#palamuti
Explore tagged Tumblr posts
Text
not to be a downer ha pero pagod na ko mag survive every effin day na ginawa ng lord hahahahahaha parang araw araw na lang laging may plot twist tas laging ikaw yung pulutan jusko naman kelan ba matatapos to kasi di ko na kaya i swear
0 notes
Text
Bituin ng Pagkakaisa
Pamilya'y nagsasama-sama,
Lahat ay nagkakaisa,
Pagmamahal ang nananaig sa bawat isa,
Mga tao'y bakas sa mukha ang saya..
Buhay sa puso ng mga Pilipino ang diwa ng pasko. Pagtutulungan, pagbibigayan, at pagmamahalan, 'yan ang ating nakagawian. Sana'y araw-araw na lang pasko, puno ng saya at pag-iibigan!
Ang mga bahay ay nagiging isang makulay na paraiso ng mga dekorasyon. Ang Christmas tree ay hindi maaaring mawala, ito ay isang simbolo ng pagkakaisa ng pamilya, kung saan lahat ay nagtutulungan sa paglagay ng mga palamuti, mula sa mga ilaw hanggang sa mga dekorasyong pang-Pasko. Sa mga kabahayan nating mga Pilipino'y hindi makakalimutang isabit ang parol na siyang simbolo ng pag-asa at pagkakaisa ng mga Pilipino sa landas ng buhay. Isang magandang representasyon ng Bituin ng Bethlehem, nagagabayan sa pag-ibig at pagkakaisa. Nagbibigay ng ilaw sa kadiliman ng gabi, nagagabayan ang mga tao sa landas ng pagmamahal. Ang parol, isang bituin ng pag-asa na nagpapaliwanag, sa mga puso ng mga Pilipino. Naaalala ko pa noong nabubuhay pa ang aking lolo, tuwing simula ng 'ber months', ay kaagad na naglalagay siya ng mga dekorasyon sa aming bahay. May mga ilaw, parol, at mga palamuti na nagbibigay ng aliw at saya sa aming tahanan.
Nakasanayan nating mga Pilipino na ipagdiriwang ang Pasko kasama ang buong pamilya. Ang mga nasa malayo'y kung maaari ay umuuwi upang makasama sa pagdiriwang. Sa aming pamilya, ang aking ina at kaniyang kapatid, na kapwa OFW, ay umuuwi tuwing Pasko. Samantalang ang ibang mga kamag-anak na nasa malayo ay pumupunta rito sa aming bahay. Kami'y nagtutulungan sa paghahanda ng mga pagkaing pagsasaluhan, at nagdadasal nang taimtim sa simbahan. Ang aming munting tahanan ay puno ng halakhak at pagmamahal.
Hindi kumpleto ang pasko kung walang mga batang nagpapakita ng kanilang talento sa pag-awit ng mga Christmas carols sa mga bahay-bahay. Kasama ang mga matatanda, nagtitipon-tipon sila upang kumanta ng mga tradisyonal na awiting pang-Pasko tulad ng 'Pasko Na Naman', at 'Star ng Pasko'. Sa mga kanta nila, ramdam ang pag-asa, pagmamahal, at pagkakaisa. At pagkatapos ng kanilang pagkanta, nagbibigay ang mga may-ari ng bahay ng mga aginaldo bilang pagpapalain at pagkilala sa kanilang pagtatanghal. Noong kasali pa ako sa choir kami ay pumupunta sa iba't ibang simbahan upang mangaroling at ang malilikom naming pera ay ginagamit namin upang may pambili kami ng bagong uniporme at ang sobra naman ay para may pang 'outing' kami.
Subalit, sa paglipas ng panahon, marami na ang nagbago at naglaho, isa na rito ang mga nakagawian tuwing pasko. Pasko noon at ngayo'y labis na kakaiba. Kayraming ipinagbago na hahantong sa pagkakataong ika'y mapapatanong ng pasko nga ba ito?
Ang Pasko ay hindi na ganap simula nang sumakabilang-buhay ang aking lolo. Ang mga dekorasyon na dating nagbibigay ng aliw at saya, ay wala na rin. Siya ang nagpapakulay ng aming tahanan, at ng aming buhay. Hindi na rin pumaparito ang ibang kamag-anak... Wala na rin masyadong mga bata na nangangaroling rito..
Gayunpaman, ngayong papalapit na ang pasko, ako'y nagagalak na unti-unti nang bumabalik ang aking nakasanayang pasko noon dahil ipinagpatuloy nga aking lola ang paglalagay ng dekorasyon sa aming tahanan. Sa pagbabalik ng mga alaala ng nakaraan, muli kong matatamasa ang Paskong nakasanayan ko. Hindi man ito ganap na tulad ng noon, ngunit ang pagmamahal at pagkakaisa ng pamilya ay nananatiling pareho. Sa bawat ilaw ng parol at dekorasyon, natutukoy ko ang diwa ng Pasko - pagmamahal, pagkakaisa, at pag-asa. Muli kong makakasama ang aking pamilya, at muli kong makakaramdam ng saya at pag-iibigan. Ito ang Pasko ko, at ito ang nakasanayan kong pagdiriwang.
Aking napagtanto na ang pagbabago ay isang bahagi ng buhay na hindi natin maiiwasan. Hindi tayo pwedeng manatili sa isang lugar lamang. Kailanganan nating harapin ang mga pagbabago at gamitin ito bilang pagkakataon upang lumago at umunlad. Sa tuwing may pagbabago, mayroong bagong pag-asa at pagkakataon na nagbubukas.
Minsan, ang pagbabago ay nakakatakot, pero hindi tayo dapat matakot. Ang pagbabago ay isang proseso ng paglaki at pag-unlad. Hindi ito isang pagkakamali, kundi isang pagkakataon upang matuto at lumago.
Dili sa tanang panahon ania ra sila,
Busa samtang ania pa sila,
Ipakita nato atong paghigugma kanila
Ipadama ta kanila nga sila importante sa atoa
Sa panahon sa kapaskohan, panahon kini sa paghigugmaay, pagpinasayloay, ug pahinatagay dili nato hikalimtan nga mao kini ang angay.
8 notes
·
View notes
Text
Isa na namang araw para maging cute, I'd say isang panibagong opportunity para maging palamuti sa lipunan. 😂
5 notes
·
View notes
Text
Damn this phone. This is friggin' useless. Di ako nagseselfie. HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAA! Palamuti ka muna sa bag or bulsa.
9 notes
·
View notes
Text
day 01 in my previous dept. walang task na handoff sakin. naka leave parehong master trainer and manager ko. palamuti na naman ako sa office.
4 notes
·
View notes
Text
10 uncommons filipino words
1. Hapay - Ang hapay ay nagbibigay ng kasiyahan.
2. Palaruan - Ang palaruan ay isang magandang paraan upang makapaglaro ng mga bata.
3. Palamuti - Ang palamuti ay nagpapaligaya sa aming bahay.
4. Kainin - Inaasahan namin na maluluto ang masarap na pagkainin.
5. Tumulong - Nagtutulungan kami upang matupad ang aming pangarap.
6. Kabanata - Ang unang kabanata ng nobelang binasa ko ay nag-ulat ng isang mahabang paghahayag ng kwento.
7. Puso - Ang puso ko ay puno ng pag-ibig para sa aking mga kapamilya.
8. Kaalaman - Ang kaalaman ay ang pinakamahalagang kasangkapan para sa tagumpay.
9. Pag-asa - Pinanatili ko ang pag-asa na magagawa ko ang lahat.
10. Nakakapagtaka - Ang nakakapagtaka na bagay na nakita ko ngayon ay isang magandang tanawin.
2 notes
·
View notes
Text
Halina't sa Baguio!
Noong Pebrero 22, 2017, naglakbay kami mula Bataan patungong Baguio, isang paglalakbay na sa una ay patag ngunit kalaunan ay nagsimulang tumaas nang tumaas habang paakyat sa kalsada. Nag-iba ang tanawin sa daan habang kami ay nasa itaas, habang ang mga puno ay tumataas at ang hangin ay lumalamig. Pagdating ko sa aming destinasyon, nagising ako mula sa aking pagkakahimbing at naramdaman ko ang malamig na hangin sa aking balat.
Sanggunian ng larawan: https://4.bp.blogspot.com/-PgXMWhtEXFs/WN3TCOlgJVI/AAAAAAAAABI/tLlme033l7oY6qbdXF6VNmtP1yAAPCFnACLcB/s320/baguio2.jpg
Sa pagsisimula ng aming paglalakbay, ang una naming pinuntahan ay ang Burnham Park, Sa Burnham Park, magkakaroon ka ng maraming pagkakataon upang tamasahin ang mga pasyalan at tunog ng tubig at mga bike trail kasama ang mga kaibigan at pamilya. Magiging maayos ang pakiramdam mo sa mapayapang parke na ito. - - -
Sanggunian ng larawan: https://th.bing.com/th/id/R.7368b0bec6f000bd14ea529633fb87f2?rik=MoEEYdB4LF3PRA&riu=http%3a%2f%2fxtremelyxpresso.com%2foakandstone%2fwp-content%2fuploads%2fsites%2f4%2f2020%2f06%2fMines-View-Park2-xtremelyxpresso.com_.jpg&ehk=v7qe%2fchVUR2uk86QElyFnkxyeEjXxlLPiqLy0Slo64Q%3d&risl=&pid=ImgRaw&r=0 Sa patuloy naming paglalakbay, Ang Mines View Park ang pangalawa naming napasyalan. Sinasabing ang Mines View Park ay isang magandang lugar sa Baguio na nag-aalok ng mga kahanga-hangang tanawin ng minahan ng ginto at tanso ng Benguet at ng mga nakapalibot na bundok. Maaari ka ring umarkila ng binocular dito para mas makita ang mga pasyalan. Maganda ang mga tanawin rito sapagkat ito ay nakakatanggal ng ano mang iyong hinanakit sa buhay, dahil sa isang tingin mo lamang rito, tiyak! makukuha na nito ang iyong loob.
- - -
Sanggunian ng larawan: https://bluedreamer27.com/wp-content/uploads/2017/03/32037682782_708021f5d1_z-640x445.jpg
Pagkatapos ng park na iyon, pumunta kami sa Botanical Garden. Dito, makikita mo ang matatayog na bundok at kamangha-manghang mga minahan, magagandang bulaklak at mga taong masayang nagkukwentuhan, karamihan ay mga pamilya at kaibigan na namamasyal. Maaari ka ring kumuha ng litrato kasama ang mga aso at kabayo doon. Marami ring mga souvenir na mabibili dito na karamihan ay gawa sa kahoy at mga palamuti sa katawan. Kung bigla kang nagutom, huwag kang mag-alala dahil marami ring mga tindahan dito kung saan makakabili ka ng masasarap na pagkain.
- - -
Sanggunian ng larawan: https://th.bing.com/th/id/OIP.IjMXDbM6_MkZP_TrqrjF8AHaE9?pid=ImgDet&rs=1
Matapos ang mahabang paglalakbay, pagkuha ng mga magagandang litrato, at pagkain na masasarap. Kami ay pansamantalang nanirahan at nagpalipas ng ilang gabi sa isang hotel na nagngangalang Hotel Elizabeth Baguio.
- - -
Sanggunian ng larawan: https://live.staticflickr.com/5043/5289938473_b24c1afdc5.jpg
Bumisita din kami sa "The Mansion" which is the "Summer Palace of the Philippine President" dito sa lugar na ito napakahamog ng mga araw na iyon, kaya hindi namin ito makita sa labas ng Gate.
---
Sanggunian ng larawan: https://i.pinimg.com/originals/f2/b2/84/f2b284e62853a4e4582538332c98493d.jpg
Dito rin ako nakatikim ng taho na may halong Strawberry o Ube na sobrang sarap dahil akala ko lang na pareho lang sa Probinsya ng Bataan pero may twist ang taho nila.
***
Bago kami umuwi, pinasyalan namin ang SM BAGUIO kung saang hindi ito pangkaraniwang SM na may mga airconditioner, sapagkat, ang mga bintana nito ay sagrado dahil sa sobrang lamig sa Baguio.
Maraming dapat gawin at makita dito, hindi ko lamang nabanggit ang iba't-ibang klima rito. Kaya, halina't magpunta at makisaya sa Baguio City!
2 notes
·
View notes
Text
ANG MAKAPIGIL HININGANG MGA POOK PASYALAN SA LUNGSOD NG BAGUIO.
Ang larawang nasa itaas ay mula sa Internet.
Ang paglalakbay ay isa sa pinakamasayang gawain o aktibidad para sa aming pamilya. Dahil dito, marami kaming natututunan mula sa lugar na aming napupuntahan kagaya ng kung paano ito natatag, ano ang klima rito, ano ang mga patok na pagkain doon at marami pang iba. Isa sa pinakamasayang paglalakbay na hindi ko makakalimutan ay noong naglakbay kami sa lungsod ng Baguio. Hindi maikakaila na isa nga ito sa magagandang lugar dito sa bansang Pilipinas. Patok ang lugar na ito sa malamig nitong klima na labis na ikinatutuwa ng marami at dinadayo pa.
Maliban sa sa ito ay tinaguriang “Summer Capital of the Philippines” noong 1909, ang Baguio ay kilala rin bilang “City of Pines" dahil sa kasaganahan nito sa mga naglalakihang puno ng pino na nagsisilbing ating likas na yaman. Ang pangalang Baguio ay hango sa salitang Ibaloi na bagiw na ang ibig sabihin ay lumot. At mula rito, marami pang mga lugar ang maaaring bisitahin at libutin sa lungsod ng Baguio. Una naming pinuntahan ang palengke, kung saan makikita ang iba't ibang pampasalubong at pagkain na kilala sa lugar. Natikman ko rito ang patok na strawberry taho at ako ay namangha sa angking lasa na itinataglay nito kumpara sa ordinaryong taho na nabibili natin sa umaga. Dagdag pa rito, ang mga pampasalubong na labis na pumukaw ng aking atensyon dahil sa hindi lamang maraming pagpipilian bagkus ay ikinatutuwa ko rin ang mga disenyo ng souvenirs at palamuti sa katawan na tiyak ay babagay sa akin at sa mga pamilyang naiwan sa bahay.
Ang mga larawan sa itaas ay mula sa Internet.
Pangalawa naming pinuntahan ang Burnham Park kung saan iba't ibang aktibidad ang aking nagawa gaya ng pagbabangka at pagbibisikleta dahil sa napakalawak nitong espasyo. Ang parke na ito ay ipingalan sa isang sikat na Amerikanong arkitekto na si Daniel Hudson Burnham. Kasama ko pala rito ang aking pinsan at parehas kaming nasiyahan sa karanasan na ito.
Sunod naming nilibot ang lugar na kung tawagin ay Mines View. Matatanaw mula rito ang mga minahan ng ginto at tanso ng Benguet at ang mga nakapaligid na matatayog na bundok ng Cordillera. Isa rin ito sa pinakamasayang pook pasyalan na aking napuntahan dahil sa nagkaroon ako ng tyansa na maisuot ang tradisyunal na kasuotan ng Cordillera na kung tawagin ay bahag.
Para sa ikakakumpleto ng aming bakasyon sa lungsod na ito, hindi namin pinalagpas ang mansyon. Ang Mansion House ay isang makasaysayang gusali. Ito ay matatagpuan sa Leonard Wood Road, itaas lamang ng kilalang Wright Park na may narerentahang mga kabayo para sakyan. Naitayo ito noong 1908 sa pangunguna ng Governor General William Cameron Forbes, at ipinangalan niya ito sa kanyang summer cottage sa New England. Labis kaming natuwa sa lawak ng lugar na ito at lalo pang naantig sa istorya sa likod ng mansyon na ito.
At syempre, hindi mawawala ang nakakapagod ngunit masayang paglalakbay kung saan ìnakyat namin ang hagdan-hagdang Lourdes Grotto. Ito ay isa pang Katolikong dambana at lugar ng pagninilay sa Baguio na mayroong 252 na hagdan papunta sa itaas. Ito ay matatagpuan sa isang mataas na burol sa kanlurang bahagi ng lungsod kung saan ay makikita mo ang larawan ng Lady ng Lourdes. Dito ko ipinagdasal ang mga mahal ko sa buhay, personal na nararamdaman, at pasasalamat sa lahat ng biyaya na aking natatanggap.
Ang mga larawan sa itaas ay mula sa Internet.
REYALISASYON:
Ang naging reyalisasyon ko sa paglalakbay na ito ay palaging ipagmalaki ang lugar na sariling atin. Maraming magagandang likas na yaman at tradisyon ang mayroon sa Pilipinas, hindi man natin ito nakikita o napupuntahan lahat, ngunit ito ay nananatili sa puso ng bawat Pilipino. Palaging tandaan na, naglalakbay ka hindi dahil sa gusto mo lamang mamasyal at makita ang mga sikat na bagay dito, bagkus ay naglalakbay ka upang matuto, tumuklas, at mapalago ang kasaysayan ng ating lupang sinilangan.
6 notes
·
View notes
Text
✯ Paskong nagdaan. ✯
Noong mga nakaraang pasko bago magpandemiya, sobrang saya ko dahil ramdam na ramdam ko ang pasko. 'Yung tipo kauuwi mo pa lang galing eskwelahan pagtapos ng whole day class mo ay makakakita ka nang masisilaw na parol na nakasabit sa street lights. Minsan pagtapos mong kumain ng hapunan ay haharap ka sa TV upang manood ng balita. Doon, makikita mo ang naggagandahang bahay na nakabalot sa masisilaw na christmas lights, palamuti at iba pa. Minsan pa nga ay magpaplano na kaming lahat dahil makalipas ang limang araw ay kaarawan ko na. Minsan pa nga ay gagawa ng paraan pamilya ko upang magsama-sama kami sa iisang lugar para lamang salubungin ang pasko. Oh, kay saya ng pasko.
Sa bahay, hindi ko na dama ang presensya ng pasko. Kahit anong tingin ko sa parol, mga palamuti para sa pasko ay wala na akong maramdamang saya. Puro kasi problema. Hindi mo malaman kung sino ang kakampi mo dahil sa t’wing makakarinig ka ng salitang pasko, papasok agad sa isipan mo:
"Nasaan nanay ko tuwing pasko? Makauuwi ba siya rito at sasaya ulit kami ‘tulad ng maliligayang araw noon?"
Aminin ko man o hindi. Hindi naging masaya pamilya ko tuwing Pasko. Nakasuot lang sila ng maskara para lamang sumaya kaming magkapatid. Siguro napagtanto na nila na matatanda na kami ngayon, maiintindihan namin sila. Ang hindi nila alam, hinahangad pa rin namin ang masasayang sandali na iparanas mulit sa amin kasi nangungulila kami roon. May karapatan din kaming sumaya. Oh, kay saya ng Pasko.
1 note
·
View note
Text
Prinsipe Teñoso and Prinsesa Flocerfida upholding the status quo on lookism and classism [OP-ED] [TL]
[Si Prinsipe Teñoso at Prinsesa Flocerfida ay nagpatuloy ng kasalukuyang kalagayan ukol sa lookism (pinsala o diskriminasyon batay sa look o anyo ng isang tao) at classism (pinsala o diskriminasyon batay sa class o antas sa lipunan ng isang tao)] [opinyon] [sinalin sa wikang Tagalog; maaaring may mga hiram na salita]
Noong nakaraan, natalakay ang kuwento ng pag-ibig ni Prinsipe Teñoso at Prinsesa Flocerfida at kung paano ang prinsesa ay hindi hambaw na nagdulot ng pabuya sa kanya sa huli. Ito ay isang galante o mapagbigay na pagpalagay sa layon ng may-akda. Maging ang isang manunulat para sa isang peer-reviewed journal (pahagyang sinuri ng mga kapantay) ay may hinuha mula sa pinag-ugatang korido na “El missatge del conte és, per tant, que la justícia s’imposa al capdavall i no importa l’aparença física perquè es produïsca l’amor, sempre que existisca noblesa de cor.” ("Ang mensahe ng kuwento ay, samakatuwid, na ang katarungan ay nanaig sa huli at ang pisikal na anyo ay hindi mahalaga para ang pag-ibig mangyari, basta may karangalan ang puso." (Google Machine Translation na may bahagyang pag-tuwid.))
Subalit hindi pareho ang aking isip. Kung ang anyo ay tunay na hindi mahalaga, bakit ang pabuya ng prinsesa sa pag-iisang palad niya sa isang lalaking may dispiguradong mukha ay ang pagbabagong anyo ng nasabing lalaki? Ginawa siyang may hitsura ng isang matinée idol (artistang lalaki na higit na hinahangaan ng kababaihan). Kung hindi mahalaga ang class o katayuang panlipunan, bakit ang pabuya ni Prinsesa Florcefida sa pag-asawa ng pulubi ay pag-asawa sa isang prinsipe at madaliang pagkamit ng magagarang damit at palamuti bunga ng mahiwagang panyo ng nasabing asawa? Habang lumilitaw* na totoo na hindi pinilit ng prinsesa magbigay ang pulubing asawa ng materyal liban sa kaniyang makakaya, pagsapit ng kaalaman na ang asawa niya'y mayaman na prinsipe ng malayong lupain, binago niya agad ang uri ng kaniyang paglalambing. Biglang bigla ay hinahamak niya ang pangkaraniwan niyang kasuotan at kailangan niya masuyo sa pamamagitan ng mga marangyang kaloob. Biglang bigla ay hindi siya maaaring dumalo ng pampublikong pagtitipon sa payak na kasuotan. Kung mayroon lamang—ehem isang guwapong prinsipe—na maaaring magkaloob sa kaniya ng magandang damit bilang palatandaan ng pagmamahal. Pinahina ng kawalang kakayahan ng may-akda na humiwalay sa kaniyang mga kinikilingan ang mabuting asal na tinuturo niya.
*(Ang mga kasalukuyang kopya ng Prinsipe Teñoso (1954) ay may mga nawawalang minuto.)
Isang kuwentong ada na matagumpay na pinahayag ang kabatiran na "hindi sanlibutan ang anyo at katayuang panlipunan" ay ang Shrek (2001) na dinirek/pinagasiwaan nina Andrew Adamson at Vicky Jenson. Kasunod ay isiniwalat ang ilang bahagi ng pelikulang Shrek.
Donkey: What's your problem, Shrek? What you got against the whole world, anyway? (Ano ba ang problema mo, Shrek? Anong mayroon ka laban sa buong mundo, gayunman?) Shrek: Look, I'm not the one with the problem, okay? It's the world that seems to have a problem with me. Shrek: People take one look at me and go "Ahh! Help! Run! A big, stupid, ugly ogre!" Shrek sighs. Shrek: They judge me before they even know me.
("Ano ba ang problema mo, Shrek? Anong mayroon ka laban sa buong mundo, gayunman?") ("Tingin dito, hindi ako ang mayroong problema, okey? Ang mundo ang waring may problem sa akin. Isang lingon sa akin ng mga tao at sila'y nag-a "Ahh! Tulong! Takbo! Malaking bobong pangit na ogre!")
Ang mga ogre ay mga nilalang sa mga kathang-isip na kuwentong ada sa Europa. Sa pelikulang Shrek, ang mga ogre ay hindi gaanong kaiba sa mga tao bukod sa kanilang anyo at bahagyang ibang kagawian. Halimbawa, naliligo si Shrek sa putik. Parehong nababagabag si Shrek at ang taong prinsesa na si Fiona (na napipilitang maging ogre tuwing gabi hangga't 'di nawawakasan ang kaniyang sumpa) sa pagpapalagay ng lipunan na "pangit" sila. Parehas nilang naramdaman na sila'y hindi mamahalin ninuman. May gantimpala sa pagpuksa(?) ng ogres tulad ni Shrek ayon sa balewalang kadahilanan at ang katipan ni Fiona, si Lord Farquaad, magmula noong nakita niya si Fiona sa anyong ogre, ay dali-dali niyang tinawag ang babae na "nakaririmarim" at inutos na ikulong si Fiona buong buhay niya.
Fiona: Oh, no. This is all wrong. You're not supposed to be an ogre. [...] I have to be rescued by my true love. Not by some ogre a-and his pet.
("Oh, hindi. Mali ang lahat na ito. Hindi ka dapat isang ogre. [...] Kailangan ako iligtas ng aking tunay na iibigin. Hindi dapat ng kung sinong ogre a-at ang kaniyang alaga.")
Pinukpok kay Fiona ang diwa na ang "tunay na pag-ibig/iniibig/umiibig" ay may "tanging hitsura" katulad ng ang "prinsesa" ay may "tanging hitsura" rin. Ang "tunay na pag-ibig" ay "may hitsura" ng dalawang puting tao na maganda ayon sa pamantayan na iginigitna o tinataas ang wangis ng mga Europeo. Si Fiona ay tinuruan na kamuhian ang isang bahagi ng sarili niya, ang bahagi na hindi umaayon sa pamantayan na ito, buong buhay niya. Hindi niya sinadya ngunit nadaplisan pa rin si Shrek ng kaniyang pagkamuhi sa sarili. Gayunpaman, isinaayos ni Fiona ang kaniyang sarili upang hindi e-echapuwera si Shrek tulad ng pag-echapuwera ng taong bayan (at niya) kay Shrek at sa sarili niya. Nagulat siya na silang dalawa'y nagkakasundo pala.
After the spell was broken and Fiona took "love's true form." She stayed as an ogre.
Fiona: I don't understand. I'm supposed to be beautiful. Shrek: But you are beautiful.
(Matapos mabasag ang sumpa ni Fiona at siya'y naging "tunay na anyo ng pag-ibig." Nanatili siyang may anyong ogre.) ("Hindi ko maintindihan. Dapat maganda ako.") ("Ngunit ika'y maganda.")
Si Shrek ay hindi nagkaroon ng pagkakataong "pag-ibig sa unang tingin," bighaning bighani sa anyong tao ni Fiona. Alalahanin na si Fiona, bilang tao, ay pasok sa pamantayan ng ganda na nagtataas ng wangis ng Europeo. Si Shrek, sa halip na "umibig sa unang tingin," ay unti-unting napaibig ni Fiona habang dumadaloy ang panahon. Samakatuwid, si Fiona ay maganda kay Shrek kahit ano pa man. Katulad no'n, si Fiona ay natuto iwaksi ang diwa na may isang anyo o hitsura ang "tunay na pag-ibig." Sa unang sumunod na pelikula sa Shrek (2001), si Shrek ay handang baguhin ang sarili upang maging puting tao kung ito lamang ang magpapasaya kay Fiona. Isa iyong pagkakataong panghahamak sa sarili. Tiniyak sa kaniya ni Fiona na mahal niya si Shrek kung papaano siya—isang ogre—kahit ano pa man ang sabihin ng iba. Sa unang pelikula noong 2001, hindi rin nasilaw at nabulag ng kayamanan ni Lord Farquaad si Fiona. Naantig pa rin ang puso niya ni Shrek. Siya ay waring panatag na tumira sa isang bahay na isang palapag lamang na mayroon si Shrek sa latian. Habang malamang na itinuro kay Fiona na ang kaniyang tunay na pag-ibig ay isang prinsipe naititira siya sa isang kastilyo na maraming naninilbi at sagana ang pagkain, si Fiona ay maligaya sa kaniyang payak na pagsasama kay Shrek*.
*(Ang Shrek ay madami palang sumunod na kabanata o karagdagang pelikula bukod sa lumabas ng 2001 kaya ang palagay na ito ay batay lamang sa pinakaunang pelikula.)
0 notes
Text
Zaqueil
Now available in Wattpad
Prologo
Aksidente
"Kuya! Isa pa nga!" Itinaas ko ang shot glass habang pinipilit kong imuklat and aking mga mata. Agad namang kinuha ng bartender ang baso at pinuno ito ng alak, hinahalo sa ni-request kong pang-halo na Yakult.
Nasa isang club ako ngayon, pinaplanong uminom ng sojou buong magdamag. I could hear people screaming and dancing, music loudly entering my ear drums.
Mukhang malalim pa nga ang gabi dahil sa hiyawan at pagsayaw ng mga binti ng mga tao sa club na'to. Yung mga babae kala mo nasa Met Gala dahil sa mga makakapal na palamuti sa kanilang mga mukha, hindi rin ako magpapatalo s'yempre. Pang-aircon humor 'ata 'tong gandang 'to.
"Kaeires, parang sobra na 'ata 'yan.. Mukhang mahihimatay ka na, sure kabang kaya mo pa? Pag ako inatake sa puso dahil sa'yo papatayin kita" Pagpipigil ni Cera sa akin, habang inabot ng serbidor ang alak.
"Hindi.. malayo 'to sa bituka, promise—tsaka ba't mo naman ako papatayin? E patay na ako no'n." Angal ko, sabay hablot ng inumin sa aking harapan at agad na ininom ng diretso.
Siya si Cera, ang best friend ko magpakailanman. Matalino, maganda, at higit sa lahat, mommy coded. Siya yung tipong aalagaan ka kahit 'di mo naman kailangan.
At ako naman si Kaeires, ang babaeng nahahanap mo kapag inuman. Hindi naman ako lasenggera no'n, ngayon lang.
"Ayan ka nanaman.." Sumimangot ang kaniyang mukha habang tinitingnan ako, bakas ang kanyang pag-aalala sa kaniyang mga mata. "What if tomorrow makita nalang kitang nakahandusay sa kwarto mo dahil sa adiks'yon na 'yan?" Pagbulyaw nito sa'kin.
"Ano ba, Cera, hindi naman ako mamamatay ah.." Nakakunot ang aking noo habang lumingon ako sa kanya at sinabihan siya ng may halong pagtuya, pagkatapos kong ilapag ang baso sa aking harapan.
"Kung mamatay din naman ako then bakit hindi na ngayon? Mayron din namang katapusan, dalian na sana, hindi yung meron pang pagdadrama na kasama.." Lantad ang panunuya sa aking mga binitawang salita.
Cera only sighed, I could almost hear the defeat in her voice, she observed the dancing crowd, until she locked her eyes to a handsome yet lanky guy. He didn't seem to see her as he was walking away from the bustling crowd, too distracted by the music.
"Uy kita mo 'yon?" She nudged my arm, still eyeing the fair man who by now is just leaning to the wall, smoking. "Gwapo niya no?" Parang kinilig na highschooler ang tono niya, sabay hampas sa aking braso habang tinitingnan ng palihim ang lalaki.
Sinunod ko ang mga mata niya sa natipuhan.
Hindi naman masama yung pormahan. Magandang lalaki, matipuno, at chinito ang dating. Pero no'ng nakita ko'ng pagyoyosi niya, bigla akong napalingon kay Cera ng may halong pagkasuklam.
Nanlaki ang mga mata ko sabay hawak sa kaniyang pisngi at pilit 'kong tumingin sa akin ng harap-harapan pagkatapos kong obserbahan ang mukha ng lalaki. "Baliw kaba?" Tanong ko, "Mukhang adik! Huwag ka namang gan'to, Cera. Alam mo na ngang mukhang tuko yung kuya mo dadagdagan mo pa." Reklamo ko, humagulgol ako sa pagkayamot.
"Sus! Binusted ka lang ganyan ka na?" Panunukso nito, ngumingisi pa.
"Friendzone. Friendzone tawag dun, Cera." Dumaing ako, sabay yugyog ng aking kamay upang tawagin ang bartender. "Kuya, isa pa nga. Parang ayaw akong suntukin ne'to, yung pinakamalakas n'yo." Pag-utos ko.
Dinig ko naman ang maikling "yes, ma'am" sa kanya at kinuha ang aking baso.
"Punuin mo ha?" Sabi ko pa.
Narinig ko ang malakas na pagpigil na pagtawa ni Cera. "F-friendzone..!?" Sigaw niya, walang wagas ang kaniyang pagtawa habang walang-awang pinupukpok ang bar counter.
"P*ta kaya pala walang wagas 'yang pag-iibigan niyo ng alak! Walang wagas din pala 'yang nararamdaman mo sa kuya kong gwapo, matalino, maalagain at isang gago!" Puna niya habang nakangisi sa akin, parang isang batang inilarawan lang yung gusto niya.
I rolled my eyes at her comment, her teasing only made me more irritated, and it was shown very vividly on my face. This girl will not stop until I say so!
Oo, matagal ko na'ng gusto ang kapatid nitong si Cera, e pa'no ba naman 'yan.. 'gaya ng sabi ng g*ga, academic achiever, matangkad, gwapo, marunong magluto.. s'an pa s'ya? E 'di dito sa'kin.
Kaso wala e, malas talaga ako pagdating sa kan'ya, hanggang kaibigan lang pala talaga turing niya sa'kin.. ewan ko ba kung bakit nagkagusto ako sa tuko.. nasobrahan 'ata sa alak.
"Wag ka na nga dito, baka gawin mo pa akong marupok.. ayaw ko pa naman ma-inlove ulit sa kuya mong masungit." Demanda ko, pagkatapos ay kinuha ko ang tagayan na kakatapos palang lagyan ng bartender.
Lumingon ako kay Cera upang tingnan kung ano ang saglit na ikinatahimik nito. Nakita ko ang kaniyang tila masaganang ngiti habang sumusulyap sa lalakeng nakita niya kanina.
"Alam mo wala ka talagang taste sa nga lalake, eh no?" Turo ko, pagkatapos ay ininom ang matapang na pampainit.
I could hear Cera letting out a groan of annoyance to my comment. Rolling her eyes along with it.
"Inggit kalang dahil wala ka pa'ng jowa." Panunukso nito habang pinapakita sa'kin ang kaniyang dila, na para ba'ng batang tinutukso kung tignan sa malayuan.
I flipped her off, and she did the same.
Kasunod ay tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at nagsimulang lumakad papunta sa kinaroroonan ng lalake.
"Galing mang-asar, pandak naman.." Bulong ko sa sarili, pagkatapos kong ilapag ulit ang shot glass na ininuman ko.
I continued to order drinks after drinks as the hours passed by, until I hit my head to the bar counter, murmuring nonsense while struggling to hold onto the glass in my slippery hands.
Kanina pa yata akong lasing. Ang sakit ng ulo ko, parang may hinampas na isang higanteng hollow blocks sa taas ng aking ulo. Nagsimula naring magdilim ang aking paningin.
"Kuyha! Isah pa!" Nauutal kong sabi, parang isang bulong lamang ang mga salitang lumagpas sa nga labi ko.
Cera has been long gone with her newfound entertainment at the hotel we are currently staying at.
Ang landi talaga ng best friend ko, mana sa'kin. Napatawa ako bigla sa inisip ko. I can't lie about the truth honestly. Siguradong amoy deck na naman yang kwarto niya pag-uwi ko.
Lumingon ako sa kanan at pinagmasdan ang maamong mukha ng isang lalake. Mukha pa lang alam mong sugar daddy na, lahing Americano 'ata 'tong isang 'to.
Matangos ang ilong, nanunuklaw na mga mata, kulay rosas ang mga labi, maputi at walang depekto sa kaniyang katawan, halatang matangkad rin.
His hair was slick back, the majestic almost black jet hair was literally shining because of the changing lights of the club. He also have two silver piercings on his ears that shines along his hair.
Si Snowwhite ba 'to o ano?
Labis ang aking pagtataka sa buong pagkatao ng lalaki.
"Miss? I think you've drank too much.." Pagsisimula niya habang nakatitig sa aking magulong porma.
Kumunot ang aking noo habang patuloy siyang inoobserbahan. Sumandal ako papalapit sa lalaki. "You're handsome.. sayang baka bakla ka. Pero go ate ko, support kita d'yan." Malumanay kong sabi, samantalang ito'y napakunot ng noo.
"I'm not gay, I'm a pure straight man with no otherwise." Pagsalungat nito sa akin.
"Sus! Wag ka nang magsinungaling! Alam ko namang lahat kayo bakla eh! Crush ko nga bakla! Sa kapogian mong yan? Siguradong bakla ka!" Pagkontra ko at tinaasan ng boses ang banyagang lalaki, sabay tutok ng daliri sa kanya.
Malinaw sa mga mata ang pagkairita ng lalake, maghigpit na hinawakan ng kaniyang malalaking kamay ang basong nilagyan ng alak.
"I'm not.." He claimed, his voice low and a hint of annoyance laced in the words he let out.
"Sige pag 'di ka pa tumigil sa kaka-disagree mo bakla ka talaga!" Anunsyo ko. "Tiklop ka sa'kin 'pag sinagad ko 'yang kiffy mo." Pagmamalaki kong sabi habang muling ibinalik ang aking itaas na katawan sa counter at sinuri ang babasaging baso kung mayro'n pang laman ito.
I grumbled when I saw the empty glass, but I don't seem to have the energy to call the bartender again. I tilted my head to the side to check on the stranger. I could see he was pissed off by something.
Is it my words? Yeah, possibly.
He stood up from his seat, placing both his palms on either side of the bar stool I was sitting. I could feel his hot, heavy breathing on the side of my neck.
The little hairs on my nape started to rise, my shoulders slightly shaking from this unknown man's move. I sat straight from shock, almost letting go of the tempered shot glass.
Nagulat ako sa ginawang eksena nito, bahagyang napatalon ako sa kinauupuan ko. Di na ako makapagsalita dahil sa kabang nararamdaman ko, parang nasa teritoryo ako ng isang leon na naghihintay lang na kainin ako.
"Tingin mo bakla ako?" Napabuntong hininga ang matipunong lalaki sa tabi ng aking tainga. "I'll have you know that you'll be with shaking legs right now kung di lang ako maawain." Humagikgik siya, habang isa sa kaniyang kamay ang humawak sa akin sa beywang.
I could feel shivers running down my spine, I felt so sober all of a sudden, like the drunkenness inside of me flew out of my body in the speed of light.
"No you can't! And can you put your hands somewhere else? Nagiging creepy ka na ah." Pagtutol ko habang ipinatong ang aking mga kamay sa kan'yang matigas na dibdib. "I bet that thing is small too to do that.." Pag-iinsulto ko sa kaniya sabay ngisi na may halong pagmamataas na palamuti sa aking mga labi.
Of course, that was only a lie to get him off my ass, I see a big thing when I see one.
"Oh really? I bet I could make you all sorts of things with this small thing, darling.." His voice sexy, his arms cornering me is sexy, his whole being is sexy, and that only made me tremble as if I'm in front of a deadly animal.
"The kind of pleasure na mapupunta ka sa langit kapag natikman mo, tapos kinabukasan parang nasa impyerno ka na." Mapagpakumbaba niyang sabi, bakas ang pagngisi niya sa akin habang sinasabihan ako.
Aba't hinahamon ako ne'tong lokong 'to ah..
Ngumiti ako ng palihim dahil sa sinabi nito. "I like your confidence, what's your name?" Tinanong ko, hindi pa rin maputol ang tinginan namin.
He paused for a moment, observing her. "Zaqueil." He shortly answered before he exchanged it with another question. "What's your name?" He asked.
I smiled sweetly, practically now the owner of Willy Wonka's Factory. "Kaeires, nice to meet you Mr. I'm not gay."
"Isa pa, Kaeires." Babala niya.
Naaamoy ko yung kolon na ginagamit niya.
Comforting, he smells like a mix of mint and the fresh breeze of a green mountain.
I looked at him with a challenging look, running the back of my hand on his smooth cheek with a grin.
"Try me."
๑
In that night, I found myself infatuated by his words and actions. I became a woman, smitten from his indifferent yet funny personality.
In that night, I found myself submitting and taking over him. So distracted by his whole being, that I didn't even notice the small mistake I have done. I became somewhat addicted to a stranger's touch.
In that same night, the thing that I least expected was gonna happen. An event that may or may not cause me misfortune.
We started seeing each other for two weeks, to relieve each other, nothing more. But I couldn't help my heart skipping a beat whenever I see him.
Until he started distancing himself, and in a span of a week, we were back to being strangers again.
It was more than four weeks after that, I found out I'm pregnant. I'm pregnant with a stranger's child.
I sat there, contemplating on what I should do. My limbs are trembling with every breathing I took as I looked at the two red lines. I could hear Cera loudly knocking on the bathroom's door, but I can't seem to move.
Pilit kong sinasabi sa sarili ko na 'wag umiyak, na siguradong mayroong paraan para lutasin 'to.
"Kaeires? Ba't ka ba nakakulong d'yan? Buksan mo 'tong pinto!" Dinig ko ang malakas na pagkakatok niya, dinig ko rin ang pag-aalala sa kaniyang boses.
Buong lakas kong pinilit ang katawan kong tumayo at buksan ang pintuan. Hindi ko siyang hinayaang makapagsalita pa at yumakap sa kan'ya.
Nagsimulang lumuha ang mga mata ko, yumakap ako ng mahigpit, na para ba'ng mawawala siya sa ilang segundo.
"An'yare sa'yo teh? Buntis ka ba?" Alam ko namang biro niya 'yon, pero tumango pa rin ako.
Then, there was silence between us. She grabbed both of my arms and I faced her shocked one. Disbelief, disbelief was what I saw on her eyes.
"Sino'ng ama!?" Sigaw niya sa'kin.
Na sa'kin pa rin yung pregnancy test, ibinigay ko 'to sa kan'ya. Malinaw kong nakita ang pagkadismaya sa kaniyang mukha habang nakatutok sa dalawang pulang linya.
"It- it was a guy from the club four weeks ago.." Pag-amin ko, 'di pa rin tumitigil sa pagluha.
"P*ta eh pa'no 'to? May misyon pa tayo para bukas! Makakasama 'yon sa bata! Gusto mo ba'ng ipa-inform ko sa mga De Nobelis? Para maalagaan mo muna yung sarili mo.."
"'Wag na.. kaya ko naman 'to.." Pagtanggi ko.
"Hanapin mo kaya muna yung tatay? Ipaalam mo sa kan'ya para may silbi naman yung hayop." Kitang kita ko ang pagkunot ng noo niya habang inaalalayan ako papunta sa sofa.
Wala na akong masabing iba, pinapatahan ang sarili ko sa pag-iyak. Malumanay niyang tinulungan akong huminahon, mayro'ng pagkabalisa sa kaniyang pagtingin sa'kin.
๑
I felt my heart stop at this very moment. My vision blurry with rage and tears. My whole body trembling, about to give up.
"Tang*na pa'no mo nagawa sa'kin 'to?" My voice was barely a whisper now.
I knew I shouldn't have given him access that night, I knew I should've been more cautious about my actions.
Pero ang sakit pala..
I thought there was something between us..
I thought there was something in his eyes for me..
I felt my knees weak, overwhelmed by the emotions, I turned my head back to leave. I couldn't properly meet him, but the sight was too much for me to handle, the sight was too much for the child to handle..
Kung hindi niya gusto yung bata, e 'di 'wag. Kaya ko namang buhayin mag-isa 'tong dinadala ko.
1 note
·
View note
Text
Katangi-Tanging Alaala
Kami'y naglakbay sa Pangasinan, isang lalawigan na puno ng kagandahan at kasaysayan. Ipinamalas nito sa akin ang hindi malilimutang mga alaala ng aking tatay at mga kwentong nagbigay ng kulay sa aking karanasan.
Una, nagpunta kami sa may Antong Falls kung saan ang tubig ay pagkalamig-lamig. Kinwento ng aking tatay na noong sya ay nag-aaral pa lamang ng highschool ay lagi silang umaakyat sa talon na iyon kung kaya't sya'y natutuwang mabalikan ito.
Nagsisilakihang bato ang sumalubong sa amin at matarik na paakyat. Sinubukan naming tumalon mula sa mataas na bahagi ng talon, isang karanasang hindi ko malilimutan dahil sa biglang kirot na aking naramdaman sa aking ulo dulot ng sobrang lamig ng tubig.
Pagkatapos naming pumunta sa Antong Falls ay nagtungo kami sa bahay ng aming kamag-anak sa may La Union. Napakalawak ng kanilang lupain at nagawa nitong sakupin ang isang barangay sa La Union. Doon kami nagpalipas ng gabi at labis na lamang ang aking takot noong puro palaka ang dadaanan. Kami ay nagtayo ng tent sa labas sapagkat napakasarap ng simoy ng hangin doon at nakakatuwnag pagmasdan ang mga kumikinang na palamuti ng aking lola. Kinabukasan, nagising ako sa sobrang lamig ng hangin at sa sinag ng araw. Ang tanawin na bumungad sa akin ay ang mga puno sa kapaligiran na kay gandang pagmasdan.
Kami naman ay nagtungo sa may San Fabian Beach pagkatapos naming mamahinga. Tanghaling tapat noong nakarating kami kung kaya't ramdam na ramdam ang bagsik ng init ng araw. Sa kabila ng init, kami ay masayang nagtampisaw sa dagat. Kinahapunan, napagpasyahan ng aming pamilya na mag-banana boat. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na naranasan kong mag-banana boat kung kaya't labis ang aking saya habang umaandar kami. Binigyan pa kami ng pagkakataon na lumangoy sa kalagitnaan ng dagat. Kahit takot man na baka mayroong pating o kahit anumang uri ng hayop sa ibaba at nahihirapan man akong makagalaw dahil sa life vest, labis ang aking saya dahil magkakasama kaming maligo sa kalagitnaan ng dagat.
Sa aming pag-uwi, ang aming mga labi ay hindi nawalan ng mga kwento at tawanan dahil sa mga karanasang aming pinagsaluhan. Sa kabuuan, ang aming paglalakbay sa Pangasinan ay nagdulot ng masiglang mga alaala na mananatiling buhay sa aming puso't isipan.
Ang lakbay na ito ay mananatili sa aking puso't isipan sapagkat nag-iwan ito sa akin ng aral na huwag sayangin ang panahon upang makasama ang ating pamilya. Sabi nga nila, "time is gold" kung kaya't hangga't maaari ay maglaan tayo ng oras upang makasama ang mga mahal natin sa buhay. (Karamihan sa mga larawan ay mula lamang sa aking IG Story) (Unang larawan - Pinterest)
1 note
·
View note
Text
Pasensya na.
Pasensya kung minsan akala mo wala ka lang. hindi ganon yun, siguro nagkataon lang. Hindi ko din maintindihan yung nararamdaman ko, pero mahal na mahal kita.. yun yung totoo.
Pasensya na kung madalas parang naiirita ako. Hindi gano yun, siguro malabo lang ako.. Hindi ko din maintindiahan sarili ko, pero ikaw lang talaga ang iniisip ko.
Sana magbukas ka. Para kang taguan ng pera na kailangan ikalkula. Kilala kita pero parang hindi, tinatanong kita pero sagot mo ay “okay lang ako” lagi.
Ikaw at ako. Tayo. Akala ko iisa lng. Pero bakit madalas para kang saradong libro na mahirap ipagpaalam. Iintindihan kita buong hibla ng pahina. Sana magbukas ka, handa akong makinig kahit ano pa.
Sana maalis kita sa iyong kinalalagyan. Ano ba dapat ko pang gawin? Andito lng naman ako kahit kailan. Pwede akong makinig at makausap kahit ano pa yan, sana maisip mo na kasama mo ako, habang buhay ika’y aking paninindigan.
Ang sarap mo nga titigan pag natutulog ka. Sana kaya kong basahin ang isip mo para masubukn kitang tulungan. Kailangan mo yun.. sana maamin mo na sa sarili mo. Ano mo ba ako? Di lng ako palamuti sa tabi mo.
Pasensya na kung madalas di kita kayang sakyan. Sa dami kong iniisip, pasensya na di ko namamalayan. Laging kang andyan pag mababaliw na ako. Pasensya kung sa tingin mo, wala ka lang sakin, o madalas para akong estranghero.
Mamahalin kita sa paraan at sa dulo ng kaya ko. Di kita iiwan hanggang sa itaboy mo na naman ako. Sasamahan kita hanggang sa dulo pa ng dulo. Hayaan mo, minsan, sisiguraduhin kong ika’y mananalo.
1 note
·
View note
Text
dream destination: Japan
Ang Japan ay isa sa mga bansang mayaman sa kasaysayan, kultura, at mga makabuluhang tradisyon. Sa paglalakbay sa bansang ito, aking ibabahagi ang aking karanasan, kasama ang mga impormasyon ukol sa gastos, tirahan, pagkain, at iba pang mahahalagang aspeto ng paglalakbay.
Nang pagtungtong sa Japan, mararamdaman mo ang makasaysayang atmospera ng mga templo at kastilyo. Ang bansang ito ay mayaman sa kasaysayan, at ito ay makikita sa mga lugar tulad ng Kyoto, kung saan matatagpuan ang mga tradisyunal na mga kabahayan at mga dating kastilyo.
Habang naroroon ako, binisita ko ang Hiroshima Peace Memorial, na nagpapakita ng trahedya ng World War II. Nakakabighani ang pagiging bukas ng mga Haponeses sa iba't-ibang aspeto ng kanilang kasaysayan.
Ang gastos ng paglalakbay sa Japan ay maaaring maging mataas depende sa mga aktibidad at pook na nais puntahan. Halimbawa, ang pamumuhay sa Tokyo ay mas mahal kaysa sa ibang mga pook sa bansa.
Ang mga halagang ito ay kasama ang mga pangunahing gastusin tulad ng airfare, akomodasyon, pagkain, at transportasyon. Sa average, ang gastos para sa isang linggong paglalakbay sa Japan ay maaaring aabot ng $1,000 hanggang $2,000. Ito ay maaaring tumaas depende sa iyong mga plano.
Sa Japan, mayroong iba't-ibang uri ng akomodasyon mula sa mga luho at mamahaling hotel, mga traditional ryokan, hanggang sa mga guesthouses at hostels para sa mga nagtitipid. Sa aking karanasan, nakatipid ako sa pagpili ng mga guesthouses at ryokan, na nag-aalok ng tunay na Japanese experience.
Ang pagkain sa Japan ay isa sa mga highlights ng paglalakbay. Maaari kang mag-enjoy ng masarap at autentikong sushi, ramen, tempura, at iba pa. Kung ikaw ay nagtitipid, marami ring mga budget meal options tulad ng bento boxes, street food, at convenience store meals. Ang pagkain sa Japan ay karaniwang malinis at ligtas kainin saanman.
Ang Japan ay kilala rin sa mga kakaibang souvenir at pasalubong. Puwede kang mag-shopping para sa mga tradisyonal na Japanese items tulad ng kimono, yukata, mga anting-anting, at mga kahoy na palamuti. Ang mga souvenir shops at mga palengke ay mga magandang lugar para humanap ng mga bagay na maari mong ibalik sa iyong mga kaibigan at pamilya.
Ang Haponeses ay may malalim na pagpapahalaga sa kanilang kultura at tradisyon. Makikita mo ito sa kanilang mga seremonya tulad ng tea ceremony, sumo wrestling, at iba pang cultural festivals. Mahalaga ring mag-respeto sa kanilang mga tradisyon at patakaran, tulad ng pag-aayos ng iyong basura at pagsusuot ng tamang kasuotan sa mga templo at shrine.
Sa Japan, may mga kakaibang festivals at mga pagdiriwang na maari mong saksihan depende sa iyong panahon ng pagbisita. Halimbawa, ang Cherry Blossom Festival ay isa sa mga pinakasikat na pagdiriwang sa bansa. Ang klima sa Japan ay umiikot sa apat na panahon - spring, summer, autumn, at winter. Ito ay maaaring mag-iba depende sa pook na iyong pupuntahan, kaya't mahalaga na alamin ang tamang panahon para sa iyong paglalakbay.
Sa huli, ang Japan ay isang napakagandang destinasyon para sa mga gustong maranasan ang kakaibang kultura, makilala ang makasaysayang mga lugar, at matikman ang masarap na pagkain. Ngunit tandaan na ito ay maaring maging mahal, kaya't mahalaga ang tamang plano at budgeting para sa iyong paglalakbay.
1 note
·
View note
Text
HINDI INAASAHANG PASKO SA QUEZON
Isang hindi inaasahang lakad ang bumungad sa aming pamilya, Lahat kami ay inayos ang mga gamit at sa petsang disyembre 23, 2018, Kami’y lumisan sa Dinalupihan. Kasama ang buong pamilya masayang nakasakay sa van dahil ito ang unang beses na kami ay makakapunta sa Quezon kung saan ipinanganak at lumaki ang aming lolo. Halos anim na oras ang byahe papunta rito kung kayo’y mas sariling sasakyan tulad namin. Sulit ang byahe dahil sa napakagandang tanawin papunta rito, mayroon naglalakihang puno at maliliit na waterfalls, kay sayang pagmasdan at daanan ng mga ito talaga namang nakakapukaw atensyon sa bawat turista.
Nang kami ay makarating na sa aming patutunguhan sa lucban ay tila kami ay namangha sa klima, hindi sobrang init at hindi rin sobrang lamig at ang mga daan ay napaka linis. Ngunit ang tunay na dahilan kung bakit kami ay mag papasko sa rito ay sa kadahilanang ang isa sa aming Lola ay binabantayan na kami mula sa itaas kasama ang aming lolo. Sa araw na ito ay talagang napakahalaga para samin dahil halo-halong emosyon ang aming nadama, Ngunit sa kapalit ng mga luhang patuloy na tumutulo sa aming luha ay napalitan ng saya.
Mga Pinuntahan namin sa Lucban
PALENGKE
Sa mismong araw ng pasko ay buong pamilya kaming nilibot ang Lucban Quezon, Kami ay nagsimula sa kanilang Palengke na tila kitang-kita ang disiplina dahil sa linis at eco-friendly pamumuhay, karamihan sa nakita naming tao sa palengke ay may sari-sariling eco bag at ang mga bigas, isda, gulay at iba pa ay nakabalot sa diyaryo at hindi sila gumagamit ng plastic bag na talagang nakakamangha tignan para sa’kin.
KAMAY NI HESUS
Sumunod ang Ang Kamay ni Hesus ito ay isang sikat na destinasyon ng mga turista sa Quezon kaya naman isa ito sa aming pinaka gustong puntahan. Ang simbahan ay sinasabing isang healing church, ibig sabihin ay naniniwala ang mga deboto na nagkatotoo ang mga healing prayer dito sa Kamay ni Hesus.
Isa-isa kaming kiukuhanan ng litrato sa likod ng malaking christmas tree dahil ito nga ay araw ng pasko at dahil kilala rin ito sa 300-hakbang na pag-akyat sa malaking rebulto ni Hesus kahit na sobrang sakit ng aming mga hita ay talaga napakagaan sa pakiramdam ng makatating na kami sa itaas, makikita rito ang berdeng kalikasan at sariwang hangin. Sa pag baba namin ay pumasok kami sa simbahan para magpasalamat at mag dasal para sa masaya at ligtas na paglalakbay.
Plaza De Revolución
Kinagabihan ay nag lakad kami papunta sa plaza para mag makita ang mga maliliwanag at kumukutikutitap na ilaw at palamuti. Tuwang-tuwa ang aking mga nakababatang pinsan at kapatid sa ganda ng plaza. Napaka Gandang pagmasdan ng mga maliwanag sa buwan at kumikinang na bituin sa araw ng pasko kasama ang pamilya.
Ang pag-uwi
Sa aming pag-uwi bakas ang saya at pagod naming lahat. Isang napakahalaga at hindi inaasahang memorya ang nabuo sa aming pasko, salo-salo ang lahat sa pagkain at tila limot ang problema na mayroon ang bawat isa. Sa hindi inaasahang panahon ay namulat ang aming mata sa bago, disiplina at magandang pasyalan ang mayroon sa lucban quezon. Hindi pa kami na nakarating sa bahay ay nag pla-plano na muli ang aking pamilya sa muling pag-balik sa lucban at mas tagalan pa raw namin ang araw na kami ay magbabakasyon dito.
1 note
·
View note
Text
Paglalakbay Papunta Sa Aking Mga Kapamilya Sa Bacolor(TINAJERO)
Sa pagpunta ay sasakay ka muna ng bus. May dalawang uri ng bus, ang ordinaryo at ang makabago na kung saan ay malamig at kulob sa loob. Mas mabilis kung ang makabago ang iyong sasakayan. Sa pagsakay ay marami kang makikita sa kalsada tulad ng mga malalaking estraktura at mga kultura na ibinebenta ng ating maga kababayan dito sa Pinas lalo na ang traditin ng Pampanga. Lalo na ngayon na magpapasko ay madami kang makikita na parol.
Sa pagbaba naman ng terminal ay sasakay ka sa dyip. Makasaysayan ang dyip ang Ang dyipni o dyip ang pinakakilalang uri ng sasakyan sa Pilipinas. Ang mga ito'y ginawa mula sa mga US Military Jeeps na naiwan mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Simula sa unang pagkalikha nito, ang dyipni ay marami ng mga palamuti. Ito din ay bukas at hindi kulob na kung saan ay mararanasan mo ang simoy ng hangin.
Habang ikaw ay nakasakay ng dyip ay madadaanan mo ang isa sa sikat na simbahan, ang nakalubog na simbahan o ang simbahan na mas kilala sa pangalang San Guillermo Church. Ang San Guillermo Church ay isa sa pinakamatandang simbahan sa Pampanga. Ipinangalan ito sa patron ng Bacolor na si San Guillermo, kung saan matatagpuan ang simbahan. Kilala rin ito bilang “half-buried church” ng Bacolor dahil sa pag-apaw ng lahar sa lalawigan noong pagsabog ng Mount Pinatubo noong 1991.
At palagpas ay tutungo kana sa lugar ng aking kapamilya, Ito ay isang malaking resetllement. Dito ay matatagpuan mo ang mga tao na nawalan ng bahay dahil sa pag-apaw ng lahar dulot ng bagyo at ang pagsabog ng Mount Pinatubo. Hindi man ito magandang tanawin ngunit ang kasaysayan, historya, at mga marka nito ay madadama mo rito. Nang dahil dito ay tumindig parin ang bayanihan ng bawat isa. Paniguradong kapag ikaw ay may tinanong parungool dito ay madami kang kaalaman na malalaman.
1 note
·
View note