balintataw
Balintataw
6 posts
Ang “balintataw” ay katumbas ng “pupil of the eye” sa ingles na tila siwang sa isang kamerang durungawan ng iba’t-ibang perspektibo at ang nakakakita ay nagtataglay ng bawat lente ng bawat lente ng purong katotohanan. Tulad nito na sumasalamin sa mga bagay na nakikita ng tao, ang blog ay may layuning sumalamin sa mga pag-aaral na nakamit ng mga may-katha.
Don't wanna be here? Send us removal request.
balintataw · 5 years ago
Text
Nakikita ng puso ang tunay na kagandahan
Tumblr media
Ibig sabihin ng kasabihang ito na ang kaugalian ng isang tao ay may malaking ambag sa kanyang kagandahan, hindi lamang ang kanyang pisikal na anyo. Maaari rin nitong magpahiwatig na ang tunay na pasyon ng isang tao ay nakakamit lamang kapag ito'y ninanais ng damdamin at dulot ng emosyon at hindi ang pag-iisip na maganda ito dahil sa impluwensiya o idinidikta ng iba.
0 notes
balintataw · 5 years ago
Text
Ang aking kagandahan ay parang NFA rice, hindi kaputian, hindi kamahalan ngunit pinagkakaguluhan
Tumblr media
Ipinapahiwatig ng kasabihang ito na ang kagandahan ay hindi binabase sa panglabas na anyo lamang. Ang pagiging maputi ng isang tao o kamahalan ng isang bagay ay hindi agad nangangahulugan ng kanyang kagandahan.
0 notes
balintataw · 5 years ago
Text
Beauty is in the eye of the beholder
Tumblr media
Ang sipi na ito ay nangangahulugang ang kagandahan ng isang tao o bagay ay nakabatay sa pansariling pananaw. Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang batayan ng yumi o kagandahan. Maaaring ang maganda sa isang tao ay posibleng hindi sa iba, bagama't ang kagandahan ay nasa opinyon lamang.
0 notes
balintataw · 5 years ago
Text
Epekto ng Robotiks sa mga Estudyante: Isang Rebyu
Tumblr media
Epekto ng Robotiks sa mga Estudyante ni Penelope Almante
Ang paksa ng teksto ay ukol sa robotiks at ang kahalagahan at papel na ginampanan nito sa lipunan at ekonomiya. Hindi mabisa ang pamagat na "Epekto ng Robotiks sa mga Estudyante" sapagkat hindi lamang ang epekto nito sa mga estudyante ang tinalakay ng teksto. Mas mainam na palitan ang pamagat ng "Robotiks sa larangan ng edukasyon" sapagkat inilalahad ng teksto ito ang mabuting naidudulot ng pagtuturo ng robotiks sa mga estudyante. Sinimulan ang teksto sa pamamagitan ng isang salita  — robot. Pagkatapos nito, gamit ang paraan ng paglalarawan, ay ipinahayag ng may-akda kung ano ang isang robot, bakit ito ay nilikha, at paano ito nakatutulong sa mga tao. Ang mga kaisipan sa katawan ng teksto ay isinaayos sa paraang pakronolohikal. 
Sinimulan ito ng awtor sa pagbabanggit na noon pa man ay naimbento na ang mga makinang ito, kasunod ng paglalahad sa kasalukuyang kalagayan nito. Sa huli ay ang mga inaasahang mangyari sa hinaharap dulot ng patuloy na pag-unlad ng teknolohiya. Ang teksto ay naglalaman ng mga salitang jargon na kaugnay sa teknolohiya gaya ng computer programming, developer, at maykroelektronical. Layunin ng manunulat na maibahagi ang kagandahang dulot ng mga robot sa industriya at ekonomiya. Matagumpay na naiparating ng may-akda ang kanyang mensahe dahil naipahayag sa teksto ang iba't-ibang epekto ng robotiks upang makamit ang kaginhawaan at tagumpay. Nagwakas ang teksto sa isang pangungusap na nagpapahiwatig na huwag abusuhin ang kagandahang naidulot ng robotiks. Ang paraang ginamit upang wakasan ang teksto ay ang Pagpapahiwatig ng Aksyon, bagama't inilahad na kung gagamitin ang robotiks sa mabuting paraan at kung hindi ito aabusuhin ay maaaring magkaroon ng mabuting resulta.
0 notes
balintataw · 5 years ago
Text
Mga Halimbawa ng Sosyolek
Ang sosyolek ay isang barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangat or grupo ng tao sa lipunan. Maaari ito maging pormal at di pormal.
Pormal - wika na gamit ng mga propesyonal tulad ng mga guro, doktor, enhinyero at iba pa.
Di pormal - mga salitang naimbento lamang ng mga ordinaryong tao. Minsan naman ay kusa itong nawawala kaoag uto ay luma at napagsawaan na ng mga gumagamit nito
Tumblr media
Mga halimbawa
Gay lingo o Bekimon - lenggwahe ng mga bading halimbawa: “Gorabels! Push mo yan!”
Jejemon - paggamit o pagbuo ng pangugusap o parirala sa pagiba-iba ng mga posisyon ng titik sa isang salita, pagpalit ng maliliit na titik sa malaking titik, sobrang paggamit ng mg titik na H, X o Z at paghahalo ng mga numerikong karakter at ng ating normal na alpabeto. halimbawa: “e0wh pFOu? mUsZtAh nHa? jejejeje”
Konyo - paghalo ng wikamg Ingles at Filipino na tinatawag na taglish. Kadalasang ginagamit ang pandiwang Ingles na “make”. halimbawa: “I don��t like to make lakad in the baha nga, no? Eh diba it’s like, so eew, diba?”  
Balbal - di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika sapagkat itobay nabuo sa inpormal na paraan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye. halimbawa: “Masaya yung tipar ni Lilibeth kagabi kaso maaga akong pinauwi ni erpat”
2 notes · View notes
balintataw · 5 years ago
Text
Kahulugan ng Pagbasa
Ang pagbasa ay isa sa limang makrong kasanayang pangwika at nagtataglay ito ng iba’t-ibang kahulugan batay sa iba’t ibang manunulat at dalubhasa. 
Ayon sa Diksyunaryo ni Webster, ang pagbasa ay isang kilos o gawa ng isang taong bumabasa at pag-unawa sa kahulugan ng isang aklat, sulatin at iba pang nasusulat na bagay. Batay naman sa _International Reading Association, _nangangailangan ang pagbasa ng paglinag at pananatili ng kawilihan sa pagbasa, paggamit ng istratehiya upang makuha ang kahulugan ng teksto, sapat na kaalaman at bokabularyo sa tutulong sa pag-unawa sa teksto, kakayahan sa matatas na pagbasa, istilong gagamitin upang maunawaan ang salitang di pamilyar, at kakayahang umunawa sa mga nakatalang salita batay sa tunog o pagbigkas nito.
Tumblr media
         Sabi ni Villamin (1999), ang pagbasa ay isang susing nagbubukas ng pintuan tungo sa pagtatamo ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang larangan bukod sa nagbibigay ito ng kasiyahan. Ito naman ay ang pagkilala sa kahulugan ng mga nakasulat na mga salita ayon kay William Morris at binigyang kahulugan din ito ni Frank Smith (1997) sa kaniyang librong _Reading Without Non Sense _bilang pagtatanong sa nakatalang teksto at pag-uunawa rito upang makuha ang sagot sa tanong.
Tumblr media
         Mula naman kay Kenneth Goodman sa _Journal of the Reading Specialist, _ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game, sapagkat ito ay nagdudulot ng interaksyon sa pagitan ng wika at pag-iisip. Ang tiyak at maayos na pagkilala sa pagsama-sama ng mga salita naman upang makabuo ng kahulugan at kaisipan ay alinsunod naman kay Angeles. Sa pagbasa, binibigyan ng kahulugan at pagkilala ang mga kaalamang nakalimbag batay sa pagkakasulat ng may akda (Silvey, n.d.) at kailangan nito ng sapat na pag-iisip at pang-unawa sa mga simbolong nakalimbag sa teksto (McWhorter, n.d.). Ayon naman kina Austero et al, ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas ng pasalita.
         Maraming kahulugan man ang pagbasa, bagamat iisa lang ang kaisipang nakapaloob dito. Ito ay ang pag-unawa sa isang teksto at paglinang sa kaisipan ng isang indibidwal upang madagdagan ang kaniyang kaalaman. Bilang mag-aaral, ang pagbasa ay isa sa may pinakamalaking ambag sa pagkatuto sapagkat sa pamamagitan nito ay napapalawak ang pag-unawa at pag-intindi ng mga aralin sa klase.
0 notes