chnchymrnd
chnchymrnd
Archypelago
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
chnchymrnd · 2 years ago
Text
Lakbay sa Nakaraan: Gunitain ang Kamangha-manghang Oras sa Hong Kong
Halina't balikan natin ang tatlong araw kong abentura sa Hong Kong!
Sa katimugang bahagi ng baybayin ng China, ang mabunduking lugar ng Hong Kong ay isa sa mga pinupuntahang bansa ng mga manlalakbay. Ito ay binubuo ng iba’t ibang kultura mula sa China, Western, at British. Kaya naman, sa kahit anong panahon, ang Hong Kong ay dinadayo dahil sa kanilang mga tanawin, tradisyon, kultura, mga pagdiriwang, at iba pa.
Aking ibabahagi ang aking karanasan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Gabay sa Paglalakbay
Unang Araw: Ngong Ping Village
Pangalawang Araw: Hong Kong Disneyland
Pangatlong Araw: Ocean Park
Karagdagang Lugar na Maaaring Puntahan
Tumblr media
Gabay sa Paglalakbay:
Sa aking abentura, ang aking pagpunta sa Hong Kong ay madali lamang.
Patungong Hong Kong: Galing Manila, kumuha ng 2-hour flight patungong Hong Kong. Noong kami ay nag-book, aming kinuha ang flight mula sa Cebu Pacific Air. Pagkababa ng eroplano, galing sa paliparan ay sumakay sa shuttle bus patungo sa hotel na tutuluyan.
Patungong Ngong Ping Village: Sumakay ng bus mula sa New Territories papunta sa Tung Chung cable car terminal. Matapos ay bumaba sa Ngong Ping Cable Car Station.
Patungong Hong Kong Disneyland: Sumakay ng tren o MTR patungong Disneyland Resort Line. Matapos ay lumipat ng tren mula rito patunong Disneyland.
Patungong Ocean Park: Sumakay ng tren mula sa South Island Line MTR patungong Ocean Park Station. Mula rito ay sumakay ng cable car patungo sa destinasyon.
Tumblr media
Kung ating babalikan noong tayo ay bata pa, ating ninais na makapunta sa isa sa pinakamasayang lugar sa buong mundo. At dahil tayo ay nakatira sa Pilipinas, ang pinakasikat at pinakamalapit na pook na ito ay sa Hong Kong Disneyland. Ngunit, hindi lamang ito ang destinasyon na maaaring magbigay saya kapag ang bansang ito ay napuntahan. Kaya naman, halina at sumama sa sulating ito na kung saan tayo ay maglalakbay tungo sa aking memorya noong 2015. Samahan niyo akong gunitain ang mga destinasyong aking napuntahan sa loob ng tatlong araw sa Hong Kong.
Unang Araw: Ngong Ping Village
Tumblr media
Sa kanlurang bahagi ng Lantau Island na kung saan mararanasan ang langit, lupa, at karagatan ng Hong Kong, ang Ngong Ping Village ay itinayo at mapupuntahan sa itaas ng Ngong Ping Plateau. Maraming turista ang nagpupunta rito upang maging pamilyar at maranasan ang mga kinagawian, kultura at iba’t ibang produkto ng Hong Kong. Ang pinakapinupuntahan sa destinasyon na ito ay ang The Big Buddha o Tian Tan Buddha na kung saan ikaw ay aakyat ng 263 na hakbang upang marating ito, at ang istatwang ito ay nasa tanyag na kapaligirang may kahanga-hangang tanawin.
Tumblr media
Maliban dito, mararanasan din ang Walking With Buddha na kung saan matutuklasan ang pagtatag ng Buddhism. Matapos dito ay mapupuntahan din ang Ngong Ping Piazza at ang Po Lin Monastery na isa sa pinakaimportanteng institusyon ng Buddhism sa Hong Kong.
Tumblr media
Karagdagan sa mga ito, mayroon ding iba’t ibang bilihan ng kanilang mga produkto at matitikman din ang kanilang mga tradisyonal na pagkain.
Pangalawang Araw: Hong Kong Disneyland
Tumblr media
Hindi mabubuo ang pagbisita sa Hong Kong kung hindi pupuntahan ang destinasyon na ito sapagkat ito ang pinakakilala at pinakagustong puntahan lalo na ng mga bata. Ang Hong Kong Disneyland ay isang theme park sa Penny’s Bay, Lantau Island na kung saan ito ang pinakamalaking parke sa Hong Kong. Nang aking makita ang arko ng Disneyland, hindi mapagkakaila na ito nga ang ‘Happiest place on Earth’ lalong-lalo na kapag kasama ang ating pamilya o di kaya ang ating mga kaibigan.
Tumblr media
Marami ang maaaring gawin sa liwasan na ito tulad ng pagsakay sa mga roller coasters, pagmamasid sa museo, at pamimili ng mga merchandise mula sa iba’t ibang pamilihan.
Tumblr media
Ang mga pagkain din dito ay Disney-themed na siguradong magugustuhan ng lahat lalo na ng mga bata sapagkat ang mga pagkain na ito ay patok din sa panlasa.
Tumblr media
Mayroon ding mga parada ng mga Disney Characters at mga palabas katulad ng fireworks display at live music na talaganag nagbibigay saya sa mga turista. At upang masulit ang pagpunta sa Hong Kong Disneyland, kakailanganin ang buong araw para masakyan at mapagmasdan ang sayang hatid ng liwasan na ito.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Pangatlong Araw: Ocean Park
Tumblr media
Ang saya ay hindi magtatapos mula sa dalawang araw na pagbisita namin sa Hong Kong, sa halip ay mas madadagdagan pa ang kagalakan sa aming damdamin. Sa Wong Chuk Hang mapupuntahan ang Ocean Park na isang liwasan na binubuo ng roller coaster rides, mga palabas, at mga aktibidad na siguradong patok sa mga bata kasama ang kanilang pamilya o mga kaibigan. Maliban sa mga rides dito, mayroon ding mga hayop na makikita o makakasalamuha tulad ng panda, koalas, penguins, at iba pa.
Tumblr media
Karagdagan sa mga masasayang gawain sa Ocean Park, katangi-tangi rin ang tanawing hatid nito. Mula sa pagsakay sa cable car patungo sa destinasyon, makikita ang ganda ng kapaligiran, lalo na’t kitang-kita sa itaas ang buong parke. Ang Ocean Park ay nasa bundok din na kung saan ang tanawin ay pinapaligiran ng mga puno at sa tabi nito ay ang pinakamagandang asul na karagatan. Katulad ng sa Disneyland, kinakailangan din ang buong araw upang masakyan at mapuntahan ang iba’t ibang atraksyon sa liwasan na ito.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Karagdagang Lugar na Maaaring Puntahan
Kung mayroon pang natitira o labis na oras, huwag palampasin ang pagdayo sa mga Street market kung saan makakakita o makakabili ng mga tradisyunal na kagamitan sa Hong Kong o kaya mga souvenir at pampasalubong. Marami ring mga Street food o mula sa karinderya na dapat tikman ng mga turista lalo na’t mas naipapakita nito ang kultura at pagkakakilanlan ng Hong Kong.
Tumblr media
Kahit pa ako ay bata pa lamang noong ako ay dumayo sa Hong Kong, ang bawat sandali at alaala ay sadyang hindi malilimutan, lalo na ang galak na aking naramdaman. Mula sa paglalakbay na ito, aking nalaman ang iba pang tradisyon at kulturang lumaganap sa mundo. Sana ay nabahagian ko kayo ng sulyap sa aking abentura sa Hong Kong. Kaya kung kayo naman ang susunod na makakapunta sa destinasyong ito, anong lugar at aktibidad ang una at pinakagugustuhin mong dayuhin?
Mga Sanggunian:
The ultimate guide to Ocean Park Hong Kong | Hong Kong Tourism Board. (n.d.). Discover Hong Kong. https://www.discoverhongkong.com/seasia/explore/attractions/the-ultimate-guide-to-ocean-park-hong-kong.html
Hoffmann, M. (n.d.). The Ngong Ping Village. Hong Kong Traveller. https://www.hong-kong-traveller.com/ngong-ping-village.html
Baxter, D., & Baxter, D. (2021, Oktubre 11). Tian Tan Buddha | Detailed Guide to Hong Kong Big Buddha. AwayGoWe. https://www.awaygowe.com/tian-tan-buddha-hong-kong-big-buddha/
M. (2022, Marso 1). Hong Kong Disneyland Review 2022 – Guide to Planning Your Family Trip. Mum’s Little Explorers. https://mumslittleexplorers.com/hong-kong-disneyland-review-families/
G. (2023, Pebrero 21). Hong Kong Culture: an Interesting Guide to Hong Kongers. China Highlights - Since 1998! https://www.chinahighlights.com/hong-kong/culture.htm#:~:text=Hong%20Kong%20culture%20is%20a,the%20people%20from%20Chinese%20mainland
0 notes