ashleypot-0306
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
ashleypot-0306 · 1 year ago
Text
Patungo sa Paraiso: Sama ka sa biyahe?
Tumblr media
Madami nagsasabi malayo, Madami nagsasabi magsasayang ka lang ng pera, Ngunit, hindi nila nakikita ang ganda nito. Ang bohol ay isa sa kilala na probinsya na binibisita ng ilang mga tourista sa ibang bansa, maging ang kapwa natin Pilipino binibisita ito upang masilayan ang mala paraiso nitong ganda. Ito ay naka centro sa Visayas at ito rin ay ika sampu na isla na maituturing malaki sa buong Pilipinas. Bukod pa rito, isa rin sa kanilang dinadayo ay ang sikat na Chocolate Hills nito.
(Ito ay galing mula sa Google na aking binigyan ng sariling explanasyon)
Tumblr media Tumblr media
Isang salita lamang ang aking masasabi nang masilayan ko ang Bohol, Paraiso. Sa sobrang ganda nito, nalimutan ko na ang mga tao sa aking paligid, para bang nalimutan ko ang lahat ng aking problema pag sa tuwing aking pinagmamasdan ito. Ngunit syempre hindi lamang ang ganda nito ang aking nasilayan kung hindi ang kanilang masarap na pagkain, una na diyan ay ang kanilang Lechon, kilala ang Bohol sa pinaka masarap gumawa ng Lechon, Ang napaka lutong na balat nito at ang malambot na baboy. Isa sa mga rason bakit nasabi na sikat ang Lechon sa Bohol ay dahil napaka lambot ng laman nito. Sunod ang Hillcolate meron din minatamis ang Bohol ayan ay ang Hillcolate, ito ay isang tsokolate na gawa sa binhi ng kakaw na binusa’t giniling. Syempre hindi mawawala ang mga magagandang mala paraiso na tanawin nito, sa aming paglalakbay na aking pamilya noon, una namin binisita ay ang Chocolate Hills, Dahil bukod na malayo ang biyahe nito ay umulan din nung araw na bumisita kami. Tinanong ko ang aking tatay “Bakit kulay kayumanggi ang ibang bundok?” sinagot naman niya ako ��Dahil sa klima anak” ngayon ko lang napag isipan, kapag maaraw ay kulay kayumanggi ang mga Chocolate Hills, at kapag naman malilim ay kulay berde ito tulad ng nakikita natin sa mga ibang litrato. Sunod namin binisita ay ang Blood Compact ni Legazpi at Sikatuna, sobrang mangha mangha ako sa mga estatwa na nakapaligid sa amin, para bang binabalik ako sa panahon kung kalian ito nangyari at ano ang kanilang kasunduan kaya nagkaroon ng koneksyon sa Spain at Pilipinas.
Tumblr media
Hindi maitatanggi ang umaapaw na kagandahan ng probinsya ng Bohol, kahit na sobrang layo nito ay binibisita parin ito ng mga ilang tourista para makapag pahinga at makita ang ganda nito. Kung ako ang tatanungin, mas pipiliin ko manirahan dito ng simple kesa bumalik ulit sa dati kong bayan, bakit? Dahil dito matahimek, mapayapa, at masaya ang buhay hindi tulad sa ating bayan, maingay, magulo, at hindi mo alam kung saan ka lulugar. Malayo sa problema, malayo sa katotohanan, ito ang aking Paraiso, Sama ka sa biyahe ko?.
P.S. ANG DALAWANG LITRATO NA AKING NILAGAY DITO AY MULA SA INTERNET (GOOGLE)
0 notes