chloeicapili-blog1
Amateur.
1K posts
Chloei G. Capili Manuod at gumawa ng matinong mga pelikula Manila, Philippines Twitter/ Instagram/ Snapchat: chloeicapili [email protected]
Don't wanna be here? Send us removal request.
chloeicapili-blog1 · 10 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sa Pinaka-ibang klaseng taon: 2014. Salamat!!
Sa huli kong taon o term bilang isang estudyante, hanggang sa tuluyang grumaduate at napadpad sa sinasabi nilang "reyalidad". Putangin*, finally!! Ibang klase nga naman 'tong nakaraan na taon. Isang napaka-laking blessing na marami akong nakilala sa "reyalidad" at hindi naman nawala yung mga taong kumabaga nasa "comfort zone" ko na.
Isang araw, gumagawa lang ako ng thesis ko para tuluyang grumaduate biglang napadpad na pala ako kung saan saan!! Iba ka talaga, 2014.
At ito na nga, unti-unti na rin akong pumapasok sa industriya ng paggawa ng pelikula. Isang bagay na alam kong gusto kong puntahan simula palang. Isang bagay na pinag-buhusan ko ng oras at effort noong nakaraang taon at alam kong sa taong ito, masmalaki ang hinanda para sa akin. Fingers crossed. Nakakatawa na "isang bagay" ang ginamit ko bilang alam kong ang paggawa ng pelikula ay hindi lamang "isang bagay". Pero sobrang handa at excited na ko para malaman kung ano nga bang para sa akin na nanjan.
EXCITED NA KO, 2015!! GAME NA!!
0 notes
chloeicapili-blog1 · 10 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
To the kids who made my year-ender extra fun! Merry Christmas everyone :)
Taken with GoPro and Canon 6D
3 notes · View notes
chloeicapili-blog1 · 10 years ago
Photo
Tumblr media
OPS! TEKA LANG! Magtatapos na ba agad ang 2014?! Ang bilis bes. Hinay hinay lang bes.
Pero ano pa nga bang magagawa ko, patapos na ang taon. Ang magagawa ko nalang ngayon ay magpasalamat. Salamat sa napaka-saya, napaka- makabuluhan, at napakaraming napaka sa taong 2014.
Salamat!
... kasi akala ko dati hobby ko lang ang pagkuha ng photos at baka hobby lang rin ang film pero napatunayan ko sa taong ito na passion ko ang ginagawa ko at patuloy ko pa tong gagawin hanggang magsawa ako at magsawa kayo.
... sa pagpapaalala sakin na marami pa akong makikilalang magpapalawak ng isip ko at hindi ko mararating kung ano man ako ngayon kung hindi ako aalis sa comfort zone ko.
... sa pinaka-masayang huling taon sa DLSU. Salamat DLSU.
Marami pa pero may isang buwan pa! Kaya next time ulit <3
Photo: 2014. Univ Week. DLSU (c)chloeicapili
2 notes · View notes
chloeicapili-blog1 · 10 years ago
Photo
Tumblr media
Sure! Kaya kapit ka lang, Chloei.
0 notes
chloeicapili-blog1 · 10 years ago
Text
A filmmaker's dream (at least one of mine)
Tumblr media
NORTE (2014)
I think all filmmakers work on a common goal... a goal to tell a story. But what sets all filmmakers apart is how they are able to tell a story differently and how it affects the people.
Proof: I was in a conversation with a friend about a Star Cinema concept he really liked- a love story that progress over conscientiously completing the simbang gabi. Yes, the film was 9 Mornings (2002). I went on and said it was cheesy and better off as a Star Cinema movie.
But then he said, "Hindi! Nasa filmmaker naman yan. Isipin mo... pano kung si Jerrold Tarog nag-direk nung concept na yun?"
It was a great point. Duh. kinakabahan ako sa'yo.
Stories are everywhere and a filmmaker should be able to decide what kind of a storyteller he or she has to be. Some do it for the craft, for passion, for the audience, for the awards, for the money? Whatever it is, filmmaking has a purpose.
Tumblr media
BWAYA (2014)
Bwaya, one of the films that bagged the Best Picture award from Cinemalaya, is probably one the films that I absolutely adore because of the sincerity of the film. Yes, it did have mixed reviews, some of my filmmaker friends did not like the idea of having the 'documentary style' (I don't know the proper term, if there is any) in between scenes.
But for me, I think the film was successful because it served its purpose. It was actually stated on the film. The interviewer asked the parent of Rowena, "Bakit niyo po gusto isa-pelikula yung nangyari kay Rowena?". The parent replied, "Para walang makalimot".
Is the film fancy? No. But right then and there I felt that the filmmakers stayed true to their purpose. I could be wrong but I still liked the film. Very much.
Same as the films Barber's Tales (2013) and The Guerilla is a Poet (2013). Films about the Martial Law Era! These films have deeper commitment to story telling because their films are their own advocacies... or even propaganda.
And that's the kind of filmmaker I hope to be...
Tumblr media
Purpose! Makapag sulat ng may purpose. If you know me personally, you would know how much I idolize Erik Matti!! When I saw On The Job (2013), it occurred to me how powerful film could be as a medium to educate people and to question the systems of the society. When some would only see film as a medium for entertainment and actually argues that they won't make a film that "the audience will not appreciate" (aka hindi bebenta) (Wenn Deramas, everybody! #SineLagingKasama).
Good thing we live in a democracy!
PS. This just occurred to me that most of the films that I really loved stars the Ms. Angeli Bayani. I absolutely love her!
2 notes · View notes
chloeicapili-blog1 · 10 years ago
Note
Hi, Ate Chloei! I just want to say thank you for being an inspiration.
Wow, reallyyy. Aww. Thank you so much! I don't really know what I did but thank you for believing in me
0 notes
chloeicapili-blog1 · 10 years ago
Text
I opened tumblr because I have so much in my head and thought I should write it down. So I clicked 'Text' only to stare at the screen without nothing to write about... but why do I feel the same way.
I've been telling myself to be patient. Be patient because I guess I know that something good is on its way. Be patient because I know for a fact that this is what I want to do. I am being patient but I hate seeing myself being unproductive every day.
0 notes
chloeicapili-blog1 · 10 years ago
Text
Patience.
But this should be fucking worth it.
0 notes
chloeicapili-blog1 · 10 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Bringing my old stuff back. I take requests too :)
1 note · View note
chloeicapili-blog1 · 10 years ago
Text
Ang matamaan, Wag magalit!
Nanuod ako ng Sine, Laging Kasama kagabi sa ABS-CBN. Documentary tungkol sa history ng Philippine Cinema and nag-interview rin sila ng mga prominent people from the industry. May ilang bits rin naman na usual na discussion pag ang pinag-uusapan ay Cinema- mga Mainstream versus Indie, etc etc etc. Pero nung pinapanuod ko si Nick De Ocampo mag-explain ng history ng Cinema sa Pilipinas, tinanong ko sarili ko kung bakit wala akong alam sa pinagsasabi niya?
Actually, na-realize ko kung gaano ka onti ang alam ko sa Philippine Cinema at sa filmmaking. Ngayon, hindi naman ito bad thing. At nakaka-excite kaya matuto! Kaya sa mga film buffs/ students jan, wag magmarunong at aminin nalang na wala ka ring alam para may magturo sayo. Maging thankful sa mga may alam sa industriya!
PS. Napansin ko rin na sabi ng docu sa intro "No Holds Barred" ang docu na ito... Sana tinanong niyo na rin si Wenn Deramas kung gandang ganda naman ba siya mga pelikula niya.
Yun lang!
1 note · View note
chloeicapili-blog1 · 10 years ago
Photo
Tumblr media
Nakaka-miss uy
0 notes
chloeicapili-blog1 · 10 years ago
Text
Hindi ko na kailangang ulitin kung gaano ako nadismaya sa nakaraang buwan. Sana hindi na maulit. Salamat at nagtapos na ang October kasi, honestly, I can't deal with October anymore.
November should be better.
Yun lang.
0 notes
chloeicapili-blog1 · 10 years ago
Text
#WHY
Alam mo ba kung gaano kasakit marinig na galing pala talaga sa mga taong tinitingala mo sa industriya ang "kailangan-ko-rin-kumita" o kaya "I-need-to-eat" logic/ reasoning nila.
Para mong sinabi sa isang musmos na hindi totoo si Santa Claus. At ang cotton candy, hindi gawa sa cotton.
Ang sakit!!! Kasi alam kong wala pa akong nararating na tulad nila, eh, parang gusto ko nalang umatras. Na-meet ko sa isang client shoot si Whammy Alcazaren. PA lang ako nun, Art Director siya. Hanggang ngayon mangha parin ako sa kabuuan ng Dagitab ni Giancarlo Abrahan (Cinemalaya 2014) na siya naman ang Production Designer. Tinanong ko siya kung anong film projects niya ngayon, pa-small talk lang, 'lam mo na. Sabi niya, "mainstream ako ngayon eh..." tapos sabay, "I need to eat." Balik tayo sa... ANG SAKIT!
Narinig ko na rin yan nung college pa ko, mula pa sa mga pinaka-influencial at isa sa mga paborito kong professor na si Direk Joey Reyes. Sabi niya pa nun, at inaamin niya na, nakagawa na siya ng mga ilang pelikula para-lang. Sabi niya pa, "well, I want to buy a new car".
Alam na alam ko na yan pero parang di naman ata ako na-convince. Gusto ko rin naman ng kotse. Pero mas gusto ko parin mag-art-art.
Hindi naman sa minamaliit ko ang mainstream. At lalong hindi ko rin minamaliit yung mga taong gustong pumasok dito. Kaso, hindi ba pwedeng ang reasoning nalang natin eh "gusto ko kasi baguhin yung image ng mainstream. Feeling ko pag nandun ako pwede kong magamit yung resources nila para tumalino yung laman ng media at mga tumatangkilik sa kanila." Edi mas-ayos sana! Nahikayat pa sana ako.
Babalik lang ako saglit. Hindi naman to mababasa ni Whammy pero gusto ko lang sabihin na sana 'wag ka sanang tumigil sa pagiging PD o pagiging filmmaker in general. Sana rin malagay mo sa mainstream projects mo yung art na tulad ng nakita ko sa Dagitab dahil napaka ganda talaga! Kung ganun naman pala yung makikita ko sa mga gawa ng Star Cinema at kung ano pa edi mas marami pa sanang mahihikayat na manuod ng mainstram cinema ng Pilipinas na hindi lang dahil sa pangalan ng artista o ng studio.
Yun lang. Bukas ulit!
0 notes
chloeicapili-blog1 · 10 years ago
Note
Hi there! I'm a fellow AB-CAM major like you and just finished my first term of majoring. I don't think I'm meant for this course after seeing my depressing grades in INTBROD, etc. Have you ever felt like this? Thank you for taking time to reading my ask! :)
Hi! I'm not sure if this was an ask from a long time ago but I'll answer it anyway. I don't think you should quit the program just because of your grades. My first term as a CAM student, I got a 1.0 from MASSCOM. The 2nd term, I got a 1.5 in INTPRIN. But my grades didn't stop me from learning. I took "terror" professors over and over again and, now, I know I have no regrets because not only did I learn... I also found my passion.
But if I was too late and you've already shifted out of the course, that's ok. I hope you find (or found) whatever it is that you want to do.
0 notes
chloeicapili-blog1 · 10 years ago
Text
Open letter to: Self
Mahilig ako magsulat ng kahit ano- screenplay, blogs, storylines, at anything-under-the-sun. Pero ngayon ayaw ko munang magsulat para sayo. Feeling ko kasi andami ko ng nasulat na inaaddress ka pero ako lang naman natatamaan. So ako nalang muna. Pero pwede mo parin naman mabasa, baka matamaan ka o baka may suggestion ka, pwede rin naman. Warning ko lang na marami akong gustong sabihin sa sarili ko ngayon kaya't makalat tong mga susunod na mga pangungusap... o baka talata, bahala na.
Dear Self,
Nag-tweet ako kanina, sabi ko, "5 months 'til deadline #notetoself". Iba kasi branding ko sa twitter kaya dito nalang ako magda-drama.
Sa May 2015 kasi, magte-twenty na ko. Oo, 19 palang ako ngayon. 4 months na ng huli kong matawag ang sarili ko na student. Ang daming nagugulat pag sinasabi kong 19 palang ako pero grumaduate ako nung June (2014). Hala, mukha daw ata akong frosh. Pero susunod nilang tanong, so ano na nga bang ginagawa ko bilang tapos na ako mag-aral. Sagot ko lagi, simple- freelancer po. Pero sa totoo lang gusto kong sabihin- filmmaker po. 
5 months nalang, Chloei. Pagdating ng 5 months kailangan mo ng i-rethink ang life decisions mo. Kung tama pa ba mga ginagawa mo simula ng grumaduate ka ng DLSU. 5 months para before manlang ako tuluyang mag-twenty may magawa akong tama o kaya naman masabi kong, shet! tama desisyon ko!
Sige, balikan nga natin. Ano na bang nagawa ko? Simula ng grumaduate ko ilan na bang film projects ang nagawa ko? Iba ibang kwento, iba ibang tao. Ilang client video project narin ang nagawa ko at iilan pa naman ang naka-planong projects sa mga susunod na buwan. Ayos rin pala. Pero magkano na ba ang laman ng bank account ko? Halos wala na! O baka sadyang hindi pa ko marunong maghawak ng sariling pera. Buti nalang may nagpapakain pa sakin. Ganon pala pag-freelancer no? Pero patuloy ko paring cino-convince ang sarili ko na ayos lang yun, para naman to sa resume o experiences ko. Sabi ko pa nun, wala namang tatanggap saking company kung wala akong experience. At bata ka pa naman.
Edi ayun, sige tanggap lang ng project, sulat lang ng sulat, shoot lang ng shoot. Masaya ako, eh. Walang halong sarcasm o kung ano man, masaya talaga ako. Lahat ng nakikilala ko simula ng paglabas ko sa DLSU, nagmarka talaga sa buhay ko. Ewan ko ba pero parang masmarami pa akong nalaman, na-isip, at natutunan nung hindi na ako nag-aaral. Para akong nasa isang malaking classroom at lalong iba na tingin ko sa mundo. Grabe, nakaka-excite parang bawat araw may bago.
Parang alam ko naman ata kung ano talaga gusto kong gawin.
Production Manager nga pala ako at sure na sure ako na ito talaga yung gusto kong gawin. Nakakatawa nga kasi wala akong alam sa pagiging production manager nung nasa college pa, alam ko lang pangalan ng PM ang usually unang lumalabas sa end credits ng pelikula. Maraming salamat nalang sa kaibigan kong PM na tinuturuan akong maging PM, tapos yung iba natututunan ko nalang sa set. Ganun naman talaga ata dapat.
Wish ko lang talaga na makapag-PM na sa isang full lenth na pelikula soon. Lord, please! Maawa ka na sakin.
Teka, oo nga pala, open letter to para sakin hindi para kay Lord.
Paano ko nga ba narealize na gusto ko nalang maging PM? Marunong akong mag-direct, mag- cinematographer, mag-edit, mag- production design... gusto ko parin naman maging director, cinematographer, editor at PD pero baka meant to be lang talaga. Hindi lang pang pag-ibig ang tadhana, akala niyo ba. Sabi nga ng favorite person ko sa internet, "there's more to life than love". Taray!
Simula rin ng pagtungtong ko sa Communication Arts degree program ng De La Salle University at naging prof ko (DALAWANG BESES!) si Dr. Sibayan, sinabi ko na sa sarili ko na kahit anong mangyari... 'wag kang mag-aadvertising!! Nung una hindi ko alam kung bakit... basta lang wag. Pero ngayon, parang nagkakaroon na ko ng rason para hindi pumasok sa advertising. Una, ayoko magpaka-stress at mag-sayang ng creativity, sabi nga ni Eros Atalia, para mambola. Pangalawa, hindi ko kayang magtrabaho by-the-book. Alam mo yun?? Yung tipong, hindi dahil yun na yung sistema eh yun na rin yung gagawin ng mga masmaliliit na grupo o company.
Naniniwala kasi ako na ang mga creative output hindi lang lumilitaw mula sa kumpanyang matagal nang nakatayo o sa dami ng taong nagtatrabaho sa likod ng isang produksyon. Ang creativity kasi nasa tao yan. At masgusto kong ma-emerse sa industriya o sa working environment na may tatlong tao na punong puno naman ng passion at mga bagong ideas.
Kung dumating man ang panahon na kakainin ko ang lahat ng sinabi ko... sana hindi, ayoko talaga. O baka takot lang talaga ako magkamali?
Dahil jan na-realize ko na bago na siguro ang goal ko in life (dati goal ko na magpayaman) na mag-inspire ng people especially the younger generations. Gusto ko lang malaman nila na pwede silang gumawa ng sarili nilang sistema ng mga bagay bagay dahil wala namang certain sa mundong to. Na marami pa palang ibang options. Sana dati may nagsabi na sakin nun.
Andami ko na palang nasabi kulang nalang conclusion. Kaya heto na nga. Sa totoo lang alam ko naman talagang gusto ko ang ginagawa ko- mag-risk at mag-art. Ganunpaman, hindi ko parin lubusang masanay ang sarili ko na may mga araw na nagiging linggo (sana naman wag naman buwan) na wala ka talagang magagawa kundi magsulat ng ganito. Mga araw na tatanungin mo sa sarili mo, kelan pa ba next project ko? Magkaka-project pa kaya ako? Magkano nalang ba pera ko? Pano kung yung mga taong kasama ko dapat sa pag-achieve ng pangarap ko eh makapag-move on at maghanap ng totoong trabaho? Paano na ko? Mabubuhay ba ko sa pangarap ko?
5 months from now, kailangan masagot ko na yan lahat. Sana hindi ako madisappoint sa magiging sagot ko dahil alam kong nag-effort ako at patuloy akong magri-risk para maging realidad ang pangarap ko. At sa kung ano man ang magiging sagot ko, sana hindi mawala ang passion ko.
Yun lang. Salamat.
Love,
C
1 note · View note
chloeicapili-blog1 · 10 years ago
Photo
Tumblr media
EMMA WATSON
Everyone loves Emma Watson. B&W 'cause it's so much easier and it takes lesser time. It looks better, too! I never finish the hair part anymore like before (I add highlights and draw hair strands) because I only end up taking out the layer cause it won't blend.
I guess I'll try to do more of these just cause I don't want to forget how to make vector images so yeaaah.
1 note · View note
chloeicapili-blog1 · 10 years ago
Text
ENCOURAGE KIDS TO TAKE RISKS.
0 notes