I think therefore, I am... a NINJA! Ninja by heart but not really at sight. | Moon love | Half-full most of the time | Attack by sadness sometimes | Pilipino. :) ISAIAH 41:10 | Follow IG: @angninjagram | #makapagsulatlangsapatna 😊 aun
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
"I always dream of becoming a Ninja , cause being one means that I wont be needing yah . " aun
2 notes
·
View notes
Photo
0 notes
Photo
0 notes
Photo
0 notes
Photo
"I did and I got damaged too.. but im healing quick.. " 🤗
0 notes
Text
The memo files 😂 (Mahal Kita)
Mahal kita nung una kong sinabi sayo Mahal kita at di ako nalito Mahal kita kahit di tayo sigurado Kung bukas pa ba ay tayo. Masaya tayo habang magkahawak kamay tayo, at sabay na tumatakbo. Malalakas ang tawa mo humahalak naman ako. Mas mahal kita nung unang beses mo akong nakitang lumuha. Mas mahal kita kahit puro basa na ang damit mo sa patak ng luha kong siksik ng problema. Mas mahal kita nung magkasama nating hinihintay ang paglubog ng araw na satin ngbibigay liwanag. Masaya ka .Mas masaya ako. Malungkot ka. Mas malungkot ako. Wala ng tanong, sa huli mas mahal pala talaga kita kasi ako nalang ang kumapit at ikay di ko na makita. Lumayo ka man masaya akong nagmahal , wala ng luha ngayon maluwang na paghinga at tunay ng ngiti na... tunay na ayos na. :) 10/15/15 ladm.
0 notes
Quote
I think it’s important to realize you can miss something, but not want it back
Paulo Coelho (via lovequotesrus)
Oh yaaaas! 😆
563K notes
·
View notes
Text
LOVE can make everyone a writer.. all sort. 😄
1 note
·
View note
Video
(via Geeky Giveaway ($200 Best Buy Gift Card) - Typical Geek)
0 notes
Video
This.
Ang Huling Tulang Isusulat Ko Para Sayo
“Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo. Pangako yan at totoo. Hindi ko alam kung magiging gaano kahaba o kung kasya ba sa isang piyesa, ilang pahina, ilang minuto ang ihahaba, itatagal nito, at posibleng hindi ko agad makabisado pero pangako yan, ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo. Itaga mo to sa bato, abutin man ako ng umaga dito hindi ko ipipikit ang mga matang ito.. uubusin ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo o anumang tawag ko sayo, mahal, sinta, irog, pangga, babe, bbq, bae, beb, asawa ko, mhine, kulet, kapal, kupal, hayop, p**a, p***ng ina ka ano pa ba.. wala akong pakialam kung abutin man ako ng ilang talata dito, pero hindi ko na pwedeng patirahin lang dito sa loob ko ang mga salitang ito kaya pangako, ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo. Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung san ako nakatira. hindi mo nga pinansin ang mga agiw sa dingding, hindi ka nga natinag sa ipis na biglang dumating sa iyong pagbisita.. pero hindi mo rin man lang din tinignan ang mga libro na nasa tabi ng kama kong natutulog din, at tangi ko noong kapiling. Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong niyakap mo ako nung sabihin ko sayong "mahal kita..” sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo sabay sabi na “mahalaga ka..” at ako naman tong si tanga, tuwang tuwa na hindi pa nalinaw nga na ayaw ko na maging mahalaga, ayaw ko na maging mahalaga.. Hindi ako antigong salamin na matagal mo nang pag aari na tinitignan mo lang para ipaalala sa sarili mo na maganda ka, ayaw ko na maging mahalaga.. hindi ako telepono mong dudukutin lang sa bulsa kapag kelangan mo ng solusyon sa kawalan mo ng koneksyon sa mundo mong masyado ng malawak para bigyang atensyon ka pa, ayaw ko na maging mahalaga.. hindi ako kuwintas na isusuot mo lang sa piling-piling mga okasyon kapag meroong mga sitwasyon na pakiramdam mo ay kulang ka pa.. Hindi ako para ibalik sa loob ng isang kahon kapag matutulog ka na sa gabi sa takot na masakal ka sa yakap ko kapag mahimbing ka na, o ibalik sa loob ng isang kahon at itabi sa sulok ng isang aparador sa takot na manakaw ako ng iba, ayaw ko na maging mahalaga.. Ang gusto ko ay mahalin, ang kelangan ko ay mahalin.. kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng kape mo sa umaga tanggap ang tamis at pait, kelangan para sa init pero hindi isinasantabi dahil lang nanlamig na.. kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng sarili mong opisina, kabisado kung para saan ang ano, kabisado kung saan nakatago ang alin, kabisado ang mga tinatago kong patalim, silbi, dumi, lihim.. patalim, silbi, dumi lihim… kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng unan mo sa gabi, niyayakap sa ginaw, sinasandalan kahit na mainit, binubulungan ng mga pinakatatago mong panaginip, ayaw ko na maging mahalaga, ang gusto ko ay mahalin, ang kelangan ko ay mahalin.. at nagsulat ako noon para lang mahalin mo ako, kaya patawad pero magsusulat ako hanggang sa maubos ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo.. patawad pero magsusulat ako para patawarin mo ako.. dahil minsan, may nakapagsabi saken na ang taong hindi raw marunong magpatawad ay hindi makapagsusulat, kaya mahal sa pagkakataong ito sa huling pagkakataon na magsusulat ako ng tula para sayo gumawa tayo ng kasunduan, patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako… Patawarin mo ako sa hindi ko pagtahan at patatawarin kita sa hindi mo pagluha Patawarin mo ako sa hindi ko pananahimik at patatawarin kita sa hindi mo pagsasalita Patawarin mo ako sa hindi ko pag alis at patatawarin kita sa hindi mo pananatili Patawarin mo ako sa hindi ko sayo paglimot at patatawarin kita sa hindi mo saken pagpili mahal gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako. Patawarin mo ako sa hindi ko pagbitiw at patatawarin kita sa hindi mo pagkapit Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin kita sa hindi mo paglapit Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko at patatawarin kita sa hindi mo pagsugal Patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sayo at patatawarin kita sa hindi mo saken pagmamahal, mahal gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako para sa wakas ay matapos ko na itong tula na masyado ng matagal na nakatira dito, at patawad kung magiging masyadong mahaba at marami masyadong bulanas pero pangako, huli na to, huli na to, huli na to… Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung san ako nakatira. Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako Magsisimula ako uli sa umpisa, Magsisimula ako uli… Magsisimula ako…. Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo, mali… Ito na ang huling tula na isinulat ko tungkol sayo Iniibig kita, at ubos na ubos na ako….���
289 notes
·
View notes
Quote
Una, napakatamis ng mga simula, ng mga umaga na ang bumubungad sa’yo ay ang kanyang mukha. Nag-aalmusal ka ng kilig at pagdating sa gabi ay baon mo siya hanggang sa paghimbing. Dito, dito mo matututunan ang tunay na kapangyarihan ng isang ngiti, ng ibang kamay na humahawi sa’yong buhok, ng mga mata na sumisisid sa iyong kaluluwa. Pangalawa, napakadaling maging kampante at masanay sa pagmamahal. Ang malunod sa kapangyarihan ng ‘kami’, ng ‘tayo’, ng ‘atin’. Pero paano naman ang ‘kanya’? Paano naman ang ‘ako’? Napakadaling malunod sa akalang ang iyo ay mananatiling iyo. Pangatlo, mapapagod ka. Pero pang-apat, ang tunay na pag-ibig, hindi dapat sinusukuan ‘di ba!? Pero pang-lima, ang tunay na pag-ibig ay hindi parating sapat! Kapag ang mga pakpak na binigay nito sa’yo ay bumigat at naging kadenang ni ayaw kang patayuin, kapag ang langit ng pusong minsa’y nilipad mo ay naging kulungang nasa ‘yo naman ang susi at kandado pero ayaw mong lisanin… Pang-anim. Ang pinakamabagsik mang apoy ay mamamatay. Maghanda ka sa sakit. Pero ‘wag kang mag-aalaga ng galit, ito ang pang-pito. Iiwanan kang puno ng sugat at pilat at paltos nito. Iiwanan kang umuusok sa poot sa kanya, sa mundo, sa sarili mo. Iiwanan ka nitong abo. Pang-walo. Maghanda ka sa wakas. Pang-siyam. Alam ko, parang hindi ka pa handa sa wakas, wala naman yata talagang nagiging handa sa wakas pero nandiyan na siya ~ At sa wakas, pang-sampu. Mahalin mo pa siya. Sa tingin, sa tanaw, mula sa abo na iniwan ng inyong apoy, mahalin mo pa siya. Pero kung ang pakpak ng pag-ibig ay naging gapos na, kapag ang dating langit sa puso mo ay bilanggo ka, mahalin mo siya sa huling pagkakataon ~ pagkatapos, bitaw na.
Juan Miguel Severo
80 notes
·
View notes
Text
09/19/15; throwback
WARNING: Sobrang haba. Para sa batang “X” :)
Nagkita na si Pastillas Girl at yung ex nya . Hindi nila ako fan, nakita ko lang sa news feed ko kakasilip kung ano ba nangyari sa AlDub. Tinanong ni Pastillas kung minahal ba sya nung lalaki sabi nung lalaki oo naman daw. Napaisip ako ang dami ko kasing tanong nung bigla nalang syang di nagparamdam, sobra kasi akong nasaktan nun, sobra yung iyak, sobrang di makatulog, sobrang tinigyawat, sobrang gulo ng utak ko nun, sobrang daming tanong, sobrang daming mga kwento na pinagdudugtong dugtong. Alam ko yung mga sagot pero di ko kayang paniwalaan hanggat hindi sya mismo and magsasabi sakin. At yung sobrang mas nagpasobra ng sakit yun yung nagtiwala kasi ako sa kanya, di ko lang maisip na ganon syang klase ng tao. Kung sakaling teleserye kami malamang nagkita na kami sa sobrang liit ng mundo ng teleserye e. Pero kung sakali nga kayang magkita kami anong itatanong ko, ayokong itanong kung minahal ba nya ako kasi alam ko na rin sagot dun , sigurado ako minahal nya ako kaya lang kasi siguro yung pagmamahal nya kasi may expiration date e di pwedeng lampas 2 years. Kahit na hindi ko sya sinukuan ,nagpumilit syang kumalas ng walang sabi sabi, di ko alam kung anong inakala nya e ,kaya baka itanong ko nalang yun sa kanya “bakit di ka nagpaalam?” Here goes ikaw ..
“Alam ko at alam mo na hindi sa yabang mabait naman ako madaling kausapin siguro, oo aminado matigas ulo pero umiintindi ako kung kailangan . Alam ko at alam mo at alam natin na napagusapan natin nun na lagi kang iniiwan ng walang pasabi kaya nga napagusapan natin na kung sakali man na isa e ma fall-out of love magkagusto sa iba , e dapat magsabi maging honest sa isat isa. Yun nga lang yung pangako natin e, di tayo nangako na magmamahalan ng forever ,nagkumpirmiso ako pumatol na kahit hindi forever basta bukas alam nating mahal natin ang isat isa. Hmm.. anong nangyari bat wala akong narinig? Lagi kitang tinatanong nitong mga nakaraang buwan kung mahal mo pa ba ako, lagi mo rin sagot oo. Pero parang iba ung oo ng bibig mo ,sa oo ng mga mata mo at sa oo ng puso mo. Naniwala lang ako, naniwala pa rin ako pinadama ko pa rin sayo na araw-araw mahal kita, inaaway pa nga kita e kasi naiinis ako pag narramdaman kong sobrang wala ka ng paki sabi mo pa nga “babawi ako” , umasa ako, naghintay. Sa relasyon kasi hindi pwedeng walang aasa e, kasi relasyon yan kailangan may magcomply ng magcomply lalo kung nakapangako . Umasa ako, lagi kong iniisip na ako nalang kaya makipagkalas “tapusin! Tapusin!” kaya lang lagi ding umaangal yung puso ko na “Huwag kailangan ka nya.. Huwag mo syang iwan, huwag mong hayaan maniwala syang malupit ang mundo sa kanya iparamdam mo lang yung totoong nararamdaman mo, mahalin mo lang sya” At yun nga nakinig nga ang utak ko sa puso ko kahit na mas matalino ang utak at kahit utak ang may responsibilidad sa puso, napasunod ng puso ko ang utak ko. Sabi ko pa ganyan talaga ang mga lalaki mas moody pa yan sa babae, pero baka sakali pag nakita mo kung gaano kita kamahal ipaparamdam mo rin yun ulit , oo ulit katulad nung nagsisimula paalang tayo . Na karapat dapat akong mahalin mo, paglaanan ng oras, itext , kwentuhan, pangitiin parang nung nililigawan mo pa lang ako. Sabi ko pa ulit gusto kong patunayan sayo na hindi ka naman talaga laging iniiwan ng mga minamahal mo e, na kahit ayaw mong maniwala umaasa ako na mapapaniwala kita na mahal kita at hindi hindi iiwan. Kasi nung nawawala din ako nun lagi mo akong sinusundan non sa waterfront kahit na wala naman akong sinasabing sumunod ka, kahit pa sinasabi kong ayos lang kami ni Travis( bicycle) . Makikita nalang kita maya-maya katabi na kita makikinig ka lang sa mga ka-chusan ko . mInahal kitang ganon,yung mahal ako yung tanggap ako. Kasi tanggap kita kahit maraming kulang sa buhay mo,kasi naramdaman ko na kaya mong bumuo kahit di ka buo . At oo, nabuo mo ulit ako ewan ko kung naalala mo nung magkakilala tayo sobrang tahimik ko, kasi ang totoo nun emo days ko yun. Ayoko na sa ibang kasi di ko alam yung gagawin ko gusto ko na kasi umuwi ng pinas nun, kahit na lagi akong nagpray kay Lord nun, di ako happy medyo dito half happy, kasi with family e wala akong kaibigan sobrang lungkot, tapos kumanta na ako ng “and it all began when I met you” . Hindi masyadong Malaki yung puwang ng puso ko kaya mabilis akong nabuo, bumalik sa dati. Unti-unti ko ulit nakilala yung sarili ko, yung sarili kong iniwan ko sa Pinas yung masayahin yung maingay yung makulit. Yun ako! Natuwa ako nung nalaman ko na tanggap mo pa rin ako, pinaramdam mong tanggap mo pa rin ako. Hmm. Nangyari na ngang ligawan mo ako, pinunthan mo pa ako sa bahay,lagi nagttext kinantahan ng "kung maging tayo sayo na ang puso ko" pag magdadate papaalam sa magulang ko, kahit wala kang dalang bulaklak o tsokoleyt sa mga kaptid ko ayos lang. Saya pa rin first time may pumasok na ibang lalaki sa bahay namin e. nagging tayo minahal kita at totoo yun. Kasi nakapangako ako nun sa sarili ko na kapag magmamahal ako totoo at buo. Being totoo means (totoo sa feelings emosyon yung mararamdaman mo transparent ) Buo (ibig sabihin ikaw lang. yung rerespetuhin ikaw lang yung mamahalin) At ikaw nga lang naman talaga nangyari pang pinapagalitan ako pero pinagtatanggol pa rin kita sa pamilya ko,well sa tatay ko lang naman talaga . Pero alam mo kahit ganito yung ginawa mo,yung nangyari sa akin kahit kalian di ko pinagsisihan na nakilala kita, yung mga nangyari sa atin. Di ko pinagsisihan, eh bakit ko naman pagsisihan e totoo naming nagging masaya ako non e. Pero hindi pala porket magandang alaala e dapat di kinakalimutan at di rin totoo na porket magandang alaala e madaling kalimutan, oo hindi madaling kalimutan pero totoo makakalimutan rin yun. Yung unang lakad ko nga ng maliit pa ako di ko maalala e pero magandang memories yun, yung mga ngiti nga nila nun sakin nung karga pa nila ako di ko rin maalala e. Walang ako pinagsisisihan,siguro nung una sinisisi ko ung sarili ko pero sabi ko “Hala! Ano bang hindi ko ginawa, lahat ng sa tingin kong alam kong tama lahat ng sa tingin ko alam kong dapat ginawa ko para maging okay yung relasyon natin. Pero paano ka nga naman kakapit sa isang bagay na gumagawa ng paraan para bumitaw ka. Yung pakiramdam na nakakapit ka sa lubid na sobra yung langis. Ganon, hirap kaya. Umiiyak ako noon halos araw-araw-araw. Sa gabi pag umuuwi, sa banyo kapag gumisging at maliligo sa umaga, sa bus pag umaalis, minsan sa trabaho kapag di busy. Seryoso yun. Ang sakit sakit ng puso ko nun, Gusto ko na ngang patanggal nun para wala ng maramdaman, yung mata ko gusto ko na padukot kasi para ng gripo kakaiyak. Lahat ng pinakikinggan kong kanta naiiyak ako,Seryoso! buyset sabi ko nangyayari pala to. Pero isang umaga nagising ako,sabi ko ano pa bang iniiyak mo hindi ka niya mahal. Sinaktan ka niya, kung mahal ka niya hindi ka niya sasaktan, ang tanging panahon lang na magsisinungaling ang lalaki sa babaeng mahal nya ay yung masasayng surpresa, ang tanging panahon lang na mapapaiyak ang babae sa lalake ay tears of Joy! Pero sa ginawa mo psssh.. Sa kabilang banda salamat kasi marami talaga akong natutunan from you, more on mas naapreciate pala about life, family friends . love. Madami . at salamat. Salamat din sa pagpapasaya mo sakin noon. Bahala na si Lord! Akala ko hindi ko kaya nung iniwan mo ako, kahit na madalas nagtatapang tapangan ako,akala ko lagi lang ako tapang tapangan. Yun pala tunay na kaya ko , kaya rin siguro akala mo kaya mo ako durugin kasi ikaw yung bumuo sakin. Mali! Akala ko din yun, pero mali! Ngayon sobrang nasaktan ako pero, kahit sobrang sakit talaga pinulot ko isa isa , di ko kailangan ng ibang tao,strangers sa paghahanap . Kasi si Lord andyan na kahit kalian kahit na minsan kinumpormiso ko din lagi lang sya nandyan sakin yung pamilya ko mga kaptid ko na minsan lang ako Makita noon kasi mas gusto ko lumabas kasama mo, e sila pala yung nakkarinig ng mga iyak ko. Pati mga kaibigan ko , mahal din nila ako. At higit sa lahat yung ako, mahal ko yung sarili ko. Mas matatag ako kasi nakasandal nalang ako kay Lord, sya na ulit yung pinagdadrive ko nagpalit na ulit kami, di pa pala ako magaling magdrive e” Di ko to sinusulat dahil di pa rin makamove on, dahil kahit sobrang haba na ng mga texts ko sayo noon, ang totoo katumbas pa pala yun ng 1391 words and typing. Isa pang nakakaproud yung habang tinatype ko to , naku! Hindi na talaga ako umiiyak ni muta wala. Aminado naman ako na sa ngayon di pa talaga ako fully recovered pero pag naiinjured naman di naman agad gumagaling e it takes time ang mahalaga alam kong gumagaling at tsaka yung mga kantang nagpapaiyak sakin nun kaya ko na ulit sabayan ang saya lang kasi dati kung makaiyak ako akala mo namatayan, siguro O.A. hindi rin o.a eh. yun talaga yung nararamdaman ko nun super iyak di mo pa siguro nafifeel pero kung nainlab ka ng totoo malamng nafeel mo na. Hindi ko na rin kinailangan saktan ang sarili ko kasi masakit na yung ginawa mo e. at sana ako na yung huling babaeng lolokohin mo ha. tama na! so much of that! hihi! ang haba! Lagi naman talagang may reason si Lord e , in my case nagegets ko na , at simple lang kasi mahal niya ako totoo din. –LADM, 09/19/15 #minsanmadradramadinangninja #exhale #wagmongbasahin.
0 notes
Photo
The truth is this.. but for me Jesus always takes my hand if I cant take it anymore. ☺
4K notes
·
View notes