Binili ko ‘to last week. Nung dumating din last week, syempre usi ang nanay..
Mommy: Ano ‘yung binili mo kay Dionell?
Me: T-shirt lang po na may nakasulat sa harap.
Mommy: Anong nakalagay?
Me: Hmmm “mehel”
...At natampal na nga ako ng nanay ko 😔
I really feel like this shirt is super bagay to you! It means “In God’s time.” ✨ Plus I like seeing you in white shirts diba diba. Wag ka na masyado mag-isip kung bakit XL uli bili ko. Para may allowance. Saka para kasya rin ako pag suot-suot mo ‘yan. Clin-gy paren yarn?
Everything will be alright, my love, in God’s time. Kapit lang. Sana, pag tapos mong magpahinga, bumalik ka na sa’kin.
Negmemehel,
AV
Ooops it’s a prank. ‘Di pa ‘to tapos. More kwento na walang kwenta:

Eeehhh tanda mo pa ‘yung nagsend ako photo sabi ko nagpapicture sakin kapitbahay na may crush sakin? ETO SILA MAHAL! Di hamak na mas gwapo ka sakanila. At mas mabango pa. Hmmmp. Sorry na kung ate jude ako. Minsan ate chona. ‘Di na po ko magbubura ng messages, ‘di na ko epalogs. Sana love mo pa rin ako? 🥺 Kasi kung ‘di.... baka pumatol na ko sa aso.
Pero ‘di pa rin. Sa’yo lang me. Last ka na sa yahub ko kaya please lang umuwi ka na baby ‘di na ako sanay nang wala ka, mahirap ang mag-isa, at sa gabi hinahanap-hanap kita. Next time na kita kakantahan ng live mahal. Pag kasal na tayo kaya may ilang taon pako makakapag practice!

May bago na... kaming orasan! Minsan iniisip ko pa rin ‘yung luma kasi don ako attached saka ang laki kase nya compare sa bago. Pero narealize ko better naman ‘yung bago atleast ‘yun nagana talaga. Sa next punta mo, ‘di ka na malilito sa timezone ng Biñan my love. Sana talaga may next punta ka pa. ‘Di naman kita pinipilit. ‘Pag lang na-miss mo ko! Hehe.
Nga pala.... inaasar ako ni Norvee (in a masakit way!). Sabi, ang tagal na raw nating hindi nag-uusap, wala ka pa rin daw bang net? Hmm sabi ko, busy kasi tayo mag-aral. Sabi nya, “hindi e, dati kahit nag-aaral kayo may video call pa rin.” Sabi ko, “eh anong gusto mong iparating?” Sabi niya, “magkaaway kayo!!!!” Aba mapagdecide ka ba Norven? ‘Kaw ba nasa relasyon?
Pero ‘yun. My heart is kinda sad every time tinatanong ka sa’kin ni Norvee at Mommy. Kinakamusta ka nila. Sabi ko, busy lang tayo. Love darating ba sa time na pag nagtanong sila, sasabihin kong, “wala na kami eh.” Parang ‘di ko kaya. Iniisip ko palang parang madudurog na ako. Ayan na. Drama hours ko na ba? O sige scroll down mo na.

Kumusta naman exam mo, mahal? Sorry ‘di na kita nakamusta. Chinachat naman kita madalas, ‘di mo lang ma-seen. Ganto kasi ‘yon, pinipindot po ‘yung name ko? Pag may notif, ibig sabihin may chat ako. Or baka nakamute meh? Haha *nagtampo pero biro lang* I’m a matured & changed woman. Sino ka ngayon.
‘Yung electro notes mo nga pala nagkabaligtad si nonluminous at luminous, nalito ka ata habang nagnonotes. For sure alam mo na ‘yan e. Baka nga isa ka uli sa highest sa long exam! Baby ko ‘yan e! Lagi-lagi akong proud sa’yo, highest ka man or hindi. Hardworking ‘yan ih, humble pa. Naalala ko nga nung nagccoaching tayo, sabi ni ma’am Pattycakes:
Ma’am Patty: Very good sir Dio. Ang galing-galing mo Sir Dio. Ipagpatuloy mo lang yan.
Sinabi niya talaga ‘yan! ‘Di ko makalimutan. MY HEART, MY EYES, MY EARS WERE LIKE: *kilig proudest girlfriend ever* Gusto ko magchat sa everyone: BOYFRIEND KO PO ‘YAN?? 🥰
OKAY! Eto ay hindi para mas mapressure ka lalo ha? Kung ang ibang tao nga naniniwala sa’yo, ako, kaibigan mo, si maam patty, pamilya mo— ibig sabihin lang non, alam naming kaya mo talaga! Kami na nga nagsasabi eh. So sana you’ll find enough strength & hope & inspiration sa mga tao sa paligid mo na naniniwala sa kakayahan mo. ☺️ You, my love, is more than enough. The universe is very very lucky to have you. Kung pwede nga lang na mas maraming tao ang maging kagaya mo, then the world would have more beautiful and kind people in it.

ANONG SUMPA KAYA MERON ANG MANOK AT HINDI TAYO MATULOY-TULOY? Ok nagsalita ang manok:
Manok: Bilang manok, hindi ko kasalanan kung hindi kayo nakakakain ng pakpak! ‘Wag nyo sakin isisi. Kayo kaya ang gawing unli, lutuin at kainin araw-araw?
Ay, pasensya na manok. Well, siguro.. ‘di lang muna meant to be makakain ng manok. We can wait naman diba mahal? Aantayin pa kita hehe.
Sabi rin ng manok sa’yo, we may face different battles in our life, but that doesn’t mean you have to face it alone. Because you are not alone, Dionell. You have me. I am the manok. ☹️

I miss looking at my baby while he’s studying. 🥺
I really miss talking to you... halata naman kasi I always kulet you e. And tbh, ‘di mahaba pasensya ko. Overthinker pa, always needs reassurance, maarte, constantly needs lambing etc etc. and whatever’s happening between us right now, to be honest, I don’t like it. I don’t like being ignored. And I feel like you are pushing me away. Nakakapagod din naman maghintay lalo na kung walang kasiguraduhan. Pero natutunan ko na ang paghihintay, nakadepende pala ‘yun sa pinagkakatiwalaan. Dionell, I trust you with all my heart! ‘Di ko na maexplain kung pano ko gusto sabihin na this time I’ll be better & I’ll be more understanding. Sana talaga mapag-usapan na natin ‘to. For now I promise to give you time alone. Sana bago mag start 2nd season ng review, sana maging completely okay ka na. I always pray for you. Sana marealize mo na okay lang kung hindi palaging umuusad. Okay lang kung minsan pakiramdam mong humakbang pabalik, pero wag mong kalimutan na mas marami ka ng nahakbang paabante.
Diretso lang ang lakad, Sir Dio, my PTRP! ✨
0 notes
Text
VIDEO CALL NIGHTS SESSION

Pagbati! Matagal na natin itong hindi nagagawa, ang pagtawag gabi-gabi, pagkatapos ay bago matulog, meron pa tayong pa-good night message with matching pictures. Sobra sobra ang pangungulila ko sa’yo. Kaya naman hindi ko maiwasang masenti at magbalik tanaw ng mga litrato at mensahe natin. Gusto ko lang din bumawi sa mga panahong nasayang — mga panahong may tampuhan, hindi pagkakaintindihan, mga oras na walang pansinan.
Naalala mo ba ang litratong ‘to? Eto ‘yung isa sa mga una nating video call pagkatapos ng araw na naging tayo! Syempre nangangapa pa ako/ikaw, naalala ko pa tinanong kita kung ayaw mo ba na tinatawagan ka, sabi mo gusto mo nga ng ganon e. Kaya naman dyan na nagsimula ang routine natin. Ngayon, gusto sana kita itanong kung ayaw mo na ba?
Syempre naman! Nakakamiss na kasama kang mag-aral. Kahit na minsan ay inaatake ako ng katamaran, habang ako ay nagpphone, ikaw naman ay walang humpay na nagbabasa. Sobrang sipag mo e.. kaya isa kang malaking factor bakit ko iniigihan sa review natin. Gusto ko sabay tayong aangat mahal.
Hindi ko alam kung gaano ka nahihirapan sa review, ang alam ko lang kasi lahat “kaya” mo. Pero sana sa kabila ng lahat ng hirap, piliin mo pa rin ang magpahinga. Kailangan mo ‘yan. Dahil lahat ng malalakas na tao, kailangan din ng pahinga. Normal naman ang ma-pressure pero sana wag kang magpapatalo sa negativity na naiisip mo. Kasi ang Dionell ko, kayang lagpasan lahat ng bagay. Di ba nga ikaw ‘yung taong may paraan sa lahat?

Ilang araw na tayo hindi nag-uusap.. Ilang araw na rin kita kinukulit. Pasensya ka na ha? Ang dami nating pagkakapareha sa ibang bagay pero pakiramdam ko isa ‘to sa pinag-iba natin. Ikaw, gusto mo ng space, ng panahon, ng oras para mag-isa, ng katahimikan. Ako, gusto ko ng eksplanasyon bakit ganito, gusto ko ng kausapin ka, gustong gusto ko na parte ako ng buhay mo (kahit gaano pa ‘yan kaganda o kapangit). Pakiramdam ko pareho lang tayong nahihirapan... Kaya mahal, bakit hindi nalang natin ayusin? Kung may mga hindi ako nagawang maganda, aakuin ko at magbabago ako. Ganto naman sa relasyon di ba?
Pasensya ka na kung nakakabulabog ang ingay ko sa chat, sa email at pati na rin dito. Hindi ko na kasi alam kung anong problema, at kung anong gagawin. Naguguluhan ako dahil sa mga pinapakita mong pattern, parang napagod ka na sa’kin. Sa atin. Pero mahal, ayoko pa kasing sumuko. Wala akong gustong itigil.
Pasensya na sa mga maliliit na bagay. Sa walang kwenta kong pagtatampo (na nagagawa ko lalo na pag namimiss kita). Pasensya sa pagiging pabigat at dagdag problema. Pasensya na kung sa pagkakataong ito, nagdadalawang isip ako sa pagmamahal na binibigay mo sa’kin. Pero kahit ganito pa man, sa pinagsama-samang problema natin, sana alam mo na mas matimbang parin ‘yung tiwala ko sa kung ano merong tayo. Pagsubok lang ‘to sa relasyon natin.

Sa nagdaang araw na hindi ka nakakausap, sobrang lumbay.. Sinubukan kong ilalan oras ko sa pag-aaral, pero palagi pa rin kitang naiisip. The more na mas subsob ako sa aral, the more na hindi ko naaachieve ‘yung goal ko, the more na hindi ako masaya. Iba ‘yung pagod ko ngayon. Sobrang pagod, sobrang sakit. Wala ka kasi sa piling ko. Narealize ko na mas okay mapagod at mahirapan basta’t kasama ka. Ikaw ang kakampi ko sa bawat sampal sa realidad ng buhay at hampas ng alon ng problema. Ikaw ang pahinga ko.
Nakakamiss tumawa ng kasama ka.. makipagdaldalan ng kung ano-anong bagay... Namimiss na kitang kasama, namimiss ko na boses mo, mga routine mo, ‘yung magpapaalam ka kasi kakain na kayo ng hapunan ng pamilya mo, pagkatapos i-cchat mo na uli ako pag tapos ka ng maligo, mag uusap na tayo habang nag-aaral, mag-uusap uli kapag tinamad ng mag-aral, aantukin, at sabay matutulog.
Mahal, ayaw mo na ba ng ganon? Masyadong malaki na ‘yung pinanghahawakan ko na hindi tayo magbabago e. Kung magbago man, para sana sa ikakabuti at ikasasaya nating pareho. Mas makakabuti ba ‘to sa’yo ngayon?

Sana maayos natin.. O sana, maayos mo ang sarili mo habang kasama mo pa rin ako. Wag mo naman akong ilayo sa’yo. Wag ka namang mawala sa’kin. Paano na mga plano natin? Paano na mga pangarap natin? Sabay natin ‘yun tutuparin, di ba? Magkasama tayo sa bawat daan na tatahakin natin papunta sa pangarap mo. Dahil ang pangarap mo ay pangarap ko rin.
Mahal na mahal kita. At kahit pa dumating sa puntong mas komplikado pa tayo sa mundo, ikaw pa rin ang pipiliin ko.
Sa ngayon, rerespetuhin muna kita kung ayaw mo ako isama sa buhay mo, at rerespetuhin ko ang sarili ko na hindi na ipilit pa na manghimasok sa pintong pilit mong isinasara sa’kin.
Sana hanggang dulo ay meron akong ikaw.
Wag ka sanang bumitaw.
0 notes
Text
Mahalz,
Thank you dahil I am your present, pero mas thank you dahil ako na rin ang naiisip mong kasama sa future. (Sana hanggang sa past participle or perfect participle, ako pa rin. ‘Di mo gets? Ayoko na mag-explain. Baka di ka pumasok ng English class mo o baka di naturo ng teacher? Okay lang ‘yan. Magkaibang school e.)
Pwease keep all my little notes 📝 for you. (I know you will, kahit kalat ko tinatago mo e???) Next time na kita sulatan ng notes sa manila paper ha? (Ay revalida ‘yarn?) For now, magtipid muna tayo sa papel.
Magkikita na tayo bukas! Excited na ako!
Miss ang banana cake mo,
AV
0 notes
Text
Dear ka-spartan,
Gusto ko lang magsulat dito kasi gusto ko ‘tong balikan someday.. Maybe 5 years from now, or 10 years, babalikan at tatawanan natin mga pinagdaanan natin during our review season. Ba naman, ang sabi ng ma’am Patty:

Ohhhh noooooo!! Hindi maaari. Tigil na raw ang love life at i-break? Joke ba siya! Siya nga nagsabi during 1st eval na mag-MU na tayo para inspirasyon natin ang isa’t-isa eh! 😂
Sampre ang bebi ko hindi papatalo. Sabi mo, “Beby walang magbebreak ah? Tampalin ko si ma’am patty bukas hmps” HAHAHAHA!! Wag mo na tampalin, love. Hindi naman ‘yun mangyayari. Itaga mo pa kung sino mong gusto itaga.
Gusto ko lang din sabihin na, pagkatapos natin malampasan ‘tong pagsubok na ‘to, at magkaron man ng panibagong pagsubok—ako at ikaw pa rin.
Takot ako sa “future,” pero tuwing iniisip ko na ikaw naman ang makakasama ko sa hinaharap, pakiramdam ko kakayanin ko na lahat.
Hindi rin ako payag na hindi sa’yo isasakal (este ikakasal), at lalong hindi payag na ‘di ako ang makakatabi at makakayakap mo gabi-gabi sa pagtulog (kahit di ako naniniwalang tabi at yakap lang!).
Nangangati na ang daliri,
AV
0 notes
Text

Dear kaklase,
Sa limang taon nating pagkakaibigan, hindi pumasok sa isip ko na hahantong tayo sa ganito! Imagine, dati seatmate lang kita, dinadaldal mo lang ako. Naiinis pa ko minsan ‘pag nanghaharot ka. Sorry ka. Busy ako mag-aral dati kaya snob ka sa’kin! (Ay ganda?)
Sa mga pagkakataong ikaw ang nagiging groupmate ko, don ko mas nakilala ‘yung responsible side mo. Sobrang sipag mo sa lahat ng bagay, kahit hindi mo gawain, gagawin mo eh. Kaya ikaw ang paborito kong groupmate sa lahat ng kaklase natin. Wag ka maingay kay Gege ah? Baka magtampo.
Sa nagdaang taon, tinuring kitang boy best friend ko. Alam mo bang pangarap ko magkaron ng pinaka close na close na lalaking kaibigan? Cute kasi e. Tapos ‘yung comfort na nararamdaman ko sa’yo, hindi ko ‘yun nararamdaman sa iba.
4 years after our academic years, naging co-intern naman kita. Hindi man naging madali sa’tin ‘yung ilang buwan ng internship, I’m still happy during months na nakasama kita sa duty. You make my life less stressful talaga e.
Tapos now, as a reviewmate. As usual, kahit malayo ka, lagi ka pa rin nandyan to motivate me & remind me na kaya natin ‘tong pagsubok natin ngayon. Kahit may times na ‘di mo ko kinakausap kasi busy ka mag-aral (ay di ako nagtatampo), never mo naman pinaramdam sa’kin na abala ako kahit inaabala talaga kita sa pagpapagalaw ng baso.
5 years later, from being my classmate, seatmate, groupmate, boy best friend, co-intern, reviewmate—ikaw ngayon ay boyfriend ko na. Ang daming pinagdaanan ng kwento natin no? Pero sobrang sarap balikan knowing na napakatibay ng pundasyon natin. ‘Yung bonding natin, alam kong hindi na ‘to matitibag. Subukan mo lang, ipapatumba kita! Ay mapanakit?
Ang himbing ng tulog ko gabi-gabi dahil alam kong nasa tamang tao na ko’t may bestfriend/boyfriend akong mahal na mahal ako; pero mas masarap ang gising ko araw-araw dahil sigurado na ko na ikaw na ang makakasama ko habang buhay.
Isang buwan na akong maligayang maligaya sa pagmamahal na pinararamdam mo. At hindi ko rin akalain na kaya kong magmahal nang ganito. Sobra-sobra ang nararamdaman ko sa’yo—sobrang lalim—at hindi na ko makakaahon sa pagmamahal na ‘to.
At para sa’yo, handa akong magpakalunod.
Aasawahin mo ‘to,
AV
0 notes
Text
DEAR DEEYOOOONELLL!!!! 😠😤
Ang seryoso kong nagbabasa tapos gugulatin mo, tama po ba ‘yon?? Hmmp!!
Tuwang tuwa ka pa ah! Ayoko na. Nagtampo na ako. Hmmp! Hmmp!
Charot.
Nakakainis ka naman, love. Ang galing mo. Sa bawat araw nang seryosong pag-rereview natin, ‘di ka nabibigong patawanin (at inisin) ako.
You are the calm to my storm, my peace to every stressful day, my comfort in this exhausting world, and the love of my life. Ikaw na talaga ang icing sa ibabaw ng cupcake ko.
Payag na magpagulat sa’yo habang buhay,
Eivee
0 notes
Text
Dear study buddy (na may halong harot),
Ay, ang sipag naman ng baby ko. Nigagalingan nyan e!!! Ang sarap naman ng may kasamang mag-aral. So ‘di ko rin masisi kung tinatamad ‘yung mga single dyan.... Ay nang-inggit.
Naalala mo ‘yung sinabi ko sa’yo? Pangarap kong magka-jowa ng topnotcher. Natupad na ‘yung pangarap kong magkajowa (Ikaw na ‘yon beh. Ikaw na). ‘Yung topnotcher nalang ah!
Hindi kita pinepressure, basta alam ko namang lagi mong ginagalingan. You’re the best kaya!
Always rooting for you, my love!! Mag-ta-top ka. 😍 Law of attraction na ‘to. Napasagot mo nga ako e, edi mas kaya mo na ang boards (Doc Pollyana, the exam maker, paki-ayos po ang trabaho. Choz.)
May jowang future topnotcher,
Eivee
0 notes
Text
Dear Dio,
Ay grabe, ang hirap naman ng LDR. Charot.
Lagi kong nilulook forward sa araw ‘yung mga video call moments natin. Mukang ewan lang tayo. Kung ano-ano na nga lang pinag-uusapan natin e. From usapang review, totropahin o jojowain lecturer’s edition, pati halaman ng mga nanay natin, pati nga kapitbahay namin, hanggang usapang skincare. Ayan napapala ng may jowang chismosa! Pero tanda mo ba ‘tong conversation natin?
Me: Hindi na ko tinutubuan ng pimples kasi nasa tamang tao nako. Ba’t ‘yung muka mo nadadagdagan? Ikaw: Nalilipat na sa’kin eh.
HAHAHAHAHA ganon pala ‘yun, may nagsasacrifice talaga sa isang relasyon. Aba, wala ng atrasan ‘to. Road to clear skin na po ko, pano ka?
Nangangamba sa muka mo,
Eivee
0 notes
Text
To my totropahin,
Kung may babaguhin man ako sa kwento nating dalawa, ay, ang dami kong gustong baguhin. Charot.
Wala akong babaguhing parte bukod sa mga panahong nasaktan kita, pero alam kong dahil sa napakabuti mong puso, tanggap mo lahat ng sakit, paghihintay, at lahat nang nangyari sa’tin. Tanggap mo ang bawat pagsusungit, pag-iinarte at pagiging moody ko. Sa kabila ng lahat nang ‘yon, wala akong narinig na reklamo (or baka sa iba mo lang sinasabi? Hmm).
Sa limang taon, kuntento na ko sa kung anong meron tayo. Pero sobrang bait ng Diyos dahil nakita Niya ang desire ng puso mo at puso ko. At lahat ng magandang nangyari sa’tin, alam kong naka-align ‘yon sa mga plano Niya. Alam ni Lord na magiging sobrang saya ko kaya binigay ka Niya sa’kin. Noon pa man, binigay ka na Niya sa akin eh. Kaya naman Lord, wala nang bawian ituuu.
(At ang lakas mo rin naman magdasal kay Lord, mahal! Anong ritwal ‘yang ginawa mo?)
Marami akong gustong sabihin pero uunahin ko ang pagpapasalamat. Maraming salamat sa nagdaang panahon. Salamat sa hindi pagbitaw at sa palaging pagpili. Maraming salamat sa pagpapasensya at pagpapatawad. Salamat sa patuloy na pagmamahal.
‘Di ka lang totropahin.
Jojowain ka,
Eivee
0 notes