andreaaalouiseee-blog
The Contemporary World
10 posts
  A student from Polytechnic University of the Philippines  // blogs are about the significance and relevance of the lessons in my course, the Contemporary World //
Don't wanna be here? Send us removal request.
andreaaalouiseee-blog · 6 years ago
Text
George Ritzer: The Consumer Society and the New Means of Consumption
Bukod sa pagkukumpara ni George Ritzer ng kaniyang teorya sa ginawa ni Max Weber sa isang Fast Food Chain, may mga teorya rin si Ritzer ukol sa kaniyang ideya sa paraan ng pagkonsumo ng isang lipunan. Kagaya ng sinabi ni Jean Braudrillard, naniniwala si Ritzer na nagkaroon ng pagbabago sa paraan ng pagkonsumo ng mga mamamayan ng isang lipunan sa ngayon kumpara noon. Subalit, mas binigyang pansin ni Ritzer ang paraan ng pagkonsumo ng mga tao batay sa reyalidad na pangyayaring ating ginagawa sa isang lipunan.
Ayon kay ritzer, malaki ang pinagbago sa paraan ng pagkokonsumo ng mga tao. Ayon nga sa kaniyang teorya ukol sa Mcdonaldization, mas ginugusto ng mga mamamayan ngayon ang mga “mabilisang” pagpoproseso ng mga bagay bagay. Kung dati ay ang paraan ng pagkonsumo ay kadalasang ginagawa sa mga ‘physical store’ ngayon ay maari na nga tayong makabili ng mga produkto sa pamamagitan ng mga ‘online store.’ Kung dati ay kailangan pa nating pumunta sa iba’t-ibang lokasyon upang bumili ng kape, cake o mga iba pang uri ng pagkain, ngayon ay maari na lang tayo pumunta sa mga ‘malls’ kung saan maari nating sabihing isang komunidad kung saan makakakita ka ng bilihan ng kape, ng cake, at ng iba pang uri ng pagkain sa iisang lokasyon lamang. Mula rito, ipinihayag ni Ritzer na ang modernisasyon ng lipunan sa paglipas ng panahon ay nagbunga ng pagkakaroon ng pagbabago sa paraan ng pagkonsumo ng mga mamamayan ng lipunan.
Ang pagkonsumo ng higit sa ating pangangailangan at pagbili ng mga bagay na sunod lamang sa ating luho ay ipinihayag ni Ritzer  bilang “Hyper Consumption.” May tinatawag si na “Phantasmagoria” o ang konspeto kung saan ito ang nagsisilbing “dream world” o mga imaheng sumasalamin sa tunay na pangyayari. Ito ay kadalasang mas pinipili ng mga indibidiwal na pagbatayan kaysa ang tunay na pangyayari upang makakuha ng impormasyon. Dito pumapasok ang konsepto ng “Dematerialized” kung saan nagkakaroon ng mababang pagkonsumo sa mga bilang ng mga materyal para sa produksyon. Halimbawa nito ay ang kaisipan ng mga tao na bakit pa kailangang makita ang aktwal na pangyayari kung makikita naman nila ito sa media?
Katulad ng konspeto ni Braudrillard ukol sa Hyperreal, sinasabi ni Ritzer na lumalaganap na rin sa lipunan ngayon ang iba’t-ibang hindi makatotohanang disenyo o ‘simulations’ o kaya naman ay ang mga promo  na siyang nagsisilbing pampukaw ng atensyon at ng emosyon ng mga mamamayan upang tangkilin ang kanilang produkto. Halimbawa na lang nito ay ang napapanahong ‘Samgyupsal Stores’ kung saan nagkaroon ng adaptasyon ng paraan ng pagkain ng mga koreano ng inihaw na karne ng baboy o baka na ikaw mismo ang magluluto sa iyong lamesa. Dahil sa kanilang unlimited promo at kakaibang set-up ng tindahan, marami ang napupukaw nito kahit na mahal at mataas ang presyo.
Bilang isang mamamayan ng lipunan natin sa panahon ngayon, masasabi ko na ako mismo ay nagkakaroon ng mga pagkukulang sa pag-iisip ng kritikal sa paraan ng aking pagkonsumo sa ibang bagay. Halimbawa ay sa mga araw na ako ay pumapasok sa eskwela, madalas ay mas pinipili kong kumain sa mga mamahaling kainan kagaya ng Fast Food Chain kaysa sa mga simpleng kainan tulad ng Karinderia, na siyang bunga ng aking hindi pagbubudget sa aking baon. Dahil sa aking pagkukulang sa matalinong pag-iisip at padalos dalos na desisyon, hindi ko nagagawang gawing rasyonal ang sistema o plano ko sa aking pagkain. At sa mas malaking aspeto, masasabi ko nunay na ngang hindi nagiging rasyonal ang pag-iisip natin ngayon. Madalas, tayo ay nagpapadala sa ating emosyon, luho at mga kagustuhan natin. Hindi nating nagagwang mag-isip ng kritrikal sa kung ano ang maaring bunga ng ating padalos dalos na desisyon. Mahalagang maunawaan ng bawat isa sa atin na ang tamang pagkokontrol sa ating sarili ay kinakailangan upang maiwasan natin ang mga pangit na sakit sa ating lipunan. Hindi tayo dapat nagpapabulag sa mga pekeng kaisipan na siyang nagsisilbing hadlang upang mamulat tayo sa reyalidad na nangyayari sa ating kapaligiran.
0 notes
andreaaalouiseee-blog · 6 years ago
Text
Jean Baudrillard: The Rise of Consumer Society, Loss of Symbolic Exchange
           Bilang isang kritiko na kinikilala rin na isang french sociologist at cultural theorist na nabuhay noong July 29, 1929 hanggang March 06, 2007, kilala si Jean Baudrillard dahil sa kaniyang magaganda at mahuhusay na teorya. Bukod sa pagkakaroon ng teoryang ukol sa mga nangyayari sa isang lipunan na nararansan ng mga mamamayan, kiilala ang kaniyang mga teorya dahil sa kaniyang mga ideyang radikal sa pagpapaliwanag ng mga ito. Bagamat hindi isang Marxista si Baudrillard, kadalasang pinupuna niya sa isang lipunan ay ang kapitalismong sistema nito.
           Ayon sa kaniya, may malaking pagbabago sa dahilan ng pagkonsumo ng mga tao sa isang lipunan. Kung noon raw ito ay para sa pakikipagkomunikasyon sa iba, ngayon daw, ang pagkonsumo na ng isang tao ay nakabase sa kanilang pagpapahayag ng kanilang mga sarili. Sinabi ni Baudrillard na patuloy na tumataas ang pagkonsumo ng isang tao. Sa panahon ngayon ang pagkonsumo ng isang commodity o kalakal ayon kay Baudrillard ay lagi o mayroong kakabit na “code” o “sign” o mag tinataglay nitong ‘kahulugan’ na maaring sumalamin sa iyong estado sa lipunan. Halimbawa nito ay ang pagkonsumo ng mga mamahaling kape o inumin tulad ng Starbucks, hindi makakaila na ang pagbili ng isang tao nito ay maaring sumalamin sa ideyang “siya ay sosyal at maraming pera” kumpara sa taong bibili lamang ng kape sa isang convenient store kagya ng 7/11.
Iminungkahi rin ni Jean Baudrillard na sa lipunan natin ngayon ay mas lumalaganap na ang mga bagay na representasyon lamang ng isang reyalidad kaysa sa tunay na reyalidad. Ayon sa kaniya talamak na sa lipunan ngayon ang pagkakaroon ng mga replika ng isang tinuturing rin na kopya ng orihinal na bagay. Sa madaling salita ay mas nangingibabaw na ngayon ang pagkakaroon ng mga kopya ng kopya ng orihinal na mga bagay, pangayayari o pag-iisip. At lingid sa ating kaalaman, hindi na natin matukoy kung ano ba talaga ang totoo, ang reyalidad at ang orihinal na kaganapan sa isang lipunan sapagkat ang mga bagay bagay sa paligid natin ay nagsisilbi nang “Hyperreal” kung saan mas umaangat na ito sa kalidad ng isang orihinal materyal na siya nagsisilbing takip ng upang tayo ay mas mamulat sa reyalidad.
Sa katunayan, isa ako sa biktima ng pagkakaroon ng hindi rasyonal na sistema ng pagkonsumo sa lipunan natin ngayon. Kung minsan ay bago ko bilhin ang isang bagay ay iniisip ko kung ano na lamang ang sasabihin o iisipin ng iba kung ako man ay magkaroon ng isang pekeng sapatos.  Ngunit, masasabi ko na hindi nagkulang ang aking magulang na ipaalala sa akin kung ano ba ang kahalagan ng pagiging wais at matalino sa pag-iisip at pag-konsumo. At kung minsan pa nga ay ninanais kong bilihin ang mga bagay bagay na- kung hindi pa ako pipigilan ng aking Ina- hindi naman mahalaga kumpara sa ibang mas mahalagang pangangailan ko. Sa katunayan, masasabi ko na swerte ako sapagkat ako pinalaki ako ng aking magulang na marunong makuntento sa kung ano an gaming tinatamasa. Hindi nila kami pinalaki bilang isang “spoiled brat.”
Kung ating iisipin sa mas malaking saklaw, marami ngayon sa atin ang nais na makaranas ng mga ilang natatamasa ng mga mayayaman upang maipasok lamang sa kanilang sarili na hindi sila naapi o napag-iiwanan sa isang lipunan. Karamihan sa atin ngayon ay takot na mapag-iwanan sa kung anong uso. Hindi natin alam na sa patuloy na kagustuhan natin makibagay sa mga natatamasa ng iba sa kanilang buhay ay nakakalimutan natin kung ano at paano ba dapat tayo mag-isip. Halos lahat sa atin ngayon ay nakakalimot na ang wais na pagkonsumo para sa ikaaayos ng lipunan ay marapat na umikot lamang sa pag-tangkilik at paggamit ng ating mga KAILANGAN at hindi lamang para sa luho at ating kagustuhang makibagay sa iba. At dahil nga sa mga padalos dalos nating aksyon, hindi natin nagagawang mag-isip ng kritikal. Hindi natin alam na ang sobra o mataas na pagkonsumo natin ng mga bagay bagay ay hindi nakakabuti sa isang lipunan sapagkat patuloy lang natin hinahayaan na umusbong ang sistemang kapitalismo sa ating bansa. Lingid sa kaalamang nating lahat na nakakabuti sa mga Kapitalista ang patuloy na pagtaas ng ating pagkonsumo sapagakat nagsisilbi itong panakip sa kanilang panglalamang at pagkamakasarili.
0 notes
andreaaalouiseee-blog · 6 years ago
Text
CONTEMPORARY FEMINIST THEORIES: The Basic Theoretical Questions, Gender Difference, Gender Opression, Gender Inequality
Ang pagkakapantay pantay ng mga karapatan, kakayahan, obligasyon at oportunidad ng mga mamamayan sa lipunan ay isa sa pinakamahalaga at pinakamabigat na gampanin na kinakailangang magawa ng isang lipunan sa bawat indibiduwal. Hanggang ngayon, patuloy na namamayagpag sa ating lipunan and hindi pagtamasa ng pagkakapantay pantay na pananaw sa mga mamamayan. Halimbawa na lang nito ay ang pagkakaroon ng pagkakaiba sa pagtrato at pagtingin ng isang lipunan sa pagiging lalaki at pagiging babae ng isang indibidwal. Bakit at paano nga ba nagsimula ang ganitong klase ng isyu noon pa man?
Mula sa isang kaisipan na nagmula sa aklat - The Origin of the Family, Private Property and the State - na isinulat ng isang German Philosopher at social scientist na si Freidrich Engels, ang sistema ng lipunan noon ay walang konspeto ng isang “pamilya.” Ang aklat na ito ay nagsilbing paliwanag kung paano ba nangibabaw ang kapangyarihan ng kalalakihan sa isang lipunan. Mula sa teorya na ito, sinabi ni Engles na mayroon lamang isang organisasyon noon na tinatawag na ‘clan’ sa isang lipunan. Ito ay nagsisilbing grupo ng mga kababaihan na nangangalaga at nagpapalaki sa mga batang isinisilang nila. Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang mga kalalakihan noon ay ginawa lamang upang makapagpalaganap ng buhay at magpalaki ng isang kalahian. Hindi ito nagsisilbing “ama” tulad ng nakaugalian na sa isang lipunang may konspeto ng pamilya kagaya ng nararanasan natin sa kasalukuyan.
Dahil sa paniniwalang ang ‘clan’ ang inaasahang mag aruga sa mga batang isinisilang, para sa mga kalalakihan ay natatapos na doon ang kanilang gampanin. Ngunit kalaunan, naisip ng mga kalalakihan na hindi maaring walang magpatuloy ng kanilang mga mithiin at tagumpay sa kanilang buhay kapag sila ay pumanaw na. Kaya naman, naging bukas ang isip nila sa konsepto ng pagkakaroon ng pamilya kung saan siya bilang lalaki ay makikipagtalik sa isang babaeng ituturing niyang pag-aari lamang nya upang masiguro na ang dadalhing bata nito ay kaniyang kadugo at magsisilbing tagapagmana ng kaniyang mga tagumpay kung sakaling siya ay pumanaw na. Dahil dito, nagkaroon ng kaisipan na siya bilang isang lalaking nais magkaroon ng isang anak ay kinakailangang kumilos upang mabigay at masuportahan ang pangangailangan ng kaniyang “pamilya.” At dahil dito, unti unting nawasak ang pagkakaroon ng isang clan sa isang lipunan at ganap na nabuo ang konsepto ng pamilya.
Mula dito, maari natin masabi na ang kapangyarihan at kakayahan na una pa lamang ay pinanghahawakan na ng mga kababaihan ay nakuha ng mga kalalakihan at dito na nga nag ugat ang patuloy na pagtrato sa isang babae bilang tagapangalaga ng mga anak at mga trabaho sa bahay at ang kalalakihan bilang taga pagbigay ng pangangailang ng kaniyang mag-ina at siyang taga kontrol sa isang pamilya ay pinaniniwalaang mas malakas, edukado at may karapatang matamasa ang lahat ng kaganapan sa labas ng pamilya.
Kung atin aalalahanin ang mga natutunan natin noon sa paksang Hekasi, Sibika at Kultura, at kung ano ano pang paksa ukol sa kasaysayan, alam natin noon pa lamang ay hindi na pantay ang tingin ng lipunan sa mga kababaihan kumpara sa lalaki. Kaya naman paglipas ng mga panahon, umusbong muli ang isang organisasyong binubuo ng mga kababaihan na walang ibang ipinaglalaban kundi ang pagkakaroon ng pantay na pagtrato ng lipunan sa isang babae at lalaki. Ito ay ang organisasyong kinabibilangan ng mga Feminista. Ang Feminism ay siyang kaisipan kung saan ipinaglalaban ang pagkakapantay ng karapatan ng babae at lalaki. Ito ay pinaniwalaang mahalagang konspeto na maipalaganap sa isang lipunan sapagkata nilalayon nitong labanan ang hindi pagkakaroon ng bukas na kaisipan sa patas na pagtingin sa pagkakaiba iba ng kasarian.
May apat na teoryang pokus ang mga Feminista, (1) ‘Gender Difference’ kung saan sinasabi na ang mga katayuan ng isang babae ay tinignan bilang ibang iba sa pagtingin sa mga kalalakihan. Ito ay nakabatay sa pagkakakilanlan ng isang tao bilang isang lalaki o babae, batay sa biological na katangiang kaniyang tinataglay, at batay sa pananaw at kulturang kaniyang nakasanayan. (2) Ang ‘Gender Inequality’ na nakapokus naman sa pagtrato sa mga kababaihan kung saan mabibilang lamang ang mga pribilehiyong ipinagkakaloob sa babae kaysa sa lalaki. Ang pokus na ito ng peminismo ay ang pagsusuri sa mga trabaho,  opprutunidad, kalayaan at karapatan na hindi katulad ng sa kalalakihan (3) ang ‘Gender Opression’ kung saan ginagamit, inaabuso, minamaliit, at inaangkop ng mga kalalakihan ng base sa kanilang mga kagustuhan (sexually) o kaya naman ay ang pagtrato sa mga ito bilang isang “taong bahay” lamang kung saan sila ay inaasahan na taga gawa ng mga gawaing bahay at tagapangalaga ng mga anak at; ang huli ay ang ‘Structural Opression’ kung saan ipinapahayag ang mga pang-aaping nararanasan ng isang babae batay sa mga sistemang umiiral sa isang lipunan tulad ng kapitalismo, patriyarka, at diskriminasyon.
Batay sa aking mga obserbasyon, sa kasalukuyang lipunan ng ating bansa ngayon, makikita na hindi pa rin nawawala ang pagkakaroon ng pang-aapi sa mga kababaihan. Tulad na lamang ay ang pagtanggap sa kanila sa mga trabaho. Para sa isang kapitalistang mababa ang pagtingin sa mga kababaihan, hindi ito basta basta natatanggap sa trabaho. Isa sa dahilan nito ay ang pagkakaroon ng pagkakataon na makapag-“maternal” leave ang isang babaeng trabahador. Dahil ang kaniyang amo ay isang kapitalista, isang dagok ang magkaroon ng isang manggawang bayad kahit hindi naman nakakapagdagdag sa produksyon at daloy ng negosyo. Bukod pa rito, sa larangan ng politiko sa Pilipinas, bibihira pa rin ang mga nanalong babae bilang tagapangatawan sa kongreso, senado, at ehukatibong sangay ng pamahalaan. Ang pagiging maalam ng isang tao ukol sa kahalagahan ng pagiging tao ay kinakailangan ng isang lipunan. Mahalaga na maunawaan na ang bawat isa ay may pagkakaiba iba ngunit ay dapat manatili ang pagkakapantay pantay na pananaw natin sa bawat isa. Mahalagang malaman na ang konsepto ng peminismo ay hindi lamang laban sa mga kalalakihan. Ito ay nabuo upang laban ang patriyarka sa sistema ng isang lipunan. Hangarin ng bawat peminista na maging pantay ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan at kalalakihan. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ukol sa kasaysayan ng ating bansa partikular na sa paksang pagkakapantay pantay ng pagtingin ng lipunan sa kasarian ay makakapagpamulat sa bawat isa (lalo na sa mga kakabaihan) kung paano ba nakamit sa ating lipunan ang ilang karapatan na tinatamasa ng mga kababaihan halimbawa ay ang pagboto; pagtatrabaho at pagkakataong makapag-aral ang mga kababaihan; ang mga batas na pinapangalaan ang kalagayan at kaligtasan ng isang babae at higit sa lahat ay ang patuloy na mga organisasyong lumalaban sa karapatan at kalayaan ng mga kababaihan sa mga pang-aabuso, pananakit, at pagtingin sa kanila bilang isang sekswal na kagamitan. Kailangan natin isipin, na ang pagtrato ng tama, pagrespeto at pagunawa sa ibang tao ay mahahalagang bagay na kinakailangan para sa isang maunlad at maayos na lipunan.
0 notes
andreaaalouiseee-blog · 6 years ago
Text
Analyzing modernity: The Mcdonaldization of the society
Mula sa ideya ni Max Weber ukol sa pagiging rasyonalisado ng isang lipunan, naipasok ni George Ritzer, isang awtor, propesor at Amerikanong Sociologist, ang aplikasyon ng ideyang ito sa nangyayari sa loob ng isang Fast Food Chain. Si George Ritzer ay nakilala bilang isang personalidad na subok sa larangan ng psychology at business. Bagamat hindi kilala bilang isang dalubhasa sa larangan ng sosyolohiya, naniniwala si Ritzer na ito ay mabuti para sa kaniya sapagkat hindi nakukulong ang kaniyang ideya sa isang pananaw lamang sa mga usapin sa isang lipunan. Ilan sa mga naiambag ni Ritzer sa usaping Social Theory ay ang mga tungkol sa: Mcdonaldization; Consumption; Prosumption kung saan ipinahayag niya ang dual identity ng isang economic activity at false dichotomy sa production qr consumption; Something vs Nothing kung saan sinasabi ni Ritzer na nababaliwala ng something ang nothing; Globalization; Modern and Post-Modern at ang Metatheory. At sa usaping ito ay pagtutuonang pansin ang McDonaldization.
Ang konspeto ng Mcdonaldization na nagmula kay Ritzer ay inilarawan bilang isang proseso kung saan at paano umiiral ang rasyonalisasyon sa isang Fast Food Chain. Ang McDonalds ay isa sa unang unang fast food chain na nakilala at nagmula sa United States. Nakilala ito bilang isang kainan kung saan nagkaroon ng isang rasyonalisadong sistema. Nagkaroon ito ng maayos at mabilisang pag-aasikaso sa mga customer nito. Maayos ang sistema sa loob ng Fast Food Chain na ito kung saan alam ng bawat manggagawa ang responsibilidad at gawaing kanilang gawin. May mga trabahador na inaasahan sa paggawa ng iba’t-ibang gawain sa iba’t-ibang seksyon ng Fast Food Chain nito kagaya ng Drive Through Area, mga taga-ayos at ligpit ng lamesa, mga tagapagpanatili ng kalinisan ng palikuran at ng establisyimento, mga taga-kuha ng order ng isang customer at may mga trabahador para sa pagluluto at paghahanda ng mga pagkain dito. Dahil sa pagiging rasyonalisado ng sistemang mayroon ang Mcdonalds, naging kilala ito sa US. At mula dito, nagkaroon ng ideya ang iba’t-ibang fast food chain at restaurants upang i-akma ang taktika na naisipan ng namahala sa McDonalds.
Bilang isang establisyimento na may isang maayos at rasyonalisadong sistema, nagiging episyente (efficient) ang mga bagay bagay dahil mas namumulat ang sistema kung paano ba nila makukuha ang inaasam nilang kalalabasan ng kanilang negosyo o organisasyon; nagiging  ‘predictable’ ang kalalabasan dahil sa paulit ulit at pagiging pamilyar sa rutin ng produksyon; nagkakaroon ng maayos na papamahala at kontrol sa sistema dahil sa pagkakaroon ng mga trabahador para sa isang ispesipikong gawain at mga machine para sa mas mabilisang gawain. Ngunit, kung ating susuriin ang epekto at kagandahan ng konspetong McDonalization tayo ay maaring mabahala. Tunay na masasabing “goal-oriented” ang isang sistema kung ito ay rasyonalisado. Ngunit, sa pag-aaral ni Ritzer, nakita niya ang hindi magagandang epekto ng isang rasyonalisadong sistema na nakita niya sa mga Fast Food Chains. Una rito ay ang hindi paglinang ng mga trabahador sa kanilang tunay na kakayahan (skills). Dahil sa mga makina na tumutulong upang mapabilis ang trabaho, hindi nagagawang mahasa at malinang ang kakayahan ng mga trabahador nito. At dahil nga sa pagkakaroon ng makabagong teknolohiya at mga makina, ang pangangailangan sa pagtanggap ng mga trabahador ay bumababa at nagbubunga ng mga pagtanggal sa kanila sa kani kanilang mga trabaho. Dahil dito, masasabi natin na bagamat ang pagiging rasyonalido ay maganda, hindi ito nagiging mabuti upang mas matuto at mahasa ang pagkatao natin.
Naikumpara rin ni Ritzer ang sitwasyon ng fast food chain sa mga siwasyon nangyayari sa ating lipunan. Ayon sa kaniya, sa patuloy na pagkakaroon ng isang hindi magandang sistema sa isang lipunan, hindi nito nagagampanan ang mga bagay bagay na kinakailangan para sa ikauunlad ng isang lipunan. Magandang halimbawa nito ay ang paglaganap ng Globalisasyon sa mundo. Batay sa paliwanag sa naging talakayan ng aming klase ukol dito, ang globalisasyon ay pinakahulugan bilang isang proseso kung saan naapektuhan ng isang estado ang isang bukod na estado na hindi naman nito sakop. At dahil sa panghihimasok ng estado na ito, nagkakaroon ng impluwensya ang kultura nito sa apektadong estado at maging ang mga produkto mula dito ay makapasok.
Kung ating iisipin, makikita natin ang epekto ng mga koreano sa bansang Pilipinas. Marami ang nahuhumaling sa kultura na mayroon ang mga kilalang korean band group kaya naman ay mas nililinang ng mga tao sumusuporta rito ang mga produktong kanilqng ini-endorso. Dahil dito, hindi namamalayan ng mga mamamayan ng isang lipunan na dahil sa pagkahumaling at pagtangkilik nila sa produkto ng iba ay nagdudulot ng pagkababa ng lokal na produkto na maarin magbunga sa pagkababa ng ating ekonomiya. Sa kabuuan, para sa aking pananaw, mahalaga na maunawaan ng isang taong nabibilang sa isang organisayong may sistema ang kahalagahan ng pagiging matalino at pag-iisip ng kritikal sa mga bagay bagay at sitwasyon na nangyayari sa ating lipunan. Mahalaga na maunawaan natin ang kahalagahan at epekto ng isang rasyonalisadong sistema upang tayo ay hindi maging ignorante sa totoong hamon ng buhay. Mahalagang malaman natin na ang pagkakaroon ng plano sa isang bagay na nais nating makamit ay kinakailangan upang patuloy nating mapaunlad ang ating sarili at ang ating lipunan.
0 notes
andreaaalouiseee-blog · 6 years ago
Text
NEO-MARXIAN GRAND THEORIES: The Emergence of Culture Industry
Tunay na malaki ang naging impluwensya ni Karl Marx sa mundo noong siya ay nabubuhay. Nakatulong siya upang imulat ang mga tao sa tunay na kalagayan ng isang lipunan. At dahil dito, marami ang mga naimpluwensyahan niya gamit ang kaniyang mga ideya at kung minsan ay ito pa ang naging pangunahing kaisipan upang mas makabuo pa ng makabuluhang teorya ang ibang tao. Noong panahon ng ika-20 siglo, umusbong ang iba’t-ibang pamamaraan ng pagunawa sa mga nangyayari sa lipunan. Ito ay ang tinatawag na panahon ng Neo-Marxism. Sa panahon na ito ay nagkaroon ng iba’t-ibang pamamaraan ng pagintindi sa nangyayari sa kapaligiran, hindi lamang ayon sa ideya ni Marx, maging sa panibagong mga pamamaraan ng pagtugon sa sitwasyon ng lipunan bunga ng patuloy na pagbabago ng takbo nito.
Noong 1923 nabuo ang tinatawag na Critical Theory sa Institute of Social Research in Frankfurt, Germany sa pamamagitan ng ilang Marxists. Ang Critical Theory ay isang uri ng “social theory” kung saan hindi lamang inuunawa at iniintindi ng isang Critical Theorists ang mga pangyayari sa isang lipunan bagkus ay tinitignan at inoobserbahan nito kung ano ba ang mali sa mga nangyayari sa isang lipunan at ito ay binibigyang solusyon para sa ikakabuti o ikaaayos nito. Ang pamamaraang ito ay nakapokus sa epekto ng kultura sa ilang isyu sa lipunan tulad ng kapitalismo. Mula dito, masasabi natin na ito ay isang bago at naiibang ideya sa pagtingin ni Marx sa kapitalismo kung saan siya ay nakabatay sa materyal na kondisyon ng isang lipunan o ang ekonomiya.
Nang lumipas ang mga panahon, mas naging makapangyarihan ang kultura sa pagpapanatili ng kapitalismo kaysa sa ekonomiya ayon sa mga Critcial Theorist. Ito ay bunga ng pagbabago sa pagiging dominante ng mga kapitalista ng hindi natin namamalayan. Bakit nga ba mas makapangyarihan ang kultura sa pananaw ng isang Critical theorist?  Bukod sa taglay ito ng kahit na sinuman, ang kultura ay ang puno’t dulo na nag uudyok sa isang indibidwal kung ano ba ang dapat niyang paniwalaan, gawing kilos at maramdaman. Maraming pagkakataon na nagiging dominante ang kultura sa isang indibiduwal. Magandang halimbawa nga nito ay ang dulot ng teknolohiya sa ating buhay. Mula nga sa diskusyon ng aking propesor, hindi nagagawa ng teknolohiya ang tunay na layunin nito kung saan ang patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ay marapat na siya ring pag-unlad ng isang indibiduwal sa pagtugon nito sa mga hindi katanggap tanggap na pangyayari sa isang lipunang kaniyang kinabibilangan. Ngunit sa nangyayari ngayon, tayo ay nahahatak nito pababa.
Paano nga ba tayo naapektuhan nito? Sa panahon ngayon, alam kong marami ang katulad ko na ginugugol ang halos buong araw natin sa pagsosocial media, o dili naman kaya ay pag eexplore sa iba’t-ibang teknolohiya tulad ng internet. Dahil natural na lang sa atin ngayon ang magbabad sa mga ito, halos hindi na natin namamalayan na nauubos ang ating oras dahil sa paglilibang. Na tila ba nawawalan na tayo ng oras upang mag-isip ng kritikal sa mga kaganapan sa ating lipunan. Hindi rin natin namamalayan na dahil sa iba’t-ibang paglulunsad ng makabagong teknolohiya ay nagagawa nating suportahan ang isang negosyong pinamamahalan ng isang kapitalista na siya namang dahilan ng pagkakaroon ng isang pangit na sistema. Hindi natin alam na sa pamamagitan ng mga ito tayo patuloy lamang tayong nakukuntento sa mga nangyayari sa ating kapaligiran na tila ba hindi natin ito nais solusyonan. Nagagawa nitong bulagin at pigilan tayong maging maalam sa mga nangyayari sa ating kapaligiran at mag-isip ng kritikal sa kung paano ba natin dapat tatanggapin at babaguhin ang mga maling nangyayari sa ating lipunan.
At dahil sa mundong umiiral ang kapitalismo, may mga kaganapan pa ang umusbong sa lipunan ang nagpapakita ng kapangitan ng sistema na mayroon ito, ang fordism at post-fordism. Ito ang mga pamamaraang ginawa ng mga walang pusong kapitalista upang patuloy na mamayani sa ating lipunan. Ang fordism ay isang sistema na ginagawa ng kilalang negosyante ng mga saksakyan na si Henry Ford. Siya ay kilala dahil sa mabilisang at maramihang paggawa nito ng mga sasakyan. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat na sa likod nito ay ang may mga manggagawang biktima ng isang pangit na sistema. Sa sistema ng fordism, ang isang manggagawa ay inaasahan na gumawa ng isang trabahong paulit ulit niyang gagawin sa bawat pagbuo ng isang sasakyan. Iikot ang kaniyang trabaho at mga gagawin sa iisang pokus lamang. Na siyang magiging sanhi ng hindi pagka-“flexible” ng isang tranahador na gumawa pa ng ibang klase ng trabaho o kaya naman ay ang pagkakaroon ng mga magkakatulad at magkakahawig na produkto (Homogenous Product).  Halimbawa ay kung siya ay tiga-pintura ng isang sasakyan, sa bawat paggawa ng kompanya ng sasakyan ang tanging gagawin lamang niya ay ang magpintura nang magpintura. Dahil dito, nagdudulot ito ng hindi pagunlad ng kasanayan at abilidad ng isang tao. Sa kabilang banda, nang lumipas ang panahon, nagkaroon ng pagkasira sa sistemang mayroon ang fordism (1970s) dahil sa pagkakaroon ng krisis sa langis.  At dito na nga naisilang ang ilang mga panibagong pamamaraan ng pagiging dominante ng mga kapitalista hindi lamang mula sa U.S maging sa ibang bansa. Dahil sa pagtaas ng presyo ng langis bunga ng pagpigil ng mga Arabong kasapi ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na makipagugnayan sa America ng bentahan ng langis, at dahil sa pagiging depende ng Ford Company sa langis upang mapagana ang mga machinery nito, nalugi ang kumpanya. At bunga ng pangyayari ito, nagkaroon ng makabagong sistema sa ibang bansa tulad ng Japan sa pagbuo ng ilang mga produkto. Ang mga manggagawa ay sinanay na bumuo ng mga produktong iba iba ang istilo at kalidad na naging rason naman upang pagawain ang mga ito nang higit sa iisang kasanayan (Multitude of Skills). Sa panahon na ito, ang mga manggagawa ay inaasahan na mabilis na makakabagay sa mga pagbabago at paggawa ng iba’t-ibang trabaho subalit mawawalan ng kabihasaan sa isang uri ng kasanayan.
Kung ating paiiralin ang pag-iisip ng rasyonal, masasabi natin na hindi pa ring ganap na namumulat ang mga mamamayan sa panahon ngayon na labanan ang kapitalismo sa ating lipunan. Tayo ay patuloy na nabubulag ng mga kapitalista na ito sa iba’t-ibang pamamaraan, tulad na nga ng pang-aabuso nila sa kakayahan ng teknolohiya. Sa aking pananaw, bilang isang indibidwal, masasabi ko na hindi magiging madali ang pagpuksa sa kapitalismong namamayani sa ating lipunan sapagkat sa panahon ngayon tayo ay hindi nabibigyan ng magandang kalidad ng edukasyon upang tayo ay imulat sa tunay na nangyayari  sa nabubulok nating sistema sa kasalukuyan. Kaya naman naniniwala ako na mahalaga ang pagiging isang mapanuring mamamayan at ang pagiging isang indibidwal na maalam sa mga nangyayari at nakakapag-isip ng malalim at kritikal sa kung paano ba dapat niya unawain ang mga ito at kung paano siya dapat kumilos ng naayon sa pagbabago o ikagaganda ng ating lipunan.
0 notes
andreaaalouiseee-blog · 6 years ago
Text
MAX WEBER: The Rationalization of Society
SI MAX WEBER SA MUNDO NG SOSYOLOHIYA - February 19,2019
Si Max Weber ay isang German sociologist na ipinanganak noong April 21 1864. Nang siya ay makatapos sa sekondarya, nag-aral siya tungkol sa pag-aabogado, kasaysayan, pilosopiya at ekonomiya sa loob ng tatlong semestre sa Heidelberg University bago pumasok sa militar. Unang nakilala si Weber bilang isang ekonomista. Sa kabilang banda, sa larangan ng sosoyholiya, kilala si Weber bilang isang “subjectivist.” Ito ay isang pamamaraan kung saan tinitignan niya ang isang lipunan batay sa pananaw ng bawat indibiduwal. Salungat ito sa ideya ng pamamaraang objectivist, kung saan ang bawat indibudwal ay tinitignan bilang isang bagay na naapektuhan ng lipunan. Si Weber ay lubusang nakilala sa sosyoholiya dahil sa kaniyang thesis na “Protestant ethic” kung saan ipinaliwanag at pinalawak niya ang ibang ideya ni Karl Marx ngunit kaniyang kinontra at hindi sinang-ayunan ang iba. Siya ay kilala bilang sumasalungat sa ideya ni Karl Marx tulad ng kapitalismo.
Isa sa ideya na nagmula kay Weber ay ang pagiging rasyonal ng isang lipunan. Ayon sa kaniya, ang isang rasyonalisado na lipunan ay mayroong isang maayos na sistema. Sinasalamin ng isang rasyonalisado na lipunan ang pagkakaroon ng isang plano na makakapagpabuti at makakapag bigay kaayusan sa magiging takbo nito. Mayroong apat na uri ng pagiging rasyonal, una ay Practical Rationality o ang tinatawag ng karamihan na “common sense”, sumunod ay ang Theoretical Rationality kung saan ang isang tao o lipunan ay nakakagawa ng isa o mga pamamaraan na makakapagbigay solusyon sa isang problema, ang Substantive Rationality o ang pagdedesisyon ng base sa mga nakaugalian at paniniwala at ang panghuli ay ang Formal Rationality kung saan ang pagdedesisyon naman ay batay sa mga tuntunin, batas at mga legal na procedures.
Bukod rito, ipinaliwanag rin ni Weber sa kaniyang thesis ang kaniyang naiibang ideya ng kapitalismo kumpara kay Marx. Ayon kay Weber, ang kapitalismo ay ugat ng isang relihiyon na tinatawag na Protestantism at hindi nagmula sa mga materyal na bagay kagaya ng sinasabi ni Marx. Ang Calvinist, isang sekyon sa ilalim ng relihiyong Protestantismo, ay naniniwala na ang pagkaligtas ng isang tao ay nakabase sa dami ng mga mabubuting nagawa nila sa haba ng kanilang buhay. At mula dito, para sa mga Calvinist, ang pagkakaroon ng mga kita mula sa isang negosyo ay isa sa magagandang gawain o tagumpay na kanilang nagawa sa mundong ibabaw. At dahil sa paniniwalang ito, natuto sila na mag-isip ng rasyonal at patuloy na lumaganap ang mga negosyo. Sa kabuaan, ipinihayag ni Weber, na ang kapitalismo ay bunga ng isang relihiyon at hindi palagiang bunga ng mga materyal na bagay o ng mga isyu sa isang ekonomiya.
Isa pa sa ideyang ipinaliwanag ni Max Weber sa kaniyang thesis, ang ang ibat ibang struktura ng awtoridad. Pinag-aralan ito ni Weber sa kaniyang thesis upang malaman at maipakita kung paano ba nagkakaroon ng isang maayos na sistema sa loob ng isang organisasyon o lipunan. May 3 uri ng authority structures ayon kay Weber, una ay ang Traditional Authority kung saan nagkakaroon ang isang indibduwal ng kapangyarihan batay sa mga paniniwala at kaugalian. Isang halimbawa nito ay ang mga mana na nakukuha ng isang tao na maaring hindi naman kuwalipikado sa isang posisyon na nagmula sa isang negosyanteng pamilya. Dito ay naipapasa sa kaniya ang awtoridad na mayroon ang kaniyang pamilya sa isang organisasyon. Ikalawa ay ang Charismatic Authority kung saan ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay base sa mga kaniyang nagawa/heroism acts, kung minsan ay batay sa mga  nagawa na nito sa ibang organisasyon, o kaya naman ay kung minsan sa karisma na mayroon ang kaniyang pisikal na itsura. Ang halimbawa nito ay ang samahan ng Iglesia Ni Cristo, kung saan sinusunod nila ang mga utos at bilin ng kanilang ministro. Ang kapangyarihan sa strukturang ito ng awtoridad ay naipapasa sa pamamagitan ng pagbagay o paggaya sa ugali o pamamaraan ng isang lider. At ang huli ay ang Rational-Legal Authority kung saan ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay nakabatay sa mga legal na patakaran at tuntunin. Halimbawa nito ay isang Bureaucracy.
Mahalaga na maunawaan ang iba’t-ibang ideya ni Weber sa larangan ng sosyolohiya sapagkat makakatulong ito upang mas magkaroon ng dagdag na kaalaman sa pagtugon sa mga nangyayari sa isang lipunan. Nagbibigay din ito ng mas malalim na pagkaunawa sa mga isyu sa isang lipunan na maaring magmulat sa kaisipan ng isang indibidwal upang makakilos ng ayon sa kung ano ang tama at dapat gawin. Bukod pa rito, ang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa pag-iisip ng rasyonal ay maaring magsilbing daan sa pag-unlad, hindi lamang ng lipunan maging sa pag-unlad bilang isang indibidwal. Sa pamamagitan rin ng mga impormasyon ukol sa ideya ni Weber, mabubuksan ang isip ng mga tao kung paano nagiging maimpluwensya ang isang relihiyon sa mga ginagawa, pananaw at paniniwala ng isang tao. At isang halimbawa nga nito ay ang ideya na nagmula kay Weber ukol sa kapitalismo.
Sa aking pananaw, sumasang-ayon ako sa ideya ni Weber na ang pagiging rasyonalisado ng isang lipunan ay mahalaga upang maging maunlad ang isang lipunan at magkaroon ng isang maayos na sistema o pamamahala sa loob nito.
0 notes
andreaaalouiseee-blog · 6 years ago
Text
KARL MARX: From Capitalism to Communism
Isa sa pinakakilalang personalidad sa mundo ng Sosyolohiya si Karl Marx. Siya ay isa sa pinakamahalagang tao na nagmulat sa bawat tao upang isipin ang kapakanan ng isang lipunan. Si Karl Marx na ipinanganak noong ika-5 ng Mayo taong 1818 sa Trier Germany, ay kilala bilang Ama ng komuniso. Siya ay naging isang manunulat ng Dyaryo at di kalaunan ay naging editor nito. Ngunit, di rin nagtagal ay hindi ito naging matagumpay. Kilala si Marx bilang isang rebolusyonaryo noong kaniyang panahon. Ang kaniyang mga isisnusulat ay tungkol sa mga problema at kalagayan ng mga mamamayan sa isang lipunan. Sa katunayan, humigit sa kalahati ng mundo ang naimpluwensyahan ng mga aklat na isinulat ni Marx na nagudlot sa kanila upang mag rebolusyon. Mula rito, masasabi natin na isa si Marx sa mga nagmulat sa mga tao kung bakit hindi nagiging maunlad ang bawat isa.
Ang sistema sa loob ng isang lipunan ang napiling pag-aralan ni Marx noong panahon niya. Siya ay naghanap ng kasagutan kung bakit may mga taong namamatay pa rin sa gutom at nananatiling hindi maunalad ang pamumuhay.  Ayon kay sa kaniya, ang sanhi ng hindi pag-unlad ng isang lipunan ay dala ng sistemang Kapitalismo kung saan ang mga namamahala sa isang lipunan ay mga kapitalista. Ang Das Kapital at Communist Manifesto ay ilan sa mga aklat na naisulat ni Marx na naging doktrina ng mga bansang Komunista. Kalaunan, nang si Marx ay pumanaw, nabuo ang konspeto ng Marxismo.
Ang Marxismo o Marxism sa ingles ay ang ideyolohiya kung saan ang mga tao ay lumalaban o galit sa mga kapitalismo. May tatlong bagay na pinagtuunang panisn ang Marxismo, una ay ang Dialectical Materialism kung saan itinuturo sa mga tao na ang mga bagay o pangyayari sa isang lipunan ay magkakaugnay at patuloy na nagbabago, Historical Materialism kung saan pinapairal ang konsepto ng Dialectical Materialism sa mga naunang panahon/kasaysayan at Political Economy na ginagamit bilang basehan ng mga katotohanan, problema at pangayayari sa isang lipunan.
Dahil sa patuloy na paglaganap ng sistemang kapitalismo sa isang lipunan, kasabay nito ang pag-iral ng “Forced Labor.” Ang trabaho ay isa sa pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan ng isang lipunan. Ito ay ang isang gawain na hindi lamang ginagawa para tayo ay mabuhay, ito ay isang bagay na mahalagang magdulot kasiyahan at pagkabuo sa isang tao. Sabi nga, “there is a greater degree of humanity if labor is achieved.” Mula sa mga prinsipyo ni Marx, ang tao ay may kakayahang umunlad dahil sa kaniyang taglay na kamalayan. Ngunit, sa mundo kung saan umiiral ang kapitalismo, ang mga tao ay hindi umuunlad bilang isang tao sapagkat hindi niya nakikita ang kaniyang sarili sa kaniyang trabaho. Ibig sabihin siya ay hindi nagiging masaya. Tinatawag itong Alienation. Ang Alienation ay ang pangunahing rason kung bakit hindi nagagawang maging “buo” ng isang tao mula sa kaniyang trabaho sapagkat bukod sa hindi nasusuklian ng sapat na kita ang kaniyang pagod at pinaghirapan, siya ay hindi nagiging masaya sa kung ano ang idinidiktang trabaho ng kaniyang kapitalismong amo.
Sa aking pananaw, tunay ngang namamayani ang mga kapitalista sa ating bansa ngayon. Marami sa ating kapwa mamamayan ang patuloy na nagugutom, naghihirap at naabuso ng mga kapitalistang makasarili. Kung ating papansinin ay mabibilang mo pa rin ang mga taong regular, nasisiyahan at nakakatamasa ng mga karapatan bilang mangagawa sa kanilang mgatrabaho, ang lumalaganap sa ating bansa. Sa katunayan, ang aking ama ay isang kontraktwal na trabahador ng isang maliit na kumpanya. Siya ay isang welder. Alam ng aking ama na ang kaniyang ‘boss’ ay isang kapitalista na patuloy na pinagdadamutan ng mataas na sahod at mga benepisyo ang kaniyang mga manggagawa. Ngunit sa kadahilanang siya ay may edad na, hindi niya magawang umalis o labanan ang problemang ito kaya pinagtityagaan na lamang niya ang kaniyang sitwasyon. Mula rito, masasabi ko na isa nga sa sakit ng lipunan ay ang kawalan ng kalakasan ng mga naabusong manggawa. Dahil sa mga paghahari ng ibang kapitalista ay hindi na magawang umunlad ng bawat pamilyang mahihirap sa bansang ito. Masasabi rin natin na hindi lamang sa malalaking kumpanya namamayani ang mga kapitalista. Kagaya ng boss ng aking ama, hindi pa man din malaki ang kaniyang kumpanya ay hindi na niya minamahal ang kaniyang mga manggagawa. Masasabi ko na nawala sa bawat isa sa atin ang pagiging makatao. tayo ngayon ay nakatira sa isang mundong makasarili. Tayo bilang tao, mula nga sa nabanggit kanina, ay may kakayahang maging maunlad dahil tayo ay may kamalayan. Mayroon tayong sapat na karunungan upang malaman kung ano nga ba ang tama at mas nakakabuti para sa atin. Mahalaga na malaman ng bawat isa sa atin na hindi dapat tayo pumapayag o nakukuntento na lamang sa kung ano at sino ba ang “tayo” sa kasalukuyan. Kinakailangan nating isaisip na ang pagkakaroon ng kamalayan sa ating kapaligiran ay isang mahalagang bagay sapagkat ito ang makakatulong satin upang tayo ay umunlad at maging ang lipunan.
1 note · View note
andreaaalouiseee-blog · 6 years ago
Text
EMILE DURKHEIM: From Mechanical to Organic Solidarity
Si Emile Durkheim ay isang pranses na “social scientist” na ipinanganak noong April 15, 1858, sa Épinal, France. Nakilala siya sa larangan ng sosyolohiya dahil sa kaniyang mga iba’t-ibang kontribusyon at teorya tulad ng kaniyang paniniwala na nagbabago ang isang lipunan. Una niya itong nabigyang pansin dahil sa kaniyang pagtingin sa paggawa ng mga trabaho simula noong unang panahon kumpara sa makabagong panahon noong siya ay nabubuhay. Isa si Durkheim sa mga sociologist na hindi naniniwala sa konspeto ng Relihiyon. Nabibilang rin siya sa isang mayaman na pamilya. Sa panahon ngayon, marami ang naniniwala na siya ay mas mahalagang tao sa larangan ng kasaysayan ng Sosyolohiya kaysa kay Auguste Comte.
Isa sa mga pananaw ni Durkheim sa larangan ng Sosyolohiya ay ang tungkol sa Relihiyon na pinaniniwalaan niyang “Social Thing.” Ang social thing ayon sa kaniya, ay ang mga bagay na naapektuhan o sumasalamin sa kakayahan ng isang lipunan. Ayon sa kaniya, may dalawang salita na maikokonekta sa tuwing pinag-uusapan ang salitang relihiyon. Ito ay ang salitang “Sacred” at “Profane.” Ang sacred ay ang mga bagay na pinaniniwalaan ng isang indibidwal na may kapangyarihan, sa kabilang banda, ang profane naman ay tumutukoy sa mga bagay na normal lamang, walang kapangyarihan at sumasalungat sa kahulugan ng salitang sacred. Paano nga ba nagiging banal ang isang bagay? Ito ay dahil sa mga ritwal na ginagawa ng mga indibidwal rito. Para kay Durkheim, ang mga tao sa isang lipunan ang gumagawa at nagbibigay kahulugan sa mga bagay na itinuturing nilang banal o sagrado.  At dahil dito, nasabi ni Durkheim na ang relihiyon ay isang social thing sapagkat ang lipunan mismo ang nagpapakuluhugan sa kung ano nga ba ang konspeto ng relihiyon at ibig sabihin ng salitang “God.”
Isa pang ideya na nagmula kay Durkheim ang konspeto ng pagbabago ng lipunan base sa mga pagkakahati hati ng mga gawain at pagkakaiba iba ng mga trabaho o spesyalidad ng bawat mamamayan sa isang lipunan. Ayon sa kaniya, mayroong dalawang klase ng lipunan noon at nagkaiba ito batay sa pagkakaisa ng miyembro ng lipunan. Ang Mechanical Solidarity ay ang klase ng lipunan na mayroon noong unang panahon kung saan iisa ang trabaho ng mga mamamayan halimbawa ay ang lahat sa kanila ay magsasaka at mangangaso, Sa ganitong klase ng lipunan masasabi natin na ang bawat isa ay mayroong iisang paniniwala, layunin at pagkakatulad ng mga karanasan.  Sa kabilang banda, sa mas modernong panahon, ang lipunan ay tinatawag na Organic Solidarity. Dito ay nagkakaroon na ng pagkakaiba iba ng mga trabaho at spesyalisyon ang mga mamamayan. At dahil sa pagkakaroon ng iba’t-ibang gawain, kinakailangan ngayon ang mas maraming bilang ng tao. Sa Organic Solidarity ay mayroong iba’t-ibang paniniwala ang mga tao, hindi iisa ang kanilang mga trabaho, mga pinaniniwala, mga kaugalian at hindi magkakatulad ang kanilang mga nararanasan subalit, ang kanilang pagkakabuklod ay bunga ng kanilang pangangailangan sa mga papel o spesyalisayon ng bawat isa. Isa rin sa mga makabuluhang naiambag ni Durkheim sa sosyolohiya ay ang konspeto kung paano nakakaapekto ang isang lipunan sa pagpapakamatay o pagkamatay ng isang miyembro nito. Noong panahon ni Drukheim, naging isyu ang “Suicide” kaya naman ito ay kaniyang pinagtuonan ng pansin. Ayon sa kaniya, ang pagpapakamatay ng isang tao ay bunga ng maaring pagkakaroon ng mataas na mataas na o kaya naman ay ang mababang attachment nito sa lipunan o ang tinawag ni Drukheim na Social Integration. May dalawang uri ng Suicide, ang Altruistic Suicide kung saan nagagawa ng isang tao na magpakamatay sapagkat alam niyang nakakasalay ang ikabubuti ng karamihan kung ito ay kaniyang gagawin at Fatalistic Suicide kung saan nagkakaroon ng excessive social control sa isang tao kung saan maaring siya ay napepressure sa mga nangyayari sa lipunang kaniyang kinabibilangan na nagbibigay sa kaniya ng mga suliranin at ang pagpapakamatay na lamang kaniyang naiisip na paraan upang siya ay makaligtas rito.
Sa aking pananaw, mahalaga na matutunan at malaman ng bawat isa ang mga teorya na nagmula kay Durkheim lalo na ang tungkol sa Suicide sapagkat sa panahon ngayon ay marami ang sumasailalim sa isyung pangkaisipan kung saan bumababa ang kanilang tingin sa kanilang sarili o kahalagahan. Bilang isang tao na nagkaroon ng isang kamag-anak (4th Cousin) na biktima ng depresyon, alam ko ang pakiramamdam kung paano mawalan ng kamag-anak na namatay dahil sa pag-susuicide. Bagamat hindi kami ‘close’ kagaya ng iba kong pinsan, hindi maganda sa pakiramdam na mawalan ng kadugo ng dahil sa pagpapakamatay. Ni hindi malaman ng kahit sino sa amin ang dahilan kung bakit niya ito nagawa miski ang kaniyang magulang o kapatid at asawa. Patuloy ang mga katanungan sa amin kung bakit niya ito nagawa. Kaya para sakin, mahalagang malaman ng natin, na tayo bilang kasapi ng isang lipunan, ang ating mga kilos, salita at asal ay nakakaapekto sa isang tao sa isang lipunan o sa lagay ng lipunan. Dapat ay matuto tayong magpahalaga sa ating mga kapwa. Marapat na maisip ng bawat isa satin, na tayo ay isang mahalagang instrumento sa pagkakaroon ng kaayusan o kaguluhan sa isang lipunan. Kailangan nating isipin na hindi tayo dapat maging makasarili na laging uunahin lamang ang sarili nating kapakanan at nawawalan ng pakialam sa mga nangyayari sa ating kapaligiran. Kinakailangan na manumbalik sa bawat isa ang pagkakaroon ng pagmamahal sa isang lipunan kung saan marapat na hindi lamang tayo tutunganga at manonood sa mga isyu at problema rito.
1 note · View note
andreaaalouiseee-blog · 6 years ago
Text
SOCIAL THEORY: Its Uses and Pleasures, Charles Lemert. Social Theory, Multicultural and Classic Readings, Westview Press, 1993
Ang tekstong ito ay tungkol sa kaligiran ng Sociology o sa tagalog ay Sosyolohiya. Maaring marami sa atin ang hindi pamilyar sa kasaysayan at mga kaganapan noon kung ano, bakit at paano nabuo ang konseptong ‘Sociology.’ Mahalaga na ating matalakay, mapag-usapan at mabalikang tanaw ang kasaysayan ng Sosyolohiya, sapagkat maari nitong malinang ang ating kaisipang panlipunan. Ayon sa isang guro ng social studies mula sa Navotas High School, ang kasaysayan ay pagsusuring ulat o salaysay ng mga pangyayaring naganap sa iba’t ibang panahon. Mula rito, masasabi natin na ito ay mga ‘records’ tungkol sa isang nasyon, bayan, lipunan na nagmula rin sa mga dokumentong nakasulat. Sa mga ‘records’ na ito ay nakapaloob ang iba’t ibang kwento ng bansa o isang lipunan tulad ng mga kabuhayan na mayroon rito, pulitika o mga kilalang personalidad, heograpiya at marami pang iba. Sabi nga ng aking Guro noon sa Readings in the Philippine History, ang kasaysayan daw ay isang klase ng salaysay na may saysay. Kung ating iisipin, masasabi natin na ang kasaysayan ang pinagmumulan ng mga impormasyon o kaalaman at kung minsan ay maaring magpaliwanag sa atin ng mga kaganapan sa panahong kasalukuyan.  Bakit nga ba ito mahalaga? Bukod sa ito ay mahalaga sapagkat isa ito sa nagbibigay sa atin ng identipikasyon, parte ng buhay natin o ng lipunang ating kinabibilangan ang mga nangyari sa ating kasaysayan. Hindi ba marapat na alam natin ang mga pangyayaring nagdaan upang tayo ay matuto mula sa mga ito? Ayon sa website ng Unyonpedia, ang sosyolohiya o dalubulnungan ay ang pag-aaral ng mga alituntunin ng lipunan at mga proseso na binibigkis at hinihiwalay ang mga tao hindi lamang bilang mga indibiduwal kundi bilang kasapi ng mga asosasyon, grupo, at institusyon. Mula rito masasabi na ang sosyolohiya ay isang pag-aaral sa mga kaganapan ng isang lipunan at mga kasapi nityo. Upang ating lubusang maintindihan ang konspeto ng Sosyolohiya, kinakailangan na malaman natin ang kasaysayan nito. Nais kong ipakilala sa inyo si Auguste Comte (1798–1857), isang pranses na kinilala bilang ama ng Sosyolohiya. Siya ang tinaguring ama ng disiplinang ito, sapagkat siya ang kauna unahang ‘social thinker’ na gumamit ng terminong “Sociology” sa kaniyang pag-aaral noong 1838. Ayon sa kaniya, ang isang lipunan (society) ay nalilinang at nagbabago batay sa tatlong yugto ng pag-iisip: (1) theological - base sa mga ‘supernatural’ na pangyayari (man take over nature); (2) metaphysical – nakabatay sa mga ‘natural’ na pangyayari  (religious manner) at (3) scientific/positivism – batay sa siyensya (modern state/physical world). Sinabi rin ni Auguste Comte na kinakailangan sa isang lipunan ang matalinong pag-iisip batay sa mga katotohanan o katibayan mula reyalidad ng isang pangyayari upang masolusyonan ang mga problema nito. Naniniwala siya, na upang makamit ang isang “ideal” na lipunan marapat na ang mga taong bumubuo rito ay nasa yugto ng pag-iisip ng siyentipiko (or the concept of Positivism). Ang pag-usbong ng pagkakaroon ng konspeto ng Sociology ay nagsimula noong Dark Ages kung saan ang mga namumuno sa “lipunan” ay ang simbahan. Bukod rito, noong panahon na iyon ay umiiral ang Monarchy-type of Government (Setting: West). Ang mga nabanggit na namumuno noon ay nagsilbing piring sa isip ng mga tao sapagkat kinontrol nila ang mga ito at hindi manlang binigyan ng pagkakataon na maipahayag ang kanilang nararamdaman. Noong kalagitnaan ng 1600s at 1700s, umusbong ang tinatawag na Age of Enlightenment. Sa panahong ito ay unti unting namumulat ang mga mamamayan na nagiging balakid para sa kanilang ikauunlad ang sistema ng gobyerno. Sila ay unti unting natututo na isiping mabuti ang reyalidad sa kanilang kalagayang sosyal. Ang panahong ito ay nasundan ng French Revolution noong 1789. Ito ay isang madugong labanan sa pagitan ng mga peasants at merchants laban sa gobyerno. Nagkaroon ng ganitong pangyayari sapagkat unti unti ng namumulat ang mga indibidwal sa mga pang abusong idinudulot ng gobyerno sa kanila. Kasunod nito ay ang Industrial Revolution noong Mid 1700s-1800s, dito ay nagsimula na ang pagkakaroon ng mga pagbabago sa agrikultura at pag-unlad ng teknolohiya. Ito ay nagsimula sa England, patungo sa western Europe, America, Canada at umabot pa sa Japan. At sa huli, naipasok sa mga sumunod na panahon ang mga Relihiyosong paniniwala at gawain. Ginamit ng simbahan ang siyensya at pag-unlad ng mga teknlohiya upang mapatunayan na mahalaga pa rin sila sa isang nasyon. Isa rin sa dapat maintindihan natin ay kung ano ba ang mga nangyari matapos ang Dark Ages. Paglipas ng maraming taon, dahil sa mga pangyayaring nabanggit, nagkaroon na ng kaalaman ang mga tao ukol sa lipunan. Nagkaroon ng tinatawag na “School of Thoughts.” Kabilang dito ay ang tinatawag na Classical Romanticism. Dito nabibilang ang mga taong ayaw nang pagbabago. Ayon sa kanila, mas epektibo ang pamamahala ng isang Hari o kay naman ay Reyna. Naniniwala sila na ang pagkakaroon ng rebolusyon ay isang malaking pagkakamali. Ikalawa, kung saan nabibilang si Auguste Comte ay ang Conservative Romanticism, dito naniniwala ang mga tao na isang pagkakamali ang rebolusyon ngunit hindi sila sumasang-ayon na kinakailangan ibalik ang klase ng pamamahala noon. Ang mga kasapi ng Conservative Romanticism ay nagpapalaganap ng kaalaman na dapat ay tanggapin ng mga mamamayan ang sistemang mayroon ang isang lipunan. Ikatlo, kung saan nabibilang sina Karl Marx at Max Weber, ay ang Progressive way of thinking. Dito, pinaniniwalaan na kinakailangan ang lubusang pagbabago sa isang lipunan.Mahalagang maintindihan ng bawat isa sa atin konspeto ng Sosyolohiya sapagkat ito ang magiging daan upang tayo ay matuto at makakilos ng ayon sa ‘dapat’ nating gawin upang makamit ang hinahangad nating kalagayan ng isang lipunan na ating kinabibilingan. Sa paglinang ng ating isip upang maunawaan ang itsura ng ating lipunan sa ngayon ay kinakailangang taglayin ng bawat isa sa atin sapagkat tayo ang kumikilos at bumubuo para sa ating lipunan. Tayo bilang mamamayan at miyembro nito ay dapat na maging responsible sa pagpapaunlad nito hindi lamang para sa ikabubuti natin kundi para rin sa ikabubuti ng mga susunod pang henerasyon. Sa aking pananaw, masasabi ko na naniniwala ako sa konsepto ni Auguste Comte na malaking tulong ang pagkakaroon ng siyentipikong pag-iisip kung saan kinakailangan nating ibatay sa reyalidad ng lipunang ating kinabibilangan ang ating matalinong pang-unawa at pagbuo ng ating mga pananaw at prinsipyo. Kung sa usaping relihiyon naman, nais ko lamang ipabatid sa lahat, na maaring mahirap na mabago ang mga paniniwala ng bawat isa sa atin. Hindi natin dapat gawing layunin na ipagpilitan na pairalin ng lahat ang “Scientific Stage of Thinking.” Kaya naman, tayo bilang isang mabuting kasapi ng isang lipunan, marapat na matuto tayong magbigay respeto sa mga pananaw at paniniwala ng mga taong ating nakakasalamuha. 
0 notes
andreaaalouiseee-blog · 6 years ago
Text
The Promise, Charles Wright Mills. The Sociological Imagination, 1959
Ang “The Promise” na isinulat ni Charles Wright Mills noong 1959 ay isang uri ng sanaysay. Si C. Wright Mills ay isang ‘American Sociologist’ at naging propesor ng sosyolohiya sa Unibersidad ng Columbia noong 1946. Tinalakay ng awtor sa sanaysay na ito ang tungkol sa koneksyon ng isang indibidwal sa isang lipunan at kinalaman ng lipunan sa bawat mamamayan nito. Dito tinalakay ni Wright Mills kung gaano kahalaga na magkaroon ng interaksyon ang isang tao sa kaniyang kapaligiran.
Isa sa magandang pinupunto ng tekstong ito ay ang tungkol sa konsepto ng ‘Social Imagination.’ Ayon kay Mills, sa pamamagitan ng ‘Social Imagination’ mas malalaman ng isang indibidwal na kasapi ito sa isang lipunan. Sa isang taong napapairial ang kaniyang ‘Social Imagination’, maiintindihan niya na mayoon siyang responsibilidad at tungkulin para sa ikabubuti ng isang lipunan. Mauunawaan niya ang relasyon na mayroon siya at ang kaniyang lipunan.  Ipinapabatid ni Mills sa sanaysay na ito,  na kinakailangan umiral sa bawat isa ang pagkakaroon ng rasyonal na pag-iisip na siyang sasalamin sa kung paano dapat tignan ang isang problema.  At sa tulong ng konsepto ng ‘Social Imagination’ ay mas matuto siyang mag-isip ng mas malalim at makabuluhan sapagkat mas magiging malawak ang kaniyang pang-unawa hindi lamang sa kaniyang sariling problema, maging sa kung ano ba ang koneksyon ng lipunan sa kaniyang sitwasyon. Nais rin ipaalam ni Wright Mills sa mga mambabasa na mahalaga na maunawaan natin ang epekto ng isang lipunan sa isang problema o sitwasyong nangyari o nangyayari. Ayon sa kaniya, kailangan ay matutunan ng isang indibidwal kung paano titignan ang problema o isang sitwasyon nang maikokonekta ang personal na isyu at ang mga kaganapan sa panahon na iyon. Dagdag pa rito, gustong ipaintindi ni Mills na ang bawat isa sa atin ay may malaking epekto na maaring sumira o humubog sa isang lipunan. Mula dito masasabi natin na mahalagang alam at natututo ang isang tao sa kaniyang mga karanasan. Dapat ay maunawaan niya na kung “paano siya maubuhay sa hinaharap” ay bunga lamang din ng kaniyang mga desisyon at gawi sa buhay. Sa madaling salita, kinakailangan ay matuto ang bawat indibidwal na makialam at mangialam (sa positibong pananaw) sa kung ano ang nangyayari sa ating lipunan sapagkat dito masasalamin ng bawat isa kung paano ba dapat siya kumilos para sa ikakabuti ng isang lipunan at maging sa kaniyang pansariling kabutihan.
           Ako bilang isang indibidwal, masasabi ko na hindi ko nagagampanan ng maayos ang tungkulin ko sa isang lipunan. Kadalasan ay mas iniisip ko ang kapakanan ko at hindi ko binibigyang pansin ang mga nangyayari sa aking kapaligiran. Madalas rin na hindi ko tinitgnan sa paraang obhektibo ang mga suliranin na nangyayari sa bansa at patuloy itong isinisisi lamang sa iba. Lingid sa aking kaalaman na bilang isang mamamayan sa lipunang ito, malaki ang aking pagkukulang. Kaya naman ikaw, kagaya ko, nais kong maunawaan mo o ng bawat isa sa atin kung ano ba talaga ang papel na ginagampanan ng lipunan sa atin gayundin naman ang papel na ginagampanan natin sa lipunan. Importante na tayo ay may sapat na kaalaman kung paano ba dapat natin bigyang kabuluhan ang ating mga opinyon sa isang isyung panlipunan, nararapat na marunong tayo umunawa ng isang sitwasyon nang hindi lamang nakabase sa panlabas na itsura nito, dapat ay matuto tayong “maghukay” ng mas malalim na dahilan o rason kung bakit at paano ba nangyari o nag-ugat ang isang problema. Isa pa, kinakailangan ay matuto tayong kumilos para sa pagbabago at ikabubuti ng ating lipunan. Ito ay dapat magsimula sa ating sarili, kung paano tayo mag-isip, kung paano tayo magbigay halaga sa iba’t-ibang bagay, kung paano natin solusyonan ang isang problema na ginamitan ng masuring pag-iisip at matalinong pagpapasya at higit sa lahat, kung paano natin sagutin ang isang tanong na magpapakita na tayo ay hindi mangmang at “kanser” ng lipunan. Sa katunayan, isa sa MAKAKATULONG sa atin na magawa ang mga bagay na ito ay ang paglinang at pagtangkilik sa mga tekstong makabuluhan katulad ng SANAYSANAY na ito na pinamagatang THE PROMISE na isinulat ni CHARLES WRIGHT MILLS.
1 note · View note