charlzter
blogging
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
charlzter · 3 years ago
Text
Ang Papel ng Internet sa Pag-aaral sa Gitna ng Pandemya
Tumblr media
Noong Marso ng taong 2020 ay opisyal na itinalaga ng ating gobyerno ang pagkakaroon ng "total lockdown" sa buong bansa, dahil sa banta ng Covid-19 virus.  Naapektuhan nang labis ang napakaraming tao sapagkat nagsara ang mga negosyo, may mga natanggalan ng trabaho, nagkasakit, at natigil din ang pag-aaral ng mga kabataan. Isang malaking problema at hamon ang pandemyang  ito para sa mga mag-aaral sapagkat sila ay limitado lamang na maag-aral sa sarili nilang mga tahanan. Halos dalawang taon na rin na online ginaganap ang mga klase ng mga estudyante. Sa ganitong pamamaraan ng pag-aaral, mayroon pa rin kaya silang natututunan?
Hindi natin maikakaila na habang tayo ay nasa gitna ng pandemya, may malaking naitulong sa atin ang internet. Dahil sa internet, nakakausap natin ang ating mga mahal sa buhay na nasa malalayong lugar, nagkakaroon tayo ng dagdag kaalaman tungkol sa virus, nalalaman natin ang kalagayan ng ating bansa, at para sa mga mag-aaral na tulad ko, isa ang internet sa mga sumagip sa amin ngayon na online pa rin ginaganap ang aming klase.
Tumblr media
Dahil sa pandemyang ito, ang Departamento ng Edukasyon (DepEd) ay nagbigay sa mga paaralan ng mga alternatibong paraan ng pag-aaral. Tinawag ito ng DepEd na “distance learning”, na nangangahulugang nasa magkaiba at magkalayong lugar ang guro at estudyante. Sa ilalim ng distance learning, may tatlong iminungkahi ang DepEd. Ito ay ang mga sumusunod:
*Printed o digital modules na maaaring ibigay sa tahanan ng mag-aaral o maaari rin na kunin ng magulang sa paaralan.
Tumblr media

*Online learning na gaganapin sa mga online platforms tulad ng Google Classroom,   Google Meet, Zoom, at iba pa.
Tumblr media

*Panonood sa telebisyon o pakikinig sa radyo.
Tumblr media
Sa online learning, gumagamit parehas ang guro at mag-aaral ng internet. Malaking ginhawa para sakanila ang pagkakaroon ng internet sapagkat mas napapadali nito ang pagbibigay ng mga aaralin ng mga estudyante at pagpapasa naman ng mga mag-aaral. Ang internet ay nagsilbing pangalawang guro ng mga mag-aaral ngayon, dahil dito sila kumukuha ng mga karagdagang kaalaman sa kanilang leksyon. Isang click lang ng search button ay makukuha na agad ang hinahanap mong impormasyon. Nakatulong din ang internet upang makausap ng mga estudyante ang kanilang mga guro. Dahil nga’t malayo sila sa isa’t-isa, isang mensahe lang ay maipaparating na agad ito sa guro gamit ang internet. Nakatulong din ang mga social media platforms tulad ng Youtube, na kung saan maaari kang makahanap at makapanood ng iba’t-ibang bidyo. Dito natin nakukuha ang iba pang impormasyon tungkol sa iba’t-ibang leksyon na ating tinatalakay. Ang Facebook at Messenger ay may malaking tulong din, sapagkat dito tayo kumokonekta sa ating mga kaklase at guro habang hindi pa pinapayagan ang face to face learning. Nariyan din ang Google kung saan kumukuha tayo ng mga impormasyon na hindi pa natin alam. Isang click lang ng search button ay libu-libong mga website ang magpapakita at maaaring makatulong saatin sa mga hinahanap na impormasyon.
Sa kabuuan,  ang internet ay mayroong malaking ambag sa pag-aaral nang mga estudyante ngayong may pandemya. Napadali at napagaan nito kahit papaano ang buhay mag-aaral nang mga kabataan. Ngunit sana lang ay alalahanin natin na ang internet ay nariyan upang gamitin natin sa mabuting paraan at hindi para sa personal na interes.  
Sources:
online classes in the philippines - Bing images
EXPLAINER: Alternative modes of learning as Philippines grapples with COVID-19 | ABS-CBN News
modular learning - Bing images
online class - Bing images
deped tv - Bing images
Distance learning in the Philippines: A year of hits and misses (rappler.com)
1 note · View note