#nawala natin ang tag-init
Explore tagged Tumblr posts
Text
marami akong bet dito 😭😭
#tubatu#spyld#spyld 2024#with alt text#mas marami pang pwedeng isalin#lalo na kung isinama mo na rin ang mga pamagat sa koreyano 😭#may nagsabi daw 'mabuting lalaki naging masama' 😭😭#nakikita mo ba ako?#nawala natin ang tag-init#kitakits tayo diyan bukas#isang araw may mga sungay na tumubo sa ulo ko (korona)#atbp.
4 notes
·
View notes
Text
Ilocos Sur: Ang Buhay ng Kasaysayan, Kalikasan, at Kultura
Sa pagitan ng mga lupain ng Ilocos Sur, kung saan ang mga hangin ng Amianan ay humahaplos sa aming mga balat. Naglakbay kami ng aking pamilya sa isang kakaiba at misteryosong destinasyon. Dito sa lugar na ito, hinahanap namin ang kalakasan ng kalikasan at ang kapayapaan ng aming mga kaluluwa.
Bilang isang Pilipino, alam natin na ang Pilipinas ay puno ng mga hiwaga at kagandahan na naghihintay lamang na matuklasan. Mula sa malalim na karagatan hanggang sa makasaysayang mga tanawin, bawat sulok ay may nag-aabang na kuwento at pakikipagsapalaran.
Sa bawat paglalakbay, kami ay patuloy na bumabalik sa mga ugat ng aming pinagmulan, nagbibigay pugay sa yaman ng ating bayan at nagpapahalaga sa bawat sandali ng aming pagiging Pilipino. Ito ang aming misyon: ang tuklasin at ipagmalaki ang kagandahan ng Ilocos Sur at ang kayamanan ng ating kultura bilang mga tunay na Pilipino.
Maikling pagkilala sa lungsod ng Ilocos
Ang Ilocos ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Luzon. Ito ay nahahati sa dalawang bahagi, ang Ilocos Sur at ang Ilocos Norte. Sa Ilocos Sur, matatagpuan ang tatlumpu't apat na bayan habang sa Ilocos Norte, mayroong dalawampu't tatlong bayan.
Ang rehiyon ng Ilocos ay hindi lamang nagpapakita ng yaman sa kultura at kasaysayan ng bansa, kundi nagbibigay din ng halaga sa mga kabanata ng kasaysayan nito. Ipinapamalas nito ang mayamang alaala ng nakaraang kolonisasyon ng Espanyol sa Pilipinas, na bumubuo ng isang makasaysayang bahagi ng kuwento ng bansa.
Credits to Staycations Philippines
Pinakamagandang oras ng taon para bisitahin?
Ang pinakamagandang oras para bisitahin ang Ilocos Sur ay tuwing tag-init, partikular na sa buwan ng Disyembre hanggang Pebrero, kung saan ang panahon ay kadalasang tuyo. Sa mga buwan na ito, mas madaling maglakbay at maglibot sa mga atraksyon ng lalawigan nang hindi naapektuhan ng malakas na ulan o bagyo.
Paano makapunta sa Ilocos Sur?
Sa aming paglalakbay patungong Ilocos Sur mula sa Bataan, nagpasya kaming umalis gamit ang aming pribadong kotse kasama ang buong pamilya. Ang aming biyahe ay umabot sa humigit-kumulang na labing-anim hanggang labindalawang oras, na nagbabago depende sa kalagayan ng trapiko at mga pahingahan sa daan. Sa aming ruta, kami ay unang dumaan sa TPLEX (Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway), at mula roon ay nagpatuloy kami sa pagbiyahe sa McArthur Highway patungong hilagang direksyon hanggang sa aming marating ang aming patutunguhan.
Pagdating namin sa Ilocos Sur, labis akong namangha sa kagandahan ng mga tanawin at kasaysayan ng lugar. Napahanga ako sa mga makasaysayang simbahan at mga estrukturang nagpapahayag ng mayamang kultura ng rehiyon. Hindi nawala ang pagtitiyak sa sarili na ang aming pagbisita rito ay magiging isang karanasang hindi malilimutan.
Saan maaaring manatili?
Kami ay nagpalipas ng dalawang gabi sa Hotel Mercante dahil sa abot-kayang presyo nito. Alam kong magiging sulit ang pananatili namin dito dahil sa mga positibong rebyu na nabasa ko online. Pagkarating namin sa hotel, nagulat kami sa kalidad ng mga kuwarto. Malinis at komportable ang bawat isa, at talagang nakapagpahinga kami nang maayos. Sa kabila ng abot-kaya nitong presyo, hindi kami nagkulang sa kaginhawahan at kalidad ng tulugan.
Ang serbisyo sa Hotel Mercante ay hindi rin nagpahuli. Ang mga tauhan ay mababait at handang tumulong sa anumang kailangan namin. Hindi rin namin pinalampas ang pagkakataon na masubukan ang mga pagkaing inihahandog ng kanilang restawran. Masarap at abot-kaya ang mga pagkain, na talagang nagbigay sa amin ng kasiyahan.
Mga destinasyon na maaaring puntahan:
Calle Crisologo
Nang makarating kami sa Vigan, Ilocos Sur, agad kong nadama ang kakaibang tibok ng lungsod na ito. Sa unang tingin ko pa lamang sa mga kahoy na kalsada at mga matatandang bato, tila ba ako'y bumalik sa panahon ng mga Espanyol. Nakatutuwang isipin na narito ako, naglalakbay sa mga makasaysayang kalye na matagal nang tanaw ang kasaysayan ng Pilipinas.
Sa paglalakad sa Calle Crisologo, hindi ko mapigilang humanga sa ganda ng mga bahay na tindig pa rin mula noong ika-19 siglo. Ang bawat bintana, pintuan, at bato ay patunay na yaman ng kasaysayan ng Vigan. Nararamdaman ko ang bigat ng bawat yapak ko sa kalsada, isang patunay na ako'y nakatayo sa lugar na puno ng kasaysayan at kultura.
2. Bangui Wind Farm
Upang mas makilala pa namin ang lungsod ng Ilocos Sur, ang ikalawang destinasyon na aming nilakbay ay patungo sa Bangui Wind Farm na kilala bilang isa sa mga pinakamalaking wind farm sa Pilipinas at isa sa mga pangunahing atraksyon sa Ilocos Norte.
Nakamamangha na makita ang epekto ng modernong teknolohiya sa kalikasan. Ang paggamit ng hangin bilang mapagkukunan ng enerhiya ay hindi lamang nagbibigay ng solusyon sa suliranin ng enerhiya, ngunit nagtuturo rin sa atin ng kahalagahan ng pagiging maingat sa ating kapaligiran.
Sa bawat hakbang ko sa Bangui Wind Farm, mas lumalim ang aking pag-unawa sa kahalagahan ng pagiging mapanuri at responsableng mamamayan. Ang pagbisita sa lugar na ito ay hindi lamang isang karanasan sa pagtuklas ng kagandahan ng kalikasan, ngunit isang paalala rin sa akin na tayo ay may responsibilidad na pangalagaan at protektahan ang ating kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon.
3. Church of Paoay
Sa ikalawang araw namin sa lalawigan ng Ilocos Sur, kami ay dumayo sa isang simbahan na pinalilibutan ng diwa ng nakaraan at pagpapahalaga sa tradisyon. Ang Church of Paoay ay hindi lamang isang simbahan; ito'y isang pamana, isang tanikala ng kasaysayan na nagpapahayag ng pagiging matibay ng pananampalataya at pagmamahal sa kultura ng mga Ilokano at buong Pilipinas.
Ang aking unang paglapit sa simbahan ay nagdulot sa akin ng pakiramdam ng paghanga sa galing ng mga sinaunang manggagawa na nagtayo nito noong ika-18 siglo. Ang mga butil ng bato't tisa na pinagsama-sama upang lumikha ng magarbong estruktura ay nagpapakita ng taglay nitong tibay at kagandahan.
4. Baluarte Zoo
Para naman sa aming huling destinasyon, kami ay tumungo sa Baluarte Zoo na kung saan agad kong naramdaman ang pagkamangha sa likas na ganda ng lugar na ito. Ang malawak na tanawin ng lupa, ang sariwang hangin na dumadaloy sa paligid, at ang mga hayop na naglalaro sa kanilang maluwag na espasyo ay nagbigay sa akin ng pakiramdam ng kapayapaan at kalayaan.
Ang lugar na ito ay isang maliit na zoo na nagtatampok ng iba't ibang uri ng hayop mula sa iba't ibang bansa pati na rin ang mga katutubong hayop ng Pilipinas. Ito ay pagmamay-ari ni Chavit Singson, isang kilalang personalidad sa Vigan. Ang Baluarte Museum ay nagpapakita ng mga hayop na nahuli at pinatay ni Chavit Singson.
Pangkahalatang Karanasan
Nang maglakbay kami sa Ilocos Sur, aking natuklasan ang isang mundong puno ng kahanga-hangang tanawin, makasaysayang mga lugar, at masasarap na pagkain. Ang paglalakbay sa mga bantog na tourist spots tulad ng Vigan, Paoay, at Bangui Wind Farm ay isang karanasang hindi malilimutan. Sa bawat hakbang, tila ba ako'y sumasayaw sa mga alaala ng nakaraan at nalulunod sa ganda ng kasalukuyan.
Ang Ilocos Sur ay hindi lamang nag-aalok ng mga makasaysayang simbahan at mga arkitekturang kolonyal. Dito rin matatagpuan ang mga pasyalan tulad ng Baluarte ni Chavit Singson, kung saan mapapaligiran ka ng iba't ibang uri ng hayop mula sa iba't ibang panig ng mundo.
Ang paglalakbay sa mga lugar na ito ay hindi lamang isang paglibot sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas, kundi isang pagtuklas ng sarili. Ang mga tanawin na binibigay ng mga bundok, dagat, at mga taniman ay nagbibigay inspirasyon upang kayo'y hikayating pumunta rito.
Sa bawat lugar na aming pinuntahan, ang damdamin ko'y nababalot ng diwa ng pagtanggap at pagpapahalaga sa kagandahan ng ating bansa.
Sanggunian:
Koki. (2019, November 26). Kagandahan ng Ilocos. Site Title. https://kagandahanngilocosregion.travel.blog/2019/11/26/kagandahan-ng-ilocos/
UNESCO World Heritage Centre. (n.d.). Historic city of Vigan. https://whc.unesco.org/en/list/502/
1 note
·
View note
Text
Tag-init, ang paborito kong panahon sa lahat ng panahon (parang may iba pang panahon sa tropikal na bansang ito kung saan ako nakatira)
Sa bawat oras ng taon at habang lumalaki ako, ang aking pamilya ay pumupunta sa dalampasigan at pinipili naming gugulin ang aming oras sa nakakarelaks na tanawing ito ng kalikasan.
Talagang nasisiyahan akong kunin ang mga sandaling ito mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog ng araw at kung gaano kalmado ang dagat sa tanghali.
Nakakagaling talaga ang ganitong bakasyon, lalo na kapag nakatira ka sa lungsod na nakaka-stress sa iyo.
Nagbibigay ito sa akin ng higit na pagganyak upang mabuhay nang buo ang aking buhay.
Nararamdaman namin ang udyok na maglakbay nang higit sa karaniwan lalo na kung ang tag-araw ay puspusan. Napipilitan kaming mag-empake ng aming mga bag at magbakasyon sa isang bagay tungkol sa magandang panahon. Gayunpaman, ang pagpaplano ng itineraryo ay maaaring maging mabigat sa sarili nito. Upang tumulong, pinagsama-sama namin ang lima sa aming mga suhestyon para sa nakakarelaks na paghahanda sa paglalakbay.
Sa pagbabahagi ng karanasan ay ipinagpaliban natin ang ating paglalakbay sa 2020, dahilan, covid. Nalulungkot kami dahil hindi kami sanay na nasa bahay, lalo na kapag tag-araw ay sobrang init sa siyudad. Hindi rin sapat ang mga puno upang magkaroon ng sariwang hangin. Na-miss namin ito at sa kabutihang-palad, ang 2021 ay isang magandang taon para sa tag-araw dahil ipinagpatuloy namin ang aming paglalakbay kahit na maraming mga protocol na kailangang sundin at iba pa.
From Manila, we always go north, mostly Zambales. Maraming tourist spot doon. At ang babait ng mga locals doon ay nawala kami sa unang pagpunta namin doon pero gina-guide nila kami na parang mga tourist guide. At ang mga larawan sa itaas ay nakunan din sa Zambales.
Sana ay maging isang magandang taon din ang 2023 para sa tag-araw! Para i-blog ko ulit dito sa tumblr account ko. Talagang inaabangan ko ang paglaki ng blog na ito at higit pang mga travel blog ang ipo-post!
0 notes
Text
Konektado, Protektado, Edukado : Ang kahalagahan ng Internet at Social Media sa mga Layuning Akademiko
Sa tag-init ng taong 2020, binabad ko ang sarili sa daloy ng mga kuwento pagkat nais kong takasan ang nagbabadyang balita na maaring isa ako sa mga estudyanteng hindi makakapagtapos sa susunod na taon bagkos sa pagkalat ng pandemiya sa ating bansa. Dahil sa Internet at sa aking pagsisikap na mag-aral, nakuha ko ang aking diploma at ngayo’y nag-aaral sa labing-isang baitang.
Kadalasan nating ginagamit ang Internet at Social Media sa pakiki-sosyo, pagpapalipas oras, at walang katapusang pag-iiscroll hanggang pumikit sa pagod ang ating mga mata. Ngunit sa kabila ng pabayang paggamit natin ng internet, malaking tulong parin ito sa mga negosyo, mga OFW, mga estudyante, at sa mundo. Dahil sa kapangyarihan nitong panatilihing konektado ang lahat, ang daloy ng bago at lumang impormasyon ay napapadali sa isang pindot.
Ang Internet ay isang aklatan, puno ng impormasyon, kaalaman, at pati narin mga libro. Kung alam mo kung saan ka titingin at kung mahanap mo ang mahihiwagang salitang magbubukas ng mga pahina, tiyak na mahahanap mo ang nakakubli. Tignan na lamang natin ang mahiwagang Google at ang milyon-milyong pinto nitong gagabayan tayo sa mga sagot na ating hinahanap. Sa mga tanong at agam-agam, andiyan ang Google upang hanapin ang tamang pagkukunan ng impormasyon, intruksiyon, at gabay, lalo na sa mga estudyanteng katulad kong kailangan ng tulong. Malaking tulong din ito sa pananaliksik ng bagong impormasyon at paghahanap ng karagdagang impormasyon. Bilang isang estudyanteng nagkaroon ng asignaturang “Research 1 and 2”, napakalaking tulong nito sa paghahanap ng kalakip na panitikan at artikulong kaugnay sa paksa ng aming aral. Dahil na rin sa mga Quarantine Protocols sa nakaraang taon at sa kagustuhan naming maging protektado, nagawa naming makapanayam at matanong ang aming respondents sa tulong ng iba’t ibang online platforms kagaya ng Google Forms, Zoom,at pati na rin Messenger.
Gaya nga ng sinabi ko sa unang bahagi ng blog na ito, ang paraan ng pag-aaral ng mga estudyante sa buong bansa ay nagbago dahil sa pandemiyang ito. Kung hindi dahil sa pagkakaroon ng Internet, tiyak na dadami pa ang mga estudyanteng hindi nagpatuloy mag-aral sa taong 2020. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga online platforms na Zoom, Google Classroom, Canvas, Edmodo, Google Meet, at marami pang iba, hindi nawala ang koneksiyon ng mga mag-aaral sa kanilang guro. Ang online learning ay hindi na bago, may mga online resources nang makikita sa iba’t ibang sulok ng internet bago pa ang pandemiyang ito gaya nalamang ng Khan Academy, Math Papa, Mathway, Quizlet, at marami pang iba na siya namang pinapalawak ang kaalaman ng mga estudyanteng katulad ko na maaring dahil sa kuryusidad o di kaya’y upang mas maintindihan ang isang paksa. May mga Youtube channel din na nandiyan upang magturo ng karadagang kaalaman para sa lahat ng nais makinig. Sasabihin ko rin na sa pagsusulat ng blog na ito’y nagagamit ko ang Internet upang magbahagi ng aking kaalaman.
Malaki ang tulong ng Internet at Social Media sa mga mag-aaral na katulad ko ngunit alam kong kaya kong gumising araw-araw at magsumikap sapagkat ako’y nananatiling konektado, protektado, at edukado kasama ng mga kaibigan ko sa kabila ng pandemiyang ito. Minsan, nasasabi nating nagiging hadlang at distraskyon ang internet sa ating pag-aaral ngunit hindi ba’t sa huli’y nasa atin pa rin ang kapangyarihan kung papano gamitin ito?
-B, 11 STEM
Mga Kahulugan ng mga Salitang Teknikal
Internet - ay isang sistemang konektado na ginagamit ng mga kompyuter, mobile phone, at iba pang pangkasalukuyang devices.
Social Media - ang mga applikasyon o website na pinahihintulutan tayong magbahagi at gumawa ng posts at makipag-ugnay sa mga taong ka-parehas natin ng mga interes o sa ating mga kaibigan
OFW - Overseas Filipino Worker, and ating mga kabayan na naghahanap-buhay sa ibang bansa
Quarantine Protocols - mga gabay na ibinibigay tuwing quarantine upang malimita ang transmisyon ng virus
Respondents - interviewees, mga taong tinatanong upang makahanap ang interviewers o researchers ng data na kaugnay at angkop sa kanilang mga pag-aaral
Online Platform - o Digital Platform, ginagamit nito ang internet upang pahintulugan ang mga gumagamit na makipag-ugnay sa isa’t - isa, kasama na rito ang mga Social Media platforms na kagaya ng Facebook at Instagram
Online Learning - pag-aaral online/ paggamit ng internet upang mag-aral
Online Resources - mga mapagkukunan ng impormasyong makikita sa Internet
#akademikong-tulong-ng-internet-sa-mga-mag-aaral#filipino#kpwp#akademikong blog#academic blog#tulong ng internet sa pag-aaral#tulong ng social media sa pag-aaral#2020 pandemic#konektado-protektado-edukado#first blog#illustration#mag-aaral#use of internet for greater good#use of social media for greater good#online learning#new normal#distance learning#student#internet#social media
1 note
·
View note
Text
Pinakatatakutang Gabi
Pagdating ko ng bahay, hinanap agad kita. Hindi kita nakita. Pumunta ako sa likod, wala ka don. Sinilip kita sa banyo, wala ka. Sa kwarto, sa kusina, sa sala, sa sampayan, sa lahat ng sulok ng bahay, hinanap kita, pero hindi kita nakita. Wala ka na. Umalis ka nga talaga. Pinili mo nga talaga sya.
May katext ka. Kasama mo ako, pero may katext kang iba. Tinanong ko kung sino. Ayaw mong sabihin. Tinry kong silipin, nagalit ka. Sabi mo pakielamera ako. Inagaw ko yung cellphone mo, inagaw mo pabalik. Sabi mo lang, wala yun. Officemate mo lang, nagtanong kung may basketball ba kayo mamaya. Naniwala ako. Tapos, mayamaya, bigla akong napaisip. E hindi ka naman kaya nagbabasketball?! Pero hindi ko na lang sinabi sayo, baka simulan pa ng away. Mahirap na. Ayokong makipag-away sa’yo, lalo alam kong sasabihin mo lang sa akin na nonsense naman yung kinagagalit ko. Kaya, kinalimutan ko na lang. At hinayaan na lang kitang itext yung officemate mo na katext mo.
Sumakay tayo ng jeep. Pauwi na tayo sa boarding house. Nagkita lang tayo sa may sakayan ng jeep. Hindi mo na ako sinundo ng office kasi sabi mo pagod ka na. Kaya nagkita na lang tayo sa sakayan. Okay lang naman sa akin. Kasi kahit naman ako, pagod sa office. Dami kong ginawa. Sobrang pagod, stressed and antok ako. Ayun nga. Nung nasa jeep na tayo, you rode first. Not so very gentlemanly. Not so very you. Pero okay lang. Pagod ka siguro talaga at gusto mong makaupo agad. Ikaw pa rin naman yung nagbayad ng pamasahe. Pero nung umandar na yung jeep, since uso doon yung reckless driving, hindi mo ko inalalayan. Ewan ko ba. Bumabalentong na ko, hindi mo man lang inattempt na pigilan yung pagbalentong ko. So wala akong choice kundi humawak sa estribo, which I didn’t do very often. Kasi sanay ako na nakahawak ka, sanay ako na inaalalayan mo ko. Sanay ako na inaalagaan mo ako. Pero okay lang, pagod ka. Inisip ko, pagod na pagod ka, andami mo siguro talagang ginawa sa opisina nyo. Bumitaw na lang ako sa estribo, at ako na lang ang humawak sa’yo. Pero sabi mo, malagkit. Nagulat ako. Pero, inisip ko na lang, pagod ka. Pagod ka. Pagod ka lang talaga.
Monthsary natin. Supposedly, dapat isusurprise kita sa boarding house. Maghahanda ako ng masarap na dinner, with matching candlelight pa. Dapat. Naghalf-day ako sa office. Shempre, ang sabi ko sayo, may field ako, kaya hindi tayo sabay uuwi ngayon. Dumaan ako sa grocery bago ako umuwi. Bumili ako ng lulutuin ko. Binalikan ko na ring yung Mini-Me na regalo ko sayo. Mini you. Ang cute-cute. Pero nagtext ka. Sabi mo, uuwi ka ng Laguna ngayon. Na akala ko, hindi totoo, may niluluto ka rin lang na surprise sa akin, kasi monthsary nga natin. 54th monthsary. Kaya tinuloy ko pa rin yung ginagawa mo, nagluto pa rin ako, naghanda pa rin ako. Pero dumating ang 8:00PM, wala ka pa. Naghintay pa rin ako. Natapos na yung araw, hindi ka dumating. Hindi ka rin nagtext. Nakalimutan mo na monthsary natin. Gusto kong magtampo. Gusto kong magalit sa’yo. Gusto kong magwala. Pero, kinalma ko yung sarili ko. Understanding ako. Tinext kita, sabi ko, “ikaw, nakalimutan mo na monthsary natin. Happy monthsary. I love you so much.” Tapos, bigla kang tumawag. Sabi mo, akala mo, hindi ko naalala na monthsary natin. Tapos, nagbabye ka na. Natuwa naman ako. Nawala na bigla yung sama ng loob ko. Ewan. Kahit parang kulang yung sinabi mo, pero, nabuo mo pa rin yung araw ko. Ewan ko.
Inopen ko yung facebook mo. Wala lang. Pakielamera kasi ako. Nakita ko na may kamessage ka. Ashley. Co-worker mo. Wala namang nakakahinalang message, just hi, hello, hahaha, napanood mo na ba yung…?, ganon lang, pero yung fact na office hours, tapos, ako, hindi mo namemessage ng ganong time, nakakapag-init lang ng ulo. Nakakapagkulo ng dugo. Pero kinalma ko pa rin yung sarili ko. Tapos, tinawagan kita, tinanong ko kung sino si Ashley. Nabigla ako sa sagot mo. Wala kang kilalang Ashley. E sino pala tong kamessage mo, tinanong ko sayo. Sabi mo, saan? Sabi ko, dito sa facebook mo. At, nagalit ka, kasi, your words, kaya ko inopen yung fb mo kasi I don’t trust you enough, kesyo iniisip ko na may tinatago ka sa akin, na ang pundasyon ng bawat relasyon e tiwala. I became on the defensive side. Ako na bigla yung nagtatanggol sa sarili ko. Wala akong nagawa kundi magsorry at magpakumbaba. At nakalimutan na natin si Ashley.
Tinext kita na uwian ko na. Nagreply ka, sabi mo, OT ka ngayon kasi marami kayong submission by the end of the week. Okay lang. I asked you if I can join my friends, kasi manonood sila ng Pirates of the Caribbean, sabi mo, bahala ako. And I know better than go with it. I chose to go home na lang, kasi alam ko ang ibig sabihin ng bahala ka mo. Ayun. Pag-uwi ko, nag-online agad ako. And you were tagged on a post. Ashley ** Gonna watch Pirates of the Caribbean with You and 2 others at Gateway Mall. It was posted 4 minutes ago. Just half an hour ago when you told me that you’d be staying at your office for overtime. Pero, three refreshes later, nawala yung tag. As in. I checked Ashley out using your account, it was still there, the post, I mean, but you were not tagged on it anymore. Gusto kong magalit uli. I want to go to your office, just to check if you’re not at Gateway to watch our favorite movie, pero ayoko. Kawawa ako kung wala ka don. At sasabihin mo na naman sa akin na it’s a sign of distrust. Oh heck. I wanna believe that I trust you, I wanna believe you’re in your cubicle, auditing your client’s finances, checking the taxes and other related items, I still wanna believe in you, sa kabila ng lahat ng ito.
I went to your office after my field work. Wala lang, I do this usually naman talaga, pero, matagal na since nung last time. I was waiting for you at the reception area, hindi na kita tinext kasi I know, you’re going out kasi coffee break. Pero 15 minutes later, hindi ka lumabas. Na-sad ako. Paalis na sana ako ng building nyo, when I saw you. Yes. I saw you. You’re coming in. And you’re with someone else. A woman. Si Ashley. And you were holding her hand. Gusto kong isipin na hindi totoo yun. Gusto kong isipin na inaalalayan mo lang sya. Pero alam kong hindi. Kitang-kita ko na hindi. Gusto kong lumapit sa inyo at ipaalam sa’yo na andito ako, na hindi tama yung ginagawa mo. Gusto kong magwala. Gusto kong gumawa ng eksena. Gustong-gusto ko. Pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya. Umalis na lang ako, yuko ang ulo. Iniiwasan kong makita mo ko, dahil alam ko, hindi ko makakayang makita sa mata mo na hindi na ako ang mahal mo.
Gabi na. Nagtext ka sa akin nung nasa office ako na kailangan nating mag-usap. Na may importante kang sasabihin sa akin. Na we should talk about this like two grown-ups. I waited for you. I was feeling edgy ever since the day I saw you with Ashley. Para akong tumutulay sa alambre. I cannot confront you about this kasi alam kong hindi ko kayang ipakita sa’yo kung gaano ako nasasaktan, at hindi ko kayang makita sa mata mo na kaya mo kong iwanan para sa ibang tao. Hindi ko kaya. Hindi ako handa. I will never be. You arrived late. You were looking at me like I was the most miserable person in the whole world, the most pathetic. Hindi ko kayang tignan yon. Hindi ko kayang makita na ganon na lang yung nasa mata mo. Yumuko ako. Tapos sinabi mo na yung isang bagay na akala ko never kong maririnig sa’yo. You were breaking up with me. You were choosing her over me. You were throwing away the lifetime we built together over someone you have just met. You were leaving me. You were hurting me so much that I was not able to look at you, that I was not able to speak, even just a single word, and I was not able to cry. I was not able to do anything, except to stand there in front of you, hands on my pockets, looking at my toes, hardly understanding what you were saying, barely breathing. I walked past you, I walked past the door. I went out, barefooted, with nothing, as in nothing on my mind except the fact that I was losing you, oh, I lost you already, but this time, it’s for real, you had spoken. And I was just silent. Everything is just so silent that all I heard was my heart beating ferociously. But despite the deafening heartbeat, I still heard you. I still heard you when you said that you were sorry. You didn’t want this to happen, that you were expecting too that it will be the two of us till the end of time, but you just can’t control your heart from falling out of love with me, and falling in love with her. It broke my heart. I was accepting the truths like a grown-up person, just like what you said, but I know, later, when you are not around, when you’re not looking, I will crawl on our bed, I will cover myself with our bed sheets, I will curl up like a ball, and I will cry like a baby. No shackles, no mundane, I will cry my heart out, maybe forever, till I lost my awareness of you, of my heartbreak, of this bullshit. I will cry hard, I will let my emotion unrestrained, but not now, not in your presence. No. I will never allow myself to stoop down to that kind of misery.
I have nowhere to go. I came back to the house and you were still there. You were sitting at the dining table. Your eyes were bloodshot. You were waiting for me. You looked at me, I looked at you. There were tears in your eyes, mine were blank. You were crying hard, I just stood there looking at you. I didn’t know what to do or say, I didn’t know your reason as to why you’re crying. Wala na akong alam. Kumuha ako ng tubig. Lumabas ako ng kusina, pero sinundan mo ko. You hugged me from my back. You were crying very hard. You were shaking. Ewan ko. Hindi ko alam yung sasabihin ko, ninamnam ko na lang yung higpit ng yakap mo, kasi alam ko, pagkatapos nito, mawawala ka na talaga sa akin. Pinikit ko ang mata ko, pinigil ko ang luha ko. Tapos narinig kitang nagsalita, your voice is shaking. Sabi mo, ang tatag ko. Sabi mo, ang tapang ko. Sabi mo, ang lakas-lakas ko. Na kesyo feeling mo, hindi ako nasasaktan sa break-up na ito. Na kayang-kaya ko pala na wala ka sa buhay ko. Sabi mo yun. Hindi ako nagsalita. Hindi ko kailangang magsalita. Hindi. Umiiyak na hinarap mo ko sa’yo. Sabi mo, mahal na mahal mo ako, na hindi mo makakaya sanang iwan ako, pero, mahal na mahal mo na rin sya, at hindi nya kayang iwan mo sya. I was shocked sa pahayag mong yun. Niyakap mo ko ng mahigpit. I was not able to comprehend immediately what you have said. But later, I realized what it means. You were leaving me for her kasi ako, kaya ko namang mabuhay ng wala ka Hindi ko maabsorb pero tumango na lang ako. Bumitaw ako sa yakap mo, tapos sabi ko, “Okay.” At lumakad na ako pabalik ng kwarto.
Naririnig kitang kumikilos sa labas ng pintuan. Hindi ko alam kung papasok ka ba, at hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag pumasok ka nga. Pero hindi ka pumasok. Buong gabi akong gising, hinihintay kong bumukas ang pinto. I waited for you to come in, to tell me that it was all a joke, to tell me that it was me you still love. I waited all night, and still. But you didn’t come. Our clock alarmed, oras na para bumangon. Oras na para harapin ang unang araw na wala ka sa buhay ko. Lumabas ako ng kwarto, nakadayukdok ka sa gilid ng pinto, natutulog. Hindi ko maiwasang titigan ka. Hindi ko maiwasang lumuhod sa harapan mo, haplusin ang buhok mo, samyuhin ang amoy mo. Hindi ko naiwasan tumulo ang luha ko, kasi alam ko na ito na ang huling beses na magagawa ko ito. When you moved, I abruptly stood up, and wiped the tears in my eyes. I didn’t know what to say, so I just left you there. I started to do my morning ritual, minus the cooking of breakfast and our baon. I was drinking coffee when you woke up. You greeted me good morning. I just looked at you. You were talking about something na hindi ko na inintindi kung ano. Nagkukuwento ka na parang walang pangit na usapan ang nangyari sa atin kagabi. So I cut you off. Sabi ko, “Kung pagdating ko mamaya, wala ka, ibig sabihin, sya na talaga ang pinili mo.” At iniwan kita, tulala. Pero paglagpas ko sayo, tumulo ang luha ko. Paglabas ko ng bahay, duon humulagpos ang pinipigil kong hagulgol. At pagkalayong-pagkalayo ko sa tirahan natin, I broke down and cried. I cried wantonly. I cried my heart out. No shackles, no mundane. I cried and cried and cried. At alam ko, patuloy kong gagawin ito hangga’t hindi nauubos ang luha sa mata ko.
Pagdating ko ng bahay, hinanap agad kita. Hindi kita nakita. Pumunta ako sa likod, wala ka don. Sinilip kita sa banyo, wala ka. Sa kwarto, sa kusina, sa sala, sa sampayan, sa lahat ng sulok ng bahay, hinanap kita, pero hindi kita nakita. Wala ka na. Umalis ka nga talaga. Pinili mo nga talaga sya.
Ako na rin naman ang nagdesisyon nito, pero hindi ko alam kung bakit pala hindi ko matanggap. Ako na rin ang may gusto na mawala ka, ni hindi ko nga ginawang pigilan ka. Ni hindi ko nga pinakita sayo na mahina ako, na hindi ko kayang wala ka sa buhay ko, na hindi ako sanay na hindi kita kasama, na ikaw mismo ang rason kung bakit gusto kong mabuhay, you are the sole reason why I’m alive. You are the reason of my existence, and without you, it’s like facing death. Wala. Ni kahit katiting sa nararamdaman ko, hindi ko nabanggit sayo. Hindi ko naparamdam sayo.
Pero tama na rin siguro itong ginawa ko. Na hindi ako nagmukhang kawawa sa paningin mo, kahit sa kaibuturan ng puso ko, alam kong abang-aba ang pakiramdam ko. Siguro nagkulang ako sayo, but still, I believe I don’t deserve your betrayal. Telling me you love me still, and yet, you love another person is a lie. It’s just awfully illogical, unethical and immoral. I deserve your honesty, respect and loyalty more than anything else. If you really, really, really love me, you will be honest with me, you will respect me and you will be faithful to me, no matter what, no matter who comes close to you, however incompetent I am on showing you how much I love you. Because as for me, hindi lang honesty, respect and loyalty ang binigay ko sayo, binigay ko sayo ang buong pagmamahal ko, tiwala ko at buhay ko. I’ve given you more than what I can offer. I’ve loved you to the fullest, deepest and biggest. And despite the hurt and pain you’ve given me, I love you still. Pero okay lang ako. This event affects me more than anything else, pero it will affect you more that it affected me. I lost you, yes, but it was more of - you lost me. Ikaw ang talo. Dahil ako, nawalan ako ng isang tao hindi ako pinahalagahan, pero ikaw, pinakawalan mo ang isang taong walang alam gawin kung hindi mahalin ka ng higit pa sa depinisyon mo ng salitang pagmamahal. At sa bandang huli, malalaman mo, na ikaw ang natalo. Ikaw ang nawalan, ikaw ang nalugi. Pero alam ko, you’ll realize this later not sooner. At sana, kapag naisip mo na yun, masaya na ako, napatawad na kita at hindi na kita mahal.
0 notes