#grabe ang ganda nila
Explore tagged Tumblr posts
blob-monster · 14 days ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Bini Chapter 2: Here With You
19 notes · View notes
pansamantalamo · 5 months ago
Text
| 062924 . SATURDAY . 📍ONE AYALA MALL
🏳️‍⚧️ QUEER PROM 2024 🏳️‍🌈
Grabe sobrang daming booth, daming sponsor ng event. Ito yung iba sa mga booth:
Tumblr media
Tawang tawa ako kina choy at kwen pumila ba naman sa molly's akala ni choy kung ano na ang lakas pa ng pagkakasabi ng ang cute! Late nya na realize sex toy pala hahaha pazaway! Pero naglaro kami sa pa game nila dito sayang din yon may libre kame sex toy pag nagkataon. Kaso sayang di kame nanalo pero nagka disc. voucher naman kami worth 1k ata yon. Tska binigyan kame free light stick.
Tumblr media Tumblr media
Tapos ayun may free hiv testing din sila. Naka dalawang lapit sila saken baka daw gusto ko i try hehehe. Kaso ayaw ko hindi dahil sa takot ako sa result, kundi takot akong matusok ng karayom hahaha. And alam ko naman sa sarili ko na good boy ako so I'm safe.
Anyway ayon ang daming softdrinks tska sofdrinks na may alcohol content. During the event may bayad sya kase ang alam ko mapupunta naman sa charity yon. Pero yung mga natira after the event ayon pinamigay na nila. Grabe ang dami, nakakuha nga kame ng apat na can.
Tumblr media Tumblr media
And syempre di mawawala ang free food. Sayang talaga puro sweets. Hindi lahat pwede saken kaya medyo konti and tikim tikim lang ako . Di ako nakaabot sa burger nila e paano busy kame sa ibang booth neto.
Tumblr media Tumblr media
At syempre di mawawala ang walwalan. Pero light na inom lang dahil wala kame sa bar kundi asa event hahaha kaya lowkey drinker lang.
Tumblr media Tumblr media
And ayown may mga tinda din sila na flags and pin. Di ko na na picturan yung binili ko. Pero bumili ako ng pin ng trans syempre. Tska may booth din ng evo snow. Ang ganda ng pa free toothbrush nila.
Tumblr media
Tapos ito yung iba sa mga sponsor nila. May pa tiktok shirt pa sila. Tska bag ng tumbler. Pa close up, pa oreo din. May pa free corneto ice cream din kaso di naman ako pwede hehehe.
Over all ang saya ng event, di lang dahil sa freebies nila ah. Kundi syempre na celebrate ko yung pride month kasama yung mga taong katulad ko din na part ng LGBTQIA+. Masaya and masarap sa feeling mag celebrate ng marami kasama.
6 notes · View notes
kimhortons · 8 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Daraga, Albay.
— not sure if nakwento ko na ba 'to dito, but finally, after 5 years. nakapag Daraga Church na din kami. sobrang ganda talaga ng view dito, and it's giving vintage vibes. sabi ko nga noon, pag kinasal kami, gusto ko dito kaya gusto ko talaga mapuntahan namin 'to para makita yung loob. kasi sobrang ganda niya na sa labas. may ikakasal pa nga ata nung pumunta kami dun kasi nag reready sila at may mga bulaklak sa aisle. di ko lang masyado mafeel kung dun ko ba talaga gusto if ever dumating na yung pagkakataon. hehe.
— we went here after ng appointment namin sa UST hospital, tinry ko kasi gamitin yung HMO ko. nirequest nila ako ng 2D echo at labtest for blood chem, pero hindi nagawa kasi di naman ako nakapag fasting. so nag hanap nalang kami sa ibang hospital kung saan meron accredited.
— before maghanap, we decided na mag punta nga muna ng Daraga Church, and after that kumain kami sa favorite resto namin—Biggs. first time din namin natry 'tong fries nila na may mayo herb na dip. sobrang sarap pala. parang kini-crave ko tuloy ngayon haha. dunno know how many times i've already told this, but isa rin talagang malaking part ng relationship namin 'tong resto na 'to, kasi dito kami pinaka unang nag date nung first time namin magmeet hehe.
— after kumain, nagpatuloy na kami sa paghahanap ng accredited hospital na may 2D echo, pero kailangan pala ng diagnosis ng request letter from the attending physician, e hindi naman kami maka kuha kasi emergency doctor yung unang tumingin sakin, at hindi rin siya accredited ng HMO. kaya nag decide nalang kami na babalik nalang kinabukasan para sa blood chem nalang.
— nag grocery nalang kami ng pang handa ko sa birthday celebration at swimming namin kinabukasan. tumambay muna kami sa Serenitea at nag budget muna haha. wala kaming matinong picture together that day, kaya yan nalang na normal expressions ng pagmumukha namin haha. si OA at si Nonchalant eme haha.
— anyway, fast forward and update sa pagpapa check up ko, nakapag pa blood chem na ako nung sunday and found out na mataas na pala yung sugar ko. so nairefer na rin ako sa IM doctor, tried to go back there nung friday para makapag pa interpret na ng lab test ko, pero di na ko nakatuloy dahil sumaglit lang ako sa work, almost 2 hours na akong nag hintay, kaso may procedure daw yung doctor. kaya nag decide akong babalik nalang.
— sabi naman ng pinsan ni J na doctor, kaya pa naman daw madaan sa strict diet. kaya nag hahanap din sana ako ng mga meal plan dito sa Albay katulad ng mga nasa Manila kaso wala akong mahanap. nasa lahi kasi talaga namin ang diabetes, buti nalang din at meron kaming HMO malaking tulong talaga 'to para maisaayos din ang kalusugan.
— dun ko nga rin narealize, na sobrang mahal pala talaga magpadoctor. grabe pala yung sakripisyo ni mommy noon para mapagamot ako nung nag karon ako ng sakit sa baga. ang mamahal pa naman ng mga lab test. kaya kako sobrang naguguilty ako na wala akong nagawa nung nagkasakit siya. hindi man lang ako nakabawi. i should've known better. pero huli na ang lahat.
— kaya din siguro feeling ko binibigyan ako ng signs para maging aware sa kalusugan ko at para hindi ko na maexperience yung hirap at sakit na dinanas ng mom ko.
8 notes · View notes
hindimakatulogsagabi · 15 days ago
Text
kakatapos ko lang panoodin yung young sheldon, last season na pala. akala ko ang ganda ng ending, i mean maganda naman, akala ko lang happy ending. kaso namatay pala yung daddy nila sheldon :( grabe iyak ko. naiyak ako sa buong episode eh, ang lungkot. naalala ko lang din yung tatay ko, na ang tagal kong di nakausap at nakita tapos ang last usap pa namin ay nag away pa. ang bigat lang.
2 notes · View notes
papersparrows · 1 month ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
10/12/24
watched six with da besties
tbfh i've been so sad and stressed out lately that i completely forgot manonood kami ng six kasi nung april pa namin binili tickets hahaha. ayun biglang sumaya ang ate niyo nung naalala kong i have something to look forward to this month lolz
ang saya grabe ang ganda. nag iyakan kami kahit ang saya saya naman ng show (i mean ???? some parts were emotional naman talaga lalo na yung ending if u really think about it)
bumped into some college friends that i haven't seen in yeaarsss hehe :)!!!!
kami na lang ni jill naiwan after ng show so we went to eat at ramen nagi tapos tamang kwentuhan lang ng recent traumas namin HAHAHA
coffee + dessert date naman kami after and the trauma dumping continues :))) my sister in clownery WAHAHA ✊🏼 thank god we are both in a much better place now pero syempre u gotta remember what it was like at rock bottom so we never go back there lmaooo
ayun "silip" lang daw kami sa flying tiger..... ang ending nabudol kami so much HAHAHA ang saya ng spooky theme nila daming bagay na di mo naman kailangan pero gusto mo. dasurv
from now on we're gonna dedicate our budol/errand runs together na talaga so we can retail therapy + hang out and trauma dump together for our mental wellbeing
hay i love girlhood. i am nothing without my girls
12 notes · View notes
jezawitha-z · 10 months ago
Text
Bus Journey - Tarlac City
🗓️ Sunday | January 14, 2024
Tumblr media Tumblr media
Ito yung dahilan talaga kung bakit gusto ko bumyahe ng maaga tapos sasakay sa bus na open window. I just love the morning breeze. As I also mentioned previously, favorite transpo ko talaga ang bus.
Instead na magmukmok over the weekend, I decided to prepare my bag and just go kung saan man mapunta basta goal ko lang makasakay ng bus. As of now hanggang Tarlac lang muna tinatry ko as panimula but I'm planning na palayo ng palayo sa susunod.
Just having a quick search ng cafe sa Tarlac before leaving and I found this cozy place na pasok talaga sa taste ko.
Tumblr media
📍Calle Cubeyertos
Fairlane Subdivision, 4011 4th St, Tarlac City, Tarlac
"You are now entering a stress free zone".
Tapos yung pinapatugtog pa nung time na yan:
It must have been love, but it's over now
It must have been good, but I lost it somehow
It must have been love, but it's over now
From the moment we touched, 'til the time had run out
Napapa-smile nalang ako sa ganda ng paligid pero nananadya talaga yung kanta. Hahahaha
I really love the ambience, with nature vibe, with antiques decor, napaka cozy, i found peace. I was able to talked to the owner and she's just an amazing woman like i don't want to end our convo and i hugged her when it's time say goodbye na. But I'll definitely go back here next weekend.
She was surprised na galing pa ako sa malayo na lugar and sobrang na appreciate nya kasi di pa daw talaga nya minamarket kasi the place and sila is not that ready pa. Parang pang family or friends lang daw muna sana pero syempre once it posted on social media at magustuhan ng mga tao, yun na yun.
Kasi she also asked me if paano ko daw nalaman yung lugar and since mag close ng 10am, mas maganda daw sana kung hapon ako pumunta (4pm-10pm) ulit sana mag open. So since may iba pa akong gagawin sa hapon kaya umaga ako nakapunta, i told her babalik ako next week at hapon na ako pupunta. Grabe laaaaang. Kaya di ko mapigilan yakapin syaaaa. "I'll expect you here again, punta ka ng hapon although medyo marami tao nun pero you can stay and bring your book and read", she added. Gooosssh myyyy heeeaaart 😭
The service, the vibe, the people, these makes me coming back talaga and ofcourse bonus na yung masarap din na food nila.
Tumblr media Tumblr media
Sakto lang din na 10am close ng Calle Cubeyertos, open naman SM City Tarlac ng ganung oras and good thing 1 ride lang (tricycle - 30php) pero pwede rin lakarin.
Akala mo may passport eh pero ticket lang talaga yan ng The Beekeeper. Habang nag hihintay ng oras, nag ikot muna sa mall at may booksale tapos ayun siguro ito muna kailangan ko na libro ngayon. Hahahaha
Nung papasok na sa sinehan, para namang na bother si kuya na action papanoorin ko.
Him: Ayaw nyo po ng drama maam?
Me: Tapos na ako sa drama kuya. (drama sa buhay)
Him: Ah mag-isa ka lang pala kaya ayaw mo ng drama.
Kuya naman eh. Alam ko naman mag isa nalang talaga ako. Hahaha charot. Tapos yung ticket pala nila walang seat number agad unlike sa SM Clark. Buti nalang apat lang ata kami nanood kanina kaya kahit saan mo nalang talaga gusto umupo.
After manood, nag hintay nalang ako ng bus na may aircon since mainit na pauwi.
Now I should sleep na. 😴🥱
Thanks for today, self.
8 notes · View notes
yourdailykath · 11 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Lately talaga nahihilig ako sa shabu shabu. Etong kinainan ko tnry ko lang muna. Kaya hindi ako nag avail ng unli nila. Nasa 300 yung range ng isang order. Pero grabe at busog na ko agad di ko pa nauubos. Mas nag eenjoy pa ko kumain kasi ang ganda ng ambiance at hindi mainit. Nagkataon lang siguro talaga na walang tao kaya hindi mainit. Pero all in all, goods na sya for me.
18 notes · View notes
lostwandererb0y · 7 months ago
Text
When everyone has settled down last night. I decided to have a night swim kahit it’s almost 4AM na and shivering sa lamig. Just wanna have that short me time, to reflect and munimuni. I am really torn if aalis na ba ako with my current company. Grabe rin talaga ang turn of events this year. One of my closest colleagues had a mental breakdown and our manager resigned to his post. Ang dami lang talaganang nangyari kaya na pa open to work ako sa Linkedin. Nag pa interviews.
I am now torn if mag stay ba ako or aalis na talaga. Itong huling application ko for final interview na ako. Beh, no joke ang hirap nung interview questions nila. Kahit recruiter ako hindi ko pa rin na anticipate ang questions but confident me sa performance ko during the interviews. Now, may final interview me next week sakanila and it’s F2F. Lowkey na gusto kong puntahan to check the vibes ng company nila.
On the other hand, nakatanggap na ako ng verbal confirmation kung magkano ang salary increase ko kasi for promotion nga ako this month. Grabe, ilang beses ko pa yan nilaban na promotion ko kasi sobrang deserved ko talaga yan, I worked hard for that and I earned it. Ganda lang din talaga ng work environment and work set up.
Well, abangan sa mga susunod na araw. Pag isipan ko pa rin talaga. Haaaayyyy.
2 notes · View notes
akonaman · 8 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
kumain sa bagong hotpot resto sa moa na sobrang nakaka antig ang presyo pero sulit talaga walang tapon eh. nalimutan ko agad yung name eh something na nagsstart sa H? ang cute kase yung mga employees nila yung iba chinese din amazing. went to ikea and dahil first time ni anteh, my tita side is shaking and grabe kilig ko sa mga inspo na interior designs. shete.
nag kape sa seattle's at muntikan pa nga masuka sa kape nila. never again. or baka dahil di na ko sanay sa kape outside kaya nanibago ako?
monday na naman bukas and im excited to work.
syempre sinong niloko ko HAHHAHA.
gagi ang ganda ng jordan shoes na nakita ko. then may nakita akong foreigner na naka supreme shoes. shutaaaaa ser gano ka kayaman?
5 notes · View notes
pansamantalamo · 4 days ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
| 111924 . TUESDAY . 9:42PM . 📍CENTRAL SQUARE, BGC
After 5yrs ngayon lang ulit nakapanood ng sine. KathDen lang pala makakapagpanood ulit samin sa sinehan. Last Nov.15 pa talaga kame nanood, super excited kame talaga dahil same kame fan ng KathDen. Grabe laman ng tiktok namin puro KathDen hahaha! Isa kame sa mga puyat kaka stalk ng ganap nila sa Tiktok.
Grabe!ang ganda ng movie dami realization. Mas nagustuhan ko tong Hello Love, Again kase as in walang tapon sa lahat ng eksena. Dahil na din siguro mas naging grabe yung connection nilang dalawa sa movie na to dahil nga wala ng DJ na redflag si Kath hahaha.
Basta ayun sa mga di pa nanonood panoorin nyo to promise sulit 350 nyo.
After ng movie natatawa ako lam mo yung may tulala moment pa si choykie hahaha! Tapos shutaaa ako anong oras nako nakatulog mga 3am na dahil nasa utak ko ko yung KathDen hahahaha! Grabe naman kase nakuha namin slot sa sobrang daming tao e yung last full show na, mga 12:30am na natapos. Kame na nagsara ng Central Square sa may BGC hahaha! Awit.
6 notes · View notes
st-joan-of-arc-22-23 · 2 years ago
Text
Tumblr media
Ang pagliwaliw namin sa Lake Sebu kasama ang pamilya. Maaga akong nagising dahil sa Marbel pa kami at sa tacurong kami magkikita nila ante, pagdating namin sa Tacurong ay nakahanda na ang Van na sasakyan namin papuntang Lake Sebu. Humigit kumulang isang oras at kalahati ang byahe paunta doon. Ang una naming pinuntahan ay ang Punta Isla Lake Resort. Ang ganda ng lugar at kitang kita ko doon ang napakagandang lawa, sobrang lawak nito at napakaraming Fishpond na nakapalibot, marami ding bangka ang umiikot sa lawa. Mabait yung manager nila na sinalubong kami sa pagadating namin, may edad na siya pero ang sigla niya parin. Medyo mabundok yung resort kaya bumaba kami at puwesto sa kubo na lumulutang sa lawa. Para maka punta doon ay kailangan pang sumakay sa bangka na hinihila ng lubid. Mabait si kuya tagahila at nagtatawanan pa kami sa loob ng bangka, yung bangka na hinihila ay kayang suportahan ang pitong tao. At nag order na yung mga tiyahin ko ng pagkain, medyo matagal yung serving nila pero ayos lang din naman kasi sa ilalim ng kubo ay maaaliw ka naman sa mga isda na palangoy-langoy lang.
Nakita pa naming hinuli yung tilapia na kakainin namin, nasa fishpond na sila at sinasandok nalang ng fishnet at lulutuin. Kumain na kami at ang serving ay specialty nila ang sinugbang tilapia, masarap talaga yung tilapia at nakita pa namin kung paano hinuli yun kanina at niluto. Yung ikalawang putahe ay chicharon na tilapia, noong sinerve na samin ay hindi na medyo malutong pero ok parin naman. Nagbiro pa nga yung si ante Inday na minicrowave lang daw yung chicharon. Isa pa palang paalala kung pupunta kayo doon at magdadala ng sarili nyong kanin ay may sinisingil silang pera depende sa dala. Busog at handa na kami papunta sa Susunod naming destinasyon. Sumakay na kami sa Van at nagtungo sa 7 falls. Meron silang entrance fee pero di ko nalaman kasi sila ante na nagbayad sa aming lahat. Yung unang falls ay sobrang taas at ang lamig lamig pa doon pagmalapitan. Nagpatuloy kami at may nakita kaming fake na zipline na pwedeng magpapicture, dahil background nito ang first na falls, yung kapatid ko sumubok at nagpapicture pero wala naman thrill kasi di naman totoo at fifty pesos ang bayad. Pumunta kami sa isa sa mga kubo doon na nagbebenta ng mga souvenier magaganda yung mga souvenier at yung nagtitinda. Mura lang ang mga bracelet mula ten to fifteen pesos, yung mga pito naman na minimimic yung tunog ng mga ibon ay twenty to twenty-five pesos.
Nagkaaayaan kami ng kapatid ko na sumakay ng totoong zipline, excited ako dahil first time ko yun. Nagmakaawa kami kay mama na pasakayin kami ng zipline at sa huli ako lang ang pwede dahil bata pa raw ang kapatid ko at limitado lamang. Sabay kami ng pinsan ko na si ate Lea na nagzipline, una niya rin sumakay ng zipline kaya sobrang takot kami at excited. At ilang segundo nalang at itatapon na kami sa sobrang taas, nakaklulala, at sumasakit na tiyan ko sa kaba at ayun umarangkada na kami. Pag andar ng zipline ay grabe yung sigaw ko, sa sobrang sigaw si ate Lea minumura na niya yung zipline, halohalo yung emosyon namin at di na namin namalayan tapos na, pero hindi pa pala may ilawang round pa pabalik pero mas mababa na kesa sa nauna, yung naghihintay kami para sa ikalawang round at mula roon makikita yung dalawang falls na magkatabi sa sobranga taas makikita mo na yung rainbow mula dun sa waiting area. At ayun na second round na, hindi na ako medyo takot andyan parin ang kaba, at sa ikalawang pagsubok ganon parin and aking reaksyon, sobrang lakas ng sigaw ko at naghihntay na pala mga kamag anak naming sa kabilang banda. Sa lahat, ang damage per head ay four hundered fifty pesos. Nag meryenda na kami sa van at nagliwaliw pa ng kunti di nanamin natapos yung pang pitong falls kasi hapon na. Umuwi na kami pa Marbel. Napagtanto ko na paminsan minsan aynkailangan din ng isang pamilya na magliwaliw para maglibang at mapalalim pa ang samahan na magkakapamilya. Ang naging realisasyon ko sa aking paglalakbay na ito ay huwag mong kakalimutan ang mga lugar na talaga namang dapat mong ipagmalaki na sa inyo lang matatagpuan. Dahil ang mga lugar na ito ang nagpapatunay na masagana ang bansa niyo sa likas na yaman. At huwag na huwag mong kakalimutan ang iyong Pamilya dahil sila ang magiging kasangga mo sa lahat ng problemang iyong kahaharapin na kahit na magkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan at magkasakitan man kayo ng damdamin ay hinding  hindi ka pa rin nila pababayaan at kakalimutan bagkus ay mamahalin ka pa nila ng lubusan. -Hornada, Jasmine Kate S.
3 notes · View notes
taaaaangi · 2 years ago
Text
UAE Trip p.4
Day 2. 6am nga ako nagising diba, ginawa ko lang non nanuod sa tiktok at nagbasa kasi nagising pa sila Alei ng 10am na. Hinintay lang namin si kuya nung lunch kasi half day siya sa work, nagpunta na kami sa jewelry store para magtingin ng gold nga, isa yon sa pakay ko talaga don hahaha kaso sarado ung nagpunta kami kasi friday pala yon, may prayer sila. So, nag decide na lang muna kami magpapalit ng pera, ung dala kong dollars tsaka ung riyal ni papa na may punit. Dito kasi ayaw tanggapin yung may punit, eh sayang naman kung di mapapalitan diba kaya dinala ko na tas don ko pinapalitan. Walang tanong tanong don, pinalitan agad nila ung riyal. itong pamangkin ko pa, lahat na lang nang nandon sa bank na yan, kinausap. Kahit ung may ka meeting na isa, inistorbo niya. Grabe sa pagka friendly. Lahat kinakausap at sinasamahan eh. 
Anws, after namin magpapalit nag ukay na kami. Yung ukay nila parang sa Robinson Nova style ganon. Lahat din pinoy hahahaha may mga polo and blouse na 1 aed lang, sobrang good quality pa, ung iba 5 aed. May nabili akong shorts na 15 aed tapos 2, ang ganda nga ng quality sobra. May nakabili din akong 2 pants na isang Nike dri-fit pants tsaka isang Lee, 20 aed each. Bumalik kami don sa jewelry store pala para bumili nung set ko, madaming maganda pero sa 18k lang ako may nagustuhan. Ang minimalist kasi nung design ng butterfly kaya yun na yung binili ko. Ayaw nga ng nanay ko ung binili ko kasi daw di makinang -_-. Anws, may travel tax yon kaya pwede ko marefund. Sobrang friendly lahat ng staff nila, and pansin ko din lahat nung jewelry store na napuntahan namin, lalake ung mga staff nila. Walang babae. At lahat din nung staff don sa pinagbilhan ko kilala si Alei. Ang future niya siguro talaga maging presidente, char haha 
After nito, nagpunta na kami sa Emirates Palace. Amazed nanaman ako. Ang ganda ng view, pwede ka pumasok sa loob ng hotel. Tamang stroll ka lang ganon, di ka pagbabawalan. Tama din si kuya na mas maganda sa Abu Dhabi haha literal kasi na walang traffic sa Abu Dhabi tapos magkakalapit lang yung pasyalan. Ang spontaneous nga lang ng day namin na to eh, on the spot lahat ng gala, after non nag aya lang yung friend nila kuya na mag dinner sa fish market. Para siyang dampa ganon, bibili ka ng seafoods tapos ipapaluto mo. Difference lang is aircon ung palengke nila, malinis, at mabango. First time ko din natikman ung Arabic Fattoush salad, matamis na maasim ung lasa niya. May isa pa na appetizer eh, parang quesadilla ganon. Nakalimutan ko lang ano ung tawag. Nilantakan lang namin yung hipon, squid, tska ung isang isda na di ko alam ano tawag hahaha pota. 
Hindi pa natatapos ang gabi namin kasi gusto nila ate ipa try sakin ung buko ng emirates, kaya nagpunta naman kami sa fruits market. Sobrang sarap ng buko nila. Akala mo nilagyan ng sugar yung buko sa sobrang tamis. Kahit yung juice sobrang tamis. Nabigyan pa nga si Alei ng libreng orange hahaha nacute-tan kasi sakanya ung nagtitinda. May isa pa habang hinihintay namin yung pinakayod na buko, may nag papark kasi tas itong pamangkin ko ginuide pa siya mag park hayup talaga hahaha kaya tawa kami ng tawa. Akala mo talaga tatakbong presidente kaya napaka friendly. After, pumunta kami sa pasalubong center eme nila don, bumili na ko ng mga pasalubong ko. Yun kasi talaga ang plano ko, bumili agad nung gold tsaka pasalubong kaya ung matitira sa budget ko, pwede ko na gastusin haha. Akala ko tapos na ung gabi kasi mag 12mn na yon eh, pero di pa. Binanggit agad ni kuya na mag Dubai kami kinabukasan. Ganyan sila kaspontaneous, biglaan lahat. Biglaang book ng hotel, book ng tickets sa mga pupuntahan namin ganyan. Kaya pag uwi imbes na papahinga pa kami, nag prepare pa ng mga dadalhin para sa Dubai. Dito din sa point na to nakapag decide ako na gusto ko na ding mag abroad talaga. Sabi ko, iba talaga yung experience pag naranansan mo ung first world country. Mas mag hohope ka na tumira sa ganong bansa kasi ramdam mo ung asenso. 
Day 3.
Dubai. Sobrang bilis kumilos ng asawa ni kuya hahahaha elibs ako. Edi, umalis na kami sa bahay diba, walang patayan ng aircon sila mga dai, kasi kasama sa rent ung tubig, electricity, and wifi. Kaya nagtataka ako bat di nila pinapatay ilaw sa cr tsaka sa kusina buong magdamag, yun pala libre. Nag breakfast muna kami sa Mcdo, lahat talaga don digital payments na. Bihira na nag ccash. Eh cash ang meron ako diba, kaya di nila ko pinagbabayad kasi may mga points pag sa app ka bibili, may libre kang ice cream ganyan, or naka 50% off ung isang burger meal. Masarap din mcdo burgers nila don. The best. Pumunta kami sa The Last Exit, cute na foodpark lang siya ganon haha pero pumunta kami don para mag CR, lahat ng spots ig worthy. May maliit na cute kiosk ng SB don, kay nagtataka kami bat ang haba ng pila papasok, yun pala pila yung drive thru ng SB.  After, the last exit nag punta kami sa Dubai Parks and Resorts-free. Yes po, free siya. walang entrance talaga pati sa parking waley din. Tamang lakad ka lang and pasyal. Nandon din sa loob ung Legoland, pero syempre yon may bayad na at ang mahal niya haha 300aed ata. Kaya inikot na lang namin, may mga pahingahan din sila pag pagod ka na maglakad. May mga bean bags sa ilalim ng puno. Literal na chill lang talaga. tapos pag naka recharge ka na, lakad ulit. Nag ice cream din kami sa Mcdo ( nanaman) hahaha. Yung nalibot na namin to, nag byahe ulit kami papuntang hotel na namin sa Dubai. Yung lugar pa hotel, parang baguio style? na Makati? ganon. Puro pinoy kasi yung nandon talaga. First time lang din daw nila kuya don sa lugar na yon eh. May food stalls na puro pinoy foods, may mga tiange din. Kumain lang kami ng sisig tapos milk tea. Si kuya kumain din ng kwek kwek. namiss niya na daw hahaha Btw, sobrang kulit pala talaga ni Alei, medyo spoiled kasi tapos lahat gusto niya makuha ganon or dapat masunod. Kaya yung 10 minutes na lakad lang sana namin from parking to food stalls naging 20 minutes kasi lagi kaming nahinto dahil sakanya.Understandable naman din kasi inaantok na haha nakatulog na siya habang hinihintay namin ung milk tea eh. 
Next destination, Global Village. amazed nanaman ako. hays. Malayo ung parking space sa main entrance kaya sumakay kami sa parang tricycle? pero ang difference niya, manual na padyak ang gamit ni kuya hahaha eh apat kami diba, malalaki pa kami kaya hirap na hirap siyang mag pedal. pero don walang nagpapadagdag, kung ano ung price yun lang. Global Village, isang malaking park na may tiangge, food stalls, rides ganon. papasok ka lang sa mga bansa tapos may mga nagtitinda ng products nila galing sa bansa na yon. Nagtagal kami sa korea, japan and asian eme eh. Naghahanap kasi ako ng funko, kaso ang nakita ko naman figurines. Every country din don may performance. Ikaw na lang susuko sa kakalakad sa sobrang lawak niya. Hindi na nga namin napuntahan ung ibang lugar sa sobrang pagod na kaya bumalik na kami sa hotel. Pero di pa natatapos yung gabi namin non kasi nag tiange pa kami nung asawa ni kuya lol, nilakad na lang namin mula hotel hanggang sa tiangge. Buhay na buhay pa din ung kalye kahit 1am na eh. Wala na din palang face mask don kaya makakahinga ka ng maluwag talaga. 2am na ata kami nakauwi kasi nag grocery pa kami sa malapit para bumili ng water ang snacks.
DAY 4
Nagpunta kami sa Dubai Mall. May sneak peek kasi don nung pa aquarium nila. amazed nanaman ako hahaha hayup. Imagine, aquarium sa loob ng mall??? Ang ginawa lang namin is nag picture sa Burj Khalifa tapos nanuod ng dancing fountain. Sabi nila mas maganda daw yon sa gabi eh kaso tanghali kasi kami pumunta don, pero oks na din kasi ang ganda. As in. hindi ko nga lang mapicturan ng buo ung burj kasi may mga ulong nakaharan hahaha nag give up na ko, basta nakita ko siya up close, oks na ko haha. Pinatry na din sakin nila kuyau ng biryani tapos ung isang chicken creamy eme na dish din, nakalimutanko yung name tapos isasawsaw mo don ung naan na bread eh. The best din. Ang lalaki pati ng servings nila don tapos ang mura talaga. 
Butterfly Garden. Dapat sa Miracle Garden kami pupunta kaso nag mahal ung ticket, naging 75aed kaya nag butterfly na lang kami. Nakaktuwa kasi ang daming butterfly tapos ang lalaki nila. Ung butterfly na mismo ang dadapo sayo sa dami nila eh. Nung una, takot pa si Alei humawak pero ung natry na niya, sobrang proud niya eh haha nagmamayabang sa ibang bata don na nakahawak siya ng butterfly haha kaya wala kami ginawa kundi humili ng butterfly para sakanya. After nung lakad lakad, may bean bag ulit sa labas na pwede ka mag relax, yung nakaupo na kami, aba si alei, lumapit don sa mga staff ata, may parang band kasi don, may nag gguitara ganyan. May mic. Nag request ang bata ng Let It Go. Choosy pa siya kasi nung una accoustic version ung tinutugtog ni kuya, ayaw niya dai, sabi niya talaga “no. i dont like that”, gusto niya ung original version hahahaha kaya ayon, hinanap pa nila tapos nung tumugtog na kumanta siya talaga. Nakakatuwa sa pagka bibo eh lol. Lahat ng nandon vinideohan na siya. Kahit magulang ni Alei, hindi alam kung kanino daw nagmana sa pagka maarte at mabibo kasi pareho silang hindi ganon hahahaha 
Since, pauwi na kami sa Abu Dhabi, gumala na kami sa pang mayaman na mall don,literal na walang tao ung mall na yon. Naki cr lang kami  tapos take note hindi tissue ang gamit nila pag maghuhugas ka ng kamay. towel, yes po, opo, towel. nashookt ako. first time ko makapag cr na ang gamit nila pang punas sa kamay pag naghugas ka towel. hayup talaga ahaha so ayun na nga, nagtataka kami bakit walang tao, sabi nung pinoy wala daw kasi ung mga businessman. Meeting place pala yon ng mayayaman. 
Final agenda sana namin sa Dubai is ung Museum of the Future, kaso bawal magpapasok kasi may event. Sayaaang, kasi libre din ung museum na yon eh. hays. better luck next year. Nagpunta din pala kami sa One aed store don. Namili kami pasalubong naman. Imagine 1aed ung m&m’s na chocolate. May 1 aed din na pasta. Naka sale halos lahat ng chocolates. Tapo may BPI din don mga sis. Mag aapply na ba ko sa BPI-Dubai branch hahaha lol.
 Pauwing Abu Dhabi, nagharutan lang kami ni alei. Puro ako kagat niya. pinanggigigilan talaga ako nung batang yon. Umuwi lang kami saglit sa bahay para ibaba ung mga gamit tapos pumunta na kami ulit sa bahay nung kapatid ni ate. Tapos namasyal kami sa park, take note 11pm na to. Nag park pa kami. Sobrang lamig din. Sabi nila sakin “Eto paula, ganito lang ang buhay namin dito” hahaha kung ayaw mo na sa bahay mag park ka or mag mall ka ganon. Malinis and safe din kasi ung mga park nila. Malapit pa sa corniche kaya presko. Akala ko after namin ihatid ung mga kapatid ni ate saa bahay nila, makakapag pahinga na kami pero nooooope. There’s drama and nagkapulisan pa lol basta family drama nila yon di ko nakwento. pero after nung kaganapan na yon, ako pa din inisip nila hahaha “wala pang 4 days si paula dito, ganito na bumungad sakanya” hahaha. bukas na siguro ung continuation, nunuod ako OP hahaha lol
4 notes · View notes
lenabuncaras · 2 years ago
Text
Book Three: The Giving Tree
“Sir Cheese, sure ka na ba rito?”
Surprising, hindi lang kami ni Jazmin ang nandito ngayon sa iisang table sa library. She was with Bamboo, isa rin sa mga estudyante ko sa Humanities and Art Appreciation. She’s nice, she has a toothy smile and sweet voice. Medyo makulit din gaya ni Jazmin, but tolerable. Exposed naman ako sa makukulit.
Ipinakita nila sa akin ang librong pinagagawan ko sa kanila ng analysis. It was a children’s book. Yung makapal book cover at iilang pahina lang din ang laman na makapal din ang papel.
It was weird, maybe? Kasi nasa college na sila. They were sophomores, and Jazmin was taking my subject kahit naghalo na ang year niya as third and fourth year.
“The Giving Tree,” pagbasa ni Bamboo sa title, “by Shel Silverstein.” Tiningnan pa niya ang back cover na may picture ng punong may nakasandal na bata. “Hindi ko pa ’to nababasa, Sir Cheese. Maganda ba ’to?” Natawa siya nang mahina. “Sorry na agad, sir, hindi ako reader ng mga pam-baby na books.”
“It’s okay. Magkaka-insight kayo diyan.”
Binuklat niya ang ilang page hanggang dulo nang hindi ’yon binabasa. “Maikli lang, shems! Sige, basahin namin ni Jazmin.”
Sumamâ tuloy ang tingin ni Jazmin kay Bamboo. “Nandamay ka pa.
“Bhe, assignment natin ’to. Talagang madadamay ka.”
Si Jazmin muna ang nagbasa. Si Bamboo tuloy ang inurirat ako kasi alam na nagbabasa lang din ako ng non-academic book.
“Sir, di ba, anak ka ni Sabrina Dardenne?” curious na curious na tanong ni Bamboo.
Matipid akong ngumiti saka tumango. No wonder, nakilala niya ang mommy ko. Panay labas ba naman sa commercials, paanong hindi makikilala.
Ipinatong niya ang magkabilang braso sa mesa saka tumunghay sa akin. “Bakit ka naging teacher, sir?” usisa niya.
“Kasi wala akong choice,” natatawa kong sagot kahit pabulong na. Itinuro ko na lang ang building sa kaliwa namin. “Pinalipat ako rito kasi nanganak yung dapat na prof n’yo.”
“Hahaha! Kaya pala!”
“Ssshh! Quiet!” sigaw ng librarian sa dulo.
“Ay, sorry, sorry po.” Napatakip tuloy siya ng bibig saka yumuko pa para tanungin ulit ako. “Pero nakikita namin kayo sa kabilang building, sir. Ano pong work n’yo aside sa pagiging prof?”
“Sa archives ako, nagko-collect ng data ng school. Admin task din minsan.”
“Ooohh . . .” Namilog ang bibig niya at napatango-tango pa. “Ang pogi mo, sir. May kapatid ka ba? Beke nemen . . .”
Ako na ang napatakip ng bibig gamit ang kinuyom na kamao. “Yeah, meron. Ka-age n’yo lang din. Kaso girl siya.”
“Ay, sayang naman.” Napanguso pa si Bamboo at akala ko, hindi na magtatanong, pero matapos silipin ang binabasa ni Jazmin, nagtanong na naman.
“Di ba, sikat parents mo, sir? Paano sila maging parents sa ’yo? Hindi ka ba nate-tempt maging model din sa magazine o kaya billboard?”
“Haha!” Tipid ang naging halakhak ko at napailing sa tanong. “Ang mommy ko, mahigpit. Ang daddy ko, hindi. Most of the time, sa daddy side ako. Wala naman silang expectations sa ’kin maliban sa huwag akong magda-drugs.”
“Grabe naman sa huwag magda-drugs, sir. Pero may point naman.”
“Yeah, malaki ang point.”
“Walang pressure, sir? Kasi parang dito lang yata kayo sa uni. Tagong-tago pa. Tinatago nila kayo sa public?”
“Huy, hindi, a.” Napailing agad ako. “Wala namang pressure. Hindi ko rin kasi masyadong ine-expose na anak nila akong dalawa unless kailangan.”
“Pero ang ganda ng lahi n’yo, sir, ha. Ang expressive ng mata n’yo. Ganyan ba talaga kayo tumingin sa tao?”
“Paanong tumingin?”
“Yung parang in love na in love kayo sa kausap n’yo.”
“Pfft!” Si Jazmin na nananahimik, biglang napatakip ng bibig saka siniko si Bamboo. “’Te, tahimik na, ’te.”
“Nagtatanong lang naman, grabe.”
Pagsulyap sa akin ni Jazmin, saglit ko siyang kinindatan. Napasimangot siya pero napangiti rin pagkatapos.
“Tapos na ’ko, ikaw na magbasa.” Sinundan ko ng tingin ang kamay ni Jazmin, at naabutan ko pang pasimpleng hinatak paalis ng libro yung bookmark kong nakaipit doon saka niya itinago sa notebook niya.
“Mabilis lang ’to, ha?” paniniguro ni Bamboo.
“Oo, mabilis lang ’yan.”
Ang lalim ng buntonghininga ni Bamboo saka binasa ang libro habang nakaabang na sa gilid ang notebook niya para sulatan.
“Once there was a tree . . . and she loved a little boy,” pagbasa niya sa unang passage. Tumahimik din siya pagkatapos habang naglilipat ng page.
Nangangalumbaba lang ako habang pinanonood si Jazmin na magsulat sa notebook niya. For sure, kailangan kong basahin ang lahat ng inputs nila about the book.
“Tapos na ’ko, sir,” biglang sabi ni Bamboo at mabilis na isinara ang libro. Pagtingin ko sa reaksiyon niya, nakasimangot na siya. “Nakakabuwisit talaga mga lalaki! Mga manggagamit!”
Napaurong naman ako paatras habang gulat na gulat! Hala siya!
“Galit na galit, ’te?” natatawang sabi ni Jazmin.
Mataray na itinuro ni Bamboo ang libro. “Sige, ano’ng tawag mo sa ginawa ng boy kay Tree? Di ba, ginamit lang siya?”
Napatakip ako ng bibig habang nagpipigil ng tawa.
“Affected na affected, ha.” Hinatak na ni Jazmin ang libro at inipit ulit doon ang Cheesedog Was Here bookmark ko.
“Sir, grabe naman ’tong mga pinababasa mo sa ’min,” reklamo ni Bamboo. “Children’s book ba ’to? Bakit ang lalim ng hugot?”
“Natuwa ka ba sa story?” tanong ko kahit natatawa pa rin.
“Sir, hindi ’to nakakatuwa. Ang rupok ni Tree! Yung ilang beses ka nang hinuthutan tapos iniwan ka na lang after mong magbigay, kada balik, parang walang nangyari, bigay pa rin!”
“Ibig sabihin n’on, pure and unconditional love ang meron si Tree kay Boy.”
“Hindi, sir, walang pure love-pure love dito. Magrereklamo ako sa analysis ko, bahala ka diyan.”
Natawa na lang ako kay Bamboo. Na-curious tuloy ako sa laman ng analysis ni Jazmin kasi hindi naman siya umimik sa pinabasa ko.
“Ikaw, Jazmin, natuwa ka ba sa story?” tanong ko at nangalumbaba na naman para hintayin ang sagot niya.
“Hmm, sakto lang, sir. Parang same sa parable of the prodigal son. Yung kahit nilayasan na siya ng anak niya at halos maging failure na ’yon sa buhay; pagbalik sa kanya, tinanggap pa rin niya nang buong puso.”
Naituro agad ni Bamboo si Jazmin. “Ay, agree ako diyan, bhe.” Tumango-tango pa siya. “Siguro kung parent’s perspective ’to, kahit nakakabuwisit, tatanggapin ko na.”
Actually, I want them to understand how unconditional love works, and how selfishness of an individual affects the whole perspective. And why happiness and contentment matters to an individual.
May point sa buhay ang tao na sobra-sobra silang magbigay sa mga mahal nila, na halos wala nang matira sa kanila para lang maging masaya ang mga taong ’yon. Ang kaso, meron at meron pa ring mga tao na kahit alam na nilang inuubos mo na ang sarili mo para sa kanila, hindi nila kayang tumanaw ng utang na loob. May mga taong hindi marunong makontento.
There’s something beautiful about love na masarap i-reciprocate, and we tend to get angry for someone na alam nating inaabuso na pero binabalewala lang kasi nga mahal nila.
We get mad because we see love on one side and injustice on the other. We get angry because we expect it to be returned, but the person who loved more received nothing in return.
Bamboo’s anger has a point. Kasi nakatingin siya sa side na may injustice na nagaganap. But Tree’s love is somewhat conditional at one point: gusto lang niyang maging masaya si Boy kaya willing to give siya ng kahit ano para lang sa happiness na ’yon.
But Bamboo’s perspective came from a romantic viewpoint. Ang anger niya, galing sa couple’s perspective.
Ang viewpoint na binanggit ni Jazmin ay tungkol sa love related sa family. Mag-iiba ang perspective ng titingin sa book kapag binasa ’yon sa ganoong way.
Some parents will give up everything for their children. It’s unselfish love over selfishness. That no matter how wrecked their children are, kahit gaano pa ka-worse ang decision na gawin ng mga anak nila, kapag umuwi ang mga ’yon sa kanila galing sa malayo matapos silang iwan, tatanggapin at tatanggapin pa rin nila kasi anak nila ’yon. Kahit bali-baligtarin man ang mundo, kadugo nila ’yon, at laging bukas ang pinto nila sa mga anak nila kahit gaano pa kasakit sa ulo ng mga ’yon.
“Ikaw, Sir Cheese, ano say mo rito?’ tanong ni Bamboo nang matapos siya sa pagsusulat. “Hindi ka ba nainis?”
“Hmm.” Nagkibit-balikat ako. “It’s a clear way of showing na kapag ang tao, naging self-centered, nakaka-damage sila sa ibang tao na naturally a giver. Kung lagi mong iisipin ang sarili mo at hindi mo iko-consider ang mga taong nagmamahal sa ’yo, baka hindi mo na mapansin na ikaw ang umuubos sa kanila habang minamahal ka nila.”
“Grabe sa hugot, sir. Ang tanong ko lang, kung nainis ka ba, haha!”
“Hindi naman siya nakakainis. Depende siguro kung paano mo siya titingnan. May klase pa ba kayo?” Tiningnan ko silang dalawa.
“Ako, sir, meron,” sabi agad ni Bamboo. “After lunch, may NatSci pa ’ko.”
“Ikaw?” tanong ko kay Jazmin.
“Mamaya pang 3, sir,” matipid na sabi niya. “Dito muna ako sa library.”
Napatango-tango naman ako. “Okay. Dito na lang din muna ako sa library.” • Bamboo's character by @EithneAoife
• Next update: January 17, 2023, 7 PM
6 notes · View notes
camzy · 2 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
12.7.22
christmas party sa pwc <33 grabe super enjoy namin ‘to as in nasulit namin yung mga booths and all. tapos sempre party party sayawan yun nga lang di ako nabunot sa raffle hahahaha ang malas! ang generous pa naman ng pwc at super bait kasi parang lagi silang nagaadjust sa employees nila tapos yung mga benefits ramdam mo yung care nila unlike sa mga ibang company na parang di masaya yung employee nagwowork lang sila for the sake of sahod kasi kailangan talaga pero sa pwc katulad nalang ngayon pag medyo mahahassle kami ginawa nilang wfh para mas mahaba yung pahinga namin tas pinaaga nila salary namin para before christmas para mas magkaron kami money kaya ang saya lang kasi ang ganda ng unang company na napasukan ko.
but anyways back to the topic, sa smx nga pala venue ng xmas party namin may mga bar din ganyan tapos after ng party, kinabukasan kasi meron din kaming xmas party sa clubhouse pero kaming magtotropa e madaming tira na beer ayun sila khalil at rein ata kumuha ng beer para sa kinabukasan mga halos 15 beers yung nakuha namin HAHAHAHA wala ang saya lang tapos after nun naglakad lakad kami sa seaside ng moa nagpakapagod lang kasi kala namin bukas pa tapos ayun dun na kami nakapagbook ng grab, grabe forda puyat ano oras na kami nakauwi nun.
3 notes · View notes
snaxsstuff · 8 days ago
Text
Waaahhh grabe yung pagod at antok ngayong araw. 😮‍💨 pero sabi nga ni Janice, "nag-enjoy naman po ako." 😆 Bat naman kasi biglang nawala si Ralph kaninaaa, siya pa naman yung nag-aaya na magstarmall dahil sa haba ng break time namin. hahah
ang lupit nung mmw, ang layo nung quiz sa nirereport. 😆 naalala ko tuloy yung itlog ko na quiz. awitt bai
ang galing talaga magturo ni ma'am rph. hindi lang talaga kami lagi minimeet pero pag nandiyan naman ayyy ang solid ni atecco, ang dami na niyang nasabi pero ilang oras pa lang pala yun. eyyy loopet 🤙
sinundo namin ni santiago sila jules, kat, tin, tio, jenny at hanna sa kinakain nila para isama sa starmall hahah hindi na nakatanggi eh 😆 ang saya. naglaro kami sa quantum ni santiago, naglaro ako ng shooting tapos biglang nasira yung machine, as in naging unli na lang yan siya, ubos na time pero labas pa rin ng labas yung mga bola. 😆 tinamad na ako, nakilaro sa akin yung mga student na di ko kilala, sila na lang pinaglaro ko. 🤣 meron pa ata kaming 2 hrs sa starmall, pinag-usapan namin yung mga code na nagawa namin, galing ni santiago grabeee. ang lawak na ng knowledge niya sa python, master na yan siya. 👏 pero naamaze siya dun sa graph na nagawa ko. heheh and ako rin di pa ako nakakaget over dun sa sol 🥰 eyy gawa ko yon hahahahah charez.
Sa sobrang inip namin sa starmall naglaro na lang kami ng dos, ang mahal kasi ng uno cards. 😆 kaya sa pirata na lang muna kami hahahah pero ang sayaaaa pa rin naman. daming tawa :))
pagbalik sa iskol, ayon last subj na.... arp 😊 galing mag relate relate ni sir, magpaikot-ikot ng topics. idle! ganda pa now nung mga topics sa arp. 😍
Maraming salamat sa araw-araw. ❤️
0 notes
rejjisheart · 1 month ago
Text
October 23, 2024
haluuuu. 678 mga beshie. but heey maulan today. huhuhaha. ibang area ng tambay. haha. anyways lakad pa vmapa peroo nag stopover ng sm sta mesa just because. lakad uleet pa vmapa. sakay ng jeep pa pasig. lezzgoooo. napaaga ng baba perooo malapit na din naman. basta dun ako sa may w capitol drive. hahahah. lakad pa more to e capitol drive beshie. tapooos lakad ako pa ace kala ko dun hindi pala. balik sa kabilang side. lakad pa more tapoos nakita ko na yung beachhouse perooo since minsan lang ako mapadpad ng kapitolyo, lakad pa ko konti pa noah and eve kaseee gusto ko lang makita yun. anyways ayun nakita ko naman. maliit lang din pala siya. saks lang malay mo malaki sa loob. haha. anyways lakad na uleet pabalik. infer daming mga food options sa e capitol drive. hahahaha. tapos nakarating na ulit sa beachhouse jusmiyooo antagaal pumasok may pagdadalawang isip pa nga. huhuhaha. anyways eventually pumasok din. tapooos ayun ayos ng payong. tapoos nag order din. ending matcha latte inorder ko. tapoos ayun pic pic konti. chineck din pala yung spread ng beachborn items. grabee dami na din pala nilang iba ibang items. hehe. anyways ayun nagcheck pa nga ng ibang displays. awoow. hahaha. natapos na din yung order ko. tapoos balik din dun sa napiling upuan. haha. at guess what hindi tumitila yung ulan kaya tambay muna ko dun. kaya nag crochet na din akooo. hoping na dumating si sarah perooo huhuhaha waleey. till mga 130 ako nag stay nakatapos naman ng 2 putotoy bodies. haneeep. hahahaha. tapooos lakad na koo uleet nung mej tila na yung ulan. meron pa ambon ambon lang. hehe. perooo at least kesa yung kaninang umaga. haha. tapooos ayun dumaan ng united, lakad ng mayflower, daan sa greenfield area. tapoos nakita ko may mga bago na din palang shops dun sa portal. anyways ayun lakad pa more tooo sm mega. ayuuun kalokaaa. ang ganda nung pa christmas decor nila sa gitna ng fashion hall as expected naman. haha. anyways lakad ako pa escalator paakyat ng megatrade para sa aking pakay. hahahaha. ang national arts and crafts 2024. awooow. trade fair siya ng mga items from different parts of Philippines. from luzon, visayas, mindanao. from damit, bag, accessories, etc. may pa food din ganern. inikot ko siya lahaat grabiti mga 2hrs din. daming exhibitors at ang gaganda ng mga works nila. at syempre mahaal din, expected naman kasi mostly handmade din ganern. hehehe. perooo galing langs. may pa program din pala sa gitna peroo di ko napanood until nakarating ako sa gitna. si tim yap ang host. ayeern langs. tapooos ayun after makaikot babalikan ko sana yung nabudol akooo kasoo sold out. huhuhaha tapooos sabi ko sa sarili haha sorry not meant for me to gastooos pa rin. haha. anyways ayern. exit na din. nag cr lang din. tapoos baba ng 4th. bisita sa camerahaus wala lang check lang ng mga cameras kala mo makakabili na. haahahah. actually reminisce nalang din kaseee ang tagal ko na di nakakabalik ng megamall. hahaahhahaha. after nun, baba na kooo hinahanap yung eexitan. huhuhaha. until nakita ko rin. umexit sa may likod sa may st. francis. tapoos lakad pa more pa san miguel. tapoos nakarating ng shaw. dun sumakay ng pa quiapo na jeep at baba ng vmapa. umulan pala pagsakay ko kaya keri na din. mej mahina lang naman. tapoos pagbaba ko meron parin konti. lakad pa sm. tambay saglit palipas ng ng konting oras. tapoos uwiaan. tambay saglit sa kwarto. nag dinner. pork steak ulam tsaka may daing na bangus. tapoooos natikman ko din yung tuna pasta not sure if si ecka nagluto. hehe. anyways ayun. nagligpit. balik sa kwarto. naglaptop. nood. ganern. mej naenjooy manuod at magbasa ng anek anek. late nakatulog
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes