#lifegoalshattered
Explore tagged Tumblr posts
prinsipepito ยท 9 years ago
Text
0h 155.
Tinapos ko agad lahat ng trabaho ko for that day para maumpisan ang pag-aaral sa lintik na calculus na yan. Saan ba sa buhay gagamitin yang konsepto ng open ball, convergence at kung ano-ano pa? Bakit hindi na lang topic about forgiveness, motivation at self-confidence ang gawing example ng mga teacher para mas maging realistic. Pumasok ako sa klase na kabado dahil baka hindi ko masagutan ang mga tanong. Ah mali. Ang mga pinapastate. State mo to. State mo yan. Then prove. Di ba ang saya? Macconclude mo ang exam sa tatlong salita. State then prove. Nablangko ang isip ko. Yung tipong sana lumindol. Mawalan ng kuryente. May manghostage para matigil lang ang exam. Mas matagal pa yung pagiisip ko kung magccursive ako ng sulat o printed kesa sa pagsasagot. Anyways, wala naman din akong maisulat. So, naglakas loob na kong magpasa. Take note yung points to ponder ko na nakasulat sa likod ng blue book ko. Oh my. Sabay buntong hininga. Oh my. Oh 155.
0 notes