Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
AKALA
Lahat tayo nagkakamali Nagkakamali tayo sa maling “AKALA” Sabi ng iba maraming namamatay sa maling akala Noong una hindi ko yun naintindihan Habang tumatagal lagi kong naririnig ang mga katagang yon Nagsimula ang lahat noong makilala kita Masaya akong nakilala kita Masaya akong naging parte ka ng buhay ko Masaya ako tuwing kasama kita Para sa akin ikaw ay isang biyaya Inisip ko noon sana hindi na ito matapos pa Sana lagi tayong ganito Puro saya, walang halong kalungkutan Puro kalokohan lang Lumipas ang mga araw tuwing kasama kita May nararamdaman akong kakaiba Hindi ko alam kung ano Naramdaman ko nalang pag kasama kita kinakabahan ako Hanggang sa mapagtanto ko Ako'y nahuhulog na pala sayo Alam kong mali na ako'y humanga sayo Maling hangaan kita kasi magkaibigan tayo Masaya pa rin tayo kahit ako'y humahanga sayo ng patago Pero lahat ng iyon mapapalitan ng isang AKALA Akala ko lagi tayong masaya Akala ko laging kasayahan, walang kalungkutan Akala ko walang katapusan ang kasiyahan Akala ko hanggang doon lang Akala ko paghanga lang itong nararamdaman… Akala ko lang pala Akala ko paghanga lang ito Yon pala mahal na kita Hindi ko pa rin inamin sayo na mahal kita At iyon ay aking pinagsisihan Dahil ika'y may ibang nagustuhan Ako'y sobrang nasaktan sa aking nalaman Nang dahil sa isang AKALA Ako'y nasaktan Sobrang sakit malaman Na ang aking mahal ay may iba ng mahal Kaya ngayon hindi na ako magtitiwala Magtitiwala sa maling AKALA May isa lamang akong mensaheng iiwan para sayo Apat na salita Wag mong isipin na ito'y “mahal kita ng sobra” Kundi “Mahal pinapalaya na kita”.
0 notes