chrisfeelings-blog
ChrisFeelings
6 posts
Sometimes life must be unfair to us.
Don't wanna be here? Send us removal request.
chrisfeelings-blog · 7 years ago
Text
Panatang Maka-Asa
Panatang Maka-Asa minamahal ko talaga siya Kahit seen niya lang ako ng sobra Siya pa rin ang nag-iisa talaga Bumalandra man ang maraming temtasyon siya lang talaga Talagang. Talagang. Talaga Ipaparanas ko sa kaniya ang pagmamahal ko Na kahit masakit ipapadama ko Ipapadama ko na sana'y ako nalang ang pinili niya Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa Mahal ko siya May mahal siyang iba Ito ang Panata kong maka-asa Na magiging loyal sa kaniya Kahit puso ko'y masira Siya lamang talaga. Dakilang Tanga. -Pusong Nagmamahal.
0 notes
chrisfeelings-blog · 7 years ago
Text
Sana naman may pag-asa talaga
Alam mo ba iyong pakiramdam na bumabagyo na't lahat-lahat umaasa ka pa rin sa reply niya sa messenger? Sa message mo sa kaniyang inamag na't lahat-lahat wala pa ring reply? Naranasan mo na ba iyong pagkakataon na pinakilala mo na ang sarili mo sa kaniya ilang daang beses na pero *Tangnaaaaa wala talaga siyang pakielam sa iyo pero ito tayo si Tanga. Napapawika sa sarili: "#SanaNamanMayPagAsaTalaga" Ulol natin. Ang tagal na nating nagmamahal pero kahit reply wala. Puro seen nila ang natatanggap natin pero talaga nga naman na ang puso natin ay pihikan kaya ayun, asa na naman tayo. Panata na siguro natin sa aking mga Ka-asa na: "Panatang Maka-Asa magiging loyal ako sa kaniya Tangna" hindi ko sinasadyang magmura pero yung puso ko talaga e nag-iiba na ang kulay dahil sa kaniya. Mga ka-asa paki check ang kulay ng puso natin kung kulay pula pa baka mamaya kulay lila na ito at tila buhay na bangkay na tumitibok. Nakakalungkot. Wala na tayong magagawa sa kapangyarihan ng pag-ibig pero hindi lahat ng pag-ibig gawa ni kupido minsan gawa lamang ito ng mga isipan natin. Gumising na tayo at muling sabihin ang panata natin: "Panatang Maka-Asa magiging loyal ako sa kaniya. Tangna... Baka kasi may pag-asa pa. Magkamatayan man ang puso kong wala ng Pag-asa"
0 notes
chrisfeelings-blog · 7 years ago
Quote
Mahalin mo iyong tao na kaya kang mahalin pabalik, para alam mong pag may binato ka. May babalikan ka.
Pusong Nagmamahal
0 notes
chrisfeelings-blog · 7 years ago
Text
Heartless
To the guy i love up until now Who always shook his head every time i do some efforts I am now tired, tired of this sheet and wounds you've done with my heart. Do you have heart? Or you're just like them Heartless You're the guy who don't have a Heart.
0 notes
chrisfeelings-blog · 7 years ago
Text
Sistemang Maka-Plastik
Noong nasa elementarya pa lamang ako talamak na problema na mayroon lamang kami sa aming magkakaibigan ay pag-aagawan kung sino ang mas mahal ni Jun pyo, nung dumating naman ako sa sekondarya yung mga kaibigan ko naghangad na sana totoo nalang si Cross Standford pero ngayon o nung nakaraang taon bakit biglang sumulpot ang "Sistemang Maka-Plastik" ang modernong tawag sa taong balimbing+backstabber. Masakit tanggapin na mas lalong tumataas na ngayon ang pollution at yung tyansa na mabutas ang ating ozone layer. Dahil daw ito sa green house effect or kung ano pa man pero huwag ka alam kong baka yung besssss mo na yung dahilan nito. Out of 10 friends na meron ka 3-4 ang magkakampi at sinasaksak ka sa likod. O diba ang saya? Sa 20 friends naman na meron ka 10 na sila so nahati kayo sa dalawa, sa 3 friends mo na pinagkakatiwalaan mo ng sobra for sure isa dito yung polusyon na kailangan ng puksain. May nakapagsabi sa akin na hindi na raw bago ang plastik na polusyon dito sa mundo. Take note na pag may baha karaniwang basurang plastik ang sinisisi, which is true naman. "Balitang-balita ang dami ng basurang plastik sa Metro Manila mas lalong lumalala" Napapa-irap na lamang ako pag naririnig ko iyan dati pero hindi ko maitatanggi na masaya makipagkaibigan sa kanila sa umpisa. Yes! Sa umpisa wag ka ng umasa na magtatagal dahil ang sugat na sinaksak na mababaw kung hahayaan mo na saksakin ka patuloy-tuloy mas lalong lalalim. "Bes, paano mo nagawa sa akin to?" Simple lang may kakaiba sa iyo na wala siya. Pagkakaiba-iba ang regalo ng Diyos sa atin pero hindi ko naman akalain na ito rin pala ang minsa'y magiging dahilan ng patayan sa atin. Minsan nang napabalita iyong magkaibigang nag-away na sa totoo lang ay nagpaplastikan pala at nauwi sa isang aksidente. Gusto niyo malaman yung sumunod na nangyari? Ayoko nang sabihin shutap na ako roon at hindi ko sasabihing may naospital na isa sa kanila. Sa panahon ngayon ang pakikipagkapwa parang pagmamahal lang iyan sa isang espesyal na tao sa atin. "Huwag ubos biyaya, magtira para sa sarili mo" Kung may mga sikreto ka? Wag mong ibunyag lahat baka bukas makalawa kumalat na.
0 notes
chrisfeelings-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Nasanay na rin kasi ako... Nasanay na akong masaktan. May mga bagay na, Oo sobrang hirap tanggapin pero dumarating yung punto na immune na tayo. Tipong wasted na tayo sa virus netong sistemang de pag-ibig. Sistemang de Pag-ibig na mapapamura nalang tayo sa sakit. Ang sarap pumuntang mercury o kung saan mang drugstore at magtatanong ng gamot para doon: "Ate pagbilan nga po ng pain killer" "Pain killer para saan?" "Pain killer po para sa puso kong nasasaktan" Nyahahaha. Minsan o sabihin na nating palagian maraming mga tao ang nagtatanong kung bakit kailangan pa natin magmahal kung ang ending lang naman pala natin ay siyang kabiguan. Minsan may mga taong hindi rin nakakaintindi na kung hindi tayo magmamahal edi ano pang purpose mo dito sa mundo? Aesthetic Flower lang ang peg? Nasanay na ako sa sakit nitong mundo, sa sakit ng pagmamahal na na immune ako. Pero kahit ganun na nga ang kinahantungan ko may isa sa sanlibo o higit kumulang na tanong na inanod sa isip ko ang siyang nangingibabaw: Bakit kailangan mong manakit ng ibang tao kung ang gusto lang naman nila ay mahalin pabalik ng taong mahal nila? Sabi ni God Mahalin natin ang kapwa tao natin pero bakit hanggang ngayon sinasaktan mo pa rin sila o natin ang iba? Hindi sa nagmamalinis ako pero aaminin ko may nasasaktan akong tao pero bakit nga ba? Bakit nga ba mas dumarami ang nasasaktan sa Sistemang de Pag-ibig na iyan?
0 notes