Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Sabi mo "Marry Me"
Pero bakit nandyan ka na sa iba?
Bakit iba na ang gusto mong makasama?
Hindi ka na ba talaga masaya?
Marami pa tayong gustong puntahan
Pero ako na lang pala ang lumalaban
Sa pagmamahalang sinimulan
Na akala ko'y wala ng katapusan
Pagmamahalang sa isang iglap, natapos
Natapos ang inakala ko'y hindi na kailanman maghihikahos.
Mga pangakong akala ko'y matutupad
Ngunit saan na napadpad?
Hahayaan na kita. Bibitawan na kita.
Kung sakanya ka masaya, wala akong magagawa.
Ngunit pasensya ka na, mahal. Mamahalin pa rin kita ng mas higit pa sa kaya niya.
Susundin ko pa rin ang dikta ng puso
Mamahalin pa rin kita sa paraang alam ko.
Ang pagbitaw kong ito ay tanda ng pagmamahal ko sayo.
Hahayaan na kita sakanya. Hindi dahil pagibig ko'y wala na. Kundi dahil sobrang mahal kita.
Sobrang mahal kita na ayaw kong humadlang sa kung saan ka maligaya
Mahal kita.
Kaya lalakad na ako palayo
Palayo sayo, mahal ko
Ngunit sa paglayo ko
Iiwan ko ang puso ko sayo.
Sa'yo lang ito.
Hindi na kailanman magmamahal ng buo
kung hindi rin lang naman sayo.
0 notes
Text
Journal Entry #1
Hello everyone!
Ito nga pala ang pinaka-una kong post sa balat ng tumblr.
But you read it right. It’s a journal entry. And it’s not even accounting-related. But this is my kind of Journal Entry.
Dude! Sa katunayan ang dami ko ng tumblr accounts pero walang nagsusurvive ni isa. It’s either hindi ko namemaintain or nakakalimutan ko palagi ang username/password ko.
So ito na nga - For the past year na hiatus ako sa tumblr, puro panonood lang ng vlogs ang inatupag ko. But then there’s someone who reminds me that tumblr is life. And that is the account of #akositunaynapagibig if you know him.
Minsan nga naisip kong gawin itong counterpart nung blog niya eh. Kung siya si tunay na pagibig, ako naman ang sinayang na pagibig. HAHA. Just kidding. Pero why not di ba? Magkatulad man kami ng pananaw about love and sometimes about life, eh hindi naman kami magkapareho ng sinapit sa love.
Sa totoo lang marami akong personal emotions na gustong i-share dito kasi gustuhin ko mang mag-share sa ibang social media networks ay hindi maaari dahil maraming intrimitida doon. HAHA kidding aside, wala lang talaga. Marami din akong time gaya ng iba. At nakakainspire kasi eh. Wala na akong pake kung may magbabasa man or may mag-follow, basta dito ko ilalabas lahat ng saloobin at mga emosyong hindi ko mailabas sa totoong buhay.
Marami na akong sinulat. Mostly about my heartaches and failures in life, alam kong maraming makakarelate dahil alam kong maraming nasasaktan at umaasa. Pero wala eh. Ganun talaga ang buhay. Minsan ang kasiyahan ng iba ay siyang kalungkutan mo. Pero bilog naman talaga ang mundo. Time will come tatawanan mo na lang lahat ng iniiyakan mo ngayon.
Kaya ayun. I just hope na mabigyang hustisya tong blog na to. Uy marami to. Marami akong gustong i-share na never-before-seen. Alam ko hindi naman interesting gaya ng blog ng iba pero, i’m doing this for myself. There’s a dream I want to pursue and I hope that this could be the start. :)
Love,
Ayekskiii
0 notes