#unang kabanata
Explore tagged Tumblr posts
Text
Saan Ka?
Choi Seungcheol x reader filo!smau
Paano kung sa paghahanap mo ng true love, ang makakatuluyan mo pala ay hindi ang kasama mong kumain sa date kundi ang naglilista ng order niyong pagkain?
Status: Complete
Unang Kabanata (Chapter 1)
Ikalawang Kabanata (Chapter 2)
Ikatlong Kabanata (Chapter 3)
Ikaapat na Kabanata (Chapter 4)
Ikalimang Kabanata (Chapter 5)
Ikaanim na Kabanata (Chapter 6)
Ikapitong Kabanata (Chapter 7)
Ikawalong Kabanata (Chapter 8)
Ikasiyam na Kabanata (Chapter 9)
Ikasampung Kabanata (Chapter 10)
Ikalabing-isa na Kabanata (Chapter 11)
Ikalabindalawang Kabanata (Chapter 12)
Ikalabintatlong Kabanata (Chapter 13)
Ikalabing-apat na Kabanata (Chapter 14)
Ikalabinlimang Kabanata (Chapter 15)
Ikalabing-anim na Kabanata (Chapter 16)
Ikalabinpitong Kabanata (Chapter 17)
Ikalabinwalong Kabanata (Chapter 18)
Ikalabinsiyam na Kabanata (Chapter 19)
Ikadalawampu na Kabanata (Chapter 20)
Ikadalawampu't Isang Kabanata (Chapter 21)
Ikadalawampu't Dalawang Kabanata (Chapter 22)
Ikadalawampu't Tatlong Kabanata (Chapter 23)
Ikadalawampu't Apat na Kabanata (Chapter 24)
Ikadalawampu't Limang Kabanata (Chapter 25)
Ikadalawampu't Anim na Kabanata (Chapter 26)
Ikadalawampu't Pitong Kabanata (Chapter 27)
Ikadalawampu't Walong Kabanata (Chapter 28)
Ikadalawampu't Siyam na Kabanata (Chapter 29)
Ikatatlumpu na Kabanata (Chapter 30)
Epilogo (Epilogue)
Start: April 26, 2023
End: July 15, 2023
Note:
~Main masterlist~
AnNyEongHasEyO yeOrObUN! First time kong gumawa ng smau and hopefully magawa ko siya nang maayos 🥴 my update schedule will be every Sunday, Wednesday, and Friday. I'll do my best na masunod yan pero if not, I'll try posting the next part sa susunod na araw. The taglist for this au is open so send me an ask if ya'll want to be tagged. MAHAL KO KAYOOO 🫶
#seventeen au#seventeen smau#seventeen fluff#seventeen angst#seventeen crack#seventeen x reader#seventeen x y/n#seventeen x you#choi seungcheol#seungcheol#seungcheol fluff#seungcheol angst#seungcheol x reader#scoups#scoups x y/n#scoups x reader#seungcheol au#filo au#caraetdeul.blr#filo smau#seventeen filo au#seventeen filo smau
127 notes
·
View notes
Text
Sino si Alex Alexanderson? 130324 1316
Nung college ako, meron akong prompt sa isang libro. Tungkol siya sa isang binata na may kakayahang ibalik 'yung oras kapag inii-snap niya yung fingers niya. Oo, uunahan ko na kayo, 'di na bago 'yung time-travelling at time manipulation bilang isang cliché sa mga kwento, tula, or pelikula. Pero think about it, a piss poor guy na walang redeemable qualities maliban sa inosente niyang understanding sa mundo, tapos sinusubukan pa niyang kilalalin sarili niya, tapos 'yung setting, isa sa pinakaprestigious na unibersidad ng Pilipinas? Tapos kaya niyang ibalik 'yung oras? Bata pa ako nung naisip ko 'yon pero sa mata ng isang iskolar ng bayan, sapat na 'yan para maging bala sa bolpen at lapis. Gagamitin niya 'yung newly-learned powers niya sa kabutihan like para 'di male-late sa klase, or makapag-aral pa sa susunod na exam, o kaya siguraduhing tumae muna bago umalis ng bahay. I know. Taga-UP siya pero he's not that smart. Buhangin, oras, kahirapan. Literally Prince of Persia, but Pinas.
Pero noong mga panahong 'yon, inisip ko kung ano yung magiging alas ng librong 'to sa "Perks of Being a Wallflower", o kaya "Twilight". Wala akong mga bampira at 'di ko naman kayang i-afford si Logan Lerman bilang book cover. Syempre, kakailanganin natin ng mga magbabasa nito kahit na 'di ko naman ninais n'on na "dapat mabasa ng lahat 'to." Ewan, mas gusto ko kasi ng mas maliit na grupo ng readers na magsasabi ng "Haha, what was this guy thinking fuckin' dumbass" kapag may katangahang ginawa yung bida tapos ise-send nila sa messenger/tumblr ko 'yung reaction. That would feel nice. Pero ok nasa-sidetrack tayo, balik sa topic.
Ganto dapat 'yung magiging format ng libro. Ready ka na ba?
PAATRAS YUNG BILANG MGA CHAPTERS.
Pero hindi siya straightforward na "30" tapos "29" yung kasunod. Hindi rin nakalagay 'yung word na chapter. Basta number lang siya sa isang blankong papel. Magsisimula siya sa isang napakataas na numero hanggang sa umabot sa 1. Halimbawa, yung pinaka-unang chapter ay 423412312 pero in words. Sa una, iisipin ng mambabasa na "huh, ano 'yon?" Tapos tutuloy na lang sila sa susunod na kabanata. So nag-eenjoy sila. Tapos 'di nila mapapansin na pababa nang pababa 'yung number.
Tapos pagdating sa second to the last chapter, 120 or 60 na lang yung number.
Tapos habang binabasa nila yung maikling chapter na 'yon. Saka nila maco-correlate na 'yung numbers pala ay equivalent kung gaano pa katagal yung buhay ng bida.
Ang twist kasi ay, although may godlike powers ang bida natin, pabawas nang pabawas yung life span niya habang ginagamit niya 'yung abilities niya. And habang nagpo-progress 'yung books mahahalata rin ng mambabasa na parang nagkakasakit 'yung bida. Lalabas 'to pero small hints lang na parang 'yung hagdanan niya palagi niyang inaakyat, parang nararamdaman niyang mas nakakahingal.
Tapos heto pa. 'Yung second to the last chapter, equivalent lang sa 60-120 seconds reading time. Ganto 'yung context bago yung 2nd to the last chapter.
3rd to the last chapter:
Kumbaga, may plano yung bida na magpro-pose sa kasintahan niya kaya may pupuntahan sila. Pero sa kasamaang palad, maaaksidente 'yung bida at 'yung love interest niya (na syempre foreshadowed din kasi 'yung pinakaunang sentence sa libro is dine-describe ng bida kung bakit ayaw niya sa mga Fortuner na puti ewan para sa poetic lang na 'yung pinakaayaw pa niya yung magiging undoing niya). Tapos, dahil alam ng bida at ng mambabasa na mamamatay na siya kapag binalik niya 'yung oras, medyo suspense na talaga. Ano ba 'yung desisyon niya? Ibabalik ba niya? And kung oo, sa punto ng buhay niya ibabalik? Tapos *snap*.
2nd to the last chapter:
Number: Animnapu or Isang daan at dalawampu
De-describe ng bida 'yung scene. Mainit, maraming tao. Mahaba 'yung pila. Kukuha ng form 5. Familiar na 'yung mambabasa at 'yung bida dito sa scene na 'to kasi heto rin yung isang scene sa 2nd chapter ng libro. Pero imbes na mga random descriptions ng mga tao 'yung ide-describe niya, mga pangalan ng kaibigan niya 'yung mga sasabihin niya. Gets? Kasi kilala na niya 'yung mga taong 'yon. Tapos, magegets din ng mambabasa na "Ah puta mga kaibigan niya pala 'yung mga 'yon pero since di niya pa sila kilala at that point, dine-describe lang niya yung mga ginagawa nila. Balik nga ako sa chapter N here para ma-check." Apat 'yung kaibigan niya, and as fate dictated, nandun din pala sila sa pila. Yung dalawa sa kaibigan niya, magkapatid na lalaki at babae. Sa huling timeline (bago siya magsnap sa 3rd to the last chapter), namatay 'yung babae dahil sa isang krimen.
Tapos dito rin sa scene na 'to 'yung first interaction niya sa magiging love interest niya. Nabangga nung girl yung bida tapos nalaglag yung mga dala niyang papeles tapos nagpa-sorry tapos may familiar look 'yung babae na parang "have we met before?".
Unting-unti manghihina 'yung bida, kaunting luha. Tapos pipikit na 'yung mata niya.
Heto 'yung huling mga linya ng kabanata:
Siguro, mabuti nang ganito 'yung kinahantungan nating lahat. Hindi ako nagsisisi na tanging mukha mo at 'yung nakakunot mong noo 'yung huli kong makikita. Sobrang init talaga dito no? Parang ang sarap matulo.
Last chapter.
Number: Isa
Inaantok na ako.
Wakas.
---
Gets ba? 1 kasi isang segundo na lang pala bago siya baiwan. Isang segundo rin kailangan mo para basahin 'yan. Hindi ko ilalagay na explicitly siyang mamatay for dramatic flair. Gusto natin pagkatapos magbasa ng mambabasa, ibaba niya yung libro, tapos sasabihin niya "Damn," tapos is-search niya yung pangalan ko at makikita niya yung account ko sa linkedin tapos sasabihin niya, "Ay weh, software engineer pala 'to?" o kaya is-search niya "Is Alex Alexanderson dead?" tapos ang google quick result sasabihin na "The author did not explicitly state that he died but based from his conditions, it was heavily implied that he did."
Either of the two, that's good enough for me.
Hindi ko 'to tinuloy kasi dahil sa mga iilang dahilan-
Hindi ko gusto yung tagalog na translation ng "snap".
Nawalan ako ng motivation dahil sa mga pangyayari nung undergrad ako tapos dinahilan ko na lang 'yung pagpanaw ng tita ko para masabi na valid 'yung rason ko. Ba't ko ginawa 'yon? Hindi ko rin alam.
Anyway, ayon lang. Matagal ko na 'tong kinikimkim talaga. Hindi ko alam kung may kapareho na siyang plot or anything pero 2008-2013 ko pa yata 'to pinag-iisipan.
Heavily inspired din talaga 'to sa mga games at mythology shit na binabasa ko na related sa oras. Kronos, Prince of Persia. Tsaka sa sobrang romanticized understanding ko ng pagmamahal nung bata pa ako. Extremes talaga like martir puta 'di ko nga alam ba't ganon ako pero it is what it is.
Hindi ko alam kung isusulat ko pa 'to. Pero gusto ko lang din sanang malaman kung maganda ba 'yung prompt or nagm-make sense ba siya sa inyo. Let me know, please. Para alam ko kung delulu din ako or what.
By the way, isang fun fact about me, kapag nagsusulat ako, pinakauna kong sinusulat 'yung last line or yung ending. So 'yung "Inaantok na ako." na linya, matagal na siyang nabuo bago pa 'yung storya. Yung ibang lines na naisip ko is "At pagkatapos non, tapos na". Pero gusto ko sanang gawing galing sa perspective talaga ng bida. Kaya ayan.
2 notes
·
View notes
Text
10 uncommons filipino words
1. Hapay - Ang hapay ay nagbibigay ng kasiyahan.
2. Palaruan - Ang palaruan ay isang magandang paraan upang makapaglaro ng mga bata.
3. Palamuti - Ang palamuti ay nagpapaligaya sa aming bahay.
4. Kainin - Inaasahan namin na maluluto ang masarap na pagkainin.
5. Tumulong - Nagtutulungan kami upang matupad ang aming pangarap.
6. Kabanata - Ang unang kabanata ng nobelang binasa ko ay nag-ulat ng isang mahabang paghahayag ng kwento.
7. Puso - Ang puso ko ay puno ng pag-ibig para sa aking mga kapamilya.
8. Kaalaman - Ang kaalaman ay ang pinakamahalagang kasangkapan para sa tagumpay.
9. Pag-asa - Pinanatili ko ang pag-asa na magagawa ko ang lahat.
10. Nakakapagtaka - Ang nakakapagtaka na bagay na nakita ko ngayon ay isang magandang tanawin.
2 notes
·
View notes
Text
Nakaliligaw na Pagbabalatkayo
Imagine this: Nagsisikap kang gumising bawat araw kahit pakiramdam mong parang estranghero ka sa sarili mong balat. Kung saan kahit andami mo nang pinapasan, gumagalaw pa rin ang mundo nang walang pakialam sa’yo. Yung tila wala kang lugar dito kahit gaano mo pa subukang makibagay.
Sa nobelang No Longer Human ni Osamu Dazai, tinatalakay dito ang sakit na ito na palaging dinadama ni Yozo Oba, isang lalaking lilim ang bawat galaw sa alyenasyon, hiya, at takot na mapalapit sa iba. Isa itong kwento ng kaniyang paglalakbay sa depresyon—isang mapait na pagsalamin ng mga isyung panlipunan na patuloy na nagpapahirap sa atin hanggang ngayon. Sa mundo ng mga likha ni Dazai, at maging sa ating mundo, ano nga ba ang kapalaran ng mga taong hindi kayang umangkop sa papel na inaatas ng lipunan?
“I never once answered back anything said to me by my family…Far from it, i felt convinced that their reprimands were without doubt voice of human truth speaking to me from eternities past; I was struck with the idea that since i lacked the strength to act in accordance with this truth, I might have been disqualified from living among human beings.” – Osamu Dazai, No Longer Human
Sa unang kabanata ng nobela na pinamagatang "The First Notebook," ipinapakita ang kabataan ni Yozo. Mula pagkabata, natutunan na niyang magsinungaling at pilit makibagay sa paniniwala ng iba upang hindi lumihis sa inaasahan ng lipunan. Sa kulturang Hapon noong 1930s, kung saan nakabatay ang kwento, tanyag ang mga pamilyang aristokrata, kaya’t mahigpit ang mga patakaran sa lipunan. Para kay Yozo, isang kahihiyan ang hindi pagsunod sa mga patakarang ito, lalo na’t maaaring nakakaapekto ito sa kanilang pamilya. Sa ganitong konteksto, hindi maiiwasan ang kaniyang paghanga at pagtingala sa mga taong pinakamalapit sa kanya, sapagkat sila ang mga unang tagahubog ng kaniyang pananaw at pag-unawa sa mundo. Subalit sa kabila nito, madalas pa rin siyang magduda at hindi lubos na sang-ayon sa lahat ng sinasabi at paniniwala ng mga nakapaligid sa kanya, lalo na ng kaniyang pamilya. Dahil dito, paulit-ulit niyang nararamdaman na hindi siya nababagay o “hindi tao” sa mundong ginagalawan niya.
“As long as I can make them laugh, it doesn’t matter how, I’ll be alright. If I succeed in that, the human beings probably won’t mind it too much if I remain outside their lives. The one thing I must avoid is becoming offensive in their eyes: I shall be nothing, the wind, the sky.” – Osamu Dazai, No Longer Human
Sa bawat kilos ni Yozo, nadarama ang kaniyang malalim na pagkalayo at pagiging estranghero sa sariling pamilya, mga kaibigan, at lipunan. Posibleng sanhi ng kaniyang alyenasyon ang kakulangan niya sa emosyonal na suporta, takot sa pakikisalamuha, at kawalan ng tunay na pag-unawa sa kaniya ng lipunan. Dahil dito, nagsimula siyang magbalatkayo bilang masayahin at masunuring bata, isang maskara upang maitago ang takot niya sa posibleng panganib na dala ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng iba. Mula pa pagkabata, naka-ukit na sa isipan ni Yozo ang kakayahan ng tao na manakit ng kapwa, kaya’t matiyaga niyang itinatayo ang mga harang na namamagitan sa kaniya at ng mundo—isang paraan upang maprotektahan ang sarili mula sa sakit na maaaring idulot ng iba.
“Whenever I was asked what I wanted my first impulse was to answer “Nothing.” The thought went through my mind that it didn’t make any difference, that nothing was going to make me happy. At the same time I was congenitally unable to refuse anything offered to me by another person, no matter how little it might suit my tastes… In either case I was torn by unspeakable fear. In other words, I hadn’t the strength even to choose between two alternatives.” – Osamu Dazai, No Longer Human
Noon, maituturing ang paghingi ng tulong o kagustuhan, lalo na sa mga lalaki, na kahiya-hiya at palatandaan ng pagiging mahina—isang paniniwalang pumigil kay Yozo na humingi ng suporta. Dahil sa patuloy na paglilibing niya sa kanyang damdamin, unti-unting nawalan si Yozo ng interes sa mga bagay-bagay, dahil alam niyang nagdudulot lamang ng sakit ang bahagyang pag-angal niya sa kaniyang pamilya. Ito din ang naging sanhi kayat naging pipitsugin si Yozo.
Pagdating sa ikalawang kabanata na ”The Second Notebook”, makikilala ng mga mambabasa si Yozo sa high school hanggang kolehiyo.
“I soon came to understand that drink, tobacco and prostitutes were all excellent means of dissipating my dread of human beings. I came even to feel that if I had to sell every last possession to obtain these means of escape, it would be well worth it.” – Osamu Dazai, No Longer Human
Upang takasan ang kaniyang takot at stigma mula sa pagkakasangkot sa isang kaso ng pagkitil ng sariling buhay, bumaling si Yozo sa alak at iba’t ibang uri ng bisyo. Para sa kanya, mabisang paraan ang mga bisyong ito upang malimutan ang kaniyang mga alalahanin at mapanatag ang kaniyang kalooban, kahit pansamantala lamang. Alam niyang mali ito, ngunit sa mundo niya, ito lamang ang nakikita niyang paraan para makaramdam ng kalayaan—isang bagay na ipinagkait ng kanyang ama sa pagpapadala sa kanya sa kolehiyo at pagpipigil sa kanyang kagustuhang gumuhit, ang tanging bagay na nagbibigay sa kanya ng kaunting kasiyahan at pagkakakilanlan sa sarili.
“The pictures I drew were so heart-rending as to stupefy even myself. Here was the true self I had so desperately hidden. I had smiled cheerfully; I had made others laugh; but this was the harrowing reality. I secretly affirmed this self, was sure that there was no escape from it, but naturally I did not show my pictures to anyone except Takeichi.” – Osamu Dazai, No Longer Human
Sa bawat kabanata ng No Longer Human, makikita ang pakikibaka ni Yozo sa paghahanap ng sariling pagkakakilanlan—isang bagay na nananatiling malabo, watak-watak, at walang katiyakan para sa kanya. Mula pagkabata, ang pagguhit ang tanging bagay na nagbibigay sa kanya ng kaligayahan at pakiramdam ng tunay na pagkatao. Sa pamamagitan ng mga linya at kulay, nagagawa niyang ipahayag ang kanyang tunay na damdamin—mga damdaming hindi niya kayang ilantad sa harap ng ibang tao.
Gayunpaman, dahil sa matinding presyon mula sa kanyang ama at sa lipunang pinagmulan, napilitan siyang magtago sa likod ng mga maskara upang makibagay. Naiipit ang kanyang pagkakakilanlan sa mga inaasahang pamantayan ng lipunan, at unti-unting sumisira ang pagkonpormang ito sa kanyang pagtingin sa sarili. Sa bawat galaw at kilos, pinipilit niyang makipagsabayan sa “normal” at ipakita ang mukhang inaasahan ng ibang tao, subalit ito rin ang nagiging sanhi ng kanyang malalim na krisis sa sariling pagkatao.
Mananatiling makabuluhan ang nobelang No Longer Human sa mga mambabasa dahil sa mga usaping panlipunan tulad ng presyon ng lipunan, mental health, at paghahanap ng sariling pagkakakilanlan. Sa pagbasa ng mga ganitong kwento, mas maiintindihan natin ang mga karanasan ng mga taong tulad ni Yozo, na hindi kayang makibagay sa mga inaasahan ng lipunan. Isang paanyaya ang akdang ito para sa ating lahat na magkaroon ng empatiya at masusing pag-unawa sa mga isyung panlipunan na madalas tinatabunan ng ating lipunan mismo.
“All I feel are the assaults of apprehension and terror at the thought that I am the only one who is entirely unlike the rest. It is almost impossible for me to converse with other people. What should I talk about, how should I say it? - I don't know.”
― Osamu Dazai, No Longer Human
Tatlong beses ko nang nabasa ang nobelang ito. Ngunit sa bawat beses akong ipinakilala kay Yozo, mas lalo kong nakikita ang sarili ko sa kaniyang puwesto, mas lalo kong naiintindihan kung bakit niya nagawa ang lahat ng kaniyang desisyon sa buhay. Nakakatakot isiping kay dali lang mawala ng isang tao dahil sa presyon ng lipunan sa kanila. Sa kabuuan, inirerekomenda ko ang nobela na ito sa sinumang handang basahin ito at sa sinuman ang handang harapin at intindihin kung ano ang epekto ng mental health sa buhay ng isang tao.
Mga paboritong linya:
“Unhappiness. There are all kinds of unhappy people in the world.” “It’s not society. It’s you isn't it?” “Is trustfulness a sin, I wonder?”
“Everything Passes”
Sanggunian:
Dazai, O. (1958). No longer human. New Directions.
1 note
·
View note
Text
The thoughts
I miss her, honestly Hanggang Ngayon nandun pa din damdamin ko para sa kanya. But I know the boundaries na, gusto ko sya chat, kausapin Minsan nga yayain. There's a thought na mag apply kaya Ako sa gym kung sya nag work out baka may chance magkita kami. But I don't do that Kasi baka maging awkward lng mangyari. I simply happy na nakikita ko sya na Masaya na. Hindi mahalaga kung maging part pa Ako ng Buhay nya Kasi tapos na yun kabanata na yun at sinayang ko yun. I simply admire her kahit di nya na Malaman na I'm still in love with her. Qualities nya di ko Makita sa iba. She is exceptional beyond others. Wala syang katulad. I admit I'm still on that loophole that circling with the past with her. She the inspiration, my motivation to move forward for a better life. Na baka Minsan o Isang araw mapansin nya Ako at there's a chance na mag ka balikan kami. A chance to prove na I can change, to start over again with her. I still hope na magkita kami at mag kausap. I miss her to call Mako. Yun unang singding na meron kami I'm still keeping it. Lahat ng ito sa panaginip ko lang at sa day dreaming nangyayari. Mga what if ko dun ko na lang binubou. Why I don't take the initiative? To chat cher Kasi Wala Ako lakas ng loob even she greet me happy birthday. I don't Kasi nararamdaman nya kung Galit ba sya sa akin, or ayaw na nya Ako Makita. Why I think like this? Because that is what I feel when I last saw her. Iniiwasan na nya Ako and I feel there's a wall Us. I'm still in love with her that's it.
0 notes
Text
THE FIRST DOOR OF JOURNEY
Ano Kaya ang aking natutuhan ? SA sobrang siksik Ng impormasyon ay tila ba napunan ang espasyo na matagal ko Ng ninanais na malagyan at malamang dito na magsisimulang maabot ang mga tala na dati KO lamang tinatanaw. Ano toh? Ano Yan ? Ano Yun? Bakit ? Para Saan? Para Saan Toh? Para Saan Yan ? Anong nangyayari? Anong meron Mga tanong mula SA aking isipan Kung bakit ako naging bahagi Ng programa na Ito , Kung panaginip man Ito ay ayoko Ng magising at hanggang Ngayon tanging sambit lng ng aking mga labi Salamat SA Diyos at sa programa na Ito na nagbukas Ng pintuan para ako ay makapasok at simulan ang isang simpleng pangarap na matagal KO Ng inaasam. Bago magsinula ang lahat at bago ako makapunta SA programa na Ito, may mga ginamit ang Diyos na instrumento upang simulan Kung tahakin ang landas na Ito. Sa Mundo na Kung Saan handa mong paglaruan ang iyong tinig at palawakin ang imahinasyon upang bigyang buhay ang mga karakter na kinagigiliwan Ng Tao at mapapaisip sila sino ang NASA likod Ng lahat ng ito. Nung binanggit saakin ang programa na Ito ay may patimpalak ay agad Kung sinubukan, alam Kung mahirap dahil sugal ang pangarap pero paano mo malalaman kung di mo susubukan diba ? Wag nating pangunahan ang magaganap hayaan mong SA lahat Ng iyong ginagawa ang Diyos ang syang maging Sentro Ng lahat at hayaan mong sya ang kumontrol Ng mga Ito. Ang patimpalak na Ito ay iaanunsyo pa sa aking Mismong kaarawan nagantay ako hanggang SA araw Ng bukas Sabi KO SA Lord "Regalo na lng po Sana saakin" at bigla na lamang akong nagulat sapagkat ako ay napili maging iskolar Ng programa na Ito. Ang pagkakataon na Ito ang syang nagpamulat sakin na walang impossible Kung SA Diyos Ka magtitiwala at SA kanya ang lahat ay ipapaubaya. Unang Gabi, Setyembre Anim Taong kasalukuyan, magsisimula ang isang oportunidad na dati KO pang hinahanap, isang pintuan na nagbukas upang ako ay mahubog at lumago at ang lahat ng ito Diyos lng ang syang tanging dahilan. Nung Gabi na iyon ako ay Di hamak na simpleng Kabataan na nakikinig SA mga kikalang tao SA industriya na Ito at nagulat na lamang ako dahil nabigyan ako Ng pagkakataon na magsalita at ipakilala ang sarili KO SA lahat. Higit pa SA higit ang naganap dahil Yung Gabi na Yun sobra Kung pinagpalasalamat Yun. Kinabukasan Unang araw at ang panimula Ng kabanata SA aklat na Ito , marami na agad naganap at natutunan. Umaga pa lamang punong-puno Ng galak at ngiti SA aming mga labi at bago magsinula ang lahat tinalakay muna ang regulasyon at pamantayan bago magsimula ang programa. SA pangunguna ni Mr. Navi Garcia sya ay nagbahagi Ng kanyang karanasan at mga bagay na makapag papataas Ng aming kumpyansa SA sarili. Nilatag na nya ang iba't ibang talakayin SA araw na Ito Una na rito ang isang POCHOLOGY na nagsasabi na "SOMEONE OUT THERE NEEDS TO HEAR YOUR VOICE" ang kataga na Ito ay Di lamang tumutukoy sa iyong galing SA larangan na Ito pero Ito Rin ay tumutukoy SA mga boses Ng katarungan at wag mong ikahiyang magsalita Kung alam mong ikaw ay nasa Tama Kung baga " Use our voice to encourage one another" because our story will be a testimony to others use our voice to give some good message for those persons who feel hopeless. Ang sumunod ay iniisa ISA ang mga "Busting popular Myths" like if you have a good voice you are able to qualify as an voice actor but sometimes we need to submissive and fashionate SA Kung ano man ang iyong ginagawa it doesn't matter Kung magaling because the most important thing here is you are willing and the next one you need to good at imitating voices but in this field we need to be flexible yes it is a bonus if magaling Kang manggaya Ng boses ngunit mas maganda if you have your own style to express your voice and being a voice artist have no age limit as long as you want to be a voice artist and at the same time you are willing then do it and last one In this field you are not only read the script just to earn money we need to have heart and the most important that this is your fashion at masaya Ka SA ginagawa mo without any return.
0 notes
Text
“red light na naman, titigil na naman sa gitna ng daan at mag-aantay na makausad sa traffic”
stuck na naman ako sa traffic dito sa may edsa tapos nakita pa kita na patawid, hawak kamay ang hindi pamilyar na pigura—may malawak na ngiti sa mga labi na pinapakita sa akin na masaya ka na. kailangan ko pa ba mangamusta kung ang sagot ay nakuha ko na?
akala ko sa traffic lang ako ma-i-stuck dahil red light ngunit para din akong na-stuck sa mga alaala mo na naiwan sa akin. hanggang ngayon tanda ko pa rin ang mga paborito at ayaw mo, kahit ata ang linyang lagi mong sinasabi ay nakatatak pa rin sa isipan ko. makakausad pa kaya ko?
mukhang nakatawid ka na, hindi lang sa pedestrian lane na nilalakaran mo ngayon kundi pati na rin sa nakaraan na minsan nating pinagsamahan. congrats! sa wakas nakatawid ka na. akala ko tatawid ka ng ako ang kahawak-kamay mo pero tadhana na talaga na maiwan ako rito sa traffic at ikaw lang ang unang makausad sa ating dalawa.
“5... 4... 3... 2... 1...”
green light na! gagalaw na yung traffic, uusad na ako—uusad na ko mula sa nakaraan nating dalawa na ako na lang ang humahawak.
“green light na, uusad na ko ha? ayoko na ma-stuck dito, baka mapag-iwanan na ko”
tatawid na rin ako—kailangan ko na rin umusad. uusad ako ng may baon na magandang alaala mula sa’yo at may nag-aantay sa akin na bagong kabanata kung saan wala ka na pero parehas na tayong masaya.
“masaya ako na nakausad na tayo”
0 notes
Text
Saan Ka? | Unang Kabanata
Choi Seungcheol x reader filo!smau
Paano kung sa paghahanap mo ng true love, ang makakatuluyan mo pala ay hindi ang kasama mong kumain sa date kundi ang naglilista ng order niyong pagkain?
Note: first chapter ahuehuehue hoping na magustuhan niyooo 🫶
Main masterlist | Saan Ka? Masterlist
#seventeen#seventeen crack#seventeen au#seventeen smau#seventeen x you#seventeen x y/n#seventeen x reader#choi seungcheol#seungcheol x reader#seungcheol#scoups x reader#scoups#filo au#seungcheol au#caraetdeul.blr
16 notes
·
View notes
Text
MGA LARO SA ISIP
KABANATA 1
Sinag ng araw ay tumatama na sa aking balat at mga ingay sa aking paligid ay rinig na hanggang sa kabilang kanto. Hindi pa man tuluyang naimumulat ang aking mga mata ng lubusan boses ni Tita Magda mistulang sirang plaka na umaalingawngaw sa aking tenga.
“Matilda! Bumangon ka na riyan! Hindi ka prinsesa sa pamamahay na ito. Tandaan mo kinupkop kita para may katulong ako rito” sigaw ni Tita mula sa unang palapag ng bahay
“Opo! Pababa na ako” tugon ko sa kaniya habang nililigpit ko ang aking higaan.
Hindi pa man ako nakakalabas sa atik ng may biglang inihagis sa akin si Tita na mga damit na alam kong papalabhan niya sa akin ang mga ito,
“Labhan mo ng mabuti ang mga yan, ayokong may makikita akong mga dumi” talak niya sa akin. Tumango na lamang ako bilang tugon.
Ako pala si Matilda Bueno, dalawampu’t tatlong gulang na naninirahan sa aking Tita Magda simula pa nung sampung taong gulang pa lang ako. Marami na akong naging karanasan sa kamay nina Tita ngunit hindi ko na lamang ito pinapansin dahil nakikitira lamang ako sa kanila at ayoko ng umiyak dahil nasanay na rin ako sa mga nangyayari sa akin.
Malapit na akong matapos sa pagsasampay ng mga damit ng biglang sumigaw ang panganay na anak ni Tita na si Jayda mula sa loob ng bahay,
“Matilda! Where is my breakfast?” sigaw niya, ngunit hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa ngunit nagulat na lamang ako ng may biglang humablot sa aking buhok.
“Wala ka bang narinig? Kung tinatawag ka, lumapit ka kaagad kung ayaw mong masaktan” sigaw niya sa aking habang hawak niya parin ang aking buhok. Hindi man lang siya inawat nina Tita.
Nasa kusina ako ngayon, gumagawa ng agahan ni Jayda. Ang nangyari kanina ay parang hangin lang na dumaan at hindi binigyang pansin ng mga taong nakapaligid sa akin. Inihain ko na sa kaniya ang kaniyang agahan, at pumunta na ako sa labas upang ipagpatuloy ang pagsasampay.
Pagkatapos ko sa labas, dumiretso na ako sa kusina ulit para maghugas at maghanda ng kakainin nila sa tanghalian. Ganito na ang routine ko araw-araw, walang pinagbago kahit sana man lang magandang trato ibigay nila sa akin.
Tinapos ko na lahat ng aking gawain at napagdesisyunan kong pumunta sa atik at doon na lamang ako maglalagi hangga’t wala pa akong ginagawa. Pagbaba ko sa atik dumiretso ako sa mga librong naka ayos at kumuha ng isang librong tila’y naakit akong basahin. Kinuha ko na at humiga na ako sa aking kama. Ang pamagat ng librong aking hawak ay “Mga Laro sa Isip”, sinimulan ko na itong basahin at hindi ko namalayan naka tulog na ako.
Nagising ako sa tawag ng aking Tita, at habang naglalakad ako pataas napansin ko na madilim na pala ang paligid. Pagdating ko sala kung nasaan sina Tita ay agad niya kong sinigawan.
“Oh! Gising ka na pala, nakalimutan mo yatang magluto ng hapunan. Pumunta ka na sa kusina at ika’y magluto na dahil gutom na kami” sabi niya sa akin. Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko ang tugon ni Tito Rolando sa kaniyang asawa na si Tita Magda
“Huwag mo naman masyadong pagalitan si Matilda. Siya na nga lang ang nakakatulong dito sa bahay” malambing na sabi niya sa kaniyang asawa
“ Naku Rolando ha! Wag na wag mong kakampihan ang batang iyan” asik ni Tita kay Tito Rolando
Sobrang bait talaga ni Tito Rolando sa akin at masasabi ko na siya lamang ang may pagmamalasakit sa akin sa bahay na ito. Nagluto pala ako ng sinigang na baboy, at nagsimula na ring tumunog ang aking tiyan dahil sa asim ng aroma ng sinigang. Pagtapos na silang kumain at magligpit doon pa lamang ako kakain, never pa akong hinayaan ni Tita Magda na sumabay sa kanila pagkakain na. Tapos na akong magligpit at kumuha na lamang ako ng pagkain ko na kakainin ko sa atik.
Habang kumakain ako, baka napapaisip kayo na kagaya ko kung nasaan ba ang aking mga magulang? Wala akong maalala kahit isang memorya lang na kasama sila, kung tatanungin ko naman si Tita tungkol sa kanila ay pinapagalitan niya ako kaya mula noon hindi na lang ako nagtatanong sa kaniya pero patuloy pa rin akong hahanap kahit mga pictures man lang nila dito. Tapos na akong kumain at naghahanda na ako para maligo. Dito pala sa atik ay may cr at TV kaya hindi ko na kailangang makipag-agawan dahil may sarili naman ako atsaka ayoko ng makisali sa gulo nila ng dahil lang sa TV. Habang hinihintay ko na matuyo ang aking buhok kinuha ko muna yung librong binabasa ko kanina at diko nasabi na yung librong kumuha ng aking atensyon ay librong sulat kamay at hindi computerized atsaka hindi mor in makikita kung sino ang author dahil kung titignan ay parang diary lang siya na estilong libro.
Sinimulan ko nang magbasa, sa unang pahina ay matatakot ka dahil may mga parang mantsa ng dugo at tumindig rin ang aking balahibo dahil may naamoy ako na malansa kagaya ng amoy ng dugo at may naamoy rin akong amoy kandila na hindi ko alam kung saan nanggagaling kaya isinara ko na ito at natulog na lang ako.
Mahimbing na ang aking tuloy ng may boses akong naririnig at parang gusto niya akong palapitin sa salamin at nakita ko doon ang librong kinuha ko kanina. Hindi ko pa minumulat ang aking mga mata dahil natatakot ako na baka may nakapasok sa bahay na hindi alam nina Tita at aptuloy pa rin yung boses sa aking isipan at kinakausap niya ako
“Matilda! Matilda!” sigaw niya na animo’y ang kaniyang tinig ay umiiyak
“Umalis ka kung ayaw mong tawagin ko sina Tita” sagot ko sa kaniya
“Halika rito sa salamin at may sasabihin ako tungkol sa iyong magulang” sabi niya sa akin at ako’y nagulat dahil may alam siya tungkol sa aking magulang kaya napa tayo ako at pumunta sa salamin
Pag-upo ko sa harap ng salamin ay may nakita akong babae na nakatitig sa akin at nakikita ko rin ang nakakatakot niyang hitsura dahil na rin sa mga kapal na make up na nakalagay sa kaniyang mukha.
“Matilda! Kausapin mo ako dahil alam kong kailangan mo ng tulong” sambit niya sa akin ngunit hindi pa rin ako gumagalaw sa aking inuupuan
“Sin-sino ka? At bakit kita nakaka-usap? Hindi na ito makatotohanan” nanginginig na tanong ko kaniya at ilang sandali pa ay tumawa siya ng nakakatakot at mas dumoble ang aking kaba at takot
“Talagang wala kang kamuwang muwang sa mundo. Huwag kang matakot dahil ako’y kakampi mo” tila nangungusap na turan niya sa akin
“Umalis ka na! Ayokong makipag-usap sa kagaya mo” sigaw ko at umalis na ako sa harap ng salamin ngunit hanggang sa aking higaan ay rinig ko pa rin ang tawang akala mo’y isang mangkukulam.
Kahit nawala na yung tinig ng babaeng nakkatakot at patuloy pa ring sumasakit ang aking ulo na para bang binibiyak ito sa sobrang sakit. Sumigawa ako upang magpatulong kina Tita pero wala man lang tumulong kahit isa sa kanila. Gustuhin ko man na bumangon ngunit hindi ko talaga kaya ang sakit ng aking ulo at nagulat na lamang ako dahil sa malamig na tubig na nagpagising sa aking natutulog na diwa.
Pagbukas ko ng aking mga mata, galit na mukha ni Tita Magda ang aking nakita.
“Ano ba Matilda! Kailangan ba na palagi kitang gisingin para magawa mo ang mga responsibilidad mo?” nananliksik ang kaniyang mga mata habang sinasabi niya sa akin ang mga salitang iyon
“Sorry Tita pero hindi lang po maganda ang aking panaginip” turan ko naman sa kaniya at totoo naman iyon
“Sumasagot ka pa talaga! Bilisan mo na lang at marami ka pang gagawin” sabi niya sa akin bago umalis. Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon at hindi na ako umangal pa dahil wala rin namang akong magagawa. Inayos ko na ang aking higaan at naghilamos ng mabilisan bago ako lumabas sa aking tinutuluyan sa atik.
KABANATA II
Simula ng araw nung napaginipan ko tungkol sa babaeng iyon ay lagi na lamang akong binabangungut at wala na akong masyadong magandang tulog magmula noon. Natatakot na rin ako kapag oras na ng tulog dahil baka kung ano pa ang posibleng mangyari sa akin kapag napiginipan ko ulit ang babaeng iyon. Dahil sa takot pinaki-usapan ko si Tita na kung maaari ay makikigamit na lamang ako ng kanilang CR sa tabi ng kusina dahil pag-ako’y naliligo ay may naririning akong ingay na hindi ako alam kung saan galing at pumayag naman si Tita. Malapit na mag-alas nuebe ng gabi kaya kumuha ako ng susuotin ko at maliligo muna ako bago matulog.
Nang papasok na ako ng banyo nakita ko si Tito Rolando sa kusina “Tito nandiyan pala kayo, ano pong ginagawa niyo diyan?” tanong ko sa kaniya
“Umiinom lang ako ng tubig. Nauuhaw kasi ako” nakangiti niyang sagot sa akin at nagpaalam na rin siya at umakyat na sa taas. Pumasok na rin ako sa banyo. Nasa kaligitnaan na ako ng pagligo ng may narinig akong parang naglalakad sa kusina at alam kong may ibang tao sapagkat ang pintuan ng banyo ay ang yung karaniwang pintuan ng mga palikuran na kulang orange at makikita mo ang anino ng tao. Dahil sa takot ko binilisan ko nang maligo at nagbihis at bago ako lumabas kinuha ko muna ang toilet plunger para may manghampas ako kung sakali. Nang palabas na ako, wala na yung tao kanina at tanging ako na lamang ang nandito. “Sino kaya iyon?” tanong ko sa sarili ko.
Bumaba na ako papuntang antik, hindi ko pala nasasabi na ang bahay nina Tita Magda ay may dalawang palapas pero mahigpit na ipinagbabawal nina Tita na huwag na huwag akong tutungtung sa second floor pero wala naman silang binigay na rason kung bakit. Tapos ko ng patuyuin ang aking buhok at hand ana akong matulog pero bago ako matulog nagdadasal pa rin ako dahil kahit ganito ang nangyayari sa akin ay nagpapasalamat parin ako sa ating panginoon dahil sa buhay na ibinigay niya sa akin. Ipipikit ko na sana aking mga mata ng may tumawag sa akin na nagpatindig ng aking mga balahibo at alam ko kung saan nanggagaling ang tinig na iyon. Hindi ko na sana papanisin pero may sinabi siya sa akin na nagbigay ng pangamba sa akin.
“Mag-iingat ka dahil hindi mo pa kilala ng lubusan ang mga taong nasa paligid mo” malumanay ngunit may pagpapa-alala sa akin
“Bakit mo naman nasabi iyan?” interesadong tanong ko sa kaniya ngunit hindi na ako nakatanggap ng sagot mula kaniya
Kahit ako’y natatakot sa kaniya pero parang gusto ko siyang maka-usap pa ngunit ini-isip ko pa lamang ay nagtatalo naang aking isipan at damdamin sa gusto kong gawin. Ipinikit ko na lamang ang aking mata dahil maaga na naman ako bukas dahil marami ang ipapagawa sa akin si Tita Magda.
Pagdating ng umaga bumangon na ako kahit hindi pa sumisilip ang araw. Naghilamos kuma ako at nag-ayos nga sarili bago ako pumunta sa kusina upang magluto. Nadatnan ko si Tito Rolando na nagkakape sa kusina at tila’y nagulat ata siya sa aking paglitaw sa kusina.
“Magandang umago po Tito” masayang sabi ko sa kaniya at sumagot naman siya ng may ngiti sa labi sabay higop sa tasang hawak niya
“Good morning too, Matilda. Ang aga mo ata ngayon, may pupuntahan ka ba?” pabalik na tanong niya sa akin.
“Wala po Tito, ayaw ko lang pong mapagalitan ulit ni Tita” tumatawa akong sumagot sa kaniya ngunit napansin ko na tumititig na lamang siya sa akin, tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa at hindi ako kumportable sa ginagawa niya kaya ako na mismo ang kusang umalis.
“Sige po Tito at magluluto na po ako ng agahan” pagpapaalam ko sa kaniya at para maka-alis na rin roon. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nangyari kanina pero isa lang ang sigurado, ako ay kinabahan sa mga tingin ni Tito sa akin kanina.
Sinimulan ko na lamang magluto at iwinaglit ko muna yung nangyari kanina. Habang ako’y nagluluto naririnig ko si Tito na sumisipol pero hindi ko siya pinansin, at nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang tinig ni Tita.
“Magandang umaga po Tita” bati ko sa kaniya habang gumagawa siya ng kaniyang kape
“Oh, ang aga mo ngayon hah! Ang bango naman niyang tuyong niluluto moa bot hanggang kwarto naming yung amoy. Tiyak maraming makakain ang Tito Rolando mo” tugon niya habang inihahalo niya ang kaniyang kape at tinignan ang aking niluluto. Hindi na rin ako nagsalita pa at ngumiti na lang ako bilang sagot. Pagkaraan ng ilang minuto, nakikita ko na ang sinag ng araw at inihabilin sa akin ni Tita kanina na gisingin ko si Jayda at ang bunsong anak ni Tita na si Mariz para sa kanilang pagpasok sa kani-kanilang paaralan. Hindi pala ako nakapagtapos ng pag-aaral hanggang elementary lang ang natapos ko dahil ayaw na akong pag-aralin nina Tita noon at mas maigi raw na tumulong na lamang ako rito sa bahay nila. Ang kwarto ng magkapatid ay nasa unang palapag, ewan ko ba kung bakit mas pinili nilang sa baba ang kanilang kwarto kahit pwede naman sila sa second floor.
“Mariz at Jayda gumising na raw kayo at baka mahuli pa kayo sa inyong klase” tawag ko sa kanila habang binubuksan ko ang mga bintana ng kanilang kwarto.
“Five minutes more please at pwede ba umalis ka nga dito” sigaw ni Mariz sa akin at nagkibit balikat na lang ako atsaka umalis na. Sasabihin ko na lang kay Tita na gising na sila at nag-aayos lang kahit hindi. Hinintay ko na lamang silang maka-alis lahat bago ko gawin ang aking mga trabaho. Si Tita ay bibisita sa salon habang si Tito ay pupunta na sa kaniyang trabaho, siya ay isang abogado sa bayang ito at ang dalawang magkapatid ay inihatid na sa kanilang paaralan.
Nandito ako sa labas dahili hinihintay ko ang maghahakot ng aming basura at may schedule lang kasi ang paghakot ng basura sa bayang ito kaya dapat lahat ng basurang dapat itapon ay nakahanda na isang araw bago nila kunin upang hindi maiwanan ang iyong basura. Ilang sandal pa narinig ko na ang kanilang busina at hudyat iyon na magready ka na dahil susunod ka na.
“Magandang araw Matilda” masiglang bati sa akin ni Mang Ibe na siyang naghahakot ng basura namin
“Magandang araw rin ho Mang Ibe. Tila good mood po kayo ngayon” binigyan ko ng matamis na ngiti sa pagsagot sa kaniya
“Ay oo naman iha. Dapat maging positive tayo lagi dahil hindi uusad ang buhay kung puro negative na lamang ng uhay ang ating iisipin” tumatawa niyang sagot sa akin. Pagkatapos niyang mahakot lahat bumisina siya bilang pagpapaalam.
Pumasok na ako sa loob at napagdesisyunan kong maligo dahil nanlalagkit na ang katawan ko dahil sa mga ginawa ko kanina. Pumasok na ako sa atik para kumuha ng damit at pumunta na sa banyo dahil gusto kong magbabad at napa isip ako na may bathtub pala yung magkapatid sa kanilang kwarto at wala naman sila at natitiyak ko na maggagabi na kung sila’y uuwi kaya nagtungo na ako doon.
Hinubad ko na lahat ng aking saplot sa katawan at dinamdam ang lamig ng tubig na umaagos sa aking balat na nagmumula sa faucet. Sobrang nakakaginhawa sa pakiramdam ang pagbabad sa tubig at hindi ko namalayan ay nakatulog ako ng ilang minuto.
Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa kama na ako at napabangon ako bigla dahil walang ibang tao ngayon rito kundi ako lang at kung si Tita naman ay hindi niya ako mabubuhat sapagkat ako’y kaniyang papagalitan dahil sa paggamit ko ng bathtub ng kaniyang mga anak. Sa kagalitnaan ng aking pag-iisip ay nawindang at nagulat ako kung sino ang nagsalita
“Gising ka na pala Matilda. Ang himbing ng tulog mo kanina kaya dina kita ginising.” sambit niya sa akin at makikita mo ang nakakalokong ngiti niya
“Tito Rolando bakit po kayo nandito? At bakit niyo po ako binuhat eh wala akong damit” nanginginig na sabi ko kaniya at nararamdaman ko rin na may nagbabandyang luha na babagsak sa aking mga mata at tuluyan na akong napaiyak sa sinabi niya
“Wag ka ng mahiya dahil matagal ko nakikita mga yan at hindi ko maiwasan tong nararamdaman ko sayo” hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil tumakbo na ako sa atik at doon ko ikinulong ang aking sarili. Umiiyak ako dahil hindi ko matanggap ang ginawa sa aking ni Tito Rolando, hindi ko alam sa mga kabutihang pinapa kita niya sa akin ay may plano siyang hindi maganda sa akin. Humihikbi ako ng at hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Sa kailaliman ng aking pagtulog, narinig ako ang tinig na matagl ko ng hindi naririnig at nabuhayan ang aking loob ng marinig ko siya at pumunta agada ko sa salamin para makausap siya.
“Sinabi ko naman sayo na mag-ingat ka sa mga taong kasama mo dahil hindi lahat sila ay totoo sayo” pagalit niyang sabi niya sa akin at nakikita ko rin ang galit sa kaniyang mukha. Hindi na rin ako nakapagsalita dahil patuloy pa rin ang aking paghikbi.
“Hayaan mo at ako ang gaganti para sayo kung hahayaan mo lang ako” matapang niya sabi sa akin at ako’y tumango na lamang bilang tugon sa kaniyang sinabi. Nagpakilala siya na siya si Lucy at matagal na daw niya akong kilala kahit nung ako’y bata pa lamang
KABANATA III
Ilang araw ng nagdaan at hindi na rin ako lumalabas at hinayaan ko na lamang si Lucy na gawin ang gusto niya, hindi ko parin nalilimutan ang nangyari at nandidiri ako sa aking sarili dahil sa tuwing ako’y naliligo sa banyong iyon ay sinisilipan pala ako ni Tito Rolando kaya pala mas kaluskos minsan kapag naliligo ako na hindi ko malam kung saan ito nanggagaling. Sinasabihan na lamang ako ni Lucy kung ano ang nangyayaring kaganapan sa labas.
Dumating na si Lucy at nakangiti siyang umupo sa salamin na akala mo’y nagwagi siya sa isang karera sa dahil sa taas ng ngisi niya sa akin.
“Oh, parang sobrang saya moa ta ngayon? Anong nangyari?” excite kong tanong sa kaniya ngunit tumawa muna siya bago sumagot
“HAHAHAAHHA! Sino ba ang hindi magiging masaya kung malaman mong nag-aaway away na sila” nakangisi niyang sa akin at hindi ko maintindihan kung bakit sila nag-aaway.
“Pwede mo ba akong kwentuhan sa nangyari?” nag-aalangan kong tanong sa kaniya at tumango na lamang siya bilang tugon sa akin.
FLASHBACK (Lucy’s POV)
Habang nagluluto ako kanina sa kusina nakita ko si Tito Rolando na nagtitimpla ng kaniyang kape at nung magtama ang aming mga mata ay ngumiti siya ng nakakaloko at wala man lang bakas ng pagsisisi sa kaniyang ginawa kay Matilda. At nagulat na lamang ako ng biglang may pumitik sa aking noo at parang tinamaan ako ng maliit na bato sa noo sa sakit
“Arayyyyyyyyyyyy! Bakit niyo po ginawa iyon Tita?” pagalit kong sab isa kaniya ngunit nabigla ata siya sa aking pagsigaw
“Aba Matilda! Sumisigaw ka na ngayon. Bakit ka ba nakatitig sa Tito Rolando mo kanina?” pataray niyang tanong sa akin at hindi ko na lamang siya sinagot dahil wala rin namang mangyayari kung sasabihin ko ang ginawa niya kay Matilda. Hindi na ako umimik pagkatapos noon pero nagulat na lamang ako ng biglang pagsulpot ni Tito Rolando sa aking likuran at may inulong siya sa akin at mas nagbigay sa akin ng kagalakan sa aking kalooban.
“Huwag kang magtangkang magsumbong sa iyong Tita dahil papatayin kita at alam kong hindi ka rin naman niya papaniwalaan” banta niya sa akin at binigyan niya ako ng nakakaasar niyang tawa.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking ginagawa at bumubuo ako ng plano kung paano ko maipaggaganti si Matilda sa kanilang lahat. Pagkatapos ko sa aking amaha sa loon ng kusina ay pumunta ako sa maliit na garden dito sa harapan at nakikita ko si Tito sa hindi kalayuan at may kausap siya sa kaniyang cellphone at malalaman mong naiinis siya sa kaniyang kausap sapagkat mula rito sa aking kinatatayuan ay makikita mong nakakunot ang kaniyang noo. Hindi niya ako napansin dahil may nakaharang na halaman rito sa aking kinatatayuan, at base sa aking mga naririnig ay babae niya dahil sa mga katagang kaniyang binitawan sa kaniyang kausap
“Naghahanap lang ako ng Magandang tiyempo para maountahan ka. Alam mo naman kung gaano minamanmanan ni Marga ang aking mga kilos. Oo malapit na tayong magkita dahil miss na rin kita” malambing ang kaniyang tono na paki-usap niya sa kaniyang babae.
Umalis na ako sa garden dahil may nabuo akong plano sa aking isipan na tiyak na pagsisimulan ng kaguluhan. Pumunta ako sa atik ng mabilisan at kumuha ako ng isang thong na matagal ko ng binili at sa tingin ko ito na ang tamang panahon para gamitin ito.
Mabilis akong pumunt sa kwarto nilang mag-asawa na nasa second floor at ng makapasok na ako ay nilagay ko ang pulang tong sa bag na ginagamit ni Tito Rolando sa kaniyang trabaho at pagkatapos ay bumaba na rin ako bigla dahil baka makita pa nila ako. Pababan a ako ng hadan ng makita ako ni Jayda at sumigaw siya
“Mommmmyyyy! Si Matilda pumunta sa second floor!” natataranta niyang sigaw at agad naman siyang dinaluhan ng kaniyang ina at binigyan muna ako ng masamang tingin ni Tita bago niya hinablot ang aking buhok
“Ikaw na bata ka sinabi ko sayo noon na hindi ka pwede doon” pagalit niyang turan sa akin at hindi niya parin binibitawan ang aking buhok at ramdam ko na para bang humihiwalay na ang aking buhok sa aking anit dahil sa sakit.
“Pinupunasan ko lang naman po yung hagdan Tita dahil makikita na po ang alikabok doon” pagtanggol ko sa aking sarli ngunit hindi niya ako pinapakinggan at patuloy pa rin sa paghila ng aking buhok hanggang sa nakarating na kami sa kusina at doon pa lamang niya ako binitawan.
“Isa pa talaga Matilda. Hindi lang yan ang mapapala mo kapag inulit mo pa ang pagpunta roon” pagbabanta niya sa akin bago siya umalis. At nakita ko si Jayda na nakangisi at alam kong nang-aasar siya.
“Buti nga sayo yan! Dapat magtanda ka na ngayon” nakangisi niyang sinasabi yun at umalis na rin dahil maghahanda pa sa kanilang pagpasok
Nawala na sila sa paningin ko at inayos ko na ang aking sarili. Humanda sila dahil hindi ako makakapayag na gagawin nila kay Matilda iyon ng panghabang buhay.
“Matilda! Halika ka nga dito sa aming kwarto at linisin mo ang mga kalat” matinis na sigaw naman sa akin ni Mariz at wala na akong magagawa kundi sumunod na lamang sa sinabi niya.
Pagkapasok sa kanilang kwarto, makikita mo ang mga damit na nagkalat at hindi ko na mawari kung ano ang malinis at madumi sa mga ito dahil parang binagyo ang kanilang kwarto. Hindi na ako nagreklamo pa at nilagay ko na lamang lahat ng mga damit na nagkalat sa laundry basket at habang pinupulot ko ang mga ito ay may nakita akong maliit na bag sa ilalim ng kama at kinuha ko iyon. Isasabit ko sana sa lagayan ng kanilang mga bag ngunit napansin kong hindi ito nakasara at parang may nagsasabing buksan ko ang bag kaya binuksan ko ito at nagulat na lamang ako dahil may isang pakete ng shabu sa bag. Umabot ang ngiti sa aking labi dahil alam ko na kung. Pagkatapos kong linisin ay nilagay ko na ang mga ito sa washing area at mamaya ko na lalabhan, pagpasok ko sa loob ay nakita ko sa sala ang bag ni Jayda at ngayon ko na isasagawa ang paghihiganti ko para kay Matilda.
Ilang amaha pa ang nagdaan ay umalis na ang mag-aama at tanging kami lang ni Tita Magda ang naiwan dito sa bahay. Kumain na ako dahil maglalaba pa ako ng mga maruruming mga damit nila. Niligpit ko na ang aking pinagkainan at pumunta na sa washing area upang simulant ko na ang paglalaba at habang nasa kalagitnaan ng paglalagay ko bg damit sa washing ay bigla na lamang akong nakarinig ng sigaw na nagmumula kay Tita.
“Ano kamo? Si Jayda nasa police station? Bakit daw?” nanginginig niyang tanong sa kaniyang kausap at aligaga siya dahil pabalik balik siya ng direksyon ng kaniyang dinadaanan at ilang saglit pa ay parang mahihimatay siya dahil napaupo na siya sa sahig
“May droga sa bag niya? Patawarin ako ng maykapal pero paano siya nagkaroon ng ganiyan?” sagot niya sa kaniyang kausap at pinatay niya agad ang tawag at narinig ko naman ang tunog ng sasakyan ni Tito at alam ko na nasabi na sa kaniya ang nangyari.
Humahangos siyang nagtungo kay Tita dala ang kaniyang bag at agad naman siyang nitong niyakap at doon na siya magsimulang umiyak. Nagpaalam lang si Tito na magpapalit ng damit at sa tingin ko ay pupuntaha nila si Jayda sa presinto. Biglang may nagring sa bag ni Tito at agad naman itong hinanap ni Tita pero nagulat siya sa kaniyang nakita at hindi cellphone ang hawak kundi ang red thong na inilagay ko kanina at sakto naman na pababa si Tito at lumaki ang kaniyang mata sa gulat.
“Ano ang ibigsabihin nito Rolando? May babae ka pa rin hanggang ngayon?” nakatulalang sambit ni Tita sa kaniyang asawang hindi pa rin tuluyang nakakababa sa hagdan
“Hindi ko alam kung saan nanggalin iyan.” Tanggol ni Tito Rolando sa kaniyang sarili ngunit hindi parin binibitiwan ni Tita ang thong na hawak niya
“Sa tingin mo maniniwala ako? Bakit may pakpak amaha na kusang lilipad at napunta sa iyong bag hah?” sagot niya sa kaniyang asawa habang ang mga luha sa kaniyang mga mata ay dumadaloy pa rin.
Pinapanood ko silang nagtatalo sa sala at hindi ko maitago ang ngiti sa aking mga labi dahil sa simpleng ginawa ko ay nagkagulo gulo na ang sitwasyon. Natigil lang ang kanilang pagtatalo ng may tumawag galing sa presinto.
*END OF FLASHBACK (End of Lucy’s POV)
“Bakit mo ginawa ang mga iyon?” inis na tanong ko kay Lucy dahil hindi ako pabor sa ginawa niya kina Tita at inirapan niya lamang ako bago siya sumagot
“Hindi ka ba magpapasalamat? Dahil nagantihan kita sa mga ginawa nila sayo?” pagalit niyang turan sa akin ngunit hindi pa rin ako kumbinsido sa ginawa niya kaya tinalikuran ko na lamang siya at hindi na umimik.
Sana hindi ako naniwala kay Lucy dahil kahit ganun sina Tita sa akin ay minamahal ko pa rin sila bilang isang pamilya. Sinabihan ko na si Lucy na ibalik na ako sa dati ngunit ayaw pa rin niya at mapilit siya at lumabas na lang siya sa atik upang hindi na kami makipagtalo.
Nagdaan ang mga araw na hindi kami nag-iimikan ni Lucy at napagdesisyunan ko na ngayon na tanungin siya tungkol sa alam niya sa aking mga magulang. At tungkol sa nangyari kina Tita, lakas loob kong tinanong si Lucy at nasa kulungan pa rin si Jayda at hindi na raw umuuwi si Tito at tanging si Tita at Mariz na lamang ang nasa bahay at parang nawawala na raw si Tita sa kaniyang sarili. Naririnig ko ng pababa si Lucy sa hagdan at naghahanda na rin ako upang masabi ko na ang aking saloobin.
“Lucy, ngayon ako magtatanong sa tungkol sa aking mga magulang. Ano ba ang alam mo tungkol sa kanila” malumanay kong tanong sa kaniya at agad niya naman akong hinarap at napabuntong hininga siya bago sumagot.
“Namatay ang iyong mga magulang hindi dahil sa isang aksidente kundi dahil may dumukot sa kanila noon at pinagpapatay sila at ikaw ay isang himalang nakaligtas sa mga masasamang loob na iyon pero naranasan mo ang pang-aabuso sa kanilang mga kamay kaya noon ay hindi ka manlang makapagsalita” malungkot na kwento niya sa akin at agad namang nag-unahan ang aking mga luha na umaagos ngayon sa aking pisnge
“Sino ang may gawa nito sa kanila? Anong rason nila para gawin nila sa amin iyon?” matapang kong tanong sa kaniya ngunit may dumaang sakit sa kaniyang mata bago niya sagutin ang aking katanungan
“Hindi ako alam kung ngayon ang tamang oras para malaman mo na ang totoo, at hindi ko rin alam kung maniniwala ka sa aking sasabihin o hindi” sambit niya sa akin at hindi siya matingin sa aking mga mata kaya kahit natatakot akong malaman ang katotohanan ay haharapin ko na lamang upang mabawasan ang agam-agam ko sa buhay
“Sabihin mo na sa akin ang katotohanan dahil hand ana akong malaman iyon” matapang kong tanong sa kaniya at ngumiti muna siya bago niya ako sagutin
“Ang Tita Magda at Tito Rolando mo ang pumatay at umabuso sa inyo” walang pag-atubiling sagot niya ng diretso sa akin
Napa-isip ako kung bakit nagawa nina Tita ang bagay na iyon at sarili niyang kapatid ang aking ina. Ilang amaha pa ay biglang nagsalita si Lucy sa aking harapan at hindi ko pa rin matanggal ang aking katanungan kung bakit nila iyon nagawa sa amin.
“Nagawa nila ang iyon dahil nalaman ng Tita mo na walang ipapamana ang lola mo kaniya dahil isa siyang ampon” direktang turan niya sa akin at napa-iyak na lamang ako sapagkat hindi ko lubos maisip ang ginawa nila sa aking mga magulang. Ganoon na lamang ba ang kahalaga ng pera para gawin nila iyon, sa aking nalaman mas gustuhin ko na lamang na pabayaan si Lucy na gawin ang gusto niyang gawin. Ang awa at pagmamahal ko sa pamilyang itinuring kong pamilya ay napalitan ng poot at galit.
Nagdaan ang mga araw na nagging tahimik sa loob ng bahay at masasabi ko na mas gusto ko ito kaysa makita sila at hindi ko pala nasasabi sa inyo na nung nagdaang araw ay nakipagpalit na ako ng katwan kay Lucy ngunit hindi siya umalis at mas piniling samahan ako dahil natatakot siya na baka may hindi magandang mangyari sa akin lalo na at nawawala na ang saya ng kanilang pamilya at natitiyak niya na ako ang pagbubuntungan ng galit ni Tita at sa akin pa isisi ang lahat ng kamalasan na nangyayari sa kanila ngayon.
Noong isang araw, nagpunta pala ako sa second floor ng bahay at may isang kwarto doon na kaya pala ayaw akong papuntahin nina Tita sa second floor dahil sa kwartong iyon dahil naglalaman ito ng mga litrato ng aking mga magulang at kasama meron ding picture ng aming buong angkan. Napa-iyak na lamang ako dahil sa mga pictures na nakita ko ay makikita mo na sobrang saya ng aming pamilya at hindi mo makikita na may bahid ng inggitan sa isa’t-isa. Hindi ko man lang naranasan na makapiling ang masayang pamilya na sa tingin ko’y hanggang panagarap na lamang para sa akin.
KABANATA IV
Malalim na ang gabi at napagdesisyunan kong pumihik sa kusina upang kumuha ng makakain at maiinom dahil nakalimutan kong kumain kaninang hapunan. Hindi ko na binuksan ang ilaw dahil nakikita ko naman ang liwanag na nagmumula sa buwan. Habang nagsasandok ako ng pagkain ay may biglang humawak sa aking bewang at nanlamig ang aking katawan at nabitawan ko pa ang aking hawag na plato at maririnig mo ang pagkabasag niya na lumikha ng ingay sa kusina.
Ang kamay na nasa aking bewang ay humahaplos papunta sa aking aking binti at mas tumaas ang aking mga balahibo dahil sa pagbulong niya sa aking tenga.
“Matagal na kitang inasam asam, at ngayon ay akin ka” nang-aakit na bulong niya sa akin at bigla na lamang niya akong hinila papuntang atik at wala na akong nagawa dahil hindi nanigas na ako dahil sa takot
Inihiga niya ako sa aking kama at wala na akong nagawa kundi humikbi na lamang at nanalangin na sana marinig ni Lucy ang aking mga hikbi. Hinalikan niya ang aking leeg at unti-unti niyang tinatanggal ang butones ng aking damit at nagtagumpay siya at patuloy niya akong hinalikan roon. Linakasa ko ang aking loob at nagsumamo na huwag niyang gawin ang bagay niya iyon
“Tito Rolando huwag niyo pong gawin sa akin ito” ngunit parang wala ata siyag narinig at tanging mga halik niya sa aking balat ang maririnig. Tatanggalin na niya sana ang aking pajama ngunit laking pasalamat ko at muling nabuhay si Lucy sa aking katawan at hinayaan ko siyang maging kontrolin ang aking katawan. Ilang saglit pa ay biglang nagging malakas ang aking katawan at nakikita kong nagpupumiglas si Lucy,
“Balak mo na namang gawin kay Matilda gaya ng ginawa mo sa nanay niya” matapang na sambit ni Lucy habang patuloy siyang nagpupumiglas at nagtagumpay siya at nakawala sa bisig ni Tito. Ngunit hinabol siya nito at hindi wala man lang ako magagwa para ipagtanggol ang aking sarili. Hirap na hirap na si Lucy na magpumiglas laban kay Tito at humahalaksak ti Tito sa kaniyang ginagawa.
Akala ko’y nagtagumpay na si Tito Rolando sa balak niyang gawin sa aking katwan dahil wala ng isang saplot si Lucy at nakikita ko rin na pagod na si Lucy at hahayaan na lamang niya si Tito sa kaniyang gagawin. Naghuhubad na si Tito ng kaniyang saplot ngunit nagulat na lamang ako ng nakahawak ng patalim si Lucy. Hindi ko na natuloy ang aking pagsigaw ng makita ko ng nakasaksak na ito sa dibdib ni Tito.
“Lucy bakit mo ginawa yun?” kinakabahan kong tanong sa kaniya ngunit hindi niya akong pinakinggan at sinaksak niya pa si Tito ng tatlong beses
“Tama na Lucy! Ayoko na ng ganito. Tumigil ka na please” patuloy kong pagsusumamo sa kaniya ngunit hindi niya pa rin itinitigil ang kaniyang ginagawa at nagulat na lamang ako ng bigla siyang tumawa na akala mo’y sinaniban ng demonyo.
“Nararapat lang sa kaniya iyan dahil bayad iyan ng ginawa niya sayo at sa inyong pamilya” nakangisi niyang sagot sa akin at hindi na ako umimik dahil natatakot na ako sa posibleng mangyari kinabukasan.
Hindi ako natulog ng magdamag at pagkatapos ng pangyayaring iyon ay umalis na rin si Lucy at yung katawan ni Tito Rolando ay tinakpan ko na lamang ng mga nakatambak na mga damit sa atik. At lumabas na ko ng atik at gagawin ko ang mga dapat kong tapusin na trabaho at hindi ko ipapahalata na may nangyari kagabi.
Nagluto ako ng makakain at nais kong bisitahin si Tita sa kaniyang kwarto dahil hindi na siya masyadong naglalabas ng kwarto at nangangamba na rin ako sa posibleng mangyari sa kaniya dahil napapabayaan na niya ang kaniyang sarili. Pagkatapos kong magluto, inihanda ko na ang pagkain ni Tita at umakyat na ako para pakainin siya. Pagpasok ko ng pinto, nakita ko si Tita na nakatingin sa kawalan na tila’y wala siya sa kaniyang katinuan at namumugto rin ang kaniyang mga mata at sobrang gulo ang kaniyang buhok daig niya pa hindi nagsuklay ng tatlong taon.
Inilagay ko na sa lamesa ang pagkain, inayos ko muna ang mga nagkalat na mga damit at basag na bote bago ko siya hinarap para pakainin. Nagluto ako ng bulalo dahil alam kong paborito niya ito at para mainitan rin ang kaniyang sikmura.Hinipan ko ang sabaw bago ko siya isubo kay Tita ngunit bigla niyang tinapik ang aking kamay kaya natapon sa akin ang mainit na sabaw at napasigaw ako dahil parang binuhusan ako ng kumukulong tubig kaya nagtungo ako sa kanilang banyo upang malamigan ang napaso ng malamig na tubig.
“Ikaw ang malas sa aming pamilya! Ikaw ang sumira sa aking pamilya” bintang niya sa akin at hindi ko siya pinansin dahil sa init ng sabaw na natapon sa akin at patuloy ko pa ring pinapa-agusan ng tubig ang binti kong napaso pero nagulat na lamang ako ng biglang may humablot sa aking buhok at napasigaw ako sa sakit at ako’y napaluhod at nawalan ng balanse. Hinila niya ang aking buhok na akala niya’y isa akong kotseng laruan na linagyan ng tali at kaniyang hinila hila.Nawawalan na ako ng lakas kaya makakalabas na naman si Lucy at hindi nga ako nagkamali. Ilang saglit pa, pagkakuha niya ng aking bwelo ay tumayo na siya at itinulak ko niya si Tita at napadapa, at humanap si Lucy ng tali sa drawer nina Tita at nakahanap nga siya ng tali at dali-dali niya itong itinali ng mahigpit sa kamay at paa ni Tita at mararamdaman mo ang sakit ng pagtali sa kaniya dahil napapasigaw siya sa tuwing hinihigpitan ni Lucy ang tali.
“Hayop ka Matilda! Pakawalan moa ko dito” galit na sigaw sa akin ni Tita ngunit hindi ko kontrolado ang sitwasyon, si Lucy. At nagulat si Tita sa binitawang salita ni Lucy.
“Hello Tita Matilda. Long time no see Tita. Namiss mo baa ko?” natutuwang turan ni Lucy sa kaniya
“Ikaw? Demonyo ka, pakawalan mo ako” naiiyak na sigaw ni Tita ngunit tinatawanan lang siya ni Lucy at wala ng paki-alam sa kaniyang ginagawa.
Natahimik kami ni Lucy ng may narinig kaming kaluskos ng paa na maririnig mo na siya ay dahang dahang umaakyat at nagulat kami ni Lucy ng bumukas ang pinto at inuluwa niya si Mariz na may hawak ng tubo at sinubukan niya itong ihampas ngunit naka-ilag si Lucy.
“Matilda! Anong ginawa mo kay mama?” humihikbi na niyang tanong ngunit hindi ako makapagsalita sapagkat si Lucy ang nasa aking katawan sa oras na iyon. Sinubukan niyang hablutin ang aking buhok ngunit mas naunaan siya ni Lucy at kinuha ang natitirang tali at itinali rin siya kagaya ng kaniyang ina.
“Ikaw Mariz ang dahilan kung bakit nawala sina Lolo at Lola” nakakagulantang na turan ni Lucy sa kaniya at hindi maintindihan ni Mariz kung anong sinasabi ni Lucy
“Tanda mo pa ba ko Mariz? Ako to si Lucy na muntikan mo ring mapatay dahil sa maling pangbibintang sa akin kaya muntik na akong masagasaan sa kalsada noon” patuloy na kwento ni Lucy at hindi na makagalaw si Mariz sa kaniyang narinig.
“BALIW! Nababaliw ka na” yun lang ang tanging sambit ni Mariz at umiyak na lamang siya at napapikit dahil hindi niya kayang manlaban sa mga nangyayari sa kaniya.
Napagsedisyunan ni Lucy na kunin na lamang ang mahahalagang mga gamit ko sa atik at ginawa ko, kinuha ko lahat ng importanteng bagay at nahagip ng aking mata ang librong hindi ko pa tapos na atsaka lumabas.
Paglabas namin, pumunta agas si Lucy sa garahe at kinuha ang lagayan ng gasoline atsaka niya ito ibinuhos sa paligid ng bahay at ailing saglit pa ay hinagisan niya ito ng sinindihan niyang posporo at lumiyab agad ang paligid ng bahay.
Pinanood lang naming ni Lucy ang nasusunog na bahay at ilang saglit lang ay umalis na rin kami dahil may tao ng nakapansin sa sunog. Nagtungo kami sa tuktok ng kahoy na may bahay at doon ay makikita mo ang nasusunog na bahay nina Tita. Alam kong hindi na sila makakaligtas dahil walang makakarinig sa kanila kahit na mga daga sapagkat linagyan naming ng tape ang kanilang mga bunganga.
Sa aking pagmuni-muni sa kalangitan, biglang nagsalita si Lucy.
“Nasaan ang libro?” tanong niya sa akin at ako’y naguluhan sapagkat hindi naman siya mahilig magbasa
“Bakit mo hinahanap?” pabalik kong tanong sa kaniya at ngumiti ako sa kaniyang sagot
“Tapos na, nakapaghiganti na tayo kaya lagyan mo na ng wakas ang iyong sinusulat” turan niya sa akin at tinawanan ko siya at napabuntong hininga sapagkat tapos na ang lahat.
Ako at si Lucy ay iisa, may iisa kaming katawan ngunit hindi ang aming isipan. sAng mga dugo sa unang pahina ng libro ay dugo iyon mismo galing kay Tito Rolando na ilang beses ng gumahasa sa akin at ngayo’y alam kong ako’y nakapaghiganti na. Ginagawa ko ang lahat ng iyon dahil sa pagpatay nila sa aming angkan at namulat ako noon kung paano nila nagging parausahan ang aking nanay sa aking harapan at kung paano nila patayin ang aking tatay habang siya ay nagmamaka-awa pero hindi sila nakinig. Dahil sa nangyari sa kanila ay nabuo ang isang karakter ng aking pagkatao na si Lucy, siya ang matapang at palaban kong karakter na labis akong napagsasalamat dahil kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko maigaganti ang aking sarili at magulang. Ako si Matilda, ako ay may dual personality at ang mga nangyari ay ang mga laro sa aking isipan na ngayo’y nangyari na.
WAKAS…
0 notes
Text
Sagada: Nababalot ng Hamog at Hiwaga
Sa paglisan ko sa Bataan, tila ba ang init ng sikat ng araw ay kaakibat ng takot na sumisilayan sa malayong patutunguhan. Kasama ang aking mga pinsan ay nagtangka kaminy bumisita sa Sagada, ang bayang nagtataglay ng malamig na simoy ng hangin at hiwaga ng kalikasan. Hindi na ako bago sa pagpunta sa kabundukan ng Benguet dahil dito nagmula ang aking ama. Madalas ang pag-uwi namin dito upang bumisita. Ngunit, sa pagkakataong ito ay hindi na ako umakyat ng Benguet upang bumisita, kundi para maglakbay. Ang pagdaan sa mahangin at bulubunduking kalsada ay tila sumasalamin sa taglay na ganda ng kalikasan. Ang kaharian ng Sagada, sa layong hindi pa nasisilayan, ay puno ng mga hiwaga na tila ba nag-aalok ng paglalakbay na mas higit pa sa mga pangarap.
Sa wakas, pagdating sa gitna ng dilim, naroon na sa harap ko ang ilaw ng bayan. Ang unang paglapit ko sa kanyang mga kalye ay parang pagsilang muli sa isang bagong buhay. Nagsimula ang akint paglalakbay sa Sumaguing Cave, kung saan ang dilim ay mas naging makulay sa mga pormasyon ng mga bato. Ang bawat yugto ng paglakbay sa loob ng kweba ay parang paglipad sa ibang dimensyon, kung saan ang mga yugto ng mga bato ay nagsalaysay ng mga kwento ng kaharian ng kagubatan.
Sa pagtahak sa hindi pangkaraniwang Sagada Blue Soil, ang lupa ay parang nagiging pintura ng kalikasan. Ang kulay asul na ito ay nagbibigay ng bagong anyo sa kagubatan, nagdadala ng mas maraming pagnanasa sa puso ng bawat naglalakbay.
Hindi makukumpleto ang iyong karanasan kung hindi mo aakyatin ang Tanawin ng Kiltepan kung saan nakita ko ang kamangha-manghang tanawin ng karagatan ng mga ulap. Ang pag-ikot ng mga ulap ay tila nagbibigay buhay sa langit, nagbibigay ng halina sa puso ng sinumang makakakita.
Ang panghuling destinasyon sa aking listahan ay ang nakakubling misteryo ng kanyang kagubatan at ang mga “Hanging Coffins” na naglalakbay sa ilalim ng madilim na langit ay nagbigay ng diwa sa bawat hakbang na aking tinatahak. Sa dulo ng lahat, nang lumubog na ang araw at muling bumangon ang buwan, naroon ako, nagmumula sa ilalim ng madilim na langit ng Sagada. Ang paglalakbay na tila ba isinulat ng mga bituin, ang bawat karanasang nagdala sa akin sa mga yugto ng saya at lungkot, ay tila isang malalim na pagnanasa na punan ang puso kong lugmok. Ang alingawngaw ng mga puno sa “Echo Valley” ay parang nagsalita ng mga lihim na hindi kayang unawain ng simpleng tao.
Sa pagdaan ng oras, narito na naman ako, humahakbang sa dilim ng kagubatan na tila ba kumakatawan sa mga pag-alaala ng nakaraan. Tulad ng pagtatapos ng isang dakilang kabanata, bumabalik ako sa mundong may liwanag, ngunit ang aking kalooban ay paminsan-minsan na lamang sa kanyang likas na pag-ibig. Sa bawat hakbang patungo sa biyahe ng pag-uwi, ako'y dala ang mga bitbit na lihim at pangarap na tila ba iniwan sa gilid ng mga bangin. Sa paglipas ng mga sandali, ang Sagada ay hindi lamang nagbigay sa akin ng mga alaala; ito'y nagpatakbo ng isang pambihirang kwento ng paglalakbay, sa ilalim ng madilim na langit na isang tanyag na sagisag ng mga lihim at pagnanasa.
1 note
·
View note
Text
Ilocos Sur: Ang Buhay ng Kasaysayan, Kalikasan, at Kultura
Sa pagitan ng mga lupain ng Ilocos Sur, kung saan ang mga hangin ng Amianan ay humahaplos sa aming mga balat. Naglakbay kami ng aking pamilya sa isang kakaiba at misteryosong destinasyon. Dito sa lugar na ito, hinahanap namin ang kalakasan ng kalikasan at ang kapayapaan ng aming mga kaluluwa.
Bilang isang Pilipino, alam natin na ang Pilipinas ay puno ng mga hiwaga at kagandahan na naghihintay lamang na matuklasan. Mula sa malalim na karagatan hanggang sa makasaysayang mga tanawin, bawat sulok ay may nag-aabang na kuwento at pakikipagsapalaran.
Sa bawat paglalakbay, kami ay patuloy na bumabalik sa mga ugat ng aming pinagmulan, nagbibigay pugay sa yaman ng ating bayan at nagpapahalaga sa bawat sandali ng aming pagiging Pilipino. Ito ang aming misyon: ang tuklasin at ipagmalaki ang kagandahan ng Ilocos Sur at ang kayamanan ng ating kultura bilang mga tunay na Pilipino.
Maikling pagkilala sa lungsod ng Ilocos
Ang Ilocos ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Luzon. Ito ay nahahati sa dalawang bahagi, ang Ilocos Sur at ang Ilocos Norte. Sa Ilocos Sur, matatagpuan ang tatlumpu't apat na bayan habang sa Ilocos Norte, mayroong dalawampu't tatlong bayan.
Ang rehiyon ng Ilocos ay hindi lamang nagpapakita ng yaman sa kultura at kasaysayan ng bansa, kundi nagbibigay din ng halaga sa mga kabanata ng kasaysayan nito. Ipinapamalas nito ang mayamang alaala ng nakaraang kolonisasyon ng Espanyol sa Pilipinas, na bumubuo ng isang makasaysayang bahagi ng kuwento ng bansa.
Credits to Staycations Philippines
Pinakamagandang oras ng taon para bisitahin?
Ang pinakamagandang oras para bisitahin ang Ilocos Sur ay tuwing tag-init, partikular na sa buwan ng Disyembre hanggang Pebrero, kung saan ang panahon ay kadalasang tuyo. Sa mga buwan na ito, mas madaling maglakbay at maglibot sa mga atraksyon ng lalawigan nang hindi naapektuhan ng malakas na ulan o bagyo.
Paano makapunta sa Ilocos Sur?
Sa aming paglalakbay patungong Ilocos Sur mula sa Bataan, nagpasya kaming umalis gamit ang aming pribadong kotse kasama ang buong pamilya. Ang aming biyahe ay umabot sa humigit-kumulang na labing-anim hanggang labindalawang oras, na nagbabago depende sa kalagayan ng trapiko at mga pahingahan sa daan. Sa aming ruta, kami ay unang dumaan sa TPLEX (Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway), at mula roon ay nagpatuloy kami sa pagbiyahe sa McArthur Highway patungong hilagang direksyon hanggang sa aming marating ang aming patutunguhan.
Pagdating namin sa Ilocos Sur, labis akong namangha sa kagandahan ng mga tanawin at kasaysayan ng lugar. Napahanga ako sa mga makasaysayang simbahan at mga estrukturang nagpapahayag ng mayamang kultura ng rehiyon. Hindi nawala ang pagtitiyak sa sarili na ang aming pagbisita rito ay magiging isang karanasang hindi malilimutan.
Saan maaaring manatili?
Kami ay nagpalipas ng dalawang gabi sa Hotel Mercante dahil sa abot-kayang presyo nito. Alam kong magiging sulit ang pananatili namin dito dahil sa mga positibong rebyu na nabasa ko online. Pagkarating namin sa hotel, nagulat kami sa kalidad ng mga kuwarto. Malinis at komportable ang bawat isa, at talagang nakapagpahinga kami nang maayos. Sa kabila ng abot-kaya nitong presyo, hindi kami nagkulang sa kaginhawahan at kalidad ng tulugan.
Ang serbisyo sa Hotel Mercante ay hindi rin nagpahuli. Ang mga tauhan ay mababait at handang tumulong sa anumang kailangan namin. Hindi rin namin pinalampas ang pagkakataon na masubukan ang mga pagkaing inihahandog ng kanilang restawran. Masarap at abot-kaya ang mga pagkain, na talagang nagbigay sa amin ng kasiyahan.
Mga destinasyon na maaaring puntahan:
Calle Crisologo
Nang makarating kami sa Vigan, Ilocos Sur, agad kong nadama ang kakaibang tibok ng lungsod na ito. Sa unang tingin ko pa lamang sa mga kahoy na kalsada at mga matatandang bato, tila ba ako'y bumalik sa panahon ng mga Espanyol. Nakatutuwang isipin na narito ako, naglalakbay sa mga makasaysayang kalye na matagal nang tanaw ang kasaysayan ng Pilipinas.
Sa paglalakad sa Calle Crisologo, hindi ko mapigilang humanga sa ganda ng mga bahay na tindig pa rin mula noong ika-19 siglo. Ang bawat bintana, pintuan, at bato ay patunay na yaman ng kasaysayan ng Vigan. Nararamdaman ko ang bigat ng bawat yapak ko sa kalsada, isang patunay na ako'y nakatayo sa lugar na puno ng kasaysayan at kultura.
2. Bangui Wind Farm
Upang mas makilala pa namin ang lungsod ng Ilocos Sur, ang ikalawang destinasyon na aming nilakbay ay patungo sa Bangui Wind Farm na kilala bilang isa sa mga pinakamalaking wind farm sa Pilipinas at isa sa mga pangunahing atraksyon sa Ilocos Norte.
Nakamamangha na makita ang epekto ng modernong teknolohiya sa kalikasan. Ang paggamit ng hangin bilang mapagkukunan ng enerhiya ay hindi lamang nagbibigay ng solusyon sa suliranin ng enerhiya, ngunit nagtuturo rin sa atin ng kahalagahan ng pagiging maingat sa ating kapaligiran.
Sa bawat hakbang ko sa Bangui Wind Farm, mas lumalim ang aking pag-unawa sa kahalagahan ng pagiging mapanuri at responsableng mamamayan. Ang pagbisita sa lugar na ito ay hindi lamang isang karanasan sa pagtuklas ng kagandahan ng kalikasan, ngunit isang paalala rin sa akin na tayo ay may responsibilidad na pangalagaan at protektahan ang ating kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon.
3. Church of Paoay
Sa ikalawang araw namin sa lalawigan ng Ilocos Sur, kami ay dumayo sa isang simbahan na pinalilibutan ng diwa ng nakaraan at pagpapahalaga sa tradisyon. Ang Church of Paoay ay hindi lamang isang simbahan; ito'y isang pamana, isang tanikala ng kasaysayan na nagpapahayag ng pagiging matibay ng pananampalataya at pagmamahal sa kultura ng mga Ilokano at buong Pilipinas.
Ang aking unang paglapit sa simbahan ay nagdulot sa akin ng pakiramdam ng paghanga sa galing ng mga sinaunang manggagawa na nagtayo nito noong ika-18 siglo. Ang mga butil ng bato't tisa na pinagsama-sama upang lumikha ng magarbong estruktura ay nagpapakita ng taglay nitong tibay at kagandahan.
4. Baluarte Zoo
Para naman sa aming huling destinasyon, kami ay tumungo sa Baluarte Zoo na kung saan agad kong naramdaman ang pagkamangha sa likas na ganda ng lugar na ito. Ang malawak na tanawin ng lupa, ang sariwang hangin na dumadaloy sa paligid, at ang mga hayop na naglalaro sa kanilang maluwag na espasyo ay nagbigay sa akin ng pakiramdam ng kapayapaan at kalayaan.
Ang lugar na ito ay isang maliit na zoo na nagtatampok ng iba't ibang uri ng hayop mula sa iba't ibang bansa pati na rin ang mga katutubong hayop ng Pilipinas. Ito ay pagmamay-ari ni Chavit Singson, isang kilalang personalidad sa Vigan. Ang Baluarte Museum ay nagpapakita ng mga hayop na nahuli at pinatay ni Chavit Singson.
Pangkahalatang Karanasan
Nang maglakbay kami sa Ilocos Sur, aking natuklasan ang isang mundong puno ng kahanga-hangang tanawin, makasaysayang mga lugar, at masasarap na pagkain. Ang paglalakbay sa mga bantog na tourist spots tulad ng Vigan, Paoay, at Bangui Wind Farm ay isang karanasang hindi malilimutan. Sa bawat hakbang, tila ba ako'y sumasayaw sa mga alaala ng nakaraan at nalulunod sa ganda ng kasalukuyan.
Ang Ilocos Sur ay hindi lamang nag-aalok ng mga makasaysayang simbahan at mga arkitekturang kolonyal. Dito rin matatagpuan ang mga pasyalan tulad ng Baluarte ni Chavit Singson, kung saan mapapaligiran ka ng iba't ibang uri ng hayop mula sa iba't ibang panig ng mundo.
Ang paglalakbay sa mga lugar na ito ay hindi lamang isang paglibot sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas, kundi isang pagtuklas ng sarili. Ang mga tanawin na binibigay ng mga bundok, dagat, at mga taniman ay nagbibigay inspirasyon upang kayo'y hikayating pumunta rito.
Sa bawat lugar na aming pinuntahan, ang damdamin ko'y nababalot ng diwa ng pagtanggap at pagpapahalaga sa kagandahan ng ating bansa.
Sanggunian:
Koki. (2019, November 26). Kagandahan ng Ilocos. Site Title. https://kagandahanngilocosregion.travel.blog/2019/11/26/kagandahan-ng-ilocos/
UNESCO World Heritage Centre. (n.d.). Historic city of Vigan. https://whc.unesco.org/en/list/502/
1 note
·
View note
Text
Isang paksa sa unang pahinang patuloy na nagaganap sa bawat kabanata.
Tila isang May-akdang tulad ng agos na patuloy sa kanyang planong di alam kung ano ang dulo 😶
0 notes
Text
Ang Ganda at Pasakit ng Walang Hanggang Paglipas ng Oras
"I barely knew anything about him... We only traveled together for 10 years. I knew human lives were short... Why didn't I try to get to know him better?" - Frieren
Frieren: Beyond Journey's End, isang Japanese manga series na isinulat ni Kanehito Yamada at iginuhit ni Tsukasa Abe. Nagkaroon ito ng anime adaptation na pinalabas noong Septiyembre 2023. Mabilis nakuha ng unang apat na episode ng serye ang atensyon ng karamihan ng mga nanonood ng anime. Nakatanggap ito ng maraming papuri dahil sa pagiging emosyonal at sentimental mula pa lamang sa unang nitong episode.
Nagsimula ang kwento hindi gaya ng karamihang kwentong pantasya kung saan nagsisimula sa umpisa ng lakbayin ng mga karakter. Nagsimula ang Frieren: Beyond Journey's End sa pagtatapos ng paglalakbay ng Hero's Party matapos ng kanilang 10 taon ng pakikipagsapalaran upang mapaslang ang Demon King na noo'y nagpahirap sa kanilang mundo ng matagal na panahon. Sa unang episode ng anime at sa unang kabanata ng manga, saglit nating makikila sina Himmel, Heiter, Eisen, at Frieren o ang Hero's Party, ang grupong nagwagi laban sa Demon King. Sa karamihan ng kwento, si Frieren ang ating sinusundan na karakter ngunit ang kanyang mga kasamahan na sina Heiter, Eisen, at lalong lalo na si Himmel ang puwersang nagtutulak sa susunod na lakbayin ni Frieren.
Isang elven mage si Frieren at namumuhay ng higit pa sa libu-libong taon ang mga lahing elf. Sa sandaling nakikilala natin si Frieren, mapapansin natin ang kaniyang hindi karaniwang pagtingin sa oras. Sa isang elf na namumuhay ng napakatagal na panahon, ano nga ba ang sampung taon sa kanyang libo at magiging higit pa? Ano nga ba ang halaga ng ilang dekada para sa isang nilalang na kayang mamuhay ng higit pa sa isang daan na henerasyon ng ating mga pamilya?
Sampung taon magkasamang naglakbay ang grupo nila Frieren. Para kina Himmel, Heiter, at Eisen na mas maikli ang buhay kung ikukumpara kay Frieren, napakahabang panahon na ito ng kanilang buhay at mahabang pagsasamahan na ang mga taon na iyon. Ngunit para kay Frieren, maikling kaganapan lamang ang mga taon na iyon sa kaniyang mahabang buhay. Kaya matapos ng kanilang paglalakbay, tumahak muli si Frieren sa isang paglalakbay upang tuklasin ang iba't ibang mahika ng kanilang mundo. Nangako siyang babalik matapos ng limang dekada upang samahan ang kaniyang mga kasamahan sa panonood ng Era Meteor Shower na nangyayari lamang tuwing limampung taon. Sa kaniyang pagbalik, naging malinaw ang pagbabagong naranasan ng kaniyang mga dating kasamahan. Habang nanatili ang kaniyang kabataang anyo at lakas, tumanda at nanghina sina Himmel, Heiter, at Eisen. Namayapa si Himmel matapos panoorin ang meteor shower kasama sina Frieren sa huling pagkakataon. Sa pagpanaw ni Himmel, napagtanto ni Frieren na hindi niya gaano nakilala ang kanyang kaibigan at hindi niya gaano pinahalagahan ang mga oras na hawak nila noon. Nangyari sa unang kabanata ang lahat ng nailathala sa taas. Naging mabilis ang paglipas ng panahon sa kabanata hanggang sa pagpanaw ni Himmel. Gaya ito ng pagdama ni Frieren sa oras, tulad lamang ng mga minuto sa kanya ang mga taon sa atin. Sa pagtatanto ng kanyang pagkakamali, naglakbay muli si Frieren, hindi lamang upang makakuha ng mga baging mahika, ngunit upang maintindihan at makilala ang mga tao matiyagang namumuhay sa mundo kahit sa ikli ng kanilang panahon. Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pagbabalik sa daan na kaniyang tinahak kasama ang kanyang mga kaibigan. Ang konsepto ng kuwento na umiikot sa alaala, buhay, at oras ang unang humila sa akin sa serye. Labis kong nagustuhan ang simple ngunit magandang lakad ng kuwento. Nagustuhan ko kung paano nito tinalakay ang hindi mababagong takbo ng oras at kung paano namumuhay ang mga alaala ng mga tao matapos ang maraming panahon.
Malupit ang oras at hindi bumabalik ang panahon. Kahit anong pagmamakaawa ng mga tao, patuloy na pasulong ang daloy ng oras at wala tayong magagawa ngunit tanggapin ito. Maari lamang tayong tumayo at patuloy na lumakad na dala-dala ang aral ng ating pagkakamali. Dapat din tayong maging masaya sa mga panahon nahawakan natin kasama ating mga mahal sa buhay.
Sa tingin ko, kahit nasa loob ng mundo ng pantasya ang kuwento ni Frieren, napapakita pa rin nito ang ilang aspeto na parte sa ating lipunan. Mula sa kung paano natin harapin ang ating sariling oras hanggang sa paano natin nilalakbay ang buhay at mga taong nasa paligid natin. Maraming pagkakataon na naghihinayang tayo sa mga nawalang panahon na sana kasama natin ang ating mga mahal sa buhay sa pagaakala na mataas pa ang hawak nating panahon. Katulad din tayo ni Frieren sa aspetong iyon at gaya ni Frieren, madalas tayong kinakailangan na magpatuloy sa ating buhay habang dala-dala ang mga alaala nakasama natin sa nakaraan.
November 24, 2023 Alyssa Marie Pellerin
0 notes
Text
Pag-ibig : Isang Aklat ng Sakit at Pag-asa
Aking isinara ang pahina
Kung saan nakatala ang pagmamahalang nailathala
Sa bawat talata'y nakasalaysay
Pag iibigang nawalan ng saysay
Mga salita'y naitala na may purong emosyon
Kaya't bawat pangungusap ay punong puno nang panaghoy
Huling talata'y natuldukan
Hindi na maaaring madugtungan
Kung kaya't nararapat nang ilipat ang pahina sa sunod na kabanata
Kung saan wala na ang tinatangi ng may akda
Sa halip na ilipat ay piniling isarado ang buong aklat
At muling binuklat sa unang pahina ng may luha sa mga mata
0 notes
Text
Ang Gamit ng Gitling (The Use of Hyphen)
Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng saita sa mga sumusunod na pagkakataon. (A hyphen (-) is used within a sentence in the following instances.)
Sa pag-uulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang ugat. (By repeating the root word or more than one syllable of the root word.) Hal. gabi-gabi buwan-buwan sari-sarili
₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪
Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay hindi nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkaroon ng ibang kahulugan. (If the prefix ends with a consonant and the word it is prefixed with does not begin with a vowel that if left uncut will have a different meaning.)
Hal. pag-alis tag-init mag-utos
₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪
Kapag may katagang kinaltas pagitan ng dalawang salitang pinagsama. (When there is a word cut between two words combined.) Hal. dalagang tagabukid — dalagang-bukid humigit at kumulang — humigit-kumulang bahay na diwan — bahay-diwan
Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay nagbago ang kahulugan, hindi na gagamitin ng gitling ang pagitan nito. (However, if the meaning of the two words has changed by combining them, a hyphen will not be used between them.) Hal. dalagambukid buntunghininga
₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪
Kapag may unlapi ang tangingngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling. (When the first name of a person, place, brand or brand of an object or equipment, emblem or symbol has a prefix. The only name has no change in spelling.) Hal. maka-Diyos taga-Maynila
Sa pag-uulit ng unang pantig ay tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng sinulat na unang pantig ng tanging ngalan at ang buong tanging ngalan. (When repeating the first syllable of a proper name with a prefix, the hyphen is moved between the written first syllable of the proper name and the full proper name.) Hal. mag-Japan mag-Zonrox mag-Ford
₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪
Kapag ang panlaping ika- ay inuunlapi sa numer o pamilang. (When the suffix ika- is added to the number or list.) Hal. ika-7:30 ng umaga ika-20 pahina ika-12 kabanata
₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪
Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya. (When dividing a word at the end of a line.)
₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪
Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction. (When fraction units are written in letters.) Hal. isang-kapat (1/4) tatong-kasim (3/6) lima't dalawang-kalima (5 2/5)
₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪
Kapag pnagkakabit o pinagsasama ang apilyido ng babae at ng kanyang asawa. (When connecting or combining the last name of a woman and her husband.) Hal. Jane Kinba-Lastec Olimpia Zorilla-Zuniga Anita Linda-Cruz
0 notes