akosimarkulet
AkosiMarkulet
196 posts
Blog is under construction.
Don't wanna be here? Send us removal request.
akosimarkulet Β· 1 year ago
Text
CIMB at it's finest!
Gaano ba katagal bago magresponse ang isang chat support?
It is almost a month, tsaka nyo ko tatanungin?
Bat naman ganon?
Nag-follow-up na ako lahat, di pa kayo makapagreply?
I need to make another report para lang asikasuhin?
Ngayon, kailangan ko pa ulit maghintay ng 2-3 weeks para sa card na supposedly dapat nasa akin na sa tagal pala ng processing.
I know it is an isolated case, pero sana naman nung nag-follow-up ako, may nagreply man lang.
Sana, after promissing 2-3weeks, makuha ko na kasi sobrang tagal na rin non.
Thanks and regards!
Tumblr media
0 notes
akosimarkulet Β· 3 years ago
Text
Resignation Letter
Sa tuwing nag-aaply tayo ng trabaho, isa sa kadasang tanong ang, "What makes you stay to the company?"
Ano ba ang madalas mong isagot sa tanong na yan? Ako kase ang madalas kong sagot, the environment aside from salary.
Mas gusto kasi natin na maayos at komportable ka sa workmates and work place mo. Eh pano kung isa sa mga factor na yan ang nagpupush sayo to resign?
In my case, isa talaga dyan ang factor. Since day 1 until day 3. Maayos naman sya, hindi nagagalit. Kaya nasa isip ko, tatagal ako dito kasi mabait naman at willing sumagot sa mga tanong ko. On day 4, nagsimula na ang kalbaryo ko. Bipolar pala tong head ko. Mag-uutos sya, kapag di ko alam ang gagawin at nagtanong ako, nagagalit sya pero di nya pa rin sinagot yung tanong ko. So, ginawa ko kung ano yung alam ko. Nung binigay ko na sa kanya yung output, nagalit. Bakit daw hindi muna ako nagtanong bago ko gawin. For the nth times, galit ka pag tinatanong, tapos sasabihin mong bakit hindi ka muna tinanong?
As time goes by, hanggang sa umabot na ng 3weeks. Di ko na kaya ang ugali nya. Sinubukan kong hanapin sa Facebook yung pinalitan ko, and I found out na 3weeks lang ang itinagal nya. Ganun daw talaga ang ugali ng head namin, di kakausapin pag wala sa mood. Napaka-bipolar. Napag-alaman ko rin na marami na pala ang papalit-palit sa position ko, ang pinakamatagal ay 2months (yung time na naka-WFH pa.) At ang pinakamaiksi ay 1week.
Sa unang buwan ko, nagpasa na ako ng resignation. But she refuse to accept it. Ang sabi ko, desidido na talaga akong magresign. Kahit di ko na makuha yung backpay ko wag lang akong magkaroon ng anxiety. Oo, o.a sabihin. Pero yun ang naramdaman ko. Everytime na papasok ako sa umaga, galit agad ang bungad nya. Walang good morning. Di yun uso sa kanya. Parang gusto kong hatakin ang oras ng mabilis para makapag-out na. At sa tuwing uwian na, pakiramdam ko sobrang sakit ng ulo ko. Pagdating ng bahay, ayoko ng kinakausap ako. Kain muna, tapos diretso na sa kwarto.
May time na, tinatakpan ko ang tenga ko sa tuwing nakakarinig ako ng nagsasalitang galit. Hindi ko kaya. Ganon ang epekto nya sa akin.
March 18, 2022, Friday. Ipapasa ko dapat ang reaignation ko bago mag-uwian. Pero nag early out sya. Di ko napansin na wala na sya. So, iniwan ko nalang sa table nya yung resignation letter ko. Nag-message nalang ako sa kanya.
Tawag sya ng tawag pero di ko sinasagot. Nag-message sya sakin, nagrereply naman ako. Wala na raw akong tamang ginagawa. Then, sinagot ko yung message nya na yon na, "kaya nga po ako magre-resign kasi wala po akong ginagawang tama."
Nung time na yon, nagsawa na yata sa kakatawag, kaya tumigil na.
Saturday, March 19, 2022 9:00 AM. May tumatawag na unregistered number. Di ko naman ugali na wag sumagot sa unregistered number lalo na at di pamilyar, baka kasi importante yung tawag na yon. May nakausap ako, maayos naman ang approach sa akin. Anak nya yata yun pinasa agad sa kanya yung phone. Hindi naman ako yung tipo ng tao na bigla ka nalang iha-hang kung maayos naman na nakikipag-usap.
Nakiusap sya saken na kahit end of the month lang daw, hanggang sa makahanap ng kapalit ko. Sabi ko, decided na ako na di na talaga ako papasok sa monday. Ang sabi nya, marami lang daw syang kailangang tapusin na deadline, hindi na daw sya dadagdag sa sakit ng ulo ko which is, sya naman talaga ang cause.
Ang sabi ko sa sarili ko, sige pagbibigyan ko until end of the month. Titiisin ko nalang.
Time flies, since magkausap kami until end of the month, naging maayos pakikitungo nya. Hindi na nagagalit. Oo, minsan nagagalit, pero unlike before na kahit walang dahilan e nagagalit.
Naisip ko, magreresign pa ba ako kung nabago ko naman na yung ugali nys? Sabi ko, pag dumating na yung iinterview'hin na kapalit ko, magpapasa na ako ng resignation. Pero walang dumating, so naisip ko na okay na sigurong mag-stay ako.
Mid of April, bumabalik nanaman yung ugali nyang ganon, sumasagot na ako pero mahinahon at magalang. Patuloy yung argue namin, siguro di na nakatiis kasi panay ang sagot ko sa kanya. Tinanong na nya ako ng pagalit, "sumasagot ka na?!" Sumagot ako ng malumanay at may paggalang pa rin ng, "opo."
Nung time na yon, di na sya nagsalita. Itinuloy ko na kung ano man yung ginagawa ko. Siguro 5-10mins pa lang yung lumillipas, inutusan nya ako. Parang walang nangyaring argue. Ang bait na ulit nya sa akin.
May ganto pala talagang tao na nag-eexist? Yung galit ka, sabay ilang sandali lang, okay na ang lahat.
Naisip ko, siguro tiisin ko nalang yung ganong scenario, masasanay din ako. Kailangan ko lang ng sobrang habang pasensya. Patigasan nalang kami.
Until today, almost 5 months na ako. Ganon pa rin yung scenario namin, nasanay na ako.
Sa almost 5 months ko dito, marami na ang nagresign, at sya ang dahilan. Sobrang napaka-bipolar.
Ako lang daw yung nakatagal dito, lahat daw umaalis agad.
Kaya sabi ko sa sarili ko na gagawin ko nalang challenge to, it's either mapapabago ko ugali nya, o mauuna syang mag-resign saken. πŸ˜‚
UPDATE:
Ngayon ko lang naisipan i-update, pero bibigyan ko na kayo ng hint. Nagresign ako! πŸ˜‚
Actually, more than a year na since nung nagresign ako.
August 22,2022 (12:00 noon)
Oo, tanghaling tapat nung nag-walk-out ako.
Nung time na yon, naka-ready na yung resignation ko, isesend nalang. Kasi umaga pa lang pagpasok ko ang dami na nyang hinahanap sa akin.
Andyan yung hahanapin nya sa akin yung requirements nung mga employee na supposedly first day of employment pa lang ipinapasa na nila. Di ko na kasalanan yon, dahil sinabihan ko na yung mga employee after interview na kailangan yung mga requirements. Since medyo matagal yung process nila bago makapag-start dahil kailangan pa ng approval sa head office. Aba, sinabihan pala nitong head ko na, okay lang kahit wala muna silang ipasa na requirements, tapos ako sisisihin kung bakit walang requirements na ipinasa.
'yun na nga, fresh pa sa akin lahat na parang kahapon lang nangyari. πŸ˜‚
Etong, representative ng head office namin bumili ng mga pc parts na phase out na.
Gustong gawin ng head ko na maghanap daw ako ng ibang store na nagbebenta ng mga ganong parts tapos i-compare ko raw yung price sa binili nung representative ng head office.
That time, gumagawa ako ng attendance, pero sabi nya unahin ko daw muna ang paghahanap sa store at price list. (Sa pagalit na tono)
Halos lahat ng pinagtanungan ko ay di na nagbebenta ng ganon dahil nga phase out na.
Tuloy lang ako sa paghahanap, tapos bigla syang nag-message sa akin kung nasan na raw yung attendance? Ang sabi ko, sabi nya na unahin ko yung paghahanap ng price list, bakit daw sumasagot pa ako? Eh anong gagawin ko? Abnormal ka bang talaga? Sabi ko nalang, sige po gagawin ko na yung attendance. Sabay tanong ng, "yung office asset ba tapos na?" Out of nowhere talagang maghahanap ka nanaman ng ipapaunang gawin sa akin? Ang sagot ko, "yung mga bagong bili nalang po kahapon ni Mr. yung di ko pa naisasama sa office asset". Sabay tanong nanaman ng, "yung pinapahanap ko sayong price list nasan na? Yung attendance?" Sagot ko, "naghahanap pa po ako ng ibang store, puro phase out na raw po yung mga items na tinatanong ko." Sabi nya, "ang tagal naman nyan, baka pag ako naghanap tapos na agad." Aba, dun na ako nabwisit. Sinabi ko na, "baka po may alam kayo, kayo nalang ang gumawa." Sagot nya, "ako nalang din kukuha ng sahod mo." Isang maikling sagot lang ang tugon ko. "Sige po." Lahat ng yan through Skype conversation. After that conversation, sinend ko na agad yung resignation letter ko, sa kanya, sa head office at sa head office representative namin dito sa Pinas. Lumapit sya sa akin non, sabi nya mag-usap daw kami. Niyayaya nya ako sa labas ng office, sa may fire exit. Sabi ko sa office nalang, which is, sa mismong reception dahil don ako nakaupo. Ayaw yata nyang makita at marinig ng lahat yung mga rants ko which is, alam na rin naman ng lahat yung dahilan dahil nakikita at naririnig naman nila. Pero nag-insist talaga sya na sa may fire exit kami mag-usap. Tumagal ng halos isang oras yung pamimilit nya sa akin na bigyan ko sya ng 1-2weeks para makahanap ng kapalit ko, ang sabi nya alam ko naman daw kung gaano kahirap magpa-approve sa head office ng bagong employee. Pero decided na talaga ako, sinabi ko na sinabi na nya sa akin yon dati na 1week lang ihahanap ako ng kapalit. Talagang hindi ko na kaya, kaya bumalik na ako sa office at inayos yung mga gamit ko, iniwan ko na lahat pati id ko. Umalis nalang ako ng office ng hindi na nagpaalam. Pero since nasend ko na yung reaignation letter ko, may idea naman na siguro sya don. Hindi ko na kinuha yung back pay ko, kahit alam kong medyo malaki pa yon. Wag ko nalang talaga syang makita. I am not into money that time. Sino ba naman ang hindi nangangailangan ng pera? Honestly, sobrang kailangan ko sya that time, dahil namatay din tito ko nung araw na yon, pero mas pinili kong wag nalang kunin yung pera for my peace of mind. Sobrang laki ng naging epekto nito sakin, lalo na sa mental health ko. Up until now, ayoko pa rin ng makakanig ako ng may nagsisigawan, sumasakit ang ulo ko. Mas gusto kong matulog buong araw, para wala akong naririnig na ingay. And until now, wala pa rin akong trabaho, pero willing naman ako. Medyo nawalan lang ako ng confidence. Kasi parang wala akong alam sa mga ginagawa ko dahil sa pagtrato sa akin nung last head ko.
Dati hindi ako ganon kadali mairita, pero ngayon, sobrang bilis na. Kaunting bagay lang, iritang-irita na agad ako. Parang inubos lahat ng pasensya ko.
Kaya eto ako ngayon, sobrang tagal mag-recharge. Hopefully, mabawi ko lahat ng nawala sa akin. I mean, sa mental health ko. Maka-recover sana ako at bumalik sa dating ako.
Para sa mga may tulad kong karanasan, kaya natin to. Don't risk, lalo na kung mental health mo na ang sobrang maaapektuhan. Dahil mas may worst na mangyayari pag pinabayaan mo. Know your worth. If you think that you are in a wrong place, just LEAVE. Kesa maubos ang pasensya mo sa taong hindi deserve bigyan ng second chance.
PS: nilagay ko pala sa resignation letter ko na sya yung dahilan kung bakit ako nagresign, and that day, binura nya na rin yung company email ko at inalis sa company gc.
0 notes
akosimarkulet Β· 3 years ago
Photo
Tumblr media
First of the year! (at Bulalo Capital Main) https://www.instagram.com/p/CYMP_36pmL_/?utm_medium=tumblr
0 notes
akosimarkulet Β· 4 years ago
Photo
Tumblr media
Even how high you are now, don't foget to stay your feet on the ground. #20thfloor #mataas (at Bonifacio Global City β€œFort BGC” - Taguig City) https://www.instagram.com/p/CIhiFyvhYax/?igshid=124pofh14zcr3
0 notes
akosimarkulet Β· 4 years ago
Text
Let's unite!
Sa panahon ng pandemya at sakuna, pansin nyo ba na kanya kanyang politiko ang pilit nilang nire-raise up?
Kumikilos si ganito, si ganito tulog lang.
Pasikat si ganito, si ganito gumagawa kahit di na ipaalam sa iba.
Hindi ba pwedeng suportahan nalang ang bawat isa?
Magkakaiba man ang pananaw sa politika, sana naman hindi maging magkakaiba ng pananaw sa pagtulong sa kapwa.
Hindi ba pwedeng lahat sila may nagawa kahit na sabihin natin na maliit ?
Wag nalang tayo magsisihan. Nandyan na e, nangyari na. Magutulungan nalang tayo. Kung hindi man tayo matulungan ng iba, tulungan nalang natin muna ang sarili natin.
Nakakasawa na kase yung puro bangayan, wala na rin naitutulong kung puro tayo bangayan.
Pag kontra ka sa maling ginagawa ng gobyerno, you already associated as "DILAWAN".
Kapag pinuri mo naman ang magandang ginagawa ng gobyerno, "DDS" ka naman.
Hindi ba pwedeng hindi perpekto ang gobyerno? Minsan kailangang punahin at minsan kailangan din purihin?
Ang gulo. Kailan kaya ulit tayo magiging united as one PH?
Di pa ba kayo nagsasawa sa bangayan? Hindi pa rin ba kayo marunong mag-take ng pagkakamali?
Dapat ba lagi kayong perpekto, na dapat hindi mali? Sana minsan tanggapin natin yung mali natin, mali ng gobyernong ito. Mali ng lahat. Mali ng bawat isa. Promise, may matututunan tayo sa bawat pagkakamali natin. :)
Mag-iimprove tayo sa bawat mali natin.
Try natin minsan. Baka mag-enjoy tayo at ulit-ulitin natin.
Tumblr media
0 notes
akosimarkulet Β· 4 years ago
Text
Who brought me here?
Dati na akong may tumblr. Actually, na-engganyo lang ng kaibigan dahil active sila dito noon. Aaminin ko, bandwagon ako minsan. Oo na sige, madalas na.
Si Beben lang ang kilala kong sikat na tumblr'ista noon, kahit sa twitter nag-follow din ako sa kanya. Ni-refer sa akin ng kaibigan ko, honestly, nagustuhan ko rin ang content nya kaya hanggang twitter sinundan ko sya.
Time flies so fast, at ayun hindi na ako naging active sa ibang social media, hindi tulad noon na every single seconds ay magche-check ng notifications ng lahat ng social media platforms ko kung may bago ba.
Sa Facebook ako pinaka-active noon dahil may page kami noon na isa ako sa mga admin. Hindi ako ganon kadalas mag-post kaya hindi ganon kakilala yung admin name ko, pero ako yung pinaka-active na nakikipag-usap sa comment section.
Madalas na down ang Facebook noon, dahil na rin siguro sa mga updates nito, kaya napadalas ako sa Tumblr, Plurk at twitter noon.
Halos magkakasabay ko lang ginawa ang mga account ko. Fact; iisa lang ang lahat ng username at password ko (noon). Pero ngayon, may time na required magpalit ng password, kaya nakakalimutan ko kung ano ang ginamit kong password. But luckily, iisa lang ang number na gamit ko kaya kahit ilang beses akong mag-reset, ay nare-retrieve ko ang mga account ko (yun ang isa sa magandang katangian ng sentimental people, naitatago ang akala mo maliit na bagay lang pero may malaki palang gagampanan sayo in the future).
May time pa na, halos hindi ko na namamalayan ang oras, umaga na pala at may klase pa ako. Ang sabi ko sa sarili ko, "sige tatapusin ko nalang yung binabasa ko at matutulog muna ako kahit ilang oras lang." Hanggang sa inabot na ako ng ilang thread kakabasa, inabot na ako ng bukang liwayway. (Lalim πŸ˜‚) yung ilang oras kong tulog sana hindi ko na nagawa. πŸ˜‚ Pumasok ako ng walang tulog, umuwi nalang ako agad pagtapos ng klase para sana matulog. (Okay, gumala muna ako bago umuwi. Masaya ka na? πŸ˜‚) Kaso pagdating ko ng bahay, hindi rin ako nakatulog agad kase nagcheck nanaman ako ng notif. πŸ˜‚ Nakakaadik din pala ang social media ng hindi mo napapansin.
Lumipas na ang mga panahon, hindi na ako napatambay ng tumblr at plurk, bihira na rin ako sa twitter, hindi katulad noon na laging may tweet. Hindi na rin active sa page dahil halos lahat may page na, mas madaming post at mas nakakarelate sila, mas patok. Basehan nga ng kasikatan mo kung madami ang likes ng post mo e.
Hanggang sa tuluyan ko na ngang nakalimutan ang tumblr at plurk. Matagal-tagal din siguro yon.
Until this pandemic came. Dahil siguro bored na ako kaya nagbalik tumblr nanaman ako. (Okay, dahil sa nabasa kong post na nagbalik tumblr nanaman sya kaya sumunod na rin ako.) Bandwagon nga di ba? πŸ˜‚
Honestly, iba pa rin yung tumblr, kase maipapahayag mo yung thoughts mo ng walang pumupuna sayo. (Not sure, kase bago lang ako ulit dito. πŸ˜‚) Hindi katulad sa Facebook at twitter na konting galaw mo lang, big deal na sa kanilang lahat 'yon. πŸ˜‚
Hindi na ako ganon kapamilyar sa mga post na meron dito. Marami na bang bago? Marami na rin bang perfectionist, famewhore at political analyst dito? Sana wag ng magsisunudan yung mga ganong uri ng tao dito, dun nalang kayo sa Facebook at twitter, bigyan nyo nalang ng demokrasya yung mga nagsesenti dito sa tumblr. πŸ˜‚
A friend brought me here, hanggang kailan kaya ako mag-i'stay dito?
Hope this pandemic end as soon as possible para naman makagala na ako at marami pa akong maikwento. 😁
PS.
Kung may makita man kayong mali sa grammar ko, correct nyo nalang. Hindi kase ako magaling mag-construct ng sentence. πŸ˜‚ O kung may mali man ako sa choice of words na ginamit ko, mas okay yon para naman natututo ako. Don't worry, I'll take it as a lesson hindi bilang epal. Hindi naman ako katulad ng iba na itinama mo na, ikaw pa ang mali. πŸ˜‚
PPS.
Wala lang yung music, napagtripan ko lang ilagay, wag nyo nalang pansinin. πŸ˜‚
4 notes Β· View notes
akosimarkulet Β· 4 years ago
Text
Glad to be back!
Medyo matagal din nung huli kong binuksan tong account ko. I saw an fb post of a friend that he is using again tumblr, so ginawa ko, nagtry ako kung naalala ko pa yung tumblr ko. Buti nalang iisang email account at iisang phone number lang inilalagay ko sa lahat ng social media account ko, kung hindi man pwede ang isang email address at a time, may alternative email pa ako which is relevant sa iba ko pang email para in-case na makalimutan ko e, madali lang ma-recover. And that's it! I recovered my account na lahat pa yata ng post at galing sa IG account ko which is connected sa FB ko na na-disabled kaya ayun, hindi ko na mabuksan ang IG ko. Lesson learned, na kapag gagawa ka ng account, make sure na hindi connected sa any social media, or kung connected man, dapat may sarili din syang email or yun bang sariling username.
Nung nakita ko yung mga photos dito sa account ko, naalala ko kung gaano ako ka-gala. πŸ˜‚
Tumblr is a home of the first BLOGGER before vlogger came out! Ewan lang, para sa akin lang kasi bago ko pa ma-encounter yung mga vlogger nasa tumblr, twitter, plurk, at kung ano-ano pang platform ako e. Hindi pa uso yung mga video pranks na yan, hindi pa corny ang life noon (pero hindi ko sinasabi na corny amg life ngayon ah?).
Hindi ako dati mahilig magpost dito, siguro baka ngayon nalang. Baka gawin ko nalang diary ang tumblr, hindi kase to expose sa toxic people ng FB and sometimes twitter. Hindi kase to mundo ng mga so-called "FAMEWHORE", mundo to ng mga tunay na "BLOGGER". 😁
Pero hindi ko naman ina-associate ang sarili ko as a blogger ah? Wala lang, siguro pag naisipan ko lang mag-type at wala akong mabasa o mapanood na di ko masyadong trip sa FB at twitter baka mag-update ako dito. πŸ˜‚
At ayun na nga, hindi ko na alam kung paano tatapusin dahil yung madaldal kong daliri ay tuloy pa rin sa pagta-type. Basta ganto nalang, bigla nalang akong titigil sa pagta-type.
Til next time! πŸ˜‚πŸ‘Œ
Tumblr media
3 notes Β· View notes
akosimarkulet Β· 9 years ago
Photo
Tumblr media
Finally, I've got the key! Yung kotse? Tsaka na raw, sa TAMANG PANAHON! πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸš™πŸš˜πŸ˜„ #vscocam #vsco #tamangpanahon
0 notes
akosimarkulet Β· 9 years ago
Photo
Tumblr media
You only know my name not my story.
0 notes
akosimarkulet Β· 9 years ago
Photo
Tumblr media
"Music" Earphones in, volume up, escape the reality and forget the world! You don't need to hear all the problems, you only need is to INHALE-EXHALE, turn up your volume so loud. It doesn't mean that you try escaping problems. That means is taking a lil rest and making time to enjoy what the real meaning of life is.
0 notes
akosimarkulet Β· 9 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
akosimarkulet Β· 9 years ago
Photo
Tumblr media
Ganto kame sa Pasig. :)
0 notes
akosimarkulet Β· 9 years ago
Photo
Tumblr media
I really don't care about a lot of things, but when I do care, I care too much.
0 notes
akosimarkulet Β· 9 years ago
Photo
Tumblr media
No need to add a caprion. :) #goodevening
0 notes
akosimarkulet Β· 9 years ago
Photo
Tumblr media
You don't even realize what's other feels . #contentment #needsvswants
0 notes
akosimarkulet Β· 9 years ago
Photo
Tumblr media
When the sun smiles, birds smile back. :) #goodevening
0 notes
akosimarkulet Β· 9 years ago
Video
Crowd are too loud. Sign of enjoyment. :) That was last saturday! #PasigDayCelebration #Pasigkatan #PasigCity (at Plaza Rizal Pasig City)
0 notes