Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Ang hirap humanap ng work, na mataas ang salary, madaming benefits, mabait at mapagbigay na boss, mabait at matulongin na mga katrabaho, hindi mahirap ang trabaho, malapit lang kung saan ka nakatira, at higit sa lahat masaya ka, yung tipong di mo maiisip na umalis. Hay Lord, paulanin mo naman ako ng blessings oh. Mahal mo naman ako diba. 😍😍
0 notes
Text
Gusto ko ng hug
Sawang sawa na akong ihug yung sarili ko haha
0 notes
Text
May sekreto ako lagi kung kinakausap yung isip ko pero nag uusap kami gamit lang sa isip, baliw na ata ako haha pero alam kung hindi haha.
May normal sa isip ko, may isang masarap kausap sa isip ko, may isang laging nag iisip sa isip ko at may isang epal s isip ko. Parang maraming tao sa isip ko na hindi naman talaga tao kung hindi isip.
Okay feeling ko talaga nabubuang na ako. Nakakatakot.
0 notes
Text
May tatlong rason kung bakit.
Kung bakit wala akong boyfriend/jowa/babe ngayon, kung bakit after ng isang relationship ay wala pang kasunod, kung siguro isa ka sa mga friends ko iisipin mo siguro di ka pa nakamove on o siguro mahal mo pa.
Pero dahil hindi kita friend sasabihin ko sayo ang tatlong rason.
Bakit wala ka pang jowa?
1. Kasi hindi ako gustuhin talaga isa lang po akong normal na babaeng na kilos lalaki, kaya walang nagkakagusto sa akin haha, alam ko hindi ako pangit maraming nagsasabing maganda ako pero puro matatanda hahahaha marunong din akong tumingin sa salamin kaya alam ko may ganda ako kahit papaano hahaha hindi nga lang ako yung tipong madaling i-girlfriend, kaya bakit ako pag aaksayahan ng panahon ng isang lalaki hahaha hindi ako nasasaktan dun promise wala nga lang akong paki ee *kung ayaw mo sa akin, anong paki ko hindi naman kita gusto* hahahahaha
2. Mapili ako haha sa parteng itong magfefeeling akong sobrang ganda ko hahahaha ang mga magulang ko kasi tinakot nila ako sige makakapag asawa ka ng ganito, ganyan, yung bubugbugin ka o something. Kaya ganon mahirap kapag lumaki kang sinasabi yun sayo kasi nagiging mapili ka, alam mong mali yung sinasabi nila pero naiisip mo din na tama, kaya magulo hahaha
3. Lumaki akong nakita at narinig kung paano masaktan sa isang relationship. Lumaki akong nakikita ko ang kapamilya/kamag anak ko na kahit may karelasyon na, may karelasyon pang iba. Bakit kailangan pagsabayin? "Kasi reserba yung isa, kasi para ibang putahe naman, kasi gusto mo lang" Bakit kailangang manloko? "Kasi ayokong magalit siya, kasi masasaktan siya" Bakit kailangan mong saktan yung taong mahal mo? Bakit kaya mong sakta yung taong mahal mo? Kung di mo naman na mahal bakit hindi mo nalang hiwalayan? Bakit nakakayang mong manakit?
yung pinaka rason kung bakit sa totoo lang natatakot akong pumasok sa isang relationship *bukod sa naunang relationship ko na di ko naman sigurado kung sineryoso ko at niya, kung minahal ko ba o hindi, haha ang relationship na ewan*. Nakita ko kung paano manloko, kung paano itago ang panloloko, kung paano parang normal lang manloko, nakita ko kung paano nasaktan yung taong niloko, kung paano naghabul ang taong nanloko sa niloko, kung paano pinatawad ng niloko ang nanloko, kung paano inulit ulit ang panloloko, nakita ko kung paano parang ang daling manakit, nakita ko kung paano parang paulit ulit lang, manloloko, makakasakit, maghahabol, papatawarin, at manloloko ulit at ganon ulit.
Natatakot akong magmahal na kayang magpaloko, kayang masaktan, kayang magpatawad, kayang magpaulit ulit, na mahal at minamahal mo pa rin kahit sobrang sakit na.
Natatakot akong magmahal, nakakatakot magmahal.
0 notes
Text
Pakiramdam ko kinukulong niya ako
Ang gulo, ang gulo gulo
May hinahanap ako pero di ko mahanap
Alam kong may kulang pero di ko alam
Ang sabi niya pagod na ako
Ayokong makinig sa kanya pero siya lang ang naririnig ko
Gusto ko siyang lumayo pero lagi lang siyang nanjan
Ayoko ko siyang kausap pero kinakausap niya ako
Gusto ko siyang saktan pero di ko alam kung paano siya saktan
Ayokong nalalaman niya kong anong iniisip ko
Ginugulo niya ako, pinipigilan niya ako, pinahihirapan niya ako
Alam kong kaya ko pa siya, kaya ko pa;
Bigyan mo ko ng tulong
0 notes
Text
Gusto kong lumaya
Alam mo yung feeling na nakakulong ka pero wala naman talagang kulongan, gusto mo lang lumaya sa lahat.
0 notes
Text
"Gusto ko malaman kong anong purpose ko, bakit ako nabubuhay"
Ano kaya?
0 notes
Text
2310 thoughts
2 years 2 months and 4 days.
Bukas officially resign na ako. Akalain mo yun umabot ako ng 2 years sa first job ko, 2 years na parang ang bilis lang pero punong puno ng memories.
Sa 2 years ang dami kong natutunan
Sa 2 years ang dami kong napuntahan
Sa 2 years ang dami kong nakilala
Sa 2 years ang dami kong nakita
Sa 2 years ang dami kong natuklasan
Sa 2 years ang dami kong tawa
Sa 2 years ang dami kong puyat
Sa 2 years ang dami kong inisip
Sa 2 years ang dami kong natawagan
Sa 2 years ang dami kong natext
Sa 2 years ang dami kong nai-email
Yung 2 years na nilaan ko sa work ko at sa mga katrabaho ko, will always be in my mind and heart. Tatagal ba ako ng 2 years kong di ko minahal yung trabaho ko. ☺😊
0 notes
Text
Nandito ako ngayon sa office, uwian na pero ayoko pang umuwi kasi nalulungkot ako. Nalulungkot ako kasi aalis na ako sa trabaho ko, mamimiss ko yung office, yung trabaho, sila sir and mam, yung mga nakilala at naging kaibigan ko dito sa trabaho ko. Haysssss 2 years din ako dito kaya nalulungkot ako, naattach na kasi dito sa trabaho ko, kahit pa minsan naiistress ako pero okay lang. Mamimiss ko itong trabaho kong ito sobra. 😊😔
0 notes
Text
Gusto ko kausapin mga magulang ko para humingi ng tulong at payo sa kanila, kaso kasi pag kinausap ko na sila parang di naman nila ako nauunawaan. Yung aura kasi nila parang nagsasabing "sus kaya mo yan malaki kana, kaya mo ng magdesisyon", akala kasi nila magaling ako, akala kasi nila kaya ko.. na kaya ko pa. Gusto kong sabihin sa kanila kung anong nangyayari sa isip ko, kung ano yung mga naiisip ko, napagod na ako.
Pagod na ako pero sana hawakan mo parin ako. 😔
0 notes
Text
Chingu ya,
Ngayon araw nagpaalam na kami sa boss namin na magreresign na kami 😔 pero nalulungkot ako kasi mamimiss ko sila pati na rin ang pagtatravel na kasama sila at mag isa 😔. Pero kailangan magresign eh, para mag grow ako. 🐰
0 notes