Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Balikan ang kasaysayan sa modernong panahon
https://www.lascasasfilipinas.com
Buwan ng Marso noong kami ay pumunta sa Las Casas Filipinas de Acuzar upang gunitain ang kaarawan ng aking ina. Namangha ako sa aking mga nakitang makasaysayang arkitektura na kahit lumipas na ang maraming taon ay matatag pading nakatayo at natatangi padin ang kagandahan nito.
Saan nga ba matatagpuan ang Las Casas Filipinas de Acuzar?
https://www.lascasasfilipinas.com
Ang Las Casas Filipinas de Acuzar ay matatagpuan sa bayan ng Bagac, Bataan. Upang makapunta rito mas mainam na ikaw ay may sariling sasakyan sa kadahilanang ito ay matatagpuan sa liblib na lugar at malayo sa kabihasnan. kung ikaw naman ay mag cocommute lamang maaari namang kontratahin ang mga local sa bayan ng bagac upang ikay ay ihatid sa las casas.
Anu-ano ang maaaring gawin sa Las Casas Filipinas de Acuzar?
https://www.lascasasfilipinas.com
Ang Las Casas Filipinas de Acuzar ay isang beach resort, hotel, convention center and heritage destination.
Sa lugar na ito ay napakarami mong magagawa sa loob ng isang araw.
Beach resort
Maaari ka ritong mag tampisaw sa dagat lalo na kapag ikaw ay bumisita sa panahon ng tag-araw. Isa sa mga ipinagmamalaki ng las casas ang kanilang napakagandang beach front. marami ding water activities ang maaaring gawin tulad ng banana boat ride, jet ski at wakeboarding.
Heritage tour
Maaari mo ding libutin ang buong lugar at malaman ang kasaysayan ng mga gusali. Dito makikita ang ilan sa mga mahahalagang establisyemento na ginamit o di kaya'y may kinalaman sa mahahalagang kaganapan sa ating bansa. Isa na rito ang bahay na kung saan winagayway ni Emilio Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas. Pwede mo ring maranasan ang makaluman transportasyon sa pagsakay sa mga kalesa at kariton.
Cultural Shows
Maaari mo ring mapanood ang mga pag ganap sa mga makasaysayang kaganapan sa ating nakaraan kabilang na rito ang pag baril kay rizal at ang pag tatahi ng watawat nang pilipinas.
Aking mga realisasyon
dapat nating pahalagahan ang ating kasaysayan dahil ang kasaysayan ang nagsisilbing aral upang hindi na muling mangyari ang mga mapait na nakaraan. dito ko din napagtanto ang kahalagahan ng isang buong pamilya dahil hindi lahat ay nabiyayaan ng isang masayang pamilya. Dapat nating namnamin ang bawat oras na kasama natin ang mga mahal natin sa buhay dahil kapag sila ay nawala na hindi na natin muli maibabalik ang mga panahon na tayo ay magkakasama.
1 note
·
View note