Tumgik
#palaging-sumasaiyo
the-manunulat-in-me · 2 years
Text
Ang Anino ni Sally
Tumblr media
Ang gumegewang na anino sa kanto ng Salvador ay pagmamay-ari ni Sally, alas dose ng gabi. Nakatingala ang ulo habang binabaybay ang dilim, kapag nangawit na ang leeg ay ibabaling ang tingin. Sa kaliwa, may kahel na pusa. Sa kanan ay mga lasing na nakalugmok ang mukha sa lamesa. "Wala nang tao sa eskinita, pwede nang pumasok at tumira," sambit sa sarili habang dumudukot sa bulsa.
"Mama!" Napabuntong hininga. Ang gusto lamang naman niya ay magpahinga, iwasan ang problema at ang katotohanang iniwan na siya ng asawa. Ang gagong si Joel, kasama na naman ang babae niya. 'Wala talagang pagtatanda, sana pinutulan ko na lang ng ari habang mahimbing ang tulog niya.' "Mama!" Ibinalik ang hawak na pakete sa bulsa.
"Tangina, ang itsura mo, nang-gigitata!" Hinawakan ang anak sa baba para itingala, pinahid ang pisngi gamit ang laylayan ng damit na singdumi din ng kaniyang mukha. "Bakit hanggang ngayon gising ka pa?!" Galit na sambit niya, limang taon pa lamang ang bata. "Nagugutom ako, mama." Nawala sa isip niyang hindi pa naghahapunan ang mga anak niya. Sila nga pala ang dahilan ng gabi-gabi niyang paghuhubad sa bar malapit sa plaza.
Pero wala na siyang pera, ang laman lamang ng kaniyang bulsa ay apat na gramo ng puting demonyo na lalason sa kaniyang pamilya.
Si Sally at ang kaniyang anino. Parehong madilim ang mundo.
–h.c.
17 notes · View notes
palaging-sumasaiyo · 4 years
Text
Alas Dose | Agsunta
______________________________________________________
Part 1 – of things I imagined while listening to this song.
Tumblr media
Inabot na naman tayo ng kinabukasan sa presensya ng isa't-isa, puyat at wala pang tulog ang pareho nating mga mata. Parang ayaw ko na rin namang pumikit dahil hindi ko gustong hindi ka nakikita.
Binubusog mo ako ng mga kwento tungkol sa nanay mong 'di mo na ulit nakita matapos niyang sabihin na may bibilhin lang siya; at pagtatawanan naman natin buong magdamag ang kwento bago ako iwan ng tatay ko sa kapitbahay namin para tumaya sa lotto.
Isang hithit pa ng sigarilyo, at sinasabi ko sa'yo na ito na ang huli. Hindi dahil sa pinagbabawalan mo na ako, o hindi mo gusto ang amoy nito sa bagong laba mong mga polo, 'di rin dahil sa hindi mo na gusto ang lasa ng mga labi ko tuwing hahalikan mo.
Sarili ko lang ang nagdesisyon na umayaw, ang sabi kasi nila ang isang stick daw ng bawat sigarilyo ay pitong minuto ang inaalis sa haba ng buhay ko.
Hindi na ako gagamit ulit.
Gusto kong makasama ka pa nang matagal, at nanghihinayang ako sa lahat ng pitong minuto na naalis sa buhay ko na dapat ibinigay ko na lang sa'yo. Naisip kong paano kung dumating ang isang gabi na pitong minuto na lang bago mag alas dose, gusto kong abutan ng kinabukasan kasama ka.
Hindi ko pa alam kung kailan mangyayari 'yon kaya ngayon pa lang pinag-iipunan ko na. Ang bawat pagtanggi sa yosi na inaalok ng iba, ay katumbas ng pitong minuto pang kasama ka.
Ako ang may bisyo, ako ang mahilig gumawa ng kalokohan, hindi nararapat sa iyo ang katulad kong hindi pa alam ang gustong mangyari sa buhay. Ako ang sumisira sa sarili kong mundo dahil sa kagustuhan kong sumaya sa maling paraan, ako ang hindi marunong makinig, ako ang huli na nung tumigil.
Pero bakit ikaw ang kinuha?
Bakit ikaw ang nawala?
— h.c. (palaging-sumasaiyo)
10 notes · View notes
the-manunulat-in-me · 3 years
Text
Tuesday | 01.04.2022
It took me years to finally realize that self-destruction and my fatal longing for you have the exact same address. They live inside me and destroy the parts that aren't ruined yet. My body could not shake you off, my memories of you have teeth that are already in too deep under my skin.
These dreams I have of us have become nightmares that wakes me up at night– frazzled, disheveled, wrecked. You are a disease, you! One that has eyes too dark for my browns, has a scent too bewitching I almost forgot my name, mouth tasted so sweet I never noticed how red they were.
You are waving red, all along, in front of me. You were never my sanctuary, darling, you are a misery.
Tumblr media
42 notes · View notes
the-manunulat-in-me · 3 years
Text
Dear Kate,
Hello, Katherine I know this is late and I shouldn't have written back but your letters are killing me. They're making me feel things I should've never felt, and it hurts me to see how me leaving have caused you so much pain. It should stop, you should let me go.
I am not the same Isabel you fell in love with, I changed a lot over the years you will never even recognize me. I know you think you're still in love with the 19-year old Isabel, but those were just your memories making fun of how lonely you are that you're forgetting to actually live your reality. Our reality. Us being apart, we took different roads now.
This is not love, Kate. You're thinking that what we had was the realest kind of love you could ever feel, why? Because that was the most painful? That that's where you keep coming back to? That it was the hardest one to let go, but no. We were just each other's bridges to get to where we're actually going but stronger because loving someone was not supposed to hurt you this long.
All these years, Kate? All these years, love was not meant for you to cry the night out, it wasn't supposed to leave you behind, as if loving was supposed to make you go through the painful process of unloving yourself, no. Love is supposed to make you feel a little more hopeful each day, as if what you are doing is worth the headache of writing those letters, worth the sleepless nights when you just want to dose off. Worth fighting this battle alone, and that's just not what I'm worth now, Kate.
I am getting tired of reading your letters and then blame myself after for things we should've moved on long ago, I am not coming back. You need to understand that. I loved you that's why I wrote this, but I'm begging you. Cross the bridge now, Kate. A better you is waiting there all along and maybe... Maybe you could still write letters. This time to her, the one you should actually love the most.
Sincerely, Isabel
Tumblr media
13 notes · View notes
the-manunulat-in-me · 3 years
Text
Dear Isabel,
Saan mo man piliing pumunta, gaano mo man kalayo gustong maglayag. Maghihintay ako sa lugar kung saan sabay tayong nangarap, umibig, at maging buo. Kahit saan ka man makarating, malayo man o malapit ang lalakarin. Asahan mong sa iyong pagbabalik, ang naghihintay sa iyo ay ako at ang isang tasa ng mainit na kape.
Buoin mo ang mga pangarap na ikaw lang ang makatutupad, abutin mo ang lahat. Ibalot ang mga palad sa walang kapantay mong kapalaran. Umuwi ka sa akin ng kumpleto, at kung kulang pa rin ang lahat ay pangalanan mo lamang ang mga dapat kong punan.
Hindi mo kailangan magmadali, ang mga nagmamahal ay nakatakdang mainip ngunit hindi magsasawa. Palagi akong maghihintay. Ginawa ang mga paa ko para mangawit, ang mga braso ko upang mag-ipon ng init, at mga labi para sa muli mong pagbabalik.
Palaging sumasaiyo, Kate
Tumblr media
17 notes · View notes
the-manunulat-in-me · 3 years
Text
Eventually our hearts will meet on the same sky, on the same sea, on the same highway we walk to every day. And we will know from that moment on that we are each other's half souls, we will know that we've already met, maybe not in this lifetime, but from another. That I've known you since you came to this world, and you've probably known me even longer than all was created.
What are the odds of us running the same paths every morning, walking the same avenue for unwinding. How come we are where we are when we're supposed to be?
At the right place. On the same day. At the right time.
How often do you meet people without using your lips, how many times should this happen before we finally speak.
Maybe we will never go back to being strangers, and you will forever be the favorite person I've never actually met. To see you in my mornings when I take my walks, or to not be alone with you while I try to be alone with myself. Deep inside us knew, and I believe we'll always know.
We were meant to dance under the rain.
We were meant to kiss when the sun sets.
We were meant to lock eyes.
And I can't wait 'till we finally have the courage to smile.
h.cambel | 06.29.21
Tumblr media
26 notes · View notes
the-manunulat-in-me · 3 years
Text
Dear Isabel,
Patawarin mo ko ha, Is? I'm sorry. Kung nagawa ko sa'yo 'yon, kung pinili ko na saktan ka na lang. Kung mali 'yung mga naging desisyon ko sa buhay, naging ano kasi eh. Ewan ko, parang– duwag ako. Oo, natakot ako na sasaktan mo lang ako ulit. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko na nasaktan mo na ako dati. Ilang beses na kasi, tapos tiniis ko lang lahat kasi sobra kitang mahal. Grabe pala. Nakain ako ng galit, ng inis, ng grudge– na hindi ko alam meron pala. Hindi ko talaga alam, akala ko kasi okay na ulit ako. Kaya ko nang tanggapin ka ulit pero hindi pa pala. Alam mo 'yon? Tangina, sorry ha.
Dumating tayo sa ganong point eh, parang 'yung higit sa atin ng tadhana ang bigat na, hindi ako makawala noon kahit alam kong mali eh. Tapos pinili ko na lang na ano– biglang bumitaw. Parang wala, hindi na ako nagtiwala. Naubos na ata, naubos ako. Kahit na gusto kitang piliin ulit non, ang hirap na. Sorry ha. Ano, nagtanda ako. Ano eh– parang ewan. Nadala ako eh. Dala na 'ko. Hindi na 'ko tanga.
– Kate
Tumblr media
13 notes · View notes
the-manunulat-in-me · 3 years
Text
Umaga, Sa Muli | H.A. Cambel
Hihinila na ako ng antok ngunit ayaw ko pang matulog, masyadong maingay ang huni sa akin ng lungkot. Bumubulong ng mga bagay na nais ko nang makalimutan, nagpapaalala ng mga dating galit.
Lumiwanag saglit ang paligid, umaga na pala sa labas. Iniwasan kong gumalaw at ilang saglit pa ay makulimlim na naman at umuulan. Umalis na ang araw, pinalitan na ito ng buwan at sangkaterbang tubig ulan, nagpaalala na umiikot pa rin ang mundo at hindi ito sa tuktok ng ulo ko.
Sa unang pagkakataon napilit ko ang sarili kong bumangon. Marami pang mga bagay ang ikaguguho ng mundo ko, at ayaw ko man ay kailangan kong mabuhay sa mga ito.
Tumblr media
16 notes · View notes
the-manunulat-in-me · 3 years
Text
"It's the Isabel kind of love all over again."
What do you mean? It's not like that, this person actually like me this time. Last night she told me I was pretty, and I mean–what?! Where have you been all this time? Like, are you for real?!
"I'm glad you're happy, Kate."
5 notes · View notes
the-manunulat-in-me · 3 years
Text
Dear Isabel,
Hindi gaya ng inaasahan, hindi ko nagawang masilayan kung paanong ang mga paa mo ay unti-unting humakbang papalayo sa kung nasaan ako. Hindi ko naramdaman ang pagkawala mo, hindi ko nakita kung paano mo lisanin ang lugar na pareho nating paborito, hindi mo ako nabigyan ng pagkakataon.
Nawala ka sa mga bisig ko nang hindi kita hawak, nanlamig ang paligid ko nang hindi mo pinapainit gamit ang yakap, naglaho ka na lamang bigla. Saan ka ba nagpunta? Saan ka nanggaling? Sabihin mo sa akin kung saan kita puwedeng hanapin.
Hindi ako lumaya sa iyo kahit na hindi mo pa ako nagawang ibilanggo, batid ko na ang pagbabago ng ating mundo kahit na hindi mo pa ito ginuguho. Marahil hinihintay mo na lamang ako noon na mapuno. Masyadong mabigat sa'yo ang responsibilidad na umayaw, natakot ka sa obligasyon mong matapang na bumitaw.
Isa kang duwag, Isabel. At isa akong tanga sa pag-ibig mo. Tunay nga ba tayong nagmahalan o ako lamang ang umiibig sa'yo?
Maghihintay, Kate
Tumblr media
18 notes · View notes
the-manunulat-in-me · 3 years
Text
Seven Minutes
12:25AM | 01.21.2022
I was seven minutes late to get on the morning bus today, I had to wait for an hour to take the next.
Tumblr media
I was one hour and seven minutes late to school, and I never miss Math but today I'm glad I did because as I mope around the cafeteria waiting for the next class to start, I saw her.
The loveliest being I've ever seen on this ugly planet. What is this goddess doing down here?
Her hair is shorter than most of the girls at this campus, her face is curved in such perfection my words will fail to describe. She have brown eyes, small nose, and her lips... Oh her lips—something plugged and sparked and pain shot my brain. I suddenly have this idiotic idea that says, "go and talk to her."
But I am shy, how do confident people do this?
Without taking my eyes off this beautiful girl, not because I want to but because I just can't, my eyes have never laid on such beauty and it wanted to take everything in, I walked over to where she is.
At the upper west side of the cafeteria near the vending machine.
"Hey..."
"Uhh... hi?"
God, oh gosh. Thank heavens I was seven minutes late to take the morning bus.
5 notes · View notes
the-manunulat-in-me · 3 years
Text
I thought it was going to be hard, and painful to love someone who is in love with the Universe.
That it would be an every day challenge to try and reach their standards of how your mind works. But you stripped down my fear, and bears with my insecurities. You told me that I don't even have to try, that your cosmos will always be me.
I thought it was going to be painful and burning to try and love a poet, the person with lots of words.
That it would be hurtful to realize that you were just being a subject for an art, a muse for a prose. But you told me how words weren't enough to characterize me. To sum up my whole being. That words were merely words; And it was I, who was extraordinary.
h.cambel | 07.04.21
Tumblr media
8 notes · View notes
the-manunulat-in-me · 3 years
Text
Dear Isabel,
This is me again, Kate. How are you? It's been three years and I still think about you. No matter what I do, how many people I meet, or how many places I visit. I still find myself going back to you. To your eyes, it calls me every time, Is. How could you do this to me?
Reading our old conversations makes me feel as if you're still here. That we're still us. It makes me want to just say hi again, start all over and ask you if you're still the same person who fell in love with me. Or if you are brave enough to risk again, for a hundredth time. With me.
On a sad and lonely night, it makes me want to call you. I want to hear your voice telling me that you're coming back, and soon everything will be okay. When I'm lucky on a fine one day, when I should not be thinking of you, I still am. Trying to imagine that I'm doing these happy things with you, daydreaming our what could've beens and our almost forever.
I am sorry if ever I was not enough.
Still Remembering, Kate
Tumblr media
5 notes · View notes
the-manunulat-in-me · 3 years
Text
Sa Huli | Part 2
Wala pa sa kalahati ang naiinom ko sa hawak kong baso ng kape na halos malamig na ngayon pero masyado na yatang malakas ang nerbiyos ko. Palinga-linga sa transparent na pintuan ng lugar na paborito namin dating kainan, inaabangan kung siya na ba ang susunod na papasok. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano bang dapat na ikilos kung nasa harapan ko na siya ulit. Jusko, tatlong taon.
Tatlong taon na noong huli ko siyang makita, sa mga pictures na lang niya sa internet ako nakikibalita kung gaano na ba kalaki ang ipinagbago niya. Siguro mas gumanda siya, mas naging elegante, mas marunong na sa buhay. Lahat ng mga naabot niya ngayon, nakakapag-sisi na hindi ko napanood kung paano niya ginawa. Hindi mo rin naman ako masisisi dahil kailangan ko rin paanoorin ang sarili ko na abutin ang sarili kong mga pangarap, ayon nga lang... Sa ibang bansa.
Nginginig-nginig ang tuhod ko sa ilalim ng lamesa nang makita ko na siya na ang sunod na pinagbuksan ng guwardiya. Maganda pa rin nga talaga si Althea. Mas gumanda pa. Panginoon, paborito Niyo talaga ang taong 'to kahit noon pa. At alam kong minsan Niyo na rin akong naging paborito dahil sa pagpaparanas kung paano magmahal at mahalin ng isang tulad niya. Noon. Paborito Niyo rin ako noon.
Isa pang chance. Huli na, hinding-hindi na ako hihiling ng kahit ano. O hindi na ulit ako susubok na manggulo. Gusto ko ulit maranasan na maging paborito Niyo.
"Jasmine."
"Althea... Kumusta?"
Tumblr media
Isang maginaw na gabi para sa nanlalamig na puso. Sa tuluyan nang lumamig na kape, at sa mga ala-ala ng dati. Masarap sana ang naging tulog ng mga taong isa lang ang laman ng puso.
7 notes · View notes
the-manunulat-in-me · 3 years
Text
Sa Huli | Part 1
Pang apat na bote ng beer na ang hawak ko, at hindi ito ang magiging huli. Masyado pang maaga ang gabi para tapusin, at masyado pa rin akong galit para umuwi at umiyak. Siguro hindi ko inaasahan na magiging ganito kalakas ang tama, pero hindi ng pang limang bote ng alak. Ano ba ang tamang maging reaksyon kapag nalaman mong ang taong kasama mo dati na gumawa ng plano ay ikakasal na sa iba?
Tumungo ako sa lamesa. Nag-isip. Sumakit ang ulo dahil masyado na akong bugbog sa nerbiyos, at lalamunan dahil kanina ko pa gustong isigaw ang iyak. Tama pa bang panahon 'to para bawiin si Althea? Huli na ba para humingi ng isa pang tyansa kasi baka naman puwede pa? Puwede pa naman sigurong mangako na hindi na ako magiging tanga.
Binuhos ko na lang sa mahapdi kong lalamunan ang pang anim na bote ng beer. Mabilisang gumawa ng desisyon, sumakay ng taxi, bumaba sa pinaka malapit na mall, bumili ng putanginang pagka-mahal-mahal na singsing, at sumakay ng taxi ulit pauwi.
Tumblr media
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko ngayong gabi, masyado akong maraming gustong gawin, subukan, tapusin, asikasuhin. Pero pagsusulat ang pinaka madaling gawin. Magandang araw.
7 notes · View notes
the-manunulat-in-me · 3 years
Text
Sa Huli | Part 3
"Jasmine."
"Althea... Kumusta?"
Ipinunas ko muna nang mabilis ang kamay ko before I extended it to her pero hindi niya siguro gustong makipag-kamay. "Ano 'yan?" Nahiya naman ako agad bago magsabi nang wala, jusko paano ba 'to. Hindi ba common courtesy ang shake hands kapag nag-meet ang dalawang tao?
Nakakabobo.
"Upo ka muna, order ba tayo? May ano, may sisig pa rin sila na malutong, partner ng siniga–"
"It's fine... Hi."
"Hi."
Anong kasunod ng "hi"? Shet. Putangina naman kasi, ang ganda talaga ni Althea.
"May sinigang pa–"
"Busog ako, para saan ba 'to?"
Alright, this isn't going as planned, pero kasi ano bang plano? Para saan nga ba at nakipagkita siya sa akin? Bakit may singsing, bakit ako bumili? Baka naman kasi may mga bagay talaga sa mundo na kahit gaano mo kagusto, hinding hindi mo makukuha. Baka si Althea 'yon para sa'kin?
"Jasmine?"
"Na-miss mo ba cliffside?"
And for the first time, for the past three years. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti nang ganito kalapit. 'Yung ngiti na alam mong natuwa, 'yung may kasamang hiya.
Ito si Althea eh.
Ang pahinga ko sa likod ng matatamis na ngiti. Ang pakiramdam ng pagmamahal gamit lamang ang mga labi. Para kanino ka ba? Sana sa akin pa rin.
Tumblr media
Nagiging tama na ba ang mali kapag pareho niyo nang gusto? Hindi natin kayang hawakan ang lahat gamit ang puso, hindi na 'to madalas nakakapag-isip nang tama kapag alam na ang gusto. Sana ang mga gustong bumalik ay bumabalik nang mas maaga, sana hindi sila nahuhuli sa puso ng tao na meron nang gustong pumasok na panibago. Natuto na ako, at sana kayo rin.
6 notes · View notes