Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Depression is a feeling of severe sadness, unhappiness, and misery. Because of depression and because a lot of people do not take it seriously, thousands of depressed people commit suicide. However, if we become more aware and start to take this matter seriously, a lot of people will be saved. Because if we are aware, we will be able to do something. Say no to suicide. Save the depressed. One small act of kindness is great in their eyes.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Images taken from: Google chrome
Credits to the rightful owners.
2 notes
·
View notes
Text
Heneral Luna (Reaction Paper)
Heneral Luna
Nila Jerrold Tarog, Henry Hunt Francia, at E.A Rocha
Ang isa sa mga layunin ng pelikula ay ang ipakita sa mundo o sa mga manonood ang ilan sa mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng lahing Pilipino, kung ano ang mga humulma o humubog sa kulturang Pilipino, pag-iisp at kamalayan ng bansa.
Sa pamagat, malalaman mo na kung ano ang nilalaman ng pelikula at malalaman mo na ang tema ng pelikula. “Heneral Luna”. Ibig sabihin, ang kuwento ay tungkol kay Heneral Antonio Luna at ang tema naman ay tungkol sa mga pinagdaanan ni Heneral Luna sa kasagsagan ng digmaan laban sa pananakop ng Estados Unidos. Kasama din sa tema ang pagiging isang makabayan na mamamayan na handang isugal ang sariling buhay para sa kalayaan at kapayapaan ng Inang Bayan (Pilipinas). Hindi rin matatanggal sa tema ang mapait na pagkamatay ng heneral at ang problema sa pamahalaan ng Pilipinas.
Ang pangunahing tauhan sa pelikula ay si Heneral Luna na siya namang ginampanan ng actor na si John Arcilla. Bagay na bagay si John Arcilla sa karakter na Heneral Luna dahil sa kaniyang pisikal na anyo at kagalingan sa pag-arte. Ipinamalas naman niya ang kaniyang galing sa pag-aarte sa bawat eksena na kanilang kinuhanan. Hindi siya nabigo na iparamdam at iparating sa mga manonood ang kaniyang mga linya at nararamdaman sa mga eksena tulad ng saya, galit, kaba, inis, pagmamahal sa bayan at sa kapuwa Pilipino at iba pa. Napakahusay ng kaniyang pagkaka-arte bilang si Heneral Luna na kilala sa kaniyang katalinuhan at galing sa pakikipaglaban sa digmaan, bilang isang napakastriktong heneral at bilang isang heneral na mayroong labis na pagmamahal sa sariling bayan. Ang lahat ng nabanggit ay kaniyang naiparating ng maayos at may kagalingan.
Napakaganda rin ng pagkakagawa ng pelikula. Mula sa mga anggulo sa bawat eksena na mas nagbibigay buhay sa buong pelikula, ang mga tila makatotohanang tunog ng mga baril, kanyon at espada na akala mo’y totoong mga sandata ang kanilang ginagamit, ang mga eksenang mahuhusay ang pagkakagawa dahil sa kagalingan ng mga aktor at aktres at ng iba pang mga tauhan na may hawak sa pagpapaganda ng eksena, at sa editing na kung saan ay ako’y lubhang namangha dahil mukha talagang totoo ang mga sugat na natamo ng bawat karakter at ang iba pang mga camera effects na mas lalo pang nagpaganda sa buong pelikula.
Sa kabuoan ng pelikula, napakaganda ng pagkakagawa nito. Isa ito sa mga pinakamagandang makasaysayang pelikula na aking napanood. Binigyan nito ng kahalagahan ang mga buhay ng mga bayaning nagsugal ng kani-kanilang mga buhay para sa kalayaan ng bansa, kilala man o hindi. Naipakita rin ng pelikula sa mga manonood ang pagiging makabayan at kung bakit natin dapat na pahalagahan ang buong kasaysayan ng bansa at pati na rin ang paglaban ni Heneral Luna para sa katarungan at kapayapaan hanggang sa kaniyang huling hininga.
Naipamulat sa akin ng pelikulang Heneral Luna na hindi natin mararating ang natatamasa nating kapayapaan at kalayaan kung walang nangyaring digmaan. Siguro ay nasa ilalim parin tayo ng mga mananakop at tayo’y mga alipin kung walang mga taong tulad ni Heneral Luna na walang takot na ipinaglaban ang Pilipinas. Napagtanto ko rin na marami man ang pagsubok na dumaan o sumagasa sa iyo, kung ang ipinaglalaban mo ay tama, huwag kang matakot at titigil basta’t tama rin ang paraan mo ng paglalaban at wala kang natatapakan na karapatan ng ibang tao. Isang pang aral na aking napulot ay kahit kapuwa mong kalahi o kaibigan ay pwede kang saktan. Sarili mo lamang ang kasama mo sa huli. Ngunit mayroon ding mga tao na malinis ang intensyon at kalooban na handang tumulong sa iyo hanggang sa kamatayan.
Links:
https://www.scribd.com/doc/63721147/Pagsulat-Ng-Reaksyong-Papel-Bilang
https://www.facebook.com/Heneral.Luna/posts/layunin-ng-pagpapalabas-ng-heneral-luna-at-bonifacio-ang-unang-pangulo-na-ipakit/1738020979745964/
1 note
·
View note
Text
Suring-pelikula: Heneral Luna
Suring-pelikula: Heneral Luna
I. Pamagat
· Heneral Luna
May-akda
· Jerrold Tarog
· Henry Hunt Francia
· E.A Rocha
II. Buod
Nasa kalagitnaan ng digmaan ang Pilipinas at mga mananakop na mga Amerikano. Si Heneral Luna ang namumuno sa mga sundalo ng Pilipinas. Siya ang pinakamatalino at pinakamagaling na heneral sa bansa sa panahon na iyon. Ngunit marami ang naiinggit at nagagalit sa kaniya dahil sa kaniyang kagalingan. Iisa lamang ang kaniyang nais, at iyon ay ang mabigyan ng kalayaan at kapayapaan ang bansa mula sa mga mananakop. Ngunit kahit pa iisa lamang ang kanilang kalaban, kapwa Pilipino ang kumakalaban sa kaniya dahil sa inggit. Ngunit hindi siya natinag at hindi siya natakot. Patuloy niyang ipinalaganap ang kaniyang mga plano at patuloy niya ring dinisiplina ang mga sundalo. Tinuruan niya ang mga ito at pinatatag ang mga loob. Ibinigay niya ang kaniyang lahat para sa kalayaan ng mga Pilipino at ng bansang Pilipinas. Nagkaroon ng panahon na nagkaroon sila ng alitan ng kapuwa niyang Heneral patungkol sa pakikipaglaban sa mga mananakop. Kaya naman kinailangan pumili ni Presidente Aguinaldo sa kanilang dalawa, at ang kaniyang pinili ay sa Heneral Luna. Makalipas ang ilang araw, nakatanggap si Heneral Luna ng telegrama mula kay Presidente Aguinaldo na iniimbitahan siya sa isang pagpupulong. Matuwa-tuwa namang pumunta si Heneral Luna at ang kaniyang mga sundalo. Ngunit tatlo lamang sila na nakarating, si Heneral Luna, at ang kaniyang dalawang pinakamagagaling na sundalo na sina Colonel Francisco Roman at Captain Eduardo Rusca, dahil hindi kayang tumawid sa ilog ng mga karitelang sinasakyan ng kanilang mga sundalo. Isang malaking trahedya ang naghihintay sa kanila, sapagkat ilang minute nang sila ay makarating, si Heneral Luna ay walang awang pinagbabaril at pinagsasaksak ng napakaraming mga sundalo na kapuwa Pilipino. Nang marinig ng dalawang kasamahan ni Heneral Luna ang putukan, dali-dali silang pumunta upang mailigtas ang heneral. Ngunit sa kasamaang palad, nasawi si Colonel Francisco at lubhang sugatan naman si Kapitan Eduardo. Sa paglipas ng panahon ng paghahanap, hindi nila natagpuan ang pumatay at nagplano sa pagpatay sa magiting na si Heneral Luna.
III. Paksa
Ang paksa sa pelikula ay patungkol sa buhay ni Heneral Luna sa panahon ng digmaan, kung papaano niya hinarap ang bawat pag-subok, at ang pagiging isang makabayang mamamayang Pilipino na kayang isakripisyo ang sariling buhay para sa kalayaan at kapayapaan ng bansa. Ang paksa ng pelikula ay patungkol din sa mga problema sa pamahalaan, ang hindi pagkakaisa at ang pagiging makasarili, na kung minsan ay nabubulag na ang ilan sa kapangyarihan at pera.
IV. Bisa
Ipinamulat sa mga manonood ng pelikula ang kahalagahan ng pagmamahal sa sariling bansa o ang pagiging makabayan at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pagkakakilalasa mga bayani. Dahil sa panahon ngayon, unti-unti nang binabalewala ang mga sakripisyo ng mga bayani at ang mga bayani. Pinukaw naman din ng pelikula ang mga damdamin at emosyon ng mga manonod dahil sa nakalulungkot na pagwawakas ng buhay ni Heneral Luna. Ngunit sa kabilang dako, naiparamdam din n pelikula ang galit dahil sa mga ibang opisyal sa pamahalaan na walang ibang inisip kundi ang kapakanan ng sarili at hindi ng mga kababayang Pilipino.
V. Mensahe
Nais iparating sa atin ng pelikula na mahalin natin ng tunay ang ating bansa at huwag nating hayaang mawala sa atin ang kalayaan at kapayapaan. Hindi tayo dapat na matakot na lumaban kung ito ay para sa ikabubuti ng bansa. Huwag din tayong maging makasarili. Tulungan natin ang isa’t-isa at magkaroon ng pagkakaisa upang maging maganda ang pag-unlad ng ating minamahal na bansang Pilipinas. Nais ding iparating ng pelikula na matuto tayong manalamin upang makita natin ang mga problemang dapat nating ayusin bago natin ayusin ang mga problemang mayron ang iba.
VI. Teoryang Ginamit
Ang mga teoryang ginamit sa pelikula at historical, kultural, at humanismo.
Links:
https://www.academia.edu/29971991/_SURING_PELIKULA_
https://www.scribd.com/document/430887064/Mga-Teoryang-Pampanitikan-Na-Makikita-Sa-Pelikulang-Heneral-Luna
2 notes
·
View notes