chappedlipsandlife
chappedlipsandlife
wala, umalis, natulog.
4 posts
nag-lakbay ng wala sa oras.
Don't wanna be here? Send us removal request.
chappedlipsandlife · 5 years ago
Text
Happy Mothers Day.
you’re gone for almost 5 months now, and it still stings not having you around. it’s a house alright, it just doesn’t feel like home. we’ve been cleaning up the house more often lately, i sweep and mop the floor every night, we change the curtains every month, and we’ve been doing things we feel like you’d be proud of.
Dad’s doing well by far, his cigarette intake isn’t okay though.
Yohan’s doing well too, he’s been doing what he’s good at. being a smart and kind bunso.
Kratos however, is having a hard time pampering himself, the country is pretty hot and humid.
and it’s lock-down due to the virus. i’ve been worrying about the budget to be honest, but it's just me, I know dad can cope up with it. he's dad.
the family is holding strong for you, we remember you almost every other day, but only the good times, we really don’t have enough energy to be mad about the foreseen things.
i just wish I treated you better. i wish i saw things in your perspective. i know It was hard in our part, but the hardest in yours for sure.
i’ve lost the ability to cry and I’m not sure if that’s a good thing. It feels like I built my façade taller than who I am.
i wonder how you are. i hope, if ever there is something on the other side of the road, you’re doing better.
until the next time, Mommy.
I love you.
2 notes · View notes
chappedlipsandlife · 6 years ago
Quote
Napag aaralan din pala ang sarili. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng damdamin. Damdaming humahamak ng lahat masundan lamang. Iba ang pag ibig na ito sa lahat. Na kaya ka nyang patabain o papayatin sa loob ng maiksing panahon. Patinuin o pawiin sa urirat sa isang iglap. Nakakatakot, mapanakop at makapangyarihan. Maari mong itakwil ang lahat ng uri ng pag-ibig na alam mo. Maari ka nyang ikulong o bigyan ng sakdal laya. Pero karaniwan ay igapos. Ikulong sa pagnanasa, pag hanga at pag-iral. Ang lohika ay masisira kapag ang damdaming ito ay nanuot sa iyong pagkatao. Maari ka ring maging hayop at mawala ang pagiging tao. Pumaloob sa isang damdaming hindi ka sanay. Sa gawaing kakaiba ang ritmo at bilis. Na hindi mo alam “nahulog ka na pala”.. Alam ko sabi nila nakakapagpalaya din daw ang pag ibig na ito. Meron din daw syang bintana para sa mga pananaw at kaisipan. Inspirasyon, pag galaw at imahinasyon. Aaminin ko sa aking sarili, di ko alam ang “larawang” ito O talaga lang sigurong di lang sya para sa akin.
Richter Ognita
Tumblr media
0 notes
chappedlipsandlife · 6 years ago
Text
buhay.
sino ba ko, mas hamak pa sa hamak na tao, na kung mag-reklamo’t masaktan akala mo walang ibang naghihirap, walang makain, namatayan, iniwan, iniwan ng hindi sinabihan. patay tayo dyan.
marami akong natutunan, sa saglit kong pag-tambay sa mga sari-sari store dito sa Pangasinan (mabuti’t nga’t may naiintinidihan ako), sa pag-katok sa mga bahay para makiinom ng tubig, sa pakikipag-usap sa mga matatanda kung ano ang storya nila. ikkwento ko dito, pero isa-isa lang. 
una; si Aling Luzviminda
nanay ng pito (lahat may pamilya na). asawa ng mag-sasaka na mahilig sa coke kahit na bilad sa trabaho. hindi na nila mahal ang isa’t isa. pero magkasama’t nanatili sa lambing at ilalim ng tahanan na binuo para sa pamilya. kako papaano? hindi ba mahirap na kasama mo sa iisang bubong ang kasama mong nangarap sa buhay? tinawanan lang ako. sus. akala ata ni nanay nag-bibiro ako. (nasa isip nya siguro na mangmang ako. baka nga.) kinuha nya yung kape, sabay patay sa yosi’t umupo. saka sinabi saakin kung bakit.
hindi nya na daw mahal, kasi babaero. di hamak na mas mabigat ang malyete ni tatay kesa sa kamao ni nanay. ilang beses daw nahuli, pero mas maraming beses nyang pinatawad. ahh, palagi talagang misteryo sa isip ko kung saan makakakita ng babaeng ganyan. (hindi ako manloloko, pero kapag nagkamali ako, siguro. lalo na’t madalas). kaya nya daw natitiis ang hilik at lamig ni tatay sa loob ng labing dalawang taon nang pagiging hiwalay, dahil marunong syang manindigan. marunong silang manindigan.
nay, salamat sa tubig.
0 notes
chappedlipsandlife · 6 years ago
Text
walang titulo. dito o maging saatin.
alam kong nag-kulang ako sa mabuti,
na sumobra ako sa mali.
hindi masyadong nasukat ang layo ng pagka-uhaw,
sa lapit at babaw ng hikbi.
-
eto na ata ang gusto kong makita,
sa mga gabing ako'y hindi makatulog.
isang napaka-magandang nang-yare,
na alam kong minsan lang daraan.
inaabangan, hinihintay, pilit na inihubog,
ikaw ang bulalakaw sa pag-ibig na paraan.
-
sabi ko naman sa'yo eh,
hindi ka lang dadaan sa buhay ko.
-
kasi mananatili ka.
0 notes