#magmahalan
Explore tagged Tumblr posts
Note
Paano mas tumatagal yung relationship?
Totoo ba na if mahal ka ng lalaki mas nagwowork yung relationship?
any tips for more intimate dating and relationship and how and what way does communication works?
Paano mas tumatagal yung relationship?
-Kapag gusto nila. Yun lang. Kapag gusto ng dalawang taong nagmamahalan na manatili sa isa’t isa, at kung pipiliin at paninindigan nila magmahalan araw araw, hindi matatapos ang relasyon nila.
Totoo ba na if mahal ka ng lalaki mas nagwowork yung relationship?
-Wala sa kasarian yan, nasa pagkatao ng isang indibidwal yan. Tingin ko, hindi magwowork ang relationship kung hindi magkatimbang ang pagmamahal ng isa’t isa. Dapat parehas ang binibigay at natatanggap na pagmamahal.
Tips for more intimate dating and relationship:
-Intimacy in relationship does not only mean being sexual, it’s also a feeling of being emotionally connected and supported. Aside from being a lover, you should also be your partner’s best friend.
-Kung bago pa lang kayo, know that intimacy doesn’t happen overnight, it must be built and it takes time. The more time you spend sharing experiences and feelings, the stronger bond of intimacy you can build. Being intimate requires you to be vulnerable, this is why trust and faith is very very important in relationship, so be mindful to not violate the trust of your partner. And syempre ganon din dapt sya sayo.
-In terms of sex naman, it is best to talk about your kinks and fetishes. So you and your partner would know how to satisfy each other, and be able to set the boundaries of DOs and DONTs in bed. Remember that you can be nasty and respectful at the same time.
How and what way does communication works?
-Communication works when you actively listen and respond to your partner and they do the same for you.
-Always say what you’re feeling, your mood. Express your emotion and opinion and don’t be afraid na mag argue kayo, hindi talaga maiiwasan. Pero never try to “win” the argument, because at the end of the day, kapag nag away kayo parehas kayo talo. You’d be able to settle your differences and you’d be able to reach a compromise for a certain situations if you try to listen and understand each other.
-Don’t be verbally aggressive or abusive. Even if you don’t mean it, wag. Minsan kasi may mga biro talaga na hindi nakakatuwa.
-Always talk about important or sensitive issues heart to heart, but remember find the right time for those conversations.
-Good communication in relationship also means giving each other space when needed.
-Mean what you say and say what you mean.
14 notes
·
View notes
Text
I dont know this feeling but..
I just want to experience like other couples do. Date in a restaurant, coffee date, roadtrip, travel, try different things, sweet photo together, celebrating monthsary/anniversary, surprises, flexing in each other,etc.
Maranasan lang sana kiligin na parang teenager..
Wala lang.. minsan bigla na lang ako naiinggit, dont know if valid ba itong feelings ko but, yeah.
Before sabi ko sa sarili ko makakapag boyfriend din ako (after ng masakit na heartbreak) and yes, I did!
But, si Lord naman kasi binigyan agad kami ng +one 😅
Happy naman ako and thankful. please don’t judge me ✌🏼😊
Iba na kasi priorities namin both and ako naging pangalawa na lng minsan nga nakakalimutan pa ako, minsan nga wala pa (masakit, pero totoo 💔)
Unfair lang 😅 di ko man lang maranasan mga ganun bagay (Oh, baka isipin nyo ang OA ko naman simpleng bagay lng)
Sorry but ako lang ito
(kaya young couples out there, please pls ENJOY YOUR MOMENTS TOGETHER. Magmahalan kayo)
0 notes
Text
Huwag muna tayo umalis, mahal ko. Dito muna tayo manatili sa paraisong para lamang sa ating dalawa; ang paraiso kung saan malaya tayong magmahalan.
1 note
·
View note
Text
“******* ** ** ****** ***?”
“Ano nanaman ‘yan? Daming pakana.”
Kung kasalanan ang hilingin ang slowburn friends to lovers trope, edi ako na ang makasalanan. Kahit isumpa pa ‘yan ng Facebook friends ko, forever ko ‘yan iroromanticize. Kasi, who wouldn’t love the idea of slowly catching feelings for someone you perceived only as a friend? Gets mo ba ako? It’s like finding comfort and love in the most unexpected time with the most unexpected person. Alam mo bang gusto ko maging main character sa mga AU na binabasa ko sa Twitter? Ngunit sa lahat ng trope at genre na ninais ko, sa slowburn at angst pa ako bumagsak.
How can someone change so fast after sleeping with a heavy heart? To witness you to slowly drift apart was like waiting for winter to come while summer lives within the walls of our house. Ang init ng panahon, it’s like my burning love and affection for you. Try mong hawakan ang kamay ko, nakakapaso, diba? Para akong nagbabagang uling na hindi mamatay-matay sa hangin. Between the four corners of our home, your presence is nowhere to be seen. Siguro ikaw ‘yung hangin, trying its very best to tone down the igniting flaps of my burning coal but fails to do so. Sa bawat ihip at paypay mo, mas lumalakas ang apoy ko. Ikaw ang hangin na hindi ko makita at maramdaman, but continues to linger in my heart as a memory that’s meant to be forgotten as time fades away.
Para kang ice cream na natutunaw agad sa init kahit kakalabas lang sa freezer—you’re melting away, slowly. Kung magkakaroon ako ng pagkakataon na sumulat ng alamat just for fun, hindi ko mahahanap ang pinagmulan kung bakit nagbago at nasira ang lahat. Seeing you do the things that I once loved turned into mere actions na normally ginagawa mo when were just strangers pains my heart. Walang pansinan, walang maayos na usapan, walang-wala. Ang bilis mong magbago, ngunit ang tagal mong iwan ako. Kung hindi mo naman na pala ako mahal, bakit pinatagal mo pa?
“Sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay.” (I loved you wholeheartedly to the point I was left with nothing. I loved you so much even if the situation was unfair to me. I loved you as I carved our names with forever and always. I loved you). Magmahalan sa hirap at ginhawa, pero bakit sa tuwing may pinagdadaanan tayo, mas pinipili mong iwan ako?
Sa dinaraming tao sa mundo, ako pa ang piniling paglaruan ng tadhana. Kumakapit pa ako, bumibitaw ka na pala. Yung totoo,
“******* ** ** ****** ***?” (Minahal mo ba talaga ako?)
0 notes
Text
Bakit kailangan ko pa na hintayin ang araw ng mga puso?
Kung puwede naman na sa araw-araw kita bigyan ng mga bulaklak at regalo.
Kung puwede naman na sa araw-araw kita haranahin ng mga kanta na narinig ko sa radyo.
Kung puwede naman na sa araw-araw ko ipaparamdam sayo na ikaw lang ang mahal ko.
Bakit nga ba isang araw lang ang araw ng mga puso?
Kung puwede naman na sa araw-araw ay magmahalan tayo.
Kiro - Araw ng mga puso., 2 AM
0 notes
Text
⋆。゚☁︎。⋆。 ゚☾ ゚。⋆O sleeper⋆。゚☁︎。⋆。 ゚☾ ゚。⋆
Filipino----------------------------------------------------------------------
Ang unang awit na ipinakilala sa atin ay o sleeper, isang reference sa Ephesians 5:14 quote na nagsasabing "Ito ang dahilan kung bakit sinasabi: "Gumising ka, O natutulog, bumangon ka mula sa mga patay, at si Kristo ay magliliwanag sa iyo." Mula sa quote na iyon lamang, ang isa sa mga tema na nakita ko sa kantang ito, at kitang-kita sa natitirang bahagi ng album na Eurus, ay ang hamunin ang mga paniniwalang itinuring mong pangwakas at pare-pareho, kahit isang sandali, at hayaan ang iyong sarili na makita ang mundo sa pamamagitan ng iba't ibang lente. Sa sandaling nagising ang tagapagsalaysay ng kanta mula sa kanilang malapit na pananaw sa mundo, napansin nila ang mga kamalian ng kanilang kapaligiran.
Gayunpaman, hindi lamang iyon ang naabot ng ating tagapagsalaysay sa kantang ito. Napag-isipan din nila na, hindi alintana kung nakikita mo ang isang tao bilang mabuti o masama, mabait o masama, lahat tayo ay nasa ilalim ng parehong langit, naninirahan sa parehong planeta, bilang mga tao. Na kung ano o sino ang mabait sa iyo ay maaaring hindi pareho sa ibang tao.
Ang karagdagang pagpapatunay sa punto na hindi lahat ay naayos o pare-pareho. Kung ano ang totoo sa iyo ay maaaring hindi totoo sa iba. Gayunpaman, sa huling saknong ng kanta, nakita namin ang aming pinakadirektang halimbawa ng pagkilos sa pagbabago.
Dito, kinikilala ng tagapagsalaysay na ang kanilang pinaniniwalaan ay nakakasakit sa ibang tao, at ngayon ay handang gawin ang lahat para ibagsak ang mga pader ng kanilang pagiging malapit at ng ibang tao (o sa madaling salita, putulin ang mga bundok na aking ginawa) , at magmahalan nang walang diskriminasyon.
English----------------------------------------------------------------------
The first song we are introduced to is o sleeper, a reference to the Ephesians 5:14 quote that says " This is why it is said: "Wake up, O sleeper, rise from the dead, and Christ will shine on you." From that quote alone, one of the themes I found in this song, and is prominent in the rest of the album Eurus, is to challenge the beliefs you deemed were final and constant, for even just a moment, and let yourself see the world through different lenses. For once the narrator of the song awoke from their closeminded worldview, they notice the faults of their surroundings.
However, that is not the only realization our narrator has achieved in this song. They also came into terms that, regardless of whether you see a certain person as good or bad, kindhearted or evil, we are all under the same sky, living in the same planet, as human beings alike. That what or who are kind to you may not be the same to another person.
Further proving the point that not everything is fixed or constant. What's true to you might not be true to others. However, in the last stanza of the song, we find our most direct example of acting upon change.
Here, the narrator acknowledges that what they believe in is hurting other people, and is now willing to do whatever it takes to tear down the walls of their and other people's closemindedness( or in other words, cut away the mountains I've made), and love one other without discrimination.
0 notes
Text
YE 2023 Countdown: Sedated Saturdate
Bike and ilog sessions with Dad are always therapeutic and graphic.
Super balmy weather 'yung mga nakaraang araw so, ngayon lang kami nakapag-bike ni daddy bilang ayaw daw niya ng maulan. Syempre, sumundot ako ng ilang ikot ng bike sa tabi-tabi, pero sa malapit lang. Today, naka-chamba kami ng bike sesh kasi gusto raw niyang maligo sa ilog. Syempre, as a gala girly, sama ako. Also, nag-jacket ako para 'di na siya sad. Hahahahaha.
'Pag nasa bahay kami ng ina ko, usually, after Xmas, may sort of tradition kami ni dad na either biking, hiking, or whatever kami tapos apart from bashing na bonding namin, eto 'yung chance naming makapag-align sa life in general lalo 'yung nakalipas na taon.
Ang sarap ng lamig ng tubig sa ilog kanina. 'Di siya super clear kasi may ulan-ulan pero solid na solid na parang hugas mga kasalanan mo sa mundong ibabaw. Medyo masidhi ang ragasa ng agos ng Bolero Dam kanina and syempre as a recovering ovethinker, tawang-tawa tatay ko sa akin. "Anak, sabayan mo ang ragasa ng agos. Parang 'di mo naman na-master training ko sa'yo noon. Dati, baby ka pa lang, todo kampay ka na sa ilog na 'to... doon o."
Sobrang thankful ako kasi andito na kami ni dad ko ngayon. Hindi siya madali and always pa rin kaming kagulo, pero when I joke him na takbong MatchaME 'yung MTB niyang medyo nakakaabala ang handlebar, I feel like we're off to better biking sessions.
Saka, this December 2023 is indeed full of real life sessions na road to healing ko talaga even when I'm still on training wheels. Kanina nga, may nakita kaming ilang baby bikes na may balancer or training wheels. Tawang-tawa ako kasi parang kailan lang, nagaaral pa akong mag-BMX bike, and andito na ako sa point ng pag-test out kung gaano ba ka-ahon ang kaya ng wonky B ko sa Gear 3.
Sinabi ko 'to sa life sharing ko sa retreat ko ages ago: Biking is dad and I's common or neutral ground talaga. Dito kasi, mas vulnerable ako and mas may skills dad ko kaya mas open kami sa isa't isa. Syempre, he also tries to take photos and vids of me pero just like before, sabi ko OK lang ako basta happy siya sa photos and vids niya.
In truth, gusto ko lang siyang panoorin kasi obvious na aging niya --less hair, less strength, less patience, less force; however, mas forgiving na siya now and 'di man princess tingin niya sa akin, we're on our way there. LOL.
Galing talaga ng love ng ina ko. Imagine, we didn't plan to stay in her sleepy town at all this holiday. Pero, siguro, todo pag-pray niya na sana lahat ng naiwan niya sa earth, mas magmahalan, mas magbigayan ke Pasko o hindi Pasko.
0 notes
Text
VERNAN's WEDDING VOW to RUTH
Baby Ruth Williamson Aguilar
Bebi! Finally nandito na tayo. After months and weeks and days ng pag hihintay its our wedding day na.
From June 2006 fast forward to May 2023 here we are making promises for each other.
Thank you for being a strong person that you are.
Thank you dahil anjan ka, nagpapasaya sakin.
Thank you at binibigyan mo ng kulay ang bawat araw.
Ito ang pangako ko sayo
I promise to take care of you. Always to make you feel loved. Ill be there when you feel sick. Ill be there if you feel great. Pipilitin kong maging anjan everyday of your life.
I promise to love you everyday. Na lagi kang pipiliin sa mga panahon masarap magmahal. At kahit sa mga panahong mahirap intindihin ang isat isa. Lagi kong aalalahanin ang pangako natin sa Panginoon.
Ill promise to be your companion sa lahat. Pag may gusto kang ma achieve, sabay natin iachieve. Pag may gusto kang puntahan, sabay natin pupuntahan. Pag may nang away sayo, awayin natin. Pag may nagpapa init ng ulo mo, mainit na din ulo ko. Pag may trip ka lang awayin, sige awayin ko na din. Kakampi mo na ako habang buhay.
I promise to be the best husband for you. To be the best father sa magiging anak natin. Araw araw kong pasasalamatan ang Panginoon sa pamilya na ibibigay nya sa atin. Magiging maswerte ang mga anak natin kasi may magulang silang in love na in love sa isat isa. Hihilutin ang iyong mga kamay at paa palagi. Magrereklamo pero hindi mapapagod.
I promise to grow old with you. Pangarap ko at pinapangako na sa pagtanda natin magkahawak pa din ang ating mga kamay. Lagi kong sasabihin sayo na mahal kita kahit di n natin naririnig. Pangako ko na isasayaw ka kahit masakit na ang mga tuhod.
Sa ngayon isa lang naman ang hiling ko sa Panginoon. Sana bigyan nya tayo ng masayang pamilya at Sana bigyan nya tayo ng madaming panahon para magmahalan at magharutan.
We will put God as the center of our family, and of this new journey. And to help me fulfill lahat ng promises and vows na ito. God helped us na maabot kung ano man tayo ngayon, He helped us get to this point, and i know God will be with us on this next chapter.
I love you 😘
0 notes
Text
Sinusulit bawat saglit
Mga nakaw nating sandali, oh
Nananabik nang palihim
Kasalanan ba ang humiling na
Malaya kang makapiling
Sa paghimbing at paggising
'Di na kailangang sabihin
Paalam, nagpaalam ba?
Ikaw ang tanging tahanan
Na uuwian ko bawat araw-araw
At habang buhay na
Paano ba?
'Di nila alam, 'di pinapaalam (ooh)
'Di na kaya pang magtagu-taguan (ooh)
'Di ba pwede na magmahalan na (ooh)
'Di lang tayo ang tanging may alam (ooh)
Pa'no ipagsisigawan (oh-oh, oh-oh)
Na ikaw lang ang gusto at kailangan?
(Oh-oh, oh-oh) ikaw lang
Pa'no ko isisigaw sa lahat na
Ika'y akin, kung mundo ang kalaban?
Pa'no ba ipaglalaban? Laban 'to kung
'Di nila alam, 'di pinapaalam (oh)
'Di na kaya pang magtagu-taguan (oh)
'Di ba pwede na magmahalan na (oh)
'Di lang tayo ang tanging may alam (oh)
Nag-aabang na dumating
Ang araw na hinihiling ko (yeah)
Malaya nilang maririnig (oh)
Ang sinisigaw ng dibdib ko
Ikaw aking napili (oh)
Sa 'yo lang mananatili (oh)
'Di na kailangang ilihim
Na sa akin ka, sa 'kin lang
Gusto ko nang ipangalandakan
Nang walang pag-aalinlangan (oh-oh)
Ikaw na ikaw lang
Pero pa'no ba?
'Di nila alam, 'di pinapaalam ('di nila alam)
'Di na kaya pang magtagu-taguan (sa liwanag ng buwan)
'Di ba pwede na magmahalan na (gusto kang mahalin)
'Di lang tayo ang tanging may alam (oh)
Pa'no ipagsisigawan (oh-oh, oh-oh)
Na ikaw lang ang gusto at kailangan?
(Oh-oh, oh-oh) ikaw lang
Pa'no ko isisigaw sa lahat na
Ika'y akin, kung mundo ang kalaban?
Pa'no ba ipaglalaban? Laban 'to kung
'Di nila alam, 'di pinapaalam (whoa)
'Di na kaya pang magtagu-taguan (oh)
'Di ba pwede na magmahalan na (oh)
'Di lang tayo ang tanging may alam (oh)
Alam kong sawa ka nang itago ang tayo sa kanila
Ako rin naman, hindi mo alam ako'y matagal nang handa
Na ipaglaban ka kahit kanino, handa ka samahan
Kahit ilang kilometro man ang ating lalakbayin
'Gang sa makarating 'di ka bibiguin
Dahil sa totoo lang wala naman sa 'kin ibang
Mahalaga ikaw lang, kahit ano pang
Sabihin nila 'la kong pakialam
Kung 'di madali ang piniling tahakin
Pero tibayan lang natin ang kapit
May mabigat mang nakasabit
'Wag kang mangangawit
'Yung tayo ang mahalaga
'Di nila alam, 'di pinapaalam ('di nila alam)
'Di na kaya pang magtagu-taguan (sa liwanag ng buwan)
'Di ba pwede na magmahalan na (gusto kan mahalin)
'Di lang tayo ang tanging may alam (oh)
Pa'no ipagsisigawan (oh-oh, oh-oh)
Na ikaw lang ang gusto at kailangan?
(Oh-oh, oh-oh) ikaw lang
Pa'no ko isisigaw sa lahat na
Ika'y akin, kung mundo ang kalaban?
Pa'no ba ipaglalaban? Laban 'to kung
'Di nila alam, 'di pinapaalam (oh)
'Di na kaya pang magtagu-taguan (oh)
'Di ba pwede na magmahalan na (ooh)
'Di lang tayo ang tanging may alam (ooh)
#sarah geronimo#sarah geronimo guidicelli#alam#song#music#audio#social#2023#filipina singer#filipina artists#asia's popstar royalty#philippines#Spotify#dance
0 notes
Photo
3/8/2023 1:48 AM (9)
Dear J,
naalala mo pa kaya to? It all started here. Hindi mo alam nung una palang interesado na talaga ako sayo. Mga pasimple kong ganyan para mapansin mo ko. Nag screenshot pa ko na nalaman ko mga paborito mo para sa susunod ako naman magbibigay sayo ng mga ganyan. Sa simpleng ganyan napapasaya na araw ko at napapangiti ako ng sobra. Ngayon, iniisip ko sana ganyan nalang ulit. Sana umulit ulit, sana hindi nagbago, sana ganyan parin, sana hindi ka nagbago. Pero wala hanggang sana nalang. Hindi ko rin inaasahan na magugustuhan at mamahalin mo rin ako. Hindi ko makakalimutan ang init ng pagmamahal natin sa isa’t isa. Mga halik na walang nakakapigil at mga yakap na sobrang higpit. Kaso wala na e. Hindi na kita mapilit. Dahil sa sakit na nagawa ko sayo ayan mas lalo kang lumayo na sakin. Yung dating mahal ako, biglang hindi na ako mahal. Yung dating kailangan ako, hindi na ako kailangan. Yung dating gusto akong kasama, ngayon ayaw na ako makita. Yung dating gusto ako kasama sa lahat ng bagay, ngayon hindi na. Yung dating kasama ako sa mga plano, ngayon hindi na. Yung dati nagsabi ng mga pangako, ngayon nawala na. Ang sakit pala maiwanan ng tuluyan. Sa lahat ng pinagsamahan natin at pagmamahalan, lumaban ka pero hindi ka lumaban hanggang dulo. Pero hindi kita masisisi kasi sobra na, naubos na kita, pinaramdam ko sayo na hindi kita mahal. Pasensya na ha? Hindi kita minahal ng tama. Dapat lang talaga na iniwan mo ako kasi hindi ako marunong magmahal ng tulad mo. Sorry sa mga kasalanan ko, sorry sa lahat ng pananakit ko sayo. Hindi kita gusto pakawalan pero kahit kasi anong gawin ko ayaw mo na ayaw mo na ako balikan at ayusin. Sayang lahat ng pinaghirapan nating dalawa. Lumaban ka nga pero hindi tulad ng paglaban ko, hindi ka nga sumuko pero sumuko ka sa huli. Iniwan mo sakin mga salita mo na hanggang salita lang. Hindi mo ako pinanindigan talaga. Siguro hindi kasi talaga ako yung mapagmamalaki mo. Hindi kasi ako lalaki, hindi ako christian. Makasalanan na ako sa tingin mo. Na dati na alam mo tama lahat ng ito, pero ngayon diring diri kana. Miss na miss na kita palagi at araw araw. Walang araw na hindi kita namiss. Pero wala na e. Hangin nalang ako sayo. Hindi mo na ako nakikita, wala ka ng pake, kasi wala ka ng nararamdaman. Sobrang lungkot araw araw at gabi gabi. Buti ka pa masaya at maayos na. Ang bilis mo tanggapin at iproseso lahat, samantalang ako aabutin pa ata ako ng ilang taon para tuluyang matanggap na yung taong pangarap kong makasama at pakasalan, nawala nalang agad. Alam ko kaya naman natin to, sadyang ayaw mo nalang talaga. Wala ka ng lakas para sa relasyon natin. Kasi pinagod at napagod kana. Ang hirap hindi na kita nakikita palagi. Ang sakit inalis mo nalang ako sa buhay mo ng ganun. Basta tandaan mo, kahit anong mangyari alam ko kung paano tayo magmahalan. Alam ko alam mo kung gaano kita kakilala. At kapag kailangan mo ng taong iintindi sayo, alam mo kung saan ako matatagpuan. Mahal na mahal parin kita. Kahit ano mangyari mahal kita. Kahit wala na talaga, nandito lang ako palagi. Marami akong sakit na nararamdaman pero yung pagmamahal ko sayo palaging mananatili. Hanggang ngayon tandang tanda ko parin kung paano nagsimula ang lahat. Yung tamis at saya. Pero wala eh. Natakpan na ng galit, sakit, pagdududa, hanggang sa mawala na ng tuluyan yung pagmamahal mo sakin. Alam ko, ang gago ko kasi. Naging kampante ako na kahit anong mangyari satin, tayo at tayo parin. Nabulag ako sa alam kong sobrang mahal natin isa’t isa. Kung maibabalik ko lang yung oras at lahat ng mga nagawa ko. Pero huli na ang lahat kaya mamahalin nalang kita hanggat nakikita ko pa ang buwan.
0 notes
Text
February 28, 2023
Wait, let me just voice out. Like Im thinking a lot of things
* Sa true lang, parang gusto ko bawiin. Parang gusto kong sabihin na sige tayo nalang ulit. Sige lokohin mo nalang ako ng paulit-ulit basta tayo parin. Sige lang, kung di mo kayang ipakita at iparamdam mo sakin na mahal mo ko. Parang gusto ko magpakatanga. Gusto kong sabihin na pwede bang hayaan mo lang akong mahalin ka hanggang maubos tong nararamdaman ko para sayo. Pwede bang tayo nalang ulit kasi atleast hinahawakan mo ko, nayayakap ng kaunti, nilalambing ng kaunti, kahit alam kong sa loob mo may pilit na humihili sayo papalayo sakin at pinaparamdam sayo na ang pagpapakita sakin ng pagmamahal ay mali. Ngayon kasi, pakiramdam ko, ni kakaunti wala na. Parang tuluyan mo na kong binitawan talaga. Pero yung mindset na gusto ko sana itanim ngayon sa utak at puso ko, na yang lahat ng mga sinasabi ko, lahat ng gusto kong makaramdam sayo ng kahit konting paglalambing at pagmamahal, lahat ng yun alam ko mali sa pakiramdam mo. Sana kayanin kong tiisin lahat at isipin na para sayo din to.
* Kung di ko kakayanin na mawala ka sakin at di ko mahayaan kang gawin ang tama, magpakalayu-layo nalang kaya ako? Ano bang mas okay sayo? Hindi naman kita gustong iwan dahil sa totoo lang kahit wala na tayo gusto ko paring mahalin at alagaan ka. Pero kung sa side mo mas naipapahamak kita, mas ok ba na mawala nalang ako?
* Ngayon lang ako naexcite umuwi ng ganto. Kulang nalang takbuhin ko mula office pauwi sayo dahil alam kong nanjan ka. Makikita ulit kita at makakasama. Kahit alam kong wala na. Kahit alam kong madidisappoint lang ako pag magkasama na tayo. Kahit papano, masaya parin ako.
* Mali ba talagang mahalin ako? Mali bang magmahalan tayo? Kasalanan ko ba talaga na namatay sya? Kasalanan mo ba talaga? Akala ko okay lang hanggat walang tinatapakang tao. Pero bat ganito?
0 notes
Text
WEEK 8 (TAGALOG)
PASKO SA PINAS
Malamig na naman ang hangin, isa sa mga senyales na malapit na ang Pasko.Pasko ay ipinagdidiriwang lamang ng isang beses sa isang taon. Ito ang panahon na makikita natin ang mga makukulay na ilaw sa mga lansangan at ang mala-anghel na boses ng mga bata na nakamaskara o gumugulong sa bahay-bahay. Ang Pasko ay isang holiday na ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Hesukristo. Ito ay isang tradisyon na tinatangkilik ng mga tao mula sa buong mundo. Lalong relihiyoso ang mga Pilipino at madalas na ipinagdiriwang ang Pasko sa espesyal na paraan. Anuman ang yaman o kakulangan nito, lahat ay nasisiyahan sa pagdiriwang ng Pasko. Ang Pakso sa Pinas ay kakaiba dahil tayong Pilipino ang nagdidiwang nang masagana at matiwasay. Pasko sa atin ay hinahap-hanap natin. Bisperas pa nang pasko ang ating mga munting tahanan ay abala na sa Noche Buena. Magmahalan tayo at magdiwang nang payapa sa Paskong darating. Maligayang Pasko at Bagong Taon! #2022
COPYRIGHT INFRINGEMENT BY: https://www.yodisphere.com/2021/12/Pasko-Pilipinas-Traditions-Symbols-Paskong-Pinoy.html
0 notes
Photo
Pudang turns 60 years old today 💗 Happy birthday De. Ang tanda mo na kaya huwag ka na sakit ng ulo sa amin, eme hahaha. I wish you long life pa. Kayo ni Mudang. Magmahalan lang kayo palagi. Gagawin namin magkapatid ang lahat para alagaan kayo parehas lalo na at senior na kayo so please, magpakabait na. Hahaha. Lahat ng ginagawa namin ay para lagi sa ikakasaya ninyo. Salamat sa regalo ng buhay Pudams at sana mas marami pa tayong travels in the future! Sa kabila ng napakaraming sablay mo sa buhay hahahahaha, pipiliin ko palaging mahalin ka. Maswerte akong may tatay pa rin akong kasama at proud sa akin kahit marami rin ako sablay hahaha. It's a tie! 😅 Love you De enjoy today! Magvideoke ka hanggang gusto mo hahahaha ✨ https://www.instagram.com/p/ClaoRxTSWGT/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
Note
natatawa ako dun sa mga wattpad na school lang pinaguusapan, school au lang...pero bakit nung nagtimeskip...bakit si leading man naging mafia leader na vampire na sobrang gwapo at habulin ng babae pero cold hearted siya kasi ang puso niya ay para lang dun sa highschool sweetheart noong bata pa siya.
HOAY HAHAHAHHAHAYAYA
WAG GANUN 😭 THAT'S MY FAVORITE TROPE NOON BAKIT GANON BAHHAHAHAHA CALL OUT MO KO LEMON, BAD YAN AHAHHAHAAH
#It's always#clashin clans 😔#mafia gangster si boy tapos#hot cassanova si girl#magkagalit clans nila kaya bawal magmahalan#AHHAHAHAHA COCORNY NIYO POTANGINAAAAAA#2021 na pero Wattpad ng Pinoy pang 2013 paren ice#hikbi.answers#[ lemon ✨✨✨ ]
4 notes
·
View notes
Text
ang gusto ko lang naman magmahalan tayo pero, bakit? ganito ang nangyare.
4 notes
·
View notes