#TAYO TAYO LANG MAGKAKAKAMPI DITO !!!
Explore tagged Tumblr posts
Text
Kung magiging panauhing pandangal
Lagi kong nakikita ang sariling nagsasalita sa harap ng madaming estudyante. Nagkukwento ng mga karanasan sa buhay. Mga bagay na pwedeng maging inspirasyon sa pagtanda.
Naiisip na isang araw tatapikin ng dating guro para magbigay ng mensahe sa mga magtatapos. Tatayo sa harapan, lahat makikinig. Hihinto ang oras ng mga bata at tututok lang sa mga salitang lalabas sa bibig.
Kaso malabo. Hindi naman ako huwarang estudyante. Lalong hindi matagumpay ang buhay ngayon. Lagi lang akong nasa gitna. Hindi magaling. Wala sa itaas. Hindi hinahangaan ng mga kaklase. Hindi unang pinipili.
Kaya malabo pa sa putik ang pagkakataong maging panauhing pandangal. Mamumuti na ang mata mo kahihintay. Dito kasi sa Pilipinas, kailangan maging mataas na tao ka muna bago ka kilalaning marangal. Kailangan ng titulo para makita nila ang iyong halaga.
Kaya para sa isang tulad ko, hindi na aasa para hindi masaktan. Malayo ang agwat ko sa mga naimbitahan. Kumbaga, 100mbps ang gamit nila, ako mag-inquire pa lang para makabitan ng 50mbps na wifi.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit laging ang nagsasalita sa harapan ay mga matataas na tao na. Mga matatalino. Mga magagaling sa simula pa lang ng pag-aaral. Mga pinagpala ng kadalian ng buhay. O di kaya’s sinwerte sa pagkakataon. Mga matatapang na sumugal.
Ngunit lahat nang iyon ay inspirasyon para lang sa mga nasa harapang upuan. Palayo nang palayo sa entablado, palabo nang palabo dahil hindi na tatagos sa puso ng mga nakikinig. Animo’y ang kinakausap na lang ay mga katulad niyang magagaling, masisipag, mga nasa priority lane ng eskwelahan.
Kaya sinong haharap para sa mga hindi gaanong kagalingan? Sinong tatayo at tagapagsalita ng mga estudyanteng nasa row 3 at 4? Mga estudyanteng tinatabi sa mga matatalino kapag may exam para mahatak ang score ng eskwela?
Wala. Dahil mahina ang ningning sa kanila. Bago pa man mapili, mahaba pa ang listahan sa harapan. At kung malapit na ang iyong oras, hahakbang na sa harapan ng umaasang mga estudyante, mayroong muling taong mas magaling sayo ang pipiliin.
Kasi sa Pilipinas, kailangan munang maging matagumpay, kailangang may narating na, kailangang may napatunayan, bago tayo mapakinggan.
Ako si Dan. Wala pa akong nararating. Wala pang maipagmamalaki. Nasa harapan para sa mga taong nasa likod ng pila. Taas-kamao para sa mga hindi magagaling at laging kulelat. Daratimg din ang oras na kakampi sa atin ang tadhana. Huwag sukuan ang sarili. Tayo-tayo na lang ang magkakakampi.
8 notes
·
View notes
Text
Yung hindi mo alam kung maiinis o ano! 🤦🏻♀️
UMUULAN ULAN NA TAPOS NAISIP NIYA YUNG SURPRISE SABI KO SIYA LANG NEED KO SA BIRTHDAY KO, ABAY AYAW PAAWAT NI BABE. (at last month pa yan nangungulit kung anong gusto ko, hindi niya alam makita’t mayakap ko lang siya sobrang okay na ‘ko 😭)
Hay nako mahal wala talagang makakapigil sakanya kahit ulan pa yan o ano, basta gusto niyang gawin gagawin niya talaga. That’s what I love about her yung will niya sa kahit ano gagawin niya.
Sobrang dali niyang mahalin, as in. Kahit sino pa yan magugustuhan at magugustuhan siya lalo na kapag kinikwento ko siya sa mga kaibigan ko.
Lalo naman dito sa bahay mas love pa yata siya kesa sakin.. tapos si lola madalas pa niyang kachat kahit ano ring okasyon invited yan, kapag din nagbake si mama lagi sinasabi “picturan mo ann send mo kay thrina inggitin natin hehehe” si papa rin madalas pa sabihin na dito nalang daw siya tumira ganon, okaya kapag ilang days hindi nakakadalaw si babe, tinatanong na siya agad ni papa. 💓
eto pa yung hindi ko ineexpect, si kuya. syempre si kuya malaking tao tapos lalaking lalaki yun kaya alam ko na medyo iwas yun pero mali ako hahahha. Nagmml kasi kami that time tapos nag-cr ako then si kuya pala inopen yung chat room namin na may mga sweet talks tapos simula nun inaasar niya na ko sasabihin “babe pala neee” pinapalo palo ko nalang siya kapag ganon, hanggang sa naging close na silang dalawa ni kuya. hindi kami maglalaro hanggat wala si babe, gusto ni kuya lagi kaming tatlo magkakakampi (madalang lang kami matalo pag ganyang power of 3 kami hahaha 20% lang siguro)
Tapos syempre naka mic kami kahit bwisit si kuya magkatabi lang kami bubuksan niya yung mic kaya nagbbounce yung tunog sakin, gusto niya rin kasi naririnig si babe. May time pa na narinig ko naguusap sila sabi ni kuya “thrina, punta ka dito mag samgy tayo sa bahay” tapos yung puso ko nun sobrang tuwa.. alam mo yung tanggap ka tapos mahal nila yung mahal mo. 💖
Sila gavin and ate angge rin sobrang fond na sakanya. Lemme tell you a story (sorry diary ang haba na paano kasi nagrefresh sa utak ko..)
Galing kami sa clark ni babe sinamahan niya ko bcs of my work kumpleto silang lahat sa bahay but for some reason need niya umuwi ng zar kasi namimiss siya nila daddy (nasa manila kasi sila babe madalang lang umuwi 😊)
So niyan si babe binilhan ng doughnuts ng kc, para ipasalubong kila gavin even tho sabi ko wag na eh mapilit yan besh makulit pa sa makulit, edi ayun na nga akala pala nila mama kasama ko si babe uuwi. Pag uwi ko besh yung bungad sakin ni gavin “asan thrina?” Hanep ako umuwi iba hinanap 🙂 tapos naghinala pa sila mama at lola na baka nagtatago lang daw siya (ugali ko rin kasi na kunwari wala siya tapos kapag hinahanap na siya dun siya lalabas) tapos sabi ko need niya umuwi ng zar and tuloy sobrang dismayado sila.
Kaya si lola nichat niya nalang si babe na thank you sa pasalubong tapos “apo” yung tawag sakanya. May pa “godbless, sobrang humble mo talagang bata” pa si lola 😅
I love you, babe. 👩❤️💋👩
I love you, fam. Thank you for everything.. 🥰💖
Ps: Hindi bad words yung nakabura, sobrang oa ko lang jan hahahahahaz. Paano nag-alala ako sakanya. :<
0 notes