cipheralwoman
cipheralwoman
Libro ng Isa.Dalawa.Tatlo.
38 posts
Mga tulang wala sa lugar.
Don't wanna be here? Send us removal request.
cipheralwoman 9 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
cipheralwoman 9 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
cipheralwoman 9 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
cipheralwoman 9 years ago
Text
Mula sa araw na ika'y nagtapat, Bakit tayo humantong dito? Mga away natin na hindi ko malaman kung ano ang ugat, Sa tingin mo aabot tayo sa dulo? Pangakong nagdala sa atin, Sinabi mo ako lamang ang iyong mamahalin, Nagmistulang isang sumpa- Sumpang kailanman ang itong sakit ay hindi huhupa. Mga pilat sa aking balat sa tuwing ika'y lilisan, Mga lapnos sa aking katawan sa tuwing ika'y nang-iinit. Wala akong kalaban laban. Tila isang batang nagpupumilit. Iyan na ba ang tingin mo sa akin? Isang alipin, Bulaklak na kaya mong pitasin, Bagay na pwede mong sisihin, O unan na kaya mong suntukin. Isa ka ng lason sa buhay ko.
1 note View note
cipheralwoman 9 years ago
Text
Halaga.
May mga rason kung bakit hindi ko pa kayang mahiwalay. Una, para kang laruan ko noong bata pa ako. Pinaglalaruan, pero hindi ko kayang mawala. Ayaw kitang ipahiram sa iba. Akin ka lang. Pangalawa, para kang paborito kong ulam. Kahit araw araw kong isabaw sa kanin, Hindi ako nagsasawa. Ang sarap mo kasi. Pangatlo, para kang kuwintas ko na bigay sa akin ng magulang ko. Pamana kasi kaya hindi pwedeng maiwala. Hindi pwedeng isanla kasi hindi ko mababayaran. Ni pera o laman loob, hindi ko mapapalitan. At pang- apat, ikaw lang ang nag iisa. Para kang laruan, ulam, at yung kuwintas. Lahat may halaga sa akin. Pati sarili ko hindi ka kayang mapalitan o mahigitan. Ikaw lang ang tunay. Ikaw lang ang natatangi. Mahalaga ka kasi. Sabi nga sa kanta, "Walang papantay sayo, Maging sino man sila."
1 note View note
cipheralwoman 9 years ago
Photo
Tumblr media
Excerpt from my story, "My Last Night With You"
0 notes
cipheralwoman 9 years ago
Text
Saan kaya darating ang umaga? Sa bandang lugar ba na mala probinsya? O maaabutan natin iyon kahit tayo'y nasa Maynila? Atin bang masisilayan ang liwanag? Umagang dapat ika'y kasama, Anong nangyari at bakit nawala? Naghintay ako at nag alala, Gabi na't wala ka pa. Nagdaan ang umagang nandilim, Hanggang ngayon, ni anino hindi makita. Kasama mo pa ba siya? Umuwi ka na at ako naman ang iyong alagaan. Hindi ako susuko. Bumalik ka sana at huwag nang lumayo. Dahil, "Kahit ano pang hadlang, Mananatili kang mahal sa aking buhay."
1 note View note
cipheralwoman 9 years ago
Text
...
Bago ka umalis, may mga bilin lang ako para sayo. Una, bago ka umalis siguraduhin mong wala ka ng gamit na naiwan sa bahay. Yung mga bagay na nagpapaalala ng ating mga masasayang memorya, pakialis ng mas maaga. Ayokong sa bawat kilos ko sa pamamahay ay ikaw ang naalala ko. Hayaan mo naman akong magluksa sa sarili kong lugar. Pangalawa, iwasan mo ang pagbalik kung sakali man may nakalimutan ka. Baka kasi akalain kong babalik ka para humingi ng tawad sa lahat ng ginawa mong pagtataksil habang nakatalikod ako. Kung maari, huwag ka ng bumalik. Ako na mismo ang magtatapon ng kalat mo. Pangatlo, kalimutan mo na ang daan pauwi dito dahil wala ka ng babalikan. Burahin mo ang address nito pati narin ang number ko. Maghanap ka na ng bago. Hindi yung palagi kang maghihintay sa harap ng malamig at kinakalawang na gate. Pang-apat, talikuran mo na ang lahat ng maiiwan mo. Matagal ko ng tanggap na hindi na tayo pwede magsama sa isang bahay. Kung ano ang kinaganda ng labas, iyon naman ang kabaliktaran sa loob. Sa umaga na tahimik at pagsapit ng gabi ay puro sigawan ang maririnig, gugustuhin mo pa bang manatili rito? At pang lima, magkalimutan na tayo. Huwag na natin ipilit ang isang relasyon na hindi na pwedeng ipagpilitan pa. Wala ng mararating kung gagawan natin ito ng paraan. Tandaan mo ang limang bilin ko sayo. Kung handa ka na, sige alis na. Paalam na lamang, mahal.
1 note View note
cipheralwoman 9 years ago
Photo
Tumblr media
1 note View note
cipheralwoman 9 years ago
Text
Karera ng Pag Ibig
Susuko ka na lang ba? Kung sakaling patapos na ang karera Doon ka tumigil at huminga. Malapit ka na sa dulo, Pero pinili mong lagpasan ka ng mga kalaban. Kala ko pa naman sabay nating tatakbuhan Ang buhay natin sa nakaraan. Sige lang, magpahinga ka muna. Nasakal ka na siguro kaya kinailangan mong lumaya. Hayaan mo, Ako muna ang magtutuloy ng laban. Ako naman ang magtutuloy ng ating sinimulan. Pipilitin kong huwag mapagod. Pipilitin kong huwag sumuko. Kung kailangang kumapit, kakapit ako ng mahigpit. Basta pagdating sa dulo ng lahat ng ito, Maghihintay ako sayo at sabay natin muli tatakbuhin, Ang karera ng pag ibig.
1 note View note
cipheralwoman 9 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
cipheralwoman 9 years ago
Text
Laro tayo ng agawang lubid. Hawakan natin ang magkabilang dulo. Dapat mahigpit at hindi ka madudulas. Ang unang bumitaw, Siyang talo at sawi. Ang mahulog, Siyang kawawa at masasaktan. Sinong panalo? Yung kumapit. Gagaan pakiramdam niya dahil yung isa bumitaw na. Edi wala ng mabigat. Anong premyo? Wala. Posibleng pag ibig muli. Anong mapapala natin sa larong ito? Sakitan ng damdamin. Patas ba ang laro? Tignan natin. Kung ako ba ang kakapit o ikaw ang mahuhulog at magiging sawi. Game?
1 note View note
cipheralwoman 9 years ago
Photo
Tumblr media
You're a woman. You can wear anything that you desire for your body and likes. #TheWomanSeries
1 note View note
cipheralwoman 9 years ago
Photo
Tumblr media
You're a woman. You can do anything that you want. #TheWomanSeries
1 note View note
cipheralwoman 9 years ago
Text
//Nilibot na ang buong mundo, 'Di parin ako nakukuntento// Mahirap isipin na wala ka na. Siguro kasi masyado akong pabaya? Kaya hindi ko naramdaman na lumayo ka. Naging komportable rin ata ako kaya kala ko okay lang sayo. //Ako sila'y nandito na. Ikaw na lang ang kulang// Sa pang araw-araw kong gawain, Ikaw pa rin ang hinahanap hanap. Sa bawat oras ba lumilipas kapag gabi, Ikaw ang nais kong katabi. //Hindi nga nagtagal, Ang pagpapanggap na 'to// Sinubukan kong huwag isipin. Tila'y nagbulag bulagan sa realidad na ayos lang ako. Pero kung makikita mo ang nasa loob, Sirang sira na siya. Pilit kong pinanghahawakan ang ating naudlot na nakaraan. Na sana'y bumalik tayo sa dati. Na sana'y maisip mo na naghihintay pa rin ako. Nais ko rin maisip mo. Sana'y malaman mo. Na ako'y kumakapit sa natitirang sana.
1 note View note
cipheralwoman 9 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
cipheralwoman 9 years ago
Quote
And now, by the looks of it I鈥檓 the one who fell. It鈥檚 me all along who鈥檚 madly deeply inlove.
-Krissel Arellano
0 notes