Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Always Put An Effort
Never Give Up.
I know.
I can do this.
Never ever think that you can't do those things that makes you happy and feel better.
I'm just tired.
But i'm not giving up.
I'm just weak and feel helpless.
But i'm not quiting.
0 notes
Text
Labintatlong Taon
Labintatlong taon mula sa ngayon ay nasisiguro kong isa ka ng ganap na dalaga. Maganda, mapagmahal na anak, magalang sa mga nakakatanda at higit ay may respeto sa lahat ng uri ng tao na iyong kinakasalamuha. Gaya ng palagi kong ipinapangaral sa iyo 'nung ika'y musmos pa lamang.
Sa panahon ring 'yun ay tinatahak mo na ang mga bagay na tunay na nagpapasaya sayo, mga bagay na alam kong alam mo ang iyong mga ginagawa. Isa kang babaeng may paninindigan sa iyong mga desisyon. Babaeng masaktan man o matumba ay handang bumangong muli at patuloy na tatahakin ang daan patungo sa iyong mga pinapangarap.
Sa panahon ring 'yun ay nasisigurong lubos ang aking kagalakan sa mga magagandang oportunidad na iyong nakakamtan. Sa bawat matatamis na ngiti na aking napapansin ay nasisiguro ko na may isang tao ang nasa likod ng kadahilanan nito. Huwag kang mangamba aking mahal, hindi ako hahadlang sa pag-ibig na sa iyo'y darating. Ako'y iyong ina na handang maging tulay sa lalaking iyong sinisinta dahil ako'y sa iyo'y may tiwala.
Sa labintatlong taon na darating mula sa araw na ito, kaakibat ng liham na ito ang aking paghingi ng KAPATAWARAN.
Kapatawaran sa mga panahong nasa aking sinapupunan ka pa lamang ay iyo ng naranasan ang hirap ng buhay. Kapos sa mga pangmedikal na pangangailangan upang sa munti mong katawan ay magkaroon ng magandang kalusugan.
Patawad rin sa mga panahong sa unang taon ng iyong edad ay salat tayo sa masasarap ng pagkain sa hapag-kainan, at dumating sa puntong tayo'y naging isang kahig isang tuka. Sa edad mong munting bata hindi nabigyan ng pagkakataon na makahawak ng barbie na manika, bagkus isang ordinaryong manikang papel na aking ginawa.
Kapatawaran sa mga oras na ika'y aking kinagagalitan na minsa'y humahantong na ang aking mga kamay ay dumadampi sa iyong katawan sa kadahilanang ayoko na ika'y humantong sa pagiging pariwara.
Patawad sa aking mga salita na sa iyong damdamin ay tumutusok sa kadahilanang ayoko sa iba mo marinig ang katotohanang sa iyo'y tunay na makakasakit.
Kapatawaran kung sa iyong tingin ako'y masama PERO mahal kong anak, tunay na ang aking hangarin lamang ay ang iyong kabutihan sa hinaharap. Walang magulang ang gustong mapasama ang mga mahal nilang anak, walang magulang ang hindi nasasaktan sa tuwing kinagagalitan ang kanilang mga anak.
Mahal na mahal kita anak ko. Sa hirap at ginhawa, narito lamang ako.
At ang huli, PATAWAD mahal kong anak kung sa mura mong edad ay iniwan tayo ng iyong tunay na ama, NGUNIT sana ang pagmamahal ko bilang iyong INA ay sapat na upang mapunan ang puwang na iniwan at kinalimutan niya.
Ang tunay at wagas na sa iyo'y nagmamahal,
Ang Iyong INA.
0 notes
Text
Those who walk through life with their eyes wide open will accomplish many things. But those who are willing to turn a blind eye will be better off.
ctto
Happy Monday 🤗
Start the week with a bang (good vibes)! 😅
0 notes
Text
Mas okey dito
kahit papaano nagiging maayos ang pkairamdam ko.
Mas okey dito
kahit papaano nailalabas ko ang lungkot ko.
Mas okey dito.
0 notes
Text
Kung Pwede Lang Sana
na ako'y lumisan,
At Kung Pwede Lang Sana
na ako'y maging makasarili kahit isang beses lang.
0 notes
Text
I'm a victim of
akala ko IKAW na, pero gaya ka rin pala ng iba na ang mga ipinangako'y mukhang nalimot na..
0 notes