angestudyantengmasunurin-blog
ang estudyanteng masunurin
7 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
2020
Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nung naglockdown ang Pilipinas. Kahit na ganon pa man ang nangyari, andaming kong natutunan ngayong taon nato. Parang nag reset ang buhay ng tao. Marami din ang magandang nangyari. Gaya ng family time, mas humaba ang pag sasama naming pamilya. Yung masasamang nangyari? Sana maging lesson yon sa susunod na henerasyon na kapag dumating sila sa situation na yon, alam na nila kung ano ang gagawin. Eto ang tumatak sakin simula nag umpisa ang pandemya. Life is not about your situation but it is about your perspective in life. Daming masamang nangyari pero mas nag focus ako don sa mga magagandang nangyari. Dahil kapag nagfocus ako don sa masamang nangyari, stock na ako don. Dati kapag may nangyari saking masama, dinadamdam ko yon ngunit nung ako’y tumanda napansin kong walang pagbabagong nangyari. Kapag may nangyaring masama, lesson yon sa buhay mo. Wag kang magpapaapekto masyado. Ayusin ang maling nagawa. Baguhin mo ang sarili mo upang di na maulit. Alisin ang negative vibes. Di mo kailangan mag pakastress sa maliit na bagay. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa Diyos dahil kahit na pandemya ginawa Niyang memorable ang taong ito. Maganda man yan o masama. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa mga taong nagpasaya ng taong ito. Sana ngayong 2021 ay bumalik na sa dati. Baguhin ko ang aking sarili. Ayusin ko lahat ng nagawa kong mali. At nagpapasalamat ako sa Diyos dahil natapos ko ang taong ito. 2021 na, panibagong yugto ng ating buhay. SALAMAT 2020!
0 notes
Text
simbang gabi
parang kailan lang natapos ang pasko. Ngayon pasko nanaman. Di na tulad dati na kapag gabi ay maraming nangangaroling sa tapat ng ating bahay. Daming nagbago simula dumating ang COVID.
Kailan kaya babalik sa dati?
Mababalik pa ba sa dati?
Nakakamiss ang mga panahong walang COVID. Yung magsisimba kang di naka face mask at naka face shield. Ang hirap lumabas ngayon dahil di natin nakikita ang ating kalaban. Nakakamiss ang mga panahon abang inaawit ang ama namin ay magkahawak kamay ang mga tao. Pero kahit na ganon pa man ang ating situation nakita ko na kahit may pandemyang di maalis ang pagiging katoliko ng mga pilipino. Patuloy nagsisimba at walang sinumang ang makakapigil sa kanila. Ibang klase ang pananampalataya ng pilipino sa Diyos. Sana matapos na lahat ito. Sana mabawasan na ang cases ng COVID. Isa lamang itong pagsubok, di ibibigay ng Diyos ang pagsubok na ito kung hindi natin  kaya. 
0 notes
Text
bilis ng panahon
andaming mga pangyayaring di ko inaasahan. Andaming nawala. Mga taong hinahangaan ko ngayon wala na sila sa mundong ito. Nakakalungkot isipin na lahat tayo ay mamamatay.
Kailan kaya titigil ang masasamang pangyayari?
Minsan narin pumasok sa aking isip na pano pagnamatay ang aking magulang. Pano ako? Ano kaya mangyayari sakin non? Dahil ang aking inspirasyon ay ang aking magulang. Dito ko napagtanto na dapat sulitin natin ang natitirang mga taon natin dito sa lupa. Pati mga taong mga  nakakasama ko, sulitin ko na ang aming mga pag sasama habang andito pa sila. Di natin alam kung kailan tayo mamamatay. Ienjoy ang buhay at wag isipin mga negative na bagay. Maging positibo lagi.
0 notes
Text
halaga
Dapat pala dati palang pinahalagaan ko na kung ano meron ako dati. Dapat pala di lang sarili ko ang iniisip ko. Sana dati palang pinahalagahan ko na sya.
Pano kaya kapag pinahalagahan ko sya?
Nung una sobrang interesado ako sakanya ngunit nung tumagal parang nawawala. Iniisip ko lagi “pano ako?” kala ko tama. Di pala maganda yung ginawa ko. Habang ako nagsasaya, yung isa malungkot dahil saking mga pinagagawa. Nung umayaw na sya, don ko lamang naisipang mali pala ang aking ginawa. Tanga ko noh? Sayang. Kung pwede lang ibalik ang dati at ayusin ang nagpasira sa relasyon namin. Sabi ko pa naman din sa aking sarili na, last na sya at aayusin ko na ngunit sa salita lang di sa gawa. Wala na tayo magagawa kung ayaw na nya. Wag nalang ulitin ang nangyari. Lahat naman nangyayari dahil may rason.
1 note · View note
Text
pandemya
Sobrang daming pag babago ngayon taon na to. Mga di inaasahang mangyari ay nangyari. Di ko man lubos na maisip na ang laki ng epekto ng COVID sa mundo. Ang dating pagkikita kahit anong oras pwede, ngayon sobrang limitado na. Yung dating konti yaya lang andyan agad.
Pano kaya kapag walang COVID?
Ano kaya ginagawa ko sa oras na ito kung walang itong virus?
Mas masaya ba ang taon na to?
Daming plano ang naudlot. Ang pag aaral natin, yung gigising ng maaga upang magayos papasok ng eskuwelahan. Yung araw-araw na pagkikita ngayon linggo, buwan bago mo sila makita ulit. Yung pagsimba, nakakamiss yung feeling na ang gaan ng loob mo katapos ng misa. Yung akala kong panandaliang walang pasok, akala ko lang pala yun. Dapat pala sinulit na namin ang pagsasama naming magkaklase. Bigla-bigla nalang kami nagkahiwalay. Kung pwede lang ibalik agad sa dati o alisin ang COVID para sumaya na ulit. Yung tipong di mo na kailangan magface mask at face shield. Kapag lalabas ka ng bahay halos di mo na makilala mga nakakasalubong mong kaibigan. Saya siguro ngayon kung walang virus. Di mo na kailangan magdouble effort para lang di mahawa. Sana matapos agad ito. Kaya naman dapat sultin natin ang bawat sandali magkakasama tayo dahil di natin alam kailan matatapos ang ating buhay. Sumunod nalang tayo sa mga utos ng gobyerno upang matapos na agad ang ating problema
1 note · View note
Text
walang permanente
Lahat tayo ay iiwan. Yung akala nating di tayo iiwan, iiwan ka rin nyan kahit gano pa natin kamahal yan. Yung paparamdam nilang gaano ka importante ngunit iiwan kalang rin pala
Bakit tayo iniiwan?
Daya ng mundo no?
Di naman natin mapipilit ang mga bagay bagay. Sabi nga nila “everything happens for a reason” daan ito siguro ng Diyos upang maging matatag tayo. Dapat matuto tayo na mag-isa sa buhay minsan. Dahil di sa lahat ng oras may kasama tayo. Di rin sa lahat ng oras masaya. May mga malulungkot na araw ngunit laban parin dapat. Enjoyin natin ang bawat oras na kasama sila dahil di natin alam kung kailan sila mawawala. At kung feeling nating magisa tayo sa buhay, tandaan natin laging andyan ang Diyos upang gabayan tayo.
1 note · View note
Text
masaya na hindi
Andaming iniisip. 
Kailan nya kaya ako mapapatawad?
Maaayos pa ba namin to?
Ilan lamang yan sa mga tanong ko sa aking sarili na hindi ko masagot. Ngunit subalit datapwat patuloy parin dapat maging masaya. Di ko alam ang aking gagawin. Dapat bang itigil muna namin to? Nung una kala ko masaya kami, yung wala kaming pagaawayan. Ngunit nung tumagal unting-unti nawawalan ng gana sa isa’t isa. Yung tipong oras-oras na pag uusap namin dati, ngayon ilang oras bago kami magreply. Ang hirap pala pag sinasarili ang problema buti nalang andyan ang mabubuting kong kaibigan. Natutunan ko na di lahat ng problema sinasarili. Kaya nga andyan ang kaibigan upang tulungan ka sa iyong mga problema. Dapat  i-enjoy mo muna ang buhay binata. Kung nagseryoso ka agad, talo ka. Mag-aral nalang muna mabuti. Lahat ng problema ay malalampasan natin. Di naman tayo bibigyan ng Diyos ng problema kung di natin ito kakayanin. Laban lang!
2 notes · View notes