Tumgik
#sagotsatanong
peinswords · 6 years
Text
Bakit kung kailan tayo na-fall, tsaka sila lumalayo at di tayo sinasalo? 
"Maraming rason kung bakit sila lumalayo, kahit na alam na nila na na-fall na tayo, siguro dahil HINDI NAMAN TALAGA NILA INTENSYON NA MA-FALL ka, dahil ang akala nila yung mga ginagawa nilang sweetness ay normal lang para sayo, at IKAW namn itong si ASSUMERA na akala mo type ka kaya ginusto mo nadin kaya iniwasan ka na kasi nga KAWARD MOMENTS na ang meron sayo...
or baka naman kasi ilang dekada bago ka ma-fall sa kanya, sa mga panahong pinaghihintay mo siya ee yun na din yung mga panahon na narealize niya na may mga ibang tao na mas gugustuhin na maksama na siya ng HINDI SINASAYANG ang oras. Tandaan mo NAKAKAPAGOD din ang mgahintay, ang hintayin nga lang ang tren ng MRT nakakabagot na ang hintayin pa kayang mhalin ka ng taong minamahal mo... kung balak mo din siyang sagutin huwag mo ng patagalin baka magbago pa isip niya pwede namn kayong mag "To-Know-Each-Other" nang kayo diba.
OR ULIt... baka naman kasi may mga tao lang talaga na ITINADHANA para saktan ka, para PAASAHIN KA, na kapag nahulog ka na  hahayaan a nalang nilang mahulog sa sahig para masaktan at masugatan... Para itest Yung KATANGAHAN mo para sa kanila.. 
KAYA KUNG MAGMAMAHAL KA uminom ka ng LACTUM para PANATAG KA sa pagmamahal niya....
(kayo may iba pa ba kayong sagot?)
2 notes · View notes
lloydbassig-blog · 7 years
Text
PAMANA
Simula:
Ang pamana...
Ito ba ang tama?
Kung titignang mabuti, ito ay sala
Mga mamamayan ay walang magawa
Pamana ng nga opisyales ay ang pera ng madla
Pamana para kanino?
Para sa mga kadugong 'di marunong makuntento
Kadugo lamang ba?
Naku! Mayroon pa palang iba
Mga kaibigan
Malalapit na sandigan
Sandigan sa nakawan
Katulong sa kasamaan
Ang posisyon ay pinapamana na rin!
Alagaan daw ang proyekto at paunlarin
Ang kalakaran ng dating pinuno ay linisin
Ngunit nakikita ng taong bayan ang mga ulap na lalong madilim
Paano na ang kinabukasan
Kung nagpapadala sa sariling kagustuhan?
Mabuti sana kung ang mga ito'y para sa kabutihan
At hindi para sa mga kinikilingan
Magagandang pangarap ay nasasayang
Dahil sa epekto ng pagiging gahaman
Sapat na edukasyon ang kailangan
Upang makapili ng pinunong mapagkakatiwalaan
Nilalaman:
Ang political dynasty ay mayroong positibo at negatibong epekto sa ating lipunan. Ang nagaganap na political dynasty sa ating bansa ay maaari natin gawing halimbawa. Isa sa positibong epekto nito ay ang pagpapatuloy ng pag papatupad ng mga institusyonal at pampamahalaang proyektong pang ekonomiya, pampolitika at panlipunan, ngunit ang negatibong epektong kaakibat nito ay ang korupsyon. Ang korapsyon ay ang pag aabuso sa kanilang kapangyarihan at ang pag hahangad nila sa kayamanan na ang nagiging bunga ay kasakiman. Hinihikayat ng Sistema ang mga miyembro ng political dynasty na magbigay ng magandang serbisyon, dahil ang tiwala sa mabuting pangalan ng pamilya ang mag luluklok sa kanila sa kapangyarihan. Gaya sa nangyayari sa ating bansa, basta't kilala o sikat ang kumakandidato ay yun agad ang kanilang binoboto dahil naniniwala sila na gaya ng nakaraang naluklok sa pwesto na kanyang kamag anak ay mabuting opisyal, naniniwala sila na mabuti rin ang gagawin ng kandidatong ito. ngunit ang kaakibat ng positibing epekto na ito ay ang paglilimita ng political dynasty sa demokrasya, dahil ang mga umuusbong na kandidato ay maliliit ang tsanyang maluklok sa kapangyarihan. Isa din sa positibong epekto ay naaakit ng mga maimpluwnesyang pamilya ang mga multinasyonal na korporasyon at mga dayuhang namunuhunan, ngunit ang kaakibat nito ay pinapalaki nila ang puwang na pagitan ng mayayaman at mahihirap na pamilya, at maaari nilang kontrolin o manipulahin ang mga balita o impormasyon at opinyon ng publiko. Maaring maging mabuti o masama ang epekto ng political dynasty sa ating bansa, nakadepende lamang ito kung ang namumuno ay siyang mabuti o masama.
Impresyon:
Hindi na natin mababago ang ating kasayasayan. Hindi natin masasabi na nangyari na ang nakaraan na kung saan nagsimula ang pang-aabuso sa kapangyarihan at sa pagpapalawak ng kanilang kapangyarihan. Pinalawak nila ang kanilang kapangyarihan sa paraan ng pag-impluwensiya ng media, komersiyo, at industriya. Madami man ang negatibong epekto ang naidudulot ng political dynasty, mayroon pa ring mga pamilya ng mga politiko ang nagbibigay ng magandang serbisyo para sa kanilang sariling bayan upang magkaroon ng pagkakaisa. Tiwala lang ng bayan ang kanilang gusto. Sila’y umaani ng tiwala ng bayan na kung saan sila’y makapasok sa posisyon na gusto nilang makuha. Ngunit sila ba’y karapat-dapat sa posisyon na iyon? Masasabi lang natin na sila’y may potensyal at kakayahan sa gusto nilang makamit na posisyon galing lamang sa mga mamamayan. Ang mga mamamayan ay may tunay na kapangyarihan na pumili ng kanilang mamumuno. Nasa kamay ng tao ang kinabukasan ng lipunan. Nasa kanila ang kapangyarihan upang umunlad at mabago ang kalagayan ng ating bansa.
@talinghagangbuhay
3 notes · View notes
anjective-blog · 7 years
Text
Droga
Minsan tama pero madalas hindi. Pinanukala sa lahat na ito'y makakaligtas ng may sakit ngunit ngayon ay ikinakabahala na ng publiko dahil sa sobrang paggamit nito. Iniisip natin na ito ang sagot sa ating problema ngunit tila ba'y isang masamang panaginip ang nangyari, matapos kasing iboto ang naturing Presidente ng ating bansa ay nagsilabasan ang mga drug users at druglord kung saan nalaman ay ang mga mamamayan na mismo ang pumipili ng kanilang kalalagyan. Sino nga ba ang nagkulang? Sino nga ba ang sumobra? Sino nga ba ang may mali?
Politika na nasobrahan sa gawa kay't nagkulang sa kaligtasan. Pinapatay ang mga taong walang kaalam alam. Nawawalan ng saysay ang munting buhay ng taong walang ibang ginawa kundi mangarap at matupad ang pangarap para sa pamilya ngunit ito'y winawakasan ng mga naturingang tiga-pagligtas nating mamamayan. Walang may mali at walang may gusto sa nangyayari ngunit dahil sa taong may kalayaang mamili sa kung saan siya sasaya ay sumusobra ang paggamit sa mga bagay na hindi makakabuti sa sarili.
Kontemporaryong isyu ito dahil hindi lamang ako ang saksi sa mga nanyayari ngayon sa ating bansa kundi tayo, tayong lahat, may pake ka man o wala, walang makakaligtas dito. Lahat tayo ay takot ng lumabas dahil hindi na tiyak ang ating kaligtasan sa henerasyon ngayon. Mga taong nangangarap ng mataas ngunit winawakasan ng isang pagkakamaling akala.
-Aquino at Alpino  10DM
@talinghagangbuhay
1 note · View note
charlzcastillo-blog · 7 years
Text
“Extrajudicial Killing”
Extrajudicial killing malamang halos araw araw natin itong naririnig sa ating mga telebisyon at mga radio sa ating tahanan. Una anu nga ba ang dahilan ng pag sulpot ng isyung ito, marahil ito ay dahil sa sinasabi ng mga human right advocates na basta basta na lamang umano pinapatay ng ating mga kapulisan ang mga sangkot sa droga o baka naman ang isyung ito ay gawa gawa lamang ng mga kalaban ng pangulo sa pulitiko. Ngunit para saakin ang extradjudicial killing na naganap ay talagang nangyayari na sa panahon nating ito.
Ang mga patayang nangyayari sa ating lipunan ay maari lamang tawaging extrajudicial killing kung mapapatunayan ang sangkot na kasapi ng gobyerno ay lumabag sa pangkarapatang pantao ng suspek, halimbawa nito ay kung ang suspek ay sumusoko na sa mga pulis at imbis na hulihin ito binaril at pinatay pa rin ang salarin. Sinabi ng ating mahal na pangulong Duterte na wala pang nangyayaring extrajudicial killings sa ating bansa at sinabi pa niya na magdala ang mga pulisya ng camera habang sila ay nasa operasyon upang mapatunayang walang extrajudicial killing na nagaganap tuwing sila ay may operasyon at sinabi rin ng pangulo na normal lang ang mga nangyayari dahil sa simula palang sinabi na niyang papatayin nya ang mga drug syndicates at suspects.
Para naman saamin huwag na huwag magpapadala o mag papaniwala sa ganitong mga isyu hanggat wala pang nakukuhang totoo at malakas na ebidensya na nakapaluob dito. Wag din sana tayong maniwala sa mga social media post at para sa huli kung totoo man ang isyung ito na nangyayari sa ating bans asana ay itigil ito dahil may posibilidad na may madamay na taong di naman sangkot sa illegal na droga at masayang ang buhay ng mga mabubuting tao.
Ipinasa ni charlz castillo at chester pabiona ng 10 emilio aguinaldo
Ipinasa kay Bb. Mayreen Alcala
1 note · View note
frncscdesiree · 7 years
Text
War on Drugs
Sa aming pagsusuri, ang aming opinion ukol sa napili naming kontemporaryong isyu na war on drugs ay ang pagpapatay sa mga adik na gumagamit ng drugs dahil dito marami ang nadadamay na ibang tao tulad na lamang ng mga menor de edad na pinapapatay at isinasabing sangkot sila sa krimeng ito kahit na walang sapat na ebidensya. Sa bandang ito marami ang nangangamba sa kanilang buhay na baka ay matulad sila sa mga krimeng ito kaya't nababawasan na rin ang pag titiwala ng karamihang tao sa mga awtoridad. Sa kabila nais naming ibahagi at ibalik ang curfew sa ibang lugar sa cavite pati na rin sa ibang karatig na lugar upang ito'y maging gabay at paalala sa amin na huwag mag pagabi upang tayo'y maging ligtas sa kapahamakan.
1 note · View note
krishxxi · 7 years
Text
Labanan ang korupsiyon 💪🏻
Korupsiyon, isa ito sa mga salik na nagiging hadlang sa pag unlad ng ating bansa. Sa mga nakalipas na taon maraming mga politika ang naiuugnay dito. Sila yung mga taong pinaniwala tayo na sa kanilang pamumuno magkakaroon ng pagbabago at maitutuwid ang pagkakamali.
Graft,panunuhol, paglustay ng salapi ilan lamang yan sa mga uri ng korupsiyon . Mga maling gawain ng ating mga pinuno na nagiging sanhi sa hindi pagkakaroon ng sapat na pondo para sa magagandang proyekto para sa ating bansa, hindi pagkakaisa ng mga Pilipino dahil sa kawalang ng tiwala sa pamahalaan , at maari rin itong makaapekto sa pakikipagtulungan natin sa ibang bansa dahil magkakaroon sila ng negatibong paningin dahil sa korupsiyon na meron sa atin. At ito rin ang sanhi ng kahirapan, habang ang mga politika na nangungurap ay patuloy na yumayaman at umunlad mula sa ilegal na paraan ang mga mahihirap naman ay lalong humihirap.
Hindi pa ba tayo nagsasawa sa mga maling pamamahala? Bukod sa mga ahensiya na sumusugpo dito, bilang mamamayan may kakayahan din tayo maituwid ang mga ito. Paghahalal ng tama, dapat hindi tayo madala sa mabubulaklak nilang salita at hindi dapat natin ibenta ang ating boto para lamang magkapera tayo. Dahil sa pagtanggap ng pera para lang sila ating iboto, binebenta narin natin ang magandang kinabukasan na dapat matamasa natin. Pagisipan mabuti para sa huli di tayo magsisi.
•Krishia Mae A. Sarabia
•Abigail C. Mateo
•Cassandra Anne Villanueva
Grade 10- Emilio Aguinaldo
0 notes
denzahhhhhhhhh-blog · 7 years
Text
Tumblr media
Ang napiling kong isyung pampolitikal ay ang territorial dispute and border conflict dito sa imahe na nakikita nyo ay ang scarborough shoal.
Ang scarborough shoal ay matatagpuan sa South China Sea o sa West Philippine Sea,ito ay pinagaari ng bansang Pilipinas dahil malapit ito sa ating bansa pero sinasabi nila na ang nagmamay-ari nito ay ang bansang Tsina pero may problema.Ang problema ay mas malayo ang shoal na ito sa bansang Tsina pero malapit ito sa bansang Pilipinas base sa mga historian noong 1200 o 1500 na ang shoal na ito ay border ng bansa natin pero sabi naman ng iba ang Tsina ay nagmamay-ari nito.
@talinghagangbuhay
0 notes
guerreroyen-blog · 7 years
Text
Korapsyon
Ano nga ba ang korupsyon? Bakit nga ba may korupsyon? Sino-Sino ang naaapketuhan nito? Ano ang negatibong epekto nito sa isang bansa? Ang korupsyon ay ang kawalan ng integridad at katapatan at ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korupsyon. Mayroon tayong korupsyon sa isang bansa dahil sa mga opisyales sa pamahalaan na naghahangad ng kapangyarihan at mataas na pamumuno dahil sa kagustuhan nilang mangurakot at kumuha sa kaba ng bayan. Ang iba ay tumatakbo lamang sa pagiging opisyales dahil sa pera lamang ngunit may mga iilan parin naman na ang nais ay ang kagandahan at kaayusan ng bansa. Isa ang mga tao sa naapektuhan nito dahil sa kanila nagmumula ang nga bagay na nakukuha ng pamahalaan at ang mga nakapaloob rito. Ang negatibong epekto nito sa bansa ay maaaring pagbaba ng ekonomiya at kakulangan ng trabaho sa bansa. Kung hindi talamak ang korupsyon sa Pilipinas, isa siguro tayo sa mga bansang may mataas na ekonomiya at magandang pamamalakad na pamahalaan bagkus umiiral parin ang pera sa mata ng mga tao sa mundo kaya naman nasisilaw ang pamahalaan rito. Ang pamahalaan ay dapat magkaroon ng maayos na pamamalakad para sa ikagaganda at ikabubuti ng ating bansa. Tayo ay magtulungan at sabay-sabay nating itama ang mali at kalimutan ang nakagisnang gawain.
0 notes
Text
K A H I R A P A N
Sa patuloy na paglago ng mga teknolohiya at ang nararapat na paglago ng buhay ng tao ay may katanungan na bumabagabag sa ating isipan na bakit may isang pawing na hirap na hirap ang ating gobyerno na solusyunan. Ito ang tinatawag na KAHIRAPAN. Kahirapan na lumalaganap sa ating panahon, ito ang puno't dulot kung bakit maraming pamilya ang nanatili na naninirahan sa gilid ng ilog, maraming bata ang kumakalam ang tiyan at ang dahilan kung bakit ang krimen at pagbebenta ng masamng gamot ay hindi maitigil. Ayon sa SWS Survey ang porsiyento ng mga mamayanan na nagsasabing sila at ang mahihirap ay nasa 44%. Ito ang maaaring mainam na basehan kung ating titignan dahil ang mga mamamayan na nasa maliit na sector ang mga taong nakakaramdam ng kahirapan. Nararapat na solusyunan ito ng ating gobyerno na dapat ay may pagbabago na mangyari. Sugpuin rin ang mga tao sa likod ng kahirapan, dahil habang lumalaganap ito ay hindi na rin matitigil ang mga masamang gawain dahil kailan man hindi magiging sapat ang barya barya na kinikita ng isang mamamayan upang pakainin ang mga kumakalam na tiyan at masustentuhan ang pangangailangan ng bawat isa. Bilang wakas nais kong ipabatid na hindi pa huli ang lahat upang solusyunan ito ng ating gobyerno at hindi pa huli para makamtan ng bawat isa ang kaginhawan na nanais nila sakanilang buhay.
#SagotSaTanong
#talinghagangbuhay
Gregorio, Ventajar
10- HDR @talinghagangbuhay
0 notes
Text
Ang Pagbabago ay Dapat Magsimula Saatin Mismo
Tumblr media
Sa panahon ngayon ang ating populasyon ay lumalago. Marami na rin ang nagkakaroon ng pangangailangan sa buhay. Kakabit nito ay ang paghahanapbuhay.  Upang makasigurado na makakain ng tatlong beses sa isang araw at makabili ng anumang luho ang mga tao. Sa panahon ngayon, maraming  trabaho ang tinatangkilik ng tao. Ngunit hindi lahat ay pinapalad na makapasok, sa madaling salita may mga taong di makahanap ng trabaho. Pero paano ba ito?
Simulan natin yan sa depenisyon ng unemployment. Ang unemployment ay ang kawalan ng trabaho ng isang tao ngunit ito ay maraming dahilan at kabila sa lahat ng dahilan na iyon ay mararapat lamang na ang gobyerno ay masolusyunan ito. Hindi sapat ang bill o anong probisyon upang lutasin ito dahil nararapat ay gumagawa ang gobyerno ng paraan pang ekonomikal upang kahit sa paonti onting paraan ay magamot natin ang epidemya na ito. Sa kadahilanan ng unemployment ay ruma rami ang bilang ng mga taong naghihirap. Mga taong nabubuhay na walang trabaho at pera. Mga taong kumakapit na lang sa patalim upang matustusan ang pangunahin kailangan ng kanilang pamilya. Hindi nararapat ito, maling mali ito. Dahil din dito pa dami ng pa dami ang krimen sa Pilipinas. Kapag ito ay hindi masolusyonan kaagad walang mararating ang pilipinas. Kailangan mabigyan ng trabaho ang mga tao na nangangailangan talaga nito. Kinukulang talaga ng mga trabaho ang pilipinas kaya ang iba, ay nag hahanap ng trabaho sa ibang bansa. Marahil matataas ang sweldo at mas maganda mag hanap buhay sa ibang bansa kaysa sa Pilipinas.
Isang dahilan din ng unemployment ay dahil sa mababang sweldo na inaalok ng mga kompanya sa mga nag tatrabaho dito. Kaya ang iba ay nag hahanap ng trabaho sa ibang bansa upang matustusan lang ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Mahirap ito para sa mga taong nagtratrabho sa ibang bansa dahil mapapalayo sila sa piling ng kanilang pamilya at kamag anak. Base sa aking sariling karanasan, mahirap ang mapalayo sa sarili mong bansa kasi malungkot kung ikaw lang mag isa sa pinagtatrabahuhan mo. Maraming pilipino ang umuuwi sa pilipinas at nag reresign sa kanilang trabaho dahil nga sa pag ka homesick nila sa pinagtratrabahuhan nilang bansa. Kaya kailangan na ng pilipinas na gumawa pa ng mga trabaho para hindi na mag ibang bansa ang mga pilipino.
Hindi lang dapat naka tutok ang ating gobyerno sa pag papaunlad sa ating ekonomiya bagkus dapat din sila tumutok sa mga mamamayan ng pilipinas dahil kung hindi dahil sa kanila, walang ikauunlad ang ating bansa. Sakanila rin naman nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa kaya’t wag natin silang pabayaan, sa halip ay tulungan natin silang magkaroon ng mas matiwasay na buhay upang hindi na nila kailanganin na umalis ng bansa para makahanap ng magandang trabaho. Tayo rin dapat ay manguna sa pag aayos ng ating kalagayan dito sa pag gamit ng ating karapatan bumuto sa mataling pamamaraan. Ang pag boboto sa mga karapat dapat lang at hindi sa mga taong sarili lang ang inaatupag. Ika nga, ang pag babago ay dapat nagsisimula saatin mismo.
Kyle Dexter Panganiban, Regine Rae Gonzales, Krishia Mae Hernandez
10 - Mariano Trias 
@talinghagangbuhay
0 notes
stressrille-blog · 7 years
Text
"Alias Pekeng Balita."
"Huwag kang magsalita kung peke ang iyong binabalita."
Pinaniwala ang lahat sa mga balitang akala'y mangyayari. Tinuring lakas dahil alam nating tama ang pinili. Salita na nagbigay pagasa sa mga taong nangangailangan ng hustisya. Payapang bansa ang ipinangako ngunit isang marahas na mundo ang naging bunga ng puno. Pekeng balita kung saan marami ang naniniwala dahil sa mabulaklak nitong mga salita para makuha ang atensyon ng mga madla. Pinanghawakan dahil alam ng mamamayan hindi na sila masasaktan. Ngunit sa pekeng balita, napaniwala nila ang mga taong walang ibang hinangad kundi kabutihan ng lahat. Mga pangakong ibinalita na sabi'y kanilang ipapatupad ngunit hinanap ng mga tao pero iisa lamang ang nakita at yun ang madugong pakikidigma.
Mga gobyernador, politika, at mga nakatataas ang mga puno't dulo ng kaguluhan. Sinabing maganda ang kalalabasan ng kanilang ginawang plataporma nung mga panahon paniwalang paniwala ang mga tao sa kanilang kakayahan. Pinili ang taong nagsalita ng maganda, ngunit sa likod ng mga mabulaklak na salitang ito, isang malaking wasak na bansa ang ipinalit. Naniwala ang lahat dahil sa ganda ng mga sinabi, na tama ang kanilang pinili. Kasikatan ang nangyari kaya't ang napili at mali. Inilahad ang mga magagandang mangyayari kung siya ang ating iboboto. Ngunit sa ating pagmarka ng itim na tinta sa bilog na tapat ng pangalan ng ating pinaniwalaan at siniguradong inihulog sa balota ang siyang magtatakda na simula na ang malaking pagkakamali sa ating bansa. Mas inuna natin ang mga balita tungkol saknya na ika nila ito'y magiting at mabuting pinuno ngunit sa aking palagay siya'y magaling lang sa salita ngunit wala sa gawa.
Maituturin ko itong kontemporaryong isyu dahil ito ang laganap sa ating bansa kung saan pati ang paglalahad ng maling balita ay kakasuhan ka na. Ngunit hindi lamang ito isyu sa gobyerno kung saan nagiging peke sila dahil sa kanilang mga pangako na hindi naman natapatupad. Isa na dito ang 6 months renovation na ipinanukala ni President Rodrigo Duterte sa mamamayan na ipinangakong magbabago ang ating bansa. Maituturin itong pekeng balita dahil walang nangyari nung ito'y kanyang sinabi. Isang taon na ang lumipas ngunit wala pading nalalasap na ginhawa. Hindi lamang sa politika gayundin sa social media kung saan maraming nagpapalaganap ng pekeng balita na hindi na nakakabuti sa ating bansa. Naapektuhan hindi lamang ang sarili ngunit ang lahat na nasa pilipinas, kaya't lalong gumugulo ang ating bansa at walang nagagawa ang mga nakapwesto sa politika.
@talinghagangbuhay
0 notes
darrreeeen-blog · 7 years
Text
Transportasyon sa Pilipinas
Iba't ibang mga sasakyan ang pwede nating masakyan. Mga traysikel, MRT at LRT, taxi, dyip, bus at iba pa. Mga pampublikong transportasyon para makapunta sa pupuntahan. Bilang isang mag-aaral ay sumasakay ako sa hari ng kalsada na tinatawag na dyip. Ito ang aking sinasakyan patungo sa paaralan at sa tahanan. Ngunit may mga suliranin sa kalsada na nakakaapekto sa mga mag-aaral at sa mga naghahanaphuhay. Ito ay trapiko. Kinakailangan kong gumising ng maaga upang makarating sa paaralan sa tamang oras. Minsang nga ay nahuhuli ako sa klase dahil sa trapik. May isa pang suliranin naming mga pasahero. Ito ay dagdag pasahe sa dyip. Bilang isang mag-aaral ay maaapektuhan ako nito. Hindi lang ako kundi lahat ng tao na sumasakay ng dyip. Nagtaas man ang sahod ng aming mga magulang ng dalawapu't isang piso, napakalaki pa rin ng dalawang pisong dagdag pasahe na hinihiling. Ang aming baon ay hindi tumataas kaya kinakailangan namin pagkasyahin ang perang binibigay na aming mga magulang. Sana naman ay malutas ng gobyerno ang mga ganitong suliranin na mabebenipesyuhan ang mga nagmamaneho ng dyip at ang mga pasahero. Masolusyonan rin sana ang suliranin sa trapiko upang mapabilis ang byahe sa kalsada.
Montemayor, Darren Jordan G. Manligas, Miguel 10- Diego Mojica
@talinghagangbuhay
0 notes
yushadesu-blog · 7 years
Text
Corruption
Ang korapsyon ay ang pag abuso ng isa o higit pa ng kapangyarihan na nasa kanila. Pwede itong gawin ng mga pulis o taong nasa gobyerno. Basta ginamit ang posisyon nila para sa kagustuhan nila kahit ikakasira ng iba.
Ito ay isang suliranin na hinihinto ang pag unlad ng buhay ng nakatira sa ating bansa. Pag hindi nasolusyunan, tuloy lang lumalala ang ibang problema sa Pilipinas. Isa sa pwedeng maging epekto ay ang paglaganap ng kahirapan.
Kailangan natin ayusin ang pagdesisyon kung sino dapat mabigyan ng kapangyarihan. Kailangan natin alamin ang pagkatao ng mga ito. Dapat pag hirapan nila ang pagkakita na kaya nilang buhatin at sagutan ang responsibilidad nila.  
0 notes
guerreroyen-blog · 7 years
Text
Diskriminasyon
     Sa panahon ngayon sa ating bansa, marami ng mga dayuhan ang naninirahan at nagiging turista. Kaya naman, ang ating bansa ay napaghahaluan na ng iba't ibang dugo, lahi, kultura, relihiyon, at iba pa. Ngunit sa kabila ng mga bilang ng mga iyan, marami pa rin ang may hindi natatanggap sakanila. Tayo ay maging aminado, positibo o negatibo, sadya o hindi sadya, tayo ay nakapandidiskrima ng tao.
      Laganap ang diskriminasyon sa ating bansa. Hindi lang sa ating bansa ngunit pati na rin sa buong daigdig.  Maitim, maliit, mataba, sobrang payat, at iba pa. Iyan ang madalas nating idiskrima, ang pisikal na anyo kung saan ang Diyos ang may gawa.  Sa mga salitang iyan ay may kakayahan na makasakit ng damdamin ng tao at makaapekto sakanila sa negatibong paraan kahit na ang intensiyon ay makipagbiruan lamang.
        Ang problemang ito ay nagiging sanhi rin ng kahirapan ng ating bansa na kung saan imbes na tayo ay dapat na nagtutulungan, tayo lamang ay naghihilahan pababa. Kaya naman, nararapat na bigyang pansin ang sitwasyong ito. Tulungan natin ang mga biktima ng diskriminasyon. Ano ba ang mali sa pisikal na kaanyuan ng iba? Ingat ka, dahil sabi nila, kung sino ang mga madalas na mandiskrima, sila ang may mga pagkukulang sa sarili nila.
Guerrero, Gilyen Jen S.
Bills, Chloe Dominique A.
10 - Diego Mojica
@talinghagangbuhay
#SagotSaTanong
#talinghagangbuhay
0 notes
charlzcastillo-blog · 7 years
Text
Extrajudicial killing
Extrajudicial killing malamang halos araw araw natin itong naririnig sa ating mga telebisyon at mga radio sa ating tahanan. Una anu nga ba ang dahilan ng pag sulpot ng isyung ito, marahil ito ay dahil sa sinasabi ng mga human right advocates na basta basta na lamang umano pinapatay ng ating mga kapulisan ang mga sangkot sa droga o baka naman ang isyung ito ay gawa gawa lamang ng mga kalaban ng pangulo sa pulitiko. Ngunit para saakin ang extradjudicial killing na naganap ay talagang nangyayari na sa panahon nating ito.
Ang mga patayang nangyayari sa ating lipunan ay maari lamang tawaging extrajudicial killing kung mapapatunayan ang sangkot na kasapi ng gobyerno ay lumabag sa pangkarapatang pantao ng suspek, halimbawa nito ay kung ang suspek ay sumusoko na sa mga pulis at imbis na hulihin ito binaril at pinatay pa rin ang salarin. Sinabi ng ating mahal na pangulong Duterte na wala pang nangyayaring extrajudicial killings sa ating bansa at sinabi pa niya na magdala ang mga pulisya ng camera habang sila ay nasa operasyon upang mapatunayang walang extrajudicial killing na nagaganap tuwing sila ay may operasyon at sinabi rin ng pangulo na normal lang ang mga nangyayari dahil sa simula palang sinabi na niyang papatayin nya ang mga drug syndicates at suspects.
Para naman saamin huwag na huwag magpapadala o mag papaniwala sa ganitong mga isyu hanggat wala pang nakukuhang totoo at malakas na ebidensya na nakapaluob dito. Wag din sana tayong maniwala sa mga social media post at para sa huli kung totoo man ang isyung ito na nangyayari sa ating bans asana ay itigil ito dahil may posibilidad na may madamay na taong di naman sangkot sa illegal na droga at masayang ang buhay ng mga mabubuting tao.
Chester Pabiona at Charlz Castillo ng 10 Emilio Aguinaldo
0 notes