#di ko na alam mga bhie
Explore tagged Tumblr posts
Text
Di lang naman nakapunta si blumentritt sa pinas kasi wala siyang ph visa
Sayang, sana nakasma pa siya ni rizal before execution
Hays the life of stra crossed lovers
1 note
·
View note
Text
HSR but Pinoy reader
So ito ay loosely based sa NAPAKA CUTE NA ANIME: Campfire Cooking in Another World with My Absurd Skill
TW: Puro mura 'to bhie, pag nagreklamo ka mamaya pagtapos mo magbasa tusukan ko ng tissue yang ilong mo :D
pano ka na isekai?
so naglalaro ka ng star tail (dailies) bago maaksidente sa kusina.. nasabugan ka ng gas para deds na talaga- charot! nagluluto ka ateng tapos bigla nag apoy yung kalan tapos nausok tapos deds- de joke sumabog ka talaga kasama nung LPG HAHAHAH
taena ko no, mapanakit?
sino unang na meet?
si Sampo, actually. like, hours before mo mameet mga trailblazer. so diba ikaw na isekai, tapos na discover mo na meron kang access sa online store - bumili ka agad ng warmer tapos kitchen utensils (shala wala nang isip-isip! matalino na tayong lahat pag na-isekai alam na natin gagawin agad HAHAHA)
enter Sampo, "That smells delicious!" tapos syempre natili ka bebs, nagulat na OMG SI SAMPO NA WALA PA SYA SA ROSTER tapos syempre kalma lang ses, kasi di pwede sabihin na kilala mo sya
so ayern, pinakain mo si Sampo, halos maiyak naman sya sa sarap, tapos nagkagulo sa labas kasi hinahabol si Sampo, hinila ka niya kasi ise-save ka nya, dun kayo nauwi sa ilalim ng snow (strong ka ses kaya di ka tinatablan masyado ng snow kunwari)
meeting the gang gang
Caelus (CUTIE PATOOTIE OMG apaka inosente mo bhie sarap mong halikaaan) discovered you both under the snow, and then OMG INIWAN KA NI SAMPO GAGI AHHAHAHAHAHA. Halos lumuwa mata mo kasi SI DAN HENG! KRAS!! nasa harap mo OMFG (shet bhie ang sarap nya BWAHAHA). You explained na wala kang kinalaman ke Sampo, na kinidnap ka sa bahay niyo after nya kainin yung pinaghirapan mong lutuin
so ayern medyo naawa naman si March 7th (amputi nya ses!) saka Caelus kasi you look lost, ateng, and seriously, anlayo ng hitsura mo sa mga tao ng Belobog, so naghinala agad si Dan Heng na hindi ka taga don, pero di muna niya sinabi (maya na, excited yarn? HAHA)
so ayun dumating si (drool) PAPA GEPARD ANG GWAPO MO MARRY ME, ahem, dumating na nga si Pogi #4 para arestuhin your ass (hng, double fuck), tapos syempre nilabanan siya ng main cast WOOOOOO LIPAD PANTY! ay wait! HHHAHHAHAHHAHA kaluluwa kasi!! amp giatay
tapos ayun pinaglaban nina March 7th na mga aliens sila (kasama ka dun lol), and si Gepard naman nPAKA DADDY MO SHET ayun dinala tayez kay cocogoat- este cocolia pala, tapos ayern syempre alam mo na may maligno na sumapi kay ateng so shatap ka na lang kasi dakila kang marites eh, baka ikapahamak mo pa pag nagdaldal ka lmao
so ayun sa hotel inexplain mo sa kanila na na isekai ka lang dito and you have no idea how to get back or how the hell you've arrived here in the first place (with tears!! dapat bhie yung pang Oscars na may kasamang pag-wipe ng luha!) - and Dan Heng SHET PAKASALAN MO DIN AKO WOOF WOOF sinabi na may hunch na talaga sya nung una pa lang (GWAPO NA MATALINO PA SHET NAOL TALAGA TOTOO)
syempre kunwari di mo alam kung ano Astral Express so nagtanong ka, and SYEMPRE OMG TINANONG MO KUNG PWEDE KANG SUMAMA SA KANILA and your reason is, "I can cook!" BITCH YES YOU GRADUATED AS A CHEF WAG PAPATALO! PINALAKI TAYONG PALABAN NG SEXBOMB!! so ayun sinabi ni Dan Heng na tatanungin niya sina Himeko at Welt - to which you responded with, "Who?" LINSYAK, YES! TALINO MO BEH, WOO! Para di ka nila pag-isipan na may alam ka about sa kanila HAHAHHAHA naol advanced mag-isip
naka skin white yarn?
So anyway, so eto na nga: Si Bronya (puta ang ganda nya sa personal??? girl??? naka etude house yarn?!), tapos ang cute ni Pela shet! What's not so cute though is yung hinahabol na nila kayo - and then ni-rescue ang gang, tapos na-meet mo din sina Oleg at Seele (shet maganda din?? wtf ateng??? buysit tong si hoyo kinukwestyon pagkababae ko). Anyways, kinaltukan mo si Sampo ng dalawa kasi ANG GWAPO MO DIN TANGINA KA DI AKO MANYAK PERO PAHIPO NAMAN NG SIDES MO BHIE AY WAIT- iniwan ka niya nung andun si GEPARD
anyways, so ayern nga na discover niyo plano ng Wildfire and si Natasha (mommy??), nagpunta kayo sa abandonadong orphanage, then Seele and Bronya talked, bla bla bla, tapos nagpahinga ulit sa hotel underground – dun mo actually nalaman kay Dan Heng na OMG PUMAYAG SI HIMEKO AT WELT NA MAG-STAY KA SA ASTRAL EXPRESS AT THE MEANTIME OMGOMGOGOMG
meeting kay Svarog – syempre napalaban ang ganggang (omg ang cute ni Clara!! Iuwi sana kita kaso lalasugin ako ni Svarog- ay wait, why not? AHHAHAHAHA kalma tayo ‘te! Juice-colored) ayun nasa tabi lang kayong dalawa until tumakbo sya dun sa robot para protektahan (aww. Pero kids don’t try this at home, tanging mga professional at mga batang walang tsinelas lang ang gumagawa neto.)
so ayun excited kang natulog – then nung nagising ka nalaman niyo na si Bronya naglayas para kausapin si Cocolia and syempre sinundan niyo kasi syempre medyo friends na din kayo (kahit ang ginawa mo lang naman is titigan siya for like 35 minutes – ang ganda talaga syet bagay mag kpop idol – but I guess most of them are), na meet niyo si Serval ulit (shet bangganda din wtf?!) tapos ayun tinulungan niya kayo na makarating sa restricted zone and na-meet ulit si Papa Gepard ILANG BESES PA BA KONG LULUHOD BHIE, then boom! Gepard got his ass smacked by his sister (WHOOO FEMALE EMPOWERMENT LEZGO)
anyways, BOOM SHAKALAKA, main fight with Cocolia
asan ka? Andun sa likod, nanonood lang with popcorn na binili mo online HAHAHAHAHHAHAHA
angagawen mo bhe?! Kusinera ka bhie omg, hindi ka hero! Ang cool ng laban- shet na malupet, tapos ayun na-skewer si Caelus like a sheesh kebab (HOLY PAAAAKKSHET!!!!) tapos BOOMMM came back with a flaming claymore and a vengeance
*cue epic Wildfire battle song*
the end pero nagsisimula pa lang talaga tayo mga bakla
ayun halos matapon popcorn mo kasi SHET NA MALUPET, kapag nag fe-flex muscles ni Dan Heng at Caelus naglalaway ka XDXDXD hoy bhie!!! Pulutin mo yang baba mo sa snow omg mag hunus-dili ka!!!! >.<
anyways, after nun medyo naging melancholic atmosphere kasi namatay si Cocolia and nag-usap kung sasabihin ba totoo – medyo agree ka naman kay Bronya na itago muna, labas ka na kasi dun bhie eh.
pero after naman nung sad na moment nayun, nag-offer kang magluto para sa kanilang lahat!!!
this is before umakyat lahat ng taga underground sa taas – nagluto ka muna ng maraming dishes for everyone sa clinic ni Natasha and OMG halos maiyak mga tao kasi sobrang sarap ng luto mo lolol. Nibigyan mo si Natasha ng ilang recipe para in case na kelangan nila ng bagong ideas, lalo na at napaka limited ng ingredients dun.
SI MARCH 7TH EXCITED KA NA IUWI KASI PEBORIT NA NIYA ADOBO LMAO
medyo mangiyak-ngiyak ka bhie nung nagsi-iyakan mga taga underworld nung nakabalik na sila sa Admistrative District, shet, nakaka touch din yung speech ni Bronya (sniff ang laki na nya grabe parang kelan lang char HAHAHAHA) tapos andun ka sa table kasama sina March 7th, Caelus at Dan Heng tahimik na nanonood.
medyo natahimik ka nung nakapasok ulit kayo sa Qliport Fort kasi na-realize mo na omg, this is fucking real, this isn’t a joke – and gusto mo mag curl up para umiyak pero strong ka bhie eh, kaya huminga ka lang ng malalim and blink your eyes rapidly para mag shoo yung nagbabadyang tubig sa mga mata mo
anyways, so nag teleport na nga kayo sa Astral Express, and then you meet Himeko-
TAPOS BHIE DUN KA BIGLANG NAIYAK KASI NAGLARO KA NG HONKAI IMPACT 3RD DATI AND NAG-UNINSTALL KA NUNG NAMATAY SI HIMEKO KASI SHE’S ONE OF YOUR FAVES-
so ayern, medyo nag-panic sila kasi buysit nayan, ayaw tumigil ng iyak mo! Bhie! Calmdawg!!!
after mo kumalma (shet and sarap i-hug ni Himeko apaka fair skin) tinawag mo syang Ate kasi di mo mapigilan – grabe bhie sobrang ganda nya rin!! And medyo oldie si Welt pero gagapangin pa din AHHAHAHAAHHA pagpasensyahan na po napaka-kalat ko
you told them your story (while minding the consistency para di sila masyadong maghinala), and very kind sila pati si pompom, naintindihan nila pinagdadaanan mo, so since walang available na kwarto in the meantime, pina stay ka muna sa kwarto ni March 7th while Caelus stays sa kwarto ni Dan Heng
next morning, nagluto kang breakfast and gustong-gusto nina Himeko at Welt yung Sinigang mo! (LMAO HINDI TO TYPO, YES SINIGANG HINDI SINANGAG SA BREAKFAST) Medyo ayaw kasi ni March saka Caelus nun eh, while si Dan Heng naman yung tipo na basta safe kainin, la sya pake (pero hindi sya mahilig sa maanghang)
anyways, OMG DUMATING SI KAFKA – cue the jawdrop coz HOLY SMOKING PATOOTIE, MILF ang datingan niya omigosh!! tapos ayun si Himeko tinago ka agad niya sa likod niya, and ikaw naman nung sumilip nag-meet agad mata mo kay Kafka so nakita mo na medyo nagulat sya – huh, so di ka nakwento ni Elio sa kanya? (ay friends kayo te? di mo naman ako ininform HAHAHA) Si Pompom naman hinila mo na rin sa likod mo kasi medyo nanginginig sya and you hugged him to calm him down
kagaya nung sa storyline, kinumbinsi sila ni Kafka na pumunta sila sa Xianzhou Luofu dahil dun sa Stellaron, and bla bla bla, honestly di ka masyadong nakinig kasi alam mo na yun eh, mas tinitingnan mo yung payong nya, actually – nasa umuulan kaya syang lugar habang naka live, or aesthetic lang?
“And who is this cutie, hm?”
OH SHIT you yelped when KAFKA SUDDENLY POPPED UP IN FRONT OF YOU OMG LOL
“Uh-“ quick! say something cool!! “I cook?”
DA FUCK BHE GINAGAWA MO?! HAHAHAHA SHUNGA!!!
natawa lang sayo si Kafka, shet! pero medyo natakot ka, kasi parang iba yung tingin niya like kinakabisado nya hitsura mo, so nagtago ka lalo sa likod ni Himeko hanggang sa umalis na si Kafka
phew! that woman is officially bad for your heart!!
anyways, habang nag-uusap silang lahat sa cabin about sa next plan, ikaw naman nag decide na ilabas na lang sa luto yung kaba and jitters mo. then after lunch sinabi ni Pompom na magsiupo na dahil mag wa-warp na kayo sa Xianzhou Luofu
to be continued ang kabaliwan bhie!!!!
HAPPY NEW YEAR MGA HANGAL KAUSAPIN NIYO KO SAMAHAN NIYO KO SA KABALIWAN KO BAGO KO PA LAWAYAN SI PAPA JING YUAN, BLADE AT IMBIBITOR LUNAE!!!!! ANAKAN NIYO KO PLS
#hsr#honkai star rail#hsr dan heng#hsr welt#hsr bronya#hsr march 7th#hsr caelus OH BAKET TRIP KO SI CAELUS#filipino reader#hsr x reader#hsr isekai#HAPPY NEW YEAR
73 notes
·
View notes
Text
↳ pairing : dan heng x gender neutral reader
↳ prompt : hanggang notes lang yung gusto kong sabihin sayo, pero kahit alam na alam ko na di ko kaya isabi sa mukha mo, mamahalin kita from afar.
↳ authors note : for my non-filos, the prompt is essentially writing everything you want to say for a person in your notes app and admiring them from afar <3 this is me self projecting & taking this chance to practice some filo
↳ brief disclaimer : this is for my hopefully existing filipino audience! i will be providing translations and such if people want it
MODERN FILO AU
Stelle and March 7th dealt with your constant rambling of your 5th 'happy crush' this year. "Promise! Iba na to, I sweaar!" You'd giggle, but the two just gave each other a look and back at you. "Whatever you say..." Knowing damn well you've said that every single time, and they were in fact, not different.
Just like clockwork, at the same hour and at the same place, Dan Heng quietly walks by the table the three of you were seated on. His earphones in his ears as he's kept busy with whatever is on his phone, you catch a quick glance and you start to cover your mouth and giggle. "Haysss, ampogi ni crush." You'd say while kicking your feet, and Stelle and March 7th's jaw DROPS at the realization.
"SIYA??" The pair said together, slamming the table and jolting up from their seats, the same baffled expression as they looked at you. "Oo, b-bakit? Mali ba desisyon ko?" You stammered, putting your hands up in the air while smiling awkwardly.
Stelle crosses her arms, and March 7th puts a hand on her hip and the other points at you. "Ingatan mo ang puso mo bhie, reputation na rejecter yun. Sobrang cold sa mga tao nagcoconfess sakanya!"
"Super super cold yun. As in parang aircon." Stelle huffs, nodding her head in agreement to March's statements. "Ang weird ninyo, of course hindi ako magcoconfess!" You retaliate, grabbing your phone from your hand and passing it over to them. "Hanggang notes app yung rants na sobrang pogi niya, wala naman akong plano sabihin sakanya eh." You watch as Stelle grabs it from the table and March 7th takes a peek at what you were showing.
"Crush ng bayan yan, wala naman akong chance." Was the last thing you added, shrugging your shoulder as you accepted your feelings most likely not being reciprocated.
Stelle looks at the phone, looks at you, one more look to the phone and finally a disgusted stare in your direction. "Corny mo."
"Alam ko naman."
"You're hopeless." March 7th sighs, going on her phone to what you could only assume to be and check whatever notification made it go off and buzz.
#˚₊· ͟͟͞➳❥ bailu's candy stash#honkai star rail x reader#hsr x reader#dan heng x reader#dan heng hsr x reader#I LOVE HIM!!#hsr filo au#conyo si march#real
180 notes
·
View notes
Text
hanggang ngayon, iniisip ko padin paano ako nakauwing Pangasinan from inuman session sa Angeles kagabi? I mean,, alam kong umuwi ako pero yung wisyo ko kagabi mapapa "thank you, Lord anak mo nga ako" nagprapray na ako kay Lord na "Lord, lasing na ako pero iuwi moko sa San Carlos ng maayos, pls." ksksks! kasi lasing na talaga ako pero pinilit ko padin umuwi. like my workmates were presenting na ihatid nalang ako pa-Pangasinan. kskskss! tapos one of my workmates even nagsabi doon sa bus driver na ibaba ako sa San Carlos,, like naririnig ko pa 'yan, naalala ko pa lahat pero alam kong i'm so wasted na.
pero di nyo kaya, nung nakarating ako San Carlos nakapag commute pa ako hanggang bahay tapos nakapag lakad ng tuwid at nakapag mano pa ako sa aking Itay. HAHAHA! nahimasmasan siguro ako pero yung amats ng alak mga bhie nasa sistema ko pa. hahaha
ano ba pinapoint out ko dito, wala hahaha char! be a responsible manginginom kahit lasing na. char di 'to nakaka proud guys bakit nyo ba binabasa.
2 notes
·
View notes
Text
Madami akong natutunan sa experience na to. AS IN.
1. Don’t judge.
-hindi natin alam kung bakit naging ganon ang desisyon nung tao kaya lumobo ang loans (UNLESS SUGAL EKIS YAN SAKEN)
In my case, natakot ako sa overdue, sa bad record. Mas gusto ko pa magbayad ng malaking interes kesa magkaroon ako ng late record. BIGGEST MISTAKE EVER. Top katangahan pala yan. At the end of the day, mas nakakatakot pala if lahat ng pwedeng utangan inutangan mo tapos sabay sabay nag overdue SAKET BHIE :’(
2. It was a very bad cycle of: ayaw ko magkalate record, bayad na lang interes, hindi ako hihiram sa friends ko, pag may extra ako reward ko sarili ko. HAY. So hindi ako nakaahon sa loan dahil kada sahod reward, tapos ANG LAKI PA NUNG INTERES SHUTA. So ayun, lumobo ng lumobo. Umabot sa point na sobrang nakakadepress, ang ginawa kong strategy para di ako mamotivate nakafocus lang ako sa dues ko sa susunod na buwan ganon lang. Hindi ko tinitignan yung total, grabe ang laki na pala. Naawa ako sa sarili ko sa part na yan. Sino may kasalanan? Ako. Sino ang nagsuffer? Ako.
3. STOP THE BLEEDING. Pag narealize mo na na nababaon ka na, wag na pumikit! Wag matakot sa bad record, lalong wag matatakot sa mga nagtetext.
In my experience, Tala and BillEase ang very very fair. Cashalo okay but makulit, Shopee and Laz magmiss payment ka lang ban na agad sayang naman. Yung iba? Illegal na yon. Mga digido, juanhand etc, PAPATAYIN KA SA INTERES. I guess ito yung loan shark na tinatawag. Sobrang unfair talaga nila at wag mo na asahan na magiging fair sila dahil hindi sila regulated. Pag nandun ka sa point na walang wala ka na, wala na makain (been there) kakapit ka talaga sa patalim. Kung ganito rin lang? Mas okay pa mangutang sa tindahan. Nakakahiya man pero at least di ka madedepress sa interes at penalties nila sayo.
4. Forgive yourself. Pag nagising ka na, pagnilayan mo kung san ka nagkamali, bakit naging ganito yung mga desisyon mo, ano sana yung inayos mo. Forgive. Forgive. Forgive. Do better next time. Since tapos na phase na tinanggap natin ang pagkakamali, next part is solve the problem and STAY CONSISTENT. Mahaba itong part na to pero kumapit ka. Matatapos din to.
5. Unahin yung mga illegal hahaha nakakatawa pero oo unahin yun kasi malaki interes nila eh, also unreasonable sila. Makipag coordinate sa iba like tala and billease, if may loan sa bank or cc makipagcoordinate din. Kasi madalas nagooffer sila ng option. Wag sa collecting agencies, sa bank mismo. If possible na magrefinance, go. Make sure na pag nagrefinance sa mababang interes ha.
6. Pray. If di naniniwala sa ganyan, okay sige mag journal. Mahirap magshare ng ganito sa friend. Basta ilabas mo yan, pag hindi, high chance na madepress at mademotivate. Stay positive. Mind over matter. Tandaan na walang nakukulong sa utang. Bad record yes sure yan pero naaayos yan. Ang nakukulong lang sa estafa yung nagpapanggap na may business at naglikom ng pera from investors tsaka yung mga tumatalbok na cheke.
Kaya mo yan!!! 💪🏼💪🏼💪🏼
14 notes
·
View notes
Text
grabeng demotivation na talaga yung nararamdaman ko. iniwan pa ko ng mga kasabayan kong tms. kakalungkot na sa shift tuloy. tapos puro absences pa sa team ko, di ko na alam ano gagawin ko sa kanila. grabe yung pag aappreciate ko ng efforts nila pero they're not doing any effort pagdating sa attendance. may nag tethreaten pa mag DOLE eh pala absent naman siya. gaaanooo kakapal naman yung fes mo para labanan pa yung policy mismo ng company.masama pa loob kase di mapromote. eh kase bhie pumasok ka kaya diba? kung wala ka pake sa work mo, pwes ako meron.
umabot tuloy ako sa linkedin para magcheck ng wfh options.
sa totoo lang sawang sawa na ko sa team ko. paulit ulit na lang yung mga infractions at di nadadala. kung sino pa mga mas matanda sakin sila pa yung mga walang maturity para gawin yung tama.
2 notes
·
View notes
Text
December 31, 2022 (Saturday)
Hey there, it's me, Tita JazMin, your pambansang tita! Pag kinol ni Sir Chinkee ang attention ko, I will completely understand.
Year 2023 is waving!
I'll be honest with you. Wala pa pong improvement sa buhay ko. Still here, stay at home, tambay at mass comm (mas komportable sa bahay).
Compared to my pandemic years, marami akong natutunan this 2022. I learned about insurance, online selling, and how to use social media in promoting business kahit di naman ganun ka-significant ang naging impact ng social media sa sales ko dahil di talaga ako marunong mag-edit ng photos. Pero pwede na. Marami na akong na-learn. I can confidently say na I was able to grow some skills without spending much. Kasi nga wala naman talaga akong pang-gastos. Nagrely lang ako sa mga free softwares sa internet at nood lang ng tutorial videos sa YouTube. Keribels na pero needs improvement pa talaga.
On the contrary, struggling pa din ako when it comes to mental health. Kanina lang, sinubukan kong i-take ang quiz about depression sa Pulse app and sabi ng assessment, may symptoms daw ako ng depression but I still try to make the best of my day. Which I think is an accurate assessment of what I've been going through for more than 3 years already.
Di na ko nagulat sa nabasa ko, perhaps, na-encourage pa ako. Sa totoo lang, I've been planning to apply for a job sa Jollibee na bagong bukas malapit lang mula sa bahay namen. Kung masipag sipag ako, pwede ko siya lakarin pero kung tirik ang araw, hindi advisable na maglakad. One month ko nang pinag-iisipan kung mag-aapply ba ako at kung kakayanin ko ba. Am I prepared physically? mentally? psychologically? emotionally? Kung maging honest lang ako sa sarili ko, alam kong hindi ako prepared. Baka hindi rin ako magtagal sa trabahong inaapplyan ko. Baka lalo lang lumala ang condition ko. Mind you, wala pa kong narereceive na medical attention. Hindi pa ako clinically diagnosed. All I know is that I experience symptoms of depression.
So nung nabasa ko yung assessment sa Pulse app, na-encourage ako lalo na ipursue ang career na gusto ko. Dahil alam kong mentally unstable pa ako, hindi ako dapat mag-apply sa mga stressful at physically demanding jobs tulad ng service crew. If ever man na ma-hire ako as service crew, hindi lang ang sarili ko ang kawawa nun. Baka pati yung business, ma-damage din. Naisip ko na mas mabuti kung work from home na muna ako. Palaguin ko na lang muna ang online business na nasimulan ko. Pag nakaipon ako, saka ako magpa-checkup sa psychometrician.
For now, online selling lang ang source of income ko. Pero unti-unti kong natututunan ang mundo ng social media influencers. Marami akong napapanood sa YouTube na nakapagpundar ng bahay, kotse at business ang mga influencers. Sila ang inspiration ko na someday, maaabot ko rin mga pangarap ko.
May purpose kung bakit ako nagsa-struggle ngayon mentally. Hindi ko alam kung paano ako makakawala sa ganitong condition, or forever ko na bang dadalhin ito. Paano ba ako mag-aadjust sa ganitong kalagayan? Makakapagtrabaho pa ba ako sa mga kumpanyang pangarap kong applyan? Hopefully, someday, kahit na may history ako ng mental illness, makapagwork pa din ako sa isang company na tatanggapin ako.
One hour na lang, 2023 na. Looking forward ako na it will be a better year for me. Need ko na lang iimprove yung mga natutunan ko this 2022 kahit na nababagalan ako sa sarili ko. Pero kahit mabagal, may improvement naman. Kung ikaw, feeling mo, walang improvement sa buhay mo this 2022, isipin mo na lang na di ka nag-iisa. Pareho lang tayo bhie. Baka nga marami tayo na pareho ng nafifeel. Pero laban lang. Wag tayo susuko. Marami pa tayong pagdadaanan sa buhay. Marami din tayong dapat ipagsalamat kay Lord. Kailangan lang nating tingnan on the brighter side. Sabi nga ni Sir Chinkee, "Always, Chink positive!"
Happy New Year sayo!
2 notes
·
View notes
Text
I’m drunk, I like you.
— So it’s real. Elyu vibes. Sa Elyu nagsimula — sa Elyu.. ay, hanggang Elyu lang pala.
It feels like we are reenacting what the movie scenes are. The confession. The days in Elyu. The days after Elyu. (Hindi nga lang mag best friend hehe)
To begin with,
I’m hiding my feelings. I’m just admiring him secretly without anyone knowing. Wala naman talagang nakakaalam kung hindi sarili ko lang. It’s just simply “paghanga”. When I first saw him in Batangas, shet totoo yung nagustuhan ko siya slight dahil sa buhok niya na purple ata or gray na ewan and may itsura pala to kasi once ko lang ata to nakita sa Bro’s tapos nag hi ata? may kasama sya basta yun tapos alam ko pinag-usapan nyo ko na siguro kapatid ni jobee ganern. Going back to Batangas scene, it feels like slow motion when I saw him at the car window pa lang and fudge I still remember that. Pocha. 2 years ko syang inadmire palihim from the stories that he is posting, to the aesthetic feed he has. I don’t really like him that much kasi hanggang “admire” lang. Maybe I’m just attracted on his cleanliness, his style, humor or so whatever basta not that deep.
—
Excited ako bhie sa Elyu. Kasi Elyu yun eh, I will finally taste the bagnet, the El union coffee, see the sunset and experience the night life. And of course because of the movie. I’m not expecting any “love” or jowang jowa that time kasi nga strong independent woman ang lola mo. I am not looking for any flings or any thing basta ang gusto ko lang mawala yung stress ko from work and makasama sila. It was nice kasi parang kung ano yung dati sa Batangas, ganon rin naman. Sarap ng kwentuhan habang papuntang Elyu, mga biruan nila. Masaya. Sobrang saya. It was just a beautiful barkada moment.
The Inuman — Tavern. I never expect him na tabihan niya ko kasi hindi naman niya ko tinatabihan. Akala ko pa nga si Lordjie tatabi sakin BUT no, tumabi siya and so yon. Pinapalipat ka ni ate jessie para si Lordjie kata i ko pero di ka naman nakinig hehe. So, okay yung flow. Masaya. Typical inuman session with kantahan. The laughs. The entertainers na sobrang kalog. The alcohol through our esophagus. Normal inuman with bangers sound. We were in vibes kasi sobrang saya lang. We just clicked kasi ang sarap sumayaw nung time na yon. And in just a few moments, ate jess started saying, “bagay kayo, bagay sila bes” telling ditse. AND THATS WHEN I FELT THE STOP MOMENT. NAPATIGIL AKO KASI HALA SHET? WALA TO SA PLANO. Actually I felt like nanlamig ako kahit na sobrang init. HINDI KO TO INEXPECT. ANONG MERON? BAKIT NILA NAPANSIN NA MAY SOMETHING, NA BAGAY KAMI. Hindi to yung inaasahan kong marinig. Bakit may ganito? I JUST SMILED na lang AND KILIG patago. Kasi diba pocha, I was just admiring him from a far. I was just secretly having a little crush on him TAPOS eto? Ganon yung nangyari. I just couldn’t talk and answer when asking me kung gusto ko din ba siya kasi kinikilig ako. And same as him, bakit hindi sya sumasagot?
I am so kilig but ofc i need to hide my feelings para kunwari wala lang, kunwari hindi ko siya gusto. Natatandaan ko pa na inalalayan niya ako kasi nag cr ako mag- isa, shez the moments. ETO YUNG MEMORABLE!! The holding hands while he is driving. I really want to experience that and shet thank you kasi pina experience niya sakin even just for a night. I still feel his hand on my hand char haha. The slow driving just to get us safe going home. I still remember and I will forever. ‘Front’ seat secret we won’t ever tell. Kaya ko gusto yung XXL eh!!!
—
THE CONFESSION. I never expect na magkakagusto siya sakin. Him admitting “nahumaling” sakin since shs was so unexpected. Hindi ko kasi inexpect na magkakaroon siya ng gusto sakin kasi I feel na mataas standard niya sa babae. I’m not downing my self pero kasi parang iba magiging type niya. And also, I thought he’s in a relationship ever since Batangas or in years kasi siya yung tipo ng guy na parang malandi. Anyway, that confession was so real. I am real. My feelings are real. Lasing ako pero alam ko mga sinasabi ko kasi totoo yon eh. That’s how I feel to him. Hindi ko pinagsisisihan na umamin ako.
Suddenly after the confession, naging awkward lahat. I saw his awkwardness. But at the same time I saw his actions toward me. Yung pinapauna niya kong maglakad… dati hindi niya yon ginagawa. Yung sinasabayan akong maglakad.. di nya din ginagawa sakin yon dati and even the paglilipat ng pwesto sa kalsada para hindi ako don sa part ng daanan ng sasakyan. I really appreciate that little things he did for me. We didn’t have that conversation together after that night kasi I am shy and siya din. Ramdam ko yung hiyaan moments namin. Sitting beside him pauwi and being his passenger princess was so memorableeee uaaaahhh. I really wanted to sing passenger seat while I am the passenger princess kasi sa FX ko lang siya na experience. AND HIM SINGING IT!!! The lines!!!! AND IVE GOT ALL I NEED RIGHT HERE IN MY PASSENGER SEAT!!! Naririnig ko yon HOYYY!
— The last moments. OUR SKIN-SHIP AT ITS FINEST!!! BAT ANG LAPIT KASI!!! Kulang na lang maghawakan kami ng kamay. Pero for real, gusto ko sa likod kami umupo kaso nahihilo talaga ako kaya sa gitna na lang. Noong paalis na siya bhie, I want to hug him as if aalis na talaga siya kasi I just wanted to say thank you. Kaso nahiya ako saka andon sila ditse eh. I thought mageenjoy ako sa Elyu because of bagnet, the coffee, the vibes, the sunset, the beach, and the night life pero mas naenjoy ko ang Elyu dahil sakanya.
— After the Elyu. Nasepanx ako sa feels. Pero thank God he started the conversation and yet, he ended it by seen zoned me. We just talked for a week and I don’t know what happen. Sadt diba. Story short. It was nice having conversation with him kasi may mga narealize din akong bagay bagay. His very matured enough to handle life and the way he leads the conversation and assured me. Naka help din naman siya about decisions ko sa buhay. I’m actually not mad or had any bad feelings about him, I just expect kasi na something will get deeper BUT I have to stop this feeling falling for him para hindi na mas maging deeper pa kaya nga I’m writing this letter for the last time. You not liking my mirror selfie story is a sign na I need to stop waiting for you. I need to stop this kind of delulu moments. Maybe when the time is right, someday kapag pwede pa, pwede na. Ayoko lang madaliin lahat kasi I still have my goals and dreams sa life ko. Same as him. He’s very eager to get that wants and dreams. I respect that. Ang sarap lang ulit maexperience kiligin parang bumabalik yung pagka high school ko kaso nakakatamad don sa getting to know each other stage ulit gggrrr. But I am matured enough na kapag nag stop yung conversation and hang me as seen, stop na yun. I will not ask someone to give me attention kasi I know my worth. I know na my worth, if people don’t appreciate my present I will also not entertain him. But I am open for the possibility. I’m still open for all the possible scenarios. I still have this thought na maybe after 1 year, pag umuwi ka, wala ka pa ring lovelife tapos ako wala pa rin… we’re both single, baka pwede. Ganern na thoughts. Real love can wait naman, no matter what any circumstances are, if thats really love. I’m just happy being single na nagagawa ko lahat ng hindi ko nagawa nung walang wala ako. The time when I’m in the dark because of wrong love and I don’t want to drown my self to that situation again, I lost myself because of loving wrong people. Hindi ko hahayaang matalo ulit dahil sa pag-ibig. Now, I don’t want to go back to my past because I love myself more.
—
Gagraduate din ako. Tulad ni Carson, pipilitin kong makatapos sayo, gaano man katagal, kahit umabot man ng 7 years, makakagraduate ako. At masasabi ko ring, hindi mo naman kasalanan kung hindi mo ko gustong ipursue.
Pakak. Elyu vibes are real. Kakanood ko at kaka ulit ko ng IDILY, ayan, naging carson ako.
April 30, 2024 11:27 PM
0 notes
Text
icongrats mo ko chie may jowa na ko... sa panaginip HAHAHAHA
Nasa fam vacation daw kami. Yung as in buong angkan. Medyo pawala pawala signal. Ang hassle pa nga daw kasi may dala kaming aso. German shepherd na yung aso kaloka anlaki nun. Nakipag barda pa sa mga ibang maliliit na aso na andun.
Tapos yung cottage namin na may tulugan, floating daw sa pool hahaha panes. Edi ayon bihis bihis na pang swimming. Di pa ko tapos bigla namang pumasok sila mama sa kwarto matutulog daw. Edi hinayaan ko lang. Tinamad na ko magswimming, nagscroll na lang ako sa ig.
Then napansin ko may nagheart sa story ko. Pagkatingin ko ng profile, BHIE AKALA KO FANPAGE KO. HAHAHAHAHAHA
Puro selfie ko andon, may mga video pa nga. Para akong vlogger na ewan. Baka nagvvlog talaga ko sa panaginip. Pero yung mga caption ni koya don, "i was losing my breath" 🤣🤣🤣
May mga selfie sya here and there pero ang bata nya pa non. Walang masyadong recent pics. Ang pogi daiii hahahhahahaha para syang half filipino half american. Pero mas andun sya sa tanned skin.
Tapos scroll scroll pa ko sa profile nya, nakita ko nag church pala sya datiiii. Nung mga bata bata sya highschool ganern. Nakalimutan ko sinong totong kachurchmate natin yung andun sa group picture. Pero para silang nag ccg.
Edi gulat ako sa revelation no, may pafanpage si kuya. May isang pic don may caption, "she did not know about this" tapos gurl nagcomment ako.. "until today"
Lam mo ambilis nya nagpm agad sa ig ng "hey". Sabi ko "hey"
Tapos tumawag ako video call!!!! HAHAHAHAHAHAHAHA
I feel like may urge saken na makita ano na itsura nya ngayon kasi medyo binatilyo pics yung sa ig. Tapos GURL ANG GWAPO SA VIDEO CALL HAHAHAHHAA MALAKI NA NGA HAHAHAHA
Yung personality ni koya golden retriever energy. Yung unang lumabas sa screen andaming batang afam sa paligid nya, mga step bros and sis nya yata char.
Tuwang tuwa sya sa vc, "oh my God it's you!!!!" Tapos umiwas sya sa mga kapatid nya, lumabas ng bahay. Nakita ko nagssnow!!!! Nageenglish bhie hahahaha
Nasa ibang bansa pala ang ferson. Tas medyo mahina yung signal saken, ang naririnig ko lang sa kanya, "i'm in hawaii with the fam"
Tas ako, "did you say hawaii?" kasi di ko talaga marinig ng maayos.
Tapos ayun dun na nagsimula. HAHAHHAHAHAHA
VC araw araw haha. kakanuod ko to ng the loud house, katawagan lagi nung isang ate yung jowa nya. Tapos nagbabatuhan din kami ng corny jokes,(reference in real life is another ate na naman dun sa loud house.)
Tas tinatawag nya na kong baby HAHHAHAHAHAA harot yarn. Sabi ko naman, "yes?" HAHAHAHAHA GIGIL
Sabi nya, what if I come to the Philippines?
Tapos dahil panaginip, in a snap andito na sya HAHAHHAA alam mo ginawa namin, nagturuan kami pano magdevo.
Ako din yung nahirapan need ko mag english.
Tinuturuan ko sya ng napakaraming acronym, tapos nakakimutan ko din andaming bura hahaha in the end, sabi ko "let's stick with SOAP"
Edi sinulat ko na ano meaning ng soap. Nagets nya naman agad, tas sabi ko "I'm so proud of you" kiniss ko sya sa cheeks. Gulat na gulat sya HAHAHHAHAHA
Tapos nag walk out sya na gulat na gulat pa din. Tapos sa ig, andaming nagcocongrats saken HAHAHAHHAAHA so i think official na nga hahahaha
Yun lang sadt walang continuation chariz
Naloka ako chieeee parang totoo. Kung hindi afam, half afam na lang hahahahahha
0 notes
Note
You have DC too? Could we become friends there? 🥺👉🏻👈🏻 it feels lonely sa Discord account ko lol (inactive yung nagiisang server na sinalihan ko ahahahahajjaja smh -> an anime art server)
I recently created a new one for tumblr, kanina lang when i saw ur post findkc add me~ amihan#3287
AHHH DL DIN KAYO DISCORD 👀 @lumpiang-toge @lemon-royalcween @okakamaki @dora-the-grownup @cubestuffs @chososupremacy @xxlightsaberxx @chibishae34 magtipon-tipon tayo dkdbkdnc
#if you're filo too#arats mga bhie 😩✊#usto ko dumaldal dkdbkfd#kahit na di ko#alam sasabihin--#⇢-ˏˋmoot.ella 💛#kenma's soulmate 😽#⇢-ˏˋmimi's answer 🐤
8 notes
·
View notes
Text
OBEY ME CHARACTERS as your filo! manliligaw/crush/bf.
warning: none! just some fluffy filo headcanons bout the demon bros and dateables. i don't know if there's also a big filipino om players out there, but if there is, hello. here's ur filo content <3 pakiampon ako please
om!demon brothers x gn!reader
language used: taglish (filipino)
ooc-ish.... i'll do the side characters next!
lucifer (nickname: lucitot)
lucifer, ‘yung serious type mong crush, cold, tas mysterious daw. medyo campus crush lalo na ng mga ka-batch niya.
school council president!!!!! kaya lagi mo siya nakikita sa school programs <3<3
representative sa UN tas nanalo kasi madaming fans (char), pogi saka talented din naman siya kaya nanalo. tinulak tulak ka pa ng friends mo na magpapicture sa kaniya
kunwari ayaw niyong dalawa pero yieee landi yarn
di masyado active sa social media kasi nga he's different!! saka busy siya sa work niya.
crush mong si lucifer na sinusulyapan mo sa ibang building, naactive ka pa sa mga kung ano anong clubs para lang makita siya
crush mong si lucifer na sinasabihan ng friends mo or friends niya na may crush ka sa kaniya pero wala siyang pake (lowkey) kasi dapat cool langz
intimidating magchat, like correct grammars ganern tas minsan seener lang or kaya naman like zone, depende sa chat mo sa kaniya
kapag valentine's day or kapag may pinapabigay ka sa kaniya, minsan di mo alam if tinatanggap niya ba or nakukuha
one time niregaluhan mo siya nung ano, matchy matchy bracelet loombands ba or yung ano shet sinulid na plastic di ko alam tawag don basta nabibili lang na piso tas ginawan mo nga bracelet tas nakita mo suot ni luci yieeee edi wow
pag manliligaw naman, nako mga luci simps eh maeffort yan na manliligaw
syempre dahil president ng ssg, minsan naiiwan sa school tas magugulat ka na lang may pa-surprise lunch date na pala yan
with help galing sa mga ibang officers (sila barbatos, dia, mammon)
ihahatid ka sa bahay mo, make sure na safe ka palagi, "have you eaten your meal yet?"
idk pero malamang nagsesend yan minsan ng LSM HAHAHAHAHAHA every morning kapag sabado kasi kapag weekends di kayo masyado nagkikita
mammon (nickname: bogart <3)
mammon my beloved huhu, crush mong sobrang dense taena kahit na i-joke flirt mo siya akala niya friends lang kayo
close besties kaya lagi kayo nag-aasaran
class clown definitely pero matalino yan sa math saka huy narepresentative yan sa mtap saka mga quiz bee wag kang ano
ikaw pa kasama niya magreview tas nagchecheer sa kaniya kapag may ganyan
buraot o lagi ka nililibre no in between
lagi nagaaya ng gala, trusted ng parents mo kaya napapayagan ka (wow sana all, mammon kidnapin mo naman ako ples)
crush mammon na ginagawa yung dribble walk sa harap mo tas aasarin ka
si mammon na lagi mo kasama kaya alam na alam mo yung amoy ng pabango niya kahit malayo pa yan sayo basta naamoy mo, alam mong nandyan na siya
masarap sabunutan kapag nambibwiset, madalas mabugbog to kapag ikaw kasama dre
manliligaw!mammon, minsan epal, matopak to mga beh pero grabe magmahal bhie
medyo seloso pero hindi toxic!!!!!!!
binibigyan ka flowers, tas lagi ka bibilhan nung favourite food mo, alam niya lahat ng favourites mo, kapag may nabanggit ka na gusto mo asahan mo sa susunod niyan ibibigay niya sayo
nanaghihingi ng pulbos tapos magpapacheck kung okay yung mukha niya, ilalapit mukha sayo tas tatanong "pogi na ba?"
oo mammon pogi mo ikaw na talaga pinakapogi sa lahat
type din na magsabe ng "para sayo to" kapag naglalaro basketball tas di nashoshoot
okay lang mammon ako naman nahulog sayo e
sabi ko nga kanina lagi ka dadalhin sa gala nito, kayong dalawa lang tas happy
road trip, food trip basta gusto niya napapasaya ka niya
oh diba saan ka pa? kay bogart ka na :D
HAHAHAHAHAHAJAHAHHAHSHFWHHAHA labyu mammon pakasalan mo na kasi ako
leviathan (nickname: lebleb)
pers of all, torpe HAHAHAHAHAHAJAHAHAHAHAHHSHDW
alam naman natin mahiyain tong bebe na to, tas di pa masyado nakikipagsocialize
crush mo kasi cool energy tas kung di ka mahilig sa anime at manga, mahihilig ka din since fave niya yon para lang may matopic ka kapag kakausapin mo siya
kaya kapag may bagong anime na nalabas or may nahihiligan siyang something, nagchachat siya sayo or aapproach ka niya
(winner!)
nagmamy day to ng ml win or cod 😔 pero huy lebleb not like other guys to 💔
"send pics para ma-win streak" magaling maglaro ng games pero di ng puso ayieeee
HAHAHAHAHDHWHDHA crush mong ipi-friendzone ka nang ilang beses or akala niya dare lang yung pagkakacrush mo sa kaniya kaya marereject ka
pero kapag natagalan din sasagutin ka din nyan HAHAHAHAHAHA baka siya pa umamin sayo
manliligaw!lebleb— anime marathon sige i-marathon niyo daw one piece nang magkasama bhie good luck <333
manliligaw!lebleb na torpe kaya outside school lang makikita affections nyan
bibilhan kayo nung corny na couple shirts
COSPLAY COUPLE COSPLAY COUPLE COSPLAY DUO ANO KA BA COSPLAY DUO KAYO HAHAHAHAHDHWHD
date sa parke or don sa mga alam mo yung may mga themed cafe? dadalhin ka niya don hihi
mahiyain magsabe ng i love u HAHAHAHAHDHWHD sesendan ka ng "ay tignan mo sabi ni [character] kay ano" "parang tayo lang" di magrereply ng 2 oras kasi binato phone niya sa sobrang hiya
late nights talk din madalas sa inyo
satan (nickname: tantan <3 ikaw na ba ang dolce amore ng buhay ko?)
STANDARD BOOK BOYFRIEND.
i repeat, STANDARD BOOK BOYFRIEND. ano pangarap mo yung nababasa mo lang dati? oh eto na sayo na *binato si catan*
english-speaking, charming, flirty pero yung ano sosyal HAHAHAHAHDHWHD book boyfriend-like nga siya e
susulatan ka poems, sesendan ka handwritten letters, care package? bet. papakilala sayo mga pet niyang cats tas sasabihin para kayong parents na kasal (korni ni bebe satan)
maginoo to uy
wala lang laging maeffort bigla bigla nagreregalo sayo ng mga gawa niya
annotated books <3<3<3<3<3<3
“i was reading this [book] today and it reminded me of you”
nagbibigay din flowers, mature bf nakakakilig lang
lagi nagchachat sayo kapag di kayo magkasama
kapag crush mo lang si satan? sige umasa ka na lang sa wala HAHAHAHAHDHWHD
nanghaharana din jusmeu ke-smooth ng boses nakakaiyak
sasagutin mo ba o sasagutin mo???
asmodeus (nickname: momo as in momol- char)
PAASA. OO PAASA KA ASMO GRABE KA NA
paasa nga.
ano ba.
manliligaw??? si asmo??? syempre mahal ka niya pero mukhang ikaw ata maghahabol diyan /j
kakantahan ka bhie tas may patarpaulin na "will you be my s/o?” ganern
flirty 24/7
"ikaw ba si joanna? jowana kita-" "joke"
anong joke joke walang bawian dito asmo
magala din to saka clingy
minsan siya kumukuha ng pics mo tas magsusuggest ng "eto maganda, ganda mo diyan"
naglalagay din liptint tas tatanong ka “lambot ba? kiss nga” yie landi
thrift shop dating, magkasama kayo magdate sa ukay kahit 3 oras kayo naglakad lakad wala ka maririnig reklamo (actually meron pero mawawala yon kasi love ni asmo ang shopping)
night life party-ing alam lahat ng party spots na pwede ka dalhin
sweet naman siya <3<3
beelzebub (nickname: beel pa rin)
beh. crush mong sobrang bait. nasobrahan nga ata kasi bakit ka nafall sa kaniya?
pafall pero di sadya
nanlilibre sa canteen palagi, food trip lalo na pag after school tas kakain kayo egg waffles na neon balls (kwek kwek), fishball, scramble, kalamares, kikiam, kung ano ang bet mo <3
hahatid ka sa bahay niyo teh
wala masyadong social media kaya di kayo masyado nagchachat
pero kapag kasama mo, sulit naman
manliligaw ba??? bat ba naasa ka liligawan ka niyan mga yan ikaw nga maghabol mc IKAW- /j
is nicest bf ever, lam mo yung mga korning magjowa na nagbibigay ng stick-o saka yakult kapag valentine's? oo ganon siya
kashare mo payong kapag umuulan
supportive! lam mo yon kunwari may extracurricular activities ka, part ng club, poster making, quiz bee, performance arts, sports ewan ko basta support ka niya #1 fan mo pa yan
belphie (nickname: kalabaw.)
hello belphie. si sleeping beauty niyo. chos.
gaiz si belphie nakakaloka. parang ayoko gawan- /j
belphie belphie kalabaw ka ba? kasi icow ang crush ko
tas sineen ka lang. swerte na kapag naseen, baka i-inbox ka pa niyan
typical crush, masungit tas iignore ka lang
di ka crush teh mamuti mata mong umasa ha
sulyap sulyapan mo na lang sa classroom niya minsan absent pa yan or cutting.... JOKE bawal magcutting yan si belphie hahambalusin ng tsinelas ni lucifer pag-uwi
pero kapag manliligaw, nice din naman yan
medyo maeffort, like 6/10 effort ganern
nagbibigay ng flowers na nabibili sa labas ng school
excited lagi pag nakikita ka
sabay kayo pumasok sa school, kahit sa pag-uwi, kahit sa lunch
basta gusto lagi kasama ka niya
study dates tas kasama niyo si beel minsan
close sa parents mo kasi daw mukhang mabait (di ho, demonyo ho yan-)
allowed maki-sleep over sa inyo (basta daw bukas pintuan HAHAHAHAHDHWHD)
tamad magchat at magreply minsan magugulat ka nasa labas ng bahay niyo tas magkape daw kayo don sa park
- - -
huy hello sorry if di medyo accurate, ini-squeeze ko na brains ko for this HAHAHAHAHDHWHD hope u enjoyed reading! more filo om content to come na lang po. open for requests!! thank u gaiz labyu xoxo.
#ace 🧱#filo ace#i'll do the side characters next hehe#filo obey me au 🇵🇭#obey me mammon#obey me swd#obey me brothers#obey me asmodeus#obey me leviathan#obey me lucifer#obey me shall we date#obey me#obey me au#obey me asmo#obey me beelzebub#obey me satan#obey me belphegor#obey me belphie#obey me beel#obey me levi#obey me fics#obey me x you#mammon x you#lucifer x you
156 notes
·
View notes
Text
okie pa naman me ata haha tbh di ko na alam mga bhiE ewan ko byE
7 notes
·
View notes
Note
HDJRKWJXLWJCLEJCLDKCCKD shy ako HAHAHAHAHA AMPUTEK SHY 😭😭😭😭😭 ALSO TO ANSWER YOUR ATENEO QUESTION not naman HAHAHAHA MAS CONYO SCHOOL NAMIN NG ONTI SHCJJXEK
also omg all thjs time,,,akala ko pipino ka 😭😭😭😭 HWJXJD YOUR FILIPINO IS >>>>>>>>>>>>>>
also okay lang may mga typos <3 TYPOS ARE OKAY HEHEHEHE d naman kami teacher so oks ka lang <3 GL SA UNI HEHEHE and also tatawagin parin kita ate unless sabihin mo na ayaw mo HFJCJEKCKF
AAAAAAAND yw yunna <3<3<3 HAHXHSJE
AND DEEBUH JSKFNFKE GRABE MGA SEBONGS NAKAKAIYAK 😭😭😭😭😭😭
AHAHHAHA SHY YARN 😭😂 WAG KANG MA SHY SINASABI KO SAYO 😂😂😂 feel ko alam ko na school mo, kita ko rin yan sa tiktok eh (tambay rin ako sa tiktok kasi dun din ako nakaka pulot ng mga salita diyan AHAHAHA)
GAGI FILIPINO AKO (na walang filipino passport amp) AKDJJD hindi lang ako lumaki diyan 😭
pikit na lang kayo pag may typos ha 😭😂😭😂 or sabihin niyo lang sakin AHAHHAHA. kakatapos ko lang pi ng uni, nag wawait lang ako ng final results ko 🥹 pero pwede na ako mag apply ng jobs (diba weird dito AHAHAH yung iba kong classmates may mga trabaho na kahit wala pa yung final results namin tapos yung grad ceremony namin sa october/nov pa but dun sa ibang unis sa december yung grad nila AHAHHA lamig) 😭
AHAHAH nakakaiyak tingnan mga sebongs bhie 😀 di ko alam kung kaya ko pa charot 😂
4 notes
·
View notes
Note
Hi po! Good day. Ask for help lang ako.
Nag break na kami ng ex ko. 8mos kami. Tapos sa dulo nalaman ko na may girlfriend pala si kuya etc etc. Nalaman ko na rin yung mga baho niya. To cut the story short, gusto kong bawiin lahat ng mga binigay ko sa kanya. As in lahat-lahat. Ng makaganti ako sa panggagago at panloloko niya. Ngayon, wala na naging pusong bato na ako dahil sa trauma at pain na binigay niya sa akin. Hehe. Wala rin naman siyang maibato or maisumbat sa akin kasi nung magkarelasyon kami sobra ko siyang minahal at lahat ng yun totoo. Btw, I am Gay. Hehe. Maraming salamat sa sagot in advance.
Helllooooo bhie! Yknow what that’s the saddest part of being gay sometimes natetake for granted tayo at minsan naaabuso yung love language natin na giving, im so so sorry for what you’ve experience pero bhie alam mo ba na sa revenge e di ka makakamove on? Mas mahihirapan ka at di ka magiging at peace, alam ko sobrang sakit at feeling mo na devalue ka kasi nga naloko ka, pero its beyond our control e, meaning kahit sobrang perfect, pure, generous and kind natin if di tayo sapat, maghahanap at maghahanap talaga yan ng iba. Siguro sa part ng revenge or kunin mo lahat, if you know kaya nya pang ibalik yun then go file some demand, pero kung alam mo naman na ginagawa mo lang yun para maipakita sa kanya how powerful you are, or ganti ng isang api, you’re just using your energy for nothing, if i were in that situation di ko na kukunin yung alam kong binigay ko na kasi masaya naman ako na nakita ko syang masaya noon e, ayun yung hiram na kasayahan na hindi naman nya hjningi pero kusa nating binigay. I am praying for your peace and may you find forgiveness in your heart, if you want to truly move on, detach yourself in that situation, cut him at all and be at peace knowing wala kang tinapakang tao and you give all of your pure love. I still believe in good karma that whatever happened if our heart is pure, it will bounce back to us. Love you kapatid, mahigpit na yakap
5 notes
·
View notes
Note
hi bhie kamusta ka na di na ko nagpaparamdam fota 😭 sana okay ka lang kahit busy ka sa uni pahinga ka rin from time to timee random thought pero alam mo yung vibe na golden hour after school tas lalabas ka ng campus w ur friends to eat streetfud and to talk kahit na pagod na kayo from classes may onting bonding pa rin bago umuwi yeah idk how 2 explain but you give off that vibe hehe - 🍩
HELLO BHIE KAMUSTA KA NA SANA OKAY KA LANG DIN okay lang naman uni marami ako pahinga kasi diko ginagawa mga dapat gawin sa asynchronous classes shdhdhd
pls if i give that vibe i would be so honored??? like sobrang nostalgic and precious para sakin ng mga after school hangouts im gonna cry
#i was not built for online classes#my clingy as is not a strong enough soldier for this#[ 🍰 : strawberry shortcake ]#[ 🍰 : mango graham ]#[ anon : 🍩 ]
4 notes
·
View notes
Note
Dear Gly 💚
Dear Gly,
Hi BbGirl! 😘 Ang aming peymut pretty boss sa Among Us. Thank you for being nice di lang sa akin, kundi sa aming lahat. Alam ko na hindi tayo magkakilala personally (kahit magkalapit lang pala tayo ng house), pero never kong naramdaman na bagong sali lang ako. First night palang ng pagsali ko parang magtotropa na talaga tayo. Basta never kong na feel na OTHERS ako. Alam ko kaya ka mahal ng mga tao sa paligid mo eh dahil meron kang good heart. Ayan yung nagpapaganda sayo lalo. Keep slayin' bhie! Lovelots! Hahah mwa 😘
8 notes
·
View notes