| Read what's on my mind | Nocturnal | Nostalgic | Random | 👑Bee™
Don't wanna be here? Send us removal request.
Conversation
hold tight
He's nearly giving up, not with us but with his life. he's tired with all the bullshit he's going through. why life is so unfair?
0 notes
Text
Mr. What If?
Paano ko ba sasabihin sayo Na sa tagal nang panahon nagtatanong pa din ako Paano kaya kung nagkaroon ng tayo? Paano kaya kung nasabi ko sayo Baka sakaling merong pa 'ding tayo? Hanggang ngayon umaasa ako Na sana magkita tayo at matanong sayo lahat ng gumugulo sa isip ko. Nagtatanong pa din ako sa sarili ko Kung nasabi ko ba sayo Maari bang mag-bago ang ikot ng mundo? Baka sakaling pag sinabi ko sayo Umayon lahat sa gusto ko? Kung sasabihin ko ba sa'yo Ano kaya ang isasagot mo? Sana'y oo pero kung hindi, Okay lang tatanggapin ko. Sa hinabahaba ng panahon, Pinagdamutan ako ng pagkakataon. Gusto ko lang malaman mo Na masaya ako nagkaroon ng tulad mo sa buhay ko. 👑bee
1 note
·
View note
Conversation
overthink
Sa sobrang daming tumatakbo sa isip ko, idadaan ko na lang lahat sa kwento.
0 notes
Quote
Love with no boundaries.
👑Bee
0 notes
Quote
Masama ba'ng mapagod kung lagi na lang ako'ng nasasaktan?
0 notes
Text
Hanggang Dulo
Sabi nila sa pag-ibig hindi naman kailangan laging masaya
Dadating yung pagkakataon na malulungkot at masasaktan ka.
Paano kung dumating na yung pagkakataon na puro lungkot at sakit na
at nawala na yung saya?
Paano kung dumating yung pagkakataon na sobrang pagod ka na?
Kailangan mo parin bang intindihin yung mga pagkakamali niya?
Totoong minsan nakakapagod talaga.
Hindi mo alam kung bibitaw ka na ba o lalaban ka pa.
Lalaban ka pa ba kung ang sakit sakit na?
Paano ka bibitaw kung sobrang mahal mo pa?
Mahal mo pa kahit pagod ka na.
Mahal mo pa kahit na ubos na ubos ka na.
Mananatili ka pa ba at lalabanan ang pagsuko dahil mahal mo siya hanggang dulo?
👑Bee™
0 notes
Text
Tayo
Pasensya na kung n napagod ako. Pasensya na kung konting kapit na lang ang kaya ko. Masisisi mo ba ako kung ang pagintindi ay lagi na lang sa parte ko? Mahal kita, sobrang mahal kita pero sana maintindihan mo kung bakit nagkaganito tayo. Pasensya na pero ubos na ako. Ayaw ko pang dumating yung panahon na pati pagmamahal ko sayo ay maglaho. Mahal, magpapahinga lang ako Pero hindi ibig sabihin nito ayaw ko na sayo. Lalayo ako para makita mo yung halaga ko na minsan binalewala mo. Huwag kang mag alala at babalik ako. Sana mahintay mo ako. Babalik ako at magkakaroon ulit ng tayo. 👑bee
0 notes
Text
Moving On
Moving on. Dalawang salita pero di mo alam kung saan magsisimula. Di mo alam kung paano, kailan, at saan. Paano mo sisimulan kung yung mundo na binuo mo noon ay mundo na ng iba ngayon. Ang daming bakit at sana. Bakit sa dami ng mawawala sakin, Ikaw pa? Bakit bumitaw ka na? Siguro nga nilimot mo na Yung mga panahong ako'y mahal mo pa. Sana bago ko simulan na lumakad palayo ay mayakap pa kita. Alam kong malayo pa sa katotohanan para malimot kita Kung may shortcut lang sana. Alam kong masaya ka na kaya hahayaan na kita. Kahit parang hindi ko kaya, pipilitin ko na maging masaya. -👑bee
1 note
·
View note
Quote
Didn't I deserve to know the truth?
0 notes
Quote
Ang tiwala pag nasira na mahirap ng ayusin pa.
1 note
·
View note