#Paano ako nag simula sa youtube
Explore tagged Tumblr posts
Text
I'M BEYOND PROUD OF THESE PEOPLE.
I'm so proud of you, Kimmy! Sobrang dami mong pinagdaanan this year. Proud na proud ako sa‘yo! Grabe, nakayanan mo ‘yun?! Be stronger pa ha, you'll face more problems and traumas pa pero alam kong kakayanin mo. (Wala kang choice gago) You have to be strong for yourself, for your special ones. Kimpot will always cheer for you, Kimmy.
I'm so proud of you, ate Zee! Nakita ko kung paano ka umiyak, tumawa, mag trabaho, maglaro lahat lahat. Sabi ko nga sa‘yo, kahit na ano pang gawin mo proud ako sa‘yo kahit manood lang ng Tulfo ‘yan o ng nag e-embalsamo sa YouTube, ganyan kita ka-mahal teh! You deserve all the love and happiness in this world. I wish you nothing but the very best in life (especially lovelife🤞🏻) Nakita natin ‘yung growth ng isa‘t isa. Grabe, konti nalang mabubuo mo na teenage years ko😭 Thank you for making each year memorable. You don't know how lucky and grateful I am to have you in my life. Thank you so much for staying with me, ate Z. I love you so much! More years to ussss!
I'm so proud of you, ate Clang! I saw how cruel the world is to you:( I'm so proud of you for being brave. Please, sa 2024 stop being a people pleaser haaa. Ang pure mong tao to the point na kahit ako hindi mo deserve and I'm so sorry about it. Thank you for making my 2023 happy and memorable. Thank you for being there, ALWAYS. I love you so much, ate Clang!
I'm so proud of you, Mabel! Halos kalahati na ng taon nung nakilala kita ulit. Kahit sa maigsing panahon na ‘yun, naging sobrang proud ako sa‘yo. I'm sorry kung ganito ka cruel ‘yung mundo sa‘yo ah. I swear I'm trying na maging ate rin sa‘yo kaso masyado akong mahiyain for that. I miss you so much, Mabol:( Palagi lang akong nandito para sa‘yo. I love you!
I'm so proud of you, Ly! Alam kong hindi mo ‘to mababasa kaya push ko na ‘to. Grabe pag s-suffer mo this year:( Kung kaya ko lang kuhanin ‘yung iba dun to help you and make you feel better. Sobrang proud ako na nakayanan mo lahat ‘yun! Thank you for being there. Thank you sa lahat lahat. Hindi mo alam kung gaano ako ka-grateful na mayroon akong ikaw. Napagaan mo nang sobra ‘yung buhay ko ‘teh! I love you so much, my Copy-Ed! I'm always here for you, alam mo ‘yan.
I'm so proud of you, Mikmik! You are one of the strongest people I know. Lagi mong tatandaan na ate is always here for you ha (kahit na ikaw laging nag a-act na ate sa‘ting dalawa). Kahit na gaano ka ka-random at ka-iritang tao, love na love pa rin kita. Huwag mo masyadong lunurin sarili mo sa acads, napapabayaan mo sarili mo eh. You are one of the best partners I've ever had. I love you, pookie bear ko!
I'm so proud of you, Anyel ko! Grabe pang ta-tarantado ng mga tao sa‘yo ngayong taon:( I'm so proud of you for being brave. Kinaya mo!!! Kakayanin mo pa rin ‘yung mga susunod. Lagi lang akong nandito para sa‘yo, kahit tatawagan mo lang ako para umiyak, magpa-antok, sasamahan pa rin kita kahit anong oras pa ‘yan. I love you so much, baby ko!
I'm so proud of my girlies! Sama sama tayong naghirap simula nung grade 9 hanggang 10. Thankful ako na kayo ‘yung nakasama ko. Thank you for making those days memorable. Naging worth it naman lahat ng paghihirap at iyak natin. Hindi ako showy sa inyo pero love na love ko kayong tatlo.
I'm so proud of you, my Ali, Eun, and Xy! Ginanern ba naman ng lovelife😓 Pero ang strong niyo, kahit na ilang heart break naranasan niyo sa lovelife hindi kayo natatakot na magmahal pa rin genuinely. Ang swerte ko sa inyo. I miss you all so much! I love you all!
Last but not the least, my mami and dadi!
I'm so proud of you, mami! Idol na idol talaga kita this year mi, nakita ko ‘yung hirap mo sa araw araw:( Thank you for doing that for us. I'm really sorry kung minsan nakakaramdam ako ng pain from u or sainyo ni dadi, believe me ayaw ko naman po talaga maramdaman e. Sobrang brave mo mami! Sana kaya ko rin maging ganyan:( I love you so so much, mami! Mag i-ingat ka po palagi ha, babawi po ako sainyo promise.
I'm so proud of you, dadi! Nakaka-proud po ‘yung sipag na mayroon kayo ni mami. Sorry po ulit ha. Promise po, hindi ko sasayangin ‘yung pagod niyo ni mami para sa‘min. I love you, dadi! Ingat ka po palagi ha. I love you so much, dadi! Babawi ako sainyo, promise.
0 notes
Text
NANAKIT BUONG PAGKATAO KO; KAYA NATULOG AKO
18 July 2023
Nakabalik ako sa bahay saktong 9 dahil nag tricycle ako. Saktong papaalis si Ate Lara. Akala ko ihahatid ko na lang si Geya. Hindi na pala papasok ang bata dahil naabutan ko pang kumakain. Ngayong hapon ko lang din nalaman ang dahilan pero pinaramdam sa akin kaninang umaga na parang kasalanan ko, sa tono ng mga salita at pangungutya sa mga tingin. Hindi ko naasikaso yung bata at sarili ko lang iniisip ko.
Habang nakaupo sa likod ni Geya. Nagsimula na si mama magsalita. Hindi ko maalala ang ibang detalye kahit kaunti lang naman, pero alam kong tinapos nya sa tanong kung nakikipagrelasyon daw ba ako sa tomboy? Hindi ang sagot ko. Hindi pa ako ganun katapang. Pag-uuntugin nya raw ulo namin kapag nalaman nyang oo. Dun ako natakot. Madadamay pa si Sam. Hindi ko hahayaang madamay pa sya sa mas malalim kong hinanakit.
Hindi ko magalaw braso ko na walang nararamdamang sakit. Inaantok ako. Kumikirot ulo ko. Basta ang sakit ng mga buto ko. Pero mas masakit yung katotohanang wala akong ginagawa at hindi pwedeng wala akong gawin.
Kaya ayun natulog pa rin ako.
Naghugas muna ako at nag-asikaso. Binuksan ang laptop. Gumawa ng mga tabs. Sinubukan may gawin. Kaya lang ayaw talaga gumalaw ng katawan ko. Nanuod ako ng youtube shorts. Hanggang sa napagdesisyunan kong matulog na lang. Pero paano? Kailangan hindi pa rin ako masisigawan sa simula at bago pa man humimbing tulog ko.
Nagplay ako ng recorded class para kunwaring nanunuod hanggang sa makatulog. Effective naman. Alas dos na ako nagising.
0 notes
Text
1Direksyon: Mula sa entablado, papunta sa kamalayan ng buong mundo
Isang blog post tungkol sa One Direction: This Is Us (2013) at ang implikasyon ng mga eksena nito sa naging kamalayan ng mundo sa panahong iyon.
“Ma, dali na! Malelate tayo sa sinehan!”, sabi ko sa aking ina na pumipili pa lamang ng susuotin sa araw na iyon. ‘Di na ako mapakali, sapagkat ang araw na iyon ay ang unang araw ng pagpapalabas ng One Direction: This Is Us sa mga sinehan sa Pilipinas.
Hindi maipapagkaila na malaki akong taga-hanga ng bandang iyon. Lagi akong naka-antabay sa Twitter, nag-aabang sa bagong tweet mula sa sinumang miyembro, o kaya’y ako ay magpupuyat hanggang alas-tres ng umaga para lang hintayin ang bagong labas na music video sa Youtube. Kung kaya’t sa pagpalabas ng kanilang pinakaunang dokumentaryo, ako rin ay laging nangunguna sa pila.
(opo, nagmula ang mga larawan na ‘yan sa aking Twitter fan account.)
Pagkaalis ng aming bahay, sinundo namin ang aking kaklase na gusto ring manood ng naturang pelikula kasama ko. Matapos naming dumating sa Robinson’s, ay agad-agad kaming umakyat sa sinehan para makakuha na ng tiket at makapasok na sa sinehan. Pagkapasok namin sa sinehan, nakita namin na punong-puno ang kwarto ng mga panatiko ng One Direction. Bata ‘man o matanda, babae ‘man o lalaki, suot-suot nila ang mga t-shirt na may mukha ng banda at tila’y nakikipagdaldan sa isa’t-isa na parang matagal na nilang kilala ang bawat isa.
Hindi rin nagtagal, at tuluyang nagpatay na ng ilaw sa sinehan. Nagsimula na ang pelikula, at sabay-sabay nagtilian ang mga tao sa loob nito. Kitang-kita sa mga mata (at rinig na rinig sa sigaw) naming mga taga-hanga ang kasiyahan (na may kasamang kilig) na makikita na namin ang bandang nagpapasiya sa amin. ‘Di man sa personal, ngunit iba pa rin ang dating kapag nakita mo sila sa malaking screen ng sinehan at hindi sa mga maliliit naming telepono.
Ang “One Direction: This Is Us” ay isang patunay ng makabagong potensyal ng social media noong panahong iyon. Kung iisipin, halos kakasimula pa lamang ng kasikatan ng Twitter, Facebook, at Youtube noon, ngunit nagamit ng tao ang mga ito upang mabilisang at malawakang magpalaganap ng impormasyon.
Sa simula ng pelikula, isinalaysay muli kung paano nagsimula ang One Direction. Mula sa kanilang pagkabuo sa X-Factor UK noong 2010, nagsimulang dumami ang kanilang mga taga-hanga. Natalo ‘man sila sa taong iyon, ay lalong sumikat ang One Direction, salamat sa kanilang mga superfans.
Ika nga ni Simon Cowell, ang kanilang manager, “We have these girls, called superfans, and they’re like promoters.” Buhat ng social media, naimpluwensyahan ng mga panatikong iyon ang iba pang mga tao na humanga at sumubaybay sa buhay ng One Direction. Dahil sa mga Twitter update accounts na laging nagpopost sa tuwing mga bagong ganap sa banda, nagsimulang madiskubre ng mga ibang Twitter user mula sa iba’t-ibang parte ng mundo ang mga artistang ito.
Sa pagbuo at paglikha ng mga update account, ay nakita ng mga tao ang potensyal ng social media bilang isang plataporma para sa malayang pamamahayag.
Sabi ng mamamahayag na si Carl Smith, lagi silang sumasangguni sa mga update accounts na ito upang malaman ang mga bagong balita tungkol sa banda. Dagdag pa niya, “siyam sa sampung pagkakataon ay mas nauuna pa ang mga account na ito sa pag-ulat ng balita tungkol sa banda bago pa ‘man malaman ng pahayagan o ahensya ng balita.”
Ngunit sa kabila ng pagbilis ng pagkalap at pagkalat ng impormasyon gamit ng social media ng panahong iyon, ay nagsimula rin ang pagkawala ng pagkapribado ng buhay ng ibang tao, lalong-lalo na ang buhay ng mga miyembro ng One Direction. Ilang halimbawa ay ang pag-hack ng ilang panatiko sa iba’t-ibang CCTV para lang makita ang banda, at ang isang insidente kung saan ninakaw ng ilang fans ang boxers ng isang miyembro mula sa balkonahe ng kanilang tinutuluyang hotel.
Pagkatapos ikwento ang pinagmulan ng One Direction, ay nakipanayam ang production team ng pelikula sa iilang taga-hanga ng banda sa iba’t ibang parte ng mundo. Nang tanungin kung bakit nila hinahanga ang bandang ito, dali-daling sinabi ng mga taga-hanga,
“They make me so happy.” “When I’m sad, they’re always here for me.” “They say what we want to hear, and no one says [that] to us.” “I know they love me, even [if] they don’t know me, I know.”
Ang ganitong mga tugon ay bunga ng marketing strategy binuo ng promotional team ng banda. Ang pagtagumpay ng One Direction sa pagkakaroon ng maraming album sales at sold-out concerts ay ang paggamit ng emotional marketing sa madla. Dahil karamihan ng tagapag-hanga ay mga bagets, pinukaw ng banda ang kanilang mga emosyon sa pamamagitan ng pagbuo ng kantang emosyonal [na parang kinakausap sila, tulad ng kantang ‘Little Things’], at ang paggamit ng kanilang social media accounts upang makausap at makipag-ugnayan sa mga panatiko.
Ipinakita rin sa pelikula ang naging epekto ng banda sa pagbuo ng mga online community na binubuo ng kanilang mga taga-hanga. Tinalakay ang isang magandang naidulot ng One Direction sa aspekto ng online communities: ang pagbuo ng mga pagkakaibigan. Sabi nga ng isang fan sa pelikula, “[The] best part of being a fan of One Direction is the friends you make through them”. Tunay na nakakahanga ang naging kakayahan ng internet sa pagtatagpo ng mga tao base lamang sa kanilang kinakahiligan.
Pinag-usapan sa pelikula ang mga fan project na isinasagawa ng mga fans sa araw ng concert. Pinagpaplanuhan ito ng mga dadalo sa concert ilang linggo bago ang araw ng naturang concert. Ito ay pinag-iisipang mabuti, at ipinakakalat ng mga fans sa pamamagitan ng pagpost sa Twitter.
Ang mga miyembro rin ng One Direction ay bumuo ng kanilang sariling fan project noong sila ay nagtanghal sa Amsterdam. Ipinakita sa video na nag-tweet ang ilang miyembro na magsuot ang mga pupunta sa kanilang concert ng kulay kahel na damit. Naging matagumpay ang plano ng banda, sapagkat lahat ng dumalo ay nagsuot ng kahel. Ang mga ganitong tagumpay ang isa sa mga naunang patunay sa kapangyarihan ng internet na magtipon at mag-organisa ng mga tao para sa iisang layunin.
Sa bandang dulo ng pelikula, tinalakay ng banda ang kanilang pinakamalaking takot: ang kanilang paglaho pagdating ng panahon. Sa pelikula, nag-usap usap ang limang miyembro ng banda matapos ang kanilang concert sa Sweden. Sabi ni Louis Tomlinson, “One day, we’d just not do this anymore”. Dagdag pa ni Niall Horan, “There’s been so many bands that have come and gone, and no one really talks about them anymore.” Bagama’t tanggap na nila na darating din ang araw na ito, inaasahan nila na sana’y maalala pa rin sila at ang mga kantang ginawa nila pagdating ng panahon.
Isa ito sa lumalabas na problema ng pagbilis ng teknolohiya. Buhat ng lalong pagkabilis ng pagproseso at paglabas ng impormasyon, mabilis maglaho ang pagbigay-pansin sa mga bagay-bagay. Kinumpirma ito ng manunulat na si Dakota Shane, noong sinabi niya’y “The social media landscape moves fast. The second you think you've figured it out, your favorite social media platform alters their algorithm.”
Bago matapos ang pelikula, sinabi ni Niall Horan sa isang concert sa Mexico, “You guys have been right here since day one. It means so much to us because none of this would happen without you.”
Pitong taon na ang nakalipas magmulang ipalabas ang pelikulang ito. Nagkahiwa-hiwalay na ang landas ang limang miyembro ng One Direction. Malungkot ‘man ang nangyari, lagi kong inaalala ang sinabi ni Niall sa pelikulang ito. Ang mga masugid na tagahanga ng One Direction (katulad ko) ang nakapagbago ng mga buhay nila. Nakakatuwang isipin na lahat ng nakamit ng One Direction ay hindi mangyayari kung hindi kami napabilib sa kanilang potensyal magmulang sila ay natalo sa X-Factor.
Nakakatuwa ‘ring isipin na kaming mga tagahanga nila ay naging parte rin ng kasaysayan. Dahil sa pera, oras, at pagod na ginastos at ginugol ng mga tagahanga ng One Direction, maraming naabot ang banda. Iilan lamang dito ay ang:
First group to debut at no.1 with their first four albums in the US
First UK group to debut at No.1 in the US with a debut album
Most Followers on Twitter for a music group
Most subscribers for a band on Youtube
Oo, napabago namin ang buhay nila. Pero kung iisipin, binago rin nila ang buhay namin.
Sanggunian:
Greenwood, D. (2020, July 23). How One Direction became the world’s first internet boyband. The Independent. https://www.independent.co.uk/arts-entertainment/music/features/one-direction-10-years-anniversary-social-media-x-factor-fandom-a9632291.html
Haney-Claus, M. (2016). One Direction and the Marketing Machine One Direction and the Marketing Machine. https://scholarworks.wm.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1986&context=honorstheses
Hit Network Australia. (2020, July 24). An Ode to The Greatest Boyband on Their 10 Year Anniversary. Hit Network. https://www.hit.com.au/story/an-ode-to-the-greatest-boyband-on-their-10-year-anniversary-158354
Santero, N. (2016). “Nobody Can #DragMeDown”: An Analysis of the One Direction Fandom’s Ability to Influence and Dominate Worldwide Twitter Trends. https://digitalscholarship.unlv.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=3731&context=thesesdissertations
Stopera, M. S., Dave. (2019, November 8). 23 Of The Craziest And Scariest Things One Direction Fans Have Ever Done. BuzzFeed. https://www.buzzfeed.com/mjs538/what-a-time-it-was
(sir, salamat. aliw na aliw ako sa pagsulat muli tungkol sa one direction.)
1 note
·
View note
Text
MY GOOGLE ADSENSE PIN + MY YOUTUBE STORY
MY GOOGLE ADSENSE PIN + MY YOUTUBE STORY
https://www.facebook.com/GoogleAdsenseMarket
https://twitter.com/GAdsenseMarket
https://www.linkedin.com/in/GoogleAdsenseMarket
https://www.tumblr.com/blog/GoogleAdsenseMarket
https://www.instagram.com/GoogleAdsenseMarket
View On WordPress
#Acadsoc#Acadsoc Limited#Acadsoc Ltd#Adsense#google#Google adsense PIN#Home-based teacher#How to#How to verify#Jha Oliveros#Justine Oliveros#Paano ako nag simula sa youtube#Paano kumita sa youtube#Philippines#pin#Pinay vlogger#Sahod sa youtube#tips#vlogger#Youtube Story#YOUTUBER
0 notes
Text
To my Great Paulo Tolosa
Hi there paulo 💕
I just wanted to say thank you for making me happy during quarantine until now 💕 . You are one of my happy pill during my stressful review days nung college days ko . Nagpapasalamat ako sa tiktok kasi isa ka sa sinuggest niya sa fyp ko and you got my attention because of your good pov's and good vibes video on tiktok. sobrang lucky ko kasi i found new friends in your fandom ! Sobrang babait ng angels mo ! . Tapos everytime na makikita ko yung mga photos mo with your girl bestfriends it reminds me of my guy bestfriend for 13 years grabe nakakatuwa kayo ganyan na ganyan din ksi kmi nag simula eh nakilala ko siya during JS prom night(SKL).
And thank you for making me believe in love again because for me ? Happy ever after and fairy tales does not exist! I am a man hater for 4 years because of my past failed relationship.halos lahat ng lalaki tingin ko katulad niya pero nagkamali ako isa pala siyang lesson sa buhay ko para maging handa ako sa susunod.kaya i told myself if not today i will wait for the right person that God destined for me. the right person who will make me feel that i am worth it and worth the wait and one of his answered prayer .
Thank you for reminding me what butterflies feels like.i will always remember what you said in one of your vlogs in youtube "keep smiling love , i love you" thank you for reminding me how to smile again, how to laugh again you know what i almost forgot those things i'm very depress because of studies. I laugh hard yes! I have a hilarious laugh but deep inside may sakit din akong nararamdaman may problemang dinadamdam . Mahirap tumawa ,mahirap ngumiti kung hindi naman totoo yung saya.
Alam mo hindi ko alam kung paano ko nalagpasan,naka survive ng elem,high school, college na lagi akong binubully.ang hirap sobra buong buhay estudyante ko na ata ganun ang nangyayari may mga times na umaayaw na ako kasi ang hirap pumasok ng may takot ,kaba na baka mamaya mangyari nanaman. Pero ito ako lumaban sa huli sabi sa isang palabas "wala namang handa sa huli" para sa akin naging handa ako sa huli kasi sa umpisa plng pinalakas na ako para huling hamon ko kakayanin ko para sa pag dating ko sa totoong hamon ng buhay handa ako.
HINDI AKO MAGSASAWANG MAG SABI NG "THANK YOU PAULO"
I wish you more success,good health to you and your family 💕 and i will always pray to God that someday in his perfect time you will find your own lara jean to be with you in your beginning , middle and end 💕 or a Nadine Lustre to be your partner in crime , eya rodriguez,samantha perez,iris duico , Leah olivar and your ALWAYS 💕.
Good luck on your future endeavor
And i hope someday i will buy a magazine or a book na ikaw yung cover or model continue inspire people not just by tiktok but with your words
I hope to meet you in person just to say thank you ! And hug you ❤❤❤
Iloveyousomuch without any space and more than a 3000 ! Mi amor 🤍
- CAMUS MARY CHRISTINNE D.R BSN 👩⚕️
0 notes
Text
ANG KAHALAGAN NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG-AARAL
Simula ng naimbento ang modernong teknolohiya, nagkaroon tayo ng tinatawag na social media. Internet ay nagbibigay sa atin ng isang mahusay na komunikasyon. Ito ay isang mahusay sa paraan ng komunikasyon at transakasyon sa anumang negosyo o kahi sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa buong mundo.
Ang mass media o social media sa kasalukuyang panahon ay mahalagang bahagi ng pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad. Sinasabing ito ay makapangyarihang sandata o "tool" ng komunidad. Malaki ang papel na ginagampanan sa pagpapalaganap ng mga impormasyon sa kinakailangana maipaalam sa mga mamamayan at lalong-lalo na sa mga mag-aaral. Telebisyon, radio, newspaper, at internet ay mga halimbawa ng makapangyarihang mass media. Ito ay ""accessible" kahit sa mga maliliit na pamayanan sa ating bansa. Ang social media ay isang maka pangyarihang instrumento na ginagamit ng halos lahat ng tao sa mundo, lahat ng gusto mong gawin ay magagawa mo dito katulad na lamang ng paggamit ng Facebook at Messenger na kung saan mas mapapadali ang pag kukumunikasyon at marami pang ibang klase ng social media na pwedeng makatulong sa mga mag-aaral.
Bilang estudiyante, ang laking tulong ng social media sa aking pag-aaral dahil dito ako kumukuha ng ideya at dito rin ako nag hahanap ng ekplenasyon kapag hindi ko naiintindihan ang isang bagay sa pamamagitan ng pag gamit ng Google Search.Sa tulong ng Google Search ay napapadali ang ating paghahanap ng mga kaalaman na ating magagamit sa paggawa ng mg proyecto. Sa tulong nito ay mas madaling natatapos ng mga estudyante ang kanilang mga gawain at natutulungan rin tayo nito na maintindihan ang mga paksang tinalakay na guro di natin naintindiha sa klase. Maaaring rin gamitin ang Google upang makahanap ng mga artikulo na may kaugnayan sa edukasyon. Maaaring ma-access ng mga guro ang web para sa mas mahusay na pag-unawa sa anumang paksa at sa gayon maaari nilang gawing mas malakas ang konsepto ng mga estudyante at ito ay makakatulong rin upang mahanap ang mga larawan, infographics at mga diagram na may kaugnayan sa anumang paksa at kaya ay maaaring magbigay ng mas mahusay na pag-unawa sa paksa. Napakahalaga ng Social Media sa mga mag-aaral, lalo na't sa panahon ngayun na maryoong pandemya, halos lahat ng mga mag-aaral ngayun ay gumagamit ng Social Media dahil isa ito sa mga paraan upang makapag-aral sa pamamagitan ng pag gamit ng mga aplikasyon katulad na lamang ng Zoom, Google Meet, at marami pang iba na pwedeng gamitin upang makatulong sa mga mag-aaral. Isa karin ba sa mga mag-aaral na gumagamit ng mga nabanggit na aplikasyon?.
Sa mga mag-aaral hindi na kinakailangan pumunta sa silid-aklatan at maghanap nag reperensya sa mga bagay na gustong malaman dahil nandiyan si google at youtube sa internet.
Nasubukan muna bang tanungin ang iyong sarili kung “ Ano kaya ang kalagayan ng mga mag-aaral ngayun kung hindi na imbento ang Social Media/Mass Media?”,”Paano kaya masasagutan ng mga mag-aaral ang mga bagay na hindi nila naiintindihan kung hindi nabou ang Social Media/Mass Media?” o kahit anong tanong payan na naiisip mo kapag naririning ko ang salitang Social Media/Mass Media. Pero kung iisipin natin ng mabuti, alam na natin ang sagot sa mga katungan na ating naiisip dahil kung hindi na imbento ang Social Media ay hindi magiging madali ang ating pag- aaral ngayun. Isa ang Social Media sa mga dahilan kung bakit mas napapadali ang ating mga gawain sa eskwela.
Ito ay may malaking naitulong o kontribusiyon sa atin upang tayo ay makapag-aral ng mabuti, madali at komportable kaya't sa paggamit ng social media dapat ito ay bigyan ng halaga. Huwag gamitin sa maling paraan. "think before you click" ika nga nila. Maging sensitibo sa lahat ng ipopost online, lalong-lalo na sa iyong mga importanteng impormasyon. Maraming pwedeng gawin gamit ang Social Media ngunit dapat natin itong gamitin ng maayos dahil ang labis labis na paggamit nito ay mag negatibong epekto na nag reresulta sa pagkakaroon ng addiction rito.
-LOBINO, KENT
15 notes
·
View notes
Text
July #1
GOALS
July na pero wala pa rin akong plano sa buhay ko, lagi akong gumagawa ng goals pero hindi ko rin alam kung nagagawa ko ba talaga ‘yun o mema lang talaga. Wala akong ginagawa kapaki-pakinabang sa totoo lang. Higa, phone, nood ng tv, kain, at ligo lang ginagawa ko buong quarantine. Isipin mo ‘yun simula March - June, kaya naisipan ko na mag-ayos na.
Anyway!
1. REVIEW FOR CETS
Yep, incoming college ako. Wala talaga akong plano sa buhay pero buti na lang bigla na lang ako nagising sa katotohanan na hindi pwede ‘yun. Kaya ayan para naman maging maayos -- may magawa akong tama mag-aaral na lang ako. Bibili ako ng cets book reviewer and self study. Hindi ko nga alam kung paano ‘yung gagawin pero bahala na, sasapakin ko talaga sarili ko kapag hindi ako nag-aral, wala sa plano ko na bumili ng mga libro for cets pero ngayon mukhang kailangan ko nga talaga. Nagkaroon kasi ako bigla ng goal, gusto kong pasukan ‘yung school na ‘yun kaya mag-aayos na ako.
2. HOBBIES
Syempre, bored na bored na talaga ako sa bahay kaya kung ano-ano na lang ginagawa ko dito. Tinatry ko ‘yung diamond painting, nakabuo na ako ng isa at meron pang isa dito. Next, gusto ko gawin ‘yung painting by number hindi ko nga alam kung matatagalan ko ba ‘yun. Hindi pa naman mahaba ‘yung pasensiya ko, gusto ko nang mabilisan. Pero not in a relationship, noh. Gusto ko kasing matutong mag paint hehe, weird. Gusto ko talaga matutong mag drawing pero hays hindi ko ba alam kung aasa pa ako na gagaling ako mag drawing. Sabi ng nanay ko manood lang daw ako sa youtube. Hindi drawing ng tao ‘yung gusto ko kundi mga ulap at langit.
3. BE CLEAN
Okay, ‘wag mo nang guluhin ‘yung kwarto mo kung tamad ka rin naman maglinis. Try to clean it every week. Wala na akong masabing iba.
4. READ
Gusto ko sanang magbasa ng novels pero tamad na tamad na ako. Ang dami ng nakatambak sa tbr list ko. Tinatamad na ako magbasa ng mga fantasy genre, mas nakapokus ako ngayon sa mga contemporary. Gusto kong libro ‘yung madami akong matutunan, ‘yung makakarelate ako. Gusto ko rin makapagbasa ng novels na gawa ng mga Pinoy.
5. PHONE
I really need to limit my phone used. Minsan, umaabot nang 12 hours ‘yung paggamit ko ng phone ko. Ang lala, hindi ba?
Yun lang naman. I’m running out of goals or words to say. Bye, good night.
0 notes
Text
Mga Interes
Fixie Bike
Marami tayong pwedeng maging interes, kahit ano pwede. Isa sa mga interse ko ay pagba-bike. Maraming klase ng bike, diba? Pero ang bike ko ang masasabing pinaka magandang klase para sa akin. Iyon ang fixie bike. Tinatawag itong fixed gear dahil sa ang gear nito sa likod ay nakadikit na mismo sa gulong at kung ano ang ikot ng gulong yun din ang ikot ng gear at kadena nito. Bakit nga ba naging isa to sa mga kinahiligan ko?
Marahil na maiisip niyo kung anong klaseng bike ito at parang grabe ko ito kung ipagmalaki. Dahil marami akong masasayang mga nangyari kasama ito. Sa totoo lang tinuturing ko ang bike ko na baby ko. Nakakatuwa ang mga panahon na sobrang bilis nang pagtakbo ko at habang nagpepedal ka dumadagdaag ito at di tumitigil ang pagpedal dahil nakabase ito sa gulong. Kaya kung gusto mong ltumigil kailangan mong pwersahing pigilan ang pagpadyak. Habang ako ay pabilis nang babilis, bigla na lamang tumigil ang sasakyan sa harapan ko, at dahil baguhan palamang ako ay di alam kung paano huminto at umiwas na lamang ako ngunit nang aking pag-iwas may sumalubong sa akin na sasakyan at natawa na lamang ako dahil ako ay ligtas pa. baka inyong iniisip na bakit hindi ako makahinto eh may brake naman. Iyon ang kakaiba doon, wala iyong brake. Katulad ng sinasabi ko kanina, para ikaw ay makahinto kailangan mong pigilan mismo ang pagikot ng gulong sa pamamagitian ng pwersang pagpigil sa pedal. At iyon ang isa sa mga di ko makalimutang pangyayari sa aking pagba-bike at marami pang kakaibang pangyayaring naranasan ko dito. At habang patuloy ako sa pagba-bike tuluyan ko na nga itong kinahiligan.
Minsan ang buhay natin ay pagba-bike lang ng fixie, kung ang nais mong makapunta sa paroroonan mo kailangan mong maghirap sa pagpapadyak. At kung sakaling nais mong magpahinga, maari kang tumigil pansamantala at muling ibalik ang lakas sa muling pagsampa mo. At kung sakali naming magkamali ka at bumagsak, hindi pa huli ang lahat, pwede kang tumayo at sumampa muli, masakit man ito, ngunit alam ko kakayanin mo namang pumadyak ulit. Yan ang ikot nang pagbabike at hinahalintulad ko ito sa aking buhay kaya ganun nalamang ang pagkagusto ko sa pag-bike dahil habang ako ay nahihirapan, kukunin ko lang ang aking bike at sa labas ako magiisip habang nakasakay ako rito, at doon ay nare-refresh ang aking isip.
-Tan, Justin Emmanuel
Musika
Ang musika ay uri ng sining na ginagamitan ng mga tunog, timbre at ritmo. Bata pa lamang ako nahihilig na ako sa musika dahil sa mga kamag anak ko na mga musikero at musikera gaya ng aking tito. Si tito Bong ay isang magaling na musikero halos lahat ng instrument kaya niyang tugtugin at napakaganda pa ng kanyang boses. Ang pinaka paborito kong tinutugtug ng aking tito ay yung kanyang Piano, tuwing tinutugtug niya ito tuwing hapon ambilis naming lagging nakakatulog kaming mga mag pipinsan. Nakakamangha talaga ang aking tito na iyon isa siya sa mga nag hikayat sakin tumugtug ng instrument.
Nung ako’y tumungtong na ng highschool nung ako’s nasa ikawalong baiting meron kaming subject na Music and Arts at sa subject nay un kailangan na mayroon kayong gitara at tuturuan kami kung paano tugtugin iyon. Ang guro ko sa subject nay un ay si Teacher Benjamin at sa unang araw ng kanyang pag tuturo tinugtug niya kaagad ang kaniyang Gitara at ako’y namangha dahil ang ganda ng tugtog ng instrumento ang sarap sa tenga at napapansin ko na nakakadagdag pogi points yun nung araw kapag marunong ka mag gitara noong nasa ikawalong baiting pa ako. Doon nag simula ang hilig ko sa pag tugtog ng gitara at ako’y nag aral sa eskwela tungkol sa gitara at pagtapos ng pasukan nag aral din ako sa YouTube. Nung ika-siyam na baitang ako’y bumuo na ng sarili kong banda at nag simula ng tumugtug sa mga maliliit na okasyon.
Ang musika para sakin ang lagi kong kasama tuwing ako’y nalulungkot o tuwing ako’y masaya. Naging malaking parte ng Buhay ko ang pag gigitara dahil sap ag tugtog ng instrumento na ito madami akong nakilalang bagong kaibigan at madami akong karanasan sa pag tugtog sa harap ng entablado.
-Benitez, Miguel
Parkour
Ang parkour ay isang extreme sports na gumagamit ng lakas ng braso, mga binti at core ng katawan. Ang ginagawa dito ay tumatalon sa mga obstakels, nagsa-stunts at tilang naglalaro lang. maraming maaring gawin sa pagpa-parkour, maaaring umakyat ng mataas na dingding at meron itong ginagamit na mga pundamentals. Sa pagtalon pababa ay meron din. At doon naipapakita ng parkour ang pagiging isport nito sa pagkakaroon ng mga beysic na mga isteps, at mga pundamentals upang maisagawa ito nang maayos at ligtas.
Ako ay nagsimulang makaalam tungkol sa parkour ay noong bata pa ako, nagkaroon ako ng interes sa isport na ito ngunit hindi ko pa alam ang tamang pagsagawa ng mga galaw nito at ginagaya ko lang kung anong nasa site ng youtube. Ako ay nasa ikalawang taon ng highschool noon. Ngunit nang nasa kolehiyo na ako, ako ay nagulat nang sa aking paglabas sa Mapua at napadaan sa walls na kung tawagin, mayroong mga nagsasanay at naglalaro ng parkour, ako ay lubusang natuwa at lumapit ako sa kanila at nagtanong kung maaari ba akong sumali, at sinabi nila ay oo at magdala lamang daw ako ng jogging pants sa sumunod na araw dahil noong araw na iyon ay di ako komportable sa aking pantaloon upang magsanay. Habang may oras pa noon ay pinapanood ko lang sila at doon ay nagkakaroon ako ng munting kaalaman kung paano ko maaring i-execute ang mga ito at maaari kapag tinuruan ako ng mga basics ay alam ko na agad. Doon nagsimula ang talagang pagpaparkour ko, at ngayoon bagama’t bihira na lamang ako makapag sanay, dahil pinaalis ang mga nagpaprkour doon sa walls, ay alam ko parin kung paano gawin ang mga ito, may ilan mang hindi ko na kaya tulad ng wall spin at flip dahil kailangan nun ay patulous na pgsanay.
Ang parkour ay minsang naging pangarap ko noong bata, dahil sa ako ay humahanga sa mga galaw ng mga gumagawa noon, sa mga palabas o kaya sa mga games or videos. Kaya ganun na lamang ang pagkatuwa ko nang may nakita ako na naggaganoon sa mismong labas ng school namin. At iyon ang isa sa mga nag pasaya ng aking mga activities.
-Tan, Justin Emmanuel
Mga Laro sa Kompyuter
Ang mga kompyuter games ngayon ay tinitignan na isang masamang impluwensiya sa mga bata. Dahil dito mas nagiging bayolente daw ang mga bata sa henerasyon naming. Pero para sa akin naka depende lang talaga ito sa mga larong lalaruin mo. Malaking parte ng aking buhay ang mga kompyuter games, ito ay naging bonding na naming mag pipinsan.
Ang una kong nalaro sa kompyuter ay yung “Counter Strike” itoy laro na may dalawang grupo ito ay yung terrorist at counter- terrorist, ito ay isang bayolenteng laro ngunit isa din to sa rason kung bakit napakalapit naming mag pipinsan sa isa’t isa. Ang nag turo samin ng “Counter Strike” ay si Untoy ang pinaka matanda kong pinsan lagi kaming nag lalaro sa kanyang kompyuter at lagi kaming nag sasalitan sa kaniyang iisang kompyuter. Ang saya naming lagi tuwing kami ay nag lalaro hanggat sa nalaman naming tungkol sa lugar na tinatawag naming “ludz café” isa itong kompyuter shop na kung saan madaming kompyuter at dahil sa lugar nay un di na naming kinailangan na mag hati sa isang kompyuter at nakakalaban na din naming ang isa’t isa. Pangalawa naming laro lagi sa kompyuter shop ay yung DOTA at hanggang ngayon yun padin ang laro naminn mag pipinsan tuwing may okasyon sa amin or reunion lagi kaming nagkikita para mag laro sa kompyuter shop at bumabalik lagi ang aming mga ala ala dun sa kompyuter shop na iyon.
Para sakin hindi lang masama ang nadudulot ng kompyuter games sa kabataan meron din itong dinudulot na mga magagandang karanasan na hindi na natin maaaring maranasan dahil minsan lang tayo maging bata. Ang kompyuter shop na “Ludz café” ay nagsara na at naging carinderia na lamang ngunit lagi padin naming itong nadadanan mag pipinsan at mapapangiti nalang kami sa tuwa.
-Benitez, Miguel
Photography
Ang pagkuha ng litrato ay isa sa mga pinakamagandang hobby. Marami sa buong mundo ang humilig dito. Masasabing sa litrato mapapakita ang maraming istorya o kwento at may isang pangunahing kwento na magbabse sa isang litrato. Ayon ang sining ng potograpiya.
Noong bata ako ay wala akong kahilig hilig sa mga litrato. Bibihira mo makita ang aking mukha sa mga litrato noong bata ako, ni pagselfie ay di ko alam noon dahil siguro sa pag kahiya ko. Ngunit noong nasa kolehiyo na ako, nagkaroon kami ng mga asignatura na tungkol sa aming kurso, isa doon ang photography. Una, pinakita sa amin ang mga sample pictures, at para sa akin, naiisip ko na di ko kayang kumuha ng mga ganoong klaseng mga litrato na magaganda. Sinasabi ko sa sarili ko kung kakayanin ko ba ang mga ito, ngunit habang tinuturo n gaming propesor ang mga detalye at mga hakbang sa pagkuha ng magandang litrato at doon ay naengganyo ako nang ako naman ang sumubok at tuluyan nang nagugustuhan ang pagkuha nito. Marahil ganoon rin ang mga naranasan ng mga taong nahilig sa potograpiya, lalo na kung andun ka sa punto na mapapahanga ka nalang sa mga kuha mo. Doon nagsisimula ang mga kilala sa larangan na ito. Sa una ay hindi nila alam at pagnasubukan ay kaya pala nila, meron naming interesado talaga sila doon at humahanga sila sa mga taong magagaling kumuha, at nagsanay sila. Maraming mga posibleng mangyari pag may interes ka sa pagkuha ng litrato at marami ring posibleng maging karanasan at pati mga oportunidad na maaaring dumating.
Sa pagkuha ng litrato, kailangan mo ng pasensya, hindi basta basta magiging magaling ka, maraming kang pwedeng pagdaanan pa at sa daan na iyon, doon ka matututo. Wag lang tumigil sa kung ano ang gusto mong tahakin, kung balak mo mang maging isang magaling na potograper, ‘wag kang mawalan ng pagasa.
-Tan, Justin Emmanuel
0 notes
Text
Reflection about C++
Ang natutunan ko sa C++ ay kung paano maging is coder. sa una madali lang siya pero habbang tumatagal humihirap siya ng humihirap. ilang beses ako nanood sa youtube ng mga tutorial ng mga codes pero iilan lang din na gets ko. masaya mag codes lalo na kapag nakikita mo na tama yung gawa mo at habbang tumatagal nakikita mo na nag expand yung pag iisip mo sa pag code kasi nakikita natin yung difference simula una kasi simula nung una diba maikli lang yung mga code tas ngayon mahahaba at ibat iba na ginagamit sa una syempre chill ka lang pero pag dating sa kalagitnaan dika na pede mag chill chill. mahirap na masaya ayn ang pakiramdam ng isang nag code. naranasan ko din na kumuha ng code sa google sa kadahilanan na hindi na talaga kaya ng utak mo mag isip kung paano yun at anong code kailangan gamitin. thats all
isang lang masasabi ko Thank you Sir. Antonio cabibihan
0 notes
Photo
God of my youth I remember Your call on my life took me over Your love has seen me through all my days I stand here by Your grace On this altar I've written my life Tells of a story I have with You my Lord I want the world to know Unang verse pa lang, nafeel ko na ang song. Nagflash back lahat ng pagsisimula ko sa pagkilala sa Diyos. Teenager ako that time na nagtanong sa sarili kung sino ba Siya talaga, kung anong mangyayare sakin pagkatapos mag aral, magtrabaho, mag asawa, magpamilya at mamatay. Nakakatuwa lang isipin na ilang taon na pero nandito pa din ako, nagpapatuloy sa buhay. Masaya ko kasi nakilala ko ang Diyos kahit teenager lang ako na hanggang ngayon, sobrang ramdam ko ang love Niya sakin :) Nakita ng Diyos lahat ng achievements and success ko in life, nakita din Niya pati setbacks and failures. God of my forever And forever I'm with You My life is saved with a price Your sacrifice redeemed my soul Nung una talaga, hindi ako aware sa mga ganto. Totally, hindi naman ako religiously active talaga. Maski nung bata ako. Sinasali ako dati sa choir sa simbahan, ayaw ko. Dinadala rebulto ni Mama Mary sa bahay every October para dasalan ng rosary. Tandang tanda ko kung paano ko sinabi ito habang nagdadasal si Papa ng Aba Ginoong Maria, samantalang ako nagbibilang lang ng beads kung pang ilan na: "Papa Jesus, hindi po ako marunong magdasal, pero gusto ko po ng masarap na pagkain, gusto ko po mawala yung bigote ko kasi ginaya ko po si Papa ahitin.." Ngayon 'pag naiisip ko lahat yun, napapa 'Thank You, Lord' na lang ako na nalaman and naexperience ko ngayon. Parang ang layo na ng journey ko pero sa totoo lang hindi naman importante kung malayo na -- ang mahalaga kasama ko Siya :) God of my forever And forever I will sing My greatest honor will always be To serve my Lord and King Bata pa lang ako mahilig na ko kumanta. Tuwang tuwa si Daddy (Tito ko) sa Laguna kasi kaya ko kantahin music video ng Westlife songs kahit walang subtitle. Lagi din ako nakikinig ng mga songs ng Backstreet Boys, minememorize ko kasi yung lyrics na nakasulat sa cassette tape para masabayan ko yung kanta sa Walkman. Kaya nung time na bago din ako sa Church, nadala ko yung ganung attitude. Tinatanong ko kay Shane lahat ng title ng kinakanta pag Service, piniprint ko tapos kinakanta ko, sinasabayan ko sa mp3 kahit nasa CR ako naliligo. Hahaha. Then one night napanood ko yung music video ni Sandi Patty na 'No Other Name' kasi hinahanap ko songs sa Youtube. From that moment, sabi ko, "Gusto ko din kumanta para sa Diyos." Pag practise sa Church, sumasali ako. Nakikiback up lang. Nakikikanta. Nag ssong offer na din ako kasama sila Shane, MJ and Jeff. Tapos isang araw sabi ko nang napakasimple, "Pwede po ba ko mag MC?" Sobrang plain minded ko nung sinabi ko yun. Kasi ang gusto ko lang talaga kumanta para sa Diyos, pero hindi ko alam lahat ng kaakibat non. Ang sagot lang sakin, hindi pa pwede. Magpractise lang daw muna ako. Nagbback up pa din ako nun. Tapos isang Sunday, binalita samin ni Ptr. Alex na baka lumipat na ng Muntinlupa si Bro. Jong, ang sabi sakin, "Ter Jam, maghanda ka na baka isalang ka na, mawawala na si Bro. Jong sa Malanday." Honestly di ko maalala kung kinabahan ako that time mismo pero naexcite ako. Nagtext pa ko kay Shane, "Shane, masaya ka ba na yung dinala mo, magagamit na din sa gawain? Baka daw isalang na ko sabi ni Ptr." Excited talaga ako nun. Pero nakaramdam na ko ng kaba din. Meron din akong stage fright. Tanda ko unang kanta ko nun is 'Dakilang Katapatan'. Sa kaba ko wala ako sa tono. Hindi naman din kasi ako singer talaga. Ilang ulit ako na assign as Worship Leader (hindi pa MC) pero ilang beses din ako pumalya. Pati mismong Service pinahinto ako ni Ka Bob, "Ter, sintunado ka. Ulitin natin." Mismong Service na yun at namutla talaga ko sa sobrang hiya. After nun hindi na ko kumanta ulit. Sabi ko na lang, "Lord, gustong gusto ko kumanta para Sa'yo. Kaso parang ayaw sakin ng mic e." Nagtuturo din si Sis. Gemma ng Sunday School, namention niya, "Kapag sintunado ka, wag mo na ipilit. Maghanap ka na lang ng ibang ministry." Sobrang nasaktan ako nun. Buti na lang tinuro ni Ptr. Alex na hindi tao ang pinupunta natin sa gawain. Buti na lang kahit papano nakaya ko pa rin umattend. Pero nagpaalam ako, "Ptr., papaalam po sana ako na hindi po muna magpa assign as Worship Leader. Mag aaral po muna ako kumanta. Babalik po ako pag magaling na po ako kumanta." Hindi ako pinayagan ni Ptr. Ang basis ko kasi ng galing nun si Shane. Abot na abot niya lahat ng nota. Nakakakanta siya galing diaphram. Ang ginawa ni Ptr, lagi niya ako inaassign. Pero pilit akong tumatakas. During Service nakikipagpalit ako kay Shane kasi natatakot na ko magkamali sa harap. Pero sobrang sakit kasi gustong gusto ko kumanta pero di ko magawa kasi wala ako sa tono. Sobrang bigat. Isang pangyayare ang nagmulat sakin. Dapat mag aabroad ako. Actually okay na lahat, gastos sa ticket meron na. Tutuluyan sa abroad meron na. Trabaho magkakaron na. Ako na lang hinihintay. Pinipilit and ilang beses kami nag aaway ni Mama dahil gusto niya magwork ako dun kahit 2yrs lang para makapag ipon ako pambayad ng gastusin sa bahay. Di pa kasi graduate si Kuya nun, nauna ako magwork. Pero pag naiisip ko na mapapalayo ako sa Church, sobrang sakit. Every night ako umiiyak sa cabinet. Nakikiusap sa Diyos na ayaw ko umalis. Na sana makahanap ako ng trabaho dito sa Pinas. Simula nun tinayuan ko. "Hindi ko kaya maglive stream lang sa LAMP Webcast. Hindi ko kayang makita sila sa FB lang. Makakahanap ako ng work dito. Aasenso ako sa Pinas habang naglilingkod." Tinapangan ko sarili ko kahit deep inside umiiyak ako kasi ayaw ko talaga umalis. Ang sabi ko pa, "Susulitin ko na lahat ng ginagawa ko sa Diyos." Nasa isip ko lagi pag naka assign ako as Worship Leader, parang huling kanta ko na sa pulpit yun. Inayos ko sarili ko, minemorize ko lahat ng kakantahin ko. Bumili ako tumbler ng tubig, lagi kong dala ang song book ko. Inembrace ko pagiging Worship Leader. Sineryoso ko na kasi sabi ko susulitin ko na talaga bago ako umalis ng Pinas (kahit ayaw ko) Binago ko din ang prayer ko, "Lord, hindi ko na hinihiling na gumanda boses ko. Ang prayer ko, boses na makakaWorship sila." Isang araw, kumanta ako, umiiyak silang lahat. Natakot ako. Nakipag palit agad ako kay Shane. Pinikitan ako. Wala na kong choice kundi ituloy, sabi ko bahala na si Lord. Umiyak sila lalo. Naiyak na din ako. Sobrang ramdam ko. Yun yung kauna unahang breakthru ko. Ang kanta namin nun, "We will serve the Lord" Madami pa kong experience about Worship Leading. Sa lahat ng ginagawa ko, sobrang honored ako maging MC/ Worship Leader. Gustong gusto ko maging effective na Worship Leader. Masaya ako kapag lahat kami nakakapa Worship. Basta, hindi ko madescribe. Sa totoo lang, nung tinanon kami sa Workshop ni Bro. Makoy kung saang volunteer namin nakikita sarili namin sa 10,000 souls event, gusto ko sana isagot, "Maging Worship Leader". Pero alam ko sa sarili ko na hindi pa ko handa. Madami pa ko dapat matutunan. And di ako magsasawang kantahin, "God of my forever, and forever I will sing -- my greatest honor will always be to serve my Lord and King" :) Dami ko pa gusto sabihin Lord Jesus. Pero to be continued muna. Hehe ugh. Bastaaa :) Lovelots, Jamie
0 notes
Text
That Thing Called Tambayan
May mahabang pagsusulit ka ba sa gabi? O may inaantay? Kailangan ng pampalipas oras? Kailangan mo ba ng lugar kung saan pwede tumambay? Kailangan mo ba ng pahingahan pagkatapos ng isang mahaba at nakakapagod na araw? Kung oo ang sagot mo, narito ang mga lugar na pwede mong puntahan!
RIZAL LIBRARY
Naalala ko, may mahabang pagsusulit kami noon sa matematika, 6:30 NG, eh 12 NT pa lang uwian ko na, kaya kailangan ko pang mag-intay ng lagpas anim na oras para sa pagsusulit ko. Ano namang gagawin ko? Ayan, nakita ko ang New Rizal Library. “Papasok na lang nga muna ako… tutal wala akong magawa”.
Bago makapasok, kelangan i-skan muna ang sariling I.D. Hindi ka makakapasok kung wala kang I.D., kaya lagi mo itong dalhin. Nang makapasok ako, umikot-ikot muna ako. Sa unang palapag, makikita ang mga napakabait at matatutulunging katiwala ng aklatan. Sa kanila ka maaaring magtanong ukol sa pasikot-sikot ng Rizal Lib.
Makikita rin sa unang palapag, maging sa susunod na tatlong palapag, ang ilang mesang isahan para sa mga estudyanteng nais mag-aral nang tahimik o matulog.
Kung gusto mo namang mag-aral nang may kasama at hindi mo kayang magsalita nang bumubulong, ang ikalimang palapag ang para sa’yo. Dito may mga malalaking mesa para sa mga pangkatang-gawain, para sa pagchichikahan ng mga magbabarkada o pagtambay. Pwede rin pala kayong magrenta ng board games!
Kung sawang-sawa ka naman nang mag-aral, syempre kelangan mo rin ng pahinga at maibibigay rin iyan ng Rizal Library sa’yo!
Sa ikalawang palapag, narito ang Multimedia Resource Center o MMR. Dito maaari kang manood ng iba’t ibang palabas, mula sa mga koreanobela hanggang sa mga serye at pelikula. Iskedyul mo lamang ang iyong panonood at maaari na kayong magpalipas ng oras dito kasama ang inyong mga barkada.
Kung kailangan mo naman ng kompyuter, sa ikatlo at ikaapat na palapag, may Information Commons, kung saan maaari kang gumawa ng papel, manood ng mga bidyo sa Youtube, atbp maaaring gawin sa kompyuter.
Sa mga nalaman ko, napakarami pala talagang pwedeng gawin sa Rizal Library kung kaya’t simula nang mapadpad ako rito, lagi na akong laman ng silid-aklatan, lalo na tuwing may mahabang pagsusulit ako. Sapagkat dito, napapalipas ko ang aking oras nang may saysay (atsaka malapit rin ito, hindi ko na kailangan pang lumabas ng kampus) Minsan nasa unang palapag kung maikli lang ang kailangan kong hintayin, o kaya naman sa ikaapat kung mahaba-haba. Madalas, nag-aaral, gumagawa ng mga takdang-aralin, o kaya naman minsan natutulog, o nagpepeysbuk. At sa paglalagi ko sa silid-aklatan may mga nabatid akong mga dapat at hindi dapat.
Halata naman siguro na silid-aklatan ang iyong pinuntahan at hindi palengke, kaya manatiling tahimik lalong-lalo na sa una hanggang ikaapat na palapag. Sa ikalimang palapag naman, pwede namang magsalita nang normal.
Kung gusto mong kumain, sa labas ka muna. Hindi pwedeng kumain o uminom sa loob ng aklatan.
Kung may nais kang malaman tungkol sa aklatan, wag mahihiyang magtanong (kung may ritemed ba nito? Joke … pero aminin kinanta mo :P) Wag mahihiyang magtanong sa mga katiwala ng aklatan/ laybraryan natin dahil hindi naman sila nangangain ng tao at talagang matutulungan ka nila.
Hindi rin naman ito restawran, mall, kaya parang hindi naman angkop na magdate o magchikahan sa loob ng silid-aklatan.
Pwedeng mag-charge!
Alagaan ang mga sariling gamit.
Magdala ng dyaket! Malamig sa loob lalo na sa ikalawa hanggang ikaapat na palapag. Kaya kung ayaw mo manigas, sundin mo ang payo ko, hahaha.
Gaya sa lahat ng lugar sa Ateneo, nag-aaplay rin dito ang CLAYGO. Clean as you go o linisin ang ginamit na mesa bago umalis at huwag mag-iiwan ng kalat.
Walang pakielamanan at wag mang-iistorbo!!!
Sundin ang lahat nang nasa itaas, kung ayaw mong mapalabas! 😆
MINESKI INFINITY
Address: 24 Dela Rosa St. Katipunan, Quezon City, 1100, Philippines
Bago ka lang ba sa Ateneo/Katipunan at hindi pa rin alam kung saan pwedeng tumambay tuwing break? Mahilig ka ba sa computer games? Walang magawa pagkatapos ng klase? Isa lang ang sagot ko para sa mga tanong na iyan: Mineski Infinity. Isa itong computer shop na matatagpuan sa labas lamang ng paaralan, malapit sa may Regis Center. Napakaraming estudyante ang pumupunta rito upang magpahinga at maglaro, o kaya’y may malaking puwang sa pagitan ng dalawa nilang klase, kaya roon na lang nagpapalipas ng oras.
Depende sa oras na pupunta ka rito kung gaano karami ang nandoon. Pagpasok mo pa lang ay makikita mo agad ang iilang hanay ng mga kompyuter, keyboard, at mouse.
Pupunta ka lang sa may counter sa tabi, magbayad ka lang kay kuya/ate (o kaya para sa iba, lagyan ng load ang kanilang card), at puwede ka na pumunta sa isa sa mga kompyuter. Marami rin ang mga larong pwede mong pagpilian dito, tulad ng DotA, League of Legends, Overwatch, atbp. Huwag mo lang sirain ang gamit (may iilan kasi doon na hinahampas ang kanilang keyboard, pag napipikon o nawiwili na sa laro) para hindi ka mapagalitan!
Tulad ng maraming lugar, ipinagbabawal din dito ang pagkakalat ng basura kung saan ka man nakapuwesto. Pinakamahalaga sa lahat siguro: huwag na huwag mong didistorbohin ang mga katabi mo. Napakaraming mga tao ay nandoon upang maglaro, at kung guguluhin mo sila, sigurado akong makakahanap ka ng away (lalo na kung puro talo sila kanina lang ).
Sa katotohanan, simula noong nasa mataas na paaralan pa lang ako sa Ateneo, diyan na kami pumupunta ng aking mga kaibigan. Bumagsak ka sa isang mahahabang pagsusulit? Mineski. Broken hearted kaibigan mo? Mineski. Sa paglipas ng panahon, ang computer shop na ito ang naging lugar namin para makalimutan ang mga nangyayari sa aming buhay, kahit panandalian lamang ito. Siguro masasabi namin na ito ang aming bersyon ng pag-inom pagkatapos ng isang masamang pangyayari (bago kami natuto uminom). Ngunit kahit ganito kami, hindi naman kami lagi pumupunta roon tuwing malungkot. Minsan, pumupunta kami sa Mineski upang magdiwang, at ito’y nagiging isang uri ng gantimpala para sa aming sarili pagkatapos ng isang pagsusulit. Isang halimbawa nito ay ang araw ng aming ACET. Ito agad ang una naming pinuntahan nang matapos ang buong pagsusulit. Syempre naman, pagkatapos ng ilang linggong ginamit para mag-aral tungkol sa iba’t - ibang paksa, kailangan mo naman ng panahon upang magpahinga.
Dahil sa Mineski, may napupuntahan na ako sa labas ng Ateneo upang iwasan muna kahit nang panandalian ang aking mga responsibilidad, at maging masaya. Alam ko naman na maaari ko namang dalhin ang aking laptop araw-araw at kahit sa loob ng paaralan ko na lang gawin itong lahat, tsaka makakatipid pa ko, ‘di ba? Tama naman iyan, pero para sa mga tulad kong nagkokomyut pauwi, dagdag dalahin lang ang laptop sa mabigat ko nang bag. Dahil sa Mineski, hindi ko na kailangang magdala ng isang napakabigat na bag. Oo, gagastos ka, ngunit ang makukuha mong kapalit na bawas sa dadalhin, at magandang kompyuter at internet ay malaking tulong para sa pang-araw-araw na gawain.
STARBUCKS KATIPUNAN
Address: Katipunan corner Rosa Alvero, Quezon City, Tapat ng Pamantasang Ateneo de Manila
Oras nagbubukas: 6:00 NU - 12:30 NU
Bihira lang ako pumunta dito, pero siguro masasabi ko na rin na ang Starbucks sa Katipunan ay isa sa mga lugar kung saan kami pumupunta upang magpalipas ng oras. Kung gusto niyo ng lugar upang makipag-usap at magchill kasama ang barkada mo, Starbucks na ‘yan! Pwede rin kayo mag-aral dito habang kumakain pa! Pwede nga lang maging maingay dito, pero kung kasama mo naman mga kaibigan mo, magiging maingay naman talaga kayo eh kaya sumama na lang din kayo.
Pagpasok mo dito, ang una niyong makikita ay napakaraming mga upuan at mesa, at karamihan dito ay okupado na ng mga tao. (Wala nga lang dyan sa picture, baka kinunan yan noong sarado pa sila, kasi kakarenovate lang) Syempre naman, ang Starbucks ay kilala sa buong mundo, kaya pupuntahan talaga ito ng iba pang tao. Napansin ko ring ang hilig talaga nila sa kahoy, kasi iyon ang laging pinipili nila para sa kanilang sahig at pader, hindi lang sa branch na ito, ngunit sa kahit saang Starbucks na pupuntahan ninyo. Naiintindihan ko naman, kasi ang ganda ng vibe na ipinaparamdam nito sa iyo pagpasok mo pa lang doon.
Malamang sa malamang ay hindi kayo tatayo lang habang nandoon kayo (malay ko na lang sa inyo kung ginawa niyo yan), kaya maghahanap muna kayo ng puwesto bago niyo gawin ang kahit ano man. Pagkatapos niyan ay pupunta naman kayo sa may kounter, kung saan kayo ay tatanungin ng kahera kung ano ang inyong gusto at susubukan niyang intindihin kung paano isusulat ang iyong pangalan sa baso (lagi na lang ba tayo ganito kuya? Iyaq). Tapos kayo ay tatawagin na lang pag nandoon na ang iyong inuming binili.
Simple lang naman ang mga dapat mong hindi gawin dito. Una, wag kang magkakalat. Syempre naman, ito ay isang lugar para sa lahat, kaya kailangan maging disenteng tao ka dito. Pangalawa, wag kayong masyadong maingay. Hindi lang kayo ang narito, at hindi ito palengke kung saan pwede lang kayo sumigaw. At pinakahuli, at pinakamahalaga sa lahat, huwag na huwag niyong guguluhin ang ibang tao. Baka sila ay nananahimik lamang at nandoon din para magpahinga. Huwag mo sirain ito para sa kanila.
Kahit nandito kami para kumain habang may ginagawa kami, madalas naman sa aming grupo ay ako ang hindi bumibili dito, pero nababaliw talaga ang mga kaibigan ko sa kung anu-anong binibili nila. Minsan, kahit kape lang ay pinagkakaguluhan na nila. Ganoon nila kagusto ang Starbucks! Eh ako naman? Ito, nakaupo lang kasi nagtitipid (Bakit kasi ang mahal dito? Haaay). Pero okay lang, masaya naman ako kasi nandito mga kaibigan ko. Aral man o kuwentuhan, kahit anong araw na magkasama kami dito ay laging masaya pagkatapos. Dahil sa lugar na ito, nabibigyan ako ng oportunidad na magkasama kami sa isang lugar, at malaman kung anu-ano na ang nangyayari sa buhay ng bawat isa.
Mga pinagkuhanan ng larawan:
https://www.facebook.com/MIkatipunan/
http://rizal.library.ateneo.edu/node/184
https://www.zomato.com/manila/starbucks-1-loyola-heights-quezon-city
https://www.facebook.com/StarbucksPhilippines/photos/pcb.10156689182097925/10156689181837925/?type=3&theater
0 notes
Text
Bakit Baliktad Magbasa si Malou?
Kwentong Pambata Category
SA PANULAT NI JELLY CHRONOLOGY
* * *
Madalas na pinagtatawanan si Malou, kasi naman, mali-mali siya kapag pinagbabasa nang malakas ni Teacher Felicity. Simpleng salita lang katulad ng “babae” ay nagiging “ebaba” o kaya ‘yong salitang “guro” na nagiging “urog”.
“Eight years old ka na, Malou, pero hindi ka pa rin marunong magbasa?”
Ngumingiti lang si Malou kapag tinatanong siya ng gano’n, pero sa looban niya ay nalulungkot siya. Minsan umiiyak siya sa Mama niya kasi nasasaktan siya sa mga pang-aasar ng mga kaklase niya.
Niyayakap siya ng Mama niya at kinakantahan para makatulog.
Ordinaryong bata lang din naman si Malou. Mahilig siya sa tsokolate at ice cream. Madalas din siyang nasa harapan ng iPad, kaso puro panonood lang ng videos sa YouTube ang ginagawa niya kasi hindi siya marunong magbasa kaya wala siyang Facebook, hindi katulad ng mga kaklase niya.
At mahilig din naman siyang magbasa ng libro, ‘yong libro na nahahawakan. Minsan magpapatulong siyang magbasa sa Mama niya, pero kahit kailanman ay hindi sila nakakatapos sa pagbabasa.
Naiintindihan naman ni Malou.
Isang araw, nagkaroon sila ng project sa school na gumawa ng isang storybook tungkol sa taong iniidolo nila. Nag-uusap ang mga babae niyang kaklase. Magsusulat daw sila ng fairy tales na may prinsesa, kasi gusto nilang maging prinsesa balang araw.
“Ang story ko, tungkol kay Elsa at Anna!”
“Sa’kin kay Moana of Motinui kasi gusto ko siya!”
Sa mga lalaki naman niyang kaklase, mga heroes o bida raw sa mga video games. Hindi rin naman maintindihan ni Malou kasi mahirap sabihin ang mga pangalan ng mga characters na ‘yon.
Pero para kay Malou, isa lang ang naiisip niya—wala nang iba kundi ang Mama niya.
“Teacher Feli,” nagtaas ng kamay si Malou. “Pwede ko bang gawing bida si Mama ko?”
Napataas ng kilay ang isa niyang kaklase. “Bakit ang Mama mo?”
“E kasi idol ko siya.”
“Yuuuuuck! Baduy!”
Nagsalita si Teacher Felicity na nakangiti. “Oo naman, Malou. Kung siya ang idolo mo, nirerespeto namin ‘yon. ‘Di ba, class?”
Sumagot na lang ng “Opo” ang mga kaklase niya.
Ilang gabi ring hindi nanood ng videos ni Moana si Malou kasi nanonood siya ng mga videos tungkol sa paggawa ng storybook. Sinusundan niya lang kung ano ang nakikita sa video, na mabilis niya namang magaya. Nasa kwarto lang siya dahil gusto niyang surpresahin ang Mama niya.
Hanggang sa dumating na ang araw para iprisinta sa harapan ng klase ang ginawang storybook. Magaganda ang mga gawa ng kanyang mga kaklase. Meron din namang iba na pinili ang Mama at Papa nila na mga bida. Kinakabahan si Malou.
“Sige, class, makinig naman tayo kay Malou.”
Pumunta na siya sa harapan at pinakita ang ginawa niya. Maraming napa-“wow” dahil maganda ang gawa niya. Makulay ito at maraming dekorasyon. Ang mga ginamit lang ni Malou sa paggawa ay mga balat ng tsokolate at kendi. Nakakaakit din sa mata ang cursive na sulat niya, na may nakasulat na “Idol ko si Mama”.
“Lodi ko si Mama,” sabi niya nang malakas.
Natawa naman ang mga kaklase niya. “Idol kasi!” sigaw nila.
“I… Idol ko si Mama,” ulit ni Malou. “Lo… Idol ko siya kasi mahal niya ako.”
Binuksan niya ang storybook at napunta siya sa unang pahina. Napa-“wow” ulit ang lahat dahil maganda ang drawing ni Malou na kinulayan pa.
“Si Mama… ‘di siya marunong magbasa.”
Nagulat ang buong klase.
“Pero kaya niya, kasi nag-lara… nag-lar…”
“Aral?”
“Nag-aral siya. May hinahawakan siya na bagay para makapagbasa siya, kasi… si Mama, ‘di rin siya nakakakita.”
Lalo pang nagulat ang lahat. Nagsimula silang bumulong. Pinatahimik naman sila ni Teacher Felicity.
“Minsan, hinahawakan ko rin ‘yon para matuto ako magbasa, pero ‘di ko alam paano. Kaya tinuruan ako ng Lola ko, pero minsan baliktad akong magbasa.”
Pinagpatuloy niya. Nilipat niya sa kabilang page na may drawing ng mukha niya na umiiyak. “Nahihirapan akong magbasa, pero si Mama, nahihirapan din.”
Sumunod na pahina. Drawing ulit ng Mama niya na may hawak na kakaibang libro. “Pero lodi ko siya kasi tina-try niya pa rin.”
Hanggang sa umabot na si Malou sa huling pahina. “Si Mama ang pinaka-petmalu sa lahat! Kahit wala siyang mata, sobra-sobra naman siya sa puso kasi mahal na mahal niya ako at mahal ko rin siya.”
“Kaswa.” Pagtapos ni Malou sa pagpiprisinta niya.
Ngayon, si Malou naman ang nagulat dahil lahat ng mga kaklase niya ay pumalapak nang malakas. May mga umiyak din, kasama na si Teacher Felicity. Lumapit ang mga kaklase niya at niyakap si Malou.
“Sorry kasi lagi ka naming inaasar,”
“Lodi ko na rin si Mama mo at lodi na rin kita,”
“Hindi na kita aasarin, Malou. Friends na tayo!”
Ngumiti si Teacher Felicity at niyakap din si Malou. “Salamat sa pagiging matapang para ibahagi ang kwento mo, Malou. Lahat tayo, may taong hinahangaan, pero kakaunti lang naman talaga sa’tin ‘yong nakikita ang tunay na halaga ng mga taong ‘yon.”
“Kaya class, kung may tao tayong hahangaan, una sa lahat ang mga magulang natin. Kasi ang laki ng sakripisyo nila sa’tin at patuloy silang lumalaban kahit nahihirapan. Kapag nalaman natin na lodi natin sila, balang-araw, lalaki tayong katulad nila na sobra-sobra rin sa puso.”
Sumagot ang buong klase ng “opo”, pero ngayon, hindi na sila napilitan. Simula rin no’n ay tinutulungan nila si Malou sa pagbabasa.
Dahil simula no’ng araw na ‘yon, nakita rin nilang isang idolo ang ordinaryong batang tulad nila. Si Malou, sa edad na walo, ay patuloy na sumusubok kahit nahihirapan.
Dahil kahit baliktad magbasa si Malou, diretso naman ang pagtingin niya sa pangarap niya.
* * *
Ang “Bakit Baliktad Magbasa Si Malou?” ay lahok sa Saranggola Blog Awards 9 para sa kategoryang “Kwentong Pambata” na may paksang Idolo.
Sponsors:
Cutural Center of the Philippines
Device Philippines
1 note
·
View note
Text
Fangirling
May nagtanong sakin,
“Ate Pau kailan ka nagsimula sa pagfafangirl? Anung pakiramdam ng pagiging Fangirl?”
Ayoko sana pansinin yung tanong niya. Pero natuwa nalang ako bigla nung naalala ko kung kailan ako nagsimula. Ang daming flashback bigla nalang ako kinilig.
Nagsimula ko maging fangirl nung nauso yung Kdrama dito sa Pilipinas. Elementary palang ako noon. Gabi pa naman pinapalabas yung mga kdrama sa ABSCBN noon hahaha. Napupuyat ako kakapanuod. Sa dami nga ng napanuod kong kdrama nung mga panahon nayon yung iba limot ko na. Syempre yung mga nagtrend talaga yung hanggang ngayun alalang alala ko pa for examples Princess Hours, Boys Over Flowers, My Girl, He’s Beautiful, Lovers in Paris at madami pa hahaha. Hanggang ngayon fangirl padin ako ng kdrama. Yung kahit alam kong may trabaho pa ko bukas wala kong pakielam basta makapagpuyat ako makapanuod lang. Recommended kong panuorin ninyo eh yung mga sumikat noong 2016 tulad ng Descendants of the Sun, Uncontrollably Fond, Oh My Ghost (2015 ata to), W two worlds, Cheese in the Trap, Weightlifting Fairy Kim Book Ju, Goblin (ay sobrang ganda nito bes ahaha), The Legend of the Blue Sea, madami pa eh search mo nalang LOL
Nagsimula dun pagiging fangirl ko sa mga actors ng south korea. Ang tanda ko pinakagusto ko si Kim Bum ng Boys over flower. Nabili pa ko ng posters at stickers basta siya yung mukha na nandun. Ngayon ang pinakagusto ko na ay si Song Joo King ng Descendants of the Sun. Madami niya akong pictures sa cellphone ko pati sa Laptop.
Dun nadin sumikat ang Kpop. Aaminin ko naadik din ako sa Kpop. Maganda kasi yung music nila nakakahooked. Pinaka gusto ko that time ay ang CNBlue at Super Junior. Ngayon kasi isang group nalang gusto ko ang EXO. Ayoko nadin kasi maadik masyado ang gastos kasi HAHAHAHA!
Usapang International naman tayo. Isa din akong makaBelieber. Opo fangirl din ako ni Justin Bieber. Simula palang ng sumikat siya at masasabi ko ding hanggang ngayon. Nakakainspire kasi ang kwento niya. Kahit madami ng negative na comments about him. Plus points pa yung mga kanta niya na nakakabilib talaga. Naalala ko tuloy nung high school nanuod pa kami ng Sine ng kapatid ko nung nagshowing yung Never Say Never.Then bumili pa kami ng libro sa sobrang naaddict kami. Pero ngayun mild nalang di na ko super fan.
Maiba muna tayo. Fan din kasi ako ng Movies, yung Romantic at Comedy lalo ng Fiction Movies. Gusto ko din ng Horror basta wag lang ako ang manunuod mag-isa. Ang pinakagusto kong Fiction Movie sa lahat ay Harry Potter. Kaya ko ata tapusin lahat ng Series ng isang buong araw. Sobra akong natutuwa sa mismong story at kung paano nagmukhang realistic yung nababasa ko lang sa libro. Yung moments na maiinis ako sa dami ng nalilink na babae kay Harry at kung paano ko kiligin sa love story ni Hermione at Ron. Magulat sa magagandang effects nung una palang ilabas ang pinaka unang movie ng Harry Potter. Naalala ko pa sinasaulo ko pa yung mga spells na nababanggit noon, yung pinakasikat na spell ay “wingardium leviosa”.Kaya nung natapos ang Harry Potter sobra din akong nalungkot kasi childhood life ko nadin yun eh. Malaking impact non sa buhay ko, doon din kasi nagsimula yung pagiging imaginative ko. Sana lang talaga magkaroon ulit ng movie.
Balik tayo sa Music. Fan din ako ng Jonas Brothers, kaya nabwiset talaga ko nung nawala na yung band na to. Si Cody Simpson gustong gusto ko din, nakakahooked din kasi yung mga kanta niya. Naadik din ako kay Jessica Sanchez #BluJay, gandang ganda talaga ko sa boses niya tss di ko nga maachived eh kahit soprano na ko sa lagay na to HAHAHA.
Pag usapang band naman doon muna tayo sa International mamaya na yung Local. One Direction Band imposibleng di mo to kilala. Nung nasa talent show palang sila suportado ko na sila. Yung laptop nga namin sasabog na sa sobrang dami nilang pictures at videos. Nakakainspired din kasi yung kwento nung bawat miyembro. Sayang nga lang at nabawasan na sila. Wag lang talaga silang mabuwag kasi madaming magwawala.
Alam ninyo ba yung bandang Big Time Rush? Sila yung may TV Series pa sa Nickelodeon. Pwera sa maganda yung music nila at ang gwapo ng members, nakakatuwa din yung palabas nila. Comedy na may romance na may kasamang kantahan pa. Kung wala kang cable sa bahay ninyo noon malamang di mo sila kilala. Paano mo pa makikila ang The Naked Brothers Band? Di ako nagyayabang kasi may cable kami pero hindi mo kasi sila makikilala kung wala kayo noon. Gustong gusto ko din yang TNBB kasi may TV Series din sila at nakakatuwa yung story nung magkapatid sa banda. Search mo sa google para maintindihan mo yung nababasa mo ngayon.
Halata nabang Nickelodeon Kid ako? Pwera sa Disney Channel mas gusto ko manuod sa Nick eh kasi may realistic hindi puro cartoons lang. Tsaka may mga Comedy Series kasi sila. Ang gusto ko lang sa Disney na TV Series ay yung Jonas Brothers.
Eto na yung last puro kasi labas ng Pilipinas ang nabasa mo sa una. Dumako naman tayo sa Local Artist ng Pilipinas.
Simulan ko sa mga grupo lang at solo artist na di pa gaano sikat o sikat na talaga.
Chicser. Hahaha yes naging fan nila ko lalo na ni Cav. Ang gwapo kasi, and Yes fan nila ko kasi gwapo sila. Yun nay un hahaha.
Migz Haleco. Sa soundcloud ko lang siya unang nakilala. Tas ayun nakilala nadin siya sa television simula ng ginawan nila ng bagong version yung isang movie ng ABSCBN. Gandang ganda ko sa boses niya kaya nasa playlist siya ng soundcloud ko.
Luigi D’ Avola. Sa youtube ko naman siya nakilala. Nagka music video din siya na pinalabas sa MYX kaya medyo nakilala siya that time. Ngayon kasi di na siya active pero latest lang nung sumali siya sa Pinoy Boy Band. Nagulat pa ko kasi nagbago ng kaunti yung mukha niya tsaka kilala siya ni Yeng kaya alam niya na maganda ang boses ni Luigi.
Jude Sinahon. Sa twitter siya sikat. Gwapo kasi hahaha. Tsaka ang sweet niya sa girlfriend niya. Swerte ni Ate Girl.
Kimpoy Feliciano. Si Mr. Banat guy na mahilig mag video. Sumikat naman siya sa mga videos niya sa Youtube na kung hindi banat ay pang heartbroken naman. Sikat din siya kasi nagkaalbum na siya noon. Maganda din kasi ang boses niya. Yung boses ng pasweet ganun! Haha. Naalala ko nakita ko na siya sa personal tas may selfie pa kami. Wala pa kong papel that time kaya di ko alam kung saan siya pwede pumirma kaya ayun sa pitaka ko nalang siya pumirma.
Marcelo Santos. Isa pa to sa Youtube ko din siya nakilala. Puro Slideshow stories palang ginagawa niya nun. High School ako that time, kinikilig pa ko sa mga ginagawa niyang stories. Hanggang yung dating stories lang ginawa na niyang short movies. Nakilala na siya lalo kasi ang talinghaga ng mga salita niya. May mga libro na nga siya eh. May sense basahin worth it kaya bumili na kayo. And nakakatuwa dahil isa din siyang PUPian na katulad ko.
Syempre hindi lang yan meron pa HAHAHA.
TJ MONTERDE. Ang lalaking bumihag sa puso ko haha joke! Paano ba naman kasi pag nakanta siya parang nanghaharana lang. Yung tipong ang sarap iboyfriend! Isa ako sa masugid niyang tagahanga. Naiinlove ako sa mga kanta niya. NakakaLSS tas feeling mo ikaw yung kinakantahan. Wala naman akong pakielam kung girlfriend niya si KZ Tandingan kasi bagay naman talaga sila. Parehong singer tsaka nakakakilig yung mga video nilang dalawa. Perfect Much nga kung baga. May concert nga pala siya, sana naman magreply na yung Polyeastrecords kasi baka maubusan ako ng ticket! Kailangan ko na siyang makita at makausap ng malapitan kasi yayakapin ko siya at magpapasalamat dahil isa siya sa inspirasyon ko kung bakit hanggang ngayon hindi ko iniiwan ang Musika. (to be continue, different post)
Jason Rondero. Maikli lang to kasi may sarili akong post tungkol sakanya dito. Si Jason yung Crush ko ngayon as in! Bassist siya ng Silent Santuary. (to be continue)
Mapunta naman tayo sa nag-iisang banda na pinafangirl ko ngayon. Baka lang isipin ninyo na ang mga kanta lang nila ang pinakikinggan ko, hindi po. Sila lang yung pinafangirl ko yung tipong updated sa lahat ng Gigs nila.
Silent Sanctuary. Imposibleng di mo to kilala. Ang mga kanta nila ang Nagpaiyak o Nagpaibig muli sayo. Nagsimula ko maging fangirl nila Year 2015 nung una ko silang makita. Sa totoo lang kasi yung kanta lang nila yung hinahangaan ko hindi yung mismong members. Pero nung nakita ko sila sa personal humanga na ko sa kanila. Ang lakas ng dating nila pag nasa stage sila. Tsaka lagging trending mga kanta nila kahit pinakaluma na. Yung music video nila na Ikaw Lamang yung pinaka unang video na napanuod ko sa Myx nung bata pa ko (wala pa si Jason Rondero sa banda noon). Doon ko din sila unang nakilala. Sa ngayon may umalis na isang miyembro ng banda (Chino). Ang lungkot lang wala pa kasi akong picture kasama nila tas ngayun kulang na.
So ayan. Ayan yung pakiramdam ko as fangirl hahaha ang haba ba? Inisa isa ko para ramdam ninyo.
Hindi naman sagabal sa pag-aaral ko noon kasi 2nd yr college tinigil ko yan dahil nagfocus ako sa pa-aaral. Mag-eend na ng 4th yr. nung bumalik ako at naging active. At ngayon na kahit may work na ko active padin ako. Naging hobby at libangan ko nalang din talaga.
Being a fan doesn’t mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end.
https://peculiarpola.wordpress.com/2017/03/09/fangirling
#fangirling#Music#fangirl#Kdrama#kpop#harrypotter#bitimerush#onedirect#jasonrondero#silentsanctuary#ppop#marcelosantos#tjmonterde#judesinahon#kimpoyfeliciano#jonasbrothers#thenakedbrothersband#justinbieber#chicser
1 note
·
View note