Tumgik
#wika pakistan
Photo
Tumblr media
Premier Tubular provides standard calibration services to its clients. We are the exclusive representors of WIKA in Pakistan and provide services on their behalf.
https://premiertubular.com/index.php/services/calibration-services/
1 note · View note
rvmerca-blog · 5 years
Text
Serye ng Pakikibaka sa Makabayang Pagkatuto
Hindi na bago sa ating lipunan kung gaano kadalas ang paggamit ng wikang Ingles sa iba’t-ibang konteksto. Maglakad ka lamang sa tabi ay hindi ka makakarinig ng mga pag-uusap na hindi ginamitan ng mga salitang kolonyal. Pumasok ka sa restaurant at babatiin ka ng kapwa mo Pilipino ng “Good morning sir, may I take your order?” Lumingon ka sa iyong katabi at maririnig mo ang “One piece chicken burger please with fries and drinks”. At kung mapapansin mo ang nakapaskil, nakasulat ang mga putahe sa wikang Ingles. Sa bagay, hindi kasi magandang tingnan kung piniritong patatas, palamig, at tinapay na may palamang manok ang nasa pamimilian.
Lumipas na ang panahon ngunit nananatili ang pakikibaka ng ating wika laban sa mga dayuhan. Sa gamit ng wikang Ingles sa iba’t-ibang konteksto, masasabing makapangyarihan ang wikang Ingles at maituturing na global na lengguwahe.
Ayon sa artikulo ni George Julian na pinamagatang What are the Most Spoken Languages in the World, ang Ingles ay wikang namamayagpag sapagkat marami ang bilang ng mga nakakaintindi at mga non-native English speakers sa iba’t-ibang panig ng mundo kumpara sa Mandarin na halos sa bansang Tsina lamang. Karamihan din sa mga riserts at dyornal, na naglalaman ng mga intelektwal na pananaliksik ay nakalimbag sa wikang Ingles; sa mga pandaigdigang pagtitipon tulad sa United Nations, isa ang Ingles sa mga opisyal na midyum na ginagamit; karaniwan sa mga instruksyon  sa mga gamot, makabagong teknolohiya ay nakasulat din sa Ingles.
Naging epektibo nga ang ginawang indoktrinasyon ng mga Amerikano sa kanilang mga itinayong paaralan upang tayo ay mawili sa Ingles, mahubog sa isang kolonyal na pag-iisip at masadlak sa kanilang kolonyal na hangarin. Ang edukasyon na kanilang ipinagkaloob ay hindi puro at may kasamang ekspolytasyon. Kaya naman gustong-gusto tayong sakupin ng mga Amerikano upang mas payamanin pa ang kanilang mga pansariling interes.
Binanggit ni Bienvenido Lumbera sa kanyang sanaysay ang tambalang edukasyon-eksploytasyon na kung saan sinamantala ng mga Amerikano ang pangangailangang intelektwal ng mga Pilipino para sa kanilang kalakal at komersyo. Ito’y dahil ang stratehikal na lokasyon ng Pilipinas ay mainam upang makipagkalakalan sa mga bansa sa Aysa, partikular ang Tsina, at makapagpatayo ng base-militar upang mas lalong mapalago ang kanilang kapangyarihan at sakop laban sa mga kanluraning bansa. Nakadagdag pa ang mga natatanging likas na yaman na maari nilang bungkalin para sa kanilang pangangailngan. Hanggang ngayon, namumugad pa rin ang mga Amerikano sa ating bansa. Taliwas man sa Amerika ang mga retorika at polisiya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay umaabante pa rin ang kanilang base militar dito sa atin.
Ayon sa taunang datos ng SWS Survey, ang Estados Unidos ay nananatiling pinakapinagkakatiwalaang bansa ng mga Pilipino. Hindi maikukubling ang Pilipinas ay masasabing “the most pro-american country” ayon na rin sa report na pinamagatang “Pakistan Is No Fan of the U.S., But the Philippines Still Likes Us” ni Courtney Subramanian noong 2013. Kung laging nakatingala ang mga Pilipino sa Amerika, iba naman si Pangulong Duterte na sa Tsina at Russia nakabaling. Bakit nga ba mistulang tuta ang mga pinuno natin sa mga dayuhan? Simple lang, maliit ang tingin nila sa ating sariling bansa. Kung babalikan ang pre-kolonyal na panahon, naglalayag na tayo gamit ang ating mga sinaunang balangay hanggang sa dumating ang pananakop ng mga Espanyol at itinatak nila sa ating pag-iisip na wala tayong kakayahang maglayag at pamula noon ay nagpasailalim na tayo sa kanilang kapangyarihan. Ang Pilipinas na noo’y naghahari sa katubigan, ngayo’y nakukuhaan ng isla. Ito ang dahilan kung ba’t nakadepende si dating Pangulong Benigno Aquino III sa kwestyunableng EDCA ng Amerika upang may kaalyansa raw tayo sa lumalakas na pwersa ng Tsina sa West Philippine Sea; at ito ang rason kung bakit bahag ang buntot ni Pangulong Duterte sa Tsina dahil hindi raw natin kaya ang magiging dulot nitong digmaan.  
Sa kasalukuyan, lalo nang nakakadena ang bansang Pilipinas sa dayuhang impluwensiya. Sa pagtaguyod ng globalisasyon, nabuo ang mga ahensyang tulad ng World Trade Organization; ang institusyong sinangayunan ng iba’t-ibang mga bansa na nagtatakda ng mga pamantayan at polisiya na para raw sa kabutihang panlahat ngunit masasabing nakatuon sa mga industriyalisadong bansa ang mga benepisyo. Nagkaroon ito ng panggigipit sa maliliit na bansa at nalimitahan ang kanilang kapangyarihang magtakda ng kanilang sariling palatuntunan nang sa gayon malaya ang mga mauunlad na bansa na makapangalakal. Kaya naman ito ay maituturing na modernong paraan ng kolonyalisasyon.
Sandaang taon na nga ang nakalipas at hanggang ngayon ay halos wala pa ring nagbabago. Buhay pa ang wika at kultura ngunit unti-unti na nating pinapatay. Naideklara na ang kasarinlan ngunit patuloy tayong nagpapasakop. Hanggang kalian ba tayo magpapaalipin? Sayang kasi ang pakikibaka ng ating mga ninuno noon kung ang Pilipino ngayon ay hindi na kayang ipaglaban ang mga bagay na bumuo sa kanya – ang wika. Roi Vincent M. Merca BAPS 1-3 Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin.
0 notes
Link
Premier Tubular provides standard calibration services to its clients. We are the exclusive representors of WIKA in Pakistan and provide services on their behalf.
0 notes