Tumgik
bearonquillo · 4 years
Text
Tumblr media
GRAFT AND CORRUPTION: ANO NGA BA ITO?
Magandang araw! Ako si Mary Beatrice C. Ronquillo, isang mag aaral sa ika-sampung baitang sa paaralan ng School of Our Lady of La Salette ay nag nanais na ipahayag ang aking saloobin ukol sa isyu ng graft and corruption sa ating bansa.
“pag walang kurap, walang mahirap”- ang kampanya ng dating prisidenteng Benigno Aquino III.  Ngunit bakit nga ba hanggang ngayon ay mahirap padin ang Pilipinas kahit kabi kabila ang mga mapagkukunang yaman sa bansang ito? Noong taong 2014, mayroong naitalang mahigit kumulang $410.5 billion ang nawala sa pera ng bayan dahil sa mga iligal na gawain. Ayon sa paglalahad n grappler, isa sa bawat limang piso ang napupunta sa mga opisyal ng customs. At ayon sa global corruption perception index ay nasa ika 95 ang Pilipinas sa mga bansang kurakot. Pangungurakot palang iyan, mayroon pang mga isyu tungkol sa graft.
Ngunit ano nga ba ang korapsiyon? Ito ang maling paggamit ng pamahalaan sa pansariling interes, sa kabilang banda, ang graft naman ang tumutukoy sa katiwalian na kabilang ang mga pribadong sector, ginagamit din nito ang mataas na posisyon upang magkaroon ng ilegal na benepisyo. Kung susumahin, magkaugnay itong dalawa sapagkat ang korapsiyon ay sumasaklaw sa maraming uri ng pang aabuso, at kabilang na dito ang graft. Ilan sa mga anyo ng corruption ay ang bribery o panunuhol, ang embezzlement o paglustay ng pondo ng pamahalaan, ang fraud o pandaraya at pamemeke upang makakalap ng salapi sa ibang tao, ang extorsion o pang bablackmail, at marami pang iba. Ang pangungurakot ng mga opisyal ay may mga epekto sa mamamayan maging sa pamahalanaan, kabilang dito ang pagkawala ng interes na makipagtulungan ng mga tao sa mga programa ng pamahalaan na naglalayong paunlarin ang sariling ekonomiya, ang kaisipang nakikiayon lamang sila sa maling kalakara, at ang pagkakaroon ng gap sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Mayroon din itong ilang epekto sa pangkabuhayan, pampolitika at panlipunan.
Sa kabila ng lahat ng aking ipinahayag, hindi natin maitatanggi na biktima rin tayo ng graft and corruption. Ang simpleng pakikipag areglo kapag nahuli ka sa batas trapiko at isang anyo ng graft na talamak sa bansa lalo na sa maynila. Ang mga taong ayaw pumila upang kumuha ng mga dokumento katulad ng nbi clearance at passport sa dfa na umaasa sa mga fixer ay isang uri rin ng graft, sa kabilang banda, ang korapsiyon ay hindi natin makikitang isinasagawa, ngunit mararamdaman natin base sa takbo ng ating ekonomiya, sabi nga ni Aquino, “kung walang kurap, walang mahirap” ngunit bakit hanggang ngayon ay may naghihirap parin dito? Bakit hanggang ngayon ay mayroon paring mga mahihirap sa kalsada? Hindi natin masasabi na dahil ito sa pamahalaan, ngunit alam nating lahat na mayroong solusyon sa mga bagay na ito.
Sa aking palagay, masusugpo natin ang korapsiyon. Kailangan nating pumili ng taong karapat dapat, ng taong ang ninanais lang ay ang ikabubuti ng ating bansa. Samakatuwid, lahat naman ng tumatakbong president ay ninanais yon, ngunit may iilan talaga sa kanila at sa kapartido nila na may ibang ninanais pa bukod sa pag unlad ng bansa nilang kinalalagyan. Sa dadating na halalan, hindi man ako makaboto, ay nakikiusap ako sainyong may mga kakayahang pumili at magluklok ng mga nasa itaas, na piliin kung sinong karapat dapat, kung sinong ang ninanais lang ay ang ikabubuti nating lahat at huwag tayong magpabulag sa katotohanan. Ito ang aking opinyon hinggil sa isyu ng graft and corruption, maaaring magkaiba tayo ng saloobin sa usaping ito, at buong loob kong nirerespeto ang kung ano mang pinaniniwalaan at opinyon mo.
1 note · View note