Text
Hindi nababasa sa kahit anong bibliya ang pag-ibig na ibinigay mo, sinta. Patuloy na mangingibabaw sa kahit anong planeta ang naramdamang pagmamahalâhinigitan mo ang pag-ibig na binigkas ng Panginoon. Mas naging bihasa tuloy ang balat kong makiramdam sa haplos ng mga palad mo kaysa sa pangaral mula sa simbahan.
Bukod ka ngang natatangi kaysa sa pag-ibig na binigkas ng Maykapalâkaysa sa ibinigay niyang pagmamahal. Hayaan mong tuluyang maging sakramento ang paghalik sa labi moât sundin ang ninais ng tadhana para sa ating dalawa. Pahintulutan mong mahalikan itoât pumunta sa kabilang planeta dulot ng umaapaw na pagmamahal na naramdaman ko sa âyo.
Luluhod para sa âyo, na para bang ikaây rebulto ng isang santo.
Papabayaan ang pagbagsak ng aking dalawang tuhod kahit pa sa harapan ng bawat bathalang kilala mo, ngunit tanging paa mo lamang ang hahalikan upang maramdaman mong higit ka sa kahit anong bathala, Panginoonâsa mga sinasamba nila. Ikaw lamang ang tanging gagawan ng dambanang may itsura mo na luluhuran ko.
Wala nang hahanapin pa sa ibang planeta, marahil dahil nalagpasan pa ang pakiramdam sa bawat ligayang naasam.
Pangalan mo ang sasambitin tuwing gabi, higit pa sa mga nakaukit na salita sa bibliyaâtitingalain ka tulad ng isang planeta.
0 notes
Text
Isusuko ang lahat sa kaniyang mga palad, sapagkat siya ang aking Diyos at minamahalâang kaniyang mga salita ay ang aking Bibliya. Siya ang nagparamdam na para akong nasa ibang planeta tuwing nagmamahal.
Hindi nababasa sa kahit anong bibliya ang pag-ibig na ibinigay mo, sinta. Patuloy na mangingibabaw sa kahit anong planeta ang naramdamang pagmamahalâhinigitan mo ang pag-ibig na binigkas ng Panginoon. Mas naging bihasa tuloy ang balat kong makiramdam sa haplos ng mga palad mo kaysa sa pangaral mula sa simbahan.
Bukod ka ngang natatangi kaysa sa pag-ibig na binigkas ng Maykapalâkaysa sa ibinigay niyang pagmamahal. Hayaan mong tuluyang maging sakramento ang paghalik sa labi moât sundin ang ninais ng tadhana para sa ating dalawa. Pahintulutan mong mahalikan itoât pumunta sa kabilang planeta dulot ng umaapaw na pagmamahal na naramdaman ko sa âyo.
Luluhod para sa âyo, na para bang ikaây rebulto ng isang santo.
Papabayaan ang pagbagsak ng aking dalawang tuhod kahit pa sa harapan ng bawat bathalang kilala mo, ngunit tanging paa mo lamang ang hahalikan upang maramdaman mong higit ka sa kahit anong bathala, Panginoonâsa mga sinasamba nila. Ikaw lamang ang tanging gagawan ng dambanang may itsura mo na luluhuran ko.
Wala nang hahanapin pa sa ibang planeta, marahil dahil nalagpasan pa ang pakiramdam sa bawat ligayang naasam.
Pangalan mo ang sasambitin tuwing gabi, higit pa sa mga nakaukit na salita sa bibliyaâtitingalain ka tulad ng isang planeta.
0 notes
Text
Bakit ka naman tumulad sa paborito mong bandang hindi rin makausad?
âKung may bago ka nang mamahalin, huwag kang mag-alala, akoây masasanay rin,â ika nga, mula sa bibig ng bandang Silent Sanctuary. Ngunit may mga pagkakataon pa rin sa pag-ibig na hindi tayo perpekto, lalo na pagdating sa mga bagay na dapat ay mahinhin at dahan-dahan lamang nating hinahawakan. Subalit, masama bang maging bayolente sa kaisipang ayokong bumitaw sa pag-ibig na ninais ko namang panghawakan?
Sabi nila, "hayaan mong magmahal siya ng iba," baka sakaling malaman at matanggap mong hindi kayo ang para sa isa't isa. Ngunit bakit ganoon? Taon, buwan, minutoâilang kanta na ang napakinggan ko, paulit-ulit na ang pagdaloy ng boses niya sa isipan ko.
Nakita ko na siyang magmahal ng iba, higit pa sa sapat na pag-ibig na kaya kong ibigay. Ngunit bakit ganoon? Bakit hindi pa rin ako masanay-sanay?
1 note
¡
View note
Text
To love someone genuinely means committing to them, regardless of who they are and the changes they want to embrace for their future's sake. People in a relationship are both responsible for each other's feelings and the intensity of their love, for love is more than just an emotion. The deeper the commitment, the longer the love endures. While love may come unexpectedly, staying committed and nurturing those feelings is a choiceâa responsibility we must carry within ourselves and act upon to make our love felt. Though love can be unconditional, it should still cater to our needs beyond simply knowing us. Their love should hold us softly and know the boundaries we draw for ourselves, providing comfort and security rather than making our souls tremble in fear. Love shouldn't be draining or confusing. It should replenish something within us that seems unfillable, to help us understand and overcome the uncertainties love may bring.
To love us in ways beyond 'I love you'
0 notes
Text
HULAAN
Meron ba akong kalalagyan sa mga kilos mong hindi na kayang mahatid ng boses mong malapit na mawalan ng tunog? Meron ba akong kalalagyan sa walang katiyakan mong mga salita, sa pangakong hindi pa man din napapako ay nawawalan na ng landas? Hindi kayang punan ng pagmamahal na mapaglinlang ang bawat palaisipang nababalot na ng mga salitang binanggit ng walang katiyakan.Â
Gusto mo lang ba âko, sa tâwing ikaây nag-iisa? O gusto mo ako para lang mapunan ang isang imahe na hindi mabura sa isipan mo? Mahirap kumapit sa isang paniniwalang walang basehan at parang galing lang sa haka-haka ng iilang taoâ katulad mo. Hindi marawi ng isipan ko kung ano ang gusto mo, ang pag-ibig na akala koây inaasam mo o gawin akong pambura para sa mukha at pag-ibig noon na hindi mo kayang malimutan sa isip mo?Â
Puro katanungan ang nasa isip ko ngunit sabi mo naman ay pag-ibig ang tawag dito. Huhulaan ko pa rin ba kung alin ang totoo hanggang dito?Â
Pareho lang naman natin gusto ng kalingaâpareho lang tayong nag-iisa.
0 notes
Text
When I met you
I always thought that love magically happens, when you wait patiently and behave throughout the day, the luck that youâve prayed for will eventually fall back to youâlove will hug you tightly as how you long for them. But to love them enough is to teach yourself how to love them properly, how to love them vividly and easily be seen for them to not get confused with your actions. You taught me how to love, how to attract the love that I want. You showed me that love can only be attracted when you work hard for them to walk towards you, but itâll remain frail when you canât teach yourself how to love them the way they want to be loved. A love that goes beyond mere existence, the one that they will gain something to grasp for their being. To know what they are existing for. To become the love that they were grateful to meet.
Love and luck begins in life when I meet youâit all made sense when I loved you.
0 notes
Text
MANGHUHULA
Hindi naman ako manghuhula para pabunutin mo ng mga baraha at ibulong ang mga gusto mo sabihin habang nalayo kaât ako naman ay gusto humakbang papalapit sa âyo. Wala ka pa rin bang balak magkaroon ng lakas kahit matagal ka nang nalulunod sa mga alak na kanina mo pa nilalaklak? Hindi naman ako manghuhula para malaman ang mga gusto moâ miski ako pa ang binabanggit sa mga bulong mong hindi makarating sa mga tenga ko. Mahirap ba ang magsulat at bumigkas ng mga letra gamit ang bibig mo para malaman ko ano ang kailangan mo?
Hindi ako bibigay, kung 'di ka madudulas. Wala kang mapapala sa âkin kung wala akong mapapala sa âyo, wala akong aaminin sa mga pari na nasa simbahan kung wala ka ring aaminin sa kanila; pareho tayong mamumuti kaysa sa uwak kung pareho lang din tayong naghihintayan kung sa ano na ang dapat aminin sa isaât isa. Hindi ako bibigay, kung 'di ka madudulas. Kumapit ka nang mahigpit sa mga bakal na pumapaligid sa âyo baka mas may ibubulong pa sila sa nararamdaman nilang pagkaka-ipit sa sitwasyon kaysa sa nakahawak sa kanilang tao.
Ako na ngaâng mauunang kumawala kaysa sa mga salita na pilit mong tinatago. Baka sakaling mas maging payapa pa ang pagiging manghuhula ko kaysa sa hintayin kang magsalita na para bang may milagro ang panginoon. Ako na ngaâng mauuna lumisan, baka mapisil pa ang dilaât ako ang madulas sa ating dalawa.
0 notes
Text
PATUTUNGUHAN
Saan lilibot, saan makikisilong, saang parte ng aguhon magpapadaloy kung ang bawat yapak ng aking mga paa ay patungo lang din naman sa âyo? Na kahit maligaw, sa paningin mo lang magpapaikot at maglalakbay ng direksyonâhanggaât nasa tabi at lugar kung nasaan ka, walang problema kung saan patungo ang daloy ng hangin. Sabayan man ang pag-amba nito, sasabay lang din ako sa paghaplos sa mga palad mo; sabay tayo tutungo papunta sa lugar kung saan tayo lang ang kumukutitap sa liwanag dulot ng hiwaga ng pag-ibig mo. Abot-tanaw ang iyong hiwaga sa langit, kahit malabo ang mga paningin ng mata patuloy pa ring maaaninag ang pangarap na gusto mahawakan at makita ng paningin. akoây patungo sa âyo tulad ng naka-ukit sa aguhon, sayoât sayo lang din matatagpuan ang sagot at pagmamahal na matagal ko nang hinahanap at gusto makamtan. Kapag ang dagat at sipol ng tadhana ay hindi sumasang-ayon sa pareho nating kagustuhan, nawaây mawari mo na akoây sumalungat na sa alon, kung sa ganoong lugar tayo babagsak. Hindi papabor sa nabiling aguhon kung tayo ay hindi patutungo sa yakap ng isaât isa.
0 notes
Text
Tindahan Ni Aling Nena
Parang isang kwentong pampelikulaâparang hihintayin nalang pitik ni direk, senyas ng nasa gilid para malaman kung maayos ang paligid; hindi maingay, tanging boses lang ng dalawang bibida sa pelikula ang maririnig ng mga tao. Ganoon ang ninais ko noong nakita ko ang anak ni Aling Nena na nakadungaw sa bintana ng tindahan. Hindi gustong sumablay sa buhay ngunit paano kung hindi ang paninda ni Aling Nena ang gusto kong masungkit at makuha mula sa tindahan niya, kundi ay ang nakadungaw sa taasâsa bintana ng kanilang tindahan? Hindi maaabot ng pera, sa panukling kendi o kaya naman sa pasambit na, âiho, pasensya na, wala kaming barya ngayon,â ang nag-iisang dalagang nakita ko. Ilang harana at tsokolate ba ang kailangan ng anak mo, Aling Nena, para tuluyang madala sa buhay na mala-pelikula ang pag-ibig na naudlot?
Oh, Diyos ko! Magmamakaawa pa ba, Aling Nena, para makilala at masambit nang tuluyan ang pangalan ko ng anak mo? Kailangan pa ba sumamba ng ilang santo, alamin ang bawat pahina ng bibliya na binabasa ninyo para sumang-ayon sa kasal na ihahandog ko sa unica hija ninyo?Â
Oh, Diyos ko! Ang unija hija pala ninyo ang hindi pabor sa presensya koâ ayaw sa mala-pelikulang pag-ibig ko. Ilang barya na ang nagastos, hindi pala ang bulsa ang maninikip sa sakit kundi ang puso ko. Ayos lang maubos ang laman ng bulsa huwag lang ipagkait ang katiting na pagtingin, pagsilip galing sa taas, sa bintana kung saan ka nakadungaw.
Tunay ngang isang pelikula ang pag-ibig nang siya ay bumaba at lumapit, ngunit sa pagsambit ng isang salita ay napulit bigla ang lahat ng iskrip sa isip at naiwang nakabuka ang bibigâsaang linya ba nagkamali at parang sipol lang ng hangin tuwing tag-init ang pag-asa, walang hangin; âWALA!â
0 notes
Text
DILAW
Bigyan ng dilaw na mantsa ang paborito kong t-shirt at makakaasa kang hindi iimik at magmamaktol ang labi kong matagal nang nangungulila sa matatamis mong salita. Bigyan ng pagmamahal, kulay at pakiramdam ng pagmamadali na maging parte ng buhay moâbigyan mo ng dilaw na kulay ang mundo kong napatid ang putiât itim at nagkalat sa aking pananaw sa pag-ibig. Hayaan mong ihele ang aking mga tenga ng iyong pagmamahal, makatulog sa tabi moât maging payapa ang himbing mula sa balikat mo. Sa âyong mata, ang mundo ay kalma, hindi na muli mapupundi ang tanglawâhindi na muli maliligaw ng landas; ikaw ang nagsisilbing dilaw. Ngumiti man bigla nang dahil sa kausap ka ay hindi mapupuno ang isip ng kung ano, nang dahil sa kausap ko ay ang natatanging katiyakan ko. Kaya ngayon 'di na ko mangangamba kung masaktan man ng pag-ibig na âto, hindi mag-aatubiling makaramdam ng kaunting pisil sa puso bastaât ikaw ang makapiling ko.
Ikaw ang panghabang-buhay na katiyakan ko sa ibinigay mong dilaw na mundo.
0 notes
Text
NAHUHULOG
Dahil sa pag-ibigâsa pagmamahal mong nakalulunod, nababalot sa lambot at hiwaga tulad ng isang diyos ng pag-ibig ang dahilan kung bakit hindi magawang mabitawan ang bawat panalanging ikaw lamang ang tanging naging paksa. Nabubuo ang araw sa isang sulyap, sa isang ihip ng hanging pangalan mo ang dala-dala; nabubuo ang buong pagkatao sa lambing na tinataglay ng mga ngiti mong sabik masilayan. Kay babaw ng mga dahilan kapag nagmahal ngunit daig pa ang hukay sa libingan ng isang namayapang manunulat ang lalim na nagawa ng isang tulad mong napadaan lamang sa aking buhay. Hindi mananatili, hindi rin lilingon pabalik sa mga titig ng paningin kong nangungulila sa pagmamahal mong hindi ko pa man din naranasan. Kahit na umaapaw ang pag-ibig ko patuloy pa ring tatayo sa ibabaw; pinaninindigan ang nagawang desisyonâang nagawang paghulog sa âyo nang tuluyan.Â
Manatili sa tabi ko kahit ako'y nahuhulog na nang walang padalos-dalos sa mga ngiti moâkahit ang pagsalo sa aking puso ay huwag na alalahanin at isipin basta't piliin lamang ang pananatili sa aking piling.
Patuloy na magbabaka-sakali na nawaây balang araw masabayan mo ang walang-humpay na paghulog ng aking nararamdaman sa âyo.
1 note
¡
View note
Text
Dalawang palad para sa iisang panalanginânawa'y mawari mo na tunog âpangarap lang kitaâ miski sa ihip ng hangin.
Mabuti pa sa lotto, may pag-asang manalo. Malayong-malayo sa pag-asang ibinigay mo sa 'kinâwala. Bagkus, huwag mangamba sa naging sagot, sapagkat tanggap ko 'to. Tanggap ko na tanging isang pangarap ka lamang kahit sa paningin ko. Walang sagot miski ang Diyos, kung bakit pagdating sa 'yo torpe na pati ang dila ko. Hindi masabi, hindi rin makaamin. Na kahit mahal kita, wala akong magawa para tumuwid ang dilang matagal nang tinataguan ang salitang 'mahal kita.' Marahil nga'y dahil hanggang pangarap lamang kita.
ççąä˝ (mahal kita)ângunit kahit anong lengwahe ang ipahatid gamit ang aking bibig, walang magagawa ang bawat panalangin kung ikaw na rin ang nagbigay ng hudyat na mananatiling malayo ang ating landas. Mananatiling isang pag-aasam ang malaman mong ikaw ang tangi kong naging pangarap.
Wala rin magagawa, tanggap ko 'to, sintaâpangarap lang kita.
werinvariably-koward
0 notes
Text
Love is truly a harrowing trajectory to walk in.
My words for you are entwined in love, like the fallen Icarus beneath the sun, pathetic and obsessed with what he called God. But I knew my wings would flee and ignite akin to what it did to Icarus, even without light, just for my feathers to shatter and fall between your fingertips. Solely to remember that I must deify the sun.
The wind I howl when the decaying feathers fall is not out of rageâeven if it knocks at your doorâbut rather it is despairing words that are etched; longing and mourning for the ears of the deity that does not hear my plea. The words tied in my tongue are slowly whimpering, begging not to be caged within me like a poem, yet the deity still doesn't hear my plea. And Iâd be a coward if I ceased to deify someone as divinely as you. My knees would ache if I chose not to kneel before you.
Nothing love could ever truly be if not obsessed and pathetic, for nothing our souls could ever bear if weâre not tormentingly in love with them.
2 notes
¡
View notes
Text
Rest your weary heart upon my shoulder. Let my love be your solace and refuge when everything feels uncertainâyou'll be safe here with me.
When peace begins to wane and sorrows nag at your side, whispering that life wouldn't get betterâknow that my love resides within your soul, willingly burying every uncertainty in love that agonizes you. It will be the refuge you have been praying for, caressing your heart for eternity, so you wonât feel the air that death howls when thoughts seem vague and blurry.
I would give every piece of myself, deify God every sunday, and bring my offerings to the church; I would change the trajectoryâsurf the waves beyond beliefs etched within myself if that would lessen the heavy weight your heart has been carrying. I'd change everything, even myself, if it would make me the refuge of your heartâa home it has been hoping for.
I will make myself a safe place for you to let yourself be closer to me, for I want you to feel safe here with me.
0 notes
Text
FALLEN
I hold tightly in my arms every possibility I've been bearing for too longâthis hole that hasn't been replenished for so long. Iâve kept my affection up my sleeve, just in case you let yourself fall into the same void that ensnared me with your subtle love that lives within my soul as if there's an eternity. Yet I don't want you to waddle away just because of the few words I've been reluctant to sayâwhat if I told you that I've fallen?
I'm afraid that the leap I might take out of love will blur everything we have cherished and end up burying each of our happy endings. It's okay to settle as friends, as long as it'll be by your sideâfor as long as I can hide between your arms. Let me hug you without the fluttering thoughts that we could be more than just friendsâbut I hope you know that what I feel is beyond control. Don't waddle away; if a few words spill out of my mouthâI have fallen (never mind).
'Cause if I do have the guts to tell you through whispers and prayers that I've fallen, will you still call my name the same?
werinvariably-koward
0 notes
Text
Hindi mawari kung saan titinginâsa kisame o sa 'yo na hindi marunong makiramdam.
Kahit gaano katalim ang magagawang pagmamahal ng dalawang taong nangungulila sa pag-ibig, hindi pa rin magiging asintado ang pana ng isang kupido upang sumulong ang nararamdaman na nagsusumiklab matanggap nang buo; malayo sa isang kuwentong pag-ibig, malayo mula sa labi ng mga dayo. Hindi ligaya ang dulot ng isang bulag na kupido, kaya't puwede bang hindi na lang gamitan ng gayuma at pana ng isang anghel upang masungkit nang tuluyan ang panalangin at hindi maging kawawa pagdating sa 'yong mga paningin? Maaari bang angkinin mo na lang ang pag-ibig na kinikimkim ko para sa isang katulad mong manhid? Hindi ninais sumbatan ang pananampalataya ng madla sa pagmamahal at paniniwalang ang pag-ibig ay galing sa isang kupido mula sa langit, ngunit paano nga naman sasambitin ng mga labi ko, paano sasabihin sa 'yo na gustong-gusto kita, kung pati ako ay umaasa lang sa hiling sa Maykapal na pagkalooban ako kahit kakarampot na lakas para makaamin at makalaya na sa 'yo?
Kahit hindi mo ako pansinin, kahit tuksuhin ako ng pananadya mong hindi ito damdamin, lahat ng biglaang pagbabagong tunog ng sipol sa hangin at pakikitungo mo sa akin, dulot man ito ng tadhana o hindi, ay ipagsasantabi ko bastaât ikaw. Tumitig man ng ilang oras at araw sa kisame ng bahay namin ay hindi ako magmamaktol kung ikaw din naman ang pupuno sa espasyo ng aking isipan; lahat ng iyon ay pagbibigyan bastaât ikaw.
Ngunit paano nga ba sasabihin sa iyo? Magbubugtong hininga nang malalim ba muna at titingin sa kisame, iisipin na baka bigla na lang matauhan ang pinaparinggan sa araw-araw na dasal at sambitin ang mga hinihimok na salitang nais marinig mula sa kaniya? Na baka sakaling gusto niya rin ako tulad ng pagkakagusto ko sa kaniya.
Hindi na kita maalis sa isip ko. Paano nga ba ako aamin sa 'yo nang hindi nasasaktan?
werinvariably-koward
2 notes
¡
View notes
Text
Mananatiling isang patak ng ulan ang salitang 'unti-unti' sa pagmamahalan; hindi sapat ang katiting na oras sa pagsusumamo sa tadhana na panatilihin pa kahit sa sandaling panahon ang pag-ibig na mistulang unti-unti nang naglalaho.
manatili pansamantala, kahit na ang pag-ibig mo ay hindi na mahagilap.
Oras lang ang kalaban nating dalawa; sana'y huwag mo muna akong lisanin nang nag-iisa. Nawaây hindi magmaliw at mapundi ang liwanag ng pag-ibig na hinihiling muling maibalik sa buhay nating dalawaâhinihiling na para bang pangarap ito na hinahangad maabot kahit nagmistulang malabong salamin na taon nang pinagtitiisang suot-suot. Umaasa sa unti-unting paglalapit natin, ngunit tila pagbibigay hudyat lamang pala âyon na hindi tayo ang para sa isaât isa. Kinilala lang muli ang sarili upang hindi mabaon sa puot na panghahawakan natin sa mapaglarong pag-ibig. Ano nga naman laban natin sa unti-unting pagbabago, maliban sa biyaya na baka magbago pa ang isip ng tadhana?
Inaabangan ang bawat pagtagpo ngunit ang pagbitaw at pagpapalaya ang dumapo.
Sa sobrang mapagpalaya ng pag-ibig, wala itong pinipiling oras at lugar manakit. Kung nanaisin nilang umalis, lilisan at lilisanin ka nila unti-unti kahit nasabihan kang, âmahal kitaâ.
Hindi sapat ang oras at paalam sa pusong nalugso ng isang pangakong nasambit lang na tilaây isa itong ordinaryong salita. Bakit tilaây wala atang 'unti-unti' sa oras pagdating sa pag-ibig? Tuluyan mo na bang lilisanin ang pag-ibig at mawawala sa 'kin?
werinvariably-koward
2 notes
¡
View notes