11-lucman
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
11-lucman · 3 years ago
Text
Mga uri Social media na ginagamit ng mga istudyante
Tiktok
Ang TikTok ay isang Tsinong social networking service na nagbabahagi ng bidyo na pagmamay-ari ng ByteDance, isang kumpanyang nakabase sa Beijing na itinatag noong 2012 ni Zhang Yiming. Ginagamit ito upang makapaglikha ng maikling bidyo ng sayaw, lip-sync, komedya, at talento. Nailunsad ang app noong 2017 para sa iOS at Android sa merkado sa labas ng Tsina. Unang nilabas ng ByteDance ang Douyin para sa merkado sa Tsina noong Setyembre 2016. Nagkaroon ito sa Estados Unidos pagkatapos ng pagsanib nito sa musical.ly noong Agosto 2, 2018. Magkatulad ang TikTok at Douyin sa bawat isa at magkapareho na app sa pangkalahatan, bagaman tumatakbo ang mga ito sa magkahiwalay na mga server upang umayon sa mga restriksyong sensura ng Tsina. Pinapahintulot ng aplikasyon ang mga gumagamit na lumikha ng maiikling bidyong musika at lip-sync na may 3 hanggang 15 segundoat maiikling umuulit na bidyo na may 3 hanggang 60 segundo. Sikat ang app sa Asya, Estados Unidos, at ibang bahagi ng mundo. Makukuha ang TikTok sa Tsina bilang Douyin; nakabase ang mga server nito sa mga bansa kung saan mayroon ang app.
Google
Ang Google ay isang Amerikanong multinasyunal na kumpanya ng teknolohiya na dalubhasa sa mga serbisyo at produkto na nauugnay sa Internet, na nagsasama ng mga teknolohiya sa online na advertising, isang search engine, cloud computing, software, at hardware. Ito ay itinuturing na isa sa mga Big Five na kumpanya ng teknolohiya sa industriya ng teknolohiya ng impormasyon sa Estados Unidos, sa tabi ng Amazon, Facebook, Apple, at Microsoft. Nakakatutulong ang Google para sa mga mag-aaral para mapadali ang sagot sa kanilang mga katanongan, pagsusulit, at mga takdang-aralin. Ganon paman maraming pwedeng gawin sa Google na maaring maganda o hindi kaaya-aya, depende sa taong gumagamit nito.
Youtube
Napapadali nito ang mga bagay bagay at mayroon Pagtatanghal ng video, para maging madali at mas lalong maintindihan ng mga mag-aaral ang mga dapat gawin. Maaari ka ring kumita ng pera sa paggawa ng video at ang pag post dito, ngunit nag de-depende ito sa views at subscriber ng youtube channel mo.
Facebook
Ang Facebook ay isang American online social media and social networking service na nakabase sa Menlo Park, California, at isang punong serbisyo ng kumpanya ng namesake na Facebook, Inc. Itinatag ito ni Mark Zuckerberg, kasama ang mga kapwa estudyante ng Harvard College at mga kasama sa silid na sina Eduardo Saverin, Andrew McCollum, Dustin Moskovitz, at Chris Hughes.Maaring gamitin ang Facebook upang makapag komunikasyon sa ibat-ibang tao o di-kayay sa iyong mga kakilala. Mahalaga ang Facebook ngayon dahil isa ito sa mga ginagamit upang magkausap-usap o magkaoon ng kumonikasyon sa guro at mga mag-aaral.
Instagram
Ang Instagram ay isang online mobile na serbisyong photo-sharing, video-sharing at social networking na nagbibigay-pahintulot sa mga gumagamit na kumuha ng mga larawan at bidyo, at ibahagi ang mga ito sa iba’t ibang plataporma ng social networking, gaya ng Facebook, Twitter, Tumblr at Flickr. Ang isang kakaibang katangian nito ay ang pagpipirmi ng larawan sa hugis parisukat, na kahawig ng mga imahe ng Kodak Instamatic at Polaroid, di-tulad sa 4:3 na aspect ratio na kadalasang ginagamit ng mga teleponong may kamera. Maaari ring maglapat ang mga gumagamit nito ng mga digital filters sa kanilang mga imahe. Ang pinakamahabang oras para sa mga bidyo sa Instagram ay 15 segundo
Ang Kahalagahan ng Internet ngayon sa  Edukasyon Walang isa ay maaaring kailanman itigil ang patuloy na pagbabago sa aming mga buhay,dahil ang pagbabago na ito ay nagbibigay ng ang pinakamahusay na bagay sa aming buhay.Samakatuwid, ang internet ay para sa pakinabang ng mga tao.
1 note · View note