Tumgik
aybhe-blog · 7 years
Text
E
Heto nanaman ako. Naiisip nanaman kita lintik. Kailan? Kailan ba 'to matatapos? Jusme ni hindi nga kafall-fall yung mga pinag gagawa mo e. Tas ano? Bakit? Bakit ganito nalang kalaki ng paghihirap na dinala mo sakin? Gago ka ba? Sa tingin ko hindi naman ikaw yung may kasalanan e. Well nung una palang naman talaga. Ako nang iwan at nagpaasa, ako rin yung nagsisi. Putcha lang talaga. Siguro kaya ako lang naghihirap ng ganito kasi ako lang yata yung nalaglag e. Hano? Sabi ko na nga ba ye. Kung di ka lang nakahanap ng girlfriend baka umaasa parin ako hanggang ngayon; lul, umaasa parin naman ako kahit na may girlfriend ka na. Hahaha. Wooh yezzer 😂. Saya saya. Teka namamanhid yung kamay ko. Letche. Buti yung kamay ko manhid. Daig pa tong nararamdaman ko jusme. Pabibo kasi ako e. Gagong yan. Ikaw yung tinutukoy kong gago, hindi ako. Tapos nakausap mo pa daw yung dati kong kaklase kahapon. Meeting para sa vigil. Hindi nya kinuwento yung pinag usapan nyo pero madaldal ka daw. Putek madaldal ka?! Sa bagay oo nga pala. Bat ko nga naman makakalimutan e dahil nga naman sa kadaldalan mo kaya nagkausap tayo noon. Yung pag describe pa sayo nung kaklase/kaibigan ko na yun tungkol sayo para makilala kita e yung pag tawag mo daw sakin "DATI" ng lapaz. Hahaha. Dyan palang bigla na kong kinutuban na ikaw nga siguro yung tinutukoy nya. Jusme, ikaw pa ba? Hirap mo kayang kalimutan. Tapos kung di nga naman nananadya e sa iisang paaralan tayo nag-aaral; paaralan lang pala, walang tayo. Nung una palang naman walang tayo bat nga ba umaasa pa ko diba?😂 Sana. Sana talaga malimutan ko na yung mga dapat kong kalimutan. Lalo na yung tungkol sayo.
0 notes
aybhe-blog · 7 years
Text
E
Hanggang kailan? Hanggang kailan mo guguluhin ang nananahimik kong isipan. Kung minsan ay limot ka na ngunit madalas ay sapilitang pumapasok sa aking kaisipan. Halos ilang buwan na rin yung nakalipas pero heto parin yung pakiramdam na hinahanap hanap ka. Paano kitang makakalimutan kung palagi nalang nagku-krus ang landas natin, kahit na di pilitin. Habang umiiwas, lalong di makalagpas... Sa mga pangyayaring sana di ko nalang nagawa nung simula palang. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari. Sana ba tumuloy ako? Sana ba sinubukan ko? Kung itinuloy ko ba 'yon di ako magsisisi ng ganito? Na nanghihinayang na sa iba ka napunta at hindi sakin. Siguro kung hindi ko nakita at nalamang may iba kang gusto, hindi ako makakaramdam ng mga walang kwentang bagay na katulad nito. Sana di nalang tayo nagkita ulit. Sana di ko nalang nalaman ang mga nalaman ko tungkol sa'yo. Sana hindi nalang nagkaroon ng kayo. Sana, sana makalimutan ko na ang nararamdaman ko sayo sa lalong madaling panahon...
0 notes
aybhe-blog · 7 years
Text
Poem for my thoughts.
Days, weeks and months had passed. I haven’t seen you since the day that I realized​ that you won’t last. You were never been mine. But I’m still hoping that someday you’ll become mine.
1 note · View note
aybhe-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
0 notes
aybhe-blog · 7 years
Text
It takes time to realize your worth.
Sa bawat araw ng pagkikita natin. Hindi ko maiwasang umasa na magkakaroon ng dating “Tayo” kahit na nung una pa lang wala talagang “Tayo”.
Ang tanga ko lang kasi masyado akong nahulog sa’yo kahit sa panandaliang oras lamang. Kahit na alam ko sa sarili kong hindi sapat lahat ng pinaramdam mo sa akin. Na masyado lang akong nalibang sa madalas na pag-uusap natin kahit na kung minsan ay wala na itong paroroonan.
Kung bakit sa mga simpleng bagay na ‘yon ay sobrang hirap yung ipinalit sa’kin nung nawala ang lahat ng ‘yon.
Hanggang ngayon kahit na alam kong meron ka nang ibang gusto umaasa ako na ime-message mo ko. Na sasabihin mong miss mo’ko. Kaso hindi eh. Hindi ko makakalimutan yung sinabi mo kanina. Hindi mo man direktang sinabi sa'kin na may nahanap ka na. Pero kumpirmado ko nang meron na pala talaga.
Nagpapasalamat ako sa sarili ko kasi hindi ganung kasakit yung naramdaman ko. Alam kong malayo pa sa tunay na sakit yung naramdaman ko ngayon dahil sa’yo. Dahil unang beses ko pa lang naman itong nararanasan. 
Sana lang makalimutan ko na agad yung nararamdaman ko sa’yo. Kasi alam ko sa sarili ko, na ako na mismo ang mahihirapan kung hindi ko pa ititigil ‘to.
Pero paano nga ba? Kung sa bawat araw na dumaraan ay makikita at makakausap kita? 
Kaso masyado akong tanga kasi ako mismo ang gumagawa ng paraan para makita at makausap ka…
N\P: Pasensya na By Cueshue
                                                                                      Nagkita na naman tayo. Ngayon naipamukha mo sa aking meron pala talagang kayo…
 Di ko lubos na maisip na magkakaroon ka ng lugar sa buhay ko gago ka. Ikaw yung unang taong nagparamdam sa akin ng ganito. Kaya hanggang ngayon hindi pa rin kita makalimutan. Hindi naging tayo pero bakit naghihirap ako ng ganito? Hindi naging tayo kasi duwag ako. Hindi naging tayo kasi mas inisip ko kung ano ang maiisip ng mga tao sa paligid ko kapag naging tayo. Hindi naging tayo kasi ako mismo ang lumayo sa’yo.
Kaya ngayon heto ako. Nasasaktan ng hindi ko alam…
0 notes