dashboardank
That's been Here
8 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
dashboardank · 5 years ago
Text
Hi
This is the first time that I'll be opening this again, maybe because this is the only way to reach you. It was 3 years full of love and happy memories. No one ever thought that our love story would reach an end kasi pati ako di ko inakala na magkakaroon ng tuldok ang lahat. 3 years gone in a blink of an eye. Sobrang hirap mabuhay nung wala ka kahit anong gawin ko napapatulala ako hindi ko alam ang gagawin first time kong hilingin sa bawat araw na meron na lahat ng to masamang panaginip lang. Na sa bawat pag gising ko hinihiling ko na muka mo ang makikita ko, na lahat ng to masamang panaginip lang. Kahit saan ako pumunta o lumingon muka mo ang nakikita ko ikaw at ikaw ang nararamdaman ko ang hirap kasi sa bawat yapak na gagawin ko pakiramdam ko bumabalik ako sa simula hindi ako maka alis sa sakit at saya ng nakaraan. Eto na ba yun eto na ba lahat? Tapos na ba ang lahat? Sabihin mo sa akin na hindi? Parang awa mo na sabihin mo hindi. Pero sa pag hiling ko din nun ay pagkawala ng tinig mo sa tabi ko. Sabi mo kahit ano kakayanin natin basta magkasama pero bat bumitaw ka? Oo mali ko din hinayaan kita kasalanan ko kasi inuna ko sarili ko. Inuna ko sarili pero kapalit ang pagkawala mo. Oo nag sisi ako sobra sana nga isang araw magigising ako tapos college uli tayo tapos tayo uli kasi anak ng tokwa kahit ano ibibigay ko maibalik lang tayo dun at di na kita bibitawan kahit bitawan mo ako kahit ang sakit sakit na ikaw at ikaw pa rin pipiliin ko. Kaso hindi eh hindi ganun wala kana wala ng tayo. Ilang araw na kitang hinahanap. Ilang araw na ako naghahanap ng lumang litrato natin. Ilang araw na. Kaso alam kong hindi na kasi wala na tapos na at hindi na babalik pa. Sana kung mabasa mo to o ma kwento sayo mabanggit na. Sorry sorry kasi nasaktan kita sinaktan kita at nasasaktan pa patawad alam kong hindi to sapat at kahit kailanman hindi sasapat. I've seen kung paano kita nasira hindi ko yun kinaya ang sakit nun gusto ko na nun mawala kasi hindi ko kaya makita na in pain ka sobrang sakit maniwala ka man o hindi. I wish I can hug you one more time one last time. Alam mo ba para akong tanga kasi pabalik balik ako sa shops para amuyin mga pabango mo lotion mo lahat ng about sayo mabawasan lang pagka miss ko sayo kasi wala na eh ang tanga tanga ko hinayaan ko na hanggang dito nalang lahat.
0 notes
dashboardank · 8 years ago
Text
Costume
Halloween na naman uso nga ngayon yung mga banat o hugot na tungkol sa kinatatakot o dapat katakutan sa halloween.. Kaya para sa akin isa sa dapat maging costume mo na ikakatakot niya o baka ikatakot mo din eh KATOTOHANAN.. Katotohanan tama tanggap mo na ba yang salita na yan deep inside? Tanggap mo na ba yung katotohanan na hindi na kayo na wala ng kayo wala na yung salitang tayo kung di ikaw at ako. Yung katotohanan na meron ng iba na sa bawat ngiti na meron siya hindi nalang ikaw yung dahilan. Yung katotohanan na hindi nalang messages mo o tawag mo ang inaantay niya mula sa pag sikat ng araw hanggang sa pag paparamdam ng dilim. Yung katotohanan na kahit anong tumbling mo o kain mo ng apoy para sakanya eh wala nalang kasi nga meron ng nagpapangiti sakanyang iba. Yung katotohanan na mahal ka nalang niya kasi di pa siya sanay na wala ka na mahal ka nalang niya kasi kailangan ka niya. Yung katotohanan na wala na lahat ng pangarap niyo para sa isat isa na mamana niya ang apelyedo mo o mamamana mo ang apelyedo niya. Yung katotohanan na wala na yung mga mini versions niyo kasi may katotohan ng meron na ngang iba. Eh yung katotohanan na dapat mo ng tanggapin ang lahat lahat ang realidad na dapat mabuhay ka na ulit na mag isa kasi wala ng kayo wala ng tayo...
0 notes
dashboardank · 8 years ago
Text
Panahon
Ang bilis ng panahon, ang hirap habulin at kelan man hinding hindi na pwede pang baguhin. Yung mga tuwa napalitan ng lungkot at luha. Yung matatamis na pangako napalitan ng walang hanggang sorry at pasensya. Sabi nila pag mahal mo hindi nauubusan ng second chances pero hanggang saan ang kaya mong tiisin dahil mahirap man aminin nabago kana ng panahon na hindi nawalan ng lungkot. Sa bawat araw na meron sinusubukan mo naman maging ok para maging ok ang lahat kasi diba alam mo naman na kung wala baka mawawala ang lahat pero paano ka magiging ok kung ang realidad mismo hindi na nakikisama. Maging si tadhan hindi na sumasang ayon lalaban ka pa ba? Itutuloy mo pa ba? Kung oo hanggang saan kung hindi bakit?, sapat pa ba ang salitang "Mahal kita" upang maging lakas mo at maging positive side ng bagay bagay? Gusto mo lang naman magmahal at mahalin din kaso bakit ang hirap? Kung mahirap bakit di ka pa bumitaw? O inaantay mo siyang bumitaw?
0 notes
dashboardank · 8 years ago
Text
They say
Love, loyalty, honesty, trust, and faithfulness. Sabi nila pag meron yan magtatangal ang mga bagay bagay lalo na pag sinamahan mo ng mga consistent na efforts. Sabi nila yan t naniwala ako. I thought if those were present tama na may forever na. Kaso dumating yung time na kailangan mong mag decide. Enough na ba yung mga yun? Kung oo bakit nag iisa ako ngayon kung totoo nga bakit ako yung ata yung panghuli. Binibigay mo naman lahat pero bakit parang di enough yung mga yun when things gets shitty. Why? Paano ka ngingiti kung alam mo na one day everything will end yung gusto mo ng sabihin na sigi na ipagpalit mo na ako tutal soon iiwan mo din ako soon wala ng tayo.
0 notes
dashboardank · 8 years ago
Text
Alone
Madalas kong nakikita yung katagang "Sometimes give each other some space." Sa mga paraan kung paano daw patagalin ang isang relasyon. Ay oo nga pala aliw na aliw ako sa mga paraan kung paano mo papatagalin ang isang relasyon. Kasi maging ako gustong gusto kong magtagal ang relasyon na meron ako,kami. Edi ayun nga madalas ko yun nakikita pero ako mismo tutol dun bakit kayo maglalayo eh matagal mo siyang sinuyo niligawan para maging legal na kasama mo siya sa araw araw tapos lalayo lang kayo the F diba. Kaso isang napakagandang umaga ayun nag aantay ako sakanya sa mcdo kasama ang mainit na kape at hotcake para sakanya ng makita ko ang saysay ng pagiging mag isa. Isang kakaibang perspective ng buhay, kasi uupo ka lang tahimik pag mamasdan mo lahat ng tao. May mga mag kaibigan na nag aalmusal. May mag kumpare na haba haba ng kwentuhan nakailang kape na din. Mag jowang magkaharap na kumakain na tila kagigising lang. At sa labas ang mundo mundo na ang bilis gumalaw na mapapaisp ka mapapasabay ka kaya? Siguro ganun talaga sa isang relasyon kailangan minsan mag isa para naman may konting hangin hangin na magpapamiss sakanya ng sobra. Yung maiisip mo putcha malungkot pala mag isa kaya dapat gawin ko lahat para ingatan at di siya mawala kasi siya at siya lang ang pwedeng sumama sayo sa mabilis na mundong nag aabang sa labas..
1 note · View note
dashboardank · 8 years ago
Quote
I feel too deeply and want too much.
Libba Bray, The Sweet Far Thing (via wordsnquotes)
43K notes · View notes
dashboardank · 8 years ago
Text
You
Nakakainis yung pakiramdam ng selos na nararamdaman ko pag may tumutulong sayo imbes na ako yung may nakakapag pangiti sayo at nakaka paghalakhak sayo imbes na ako. Yung mga bagay na ako dapat ang nakakagawa pero iba ang gagawa I hate it. Why? Because of my ego? Ay! Ewan I am your men thats why sana ako lang lagi ako lang. Pero nakakalungkot di mo ata madama yun hindi mo ata makita :((
0 notes
dashboardank · 8 years ago
Text
Smiles :)
I love you. Mahal kita, mahal na mahal. Eto lang ang bagay na naiisip ko tuwing nakatitig ako sa maganda ming muka mula sa pagsundo ko sayo araw araw hanggang sa paghatid ko sayo. Sa bawat minuto na meron sa bawat tunog ng orasan kagandahan mo ang nangingi-babaw. Ang ganda mo sobra napaka bait at smart ass. Naka kilig yung paglalambing mo. Sobrang nakakapanabik ang bawat araw na pwede kitang makasama. Lahat nag sasabi ang hirap naman ng ginawa ko para sayo pero sa totoo lang di ko na iisip yung hirap. Ang naiisip ko yung mga ngiti na namumutawi sayong mga labi twuing makikita mo ako. Mga ngiting tila mga bituin na nahulog sa langit. Mahal na mahal kita hindi ko alam kung paano mabubuhay ng di ka iniingatan hindi ka inaalagaan hindi ka pinapahalagaan di ka minamahal at lalo na hindi ka napapangiti.
0 notes