#Ba't ba kasi ako nag MedTech
Explore tagged Tumblr posts
Text
Ilang taon ang iginugol simula nung nag-umpisa at naglakas-loob akong mangarap para sa isang malaking tagumpay.
Taos-puso akong nagpapasalamat sa mga indibidwal na tumulong at naniwala sa aking kakayahan.
Sa aking pamilya na walang sawang sumuporta at nagsilbing inspirasyon sa bawat araw na ako ay malungkot at masaya. Maraming salamat sa tiyaga at pagmamahal na ibinigay niyo sa akin.
Sa aking mga guro dahil sa kanilang dedikasyon sa pagtuturo na nagsilbing motibasyon ko upang mahubog pa ng lalo ang aking kakayahan sa aking pinakamataas na potensyal bilang (pasaway) na estudyante. Maraming salamat sa pagtitiis at laging pagpapaalala na kahit mahirap kayang-kaya, kakayanin kasi "masarap ang mag-aral" at mas masarap pag ikaw ay may pinag-aralan. Dahil dun, hindi ako sumuko.
Sa aking mga solid na tropa, bago o luma maraming salamat sa lahat ng ngiti at kasiyahan sa mga araw na puro gala, inom at lakwatsya solid kayo mga pare, bff's, bespren. Isa kayo sa nag-udyok hindi lang sa pag-chug at pag-shot puno kundi pati narin sa pagtupad ng aking pangarap na makapagtapos, magsuot ng toga at magkaroon ng diploma. Sobrang tagal pero wala akong pinagsisihan sa mga karanasan ko sa buhay kolehiyo. Maraming salamat sa mga taong nakilala ko dabes kayo.
At higit sa lahat nagpapasalamat ako sa Diyos sa kanyang pag-gabay at walang humpay na biyaya na ipinagkaloob niya. Nagbunga lahat ng paghihintay ng matagal na may kasamang dasal.
Kaya hiling ko, ikaw na nagbabasa at umabot dito kaya mo rin yan magtiwala ka lang sa sarili mo kasi sarili mo lang ang kakampi mo dito at ikaw lang ang nakakakilala sayo ng buo. Oo, minsan mahirap maraming pagsubok pero tip ko sa'yo wag kang susuko kailangan mong may mapatanuyan hindi para sa iba kundi para sa sarili mo kasi balang araw babalikan mo na lang yang pagsubok na yan at sasabihing "Kaya ko pala." 💪🏼🙏🏼☝🏼
Acosta, Jerry Mark P.
Bachelor in Medical Laboratory Science
University of Luzon
Class of 2021
7 notes
·
View notes
Text
Update: Sobra akong nalungkot ngayong buwan kasi inaasahan ko gagraduate ako kasi wala na akong subjects after long years of waiting sana makakapag suot na ule ako ng toga at magkakadiploma (yun lang kasi yung maiaalay ko sa fam ko after 10 years sa college legit) kaso eto na nga pagkakita ko ng list of graduating students wala yung pangalan ko at pangalan ng mga kaklase ko like WTF di ba matagal namin inantay 'to ang buong akala namin isasabay kami sa mga na-hold ang graduation last sem pero doon pala kami nagkamali kasi, iho-hold din pala kami ng isang sem for nothing di ko lang ma-gets ang patakaran ng school bakit kailangan pang mag-antay kung pwede naman na sanang isabay kasi wala naman na kaming iti-take na subjects?¿ nakakaputang ina lang yung super delay ka na sa college, super umay ka na at gusto mo ng makapagtapos and then maeextend ka pa ulit :'<< imbes na makapag review na for boards at magkalisensya ngayong taon ayuuuun napurnada lahat ng plano sa buhay.
Kaya heto literal na grad-waitinggggg bahala ka na Lord. 🙏🏼
7 notes
·
View notes
Text
Update: swamped with work lately derechong 15 days duty kaya kumuha ako ng 3 days off ko to unwind with my friends and na-enjoy ko naman ang pagpupuyat at pag gala. Back to work na ulit ako bukas ayoko na lang mag complain gusto ko pa ng something more. Bawiin ko yung mga ginastos ko sa tatlong araw need ko ding mag ipon para sa future. Sobrang lapit na!! Ga-graduate na ako this year and hopefully kung papalarin magkalisensya na din tulad ng mga kaibigan kong nauna. I don't know what my future holds but I'm always grateful for all the positive things na nangyayari sa buhay ko araw-araw. We only live in this moment we just have to enjoy the hustle of life. Mag-ingat ang lahat 🤍
7 notes
·
View notes
Text
School unifffff aaaahHhh nagkasya pa henlo tobacco naAaa :'<<
5 notes
·
View notes
Text
Last month was full of self-doubt and self blaming. But it was all worth it. I didn't see it actually coming and it came perfectly smooth in time. Though, our internship was cancelled because of the new delta variant I got a chance to get hired and I am celebrating my one month today as a Covid-Swabber. It's risky but I took all the risk because I felt like I'm useless 25-year-old guy who was dependent on my fam but now I'm earning on my own and it is something to be proud of. After all the struggles of sending resume in a different companies because it's really hard to find a perfect job especially now most of us has changed their careers because of the job offered and opportunity to take on. But still, as a Swabber somehow I can practice what I have learned in my pre-med course as a MedTech student & intern. I would like to thank Almighty God for giving me strength of not giving up with my dreams, my friends who helped me to overcome those hardships and to myself for being brave to try and try new things in order for me to grow. I hope I can still manage my time of studying while working to reach my goals and of course, to get my diploma next year.🥺 This is the time and I hope I can stay longer in my job. I will always pray for good health and long life not only for me but for everyone. 🙏🏼
Keep grinding, do the hustle with all your heart and perseverance. I will tell you now, that someday it will be worth it. 🤍
Padayon~
10 notes
·
View notes
Text
Ang sarap sa eyes!!! Yung makitang PASSED lahat ng mga subjects ko last sem yung tipong ngayon lang nag sink in lahat ng mga nangyari. Kahit na puro ako rant at complaints. Grabe!! Ganun pala ka-fulfilling yon. Haha yung magbabasa ka on your own, kasi hindi mo naintindihan discussion online o di kaya'y sa katamaran di mo pinasukan. Thank you lord sa wakas wala na akong minor subjects and last sem ko na din before internship pota kinakabahan ako na ewan; mixed emotions nafefeel ko sa tagal ko ba naman sa college ganito pala yung feeling na malapit na grumaduate and fourth year standing (atlast) sana maipasa ko lahat ng subjects ko this sem ibigay na sana ni Lord 'to sa akin (smoothly). Gusto 'kong maging handa sa internship and sana pag dumating yun by summer may face to face na para matuto naman kami practically on lab shutaaaa naeexcite ako mag intern at makakakilala ng iba't ibang tao from different school, mga staffs, and other people on medical field. 🤞🏼
P.s Goodluck sa mga ate at kuya ko na magti-take ng Board exam today!!! Godbless future RMT's!!! Tiwala lang ☝🏼🙏🏼
9 notes
·
View notes
Text
Ang aga kong nagising kasi nga tatlong Chapters yung babasahin ko for our quiz ng 12 PM subject today. Kaninang umaga pa ako nag aantay ng announcement ng time for the quiz kaso wala. So nagbasa muna ako.
It was pass 12 wala pa rin, hanggang umabot ng 1 PM gutom na ako, wala parin. Gusto kong tipirin yung remaining MB ng data ko kaso baka pag pinatay ko, mag announce siya ng oras ng quiz kaya hinayaan ko lang nakabukas. Kumain muna ako syempre, tapos nag expired na pala data ko ang ending hindi nag notify yung pinost nyang quiz sa google classroom kaya hindi ako nakapag quiz. 🥺 I messaged him.
Ngayon mo sabihing "ang sarap mag-aral" boi umaga pa lang tiniis ko yung antok ko para basahin yung tatlong chapter na hindi diniscuss tapos napaka inconsiderate?? Nakakaiyak lang HAHHAHAHAHAHAHAHHA :-((
9 notes
·
View notes
Text
Rare night selfie RIP to all the histopath powerpoints I haven't done reading yet g'night
11 notes
·
View notes
Text
Tawag ng tawag sa akin si ate Glaiza siguro miss na niya akong gupitan. Pero wala eh di ko pa trip magpagupit.
Pero heto ako niloko ko nanaman sarili ko na kunwari namemorize ko yung ginawa kong reviewer ng mga stain sa Histopath haha self study na lang kuno eh ang dami non hahaha 🥺
8 notes
·
View notes
Text
Bakit ganon? Prelims pa lang pero parang nakakapagod na. Ewan ko today nagcram ako ng activities ko sa CC, then ayun nga yung limang set ng powerpoints sa Histopath na inscan ko lang ng 30 minutes kasi kinulang ako sa time. Pero okay naman yung exam ko kanina, may mga items lang na nalagpasan at hindi nasagot ng tama pero for sure pasado yun (yeap, I assumed). Kulang pa tulog ko kanina kaya inidlip ko muna I prepared myself kasi etong last subject ko nagquiz kami sa Immuno-Sero may nasagot naman ako kaso I felt like nagcram nanaman ako sa dami ng binasa ko today. (Sana passing score) ayun lang time pressure lang talaga ang problema. Tapos disappointed pa ako kasi di ako nakakain ng pares ngayon. Sabi ko matapos lang araw na 'to okay na ako pero minsan napapaisip ako parang hindi?? AhH change is inevitable nga naman na pag may gusto ka, maya't maya ayaw mo na.
8 notes
·
View notes
Text
I'm talking to stranger sa twitter. Knowing na di pa niya ako nami-meet pero naniniwala siya sa akin at sa kakayahan ko. Kaya kailangan ko pang pagbutihan at galingan sa pag aaral. Thank you sir sa pagtitiwala sa akin at sa pagmomotivate❤
6 notes
·
View notes
Text
Exam week is suffocating me, I don't feel the weekend vibes and the excitement of Friday night. But I hope everyone is going to get a good grade this semester, know that everything will be paid off (kahit kinapos score ko sa Immuno-sero?) Kaya natin 'to! Last exam tomorrow then semis na. Goodnight. :-)
P.s Intense ang episode ng Gaya sa Pelikula tonight. Heart mo 'to kung nanood ka din at gusto mo ng good grades.
3 notes
·
View notes
Text
Get you an instructor na magaling magturo at may consideration sa lahat ng bagay. Ang bait talaga ni Sir Joash!!!!
1 note
·
View note