binibiningpula-blog
BinibiningPula
6 posts
Tsk
Don't wanna be here? Send us removal request.
binibiningpula-blog · 6 years ago
Text
Ang aking pag lalakbay
Tumblr media
Nakangiti habang nag papatangay sa alon ng buhay
Masayang inaalala ang kahapon
Kung paano ang munting paslit
Ay lumalaban sa buhay na mapait.
Sa mga nag daang taon
Sa mga sugat na natamo
Sa pag kadapa at pag kabagsak
Ito sya patuloy na lumalaban
Noon, Siya ay umiiyak dahil sa pag kadapa
At natamong sugat sa kanan nyang kamay.
Ngayon, siya ay umiiyak dahil sa
Tagumpay na nakamit nya.
Bata palang ang dami nya gustong makamit na pangarap
Ngayon, ay unti unti na nya ito natutupad
Isang daan hakbang para makamit ang pangarap nya at ng pamilya nya
Kalahati palang ang nararating nya at patuloy parin sya hahakbang upang mapagtagumpayan ang kaniyang nasimulan
Ang dating hindi makatayo sa sariling paa
Ngayon, marunong na gunawa ng desisyon para sa sarili
Ang dating, umiiyak kapag iniwan ng magulang nya papasok sa paaraln
Ngayon, Nakangiti habang daladala ang determinasiyon makapag tapos ng pag aaral
Ang dating mahina, ngayon ay malakas na
Ang dating matakutin, ngayon matapang na
At mas tatapang pa sa mga taon na daraan
Dahit ito ang natutunan niya
Ang Lumaban at wag mag papatalo sa pag subok na dadating sa atin.
Isipin na mas madaming bagay na dapat ipasalamat kaysa magalit sa takbo ng iyong buhay.
Tumblr media Tumblr media
Litrato #6
1 note · View note
binibiningpula-blog · 6 years ago
Text
Panulat
Sa mundong mapag laro, paano ka ba mananalo??
Sa mundong pilit ka pinag lalaruan, paano ka lalaban??
Ano ba ang gagamitin mong armas sa laban ng buhay??
Gagamit ka ba ng dahas, sandata o matatalim na salita??
O tatakasan mo nalang ang mundong mapanghusga.
Tumblr media
Bata palang ako mahilig na ako sumulat. Gumamit ng ibat-ibang klaseng panulat. Hilig ko rin mag basa ng anumang libro na gawa ng magagaling na awtor. Gamit ang panulat nagawa ko mailabas ang tunay na nararamdaman. Gumawa ng kwento gamit ang malawak na imahinasiyon para kahit paano makatakas sa reyalidad na meron ako. Mapait ang tadhana, madaya ito mag laro. Sabi nga nila bago maranasan ang tunay na ligaya dadaan ka muna sa pag subok na hindi mo inaakala. Ang karamay ko sa anumang problema dumaan ay ang panulat na hawak ko. Hindi ko man mailabas gamit ang bibig, maiilalabas ko naman ang damdamin ko gamit ang papel at ballpen. Itong panulat ang dahilan kung bakit ako nagiging matapang, dahil siya lang at ang aking papel ang hindi magawang ako'y husgahan. Sa kanila nakakubli ang sikreto ng aking pag katao. Kung paano ko nagawang lampasan ang mga problema na gusto ko ng sukuan.
Tumblr media Tumblr media
0 notes
binibiningpula-blog · 6 years ago
Text
Paaralan ko, Tulong ko
Ang bagong tayo na paaralan na ito ay nasa proseso pa para maging mas maayos. Gusto ko lamang Ihain ang proyektong "Silid Palikuran para sa mga kababaehan" sa mga namumuno sa paaralan ito. Sa aking pansin, ang palikuran ng mga katulad kung kakabaehan ay hindi masyado maayos at malinis. Sa umaga kasi, pag kapasok mo sa loob ang bubungad sayo ay maraming mga lamok, kulang rin ang kagamitan ma makakatulong sa mga kababaehan at minsan rin wala ritong tubig. Ang maaring mag solusyon sa problemang ito ay ang pag tatapon ng mga basura at maari rin bigyan ng mga nakakataas sa paaralan ito ng kagamitan na kakailanganin tulad ng mga sabon, tissue, napkin at iba pa. Kung matutupad man ang proyekto ito mas magiging komportable ang mga babae pumasok sa loob at gawin ang dapat nilang gawin. Ang proyekto ito ay makakatulong sa mga babae estudyante na katulad ko.
1 note · View note
binibiningpula-blog · 6 years ago
Text
Tumblr media
Bakit ba may mga tao gustong makalimut? Dahil ba nasaktan sila? Umiyak sila? Nawasak sila? At pinaasa sila?. Ilang taon na ang lumipas pero sariwa parin sa akin ang iyong alaala, pilit ko man alisin sa aking sistema ngunit ang hirap, hindi dahil nasaktan ako o umiyak ako kundi dahil sa magagandang alaala na naibigay mo. Mga kulitan, asaran, tawanan, kwentuhan at drama. Itong gawa sa plastic na bulaklak ang mag papaalala sayo. Pasensya na.... Nakalimutan kung kalimutan ka, kaibigan.
0 notes
binibiningpula-blog · 6 years ago
Text
Tumblr media
Masakit, mahapdi at ang tagal humilom, titiisin ang sakit hanggang sa tuluyan gumaling ngunit mag-iiwan ito ng bakas ng kahapon kaya ito ang pinaka ayaw ko ang mag karoon ng sugat.
0 notes
binibiningpula-blog · 6 years ago
Text
Sino ba ako?
Sa Magandang paligid, Malamig na hangin at asul na dagat. May isang babae nakatingin sa papalubog na araw, pilit ngumiti kahit sa loob loob nito ay para syang pinipiga at dinidikdik. Mahilig sya panuorin kung paano unti unti nilalamon ang liwanag. Nag tatanong sa sarili. "Patas ba ang mundo?". Meron naman syang mata para makita ang kagandahan ng paligid ngunit bakit dilim ang kaniyang natitingan?. Meron naman siya ilong para maamoy ang maalimuyak na bulaklak ngunit bakit wala siya maamoy na anuman? Meron rin siyang bibig para maisawalas ang tunay na nararamdaman ngunit bakit parang napipi siya??. Ang tanong sino ba siya???
Una. Sya ang batang nakatayo habang pinag mamasdan kung paano dumaloy ang luha sa mga mata ng mga tao nakapaligid sa kaniya. Isang taon pa lamang sya kaya't wala siyang kamuwang-muwang sa nangyayare. Nakatingin siya sa maliit na puting kahon na may mga kandila nakapaligid don. Bigla sya binuhat ng kaniyang ama at don niya nakita ang isang maliit na sanggol na nakabalot sa puting tela, wala siyang kaalam alam na yon pala ay ang pangalawang kapatid niya.
Pangalawa. Siya ang babae mula sa pag kabata ay naimulat na sa katutuhanan na wala silang pag-aari na anuman. Walang sariling lupa at bahay. Sa murang edad niya ay nagawa nya intindihin na hindi pala patas ang mundo. Bakit sila mayama?? Bakit sya hindi??. Bakit meron sila na wala sa kaniya??. Mga tanong na nag sisimula sa bakit ngunit walang dahil.
Pangatlo. Siya ang batang nakangiti habang hinihatid ng kaniyang ama sa paaralan gamit lamang ang isang bisikleta. Dala dala nya ang kumpiyensa makapag tapos ng elementary ng maayos at masaya. Hindi man naging madali yon para sa kaniya dahil sa nga mapang husga bibig ng mga estudyante tulad niya, ay natutunan niya naman ang isang mahalagang bagay...... ang maging Matapang.
Pang-apat. Siya ang kaibigan na palaging andiyan kapag iyong Kailangan ngunit kapag siya ang nangangailangan para siyang hangin sa dumaan lang sa harap ng kaniyang kaibigan. Takot siya mag tiwala dahil narin sa gulong nasangkot niya noon. Ilang beses siya nasampal at sinabunutan ng mga tinatawag niyang kaibigan. Nag bago ng paunti unti iyon ng siya ay nasa high school na, muli niya binuksan ang kaniyang isipan na mag tiwala muli kahit ilang beses na siyang naluko.
Pang lima. Siya ang anak na gagawin ang lahat para sa kaniyang mga magulang. Gabi non. Tulog na ang lahat ng mga tao, lasing ang kaniyang ama at natulog ito sa kabilang bahay. Isang impit na iyak at sigaw ang napamulat sa kaniyang mga mata. Nasaksihan niya kung paano parang wala sa sarili ang kaniyang ina sa pag sigaw sigaw na wala na ang kaniyang ama. Nagulanta siya, humihiling na sana isang masamang panaginip lang iyon, gusto niyang pagalitan ang sarili dahil sa pag iyak. Pinuntahan niya ang kaniyang ama, na parang wala na itong malay. Sakit, lungkot at pinatinding sakit ulit ang naramdaman niya sa oras na iyon. Paulit ulit sinubukan ng kaniyang ina na gisingin ang kaniyang ama ngunit hindi niya ito nakita gumalawa. Pumikit na lamang siya at nag dasal na sana magising ang kaniyang ama at makasama pa ng matagal, narinig ata ng Diyos ang panalangin niya dahil muli niya narinig ang boses ng kaniyang ama. Paulit ulit at hindi siya nag sawa mag pasalamat at mangako na mas mamahalin at aalagan ang kaniyang magulang.
Pang anim. Siya ang dalaga, pinapakita ang lakas kahit ilang beses ng nasasaktan. Isang madilim na pangyayare sa buhay niya ang pag kamatay ng kaniyang pinsan na mismong nasaksihan niya. Kulang pa ang salitang sakit sa nararamdaman niya nung araw na iyon. Kung paano sa pag ligo lamang nila sa ilog ay nawalan sila ng isang membro ng pamilya nila. Pag katapos ng dalawang taon ay nag paalam sa kanila ang kaniyang lolo, ama ng kaniyang ina. Para siyang bomba na gustong sumabog dahil sa sakit. Ang makita niyang nakahandusay ang sariling ina habang umiiyak ay isang masakit na tanawin, hindi man lang umabot ng isang taon ang pag kawala ng kaniyang lolo ay sumunod naman ang kaniyang lola at tito. Masakit ang iwan ng taong mahalaga sayo, pero para sa kaniya wala na iyon, tanggap na niya sa sarili niya na kaiwan-iwan talaga siya. Walang ibang nanatili sa kaniyang tabi kundi ang magulang niya at ang nag iisang kapatid.
Pang pito. Siya ay matapang sa unang tingin, hindi mo siya makikilala ng totoo dahil sa maskara suot niya. Malawak kung ngumiti at parang walang dinadalang sakit kung tumawa ngunit sa loob loob nito ay gusto na niyang matapos ang araw at matulog na lamang para mamanhid ang kaniyang katawan. Kaya niyang lumaban, manumbat at mas lalo ang mag panggap. Nakakahanga hindi ba?? Ngunit ang tanong sino nga ba talaga siya?
Siya si BinibiniPula. Ang babae mas gugustuhin ang mag panggap wag lang mahusgahan. Isang malakas na bagyo man ang dumating sa kaniyang pag katao ngunit para siyang matibay na puno na iniinda lamang ito. Isang papalubog na araw ang mahahalintulad sa kaniya dahil para sa kaniya sa umaga ay kailangan niya mapatawa at mapangiti ang mga tao nakapaligid sa kaniya at habang papalubog ang araw ay paunti unti bumabalik siya sa mundo na magiging malaya siya, hanggang sa binalot ng dilim ang liwanag don na lumalabas ang tunay na siya.
Tumblr media
1 note · View note